Saturday, June 30, 2012

TOL... I LOVE YOU 8

By: Mikejuha
Simula noon, balik na naman ang pagiging close namin ni Lito. Ang kinikimkim kong galit sa kanya ay nadaig ng matinding awa. “Sino ba ako upang hindi magpatawad…” Tanong ko sa sarili, lalo na kung nakikita mo naman na ang taong nagkasala sa iyo ay taos-puso at tapat na nanghingi nito. Alam ko, abot-langit ang pagsisisi niya sa nagawa niyang kasalanan sa akin. Alam ko rin na sobrang bigat ang pinapasan niya sa buhay hindi lang dahil sa guilt na nadarama, nad’yan din ang problemang ng hirap ng pagtanggap sa sarili sa pagkatuklas sa naiiba niyang pagkatao, at nad’yan pa iyong sama ng loob niya sa pagkadiskubreng ampon lang siya. At isa pa, ayokong magiging isa sa dahilan kung sakaling maisipan man niyang muli ang kitilin ang sariling buhay. At syempre, ayoko ring masira ang respeto ng mga magulang niya sa akin na kung saan ay tunay na anak na rin ang turing sa akin, sa laki rin ba naman ng na utang loob ko sa kanila. Kaya, minabuti kong kalimutan na lang ang kasalanang nagawa ng kaibigan ko sa akin. “Ang kasalanan lang naman niya siguro ay minahal niya ako, at hindi niya kayang ma-kontrol ang sarili…” sabi ko na lang sa sarili.

So, balik-close at magkaibigan uli kami; may kaibahan na nga lang. Sa pagkakataong iyon ay sa side ko, may kaunting pagkailang dahil sumisiksik sa utak kong may kakaibang naramdaman siya para sa akin. Kahit mahal ko naman talaga ang kaibigan bilang isang kaibigan at bilang turing-kapatid na rin, ang nangigibabaw sa akin ay awa na lang para sa kanya. Ngunit hindi ko ipinahalata ang lahat. Ayokong isipin niya na may nagbago sa akin at masaktan uli siya. 

Kaya, balik uli kami sa laging pagsasama sa school, sa mga gimmick, ang harutan, ang kantyawan, biruan. 

Ngunit, may napansin din akong iba sa mga galaw niya. Hindi ko na nakita pa ang dating natural na saya sa mukha niya. Parang may kulang ito, may pagkukunwari. Oo, nagtatawanan kami, naghaharutan, nagbibiruan, ngunit may mga pagkakataon ding bigla na lamang itong umiiwas, nawawala sa samahan, at makikita ko na lang na nag-iisa ito, nagmumukmok sa isang sulok, malungkot, at malalim ang iniisip.

Isang araw, noong mapansin kong bigla na lamang itong nawala sa umpukan naming magkaklase, hinanap ko siya; nahanap ko sa likod ng building ng campus, sa may mini-park nito, nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng akasya, nag-iisa, naka-earphone. Nakatalikod siya sa akin at sa kagustuhang sorpresahin sana siya, dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Nagulat siya noong nakita niyang nakaupo na ako sa tabi niya. Excited pa naman ako na nahanap ko siya. Ngunit noong magkasalubong ang aming mga tingin, pansin ko ang malungkot niyang mukha at ang mga namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Ngumiti siya ng bahagya, “Ikaw pala, tol… ginulat mo ako ah.” ang sambit niya sabay lingon sa malayo at dali-daling hindi pinapahalata ang pagpahid ng mga kamay niya sa mga luhang pinipigilan niyang huwag dumaloy sa kanyang mukha.

Kunyari hindi ko napansin iyon. “Ba’t iniwanan mo ako sa umpukan natin?” ang tanong ko.

Yumuko siya, tila nahihiyang mapansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “W-wala… may naisip lang ako, at gusto ko ring mag-music tripping.” ang sagot niya.

Ngunit naramdaman kong hindi siya nagsabi ng totoo. Hinawakan ko ang panga niya at iniharap ang mukha niya sa akin. “Tingnan mo nga ako tol?” sabi ko. “Hindi ka nagsabi ng totoo e. Ano ba talaga ang dahilan?” pangungulit ko.

Kinabig niya ang kamay ko sa panga niya at yumuko uli. Natahimik siya sandali. “Wala naman din akong interest sa mga bangkaan. Nag-uusap kayo, mga babae, mga magagandang babaeng trip ninyo dito sa campus, nagkakatyawan na baka bakla si ganire, si ganito… Pakiramdam ko, ako ang pinapatamaan nila e…”

Bahagyang nagulat naman ako sa sinabi niya. “Ito naman o… Huwag mo namang bigyan ng masamang kahulugan ang mga sinasabi nila. Walang bahid patama ang mga bangkaan namin, alam ko yan. Ganoon naman talaga ang mga kaklase nating iyon dati pa, di ba? Malakas mang-asar…” ang pag-takip ko na lang. 

“Hindi tol… sa tingin ko, ako ang pinapatamaan nila e.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, tol… Ito naman, o. Sobrang sensitive mo naman.” Ang nasabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko lang, pakiwari ko ay naramdaman ko rin ang kahirap ng katayuan niya. “Malalampasan mo rin iyan tol. Either mawala din sa iyo iyan, o matatanggap mo rin ang lahat ng iyan” dugtong ko.

Hindi na siya kumibo. Binitiwan lang niya ang isang malalim na buntong-hininga at tumingin na sa malayo. Marahil ay nasabi na lang niya sa sarili na, “Nasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko”

Sa kagustuhan kong sumaya ang mood niya, iniba ko ang usapan. “Hey… ano bang kanta iyang pinapakinggan mo, tol…” Ang naitanong ko, tukoy sa pinakinggang sound sa earphone niya. “Pakinig mo naman sa akin.”

Pansin kong nag-aalangan siya, ngunit tinanggal din niya ang earphones sa tenga niya at iniabot ang mga ito sa akin. “Paborito kong music iyan, Tol…” sabi niya.

tinanggap ko ang mga ito at inilagay sa aking mga tenga. At habang pinakinggan ang tugtog, yumuko naman siya, tila nahihiya sa magiging reaksyon ko -

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

At nakita ko na lang ang sariling imbes na ako ang magpapasaya sa kanya, naramdaman kong gumapang sa katawan ko ang lungkot, o awa sa kanya. Pakiwari ko ay kinurot ang puso ko sa narinig. Noong matapos kong pakinggan ang kanta, tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at iniabot ko uli iyon sa kanya. Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tinitigan ko siya, may bahid na pagkaawa ang aking mga mata, nakikisimpatiya sa kanyang naramdaman. “Hindi mo pa rin ba ako kayang malimutan?”

Nanatili pa rin siyang nakayuko, ang mga tingin ay napakalalim, at ang mga kamay ay wala sa isip na inilalaro sa mga damong naka-usli sa may harapan ng inuupuan niya. At napansin ko na lang ang mga luhang pumatak sa damuhan ding iyon. “Kung kaya ko pa lang sana tol… wala na sanang problema” ang maikling sagot niya.

Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na lang ang paningin sa malayo, nag-iisip kung paano ko siya matutulungan sa kanyang kalagayan.

“Ngunit huwag kang mag-alala, tol… dahil tanggap ko naman na hindi mo ako pweding mahalin eh. Kaya, kaya…” hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil sa tuluyan nang nag crack ang boses niya.

Nanatili pa rin akong nakayuko, hinayaan siyang ipalabas niya angkanyang saloobin.

Pilit niyang ipinagpatuloy ang mga salitang gustong kumawala sa bibig niya. “… kaya hayaan mo na lang akong sa kantang iyan ko damhin ang pagmamahal ko sa iyo. Sa kantang iyan, ramdam kong mahal mo din ako, na masaya tayo, na kaya mong gawin ang lahat para sa akin. D’yan ko na lang naipapalabas ang lahat, ini-imagine na nand’yn ka, aking-akin, na mahal mo rin ako at napaka-swerte ko dahil ikaw ang pinili at tinibok ng puso kahit pa man alam kong hindi pwedeng mangyari ito.” At humagulgol na siya. “Para akong baliw, tol… nagpapantasya, nangangarap, na sana nasa ibang mundo ako at totoong nangyari ang mga sinasabi ng kantang iyan sa akin; na doon ‘Lucky’ nga ako.” Tukoy niya sa pamagat din ng kanta.

Hindi ko lubusang maintindihan ang tunay na naramdaman sa tagpong iyon at kung ano ang gagawin upang maibsan ang paghihirap niya. Ang alam ko lang ay matinding pagkaawa ang bumalot sa pagkatao ko sa mga sandaling iyon. “Yakapin mo ako, tol kung iyan ang magpapagaan ng kalooban mo.” Ang nasabi ko na lang.

Ngunit hindi siya yumakap sa akin. Ang ginawa ko, umusog ako sa kanya at ako na ang yumakap dito. Bagamat naramdaman kong sumandal siya sa akin, dali-dali din siyang kumalas. “Huwag tol… ok na ako” ang sambit niya.

“B-bakit?” tanong ko ng naguluhan.

“May mga taong nakakakita. Ayokong lalo kang madamay sa mga problema ko, tol. Alam kong nagsakripisyo ka rin sa nangyari. Pati girlfriend mo, hiniwalayan ka na rin. Naawa ako sa iyo. Kaya OK lang ako, huwag mo akong intindihin.” Ang paliwanag niya.

Doon nagsimula ang pagkahabag ko sa kaibigan. At ito rin ang nagpatuliro sa isip ko dahil alam ko na isa ako sa solusyon sa dinadala niyang bigat na saloobin. Bagamat gusto kong tulungan siya, nahirapan din ako sa kalagayang hayan siya, hinahangad ang pag-ibig ko ngunit hindi ko naman matanggap na magkunyari sa kanya dahil babae ang hinahanap ko, babae ang gusto kong makarelasyon. “Paano naman ang kaligayahan ko?” tanong ko sa sarili.

Ngunit habang tumatagal ang ganoong set-up at nakikita ko ang kanyang paghihinagpis, lalo din akong tila nato-torture. Kaya naisipan ko na lang na kausapin si Lito. “Tol… total Friday ngayon, pwedeng doon ako matulog sa inyo?”

Kitang-kita ko naman ang bakas ng tuwa sa mukha niya. “Oo ba? Sure!”

“Inuman din tayo ha?”

“Iyon lang pala, sige!”

Alas syete ng gabi noong dumating ako sa bahay nila. Syempre, kasali ako sa dinner ng pamilya dahil noong malaman ng mga magulang ni Lito na aakyat ako ng dalaw, hinintay nila talagang makasali ako sa dinner. Kumustahan, kwentuhan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga magulang ni Lito sa akin. Bagkus pakiramdam ko ay lalo pa akong napamahal sa kanila.

“Kumusta ang pag-aaral, Warren?” tanong ng papa ni Lito sa akin.

“OK naman po…” ang maiksi kong sagot.

“Alam mo, Warren, madyo bumalik na rin ang magandang performance nitong kaibigan mo sa school. Sana tuloy-tuloy na ito. At sana huwag kang magbago ang pakikitungo mo kay Lito, Warren. Ikaw lang ang nagpapalakas ng loob niyan. Sana – “

“Uhum!” ang pag butt-in naman ni Lito, halatang hindi nagustuhan ni Lito ang sinasabi ng ina.

Tiningnan lang si Lito ng mama niya at nagpatuloy ito. “Sana patuloy mo siyang intindihin, aalalayan, suportahan…”

“Ma, it is not Warren’s responsibility to look after me. He has his own life and he can do whatever he wants with it. Huwag po ninyo siyang i-pressure sa akin. At huwag ninyong gawing kaawa-awa ang anak ninyo sa mata ng ibang tao!” ang mataas niyang boses, sabay tayo at alis sa hapag-kainan, hindi na magawang uminom. Tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor kung saan nandoon ang kwarto niya.

