by: Mikejuha
Sa buong magdamag na iyon, natulog kaming magkatabi ni Kuya Rom. At sa pagkakatong iyon, malaya naming nagawa ang mga bagay na sana ay hindi dapat mangyari sa pagitan ng dalawang normal lalaki.
Masaya ako sa gabing iyon. Sobra. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng sobrang saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “sex”. Alam ko, mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw naman ang sobrang kasayahan ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “knight in shining armor”.
Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa setup namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong naiiba para sa kanya at inaassume na ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako, or what. Nagtatanong ang isip kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na bagamat nakakapagod, masarap naman, masaya, ngunit pagkatapos ay pwede nang kalimutan ang lahat.
Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon.
Noong magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis, bangkaan ng grupo. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko, nasa ibang level na nga ang pagiging close namin. Kahit walang sinasabi iyong tao na kami na, ina-assume ko na lang talaga na may karapatan na ako sa kanya sa kabila nang ayaw kong aminin na ganoon na nga.
Gabi na iyon noong matapos ang praktis namin at uuwi na sana ako kasabay si Kuya Rom. Ngunit may nag-imbita sa kanya na maglaro ng basketball. Baketball player din kasi si Kuya Rom. Kahit na ang pinili niyang event sa varsity team ay volleyball, basketball talaga ang hilig niya. Kadalasan nga kahit katatapos pa lang ng praktis namin sa volleyball, naglalaro pa rin ito ng basketball. Parang walang kapaguran ang kanyang katawan. Sobrang athletic na tao na kahit anong laro alam at nagi-excel pa. Kumbaga, jack of all trade. Ang totoo niyan, kaya niya hindi pinili ang basketball sa varsity team ay dahil sa pag-give way niya para makapasok ang isang kaibigan. At dahil gusto din naman niya ang volleyball at naiibang challenge daw din ito para sa kanya kaya siya napasama sa team, at naging team captain pa.
“Tol… hintayin mo ako ha? Maglaro muna ako ng basketball.” Pakiusap niya.
“Ano??? Maghihintay ako sa iyo, e gabi na! Kung gusto mong maglaro, ako ay uuwi na!” ang mataray kong sagot, sabay pagdadabog.
“Ito naman, o. Pagbigyan mo na ako, please?”
“Anong oras na akong makauwi nito sa bahay? Kabi na!”
“Ano ka ba? Kahit alas dose pa ng gabi, ihahatid kita. Bakit wala ka bang tiwala sa abs na to?” pagpatawa niya, sabay hawi sa harapang dulo ng t-shirt upang malantad ang tiyan.
“Yukkk!” ang kunyari kong reaction kahit na nakikiliti din ako sa pagpapakita niya sa akin niyon. “Anong kinalaman ng abs mo sa takot ko?” dugtong ko.
Napangiti naman siya, “E di, ihahatid kita eh! Problema ba iyan. At doon na rin ako matulog.” Sabay bitiw ng isang malisyosong tingin, at makalag-laglag brief na ngiti. “O… ano? Deal?” pag-follow-up niya.
E, ano pa ba ang magagawa ng lola nyo. Sa ngiti pa lang ng hinayupak ay tila may gumagapang nang magkahalong init at kiliti sa aking katawan, nakikinita na may mangyari na namang karumal-dumal na tagpo sa gabing iyon. “Sige na nga!” sabi ko kunyari masama pa rin ang loob.
“Ayan… ang bait talaga ng bunso. Hmm!” Ang tuwang-tuwang sabi niya, sabay kurot sa pisngi ko na tila nanggigigil. “ Ibinigay naman niya kaagad sa akin ang kanyang cp at ang bag na may mga damit pambihis at ibang gamit sa school, atsaka naghubad na ng pang-itaas.
Nagulat naman ako noong sa pagpasok na niya sa court ay nagpalakpakan ang may ilang grupo ng kababaihan at nagsisigaw, “Romwel! Romwel! Romwel!”
Tiningnan ko ang mga ito sabay sigaw sa sarili, “Mga lukaret!” Marahil ay dala lang iyon ng inis ko dahil sa pagka bad trip dahil sa gusto ko nang umuwi at naunsyami pa ito dahil sa basketball.
