By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Hindi ko malaman kong anu ang gagawin, animo'y napako ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanila. Ngunit pilit kong nilabanan ang kalagayan kong iyon kaya habang busy si Bubble at Chris sa kumustahan ay dali dali akong nag excuse.
AKO: "pare excuse me lang ah? CR lang" sabi ko kay gio
GIO: "cge pare, balik agad ah"..hehehe"
Halos patakbo kong tinungo ang comfort room at doon ay nakaharap ako sa salaming nag-iiiyak.
AKO: "bakit?....bakit ganito ang nararamdaman ko?...bakit kapa bumalik" humahagulgol kong sabi sa sarili ko.
Para walang makapansin sa akin ay pumasok ako sa isang cubicle doon at nilock ko ang pinto at walang habas na nagiiiyak.
AKO: "hindi to maaari, hindi ko to dapat na maramdaman.. mahal ko si Bubble at iyon lang dapat ang isipin ko" pilit kong pagtataboy sa kasalukuyang nararamdaman ko ng makita ko si Chris
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nag-iiiyak sa banyo. Pero maya-maya ay nadinig ko ang isang pamilyar na boses.
BUBBLE: "Lando?... Lando andito kaba?"