Bigala namang natulala kaming lahat, at hindi nakakibo.

“Ah… Ma, Pa, excuse me po, susundan ko lang po si Lito sa kuwarto niya.” Ang nasambit ko naman.

“S-sige hijo. Pasenya ka na ha? At ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kaibigan mo.” Sagot naman ng mama ni Lito.

Hindi naka-lock ang kwarto ni Lito kaya dire-deretso akong pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakatutuk ang mga mata sa kisame. “Tol… bat ka naman nag-walk out? Ikaw talaga o… Nasasaktan ang mga magulang mo.”

“Yun na nga tol eh. Sila nasasaktan. Paano naman ako? Hindi ba nila alam na nasasakal na rin ako? Sabagay, di naman talaga nila ako anak...” ang may halong pagdaramdam na sabi niya.

“Ano ka ba, tol? Wala ka dapat problemahin sa kanila. Dapat nga masaya ka eh dahil nand’yan sila. Huwag kang maag-isip ng ganyan, napakabait nila”

“Ayaw ko lang kasi tol na kaawaan ako. At lalo nang ayaw kong ididiin nila sa iyo na kailangan mong ganito ang gagawin mo sa akin. Kung may gagawin ka man para sa akin, iyan ay hindi dahil sa utang na loob mo sa amin, o dahil sinabi iyan ng mama ko, o ano pa man. Ayoko nang ganoon. Gusto ko ay iyong kusa, o bukas sa kalooban mong gagawin para sa akin ang isang bagay. Ok lang sa akin kahit hindi mo ako puntahan dito, o kahit pa hindi na tayo palaging magsama. At least alam kong hindi ka na galit sa akin. Iyon lang ang importante. Kasi mas masakit kapag nalaman kong sa kapag may ginawa kang maganda sa akin at malaman ko na lang na hindi pala ito ang tunay mong kagustuhan, diba?”

“Ok… ok…” ang sabi ko na lang, sabay hila sa isang braso niya upang maupo siya sa kama. Hindi na ako sumagot pa sa mga sinasabi niya. Noong makaupo na, niyakap ko siya, hinahaplos-haplos ang likod sabay sabing, “Pwede mo akong yakapin... Dito walang tao, walang makakakita sa atin.”

At… nagyakapan nga kami. Humahagulgol siya sa mga bisig ko at hinayaan kong maipalabas ang lahat ng mga hinanakit niya. Hanggang sa tila napagod na siya sa pag-iyak. 

Tumayo ako at tinumbok ang refrigerator niya. Kumuha ako ng 2 bote ng beer. Binuksan ko at noong bumalik na sa kama, iniabot sa kanya ang isa at umupo na rin ako doon.

Naka tiglilimang beer na kami noong ramdam kong nag-init na ang aking katawan. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya at itinutok ko ito sa mukha ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagpupungay nito gawa ng kalasingan. Nagtitigan kami. At naalimpungatan ko na lang na lumabas sa bibig ko ang tanong, “Tol… gaano mo ba ako kamahal?”

(Itutuloy)

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 4

by: Mikejuha
Sa buong magdamag na iyon, natulog kaming magkatabi ni Kuya Rom. At sa pagkakatong iyon, malaya naming nagawa ang mga bagay na sana ay hindi dapat mangyari sa pagitan ng dalawang normal lalaki.

Masaya ako sa gabing iyon. Sobra. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng sobrang saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “sex”. Alam ko, mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw naman ang sobrang kasayahan ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “knight in shining armor”.

Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa setup namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong naiiba para sa kanya at inaassume na ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako, or what. Nagtatanong ang isip kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na bagamat nakakapagod, masarap naman, masaya, ngunit pagkatapos ay pwede nang kalimutan ang lahat.

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon.

Noong magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis, bangkaan ng grupo. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko, nasa ibang level na nga ang pagiging close namin. Kahit walang sinasabi iyong tao na kami na, ina-assume ko na lang talaga na may karapatan na ako sa kanya sa kabila nang ayaw kong aminin na ganoon na nga.

Gabi na iyon noong matapos ang praktis namin at uuwi na sana ako kasabay si Kuya Rom. Ngunit may nag-imbita sa kanya na maglaro ng basketball. Baketball player din kasi si Kuya Rom. Kahit na ang pinili niyang event sa varsity team ay volleyball, basketball talaga ang hilig niya. Kadalasan nga kahit katatapos pa lang ng praktis namin sa volleyball, naglalaro pa rin ito ng basketball. Parang walang kapaguran ang kanyang katawan. Sobrang athletic na tao na kahit anong laro alam at nagi-excel pa. Kumbaga, jack of all trade. Ang totoo niyan, kaya niya hindi pinili ang basketball sa varsity team ay dahil sa pag-give way niya para makapasok ang isang kaibigan. At dahil gusto din naman niya ang volleyball at naiibang challenge daw din ito para sa kanya kaya siya napasama sa team, at naging team captain pa.

“Tol… hintayin mo ako ha? Maglaro muna ako ng basketball.” Pakiusap niya.

“Ano??? Maghihintay ako sa iyo, e gabi na! Kung gusto mong maglaro, ako ay uuwi na!” ang mataray kong sagot, sabay pagdadabog.

“Ito naman, o. Pagbigyan mo na ako, please?”

“Anong oras na akong makauwi nito sa bahay? Kabi na!”

“Ano ka ba? Kahit alas dose pa ng gabi, ihahatid kita. Bakit wala ka bang tiwala sa abs na to?” pagpatawa niya, sabay hawi sa harapang dulo ng t-shirt upang malantad ang tiyan.

“Yukkk!” ang kunyari kong reaction kahit na nakikiliti din ako sa pagpapakita niya sa akin niyon. “Anong kinalaman ng abs mo sa takot ko?” dugtong ko.

Napangiti naman siya, “E di, ihahatid kita eh! Problema ba iyan. At doon na rin ako matulog.” Sabay bitiw ng isang malisyosong tingin, at makalag-laglag brief na ngiti. “O… ano? Deal?” pag-follow-up niya.

E, ano pa ba ang magagawa ng lola nyo. Sa ngiti pa lang ng hinayupak ay tila may gumagapang nang magkahalong init at kiliti sa aking katawan, nakikinita na may mangyari na namang karumal-dumal na tagpo sa gabing iyon. “Sige na nga!” sabi ko kunyari masama pa rin ang loob.

“Ayan… ang bait talaga ng bunso. Hmm!” Ang tuwang-tuwang sabi niya, sabay kurot sa pisngi ko na tila nanggigigil. “ Ibinigay naman niya kaagad sa akin ang kanyang cp at ang bag na may mga damit pambihis at ibang gamit sa school, atsaka naghubad na ng pang-itaas.

Nagulat naman ako noong sa pagpasok na niya sa court ay nagpalakpakan ang may ilang grupo ng kababaihan at nagsisigaw, “Romwel! Romwel! Romwel!”

Tiningnan ko ang mga ito sabay sigaw sa sarili, “Mga lukaret!” Marahil ay dala lang iyon ng inis ko dahil sa pagka bad trip dahil sa gusto ko nang umuwi at naunsyami pa ito dahil sa basketball.

At tumungo na ako sa upuan sa gilid ng court upang doon maghintay. Noong una, nanood muna ako sa laro nila. In fairness, talagang ang galing din ni Kuya Rom maglaro. Maliksi, mabilis tumakbo, mataas ang talon, palaging nakaka-shoot, at ang porma, lalaking-lalaki. At di maiwasang lalo akong humanga sa kanya. No wonder na tinawag siyang “crush ng bayan”. Sa porma ba namang hunk na hunk, 6’1” na taas, at galing sa paglalaro. At ewan ko din ba, pakiramdam ko ay nagpapakitang-gilas din sa akin ang kumag. Actually, hindi talaga ako sigurado kung sa akin ba nagpapakitang-gilas (hehe). Siguro, masyado ko lang kina-career yung “haba-ng-hair” feeling noong gabing doon siya natulog sa bahay at ipinagluto pa niya ako ng dinner. Baka din kasing sa mga babaeng tagahanga niya siya nagpapakitang-gilas. Alam ko, mga die-hard fanatics ang mga iyon. Karamihan sa kanila ay dumadayo lang talaga doon sa gym upang tingnan kung naglalaro si Kuya Rom at kung naglalaro, hayun, hindi na aalis hanggang sa kahuli-hulihang patak ng pawis noong idolo nila.

Kaya kapag naka-shoot si Kuya Rom, kunyari hindi ako nakatingin. Syempre, kahit sa nangyari sa amin at sa naramdaman kong kakaiba para sa kanya, ayokong ipahalata na patay na patay ako sa kanya. Sino ba ako, mga ateng… diba? I mean, ikaw ba naman sa lugar ko na may nangyari na sa inyo noog guy at bigla kang tinubuan ng pagnanasa sa puso subalit ang lalaki pala ay ni wala man lang binanggit na “I love you” o kahit iyong pagklaro kung kayo na nga ba o ano… Ano iyon? Praktis? Di ba nakakahiya? May pride din kaya ako. Ayokong ipangalandrakan sa mukha niya na may karapatan na ako sa kanya at to the max na nga ako o kaya’y for life. Ayoko noon. E, kung bigla na lang akong pagsabihan ng, “Eww!!” o kaya’y “Asa ka pa!” o kaya’y pagtawanan. Siguro pag nangyari iyon, kakain na lang ako ng maraming chocolate cake na may dora rat killer at pagkatapus ay magpasagasa sa pison. Atsaka, hindi pa rin naman ako certified by PAMET kung talagang miyembro na nga ako sa federasyon eh. Ewan kung nasa state of denial lang ang aking utak o baka di naman talaga ako bakla. Kakalito talaga, Dra. Margie Holmes… grabeh.

Anyway, may 10 minuto na akong nakaupo at nanonood sa laro nila noong may nag-text sa cp niya. E, busy sa paglalaro iyong tao, kay di ko na pinansin. E, maya-maya, may text uli. At may sumunod pa. Siguro naka 10 texts na noong hindi ko na matiis na hindi buksan ang isang message. Aba di biro ang pagti-text ng 10 beses na sunod-sunod huh! Ngunit walang pangalan at ang nakaregister lang sa cp ay “5”. “Ano naman kaya ang ibig sabihin ng “5”? May pa-code-code pa!” sigaw ko sa sarili. Binasa ko, at ang sabi sa message ay, “Babe, ano ba? Reply ka naman kung matutuloy ba ang date natin!”

Pakiwari ko ay may kidlat na biglang tumama sa akin at ako’y nawala bigla sa tamang katinuan. Iyon bang feeling of betrayal na sa bigla nalang naramdaman mong parang ang lahat ng dugo ay dumaloy patungo sa utak at ang lumalabas sa mga butas ng iyong ilong ay usok dahil sa sobrang galit. “Hmpt! Babe pa talaga! Sabi ihahatid ako tapos may date pala ang honghang?” sigaw ko sa sarili. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa nabasang message. “Parang sobra na yata ang ginawa ng kumag na iyon. Pagkatapos niyang matikman at pagsawaan ang mura at sariwa kong bibig, este, katawan at ngayon ay ibang babae naman ang gusto niyang mai-date? Manyak talaga siya!”

Maya-maya uli, heto, nag-ring ang phone. At iyong #5 pa rin ang nakaregister. Dahil sa inis ko na talaga, ako na ang sumagot. “Sino to?” ang matigas kong sabi.

