By: aaron villanueva
Note:
Siguro naman ay lahat sa atin, alam ang salitang CB – call boy.
Mayroong alam lang ang salita (as in walang karanasan dahil may daily supply of milk sila - lol!), mayroong nakatikim na (aminin), mayroong naging suki na rin (ehem!), at mayroong sila mismo ang naging call boy sa kadahilanang sila lang ang nakakaalam. Kanya-kanyang kuwento kasi yan eh, kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang guhit ng tadhana. Lahat naman kasi tayo ay may tinatawag na sariling pinapasang “krus”. Kanya-kanyang diskarte lang iyan kung paano natin dadalhin. Nagkataon lang na ang “krus” ni Aaron ay ang pagiging callboy niya at ang sa akin naman, hindi ninyo naitatanong, ay ang pagiging cute (Malaking Joke! Lol!)
Seriously, sa kuwento ni Aaron ipinakita niya na ang isang callboy ay tao din na katulad natin - may dahilan kung bakit nagawa ang isang bagay, nasasaktan, sumasaya, umiibig...
I requested Aaron na kung sana ay mapost ang story na ito. Ang buhay niya kasi ay sumasalamin sa isang taong nasadlak sa isang kalagayan at karanasan sa pag-ibig at kung paano niya dinala at nilabanan ang mga ito… may aral na mapupulot, may makikita kang kahalintulad sa buhay, in a way, may dalang pag-asa…
Para po sa inyo ang kuwentong ito sa buhay ni Aaron.
Note Galing kay Aaron: Hindi na siya nagko-callboy ngayon. Kaya kung may interesado man d’yan, ako na ang kukuha sa mga customers niya. Nagsara man ang pintuan ng paninda ni Aaron, nagbukas naman ang sa akin.(Joke!!!)
-mikejuha-
---------------------------------
Madalas ako sa isang mall sa Mandaluyong pagkagaling ko ng eskwelehan. Iyon lagi ang aking ginagawa pagkatapos ng aking klase.
Bago ko ituloy ito, aaminin kong “CALLBOY” ako. Binebenta ko ang aking sarili sa presyong napag kasunduan namin ng aking magiging customer. Sa mismong mall na un ang madalas kong tambayan. Bago ako umuwi ng bahay ay dumederetso ako roon upang magpaligaya sa mga taong hayok sa sex. Seyempre may kaukulang bayad ito depende sa aming napag kasunduan. Sa edad na 17, natuto akong ibenta ang aking katawan. At ngaung nasa 20 anyos na ako, patuloy pa rin ako sa ganitong uri ng kalakalan.
Maraming paraan para matustusan ang aking mga pangangailangan. Pero ito lang ang naisip ko upang matugunan ang aking luho. Hindi kami mayaman. Masewerte na ako dahil kahit papaano, nakapag aral ako sa isang private University. Kinakaya ng aking mga magulang na pag aralin ako kahit pataas ng pataas ang
tuition fee every year. Hindi rin sapat ang allowance na ibinibigay nila sa akin. Mahilig kasi akong bumili ng kung anu-anong gamit para sa aking sarili.
Mahirap maging callboy. Nung una, diring diri ako sa aking sarili sa tuwing may mga customer na sumusubo sa aking ari, sa tuwing lumalakbay ang laway nila sa buo kong katawan, sa tuwing araw-araw iba, iba ang taong nakakasama ko at iba-iba ang lugar na pinag dadalhan nila sa akin. Andun ang takot. Andun ang kaba. Andun ang pandidiri. Pero kalaunan, nasanay na lang ako.
Hindi ako katangkarang tao. Ang taas kong 5’5 ay nababagay naman sa maamo ngunit astigin ko raw na itsura. Medyo singkit ang aking mga mata. Bahagyang matangos ang aking ilong na bumagay naman sa hugis ng aking mukha. Mapang akit daw ang aking mga labi,(yan ang sabi ng mga nagkakagusto sa akin). Hindi ko naman ipagkakaila na may itsura akong tao. Namana ko ito sa aking ama. Kaya hindi na ako nag tataka na may nagkaka gusto sa akin at sa tuwing nakatambay ako sa Mall na un sa Mandaluyong ay may mga lumalapit sa akin para itanong ang aking pangalan at ang aking numero.