At tumungo na ako sa upuan sa gilid ng court upang doon maghintay. Noong una, nanood muna ako sa laro nila. In fairness, talagang ang galing din ni Kuya Rom maglaro. Maliksi, mabilis tumakbo, mataas ang talon, palaging nakaka-shoot, at ang porma, lalaking-lalaki. At di maiwasang lalo akong humanga sa kanya. No wonder na tinawag siyang “crush ng bayan”. Sa porma ba namang hunk na hunk, 6’1” na taas, at galing sa paglalaro. At ewan ko din ba, pakiramdam ko ay nagpapakitang-gilas din sa akin ang kumag. Actually, hindi talaga ako sigurado kung sa akin ba nagpapakitang-gilas (hehe). Siguro, masyado ko lang kina-career yung “haba-ng-hair” feeling noong gabing doon siya natulog sa bahay at ipinagluto pa niya ako ng dinner. Baka din kasing sa mga babaeng tagahanga niya siya nagpapakitang-gilas. Alam ko, mga die-hard fanatics ang mga iyon. Karamihan sa kanila ay dumadayo lang talaga doon sa gym upang tingnan kung naglalaro si Kuya Rom at kung naglalaro, hayun, hindi na aalis hanggang sa kahuli-hulihang patak ng pawis noong idolo nila.
Kaya kapag naka-shoot si Kuya Rom, kunyari hindi ako nakatingin. Syempre, kahit sa nangyari sa amin at sa naramdaman kong kakaiba para sa kanya, ayokong ipahalata na patay na patay ako sa kanya. Sino ba ako, mga ateng… diba? I mean, ikaw ba naman sa lugar ko na may nangyari na sa inyo noog guy at bigla kang tinubuan ng pagnanasa sa puso subalit ang lalaki pala ay ni wala man lang binanggit na “I love you” o kahit iyong pagklaro kung kayo na nga ba o ano… Ano iyon? Praktis? Di ba nakakahiya? May pride din kaya ako. Ayokong ipangalandrakan sa mukha niya na may karapatan na ako sa kanya at to the max na nga ako o kaya’y for life. Ayoko noon. E, kung bigla na lang akong pagsabihan ng, “Eww!!” o kaya’y “Asa ka pa!” o kaya’y pagtawanan. Siguro pag nangyari iyon, kakain na lang ako ng maraming chocolate cake na may dora rat killer at pagkatapus ay magpasagasa sa pison. Atsaka, hindi pa rin naman ako certified by PAMET kung talagang miyembro na nga ako sa federasyon eh. Ewan kung nasa state of denial lang ang aking utak o baka di naman talaga ako bakla. Kakalito talaga, Dra. Margie Holmes… grabeh.
Anyway, may 10 minuto na akong nakaupo at nanonood sa laro nila noong may nag-text sa cp niya. E, busy sa paglalaro iyong tao, kay di ko na pinansin. E, maya-maya, may text uli. At may sumunod pa. Siguro naka 10 texts na noong hindi ko na matiis na hindi buksan ang isang message. Aba di biro ang pagti-text ng 10 beses na sunod-sunod huh! Ngunit walang pangalan at ang nakaregister lang sa cp ay “5”. “Ano naman kaya ang ibig sabihin ng “5”? May pa-code-code pa!” sigaw ko sa sarili. Binasa ko, at ang sabi sa message ay, “Babe, ano ba? Reply ka naman kung matutuloy ba ang date natin!”
Pakiwari ko ay may kidlat na biglang tumama sa akin at ako’y nawala bigla sa tamang katinuan. Iyon bang feeling of betrayal na sa bigla nalang naramdaman mong parang ang lahat ng dugo ay dumaloy patungo sa utak at ang lumalabas sa mga butas ng iyong ilong ay usok dahil sa sobrang galit. “Hmpt! Babe pa talaga! Sabi ihahatid ako tapos may date pala ang honghang?” sigaw ko sa sarili. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa nabasang message. “Parang sobra na yata ang ginawa ng kumag na iyon. Pagkatapos niyang matikman at pagsawaan ang mura at sariwa kong bibig, este, katawan at ngayon ay ibang babae naman ang gusto niyang mai-date? Manyak talaga siya!”
Maya-maya uli, heto, nag-ring ang phone. At iyong #5 pa rin ang nakaregister. Dahil sa inis ko na talaga, ako na ang sumagot. “Sino to?” ang matigas kong sabi.
Hindi nga ako nagkamali. Babae ang nasa kabilang linya. “Sino to?! Ang sagot niya, halatang mataray.