Hindi nga ako nagkamali. Babae ang nasa kabilang linya. “Sino to?! Ang sagot niya, halatang mataray.

“Si Romwel ba ang hinahanap mo?” sabi ko.

“Oo naman, cp niya to di ba? Sino ka ba? At bakit nasa iyo itong cp niya?”

Sa galit ko, naisipan ko na lang na magsinungaling. “Kapatid niya ito. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?”

“May date kami, nasaan ba siya?”

“Aba... kahit sinabi ko na na kapatid ako, mataray pa rin kung magsalita!” sa isip ko lang. “Ah…Pupunta na daw siya sa ka-date niya eh. Naiwanan itong cp sa akin.” Ang sagot ko. “Sandali… ano ba pala ang pangalan mo?”

“Karen!”

“Hah?!” Kunyari nagulat ako. “E…sabi niya Grace daw ang ka-date niya ngayon!”

“Anong Grace pinagsasabi mo?!” Ang tanong niya, halatang nabigla at nairita.

“Eh… sorry. Grace talaga ang narinig ko e.”

“Tanginang taong iyon! Sino naman ang Grace na iyon!?”

“Girlfriend daw niya! Bakit girlfriend ka ba niya?”

“Oo! At ako ang ka-date niya ngayon!”

“Ay... pasensya ka na, marami kayo. At may nauna na sa iyo sa booking niya ngayong gabi.” Ang pang-aasar ko pa. “Di bale, may good news naman. Kasi, unlimited pagpa-rebook sa kanya, first-come, first-served nga lang. Bye…” sabay patay sa linya.

Nag-ring uli, pero pinatay ko na rin ang power. “Magdusa ka!” sabi ko sa sarili.

Sa sobrang galit, kinapa ko naman ang cp ko at tinext si Kuya Paul Jake. “Kuya, saan ka ngayon?”

“Dito pa sa locker room, bakit?” Sagot niya agad.

Dito pa ako sa gym, sama na tayo sa pag-uwi? Wala akong kasama eh.” Reply ko.

“Ahhh. OK. Bakit si Romwel, nasaan pala?”

“May ka-date kuya! Puntahan na kita d’yan at sabay na tayong umuwi”

“OK, paalis na rin ako, antay kita”

Sa pagkabasa noong message, ipinakisuyo ko kaagad ang cp at bag ni Kuya Rom sa isang kasama din namin sa team na nakipanood pa sa laro niya.

Nakalabas na kami ng campus niKuya Paul Jake noong bigla namang nagyaya siya na mag bar muna kami. Dahil sa hapon pa naman ang pasok ko kinabukasan at dahil na rin sa naramdamang pagkainis, sumang-ayon na rin ako.

Tinext ko ang mama ko na matagalan akong umuwi. Dinahilan ko na lang na si Kuya Rom ang kasama ko sa labas. Kapag si Kuya Rom kasi ang idadahilan kong kasama, kahit pa hindi ako umuuwi ng bahay, wala nang daming tanong pa.

At nagbar nga kami ni Kuya Paul Jake. Ang gustong-gusto ko din kay Kuya Paul Jake ay palagi siyang available kapag tinatawagan ko. Isa siya sa masasabi kong nakababatang kapatid talaga ang turing sa akin, pangalawa nga lang kay Kuya Rom. Matalino, magaling magbigay ng advice, pala-kwento, at marami kang matututunan.

Ngunit wala kaming imikan simula pa noong makapasok na kami ng bar. Noong magsimula na kami sa tig-iisang bote ng beer, nag ring ang cp ko. Si Kuya Rom. Agad ko itong pinatay. Alam ko, pagagalitan ako noon dahil sa ginawa ko sa babae niya. Pero wala akong pakialam.

Nag-ring uli. At pinatay ko uli. Nag-ring na naman, at uli, pinatay ko. Nakailang ring at patay din iyon. Dahil sa hindi ko pagsagot, sunod-sunod naman na ang texts ang pumasok sa inbox ko. Hindi ko binasa ang magi to. Hindi ko rin sinagot.

“Bakit di mo sagutin?” Tanong si Kuya Paul Jake.

“Ayoko...” ang maiksi kong tugon, nakayuko lang ako, ang isang daliri ay inilalaro sa bibig ng bote ng beer.

Hindi na nagtanong pa ni Kuya Paul Jake.

Naka tigdadalawang beer na kami noong magbukas na naman ng tanog si Kuya Paul Jake. “Hmm, nakakahalata na ako sa iyo ah…” tanong niya noong mapansing nakasimangot pa rin ang mukha ko at sa naamoy na rin siguro na sama ng loob ko kay Kuya Rom.

Feeling ko kasi kapag si Kuya Paul Jake ang kasama ko, malaya kong nasasabi lahat. Simula noong inamin ko sa kanya sa nakaraang athletic meet na may nangyari nga sa amin ni Kuya Rom sa accommodation naming, gustong-gusto kop na siyang makausap. “Eh… ewan ko ba Kuya, hindi ko maintindihan ang sarili.” ang naisagot ko na lang.

“Di ba, sinabi ko na sa iyo na dapat huwag mong hayaan ang sarili na alipinin ka ng emosyon sa kung ano mang pisikal o sekswal na pakikipag ugnayan dahil sa lalaki si Romwel at ikaw ay lalaki din. Babae ang hinahanap noon at ikaw, dapat sa babae rin magkaroon ng emotional na attachment. Ang pangarap ni Romwel ay ang magkaroon ng normal na pamilya, ng asawa, ng anak. At dapat ikaw ay ganoon din. Sooner or later, mag-aasawa yan at kapag may emotional attachment ka sa kanya, paano ka na lang? Sa akala mo ba ay i-give up niya ang pag-aasawa nang dahil sa iyo? Try to think of it.”

Hindi na ako kumibo. Napakatalino kasi ni Kuya Paul Jaka, tumbok kaagad niya ang saloobin ko na lalo namang nagpabigat ng aking kalooban. Alam ko… tama si Kuya Paul Jake, at pawang katotohanan ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko na nakayanan pa ang sarili at napahagulgol na lang, pinapahid ang dulo ng sleeves ng t-shirt sa mga luha at sipon na naghalong dumaloy sa bibig at pisngi, hindi alintana ang ibang mga taong nag-iinum din doon sa bar.

Iniabot ni Kuya Paul Jake ang tissue. “Hayan kasi... sinabi ko na sa iyo na huwag kang padadaig...”

“Hindi ko naman kasi sinadya Kuya eh. Bakit, kasalanan ko ba kung may nararamdaman akong ganito? vIyan naman kasing tao na yan ang pasimula ng lahat e” ang paninisi ko.

Hindi kumibo si Kuya Paul Jake. Marahil ay naintindihan niya ang bigat ng dinadala ko.

“Kasi naman ang taong iyon, hindi ko maintindihan. Palagi akong inaasar, tapos, sweet na sweet. Tapos, aakitin ako, tapos, sasaktan. Tapos, dumidikit palagi, minsan doon pa matutulog sa bahay, tapus, iiwanan na lang ako bigla...”

“Ok, ok...” pang-amo niya. “Alam mo, sa tingin ko, ang problema ay nasa iyo. Bakit? Hindi naman niya alam na mayroon kang naramdaman para sa kanya e. At sa tingin ko, wala siyang naramdamang kakaiba para sa iyo.”

“Kahit na may nangyari na sa amin?” ang mabilis kong tugon.

“What’s the big deal kung may nangyari na sa inyo? Malay mo, inaakala lang niya na dahil ok lang sa iyo ang lahat, ay iyon na. Para bang sabay lang kayong nanood ng isang magandang palabas sa tv at pagkatapos noon, ay pweding pag-usapan ninyo ang napanood ninyo o pwede ring hindi. Tapos.”

“Iyon lang iyon?”

“Para sa kanya, maaaring iyon lang iyon. Pero kung gusto mo, kausapin mo siya tungkol sa naramdaman mo, para maintindihan niya ang lahat. At sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari. Di ba close kayo, at bunso nga ang tawag niya sa iyo? Maiintindihan ka noon”

“Ang hirap naman yata niyon, Kuya. Paano kung hindi?”

“Alam mo, sa buhay ng isang tao, minsan darating at darating din ang time na wala tayong ibang option kungdi ang gumawa ng desisyon at harapin ng buong tapang ang risks at consequences na kaakibat nito. Facing the risks are also opportunities to learn, to improve, and to succed. Kapag takot kang humarap ng risk, walang mangyayari sa buhay mo, or sa pag-ibig, for that matter. Lahat ng kalaseng pag-ibig ay ipinadarama. Tandaan mo iyan. Kung sa kabila ng pagpaparamdam mo ay hindi pa rin niya maintindihan ito, sabihin mo... Kung talagang mahirap, e di, tiisin mo. Pero kung sakaling darating ka na sa puntong mas mahirap na ang pagtitiis mo kaysa pagharap sa risk ng pakikipag-usap, gawin mo na.”

“S-sige Kuya. Pag-isipan ko ang payo mo.” Ang nasabi ko nalang.

Mag-aalas dose na ng gabi noong inihatid na ako ni Kuya Paul Jake sa bahay. Medyo lasing ng kaunti at groggy ang paglalakad. Katulong namin ang nagbukas ng pinto at dali-dali kaagad akong umakyat sa kwarto ko. Ngunit laking gulat ko noong makapasok na ako ng kwarto. Sumalubong naman sa pandinig ko ang kanta –

“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me...”

Si Kuya Rom, nasa music corner ng kwarto ko, nagsa-sound trip, pinatugtog ang kanta naming iyon at sa tingin ko ay lasing na lasing na...

Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa paborito naming tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer. 

“Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa.

“Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin.

“Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” pag ulit ko sa tanong.

Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-empahsize niya sa katagang “matino”

“Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid.

“Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa.

“Opo! Siya nga.” ang sarcastic kong tugon. “Alangan namang iyong sa PBB Doubleup. Hindi pa kami ganyan ka-close noon at busy na iyon ngayon dahil marami na siyang fans! Iyong Paul Jake na kasama ko ay kasama din natin sa team na spiker pero di hamak na mas guwapo, mas matalino, at mas mabait kaysa sa iyo!” pagpapasaring ko, inaasahang masaktan ang pride at magrereact. 

“Ganoon?” ang sagot lang niya na dedma na sa sinabi ko sabay tungga sa hawak-hawak na bote ng beer.

Feeling ko naman na-insulto ako sa sagot niya. Hindi ba naman nagreact ang hunghang o kaya magselos na may kasama akong iba? “Wala! Wala talagang pakialam sa akin ang hinayupak na to!” Sigaw ko sa sarili. Pakiramdam ko tuloy biglang nagkalaglagan ang mahahaba at smoth and shiny ko na sanang hair. At ang nasagot ko na lang ay, “Oo. Ganoon nga!”

“Alam ba nina tita na hindi ako ang kasama mo?” Ang kalmanteng singit niya habang kinuha ang remote, pinatay ang sounds at pinaandar ang TV na parang normal lang ba siyang nagtatanong, hindi ipinahalatang may nag-aambang pambablackmail na namang gagawin sa akin ang kumag.

Natameme ako, syempre. Ang ipinaalam ko kasi sa mga magulang ko ay na siya ang kasama ko. “Hoy! Sinumbong ba ako?” ang bulyaw ko.

“Hindi pa naman… Bakit, gusto mong isumbong kita?” tanong niya, tiningnan ako.

“Tange! Bakit ko gugustuhin iyon? E di grounded ako nyan? Paano ka pumasok dito na hindi nila nalaman na hindi mo ako kasama?” tanong kong paniguro natakot na baka isinumbong na ako.

