Saturday, June 1, 2013

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 11

by: Mikejuha
Nagulat sila mama at papa sa pagsigaw ko, at pati na rin si Kris, kitang kita ko ang pagkagulat niya. 

“Shut up Jason!” sigaw ni papa sa akin. “Konting respeto naman sa bisita natin!”

“Hindi naman iyan ang sinabi ni Kuya Romwel sa akin eh!” ang pangangatuwiran ko. “Nagtitext po sa akinsi Kuya at wala siyang sinabing ganoon!”

Ngunit hindi pinakinggan ni papa ang pangangatuwiran kong iyon. “Go to your room Jason! Now!” utos niya.

Sa inis, padabog akong umakyat sa kwarto ko at noong nasa loob na, agad kong tinawagan si Kuya Romwel. “Kuya, nandito si Kris, magpapakasal ka daw sa kanya?” and diretsahang tanong ko, mataas ang boses gawa ng aking pagka-inis.

“Hindi Tol… wala akong sinabing ganyan sa kanya. Maki-sakay ka nalang sa drama ni Kris, OK? Huwag kang mag-alala, di ako magpakasal sa kanya.”

“Promise Kuya ah…!” ang paniniguro ko.

“Promise iyan Tol. Walang kasalang magaganap.”

Tila lumambot naman ang aking puso sa narinig. At naging panatag ang loob ko sa pahayag niyang iyon. Kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap kahit na ano pa ang pag-uusapan nila. Tutal, kahit ilang beses pa silang magplano at kahit gaano pa kaganda ang plano nila kung ang tao mismo na ikakasal daw ay ayaw naman pala, wala ding mangyari. “Sige… magplano kayo ng magplano dyan!” ang sabi ko na lang sa sarili.

Pagkatapos nilang mag-usap at nakaalis na si Kris, pumasok si mama sa kuwarto ko. Tinanong ko siya kung ano ang pinag-usapan nila.

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 17

Who was this man, really? Iyon ang tanong na nag-uumukilkil sa isip ni Gboi. Kanina habang nakikipaghabulan sila sa daan hanggang sa tulay ay halos kalmado lang ito. He knows killer stance when he sees one. At nakita niyang lahat iyon kay Pancho. Parang natural na lamang dito ang bumaril at magpatama ng bala sa katawan ng kalaban. Hindi niya mapigilang mangilabot sa naisip. Dapat pa siyang magtiwala dito?

Napalakas yata ang bugha niya ng hangin. Nakakunot-noong tiningnan siya ni Pancho. 

"Anong problema?" tanong nito.

"Wala. Naisip ko lang yung nangyari kanina."

"Alin duon?"

"Yung pakikipaghabulan natin, ano ka ba?" takang tanong niya.

"Ah, akala ko yung halikan natin pagkatapos nun." pilyong sabi nito.

Umingos siya. "Sira-ulo. Iyon pa ang naisip mo pagkatapos ng nangyari. Muntik na tayong mamatay kanina ah."

IDOL KO SI SIR 3 (BOOK 2)

Author: Michael Juha
“Anong ginawa nya jan sa taas? Bakit kasi...” paninisi ko.

“Nag-harvest ng tuba... Wala yan, wag kang mag-alala.”

“Nakatingin pa ba sya sa atin?”

“Hindi na. Pababa na sa puno... at uuwi na yan” sagot ni Sir James

“Nakita nya tayo, ano?”

“Malamang.... Pero, wag ka ngang mag-alala. Mabait yang si Anton. At kung nakita man nya tayong naghalikan, di nya ipagsasabi iyon.” Pag-eexplain nya, naka-akyat na muli sa batong inuupuan namin, basang-basa ang saplot sa katawan.

“Ganun lang? Di ka natatakot?”

“Bakit ako matatakot? Isa pa, kung nakita man tayo, e... ano ngayon? Wala na tayong magawa, diba? Tapus na yun. Kaya, cool ka lang.” paniguro nya. Nung makalapit na sa akin bigla nya akong itinulak dahilan upang malaglag ako sa tubig.

“James! Loko ka ha!” at tumalon na rin sya at lumangoy papalayo. Naghabulan kami sa tubig hanggang sa mapagod, nakatayo lang sa parteng ang lalim ay hanggang leeg. Niyakap nya ako, hinalikan. Naghihipuan kami ng mga maseselang parte ng katawan namin... Hanggang sa malasap naming muli ang sarap ng aming pagmamahal. Nakaraos din kami sa tubig, abot-langit ang nadaramang kasiyahan.

Ngunit sa kabila ng kasiyahang nadama, sumisiksik pa rin sa utak ko ang pagpasok ni Anton sa eksenang iyon. Kinakabahan ako na baka ipagsasabi nya at malaman ng buong pamilya – nina Tatay Nando At Nanay Narsing at ang panganay na si Maritess ang ginawa namin ni Sir James.

PARAFFLE 5


By: Mike Juha
Kumuha ako ng hotdog sa ref, at ipinirito ang mga iyon. Nagprito na rin ako ng itlog. Isusunod ko na sana ang pagprito ng kanin noong sa likod ko ay, “Ako na ang magpatuloy niyan, Boss...”

Napalingon akong bigla. Nasa likod ko na pala siya. “Syetttt!” Sigaw na naman ng isip ko. Nakabrief lang siya at bakat na bakat ang malaking bulol sa kanyang harapan. Marahil ay tinigasan din siya habang nagising at hindi pa ito humupa. Napakaganda ng kanyang tindig, hunk na hunk at perfect ang proportion ng kanyang katawan. Nakakalibog! 

“Huwag mo akong titigan boss! Matutunaw ako niyan!” ang dugtong niya noong mapansing natulala na ako.

“G-ginulat mo ako ah!” ang sambit ko na lang. “Kanina ka pa ba d’yan?”

“Ngayon lang, kagigising ko lang po. Naamoy ko ang niluto mo at nahiya naman ako. Sorry, hehehe. Nagulat kita.”

“Ok lang… Kala ko may multo” Biro ko din. “Musta ang kalasingnan mo? Walang hang-over?”

“Masakit ang ulo at katawan ngunit ok lang. Kaya ko pa naman.” Ang sagot niya. “Ako na d’yan. Maligo ka na.” dugtong niya sabay tumbok sa kaldero at sinandok ang laman niyon, inilagay sa malaking bandihadong inihanda ko na. 

“Ako na...” ang pagtutol ko. “Maligo ka na at hintaying matapos ako sa paghanda ng almusal atska sabay na tayong kumain. Malapit na ito.”

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...