Tuesday, January 1, 2013

PARAFFLE 2


By: Mike Juha
Sa ilang linggo ko pa simula noong tumungtong ako sa eskwelahan na iyon, nalaman ko ang mga sikat na estudyante at guro sa campus. Maliban sa exclusive na grupo ng mga estudyanteng “Cool Guys, Inc.” na sinabi ni Fred, nalaman ko rin ang iba pang sikat sa campus gaya ng mga magagaling na varsity players ng basketball, mga pamatay sa honor’s list, mga matitinik na dancers, mga matitinding student leaders, etc.

At isa sa mga sikat na ito ay si Si Aljun Lachica. Campus crush at hinahangaan ng lahat. Paano ba naman, gwapo, matangkad, matalino, president ng student council, at sports-minded pati, magaling sa basketball, malakas ang dating, maganda ang PR, at regional champion pa sa lawn tennis. Para bang noong magsaboy ang Diyos sa mundo ng mga mgagandang katangian, siya ang nakasalo sa lahat ng mga ito. 

Bukambibig na ang pangalan na Aljun lalo na sa mga babaeng estudyante. Siya ang laman ng kanilang mga kwentuhan at bangkaan. Kaso, hindi siya kasali sa exclusive na grupong nagsponsor ng paraffle. Ang sabi ni Fred base sa narinig niyang tsismis, matagal na nirirecruit si Aljun ng grupo ngunit umaayaw lang ito gawa ng priority daw kasi niya ang pag-aaral at ang student council.

Pero, talbog ang karamihang myembro ng exclusive na grupo sa tindi talaga ng appeal ni Aljun. At napatunayan ko ito isang beses na nagmeeting kaming mga Liberal Arts students. Bago kami dinismiss ng aming dean, pinapaghintay pa kami at may sasabihin pa raw ang presidente ng student council na si Aljun nga. Hindi ko pa nakita ng personal si Aljun noon ngunit doon ko narealize kung gaano katindi ang kamandag niya sa mga babae noong ang isa sa kanila na kasama namin sa Liberal Arts ay nagtatakbong pumasok ng room galing CR, at nagsisigaw. “Nand’yan na siya! Nad’yan na siya!” At nagsimulang magtitili na ang mga babae na mistulang pinagssaniban ng masasamang espiritu. At noong makarating naman sa bungad ng pintuan si Aljun, bigla rin silang natahimik; iyon bang sa sobrang tahimik ay tila marinig mo pa ang ingay ng isang karayom na nalaglag sa sahig. Nangingiti-ngiti na lang kaming mga lalaki. 


Pero, sa sarili ko lang, talagang makalaglag-panty at brief ang kapogian ni Aljun. Pati mga lalaki kong ka-klase ay napahanga din sa kanya, di lang dahil sa matinding appeal niya kundi pati na rin sa kanyang talino at kabaitan at pagdala sa sarili. Chest out, confident na confident, cool kahit pinuputakte ng mga tanong na minsan ay nakakainis ngunit nakangiti pa rin... Ang ganda pa ng hubog ng katawan! Syempre, pati ako ay nabighani.

Kahit nga sa meeting na iyon bago siya nagsalita, may mga narinig akong mga estudyanteng antagonista na putak ng putak, reklamo ng reklamo. Noong magsalita na si Aljun at pinagtutulungan nila ng mga tanong, cool pa rin ang dating at ang ganda ng explanations na diplomatic ang dating, walang mkikitang bahid na pagkagalit. At imbes na aawayin pa nila siya, wala silang magawa kasi, hindi naman nagalit iyong tao sa kanila at sila ang nagmukhang kontrabida. Para tuloy silang nabusalan. At simula noon, iyong mga reklamador na na iyon ay naging masugid na niyang taga-suporta. 

Ganyan kalakas ang karisma at kamandag ni Aljun. Ang mga babae at bakla ay nababaliw at ang mga kalaban sa politika naging kakampi.