“Simple lang. Noong binuksan ng papa mo ang pinto at nakitang ako lang ang nandoon sa labas, ang sabi ko na lang sa kanya, kahit nagulat din ako na wala ka pa, ay umihi ka pa sa may kanto. Hayon, balik tulog sa kwarto nila… See? Nagsinungaling ako para sa iyo? Di ka man lang nag thank you sa akin.”

Syempre, touched ako. Kahit ganyan kasi si Kuya Rom sa akin, pero ipinagtatanggol ako niyan kahit saan. Mga babae lang naman ang kinaiinisan ko kasi sa kanya. Iyon bang kung sinu-sino na lang ang pinapatulan, at kapag lalo na maganda, i-etsapwera na lang ako. 

“Mag-thank you ka your face! Wahhh! Likas ka naman talagang sinungaling ah! Tagos sa buto!” sigaw ko pang-iinis.

Sa pagkarinig niya sa sinabi ko ay bigla na lang itong tumayo, inilatag sa sahig ang hawak-hawak na bote ng beer at hinablot na ang kwelyo ng damit ko. Syempre, nabigla ako at hind kaagad nakakilos. At sa tangkad ba naman niya at hawak-hawak pa ang kwelyo ng damit ko, para akong isinabit sa poste ng meralco. 

Hinatak niya ako patungo sa kama, pinatihaya at inilock sa posisyon na iyon, hawak-hawak pa rin ng isang kamay niya ang kwelyo ng damit ko. 

“Ano ang sabi mo? Likas akong sinungaling?” ang sabi niya ang mga mapupungay na mata ay nakatitig sa akin.

“A… eh, hehe! Kuya naman eh, bitiwan mo ang kuwelyo ko, mapupunit yan…” ang biglang pagbaba ko ng boses.

Ngunit hindi niya pinansin ang tila pagmamakaawa ko. “Sagutin mo ako, bakit mo nasabing sinungaling ako?” tanong niya uli.

E, ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang panindigan na lang ang sinabi. “E di ba sinungaling ka naman talaga?” ang sagot ko pa rin kahit kinabahan na ako sa ipinakita niyang galit.

“Bakit mo nga nasabi iyan? Ha?!” ang lalo pang pagtaas ng boses niya.

“Eh… e…” 

“Ano????!” giit niya.

“E, yung sinabi mong ihatid mo ako kanina… bakit may nagtext sa iyong babae at may date daw kayo? Di ba nagsisinungaling ka sa akin? Bakit mo ako ihahatid kung may ka date ka naman pala?” sagot ko.

“Ah ganoon. Magkaliwanagan nga tayo… nagseselos ka ano?”

Ewan ko ba, parang gusto ko nang bumigay at sabihin sa kanyang “Oo! Nagseselos ako! May nararamdaman ako! Ngayon... may reklamo ka?” Ngunit hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong niya kaya hindi na magawang pomorma ng lola nyo. Malay ko ba kung sapakin niya akong bigla kapag inamin ko o pagtawanan o magbago na ang tingin niya sa akin. Grabeh. Pressure! 

Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa mukha niya. Syeeet! Naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kung anong kilig o kiliti habang pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mala-adonis na mukha, ang hubad na pang-itaas na katawan ay halos ididikit na niya sa katawan ko at ang bukol ng harapan niya ay dumidiin-diin sa mga hita ko. Dinig na dinig ko ang pag-uudyok ng utak ko na yapusin na ang hubad niyang katawan at isurrender na ang bandila ng aking pinakaiingat-ingatang puri (charinggg!). Ngunit ang isang kontrabidang parte ng utak ko naman sumisigaw ng, “Woi, magpaka-demure ka naman, talipandas!”

Marahil ay may napuna siya sa hindi ko pagsagot na iyon at pagtitig ko sa mukha niya kaya ang naitanong niya naman ay, “Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Bakla ka ba?! Bakla ka no??” ang tila may pagka-sarcastic niyang tanong.

Pakiramdam ko ay biglang naubusan ng dugo ang mukha ko at nawalan ng lakas upang tumingin pa sa kanya.

“Bakla ka ano?” giit niya.

“Ah… e… hindi ah! Sino ba ang nagsabi na bakla ako? Meron ka bang pruweba? Atsaka bakit ako magseselos, aber? Haller! Ano ba ang meron sa iyo na dapat kong pagselosan? Kapallll?” sabay tulak sa kanya sa tiyan, malapit sa umbok ng kanyang harapan. Syempre naman, may malisya iyong pagtulak kong iyon, hehe.

Napaliyad naman siya. “Nananantsing ka e.” sambit niya, tila nakahalata.

“Kapal! E bakit ikaw? Sa kadami-daming babae d’yan na naghahabol sa iyo. Dami mo pang girlfriend, bakit pinapajakol mo sakin iyang burat mo? Sinong bakla sa atin ngayon, ha?” bwelta ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkaka-lock niya sa akin at tumbok na sana sa music corner ng kwarto ko, feeling panalo sa aking binitiwang salita.

Ngunit mabilis din niyang nahawakan ang kamay ko at sabay bagsak ng katawan niya sa kama, nakatihaya siya, inilingkis ang mga braso at hita sa katawan kong nasa ibabaw niya “Ansarap-sarap mo talagang asarin no? Nangigigil ako sa iyo. Palaban! Tangina, titigasan na naman ako nito!” sambit niya, amoy na amoy ko ang beer sa kanyang hininga na lalo namang nagpatindi sa kiliti na gumagapang sa aking katawan. Sa posisyon naming iyon ay para akong isang paslit na nakadapa sa ibabaw ng malaking katawan ng tatay o kuya, kulang na lang ay bibigyan niya ako ng lollipop… pero mamaya na iyon, hehe.

Yes, mga ateng. Nag-init pareho ang aking tenga at puson sa narinig na sinabi niya. Nakakainis, nakakainsulto na nakakakilig. Pride ba ang tawag doon? Iyong feeling na gusto mo sana, may naramdaman ka ngunit ayaw mong aminin sa sarili dahil ayaw mong baka ma-insulto o masaktan dahil feeling mo pinaglaruan ka lang or wala naman siyang intesyong seryoshan para sa iyo. “Argggghhhhhhh!” sigaw ko habang itinulak-tulak ang mukha niyang halos ikiskis na rin sa mukha ko.

Ngunit hanggang sa pagtulak-tulak na lang ako dahil sa baywang ko nalakingkis ang malalaki at mahahabang hita niya, sa itaas kong katawan naman nakalingkis ang mga malalakas at maskulado niyang bisig. At sa gitna ng kanyang malalaking hita, ramdam ko ang tila gustong kumawala na bukol sa ilalim noon. Actually, konting patulak-tulak lang naman ang ginawa ko, hehe. Baka din kasi mapalakas at makawala pa ako sa mga bisig niya, hehe. 

“Ano ang nangyari sa inyo ni Paul Jake kanina, ha? Ha?” ang tanong niyang ewan kung nang-aasar, o nagsususpetsa ng masama.

“Hindi manyak si Kuya Paul Jake na kagaya mo!” bulyaw ko.

“Ah, oo naman pala. Mas mabait pala iyon no? Mas guwapo, mas… ano pa nga ba iyong isa, tarantado ba?” sabay tawa.

“Ikaw ang tarantado!” sagot ko.

“Hahaha!” Ang tawa niya. “Ipinagtanggol pa talaga. Sige na bunso, di ako magagalit. Aminin mo na, may nangyari sa inyo ano?”

“Wala! Wala! Wala! wala! Kuliiiittttttt!” sigaw ko sa pagkainis na tila hindi siya naniniwala.

“Mas malaki ba kesa akin ang kay Paul Jake?”

Feeling nainsulto na talaga ako sa sinabi niya. “Wala ngang nangyari sa amin! Tado! Pakawalan mo nga ako!” utos ko.

At ewan kung ano na namang kabulastugan ang pumasok sa isip niya, hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan na lang niya ako na tila ay lalamunin nang buo ang aking mukha. Para naman akong ibinayaw sa langit sa mga titig na iyon. Napakaganda ng mga mata niya, napakaguwapo ng mukha. Mapupula ang mga labi, makinis ang balat, matungis ang ilong… Nakakabighani, pramis.

“Pakawalan mo ako kuya… hindi ako makahinga!” Sigaw ng bibig ko, ngunit ang sigaw naman ng utak ko ay, “Huwag! Huwag! Higpitan mo pa ang mga yakap mo!”

Hindi kumibo si Kuya Rom. Patuloy pa rin niya akong tinitigan. 

“Pakawalan mo ako sabiiiii! Hindi ako makahinga kuya!” sigaw ng bibig ko uli na alam na ninyong taliwas sa isinigaw ng utak kong tuliro.

Aba… at talagang binitawan ako! At ang naalimpungatan ko na lang ay ang malakas na, “KA-BLAGGGG!” 

Nalaglag po ako sa sahig, grabe. Pero ambilis ko ring tumayo ha. Iniisip ko na lang na walang nakakita.

“Salbahe ka!” Bulyaw ko sa kanya bagamat ang sigaw ng utak ko naman ay “Yan… Sinabi nang huwag eh! Buti nga sa iyo!” Parang gusto ko silang pag-untuging dalawa, hehe.

Hindi naman siya natawa, in fairness. Sabagay, baka pinigilan lang din niya. Ngunit siya pa itong nagalit sa akin. “Akala ko ba sabi mo bibitiwan kita!” bulyaw niya din sabay abot sa akin ng kamay niya. 

“Aba! Siya pa itong nagalit!” sigaw ng utak ko. “Bitiwan nga ngunit di ko sinabing ilaglag mo ko sa sahig!”

Hindi ko nga tinanggap ang kamay niya. Bagkus kusa na akong sumampa sa kama at nahiga doon, nakatihaya, ang isang braso ay ipinatong sa aking noo. “Matulog na nga tayo! At umusog ka nga doon!” sambit ko sa sobrang pagkainis at pagkapahiya. “Bakit ka nga pala dito umuwi? May boardin ghouseka naman!” pasigaw kong tanong, ipinaramdam na inis na inis talaga ako.

Umusog naman siya sabay sabing, “Sasabihin ko sa iyo kung bakit, basta aminin mong nagseselos ka.”

“Kapal mo talaga! Grabeh!” ang sarcastic kong sigaw.

Ewan kong na-challenge siya sa sinabi ko. At ang nasambit na lang niya ay, “Kapal pala ha. E di lubus-lubusin ko na.” Sabay sampa ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ko at inilock ako sa posisiyon ko upang hindi makakilos.

“Arrrgggghhh! Anong bang ginaga—“ Bulyaw ko sa pagkagulat.

Ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pwersahang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

At sa pagkakataon iyon, wala na akong magawa kungdi ipaubaya sa kanya ang aking sariwang bibig at katawan (charing!). Naghalikan kami, matagal at punong-puno ng pag-aalab. At noong alam niyang naalipin na ako sa sobrang pagnanasa, isa-isa niyang hinubad ang saplot ng aking katawan at pagkatapus, tuluyan na rin niyang hinubad ang kanyang pantalon at ang brief, hindi dahil gusto naming labhan ang mga ito, kungdi dahil… iyon na, alam na alam iyan ng mga malalaswang isipan natin – hehe 

At muli… sabay naming narating ang ruruk ng kaligayahan.