Maraming nagsabi na suplado raw ako, dahil daw sa dating ng aking pagkatao. Tahimik akong tao, pero nasa loob ang aking kulo. Kaya ang iba nahihiyang i-approach ako dahil baka raw hindi ko sila kausapin. Kung kikilalanin lang nila ako ng lubusan, maiiba ang definition nila sa aking pagkatao. Pag seryoso ang usapan, nagseserryoso ako. Kung bastusan, bastusan. Kung lokohan, lokohan. May mga times pa nga na pag iyakan, makiki-iyak din ako. Madali akong maawa sa tao. Weakness ko ang nakaka kita ng umiiyak. Pati ako ay nadadamay lalo pa kung tungkol sa pamilya ang dahilan.
Marami-rami na rin ang nakatikim sa akin. Minsan ung iba binabalik balikan ako. Hanggang ngaun, may mga nag ttext pa rin sa akin upang matikman ang aking katawan.
Minsan habang nakatambay ako sa mall, may lumapit sa aking lalake. Gwapings at matangkad ang lalaking iyon. Alam kong callboy din sya dahil madalas ko syang nakikita sa 3rd floor ng mall. Bagama’t sa 3rd floor din ang tambayan ko pero nasa kanang bahagi ako, sya sa kaliwa. Sa tuwing andun ako, andun din sya. Alam ko naman na marami ring callboy dun na tulad ko, swertehan na lng talaga kung sino samin ang magustuhan ng customer. Tinanong ako ng lalake kung gumigimik din daw ba ako tulad nya (ibig sabihin nag ko-Callboy din ba ako tulad niya). Sabi ko, “Oo, kaso wala pang customer” dahil medyo maaga pa ng mga oras na un. Sumang ayon sya dahil wala pa ring lumalapit sa kanya.
Niyaya nya ako mag yosi sa labas. Nagka kwentuhan kami hanggang sa hindi namin namamalayan na nag tatawanan na pala kami. Kung anu-anong topic ang napag kwentuhan namin. Nakuwento nya lahat ng karanasan niya bilang isang Callboy. Lahat sinabi niya maging ang problema niya sa kanyang pamilya. Natahimik ako bigla ng mag umpisa siyang maging seryoso at ikwento ang buhay niya. Dun ko nalaman kung bakit niya pinasok ang ganitong kalakalan.
Dave ang pangalan niya. Pang anim sya sa walong magkakapatid. Namatay daw ang tatay nya nung bata pa siya. Ang nanay naman daw niya ay may tindahan ng mga damit sa Guadalupe mall. Ang iba niyang kapatid bumukod na at nag asawa. Tatlo na lang daw sila ang wala pang asawa. Hindi na sya nag-aaral. Huminto siya noong 3rd year college sya sa kursong Computer Engineering dahil sa problemang pinansyal. Gusto niyang mag aral ngunit naisip niyang wag muna dahil baka mahirapan ang kanyang ina. Papatapusin daw muna niya ang dalawa pang kapatid nyang nag aaral bago naman siya.
May awa akong naramdaman habang nag kinukuwento nya ang tungkol sa buhay niya. Unang karanasan daw niya sa pagiging callboy ay nung minsang sya ang nag bantay sa store nila sa Guadalupe mall. Umiihi daw sya sa urinal non ng napansin niyang tumitingin tingin sa kanyang ari ang isang lalakeng katabi niyang umiihi. Sinundan sya ng lalaki hanggang sa nagpakilala daw ito sa kanya. Kinuha ng lalake ang kanyang number at binigay naman niya. Hanggang niyaya sya nito makipag sex sa kanya at bibigayan daw sya ng pera. Mula daw non ay naisip na niyang ibenta ang knyang katawan. At dahil nga sa hirap ng buhay, kaya nya nagawa iyon. Tutal kayang kaya niyang gamitin ang itsura niya sa ganoong trabaho.
Hindi nalalayo ang kuwento namin ni Dave. Habang nag kukuwentuhan kami, may nararamdaman akong pag hanga sa kanya. At dun ko lalong napag masdan ang kanyang itsura. Gwaping tlaga sya. Lalo pa kung ngumingiti sya dahil lumalabas ang malalim niyang dimples. May konting pag kainggit pa nga akong naramdaman dahil pakiramdam ko nasasapawan niya ang itsura ko. Pero binalewala ko iyon.
Pagtapos ng kwentuhan na yun, hindi na kami bumalik sa mall para mag callboy. Niyaya niya ko sa bahay niya para mag inuman. Tutal wala raw tao dun dahil nasa eskwelahan ang mga kapatid niya at ang nanay naman niya ay nag babantay ng store. Naging mag kaibigan kami ni Dave mula non. Palagay ang loob namin sa isa’t isa.