“Si Romwel ba ang hinahanap mo?” sabi ko.
“Oo naman, cp niya to di ba? Sino ka ba? At bakit nasa iyo itong cp niya?”
Sa galit ko, naisipan ko na lang na magsinungaling. “Kapatid niya ito. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?”
“May date kami, nasaan ba siya?”
“Aba... kahit sinabi ko na na kapatid ako, mataray pa rin kung magsalita!” sa isip ko lang. “Ah…Pupunta na daw siya sa ka-date niya eh. Naiwanan itong cp sa akin.” Ang sagot ko. “Sandali… ano ba pala ang pangalan mo?”
“Karen!”
“Hah?!” Kunyari nagulat ako. “E…sabi niya Grace daw ang ka-date niya ngayon!”
“Anong Grace pinagsasabi mo?!” Ang tanong niya, halatang nabigla at nairita.
“Eh… sorry. Grace talaga ang narinig ko e.”
“Tanginang taong iyon! Sino naman ang Grace na iyon!?”
“Girlfriend daw niya! Bakit girlfriend ka ba niya?”
“Oo! At ako ang ka-date niya ngayon!”
“Ay... pasensya ka na, marami kayo. At may nauna na sa iyo sa booking niya ngayong gabi.” Ang pang-aasar ko pa. “Di bale, may good news naman. Kasi, unlimited pagpa-rebook sa kanya, first-come, first-served nga lang. Bye…” sabay patay sa linya.
Nag-ring uli, pero pinatay ko na rin ang power. “Magdusa ka!” sabi ko sa sarili.
Sa sobrang galit, kinapa ko naman ang cp ko at tinext si Kuya Paul Jake. “Kuya, saan ka ngayon?”
“Dito pa sa locker room, bakit?” Sagot niya agad.
Dito pa ako sa gym, sama na tayo sa pag-uwi? Wala akong kasama eh.” Reply ko.
“Ahhh. OK. Bakit si Romwel, nasaan pala?”
“May ka-date kuya! Puntahan na kita d’yan at sabay na tayong umuwi”
“OK, paalis na rin ako, antay kita”
Sa pagkabasa noong message, ipinakisuyo ko kaagad ang cp at bag ni Kuya Rom sa isang kasama din namin sa team na nakipanood pa sa laro niya.
Nakalabas na kami ng campus niKuya Paul Jake noong bigla namang nagyaya siya na mag bar muna kami. Dahil sa hapon pa naman ang pasok ko kinabukasan at dahil na rin sa naramdamang pagkainis, sumang-ayon na rin ako.
Tinext ko ang mama ko na matagalan akong umuwi. Dinahilan ko na lang na si Kuya Rom ang kasama ko sa labas. Kapag si Kuya Rom kasi ang idadahilan kong kasama, kahit pa hindi ako umuuwi ng bahay, wala nang daming tanong pa.
At nagbar nga kami ni Kuya Paul Jake. Ang gustong-gusto ko din kay Kuya Paul Jake ay palagi siyang available kapag tinatawagan ko. Isa siya sa masasabi kong nakababatang kapatid talaga ang turing sa akin, pangalawa nga lang kay Kuya Rom. Matalino, magaling magbigay ng advice, pala-kwento, at marami kang matututunan.
Ngunit wala kaming imikan simula pa noong makapasok na kami ng bar. Noong magsimula na kami sa tig-iisang bote ng beer, nag ring ang cp ko. Si Kuya Rom. Agad ko itong pinatay. Alam ko, pagagalitan ako noon dahil sa ginawa ko sa babae niya. Pero wala akong pakialam.
Nag-ring uli. At pinatay ko uli. Nag-ring na naman, at uli, pinatay ko. Nakailang ring at patay din iyon. Dahil sa hindi ko pagsagot, sunod-sunod naman na ang texts ang pumasok sa inbox ko. Hindi ko binasa ang magi to. Hindi ko rin sinagot.
“Bakit di mo sagutin?” Tanong si Kuya Paul Jake.
“Ayoko...” ang maiksi kong tugon, nakayuko lang ako, ang isang daliri ay inilalaro sa bibig ng bote ng beer.
Hindi na nagtanong pa ni Kuya Paul Jake.