Noong humupa na ang lahat. May pagkainis pa rin akong nadarama. Syempre, dahil maraming issues pa ang naglalaro sa aking isipan, tapos, ganoon-ganoon na lang basta. Sasaktan ako, tapos, biglang ganoon. Parang unfair yata. Ano ako, pusa? Aawayin tapus parausan? Kaya hindi ko napigil ang sariling manumbat sa kanya. “Pagkatapos niyan… sasaktan mo na naman ako, paiiyakin, asarin…” pagmamaktol ko sabay tagilid, patalikod sa kanya, ipinahalatang masama ang loob ko.

Tumagilid din siya paharap sa akin at niyakap ako, parehong hubo’t-hubad pa rin ang mga katawan namin. “Bakit mo nasabing sasaktan kita. Ha? “Bulong niya sa tenga ko.

“Kanina, sabi mo, ihahatid mo ako. Tapos, may date ka pala kaya sumama ako kay Kuya Paul Jake…”

“Anong date ang pinagsasabi mo? Iyon bang nagtitext sa akin?”

“Oo!” sagot kong padabog.

“Ano ka ba? Wala iyon. Nangungulit sa akin ang babaeng iyon. Sobrang nakukulitan ako kaya tinanong ko siya kung ano ba ang gusto niya para matapus na ang pangungulit niya sa akin. Sabi niyang magkita daw kami. E di sinabi kong oo para matapos na. Pero wala akong intensyong siputin iyon…”

Tila nahimasmasan naman ako sa narinig. “E, bakit number 5 iyong nakalagay na name niya sa phonebook mo? May pa code-code pa kayo…”

“Code nga iyon, dahil di ko kilala ang babaeng iyon, at ayaw kong patulan at wala akong pakialam sa pangalan niya. At di lang iyan, may #1 pa d’yan, may #2, may #3, may #4, may #6, #7, #8… puro nangungulit lang. Mga fans daw sila. At hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Kailan man, hindi ako nagsisinungaling sa iyo, tandaan mo iyan...”

“Ibig sabihin, ihahatid mo talaga ako dapat kanina?”

“Oo naman. Ikaw pa ang lakas mo sa akin…”

Tahimik. Pakiramdam ko naman ay biglang tumubo uilt ang hair ko at mas mahabang-mahaba pa siya, soft and silky, hehe.

“So, nagseselos ka?” ibinalik uli niya ang tanong niyang iyon na hindi ko sinagot.

E, ano pa nga ba ang magagawa ng haba ng hair ng lola ninyo kundi ang umamin. “Oo…”

“Ikaw bakit dito ka pa rin umuwi samantalang kasama ko naman si kuya Paul Jake na siyang maghatid sa akin?” ang pagbalik ko naman sa tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot.

Hinaplos niya ang aking mala-anghel na mukha (charing!) at pagkatapos ay hinalikan ito. 

“Hindi kita matiis tol eh… Atsaka, may ibibigay din ako sa iyo...”

(Itutuloy)

SI UTOL AT ANG CHATMATE KO 4

By: Mike Juha
At talagang tuloy-tuloy lang si Zach sa pag walk out, pansin ang galit sa kanyang kilos.

Hinabol ko siya, “Hoy! Hindi mo lang ba hintayin iyong tao na mag-explain sa iyo kung bakit hindi siya nakasipot? Anong klaseng kaibigan ka?”

Huminto siya, humarap sa akin at tinitigan ang mukha ko. “Ok… kailangan kong mag-explain siya kung bakit dalawang beses na hindi niya ako sinipot at ikaw ang palaging nad’yan. Weird?” buminto siya sandal, ini-empahsize ang salitang “weird” sa mukha ko, pinalaki ang mga mata niya. “Baka may kasagutan ka. Ikaw ba ang chatmate ko? Sabihin mo lang para klaro… di ako magagalit. Sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko ako.” 

Para akong nasuntok sa mukha sa narinig kong iyon, hindi makasagot sa sobrang kaba na parang natunugan na niya ang modus ko.

“O… hindi ka makasagot? Ikaw ang chatmate ko ano?”

“H-hindi ah!” sagot ko na lang. “B-bakit hindi mo siya bigyan ng chance at para naman masagot iyang mga katanungan sa malisyoso mong utak?” ang banat ko naman sa kanya. 

Nag-isip siya. “OK… bigyan ko siya ng last chance. Bukas. Sabado, same venue, same time. Siguro naman ay nad’yan na siya. Kapag pumalpak pa siya at uli, ikaw ang sisipot, sorry… ayoko na. Sa sinabi ko, pinagbigyan ko lang naman ang kuya mo dahil siya itong pm nang pm sa akin… Ok ba? Well, kung siya nga iyon at hindi ikaw.” pananakot niya sabay talikod at diretso nang lumisan.

Natulala naman ako sa binitiwan niyang salita. “Nagduda talaga ang kumag!” sigaw ko. Syempre, natakot ako. Ayaw ko kasing mawala siya sa akin. Mahal ko na kasi ang mokong. 

Sa sama ng loob ko, tinumbok ko na lang ang mesa namin sa loob ng restaurant bagamat sumagi din sa isip na sana ay tawagin niya ako, pasakayin sa kanyang motor at ihatid pauwi.

Ngunit hindi niya ginawa iyon. 

Sa gabing iyon, umuwi akong luhaan at nanggagalaiti sa galit kay Kuya Erwin.

Alas onse na ng gabi noong dumating ng bahay si Kuya Erwin. Kumatok agad ito sa kwarto ko. “Tol… sensya na hindi ako nakarating. Birthday pala ng mama ni Lani at hindi ako pinauwi agad…” paliwanag ni kuya.

Pinagdabugan ko naman siya. “Anong paki ko sa birthday ng mama niya! Buti pa sila pinaunlakan mo samantalang ako… ipinahiya mo!” sabay tumbok sa kama, ibinagsak ang katawan at tinakpan ng kumot ang mukha.

Sumunod siyang pumasok sa kwarto ko. “Promise tol... sa sunod nating eyeball sa chatmate mo, nandoon na talaga---”

“Bukas daw uli!” ang pabulyaw na pagputol sa sagot niya.

“Bukas? A, e…” Nag-iisip siya ngunit bigla ring dugtong ng “O, e… di sige, bukas na kung bukas.”

Syempre nabuhayan na naman ang loob ko. Ngunit hindi ako nagpahalata. “Tapos niyan… sisingit na naman ang kontrabidang Lani na iyan!” sagot ko.

Hindi na Tol… promise. Sa chatmate mo na ako magpapakita. Basta... kapag na-inlove sa akin iyon, hindi ko na kasalanan ha?” ang may halong pagbibiro niya.

“Hmmpttt! Kahit ma-in love pa sa iyo iyon, alam kong hindi mo siya magugustuhan.” Bulong ko sa sarili. “Basta bukas..” ang sabi ko na lang.

At tinupad naman niya ang kanyang pangako. Sa pagkakataong iyon, wala nang Lani na nanggulo pa sa lakad namin. 

Alas 5:30 ng hapon at nandoon na kaming pareho ni Kuya sa restaurant na nasabi. Dahil sa sobrang kaba ko, nag-order ako ng beer habang hinintay ang pagdating ni Zach. Delikado kasi ang kalagayan ko. Para akong na-hostage ng kilabot na kidnapper habang parating ang militar na siyang tutugis dito. Either papatayin ako ng kidnapper o gawin akong panagga sa mga bala. Imagine, sa unang pagkakataon ng buhay ko, mabubuking na ang pinakatago-tagong lihim ko dahil kay Zach na noon ko lang din na-realize na sa lalaki pala ako mai-inlove. Ewan, para akong may typhoid fever, di malaman kung mabubuang o mamamatay.

In fairness, noong pinagmasdan ko si Kuya, ang ganda ng porma niya. Halatang pinaghandaan talaga ang okasyon na iyon. Suot niya ay ang bago at mamahaling t-shirt na kulay blue na may tatlong stripes na yellow sa balikat, ang pantalon ay maong na faded at may butas-butas sa tuhod, naka-gell ang buhok, mabango. Noon ko palang nakitang isinuot niya ang t-shirt at pantalon na iyon. Sa tingin ko, binili talaga niya ang mga iyon para lang sa makasaysayang eyeball na magaganap ano mang oras sa lugar na iyon. Hayup sa porma! Daig pa ang isang artista! Hay naku… Kung hindi ko lang siya kuya siguradong na-in love na rin ako dito.

Ramdam ko, excited si Kuya, hindi lang ipinahalata iyon sa akin. Naamoy ko iyon dahil sa tahimik siya at nag-iinum lang. Kuya ko ata siya, alam ko kapag may milagro itong ginagawa, kung masaya siya, kung malungkot, kung tensiyonadao, kung may itinatagong kabulastugan. 

Alam kong napupulsuhan din niya ang nararamdaman ko sa tagpong iyon. Iyon nga lang; ang buong akala niya, mamatay-matay ako sa excitement na makita siya ng ka-chatmate ko at kung ano ang magiging kahinatnan sa pagpapanggap niyang siya nga ang tunay na ka-chatmate. Ang hindi lang niya alam ay na mas malalim pa ang naramdaman ko – natatakot ako sa nakaambang mangyayaring bukingan sa tunay kong pagkatao, na noon lang din niya malalaman sa tanang buhay niya. 

“Dyos ko po! Tulugnan po ninyo ako! Tanggapin ko po ang ano mang parusang ibigay ninyo, huwag lang ang pag-iinarte ni Kuya kapag nalaman niyang dalaga pala ang kanyang kapatid at hindi binata!” Ang sigaw-sigaw ng isip ko. At lahat na rin ng pangalan ng mga santo ay nabanggit ko na sa aking mga dasal na sana ay hindi tataas ang cholesterol at blood sugar ni Kuya kapag nalaman niya ang lahat, at na pareho ko pala silang dalawa ng ka-chatmate ko na niloloko ko. Awwwtttts!!! To the highest level talaga ang kaba ko! Grabe!

Hay naku, ang pag-ibig nga naman. Gagawin ang lahat, susuungin ang lahat ng hirap, katarantaduhan, kabulastugan, pagsisinungaling, pagbabakasakali, walang pakialam sa magiging kahinatnan nito mairaos lang ang kalandian...

So, inum, inum, at inum pa. Pareho kami ni Kuya, tila sa pag-iinum ibinuhos namin ang magkaibang excitement na naramdaman. Pakiramdaman sa kilos ng bawat isa, ngunit walang imikan. 

Maya-maya, heto na. Ang posisyon kasi ng lamesa namin ay paharap sa entrance mismo ng resto at magkatabi kami ni Kuya. Sinadya kong tumabi kay Kuya upang kapag dumating na si Zach, makita ko kaagad siya. 

Heto na. Umentra na ang leading man ng buhay ko at akmang papasok na sa entrance ng restaurant. 

“O my God, heto na siya! Heto na sya!!!!!! Arrgggggghhh!” sigaw ng utak kong talipandas, hindi ipinahalata kay Kuya na nakita ko na si Zach. Siyempre, hindi naman ako pwedeng tumayo na lang at salubungin siya ng yakap at halik. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng ulirat at parang umikot ang buong paligid sa sobrang magkahalong excitement, kaba, at takot. Para akong mapapraning! Kaso, hindi ko rin lubos maintindihan ang naramdaman. Kasi nga naman, ang alam ko, ang gusto niya ay si kuya. Tapos, heto namang si kuya, babae ang gusto. Ewan hindi ko talaga maintindihan. Kaka-sad, di ba? Pero kahit papaano, may saya din akong naramdaman na sa wakas ma-prove ko na kay Zach na hindi ako ang ka-chatmate niya taliwas sa kanyang hinala. At dahil ditto, hindi na siya lalayo pa sa akin.