Isang sakay lang mula sa pinang galingan namin ang bahay nila Dave. Mula kila Dave ay isang sakay na lang din ako at bahay ko na. Magulo ang bahay ng dumating kami. At tulad nga ng sabi niya ay walang tao doon. Maluwag ang bahay nila Dave kaso medyo magulo.
Inayos ni Dave ang bahay bago sya lumabas para bumili ng alak. Pagdating niya ay may dala na syang isang case ng redhorse, isang kaha ng yosi, at ilang pulutan..
Hindi ako mahilig uminom. Mabilis kasi akong malasing. Pwera na lang kung nasa mood ako. Nang araw na yon, wala akong ganang uminom. Sumang ayon na lamang ako sa kanya para hindi sya mapahiya sa akin, at para na rin siguro i-welcome ang unang araw namin bilang isang mag kaibigan.
Sa sala kami nag inuman. Habang nag iinuman, pinag patuloy namin ang aming kwentuhan. Tinanong niya ako kung paano ako nag umpisa sa pagiging callboy. Simple lang ang sagot ko. Ang sabi ko “trip ko lang. Astig kasi magkakapera na, masasarapan ka pa”.
Natawa siya sa sagot ko. Tama raw ako, may pera na, masarap pa.
Habang tumatagal, kung san san na napupunta ang usapan namin. Andun kung papaano sya kina kama ng mga nakaka sex niya, ang safe sex habang nakikipag talik, ang paggamit ng condom, kung magkano ang binibigay ng customer, kung san siya dinadala at kung ano ano pa. Hindi ko namamalayan na mauubos na pala namin ang isang case ng redhorse. Tumayo si Dave at lumabas. Pagbalik niya at may bitbit na naman syang isang case ng redhorse.
Inamin ko sa kanya na medyo tinatamaan na ako, sabi niya ok lang daw un dahil pag hindi ko na kinaya umuwi eh dun na ako sa kanila matulog. Wala naman problema sa akin iyon. Hindi naman ako papagalitan sa bahay kung sakaling hindi ako umuwi. Nag text na lang ako kay erpat at nagpaalam na sa isang kaibigan ako magpapalipas ng gabi.
Maya maya pa ay dumating na ang kanyang ina kasama ang dalawa niyang kapatid na babae. Pinakilala niya ako sa kanila na dati niyang kamag-aral. Natawa ako sa pagpapakilala niyang iyon sa akin. Ayaw niyang ipaalam ang totoo na sa mall lang kami nagkakilala at mismong araw lang na yon kami nagkakilala. Hindi kasi nila alam na Callboy si Dave.
Patuloy pa rin ang aming kwentuhan. Napapansin kong lasing na si Dave. Kahit namumula na sya at pa bulol bulol na ang kanyang pananalita ay bakas pa rin sa kanya ang kagwapuhan. Pasado alas diyes ng gabi
na kami natapos uminom ni Dave. Niyaya na niya ako na magpahinga at nahihilo naraw siya.
May sarili syang kwarto. Maliit lang ang kama pero kasya naman sa dalawang tao. Pagpasok ng kwarto ay nagpalit siya ng damit. Maganda ang katawan ni Dave hindi tulad ko na medyo payat. Nang hiram na rin ako ng pamalit na damit. Sando ang ibinigay niya sa akin. Pagkabigay sa akin ng damit ay bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi lang basta halik ang ginawa niyang iyon. Napansin ko na lamang ang sarili ko na tumutugon sa kanyang halik. Hanggang sa dumating ang puntong parehas na kaming hubad ni Dave at pinag sasaluhan ang gabing iyon.
Natapos ang gabing iyon ng may nangyari sa amin ni Dave. Hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis ang namagitan sa amin.
Napapadalas ang pagkikita naming dalawa. Habang tumatagal, lalong napapalapit ang loob naming dalawa sa isa’t isa. Nagugulat pa nga ako ng sinusundo niya ako sa school na pinapasukan ko. Hindi nagtagal, naging kami ni Dave.