Alam ko, marami ang naloloko sa kanya – babae, bakla, at may ibang mga lalaki na rin sigurong nalilito na sa kanilang sekswalidad dahil kay Aljun. At ewan ko rin ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit nakisawsaw pa ako sa mga naaattract sa kanya. I’m sure naman kasi na hindi lalaki ang gusto niya kundi babae… at sigurado din ako, marami ang nakapila sa kanya.

May isang beses, nagkasabay kami sa CR. Nauna akong umihi at noong nilingon ko ang tumabi sa akin, hala... siya pala. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Ngunit nagkunyari pa rin akong dedma lang sa kanya, nakatutok ang utak sa pag-iihi. At pinauna ko talaga siyang matapos. Noong naghugas na ng kamay, sinundan ko siya, naghugas din ako ngunit dedma pa rin ako kunyari. Pareho kaming nakaharap sa salamin tinitingnan ko kung may dumi ang mukha ko bagamat sa kanya nakafocus ang aking atensyon. 

Noong nilingon ko siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. At aba... tumango siya sa akin at pinakawalan ang isang ngiti, sabay labas ng cr at dere-deretso na. 

“Waaaahhh! Ano iyon?” Tanong ko sa sarili habang hindi ko lubos maintindihan ang sobrang pagkabog ng aking dibdib. 

Sinundan ko siya. Ngunit mabilis siyang nakalayo. 

Isang buwan ang nakalipas at ginanap na ang pinakahihintay na paraffle, sa gymnasium ng eskwelahan kung saan ito ang ginawang highlight sa disco na iniisponsoran din ng nasabing grupo. 

Masaya ang sayawan at punong-puno ng mga balloons at iba pang mga palamuti ang lugar. Ang stage naman ay may dekorasyon at sa gitna ay may nakasulat na – Cool Guys, Inc. at ang tema nilang, “Magpapansin sa pagtulong!”

Maraming professors at administrators di ang ang nag-attend. May mga raffle tickets din pala ang mga ito. Game na game din sila kumbaga. At ang nakakaaliw ay ang isang dalagang professor namin na malapit din sa mga estudyante bagamat mahigit 50 na ang edad. Noong biniro namin na kung ano ang gagawin niya sa lalaki kapag nanalo siya, ang sagot niya ay, “Siya na lang ang tanungin ninyo kung ano ang gagawin niya sa sariwa at wala pang kamuwang-muwang kong kagandahan! I’m ready! Overripe na nga lang pero, uhmmmm, may asim pa rin!!” Tawanan kaming lahat.

Alam naman namin na nandoon lang ang mga faculty at administrators na iyon upang magbigay suporta sa fund raising ng grupo. Yearly na kasing ginagawa nila ang activity na iyon kaya hindi na naiilang o naninibago pa ang mga tao. Noong nakaraang taon nga daw, may nanalo ding professor na babae at ang ginawa niya ay pinaraffle din niya sa kanyang mga estudyante ang lalaking napanalunan upang ibigay ito. Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante.

At sikat na din sa buong syudad ang tradisyon na ito ng grupo. Maliban kasi sa pagtulong, ang isang side advocacy nila ay ang healthy lifestyle. Habang ipinapakita nila ang kanilang mga magagamdang katawan, ipinaalala nila sa mga tao, lalo na sa kabataan ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalusugan at pag-iingat sa katawan. At ipinakita nila sa kanilang mg sarili ang resulta ng desiplina, exercise, at maingat na nutrisyon. Kaya maraming humahanga sa kanila. Tambak din ang gustong sumali. Iyon nga lang, marami din ang hindi pumasa dahil kulang sa desiplina. Six months kasi ang pre-qualification/initiation na dapat naggigym ang applicant, nagpapaganda ng katawan at within 6 months ay dapat na may maipakitang improvement. Kapag pasado na, makapasok na sa grupo at patuloy pa rin ang regimen ng desiplilna, healthy lifestyle, at pagmaintain sa isang well-built at physically-fit na katawan dahil kung hindi niya ma maintain ito, tatanggalin siya sa grupo.