Naka tigdadalawang beer na kami noong magbukas na naman ng tanog si Kuya Paul Jake. “Hmm, nakakahalata na ako sa iyo ah…” tanong niya noong mapansing nakasimangot pa rin ang mukha ko at sa naamoy na rin siguro na sama ng loob ko kay Kuya Rom.
Feeling ko kasi kapag si Kuya Paul Jake ang kasama ko, malaya kong nasasabi lahat. Simula noong inamin ko sa kanya sa nakaraang athletic meet na may nangyari nga sa amin ni Kuya Rom sa accommodation naming, gustong-gusto kop na siyang makausap. “Eh… ewan ko ba Kuya, hindi ko maintindihan ang sarili.” ang naisagot ko na lang.
“Di ba, sinabi ko na sa iyo na dapat huwag mong hayaan ang sarili na alipinin ka ng emosyon sa kung ano mang pisikal o sekswal na pakikipag ugnayan dahil sa lalaki si Romwel at ikaw ay lalaki din. Babae ang hinahanap noon at ikaw, dapat sa babae rin magkaroon ng emotional na attachment. Ang pangarap ni Romwel ay ang magkaroon ng normal na pamilya, ng asawa, ng anak. At dapat ikaw ay ganoon din. Sooner or later, mag-aasawa yan at kapag may emotional attachment ka sa kanya, paano ka na lang? Sa akala mo ba ay i-give up niya ang pag-aasawa nang dahil sa iyo? Try to think of it.”
Hindi na ako kumibo. Napakatalino kasi ni Kuya Paul Jaka, tumbok kaagad niya ang saloobin ko na lalo namang nagpabigat ng aking kalooban. Alam ko… tama si Kuya Paul Jake, at pawang katotohanan ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko na nakayanan pa ang sarili at napahagulgol na lang, pinapahid ang dulo ng sleeves ng t-shirt sa mga luha at sipon na naghalong dumaloy sa bibig at pisngi, hindi alintana ang ibang mga taong nag-iinum din doon sa bar.
Iniabot ni Kuya Paul Jake ang tissue. “Hayan kasi... sinabi ko na sa iyo na huwag kang padadaig...”
“Hindi ko naman kasi sinadya Kuya eh. Bakit, kasalanan ko ba kung may nararamdaman akong ganito? vIyan naman kasing tao na yan ang pasimula ng lahat e” ang paninisi ko.
Hindi kumibo si Kuya Paul Jake. Marahil ay naintindihan niya ang bigat ng dinadala ko.
“Kasi naman ang taong iyon, hindi ko maintindihan. Palagi akong inaasar, tapos, sweet na sweet. Tapos, aakitin ako, tapos, sasaktan. Tapos, dumidikit palagi, minsan doon pa matutulog sa bahay, tapus, iiwanan na lang ako bigla...”
“Ok, ok...” pang-amo niya. “Alam mo, sa tingin ko, ang problema ay nasa iyo. Bakit? Hindi naman niya alam na mayroon kang naramdaman para sa kanya e. At sa tingin ko, wala siyang naramdamang kakaiba para sa iyo.”
“Kahit na may nangyari na sa amin?” ang mabilis kong tugon.
“What’s the big deal kung may nangyari na sa inyo? Malay mo, inaakala lang niya na dahil ok lang sa iyo ang lahat, ay iyon na. Para bang sabay lang kayong nanood ng isang magandang palabas sa tv at pagkatapos noon, ay pweding pag-usapan ninyo ang napanood ninyo o pwede ring hindi. Tapos.”
“Iyon lang iyon?”
“Para sa kanya, maaaring iyon lang iyon. Pero kung gusto mo, kausapin mo siya tungkol sa naramdaman mo, para maintindihan niya ang lahat. At sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari. Di ba close kayo, at bunso nga ang tawag niya sa iyo? Maiintindihan ka noon”
“Ang hirap naman yata niyon, Kuya. Paano kung hindi?”
“Alam mo, sa buhay ng isang tao, minsan darating at darating din ang time na wala tayong ibang option kungdi ang gumawa ng desisyon at harapin ng buong tapang ang risks at consequences na kaakibat nito. Facing the risks are also opportunities to learn, to improve, and to succed. Kapag takot kang humarap ng risk, walang mangyayari sa buhay mo, or sa pag-ibig, for that matter. Lahat ng kalaseng pag-ibig ay ipinadarama. Tandaan mo iyan. Kung sa kabila ng pagpaparamdam mo ay hindi pa rin niya maintindihan ito, sabihin mo... Kung talagang mahirap, e di, tiisin mo. Pero kung sakaling darating ka na sa puntong mas mahirap na ang pagtitiis mo kaysa pagharap sa risk ng pakikipag-usap, gawin mo na.”