Bago pa man kami nagkakila, galing ako sa hiwalayan. Nag break kami ng girlfriend ko dahil nalaman niya ang aking ginagawa. Masakit. Nakakahiya. Minahal ko ang ex girlfriend ko na un, at alam kong mahal niya rin ako. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman niyang Callboy ako. Nababasa niya ang mga text messages sa akin ng mga nagiging customer ko. Hininto ko ang pakikipag affair sa mga babae at dun ako nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa kapwa ko lalake. Si Dave ang unang lalakeng naka relasyon ko. Ang pagiging callboy ko ang nagpa trigger sa akin kaya eto ako ngaun at nakikipag relasyon sa lalake.
Tumigil ako sa pagiging callboy ng naging kami ni Dave. At ganon din sya. Nangako kami sa isa’t isa na hindi na kami kailanman magbebenta ng katawan. Sumang ayon naman ako sa gusto nyang mangyari. Masaya ang naging pagsasama naming dalawa. Walang nakaka alam na may relasyon palang namamagitan sa amin ng higit pa sa pagiging magkaibigan. Madalas sya sa bahay namin at minsan dun na sya nagpapalipas ng gabi. Ang alam ng aking mga magulang ay classmate ko lang si Dave. Minsan dumadaan pa rin kami
sa mall na yun kung saan kami nagka kilala. Nababalot pa rin ng prostitusyon ang bahaging iyon ng mall. Marami pa rin ang mga bakla ang nag lilipana doon para makahanap ng callboy. Habang nag lalakad kami ni Dave roon, may mga nakikipag titigan sa amin. Marahil ay nakikilala nila kami.
Mahal ko si Dave, at ramdam kong ganon din sya sa akin. Kahit nakaka diri pa sa pandinig ng iba, kahit pa mali ito sa mata ng diyos, kahit na walang batas dito sa pilipinas na legal ang same sex relationship, at kahit pa parehas kaming lalake, hindi iyon nagpatinag sa relasyon namin ni Dave. Ngunit habang tumatagal, nagiging malamig ang pagsasama naming dalawa. May mga bagay na kaming hindi napag kakasunduan. Hindi ko na babangitin pa ang lahat ng iyon pero aaminin kong ako ang may kasalanan ng
lahat.
Naghiway kami ni Dave at doon muli nag patuloy ang buhay ko bilang isang callboy. Sinisisi ko ang aking sarili sa paghihiwalay naming iyon. Gustuhin ko mang makipag ayos sa kanya ay hindi ko na nagawa pa.
Masakit. Hindi ako manhid para hindi masaktan sa nangyaring hiwalayan namin ni Dave. Natagalan bago ko siya nakalimutan. Hindi naging madali sa akin ang lahat. Tuwing gabi lagi sya ang nasa isip ko. Minsan nga nasisisi ko na ang diyos kung bakit niya ako hinayaang makaramdam ng ganito sa kapwa ko lalake. Hindi naman ako ganito dati. Mula lang ng pumasok ako sa mundo ng Callboy, nag bago na ang lahat, pati ang aking sekswalidad.
Bumalik ako sa pagiging Callboy. Bumalik din ang kaba tulad ng una kong naramdaman ng una akong napasok sa kalakalang ito. Mahirap talaga. Maraming nagsasabi na “Easy money” ang prostitusyon at masasabi talaga na makakatulong ito sa pag resolba ng mga pinansyal na problema. Kaya nga siguro nag Callboy ako. Hindi madali ang pag bebenta ng katawan. Maaari itong mag dulot ng iba’t ibang karamdaman bunga ng pakikipag talik. Isa na rito ang STD (Sexually Transmitted Disease). Hindi ka sigurado sa taong makaka talik mo. Maingat naman ako pagdating sa pakikipag talik, at tulad din ni Dave, gumagamit ako ng condom kung kinakailangan. Alam kong wala pa ring kasiguraduhan kung gumamit man ng condom. Kaya nga mapili rin ako sa nagiging customer ko at kung ayaw ko talaga, hindi ako nag papa pick-up sa kanila. Nagpapasalamat pa rin ako at hanggang ngaun, wala pa akong sakit.
Sabi ng ilan, “money is the root of all evils”, pero taliwas ito sa aking paniniwala. Para sa akin ang pagkawala ng pera ang pinag uugatan ng kasamaan. Si Dave, maging ako, at maging ang lahat ng callboy dito sa pilipinas ay naging masama sa pagbebenta ng katawan dahil sa pera. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakaisip ng ganitong uri ng trabaho lalong lalo na ang mga kabataan. Ang pilipinas bilang isang konserbatibo at katolikong bansa ay kinokonsidera ang prostitusyon bilang isang kahiya hiya, masama at
hindi katanggap tanggap na gawain.