“Waaahhh! Grabeh!” sigaw ng utak ko. Lalo yata siyang gumuapo sa pagkakataong iyon. Para bang gaya ni kuya ay pinaghandaan din niya ang makasaysayang eyeball na iyon. Naka-body-fit na puting t-shirt, sinadyang ang dulo nito sa harapan ay ipinaloob sa ilalim ng itim at stonewashed straight cut na jeans, inilantad ang buckle ng belt niya at ang umbok ng kanyang harapan. Hayup din sa porma! Pamatay sa kaseksihan! “Arrgggghhhh!” Sa isip ko lang. Umandar na naman ang aking insecurity. Bagay na bagay kasi sila ni kuya at para akong naa-out-of place!

Kunyari ay wala pa rin akong nakita. At bagamat mistulang puputok na sa matinding pagkakabog ang aking dibdib, kalmante pa rin ako, demure-looking baga at inum lang nang inum. 

Nilingon ko si Kuya na panay pa rin ang inum, hindi alintana na palapit na nang palapit ang nakatakdang pag-krus ng kanilang mga landas. Bagamat nagkita na sina Zach at kuya noong una naming “date” ni Zach, hindi na niya ito natandaan pa dahil wala naman kasi siyang interes dito; o di kaya ay sadyang hindi lang niya napansin si Zach sa gitna ng maraming tao dahil ang nakatatak sa isip niya ay isang magandang babae ang darating.

At hindi ko rin pinansin si Zach. Hindi na kasi nakayanan ng powers kong harapin siya dahil nanlalambot na ang pakiramdam ko, iniisip na maaring iyon na ang huling sandali na masilayan ko ang naggagwapuhang mga nilalang na si kuya ko at si Zach dahil sa papatayin na ako ni kuya sa bukingan na magaganap sa tagpong iyon.

At wala pang isang minuto heto na. Huminto sa harap namin si Zach! Syempre, dahil hindi alam ni Kuya na iyon na pala ang ka-chatmate niya, inosenteng patuloy pa rin itong umiinon, ang mga mata ay nagmamasid sa mga taong papasok pa lang, sinasala ng kanyang mga mata ang isang babaeng maganda at mestisa. Ako naman, kahit mistulang puputok na ang dibdib sa sobrang kaba, ay kunyari nakatingin sa malayo, ibayong pagkokontrol sa sarili ang ginawa. 

“Kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog” iyan ang naririnig kong tinig sa aking dibdib at malakas siya ha. Pakiramdam ko ay gusto ko na talagang magback out at kung maaari lamang ay ibalik ang oras sa puntong hindi pa kami nakarating sa restobar na iyon.

Nasa ganoong posisyon si kuya sa paglalagok ng beer, ang bote ay nakaungot pa sa kanyang bibig, noong iniabot ni Zach ang kanyang kanang kamay sa kanya upang makipag handshake, “You are Enzo, right? I’m your chatmate, Zach!” Ang pagpakilala ni Zach.

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni kuya sa gulat noong makitang lalaki ang nakikipagkamay sa kanya. “Gwarkk!!” nabilaukan bigla si kuya, ang beer na nasa lamamunan na ay lumabas lahat at sumambulat ito sa mesa, pati na sa kamay ni Zach... 

Agad-agad inilatag ni kuya ang beer na hinawakan at humablot ng tissue, pinahid ang bibig niya habang si Zach naman ay dali-dali ding binaltak ang kamay upang matanggal ang isinukang beer ni Kuya na dumikit dito at pagkatapos ay humugot siya ng tissue na nakapatong sa mesa at nakipahid na rin.

Syempre, nagulat din si Zach, ngunit talagang cool na cool pa rin ang dating.

Habang pahid-pahid ni kuya ang bibig niya, nilingon naman niya ako, palihim na tinapakan ng sobrang pagkalakas-lakas ang aking kaliwang paang katabi lang ng kanyang kanang paa at idiniin-diin pa ito. “Arekoppppoooooooo!” ang nasambit ko sa pagkabigla ngunit pinigilan ko itong hindi mahalata ni Zach. Nagkataon pa namang sandal lang ang suot ko sa paa samantalang si kuya ay nakasapatos. Kaya masakit talaga siya.

Nilingon ko si Kuya at sumalubong sa mga mata ko ang nagbabaga at nanggagalaiting titig niya. 

Alam ko ang ibig ipahiwatig ng titig na iyon. Katakot-takot na sermon ang naghintay sa akin at baka sa kauna-unahang pagkakataon ay matikman ko na ang dila-lang-ang-walang-latay na pambubugbog ng isang kuya sa kanyang kapatid. At ang mas masaklap pa doon ay baka isumbong niya ako kay papa at mama na niloko ko na nga siya, nadiskubre pa niyang nagdadalaga na pala ang bunsong kapatid niya! “Diyos ko po! Di ko yata kaya!” sigaw ng utak ko. 

Alam ko din naman na kasalanan ko ang lahat e. Pero ano ba ang magagawa ng isang busilak na pusong natuto nang magmahal? Di ba mga ateng? First time ko kayang ma inlove. Kaya hayun, hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang nagliliyab na mga mata at sa pagkataranta, ang ginawa ko na lang ay ang humugot na rin ng tissue at pinupunas-punasan ang mesang nabasa ng beer na lumabas galing sa kanyang sikmura, nagkunyaring hindi ko napansin ang nakakapaso niyang pandidilat, kagat-kagat ko ang sariling labi sa magkahalong matinding hiya at panginginig sa sa takot. Para akong isang asong talunan na ang buntot ay itinago sa ilalim ng bayag at nagyuyukyok sa isang sulok.

At siguro, dahil sa wala nang choice si Kuya, pinansin na rin niya si Zach at binitiwan ang isang ngiting napilitan sabay sabing, “A… oo. Ako nga si E-enzo! Enzo nga ang name ko. Upo ka, Zachie, este, Zach!” turo niya sa bakanting upuan sa harap ng inuupuan namin.

Nangiti naman si Zach at umupo. 

Tahimik kaming tatlo habang hindi ko na rin malaman pa ang gagawin ko, nakiramdam sa sunod na maaaring mangyari, patuloy pa rin sa pagpupunas sa mesa kahit tuyong-tuyo na ito at ang buong laman ng tissue box ay nauubos na sa kakahugot ko at kakapunas sa natuyo nang mesa.

Tahimik pa rin at ang mga kamay ni kuya ay iginuri-guri sa mesa na tila wala sa sarili, ang mga mata ay di makatingin-tingin kay Zach na nakaupo sa harapan lang namin, di rin makapagsalita, di makapagsimula ng kwento, di ko alam kung nininerbyos ba o nagpupuyos sa galit sa akin. 

Samantala, si Zach naman ay bakat sa mukha ang matinding excitement sa pagkakita ng personal kay Kuya, ang ngiti na binitiwan ay nakakabaliw at kung makatitig sa mukha ni kuya ay halos lalamunin na niya ito ng buo.

“I met your brother, Enzo two times na…” Wika ni Zach kay Kuya habang itinuro ako, at maaaring paraan din niya upang mabasag ang katahimikan.

“E… e…” sagot ni Kuya, hindi makabuo ng salita at mistulang namumutla. “A… ok.”

“Makulit nga talaga no?” ang mabilis na tugon ni Zach, sabay bitiw ng isang pigil na tawa.

“Amffffffffff!!!!” sigaw naman ng isip ko. “Ako pa ang pinagtripan!” nanggagalaiti na nga si kuya sa akin, at heto, ako pa ang pinagtripan ng honghang?” sigaw ko sa sarili. Nahihiyang nilingon ko si kuya at noong mapansin niya ang paglingon ko sa kanya, pinadyakan niya muli ang aking paa sabay irap sa akin. “Arrggggggghhhhhhhh!!!!” sigaw g utak ko sa sakit ngunit hindi ko ipinahalata ang pagngiwi ng bibig ko. 

Pakiramdam ko, pulang pula nga ang mukha ko sa pagpuna sa akin ni Zach, umuusok naman ang tenga at ilong ko sa sakit na para akong nakalunok ng isang garapong siling labuyo. 

Binitiwan uli ni Kuya ang pilit na ngiti kay Zach, nakikinita kong sumisigaw din ang utak niya ng, “Mamaya hindi na makulit yan dahil papatayin ko na yan sa bugbog!”

Tahimik uli. 

“A… waiter! Menu please!” Sigaw ni Zach noong mapansing puro beer ang inorder namin.

Lumapit ang waiter at iniisa-isang bigyan kami ng menu. 

Ramdam kong parang gustong sabihin ni Kuya na treat namin iyon ngunit tila naubusan na rin siya ng lakas upang magsalita. 

Nakahawak na kaming tatlo sa menu at namimili. Nilingon ko uli si kuya kung may napili na ba ngunit kahit ang mga mata niya ay nakatutuk sa menu mistulang lumilipad naman ang isip.

“What’s yours Enzo? I want this, this, and a regular rice…” sabi ni Zach tukoy sa menu, hindi man lang ako tinanong.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong ni Zach, inilatag uli ni Kuya ang menu sa mesa. “Excuse me…” sabay tayo at tumbok sa CR na nagmamadali.

Natulala ako sa biglang pagwalk-out ni Kuya. Malakas kasi ang kutob ko na alibi lang ang pagpunta noon sa CR. Kung hindi walkout iyon, gusto niya akong sumunod at sigurado, bubugbugin ako noon sa loob ng CR. Kaya hindi ako sumunod. Pero syempre, kinakabahan ako na baka ibubuking na ni Kuya ang lahat.

Kaya nanatili akong nakaupo sa pwesto ko, sa harap ni Zach.

At heto na. Syempre, ano pa ba ang gagawin ni Zach sa sitwasyong nakaupo kami parehong magkaharap? Syempre, titingnan niya ang mala-anghel kong mukha.

At ano ba ang dapat kong gagawin sa eksenang nasa harap ang pinakamimithing pinakawafung lalaki sa balat ng internet, at kaharap ko pa? Syempre, maglupasay ang utak ko at sisigaw ng, “EEEEEEEEEEEEEE!” Ang cute cute niya! Ang cute cute niya! Pwede mo na akong kunin Lord! Wag lang muna now!” 

Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata huh! Kunyari, pinupunasan ko pa rin ang mesa at kahit na nanginginig ang buong kalamnan ko, pinilit ko pa ring gawing maayos ang pagpunas ng mesa habang pasikretong pinagmasdan ko siya.

“O my God! U mey Gadddddddd! Pinagmasdan niya ako! Pinagmasdan niya ang walang kamuwang-muwang kung mukha! Arrgggghhhh!” Sigaw uli ng utak ko noong mapansing tinitigan niya ako. Ah grabe. Pakiramdam ko ay isa akong ice na inilatag sa ilalim tanghaling araw. Nalulusaw ako mga pare, este, mga mare pala. 

Doon ko na-realize na kaya pala may dalang pamaypay na abaniko ang mga dalagang ninuno natin noong unang panahon sa kadahilanang ito pala ang panangga nila sa mga nakakalusaw na titig ng mga wafung binatang ninuno din natin! Grabeh pala ang kuryenteng dulot ng titig ng super crush! Para kang matatae, maiihi, magkumbulsyon. Parang may intensity 25 na lindol sa loob ng iyong dibdib!

“Where’s your other kuya?” tanong niya.

“Abababa Eninglis ako!” sigaw ng utak ko. Pero syempre, natameme ako ng sandali. Kambal pala ang kuya kong pakilala sa kanya. “Ha?” sagot ko, hindi ipinahalatang ganoon ako ka focus sa kanya. Atsaka ang boses ko, astig siya ha.

“Iyong kambal niya.. Iyong sabi mong rapist?” pagfollw up niya.