Anyway, may sampung give-away prizes ang pasiunang niraffle. Natatawa ako dahil mga alagang hayop pala ang mga give-aways. Ang una ay isang daga, pagkatapos ay love birds, parrot, aquarium fish, pusa, aso, may isang sawa, hanggang sa nag inannounce na ang mga major prizes. Syempre, ang mga lalaki na iyon.

Isa-isang nagsilabasan ang mga nasabing papremyong mga lalaki na nag catwalk muna sa ginawa nilang rampa na parang mga modelo. 

Nagsimula nang magtilian at maghiyawan ang mga tao.

Pagkatapos ng kanilang rampa, isa-isa rin silang nagsibalikan sa likod ng stage. 

Natahimik ang mga tao. Tinawag na ang pinakaunang papremyo.

Lumabas ang nakahubad pang-itaas na papremyo boy, ang jeans na puti ay kumpletong nakabutones pa with matching itim na belt na tamang-tamang lapat na lapat lamang sa walang kataba-tabang waistline. Nakapaa. 

Nanluluwa naman ang mata ng mga kababaihan at kabaklaan sa ganda ng walang saplot na pang-itaaas na katawan at ang bato-batong muscles at mga hugis pandesal na abs. In fairness, maganda talaga. May taas na 5’9, maputi, clean-cut. May hitsura.

Nakakabingi ang palakpakan, hiyawan at sipulan ng mga tao.

Tumungo siya sa harap ng stage at nagsalita, “Ako po ay si Alvin, 19 years old, at nasa third year ng kursong Information Technology. Ang expertise ko po ay ang tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa akin, maari po niya akong paggitrarahin, haranahan siya, o kung sino mang iuutos niyang puwedeng haranahin ko. 

Palakpakan uli ang mga tao. Hiyawan, sipulan. 

Pagkatapos ay tumayo siyang naka military “tikas hinga”.

Tinawag ang isang administrator ng college upang hugutin ang winning number. Inannounce ito at noong makumpleto ang pagbigkas sa lahat ng digits, isang bakla na naglupasay sa tuwa. 

Palakpakan at hiyawan ang lahat. Wala namang sinayang na oras ang maswerteng estudyante at nagtatakbo itong papunta sa stage at noong makaakyat na, agad-agad ding pinapirma sa kontrata, at pagkatapos ay ipinosas ang tig-iisang kamay nila ng papremyo boy atsaka ibinigay sa kanya ang susi, pahiwatig na nakatali na at pag-aari na niya sa loob ng 365 hours ang binatang napanalunan.

Agad silang bumaba ng stage, magkadikit ang mga katawan gawa ng pagkaposas sa kanila. 

Tinawag ang sunod na papremyo. Naka-hubad ding pang-itaas at kagaya ng naunang papremyo boy, hindi din papadaig ito sa kaseksihan ng katawan. Makisig, may magandang ngiti, may 5’10 ang taas.

Hiyawan uli ang audience. Sipulan, plakpakan.

“Ako po si Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong mechanical engineering. Ang expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakuha sa akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo kakantahan habang marahang hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang likod...”

Hiyawan uli ang mga tao. Sipulan palakpakan. 

Humugot muli ng number ang isang administrator at binasa ito. Isang grupo naman ng kababaehan ang matinding naghihiyawan habang ang isang barkada nila na siyang nanalo nahihiya at mistulang nagtatago. Pinilit nilang hilahin siya patungong stage. At noong nasa stage na, hindi naman magkamayaw ito sa pagyuyuko at pagtatakip ng mukha dahil sa matinding hiya.

Muli pinapirma siya ng kontrata at pagkatapos ay pinosasan.

Sunod na papremyong tinawag ay ganoon din ang pormang nakahubad pang-itaas. At kagaya noong dalawang mga naungang papremyo, hindi rin ito patatalbog sa ganda ng katawan, tangkad at kapogian.

