By: Dalisay Diaz
"How are you son? I miss you baby!" anang Mommy niya sabay yakap sa kanya.
"Mom? What are you doing here?" gilalas pa rin niyang tanong.
"Why baby? You sounded like you didn't want me to be here. Hindi ba at nagsabi na akong dito muna ako for the weekend? Ang hirap sa'yo, hindi ayos ang kalendaryo mo." naiinis na sabi nito saka dire-diretsong pumasok sa bahay.
"No. Its not like that mom. Of course you're welcome here. Hindi ko lang talaga naalala. I'm sorry." malambing niyang sabi.
"You're forgiven. Hey, may dala akong mga groceries. Baka kasi tinamad ka na naman na punuin ang cupboard mo eh ako na ang gagawa para sa'yo. What's the use of having a house like this kung hindi ka naman dito kumakain madalas. Unlike nung nasa mansiyon ka pa..."
"Mom..." awat niya sa sinasabi nito.
"Oh, I'm sorry baby. You know naman na ikaw na alng ang natitirang anak ko dito. Nag-iisa na lang ako sa mansiyon. Kung bakit kasi nang magsipag-asawa ang mga kapatid mo eh nagsipag-liparan na rin ng America. You're all that's left to me here. Kaya naman hayaan mo na ako minsan okay? I missed being a mother." madamdamin at teary-eyed na sabi nito. Eksaherado pa itong magdadampi kunwari ng panyo sa gilid ng mata.
Replay na lang yun ng mga pag-uusap nila. His mother will always try her very best to emotionally blackmail him into coming back to their house. Its not that he doesn't want to live there. But his sexual activities won't be allowed kung doon siya maglalagi. Kaya nga ng kumita sa pinaka-unang project niya as an architect, he decided to leave their mansion sa kabila ng pagmamakaawa nito noon.
Now, he's three years on his own at wala pa namang malaking problema so far. Busy silang nagka-catch up na mag-ina habang naglalagay ng mga pinamili nito sa kanyang kusina ng biglang umalingawngaw ang boses ni Morris na nakalimutan na niya dahil sa pagdating ng ina.
"Ram? Saan ang malinis na towel mo?" si Morris na lumabas ng kwarto niya as naked as the day he was born.
Nanlaki ang mga mata niya ganun din ang kanyang ina. Nakayuko si Morris habang naglalakad dahil nakasipat ito sa daliri. Nang magtaas ito ng paningin ay na-shock ito pagkakita sa kanyang ina.
"Oh my god!" magkasabay pang sambit ng dalawa.
Nabitiwan naman niya ang de-latang hawak at bumagsak iyon sa sahig na naging sanhi para maputol ang pagkabigla ng lahat.
"Ah... I'm sorry Ma'am." sabi ni Morris na disimuladong tinakpan ng kamay ang pagkalalaki saka paatras na naglakad papunta sa kanyang silid.
Ang mommy naman niya sa isang banda ay nanglalaki pa rin ang mata at nakahawak pa sa dibdib. Kinabahan siya ng makitang nakatulala ito.
"Mom!" yugyog niya dito.
"Oh my god! Who was that?"
"Ah... a friend." kagat-labi niyang sabi.
"A friend? A friend who walks naked to your sala? You better explain young man. Ano ang ibig sabihin ng nakita ko?"
"Ah... Mom." aniya sa kawalan ng masabi.
Ito na nga ang kinatatakutan niya. Ang mabuking ng nanay niya ang sexual preference niya. Kaya nga siya umalis ng bahay nila ay para malaya siya na magawa ito. Kung mamalasin ka nga naman.
"Explain Rameses Martinez!" ang dumadagundong na sabi ng ina.
Napapitlag siya. Wala na. Kasubuan na kaya mag-a-out na siya.
"I'm bisexual Mother."
"What?"
"You heard it. I'm bi, natatakot lang akong aminin sa'yo kasi baka magalit ka. Baka ma-disappoint ka sa akin. Imagine, ang kaisa-isa mong anak na lalaki, nagkaganito pa. I'm sorry talaga Mom na naglihim ako, pero I can't change my sexuality para lang ma-please kita. Sana maintindihan mo Mom." nakayukong sabi niya.
"I can't believe this. And who is that man?"
"I'm his boyfriend." boses ni Morris na ngayon ay nakabihis na.