“Nasa bahay e! Bakit, gusto mo siyang makilala?” ang mataray kong sagot. 

“Ah… Ok. Pero bakit ka nagagalit?” ang sagot niya, marahil ay napansin ang boses ko. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kabahan sa inasta ni kuya at sa hindi pa niya pagbalik.

“Hind ako galit no! Kung galit ako ay sana kinagat na kita!” 

Bigla namang napahalakhak si Zach. “Ano ka aso? Arf! Arf! Arf!” ang pang-iinis niya sa akin.

Ngunit hindi ko na npansin ang pang-aasar na iyon. Kinakabahan na kasi ako sa hindi pa pagbalik ni kuya.

“E... may boyfriend na ba ang kuya mo?”

Muntik naman akong malaglag noong marinig ang tanong niyang iyon at mistulang nasapak ang ulo ko. “Arrgggggghhhh!” ang sigaw ko sa sarili. Syempre, lalong tumindi ang kalampag ng aking dibdib. Kapag nalaman kasi ng Kuya ko na ang tingin sa kanya ni Zach ay bakla, baka hindi lang ako ang papatayin niya kungdi pati na rin ang sarili niya! “Diyos ko pong mahabagin! Hindi ko kaya ito. Kapag nagkataon, headline kami kinabukasan sa tabloid na Tiktik o Abante: ‘magkapatid na bakla, patay dahil sa isang lalaki!’ Paano kaya ito tatanggapin ng mga magulang ko? Sigurado gagawin nila ang lahat upang mabuhay kami at kapag nabuhay na, papatayin uli. Huwaaaaa!”

“Waaaaahhh! Hindi bakla si Kuya ko!” sigaw kong pagdepensa kay kuya.

Napangiti siya. “Syempre naman, itatago niya iyan sa iyo” ang tugon niya na ang mukha ay mistulang hindi siniseryoso ang sinasabi ko. Tiningnan niya ang kanyang relo pagparamdam na matagal si Kuyang bumalik. “Mag CR muna ako.” Ang sabi niya. 

Nataranta naman ako sa narinig. Syempre, ayaw kong magkita sila doon baka kapag nagkataon, magkabistuhan na dahil siguradong ibubuking ni Kuya ang lahat. 

Akmang tatayo na sana si Zach noong hinarang ko siya. “A-ako na muna ang mag CR, naiihi na talaga ako. Antay ka muna dito, baka ihahatid na ang order at walang tao sa table natin...” ang pag-aalibi ko.

Noong makarating na ako ng CR, tyempo namang walang tao at nag-isa lang si Kuya. At tama nga ang hinala ko; hinihintay niya ako. At noong makita ako, isang napakalakas na batok ang pinakawalan niya kaagad, ”Tado ka! Inilalagay mo ako sa kahihiyan! Tangina, bakla ka pala?!” Ang pigil na bulyaw ni Kuya. At hinablot pa ang buhok ko. “Shiiiit! Wala naman sana akong paki kung bakla ka, eh. Ang problema sa iyo, idinamay mo pa ako, tarantado ka! Lahat ginawa ko, pati pagtanggal sa bigote ko para lang pala sa isang lalaki? Ha?!!!” ang pigil na pagsisigaw ni kuya.

At syempre, inamin ko ang lahat ng kasalanan. Ano pa ba ang magagawa ng byuti ko. “Kuya... please naman. Sorry po. Mahal ko po kasi ang taong iyon eh. Kuya sorry na po...”

“Mahal mo ang taong iyon? Tangina!” Sabay sapak na naman sa ulo ko. “Magmahal ka tapos ako ang gagawin mong proxy! Ano ang gusto mong mangyari ngayon? Makikipaghalikan ako sa kanya, ganoon? Ah, hindi. Hindi pwede yan. Dapat nating sabihin sa kanya ang totoo! At ngayon na!” sabay talikod at lalabas na sana ng CR.

Sa naramdamang pagpursige ni Kuya na ilantad ang lahat kay Zach, ang nasagot ko sa kanya ay, “Sige kuya! Sabihin mo sa kanya at tatalon ako dito sa dagat! At papatayin ka ni papa kapag nalamang pinabayaan mo ako!” Ewan kung bakit ko rin nasabi iyon, e ang totoo, hindi ako marunong lumangoy at napakalalim pa ng tubig gawa ng high tide sa oras na iyon.

Ngunit dumeretso pa rin si Kuya. Hindi na ako pinakinggan. Kaya ang ginawa ko ay dali-daling lumabas sa kabilang pintuan ng CR na deretso sa open terrace ng reataurant paharap sa dagat. At noong nandoon na ako, walang lingon-lingong umakyat sa barandilya.

Narinig ko pang nagsigawan ang ibang mga tao sa restaurant, “Ayyyy! Tatalon ang mama! Tatalon ang mama!”

Ngunit itinuloy ko pa rin ang pagtalon. At ang sunod na naalala ko ay ang pagkarinig sa isang malakas na “Splashhhhhhhhhhh!” sabay bulusok ko sa ilalim ng tubig.

Tuloy-tuloy ang pagbulusok ko sa ilalim ng tubig; huli na noong ako’y magsisi kung bakit pa ako tumalon samantalang hindi naman ako marunong lumangoy. 

Sa ilalim ng tubig ko naramdaman ang pagka-seryoso sa ginawa kong pagtalon. Syempre, lumundag lang naman ako gawa ng takot ko na ibunyag ni Kuya sa pinakamamahal kong si Zach ang aking sikreto. Gusto ko lang takutin ang kuya ko, i-blackmail kumbaga. Wala kaya akong balak na magpakamatay. Virgin pa po ako kaya wala sa plano ko ang pumanaw na hindi man lang matikman ninuman ang aking sariwang katawan. 

“Glug! Glug! Glug!” Nakainum na ako ng tubig at maalat pa man din. Ramdam ko na ang sakit sa ilong sa pwersahang pagpasok ng tubig doon. “Dyos na mahabagin! Huwag po munang magwakas ang aking walang kamuwang-muwang na buhay! Hindi ko pa natikman ang yakap at halik ni Zach!” sigaw ng utak ko.

Kaya tarantang ikinampay-kampay ko ang aking mga kamay at paa. At nasagi ng kamay ko ang isang lubid. 

Dali-daling kumapit ako dito at nag ala-Tarzan akong pumaitaas upang makalanghap ng preskong hangin ang aking baga. At wallah! 

Habol-bahol ang paghinga, disoriented, at nababalot sa matinding nerbyos at takot pa rin, nanatili akong nakahawak sa lubid, naghintay na sana ay may magligtas sa akin. Syempre, hindi ako maka-akyat at hindi rin naman ako makalangoy patungo sa aplaya. At alam ko, hindi tatalon para sa akin ang kuya ko dahil hindi rin iyon marunong lumangoy. At ayaw kong siya ang tumalon dahil sigurado ako, gagawin lang niya akong salbabida. Kaya nanatili na lang akong nakalambitin sa lubid.

Narinig ko namang nagkagulo ang mga tao sa loob ng restaurant. Ang masaklap, ay may sumigaw pa na, “May pating na dumadayo d’yan! Baka kakainin iyon ng pating!”

“Dyos ko po! Huwag naman po sanang isang pating lang ang makinabang sa birhen at sariwa ko pang katawan! Huhuhu!” Kaya Umiyak na ako ng umiyak at sa sobrang pagkadesperado ay nasambit ko ang, “Promise ko sa iyo Lord, kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Ayoko na sa kanya, huhuhu! At kung sino man ang tatalon at siyang magligtas sa buhay ko, ay siya ko nang pagsilbihan at mamahalin. Kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Huwag lang akong lamunin ng pating. Ansakit kaya nang makagat ng hayup na iyan! Huhuhu!”

At naghintay ako ng milagro. 

At heto na, may tumalon! Hindi ko na kinayang tingnan pa ang mukha niya dahil baka ang ibigay sa akin ni Lord ay isang mukhang mahirap i-describe at di ko kayang tanggapin. Tumalikod ako, hinitay na lumapit siya. Pero ang totoo, tumalikod din ako dahil sa sobrang hiya sa ginawang kagagaguhan, natatakot na imbes iligtas niya ako, tuluyan niya akong ilublob sa tubig dahil sa katarantaduhan ko.

At naramdaman ko na lang siya sa likod ko, humawak din sa lubid, inilingkis ang mga kamay sa katawan kong nakatalikod. “Ligtas ka na. Kumapit ka sa akin at tawirin natin isa-isa ang mga poste ng restaurant hanggang sa makarating tayo sa aplaya. May dumadayo daw ditong pating kapag ganitong high tide kaya dalian na natin.” Sambit niya.

“O my God!” sigaw ng utak ko, biglang nawala ang takot ko sa pating. “Kilala ko ang boses na iyon! Si Zach!” Dali-dali akong lumingon at nakumpirma ng aking magaganda at tantalizing na mga mata na siya nga! At ang guwapo pa rin niya kahit nagkagulo-gulo ang mala-Justine Beiber niyang buhok dahil sa pagkabasa nito! Parang gusto ko nang sabihin sa kanya na ipagpatuloy lang niya ang pagyakap sa akin at hintayin na lang namin ang pagdating ng pating upang sabay kaming lunukin at magsama ng wagas sa loob ng tiyan nito at doon na rin namin buuin ang aming mga minimithing pangarap! “Gosh! Grabe! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na nasa bingit ng kamatayan dahil sa sobrang pagtatae at dumating ang aking knight in shining armor at agad akong pinainum ng immodium. 

“Kapit na!” Sabi niya.

Bigla naman akong nagising sa aking pagpapantasya. Ngunit nanginginig talaga ako, mga ateng, pramis, hindi dahil sa sobrang lamig ng tubig kungdi dahil sa excitement na nad’yan iyong super crush ko, itinaya ang sarili niyang buhay upang mailigtas lang ang aking pinakaiingat-ingatang puri, at hayun, yakap-yakap na niya ako. Di ba sweet? 

Mistulang nawala lahat ang mga tubig na pumasok sa aking eardrum at baga at pakiramdam ko ay biglang tumubo nang napakahaba ang aking hair sa pagkakataong iyon. Grabe. 

“Dalian mooo!” utos niya, rinig ko pa ang paghahabol niya ng paghinga.

At tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkapit sa lubid upang sa kanya na kakapit. Ngunit marahil ay sa sobrang paglalandi ko, dumulas ang kapit ko sa kanya at bumulusok na naman uli ako sa ilalim ng tubig. At muli, “Glug! Glug! Glug!” Iyon na ang huli kong natandaan.

Ewan kung gaano katagal akong unconscious ngunit noong bumalik ang malay ko at ibinuka ko ang aking mga mala-anghel na mata, nanlaki ito bigla noong ang nasaksihan ko ay mismong si Zach na inuupuan ang aking tiyan at nakayuko at nag mouth-to-mouth sa akin! 

“Uhu! Uhu! Uhu!” ang pag-ubo ko, gawa nang hindi ko makontrol ang tubig na iniluwa ng aking baga. Kakabadtrip nga lang ang ubo na iyon dahil bigla ring tinanggal ni Zach ang bibig niya na nakalapat sana sa bibig ko. At habang nanatiling nakaupo si Zach, ang mukha ay tuwang-tuwa sa nasaksihang na-revive ako, mistula namang nag-slow motion sa tingin ko ang paligid habang may narinig akong kanta ng mga anghel at quirubim sa kaloob-looban ng aking tenga. Ang ganda ng ngiti ni Zach, hayup, nakakainlove. Parang may kaaya-ayang sinag na nagmula sa kanyang mukha at ang sabi ay “Ligtas ka na! Nandito ka na sa aking kaharian…” Parang nasa langit ako at nasa bisig ng aking prince charming!

