Tuesday, June 26, 2012

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 2

Hindi inasahan ni Carmencito na isang makisig na lalaki ang kanyang susunduin. Hindi niya kasi ito nakita kahit sa larawan man lang. Pinagmasdan niya ito ng husto habang may kausap sa cellphone.

Hindi nakaligtas sa kanya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Alam na niya ang ibig sabihin nun at hindi siya bobo para hindi mahinuhang isa itong bading.

Walang kabakas-bakas sa mukha nito na maaari itong magkagusto sa kapwa lalaki. Paano’y napakaraming babae ang na-link na dito. Ayon sa pagkaka-alam niya. Patunay lamang doon ang kausap nito ngayon na sa balita niya ay siyang pakakasalan nito.

Ah, marahil ito ay isang silahis. Marami na siyang na-engkwentro na katulad nito. Mayroong hayagan ang pang-iimbita sa kanya at ang iba ay talagang hanggang tingin lamang ang paanyaya. Hindi sa pagmamayabang ay may hitsura naman kasi talaga siya. Siya raw ang epitome ng tall, dark and handsome.

Hindi niya alam kung paano iyon pakikitunguhan sa simula ngunit nabatid niyang sa adbentahe niya na rin ang pagkakaroon ng isang magandang mukha. He had tan skin na sa pagkakabilad niya madalas sa araw ay ipinagpapasalamat niya na hindi nasusunog ng husto.

Mapalad siguro siya. Ang katawan niya ay alaga sa gym at sa pagbabanat ng katawan simula pagkabata.

Ngunit ang pinaka asset niyang matatawag ay ang kanyang kulay tsokolateng mata. Marami ang nagsasabing ang mga mata pa lang niya can speak volumes of expression just by staring to anyone in particular. Pwede na niyang iparating agad ang ibig niyang makuha sa titig pa lamang.

Subalit ang pinakasentro ng pansin niya ngayon ay kung paano maisasagawa ang kanyang plano laban sa kapatid ng katabi. Siya si Ito. Carmencito ang kanyang tunay na pangalan. Ngunit sa paghahanap niya kay Elric na siyang sumira sa buhay ng kanyang kapatid na naging sanhi ng maagang kamatayan nito ay nagpalit siya ng pangalan.

Madali lang sa kanya ang gawin iyon. Isa sa mga ugali ni Elric ang maging mapagtiwala sa mga taong kinabibiliban nito. Ginusto na niyang saktan ito pagkakita pa lamang niya rito. Ngunit sa kasamaang palad. Naisip niya na mas magandang pagdusahin ito ng matindi para sa kapatid. An eye for an eye ika nga.

Nang makatapos siya ng kolehiyo ay may ipinagtapat sa kanya ng kanyang Tatay Ben ang tunay na pangalan ng kanyang ama. Buhay pa pala ito at nasa Japan lang kasama ng bagong pamilya. Sinulatan niya ito at hindi inaasahang sasagot kaagad. Nagpadala ito ng emisaryo at inayos ang papeles niya upang mapasunod siya ng mabilis sa Japan.

Naka-alis siya ng bansa at nag-aral habang nasa piling ng ama. Ang kanyang madrasta ay isang purong haponesa na napakabait at talaga namang i-n-acknowledge siya ng husto. Hindi niya inaasahan iyon bagamat walang anak ang mga ito sa panahon ng pagsasama.

Nakapagtapos siya sa Japan at pinagtrabaho ng ama sa car dealership business nito. Mayroon iyong limang sangay sa buong metro ng bansang iyon at limang sangay rin sa Pilipinas. Tatlo sa Luzon at dalawa sa Cebu.

Nang mamatay ang ama ay ipinamana sa kanyang lahat ang mga iyon at hindi kinontesa ng madrasta. Nararapat daw iyon sa kanya dahil matagal siyang napabayaan ng ama. From time to time ay binibisita na lang niya ang kanyang madrasta kapag kinakailangan niyang asikasuhin ang mga negosyo sa Japan.

Hindi siya umalis bilang Chief Mechanic ni Elric. Hindi porke’t naging maalwan na ang buhay nila ng Tatay Ben ay kakalimutan na lang nila ang bagay na ginawa nito. 

Hinding-hindi. Lalo na siya. Nasobrahan yata siya sa pag-iisp at hindi napansin na napabilis na sila ng takbo. Muntik na niyang hindi mapansin ang nag-overtake na truck kaya nag-swerve ang kanilang sasakyan pakanan. Mabilis niyang naapakan ang preno. Mabuti at tiyempong wala silang kasunod.

“What the… Anong klaseng pagmamaneho ba ang alam mo? Hindi mo ba alam na maari tayong mapahamak sa kapabayaan mo?” nanggagalaiting sigaw sa kanya ni Gboi.

Namumula ang mukha nito sa galit at bahagyang takot na nakita niyang gumuhit sa mga mata nito.

“Ipagpaumanhin mo Sir. Medyo wala pa kasi akong tulog at hindi ko napansin na bumubilis na pala tayo. Huwag kang mag-alala at hindi na mauulit.” Maamong sagot niya rito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Ipinasya niyang huwag patulan ang paninigaw nito sapagkat maaring hindi makapag-pigil ang isa sakanila at magkasakitan sila. Ayaw niyang ibuko ang sarili ng ganito kaaga. Tutal, alam naman niyang isa itong “pa-mhin”, gagamitin na lang niya iyon sa kanyang bentahe.