“S-sige Kuya. Pag-isipan ko ang payo mo.” Ang nasabi ko nalang.
Mag-aalas dose na ng gabi noong inihatid na ako ni Kuya Paul Jake sa bahay. Medyo lasing ng kaunti at groggy ang paglalakad. Katulong namin ang nagbukas ng pinto at dali-dali kaagad akong umakyat sa kwarto ko. Ngunit laking gulat ko noong makapasok na ako ng kwarto. Sumalubong naman sa pandinig ko ang kanta –
“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me...”
Si Kuya Rom, nasa music corner ng kwarto ko, nagsa-sound trip, pinatugtog ang kanta naming iyon at sa tingin ko ay lasing na lasing na...
Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa paborito naming tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer.
“Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa.
“Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin.
“Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” pag ulit ko sa tanong.
Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-empahsize niya sa katagang “matino”
“Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid.
“Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa.
“Opo! Siya nga.” ang sarcastic kong tugon. “Alangan namang iyong sa PBB Doubleup. Hindi pa kami ganyan ka-close noon at busy na iyon ngayon dahil marami na siyang fans! Iyong Paul Jake na kasama ko ay kasama din natin sa team na spiker pero di hamak na mas guwapo, mas matalino, at mas mabait kaysa sa iyo!” pagpapasaring ko, inaasahang masaktan ang pride at magrereact.
“Ganoon?” ang sagot lang niya na dedma na sa sinabi ko sabay tungga sa hawak-hawak na bote ng beer.
Feeling ko naman na-insulto ako sa sagot niya. Hindi ba naman nagreact ang hunghang o kaya magselos na may kasama akong iba? “Wala! Wala talagang pakialam sa akin ang hinayupak na to!” Sigaw ko sa sarili. Pakiramdam ko tuloy biglang nagkalaglagan ang mahahaba at smoth and shiny ko na sanang hair. At ang nasagot ko na lang ay, “Oo. Ganoon nga!”
“Alam ba nina tita na hindi ako ang kasama mo?” Ang kalmanteng singit niya habang kinuha ang remote, pinatay ang sounds at pinaandar ang TV na parang normal lang ba siyang nagtatanong, hindi ipinahalatang may nag-aambang pambablackmail na namang gagawin sa akin ang kumag.
Natameme ako, syempre. Ang ipinaalam ko kasi sa mga magulang ko ay na siya ang kasama ko. “Hoy! Sinumbong ba ako?” ang bulyaw ko.
“Hindi pa naman… Bakit, gusto mong isumbong kita?” tanong niya, tiningnan ako.
“Tange! Bakit ko gugustuhin iyon? E di grounded ako nyan? Paano ka pumasok dito na hindi nila nalaman na hindi mo ako kasama?” tanong kong paniguro natakot na baka isinumbong na ako.
“Simple lang. Noong binuksan ng papa mo ang pinto at nakitang ako lang ang nandoon sa labas, ang sabi ko na lang sa kanya, kahit nagulat din ako na wala ka pa, ay umihi ka pa sa may kanto. Hayon, balik tulog sa kwarto nila… See? Nagsinungaling ako para sa iyo? Di ka man lang nag thank you sa akin.”
Syempre, touched ako. Kahit ganyan kasi si Kuya Rom sa akin, pero ipinagtatanggol ako niyan kahit saan. Mga babae lang naman ang kinaiinisan ko kasi sa kanya. Iyon bang kung sinu-sino na lang ang pinapatulan, at kapag lalo na maganda, i-etsapwera na lang ako.
“Mag-thank you ka your face! Wahhh! Likas ka naman talagang sinungaling ah! Tagos sa buto!” sigaw ko pang-iinis.
Sa pagkarinig niya sa sinabi ko ay bigla na lang itong tumayo, inilatag sa sahig ang hawak-hawak na bote ng beer at hinablot na ang kwelyo ng damit ko. Syempre, nabigla ako at hind kaagad nakakilos. At sa tangkad ba naman niya at hawak-hawak pa ang kwelyo ng damit ko, para akong isinabit sa poste ng meralco.