"What?!" magkapanabay pa nilang tugon ng ina.
Napalingon kaagad sa kanya ang ina ng may pagdududa. Nag-alala naman siya kasi ang alam niya ay mahina ang puso ng ina. Napatingin ulit siya kay Morris, nagtatanong ang mga mata.
"Hi Ma'am. I'm Morris Tagg. I'm your son's boyfriend. Please to meet you." ani Morris na naglahad pa ng kamay sa kanyang ina.
As for his mother, dahil aral sa alta-sosyedad at may pinakaiingatang reputasyon at pinag-aralan ay pormal na tinanggap ang kamay ni Morris. Nagtatanong pa rin ang mga mata niya sa lalaki pero kinindatan lang siya nito sabay akbay sa kanya at pisil sa kanyang balikat na para bang nagsasabing magiging okay din ang lahat.
"I can't say likewise young man. Binigla ako ng anak ko. I'm supposed to have an attack right now but surprisingly, and thank God, wala naman akong nararamdamang masama sa katawan ko. What I don't understand is that you have a girlfriend Rameses. Paano si Sofia? She told me, you're already planning to get married. Pinagsasabay mo ba ang dalawang ito? Hindi kita pinalaking manloloko Rameses. Sumagot ka!" ratrat ng ina.
Nakahinga man siya ng maluwag na okay lang ito ay hindi naman siya nito tinantanan ng talak. Napangiwi siya ng kalabugin nito ang dining table niya.
"No Mommy. Alam po ni Morris ang tungkol kay Sofia. And she broke-up to me last night." what he said was half-true. Alam ni Morris na ngayon ay nagpapanggap na nobyo niya ang tungkol kay Sofia dahil naikwento niya iyon dito. Na-gets na rin niya kung bakit ito nagpapanggap. Alangan naman na sabihin niya sa ina na binabayaran niya ito para lang sa sexual activies niya gawa ng hindi niya pa makuhang mag-out. Hindi na rin niya idinetalye ang sirkumstansya ng pagbe-break nila ni Sofia.
"And you're okay with that?" baling ng ina kay Morris.
"Yes Ma'am."
"This is too much for me to take Rameses but I guess I have no choice. At least isang bagsakan lang ito at natutuwa akong kinaya ito ng puso ko. I guess dahil na rin deep inside alam ko ang katotohanang ito at pilit ko lang itinatanggi sa isip ko."
Napakunot ang noo niya. "What do you mean Mommy?"
"Remember the time when you lost your magazines. I was the one who found it under your bed. Imagine my shock to find out that my only boy is gay. I immediately disposed those things. At the same time, hindi kita kinumpronta dahil wala naman pa akong ebidensiya. maybe you're just curious. Until today. Tama pala ang lahat ng hinala ko."
"Mom.."
"Well, I still love you son. And I accept you whatever your sexual preference may be. I just want you to be happy."
Tiningnan nito ang nagmamasid lang na si Morris. "And you young man, you take care of my baby. Mess with him and I'll chase you to the world's end." nanlalaki ang matang inihabilin siya nito sa lalaki.
"Mom!" protesta niya.
"What?"
"Nakakahiya kay Morris."
"Well, kailangan niyang malaman na gerilya ang nanay mo."
"Okay lang po Ma'am. Iingatan at mamahalin ko po si Ram." nagtaas pa ng kamay ang hudyo bilang pangako.
"Good. But call me Tita. At least, dalawa na ang pwede kong yayaing mag-shopping at mag-grocery."
"You can count me in anytime Tita."
Nangingiting tumango ang ina at nagbaling ng atensiyon sa pinto ng biglang bumukas iyon at iluwa si Sofia.
"Well, well, well. At least you're here Tita Agnes. Para malaman mo na ang malaking sikreto ng magaling mong anak." tumataginting na sabi nito.
"Anong sikreto ang sinasabi mo Sofia? Sabihin mo ng madali at maghahanda kami ng tanghalian." pormal na sabi ng kanyang ina.
"You're son is a disgusting gay. Imagine, he's been screwing me and yet he has another man on his mind. What a pathetic creature. Ang baboy niya Tita. Niloko niya ako kaya naman ang dapat sa kanya ay hindi pinamamanahan. Alisan niyo siya ng karapatan sa yaman ninyo Tita Agnes dahil isa siyang malaking kahihiyan. He'll drag you into shame, that's for sure."