“My name is Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong kumersyo. May paalala lang po ako sa sinu mang makakuha sa akin, please handle me with care. Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched, never been kissed and never been damaged. Noong sumali po ako sa cool guys, inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit wala pong problema dahil kapag hindi po siya masarapan sa niluto ko, pwede pong ako na lang ang kanyang papakin. D’yan po... nakakasiguro po ako, na masarap po ang templada ko...”

Grabe, halos hindi matapos-tapos ang hiyawan at palakpakan ng mag tao. Lalo na sa dating ng pangatlong papremyo na mukhang inosente talaga, babay-face, at kung titingnan mo ay parang hindi makabasag-pinggan. Lalo tuloy nag-iinit ang mga audience at mistulang nagwawala na ang mga ito.

“Huh! Grabe!’ sambit ko sa aking kaibigan. Nakakaaliw pala ang mga activity ng grupong ito. Ang saya-saya pa! At nakakapag-init ng katawan”

“Sabi ko na sa iyo eh!” sagot ng best friend ko.

So iyon ang mga banat ng mga papremyo boys. Mga witty, nakakaaliw, nakakapag-init bagamat puro lang naman biro ang lahat. 

Euphoric talaga ang audience sa bawat paglabas ng mg papremyo boys. Nagwawala, parang sinasaniban ang lahat sa magkahalong kaseksihan nila at pagka-witty at may bahid panunuksong mga salita.

Subalit doon na sobrang nagwala ang audience noong ipinakilala na ang jackpot prize. “Ladies and gentlemen! It is cool guys, inc’s privilege that this year we were able to convince one the most sought-after bachelor of this planet to be our top prize boy. It a great honor to introduce to you, Mr. Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaa!! Wooooohhhhhhh!!

Halos babagsak ang bubong ng gymansium kung saan ginanap ang activity sa lakas ng hiyawan ang palakpakan ng audience. At lalo na noong lumabas na si Aljun.

Noong nasa gitna na ito ng stage, dahan-dahang tinanggal niya ang kanyang t-shirt noong tumambad ang kanyang pang-itaas na katawan, nakakabingi ang ingay ng audience. Itinapon ni aljun ang kanyang t-shirt sa mga tao at lalong nagkakagulo at naghihiyawan.

Pagkatapos niyang maitapon ang t-shirt, dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kanyang belt. 

Hiyawan uli ang mga tao.

Noong tuluyang matangagl na ito, inihagis din niya ito sa mga tao.

At doon na nagsisigaw na parang nagdedeliryo ang mga tao noong game na game nitong ibinaba ang zipper ng kanyang maong pants, sapat upang tumambad ang kanyang puting brief at ang kanyang bukol. 

Grabe ang ingay. Parang sumabog ang buong gymnasium sa lakas ng tili at palakpakan ngmga tao. 

Rumampa si Aljun na patuloy pa ring nanunukso. Habang binaybay niya ang rampa, nandyang isiksik niya ang kamay niya sa ilalim ng brief na para bang inayos ang kanyang pagkalalaki. Nandyan iyong hihimasin niya ang kanyang dibdib pababa sa kanyang abs at harapan, at ang nakakabaliw niyang ginawa bago bumalik sa likod ng stage ay isinukbit niya ang isang kamay sa ilalim ng kanyang brief, habang ang isang kamay ay itinaas sa kanyang bibig at nilawayan ito. At noong malawayan na, ang mga daliring nilawayan ay inihimas-himas niya sa kanyang utong, sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti at nanunuksong tingin.

Grabe talaga ang hiyawan. “Aljun1 aljun! Aljun! Aljun!” 

Hanggang sa nakalabas na ng stage si Aljun at dumeretso sa likod nito kung nasaan ang dressing room.

“Thank you Aljun! You will have more of Aljun when we come back. Maestro... music pleaseeeee!!!” ang sigaw ng emcee pahiwatig na ituloy muna ang disco bago ang final raffle para sa jackpot prize.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...