Hinatak niya ako patungo sa kama, pinatihaya at inilock sa posisyon na iyon, hawak-hawak pa rin ng isang kamay niya ang kwelyo ng damit ko.
“Ano ang sabi mo? Likas akong sinungaling?” ang sabi niya ang mga mapupungay na mata ay nakatitig sa akin.
“A… eh, hehe! Kuya naman eh, bitiwan mo ang kuwelyo ko, mapupunit yan…” ang biglang pagbaba ko ng boses.
Ngunit hindi niya pinansin ang tila pagmamakaawa ko. “Sagutin mo ako, bakit mo nasabing sinungaling ako?” tanong niya uli.
E, ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang panindigan na lang ang sinabi. “E di ba sinungaling ka naman talaga?” ang sagot ko pa rin kahit kinabahan na ako sa ipinakita niyang galit.
“Bakit mo nga nasabi iyan? Ha?!” ang lalo pang pagtaas ng boses niya.
“Eh… e…”
“Ano????!” giit niya.
“E, yung sinabi mong ihatid mo ako kanina… bakit may nagtext sa iyong babae at may date daw kayo? Di ba nagsisinungaling ka sa akin? Bakit mo ako ihahatid kung may ka date ka naman pala?” sagot ko.
“Ah ganoon. Magkaliwanagan nga tayo… nagseselos ka ano?”
Ewan ko ba, parang gusto ko nang bumigay at sabihin sa kanyang “Oo! Nagseselos ako! May nararamdaman ako! Ngayon... may reklamo ka?” Ngunit hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong niya kaya hindi na magawang pomorma ng lola nyo. Malay ko ba kung sapakin niya akong bigla kapag inamin ko o pagtawanan o magbago na ang tingin niya sa akin. Grabeh. Pressure!
Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa mukha niya. Syeeet! Naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kung anong kilig o kiliti habang pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mala-adonis na mukha, ang hubad na pang-itaas na katawan ay halos ididikit na niya sa katawan ko at ang bukol ng harapan niya ay dumidiin-diin sa mga hita ko. Dinig na dinig ko ang pag-uudyok ng utak ko na yapusin na ang hubad niyang katawan at isurrender na ang bandila ng aking pinakaiingat-ingatang puri (charinggg!). Ngunit ang isang kontrabidang parte ng utak ko naman sumisigaw ng, “Woi, magpaka-demure ka naman, talipandas!”
Marahil ay may napuna siya sa hindi ko pagsagot na iyon at pagtitig ko sa mukha niya kaya ang naitanong niya naman ay, “Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Bakla ka ba?! Bakla ka no??” ang tila may pagka-sarcastic niyang tanong.
Pakiramdam ko ay biglang naubusan ng dugo ang mukha ko at nawalan ng lakas upang tumingin pa sa kanya.
“Bakla ka ano?” giit niya.
“Ah… e… hindi ah! Sino ba ang nagsabi na bakla ako? Meron ka bang pruweba? Atsaka bakit ako magseselos, aber? Haller! Ano ba ang meron sa iyo na dapat kong pagselosan? Kapallll?” sabay tulak sa kanya sa tiyan, malapit sa umbok ng kanyang harapan. Syempre naman, may malisya iyong pagtulak kong iyon, hehe.
Napaliyad naman siya. “Nananantsing ka e.” sambit niya, tila nakahalata.
“Kapal! E bakit ikaw? Sa kadami-daming babae d’yan na naghahabol sa iyo. Dami mo pang girlfriend, bakit pinapajakol mo sakin iyang burat mo? Sinong bakla sa atin ngayon, ha?” bwelta ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkaka-lock niya sa akin at tumbok na sana sa music corner ng kwarto ko, feeling panalo sa aking binitiwang salita.
Ngunit mabilis din niyang nahawakan ang kamay ko at sabay bagsak ng katawan niya sa kama, nakatihaya siya, inilingkis ang mga braso at hita sa katawan kong nasa ibabaw niya “Ansarap-sarap mo talagang asarin no? Nangigigil ako sa iyo. Palaban! Tangina, titigasan na naman ako nito!” sambit niya, amoy na amoy ko ang beer sa kanyang hininga na lalo namang nagpatindi sa kiliti na gumagapang sa aking katawan. Sa posisyon naming iyon ay para akong isang paslit na nakadapa sa ibabaw ng malaking katawan ng tatay o kuya, kulang na lang ay bibigyan niya ako ng lollipop… pero mamaya na iyon, hehe.
