Monday, November 27, 2017

BLIND ITEM 1

By: Papa Papa

“Lights…, Camera…, Action!”

PAPA HUNK ACTOR. ‘Yan ang bansag sa isang kilalang-kilalang showbiz personality. Isa siyang award winning actor, recording artist, product endorser at maging isang movie producer na rin. Isa rin siyang tri-athlete, trekker at scuba-diver. Pawang may pagka-versatile pala ang bida ng ating kwento. Wala ring ipagkakaila na isa siya sa pinakagwapong mukha sa larangan ng entertainment industry. Mas naging super papabol pa siya ngayon nang lalong lumake at humubog ang katawan sa halos araw-araw na pageensayo bilang paghahanda sa nalalapit na fun run kung saan siya ang napiling endorser ng isang insurance company.

Ngayon ay kasalukuyan siyang tumatakbo sa may tinatawag na Sunken Garden ng isang tanyag na unibersidad. Pawis na pawis dahil sa naka ilang ikot na at minabuting tumungo na sa kanyang magarang sasakyan upang makainom. Pagdating ay inabot agad ng kanyang driver ang water jug na may laman na likidong kulay berde. Nasimot niya lahat hanggang sa huling patak dulot ng matinding pagkauhaw.

Mukhang di pa nakuntento sa kanyang pageensayo kung kaya inutusan ang kanyang driver na magtungo sila ngayon sa isang sports complex na di kalayuan sa ginagamit na gym. Pagkarating ay pinasok nila ang gate kung saan anduon ang swimming pool na madalas paggamitan ng mga atleta. Huminto ang sasakyan sa malawak na parkingan pero bago pa man makababa si Papa Hunk Actor ay kinausap muna ito ng kanyang driver upang makapagpaalam. Buntis kasi ang misis nito at malapit nang manganak. Naunawaan naman ang sitwasyon ni Papa Hunk Actor kaya agad naman siyang pumayag. Binigyan pa ng pera ang driver upang makabili na ito ng ticket na pamasahe at inutusang balikan na lamang siya muli pagkatapos. Balak pa kasi niyang kausapin ang admin office ukol sa pagrerenta ng facilities dito. Isang kapwa celebrity hunk din ang nagpayo sa kanya na pwedeng rentahan ng pribado ang nasabing pool. Matapos ang maikling usapan ay bumaba na rin si Papa Hunk Actor at umalis na rin ang driver dala ang kanyang magarang sasakyan.

Pagkababa pa lang ay agad naman niyang natanaw ang isang matandang lalake habang naglalakad ito na may buhat buhat na puting pusa at hinahaplos-haplos pa ang ulo nito. Napangiti si Papa Hunk Actor sa nakita at lumapit siya upang makapagtanong. Nakita rin siya ng matandang lalake habang papalapit at kitang-kita sa mukha nito ang pagkaka-starstrucked sa artista.

Pi…Pi…Papa…Papa…PapaPapa…!!!, nauutal ang pagkabigkas ng matandang lalake.

BLIND ITEM PROLOGUE

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...