Napansin niyang napalunok ito. At napatingin sa mga labi niya. “Ayos!!” napapangiting sabi niya sa isip. Hindi ligtas sa appeal niya ang isang ito. Mukhang may naisip na siyang magandang gawin para gantihan si Elric.

“Ayos ka lang ba Sir?” sabay hawak sa balikat nito at ininspeksiyon ang katawan nito.

“May masakit ba sayo?” may papisil-pisil pa siyang nalalaman.

Naaliw na tiningnan niya ito sabay sabing, “Okay ka naman pala. Huwag kang mag-alala Sir, kapag ako ang kasama mo hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa’yo.” Sabay kindat dito. Napamaang na lamang ang amo.

“What the heck is that?” sigaw ng isip ni Gboi. 

Hindi niya mapaniwalaan na ganoon na lamang ang mangyayari pagkatapos niyang sigawan ito kanina. Nakahanda na siyang sapakin sana ito ngunit napigil iyon ng ngumiti at humingi ng pasensiya. Buti na lang at tapos na siyang makipag-usap kay Katrina sa cellphone niya kaya hindi na nito narinig pa ang pagmumura niya.

Nakakalito rin ang mga sinabi ng Panchong ito sa kanya. 

“Huwag kang mag-alala Sir, kapag ako ang kasama mo hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa’yo.” Was it a come on? 

How come it did not sounded gay? Did he see through him? Alam kaya nito na silahis siya?

Ahhh!! Napapasigaw na siya sa frustration sa isip niya. Ang dami niyang tanong. Ngunit hindi maaring hindi niya malaman kung bakit ganoon ang aktwasyon nito sa kanya. Kailangan niyang malaman kung lumalandi ito sa kanya, one way or another.

Ipinasya na lang niya na gawin ang naiisip. 

“Bakit mo naman nasabi yan? Ano ka super-hero ko?” nakakalokong tiningnan niya ito.

Naglapat sa isang linya ang mga labi nito habang tutok na tutok sa daan ang mga mata. 

“Dahil ayokong makitang may nasasaktan na katulad mo.” Walang lingong tugon nito sa kanya.

An “O” formed his lips. Bahagya pa siyang napatulala rito. Hindi siya makapaniwalang itutugon nito ang eksaktong inaasahan niyang sagot.

Bago pa siya makapag-salita ulit ay inunahan na siya nito. 

“Alam ko kung ANO ka. Pero huwag kang mag-alala at safe ang sikreto mo sa akin.” Nakangiti na ito ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

A mutter of expletives should be going out of his mouth right now kung hindi lang siya nag-alala na lingunin ang kasama nilang si Britney na sa kabutihang-palad ay nakatulog nap ala sa likuran.

Tiningnan niya ng masama si Pancho sabay sabing. “Anong pinagsasasabi mo dyan? Anong alam mo tungkol sa akin?”

Mapanganib ang tono niyang ginamit ditto. Mahina lang iyon bagama’t tiniyak niyang maipararating niya rito ang lahat ng ibig niyang sabihin sa katanungan niyang iyon.

Tumaas lang ang kilay nito at walang anu-ano’y inihinto ang sasakyan sa isang tabi. Pinindot nito ang signal para sa hazzard at binalingan siya. 

“Gusto mo bang ipaliwanag ko pa sa’yo Sir kung ano ang ibig kong sabihin? Alam natin pareho na ang umbok sa pagitan ng mga hita ko ang tintingnan mo kanina sa airport. Alam ko ang uri mo Sir, bagama’t hindi isang masamang bagay iyon ay ikinabigla kong malaman.” Sagot nito sa kanya sa napakalapit na posisyon ngmukha nito sa mukha niya na hindi niya kailanman inaasahan.

Napatingin agad siya kay Britney at mukhang tulog pa rin. Ibinaling niya agad ang mata pabalik rito at hindi inatrasan ang nanghahamong tingin nito at nang-uuyam na ngiti. 

“Alamin mo kung saan ka nakalugar Pancho. Bagama’t wala akong alam na ginawa para malaman kung paano mo nalaman ang pagkatao ko ay isina-suggest kong manahimik ka na lang tungkol rito.” Walang paki-usap sa tinig na sabi niya.

Wala ring silbi kung itatanggi niya dahil kung ng itinago niya ay nalaman pa rin nito. Ano pa kaya kung inilantad niya. 

“Maari ba, Pancho?” dugtong niya ng hindi ito tuminag. Nagbago ang ekspresyon nito at ngumiti ulit at nagwika ng 

“Nasa sa iyo yan Sir. Kung hindi ka magiging pasaway sa akin, baka hindi ako magsalita.” Nakakalokong sagot nito.

Napailing siya sa sagot nito. “Hindi iyan ang inaasahan kong isasagot mo Pancho.” Nagsimula na itong paandarin ang sasakyan ulit.

Tiningnan siya nito ng hindi inaalis ang ngisi sa labi. Ngali-ngaling sapakin na talaga niya ito. 

“Sige.” “Hindi ko ipagsasabi, nangangako ako. Pero..” nakabitin ang hininga niya sa isinagot nito.

Akala niya okay na, may pahabol pa pala. Kaasar. “Pero ano?” sagot niya.

“Pero, di ko ipapangakong hindi na kita lalapitan at kukulitin. Kasalanan mo kasi, ang cute-cute mo!” sinserong pahayag nito habang nakatingin ng diretso sa daan.

Again, an “O” formed his lips. He ought to say something. But. That rendered him speechless!!!

Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...