Yes, mga ateng. Nag-init pareho ang aking tenga at puson sa narinig na sinabi niya. Nakakainis, nakakainsulto na nakakakilig. Pride ba ang tawag doon? Iyong feeling na gusto mo sana, may naramdaman ka ngunit ayaw mong aminin sa sarili dahil ayaw mong baka ma-insulto o masaktan dahil feeling mo pinaglaruan ka lang or wala naman siyang intesyong seryoshan para sa iyo. “Argggghhhhhhh!” sigaw ko habang itinulak-tulak ang mukha niyang halos ikiskis na rin sa mukha ko.
Ngunit hanggang sa pagtulak-tulak na lang ako dahil sa baywang ko nalakingkis ang malalaki at mahahabang hita niya, sa itaas kong katawan naman nakalingkis ang mga malalakas at maskulado niyang bisig. At sa gitna ng kanyang malalaking hita, ramdam ko ang tila gustong kumawala na bukol sa ilalim noon. Actually, konting patulak-tulak lang naman ang ginawa ko, hehe. Baka din kasi mapalakas at makawala pa ako sa mga bisig niya, hehe.
“Ano ang nangyari sa inyo ni Paul Jake kanina, ha? Ha?” ang tanong niyang ewan kung nang-aasar, o nagsususpetsa ng masama.
“Hindi manyak si Kuya Paul Jake na kagaya mo!” bulyaw ko.
“Ah, oo naman pala. Mas mabait pala iyon no? Mas guwapo, mas… ano pa nga ba iyong isa, tarantado ba?” sabay tawa.
“Ikaw ang tarantado!” sagot ko.
“Hahaha!” Ang tawa niya. “Ipinagtanggol pa talaga. Sige na bunso, di ako magagalit. Aminin mo na, may nangyari sa inyo ano?”
“Wala! Wala! Wala! wala! Kuliiiittttttt!” sigaw ko sa pagkainis na tila hindi siya naniniwala.
“Mas malaki ba kesa akin ang kay Paul Jake?”
Feeling nainsulto na talaga ako sa sinabi niya. “Wala ngang nangyari sa amin! Tado! Pakawalan mo nga ako!” utos ko.
At ewan kung ano na namang kabulastugan ang pumasok sa isip niya, hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan na lang niya ako na tila ay lalamunin nang buo ang aking mukha. Para naman akong ibinayaw sa langit sa mga titig na iyon. Napakaganda ng mga mata niya, napakaguwapo ng mukha. Mapupula ang mga labi, makinis ang balat, matungis ang ilong… Nakakabighani, pramis.
“Pakawalan mo ako kuya… hindi ako makahinga!” Sigaw ng bibig ko, ngunit ang sigaw naman ng utak ko ay, “Huwag! Huwag! Higpitan mo pa ang mga yakap mo!”
Hindi kumibo si Kuya Rom. Patuloy pa rin niya akong tinitigan.
“Pakawalan mo ako sabiiiii! Hindi ako makahinga kuya!” sigaw ng bibig ko uli na alam na ninyong taliwas sa isinigaw ng utak kong tuliro.
Aba… at talagang binitawan ako! At ang naalimpungatan ko na lang ay ang malakas na, “KA-BLAGGGG!”
Nalaglag po ako sa sahig, grabe. Pero ambilis ko ring tumayo ha. Iniisip ko na lang na walang nakakita.
“Salbahe ka!” Bulyaw ko sa kanya bagamat ang sigaw ng utak ko naman ay “Yan… Sinabi nang huwag eh! Buti nga sa iyo!” Parang gusto ko silang pag-untuging dalawa, hehe.
Hindi naman siya natawa, in fairness. Sabagay, baka pinigilan lang din niya. Ngunit siya pa itong nagalit sa akin. “Akala ko ba sabi mo bibitiwan kita!” bulyaw niya din sabay abot sa akin ng kamay niya.
“Aba! Siya pa itong nagalit!” sigaw ng utak ko. “Bitiwan nga ngunit di ko sinabing ilaglag mo ko sa sahig!”
Hindi ko nga tinanggap ang kamay niya. Bagkus kusa na akong sumampa sa kama at nahiga doon, nakatihaya, ang isang braso ay ipinatong sa aking noo. “Matulog na nga tayo! At umusog ka nga doon!” sambit ko sa sobrang pagkainis at pagkapahiya. “Bakit ka nga pala dito umuwi? May boardin ghouseka naman!” pasigaw kong tanong, ipinaramdam na inis na inis talaga ako.