Oo, tama, kahiya hiya ang trabahong ito. Sinisira nito ang pagkatao ko. Pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang katotohanang isa akong bayarin na lalaki. Isa akong puta na nag bebenta ng katawan para lamang magkapera. Masakit kung iisipin pero ito ang totoo. Ito ang katotohang hindi ko na mabubura sa pangalan ko.
Maraming bagay ang kailangan nating tanggapin sa ating mga sarili. Aminado akong hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na isa akong Callboy. Pero eto ang totoo. Ginawa ko ito at kelangan ko itong panindigan, tanggapin at paniwalaan.
Lumilipas ang panahon at kung sino sino pa rin ang nakaka talik ko. Habang tumatagal, pataas ng pataas ang presyo ko. Limang daan kada putok. Hindi tulad ng dati na ok na sa akin ang tatlong daan. Maraming taon na ang lumipas. May mga nakikilala pa rin akong katulad din ni Dave. Ngunit hanggang kaibigan na lamang ang turing ko sa kanila. Bilang isang callboy, may mga bagay na dapat isaalang alang. Isa na rito ang ating dignidad, sunod dito ay ang ating kalusugan. Pero bakit hindi ko pa rin maalis ang ganitong uri ng trabaho? Marahil ay isa na ito sa bisyong hinahanap hanap ng aking katawan.
------------------------------------- x x x x x x x x x x x --------------------------------------
Ano na kaya ang nangyari kay Dave ngaun? Callboy pa rin ba sya? Hindi na kami nag kita pa mula ng kami ay nag hiwalay. Naisip kong puntahan siya sa kanilang bahay ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi nya ako kausapin.
Nagkaroon muli ako ng mga girlfriends. Pero nauwi rin ang lahat sa hiwalayan. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin ako handang mag seryoso at magmahal. Lahat ng dumarating sa aking relasyon, mapa lalaki man o babae ay trip lang lahat.
Sumali ako sa isang clan sa isang chatrooms noon... Sa clan na iyon, nakilala ko si JP. Siya ang naging matalik kong kaibigan doon. Alam niya ang kwento ng buhay ko. Wala akong tinago sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Ang pagiging callboy ko, maging ang relasyong namagitan sa amin noon ni Dave. Palagay ang loob ko sa kanya. Nakikita ko sa kanyang pagkatao ang katangian ni Dave. Mabait si JP. Maaalahanin. Binibigyan niya ako ng mga simple ngunit may aral na payo. Pinapahinto niya ako sa pagiging callboy na agad ko naming sinunod. Hindi nagtagal, naging kami ni JP, at sa darating kong kaarawan sa ikalawang araw ng Abril, ipagdiriwang namin ang isang taon at ika pitong buwang pagsasama.
Mula ng nagkakilala kami ni JP, hindi na ako nag callboy pa. Pinapagalitan niya ako sa tuwing dumaraan pa rin ako sa mall kung saan ako nagsimulang magbenta ng laman. Binura niya lahat ng contacts ko sa mga dati kong customer at todo bantay niya ako. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Isa na ito sa mga
pinakamasayang parte ng aking buhay. Binigyan ko ng pansin ang aking pag aaral. Si JP ang naging sandigan ko sa lahat ng bagay. Siya ang tumulong sa akin upang magbago at ibaon sa limot ang lahat ng masasaklap na karanasang bumalot sa buo kong pagkatao.
“Everthing is going to be fine, in God’s time”. Tama ang kasabihang ito. Naging maayos ang magulo kong buhay. Para bang sa isang click lang, nabago ang lahat. God is good. Hindi niya ako hinayaang masira. Binigay niya sa akin si JP para makasama at para ituwid ang baluktod kong pagkatao.
Naalala niyo pa ba si Dave? Nakakatuwang isipin na sa tinagal ng panahong hindi kami nagkita ay nag krus ang aming landas ng minsang dumaan ako sa mall para bumili ng pabango. May boyfriend na rin sya ngaun at pinakilala niya sa amin ni JP si Jeck. Ang liit talaga ng mundo, At ang bait ng diyos. Biruin niyo, kahit may nakalipas sa aming dalawa ni Dave ay naging isang mabuti kaming magkaibigan ngaun. Nabuo ang isang magandang samahan namin bilang magkakaibigan nila Dave, Jeck at JP.
(Wakas)
Nice story.. sad but true.
ReplyDelete09056339939
ReplyDelete