Ngunit bigla ring naputol ang mala-paraisong eksenang iyon noong ibinaling ko ang mukha sa gilid ko at nakita ang mukha ng isang demonyo. Si Kuya pala ang demonyong iyon, bagamat in fairness, isang guwapong demonyo naman. Iyon nga lang, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagpupuyos ng galit at ang kanyang mga tingin ay nagliliyab. Naiimagine ko nga na habang si Zach ay may koronang sinag sa ibabaw ng kanyang ulo, si kuya naman ay may sungay. Pero in fairness, bagay din sa kanya ang sungay.

At dahil sa nakitang pagpupuyos ng galit ng aking mahal na Kuya, bigla kong naisipang ipikit uli ang mga mata upang hindi ko makita ang kanyang mukha, nagkunyaring unconscious pa rin, nagbakasakaling i-mouth-to-mouth uli ako ni Zach.

Ngunit huli na ang lahat. Habang nakapikit ang aking mga magagandang mata na may mahahabang eyelashes, biglang may malakas na “SPLAKKKKK!” na dumapo sa aking flawless na mukha. 

“Arekupppp!” Napadilat akong bigla sa lakas ng pagkasampal, naunsyami ang pinapantasyang “mouth-to-mouth para kay sleeping beauty” na galing kay prinsepe Zach.

Noong tiningnan ko kung saan nanggaling ang walang breeding na sampal na iyon, nakita kong galing pala ito kay kuya at hindi ma drowing ang kanyang mukha sa kinimkim na galit! 

Grabe. Galit na galit din ako sa kanya. Ngunit wala na akong magawa pa kungdi ang haplusin na lang ang tama sa aking mukha, na hindi din ma-drowing sa tindi ng sakit habang binitiwan ko ang tingin na nanggagalaiti-ngunit-walang-magawa kay kuya, mistulang sa isang batang inagawan ng ice-crean ng mas malaki pang bata. 

Noong mapansin ni Kuyang nakatutuk ang tingin ko sa kanya, inisnab naman niya ako at nilingon si Zach, binitiwan ang isang nakakalokong ngiti sabay sabing, “O pare, sabi ko sa iyo, buhay pa iyan e!” pagpahiwatig niya sa paggalaw at pagreact ko noong sinapak niya ng todo ang mukha ko. “Kaya umalis ka na sa pagkakaupo sa tiyan niyan. Baka sa pagdagan mo dyan yan mamamatay.” Dugtong ni kuya.

“Akala ko magma mouth-to-mouth uli ako eh!” ang sagot naman ni Zach sabay bitiw ng pilyong ngiti. Tila ganyan na sila ka close, huh!

Sa sagot na iyon ni Zach, naimagine ko tuloy ang eksenang nakayuko na si Zach upang handang ipagkaloob na sa bibig ko ang kanyang makasaysayang mouth-to-mouth noong maudlot ito dahil sa naunang lumanding sa mukha ko ang mabigat na palad ni kuya. “Waaahhhh! Nademonyo na talaga iyang si Kuya ko. Grabe na ang pagka-adik!” sigaw ko na lang sa sarili.

“Uuwi na lang tayo!” Ang mungkahi ni Kuya, sabay talikod halatang atat na atat nang makaalis sa lugar at makaiwas kay Zach.

Aba, noong akmang tatayo na sana ako ay bigla ba naman akong kinarga ni Zach sa kanyang mga bisig. “Wowwwwww! Heaven talaga! Todo na tooooo!” ang nasambit ng utak ko sabay naman lingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach.

Ngunit noong lumingon si Kuya at nakitang karga-karga ako sa mga bisig ni Zach, bigla na namang nadiskarel ang kanyang mukha. “Bakit mo kinarga iyan? Nakakalakad naman iyan eh. Nag-iinarte lang iyan.” 

“Hindi pare, groggy pa eh. Kawawa naman!” sagot ni Zach.

“Ako na ang kakarga niyan!” sabi ni Kuya.

“Ako na, Ok lang ako. May sasakyan ba kayo?”

“Mayroon pero ako na ang kakarga”

“Ako na nga lang… pare.” 

“Ako na. Kapatid ko iyan kaya ako na ang kakarga…” ang pangungulit ni Kuya…

Pinag-aagawan talaga nila ang beauty ko. Ngunit hinigpitan ko ang paglingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach. Ngunit makulit si kuya at ayaw patalo kaya nalipat ang pagkarga sa akin sa mga bisig ni Kuya. 

Kaso, sadya yatang plano ito ng demonyo, nabitiwan niya ako (o binitiwan ba?) at… “KA-BLAGGGG!” 

Nalaglag po ako, at naunang bumagsak sa semento ang virgin at walang mantsa ko pang pwet. 

“Grrrrrr!” sabi ko na lang sa sarili, tiningnan ng matulis si Kuya. Sobrang sakit kaya ng puwetan ko. Dali-dali naman akong tumayo. Tiningnan ko naman si Zach na nabigla din sa pagbagsak ko, ang mga mata ko ay mistulang nangungusap na, “O, ano, kaya mo iyon?” 

In fairness, hindi naman ako pinagtawanan ni Zach. O baka pinigil lag niya ang sarili. In fact, itong si kuya pa ng naninisi sa akin. “O, kasi… tangina, ang arte-arte, nagpapakarga pa!”

Hindi na ako kumibo. Iniabot naman ni Zach ang kamay niya sa akin. Ngunit sa magkahalong inis at pagkapahiya, hindi kinaya ng powers ko ang maglandi. Tumayo akong mag-isa nagtatakbo papuntang sasakyan, iniimagine na walang nakakakitang iba sa pagbagsak ko. 

“O tingnan mo nga, mas mabilis pa sa kabayo kung tumakbo ang loko.” Ang narinig kong sabi ni Kuya kay Zach. 

Hindi naman sumagot si Zach.

“Ok pare, mauna na muna kami ha? Sensya ka na sa nangyari. Basang-basa kasi tong utol ko kaya dapat maligo at makapagbihis na rin. Ikaw rin pare, basa ah... Salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko!” Ang narinig kong sambit ni kuya, hinayaan na lang si Zach na mag-isa.

Ewan kung ano ang pakiramdamni Zach. Pero noong nilingon ko siya, mukhang may lungkot ang kanyang mga mata. Kasi ba naman, iyon lang ang sinabi ni kuya. Wala man lang “take care” o kaya “chat tayo mamaya” o “kita uli tayo next time” o mas maganda nga, “Pare… samahna mo kami sa bahay”. Iyon bang something na nakaka-inspire. Siya kaya ang nagligtas sa buhay ko. Doon pa lang, proud na proud na dapat si kuya sa kanya. Sabagay, sa kabilang banda rin, hindi naman talaga siya ang tunay na ka-chatmate at “nagmahal”… 

Nauna akong umupo sa sasakyan at noong dumating na si kuya, dali-dali nitong pinaandar ang kotse na para bang hinahabol ng isng ulol na aso. “Hay salamat naka-eskapo din!” sambit niya pagpaparinig sa akin.

Hindi na ako kumibo. Alam kong ang eskapong sinabi niya ay ang makalayo kay Zach. Syempre, lungkot na lungkot naman ako bagamat kasalanan ko ang lahat. Pero at least, nalaman na ni kuya ang tunay kong pagkatao at ang sunod na mangyayari ay ipagsapalaran ko na lang... 

“Tangina, bakla ka pala…” ang pagmamaktol ni kuya habang nilingon ako.

Ewan. Parang ang sakit din pala kapag sinabihan kang bakla. Hindi kasi ako sanay. At lalo na kuya ko ang nagsabi na may halong pangungutya. “Bakit kung ganito ako? May problema ba?” ang palaban ko ring sagot.

“Oo! Mayroon! At malaki! Dahil kapag nalaman ito ng mga magulang natin, sigurado ako, palalayasin ka nila. Gusto mo iyon?” ang pagbabanta ni niya sa akin.

Para akong nabusalan sa narinig. Syempre, nagpakatotoo lang naman ako at kahit papaano, tao rin naman ako. Bakit hindi nila kayang tanggapin ang pagkatao ko kung mahal nga nila ako. “At bakit nila ako palayasin? Iyong aso nga natin na hindi naman natin kaanu-ano, inaalagaan natin, ako pa kaya? Bakit ikaw? Gusto mong palayasin ako?”

Mistula ring nabusalan si kuya sa sagot ko. Lalong sumungit ang mukha niya. Iyon bang galit na hindi makalabas at may kung anong gustong kumawala sa kanya at pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay ng tao. At ang tanging nagawa na lang niya ay ang tapakan bigla ang accelerator ng sasakyan. Bumilis ang takbo namin. 

Sa takot na baka ibangga niya ang sasakyan, hindi na ako nagsalita pa. Hinablot ko ang seatbelt at isinukbit iyon.

“At ginawa mo pa akong bakla sa mata ng taong iyan? Malaki ang atraso mo sa akin tol… Malaking-malaki! Alam mo iyon?”

Yumuko na lang ako, hindi na kumibo. Totoo naman kasi. Ansama ko… “Pero masisisi ba niya ako kung ako ay umibig?” bulong ko sa sarili. 

“Ngayong alam kong bakla ka pala, ayokong may makikita akong mga lalaking kasa-kasama mo ha?” sabi niya tiningnan ako ng matulis.

“Kuya... bakla po ako, hindi babae. Hindi po ako mabubuntis kahit ilang lalaki pa ang kasama ko!” ang pabalang ko namang sagot.

“Kahit na! Ako lang ang dapat na kasama mo. At kapag may nakita akong kasa-kasama mong ibang lalaki, bubugbugon ko talaga, lalo na ang Zach na yan! Makikita niya!”

“At kaya mo naman? Sa tingin ko nga maganda kung magsuntukan kayo eh para magkaalaman na kung sino ang mas magaling. At sa kanya ako tataya, promise.” Sagot ko.

“A ganoon! Gusto mo babalikan natin iyong ipinagmamalaki mong Zach at uupakan ko? Ha?”

“A... hindi na po kailangan.” sagot ko.

“Takot ka naman pala eh...” 

“Hindi po ako takot kuya. Nand’yan na po siya o...” sabay turo sa isang lalaking naka-motorsiklo sa gilid lang na aming sinasakyan. 

Alam kong si Zach iyon dahil kahit naka-helmet siya, iyon ang damit na isinuot niya. At basang-basa pa rin! “Waaahhh! Ang gandang tingnan talaga ng prince charming ko” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang machong-machong porma ng pagdala niya sa kanyang motor, dinikitan ang sinasakyan namin”

Lumingon si kuya sa gilid niya at mistulang natuliro siya sa nasaksihan. “At ano naman kaya ang plano ng gagong ito?!” sambit ni Kuya na natunugang sasabayan kami ni Zach hanggang sa pag-uwi.

“E syempre, hinahabol ka niya eh. Kasi… hindi mo man lang siya kiniss kanina. Lagi kaya kaming nagki-kiss sa pagcha-chat namin! Hinahabol niya ang kiss!” ang pang-iinis ko kay kuya, ipinaparamdam din na kinilig ako, sabay tawa.

Mistula namang naputukan ng bomba si kuya sa pang-iinis ko. At marahil ay dahil sa kinikimkim pa ri niyang galit kay Zach at sa akin, sinadyang hinarangan niya ang motorsiklo nito.

“Kuya! Dahan-dahan! Mababangga mo si Zachhhhhhhhh!!!” 

At ang sunod kong narinig ay ang malakas na “SCREEECCCCHHHHH!!!!!!”

(Itutuloy)

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...