Umusog naman siya sabay sabing, “Sasabihin ko sa iyo kung bakit, basta aminin mong nagseselos ka.”
“Kapal mo talaga! Grabeh!” ang sarcastic kong sigaw.
Ewan kong na-challenge siya sa sinabi ko. At ang nasambit na lang niya ay, “Kapal pala ha. E di lubus-lubusin ko na.” Sabay sampa ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ko at inilock ako sa posisiyon ko upang hindi makakilos.
“Arrrgggghhh! Anong bang ginaga—“ Bulyaw ko sa pagkagulat.
Ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pwersahang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.
At sa pagkakataon iyon, wala na akong magawa kungdi ipaubaya sa kanya ang aking sariwang bibig at katawan (charing!). Naghalikan kami, matagal at punong-puno ng pag-aalab. At noong alam niyang naalipin na ako sa sobrang pagnanasa, isa-isa niyang hinubad ang saplot ng aking katawan at pagkatapus, tuluyan na rin niyang hinubad ang kanyang pantalon at ang brief, hindi dahil gusto naming labhan ang mga ito, kungdi dahil… iyon na, alam na alam iyan ng mga malalaswang isipan natin – hehe
At muli… sabay naming narating ang ruruk ng kaligayahan.
Noong humupa na ang lahat. May pagkainis pa rin akong nadarama. Syempre, dahil maraming issues pa ang naglalaro sa aking isipan, tapos, ganoon-ganoon na lang basta. Sasaktan ako, tapos, biglang ganoon. Parang unfair yata. Ano ako, pusa? Aawayin tapus parausan? Kaya hindi ko napigil ang sariling manumbat sa kanya. “Pagkatapos niyan… sasaktan mo na naman ako, paiiyakin, asarin…” pagmamaktol ko sabay tagilid, patalikod sa kanya, ipinahalatang masama ang loob ko.
Tumagilid din siya paharap sa akin at niyakap ako, parehong hubo’t-hubad pa rin ang mga katawan namin. “Bakit mo nasabing sasaktan kita. Ha? “Bulong niya sa tenga ko.
“Kanina, sabi mo, ihahatid mo ako. Tapos, may date ka pala kaya sumama ako kay Kuya Paul Jake…”
“Anong date ang pinagsasabi mo? Iyon bang nagtitext sa akin?”
“Oo!” sagot kong padabog.
“Ano ka ba? Wala iyon. Nangungulit sa akin ang babaeng iyon. Sobrang nakukulitan ako kaya tinanong ko siya kung ano ba ang gusto niya para matapus na ang pangungulit niya sa akin. Sabi niyang magkita daw kami. E di sinabi kong oo para matapos na. Pero wala akong intensyong siputin iyon…”
Tila nahimasmasan naman ako sa narinig. “E, bakit number 5 iyong nakalagay na name niya sa phonebook mo? May pa code-code pa kayo…”
“Code nga iyon, dahil di ko kilala ang babaeng iyon, at ayaw kong patulan at wala akong pakialam sa pangalan niya. At di lang iyan, may #1 pa d’yan, may #2, may #3, may #4, may #6, #7, #8… puro nangungulit lang. Mga fans daw sila. At hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Kailan man, hindi ako nagsisinungaling sa iyo, tandaan mo iyan...”
“Ibig sabihin, ihahatid mo talaga ako dapat kanina?”
“Oo naman. Ikaw pa ang lakas mo sa akin…”
Tahimik. Pakiramdam ko naman ay biglang tumubo uilt ang hair ko at mas mahabang-mahaba pa siya, soft and silky, hehe.
“So, nagseselos ka?” ibinalik uli niya ang tanong niyang iyon na hindi ko sinagot.
E, ano pa nga ba ang magagawa ng haba ng hair ng lola ninyo kundi ang umamin. “Oo…”
“Ikaw bakit dito ka pa rin umuwi samantalang kasama ko naman si kuya Paul Jake na siyang maghatid sa akin?” ang pagbalik ko naman sa tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot.
Hinaplos niya ang aking mala-anghel na mukha (charing!) at pagkatapos ay hinalikan ito.
“Hindi kita matiis tol eh… Atsaka, may ibibigay din ako sa iyo...”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment