Monday, March 13, 2017

TASK FORCE ENIGMA 10

By: Dalisay
"MAGKAKAROON ng sikretong drug shipment sa parking lot na ito. Isa sa mga sasakyang diyan ang lalapitan ng bago nilang courier. Ilalagay lang daw iyon sa trunk ng kotse at aalis na. Ang tanging tip na nakuha natin ay isang luxury car ang mode of transport nila, so look-out for a suspicious expensive vehicle. I-under surveillance na rin ninyo ang buong area as early as two days kung sino-sino ang nagpa-park doon. Are we clear?" mahabang wika ni Rick sa mga kasamahan nila.

"Yes Sir!" 

"Pare, what do you mean? We have to tail all of the luxury vehicles na lalabas sa parking-lot na iyan?" tanong ni Rovi sa team-leader nilang si Rick.

"Yes. Then afterwards, i-tse-check natin ang sasakyan by giving them a surprise check. May search warrant tayo para sa gagawin natin so don't worry. Makiki-coordinate rin ang police sa paligid with regard to this. Remember, this is top secret. Kapag lumabas ang bagay na ito ay malilintikan tayo sa taas. Kailangang mahuli natin ang lahat ng tao ni Park Gyul Ho." paalala ni Rick.

"Sure Pare. Kailan ba tayo nagkaroon ng hit na pumalpak?" sabi ni Cody na nakaupo sa isang sulok at kinukutkot ang kuko. Binato ito ng bote ng mineral ni Rick na agad nitong naiwasan.

"Ang yabang mo Unabia. Eh mag-aabang ka lang naman ng isang magmamadaling sasakyan at aasintahin ang gulong nito." sabi ni Rick dito.

"Ungas ka. Ang hirap kayang mamaril ng gumagalaw na target. Kahit itanong mo kay B1." tumatawang sabi ni Cody.

"Anong kinalaman ko diyan B2? Nananahimik ako dito." sagot ni Rovi sa kaibigan.

"Timang. Ikaw lang karugtong at ka-wavelength ng utak ko rito kaya makisama ka!" natatawang sagot nito sabay bato ng dinampot na bote ng mineral.

Sinalo niya iyon at iinukol ulit dito. " Baliw, di butas ang utak ko kagaya mo."

PARAFFLE 20



By: Mike Juha


Parang perpekto na ang buhay ko. Pati ang mga estudyante sa unibersidad ay masaya na ring nakabalik na ang idolo nilang si Aljun sa posisyon bilang presidente ng student council. At hindi lang iyan, karamihan sa kanila ay aktibong sumuporta sa aming love team. Kahit mga lalaki, mga babae, karamihan ay aktibong sumuporta din. Marahil ay dahil iyon sa sobrang kabaitan ni Aljun kaya kahit nalaman nilang ako na isang lalaki din ang minahal niya, wala silang paki, at iniidolo pa rin nila siya. Totoo nga ang sinabi nilang kapag pinanindigan mo ang isang bagay lalo na kapag ito ay mahirap gawin, dito mo masusukat kung sino ang mga taong totoong nagmahal sa iyo. 

May mga bumabatikos din, syempre. Hindi naman nawawala iyon, sa ganoong klaseng relasyon ba naman na hindi normal na nakikita ng mga tao, at sa katulad pa naming parehong hindi naman bakla kung pumorma. Ngunit ang mga grupong ito ay hindi lantarang nagsasalita. Marahil ay takot na uulanin ng batikos sa mga die-hard na taga suporta ni Aljun at lalo na sa grupo ni Fred. 

Pero ayaw ko na ring pansinin sila kapag may narinig ako. Naisip ko kasi, hindi naman nila maibibigay ang kaligayahang hinahanap ko sa buhay. 

Dahil dito, naisip kong baka hindi naman talaga totoo ang sumpa. Wala nang balakid sa aming pagmamahalan ni Aljun, naintindihan kami ng mga tao, wala na si Giselle, at si Emma ay nasa Canada na. At higit sa lahat, tanggap kami ng aming mga magulang. “Sana ganito na lang... Sana wala nang hahadlang pa sa aming pagmamahalan.” Ang nasabi ko sa aking sarili.

LANCE NA LANG PARA POGI 12

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Ilang linggo akong nanatili sa ospital na iyon. Napakabait ni Lola Gloria ngunit ang ipinagtataka ko lang ay sa tuwing magtatanong ako tungkol sa nakaraan ko ay iniiba niya ang usapan.

DOCTOR: "Congratulations iho, pwedeng pwede ka nang umuwi sa inyo. Dadaan ka muna sa iba pang series of test bago masimulan ang treatment regimen para sa amnesia mo"

AKO: "salamat po doc, eh sa bait ba naman po ng lola ko, sigurado akong lahat ng mga alaala ko ay pawang masasaya" sabay ngiti

LOLA GLORIA: "Apo excited ka na bang umuwi sa atin?" sabay himas sa ulo ko

AKO: "Opo Lola"

Kinabukasan ng umaga ay pinayagan na akong ma discharge sa hospital at ipagpatuloy nalang ang treatment ko sa tacloban. Hindi ko alam na planado na pala lahat ni Lola, nung araw na din iyon pala ang flight namin pauwi ng Tacloban city.

Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam kong iwanan ang lugar na ito. Pero animoy wala naman akong choice kaya hinayaan ko na din si Lola na iuwi ako sa probinsiya.

Kulang kulang isang oras ang naging biyahe namin sa eroplano bago kami nakarating ng Tacloban. Pagdating namin sa airport ay naroon ang dalawang lalaking naka uniporme ng puting polo at agad na lumapit sa amin at pinagbuksan kami ng payong patungo sa Van ang isa naman ay kinuha ang mga bagaheng dala dala namin.

AKO: "Lola pati din po dito ay wala akong maalala, di ko na din po matandaan ang lugar na ito"

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...