Bahagya siyang nasaktan sa sinabi ni Sofia pero nagpigil siya. She was entitled to that. After-all, niloko niya ito.
"I'm sorry Sofia. But please, not in front of my mother. Alam mo ang state ng puso niya. She might not take it." nag-aalalang sabi niya. Baka kasi magalit ang nanay niya sa mga pinagsasasabi ni Sofia. Pagdating sa kanya, nagiging hoodlum ang nanay niya.
"Bakit? Natatakot kang malaman niya ang totoong pagkatao niya na itinatago mo? How dare you! Nakakadiri ka! Bakla! Bakla!"
"That's enough Sofia. Alam kong nasasaktan ka at galit ka ngayon but that is not an excuse para laitin mo ang anak ko lalo pa at sa harapan ko. If you know what's good for you, stop bad-mouthing my son or else..."
"What? I can't believe na kinakampihan mo pa ang anak mo Tita. Niloko niya tayo!"
"Tama ka. Niloko niya tayo. But what do you want me to do? Kill him? Disown him? He's still my son and it won't change just because niloko ka niya."
"So you're telling me na okay lang sa'yo ang lahat? Na okay lang na bakla siya?"
"Oo. I'm a mother Sofia and that's what I have to do. Accept all my children for all they are. Even if it hurts."
"I can't believe this. And who is this man anyway?"
"I'm Morris."
"What? Magsama-sama kayo! Mga freak!" iyon lang at nagtititiling lumabas ito ng town house niya.
"Are you okay Mom?" tanong niya sa ina.
"Never been better." maluwang ang ngiti na sagot ni Agnes.
"So what's for lunch?" tanong naman ni Morris.
"You go and do your thing. Hayaan niyo muna ako dito sa kusina at ako ng bahalang magluto." pagtataboy sa kanila ng ina.
"Sure ka Mom?"
"Yes. Sige na."
"Okay."
"Dun lang po kami sa labas Tita." sabi naman ni Morris.
"Okay guys. Huwag na kayong lumayo at saglit lang ito.
Pagdating sa labas ay nagtama ang paningin nila ni Morris. Nakapaloob sa mga mata nito ang hindi maipaliwanag na damdamin. Something akin to fondness. Hindi niya maiwasang bumaha ng kaligayahan sa puso niya.
"Salamat nga pala."
"Para saan?"
"Sa pagtulong mong magpaliwanag kay Mommy. Baka kasi di niya kayanin kung sinabi ko ang totoo na callboy ka."
"I could've said that. Pero may nanay rin ako. Alam ko ang magiging pakiramdam niya kung sakali."
"Yeah right. Salamat talaga. Naabala pa kita."
"Okay lang naman. Saka pwede naman nating totohanin ang pagpapanggap eh." sabi nitong nakatingin sa kanya ng diretso.
Namilog ang mata niya sa pagkabigla.
"What? Huwag kang magbiro ng ganyan."
"Mukha ba akong nagbibiro?" seryoso ang mukha nitong sabi.
"Hindi. Pero bakit?"
"I just thought na pwede naman sigurong subukan ko yung inaalok mo di ba? I mean, kapag sa'yo ako napunta, hindi na ako mag-aalala na kung kani-kanino ako sumasabit. Isa pa, parang gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko kung paano ang maging parte ng buhay ng isang katulad mo."
"Morris..."
"Sawa na ako kasi sa palipat-lipat kong sistema. Lumalaki na rina ng anak ko. Huwag kang mag-alala. Simula bukas ay maghahanap ako ng trabaho. I just want to try it with you. Kung pwede lang sana."
"Why me Morris?"
Nagkibit ito ng balikat. "Ewan. pagdating kasi sa'yo, parang ang saya-saya ng araw ko. Iba ka sa lahat ng naging customer ko. Hindi mo ako itinuturing na parausan lang. Minsan nga, nakakadala ang mga kwento mo at di ko namamalayang nag-sex na pala tayo at nagkukwento ka na lang. I feel safe. I feel treasured. Kasi kapag ako nagkukwento, parang napaka-importante ng lahat ng sinasabi ko. Totoo rin yung interes na nakikita ko sa mga mata mo kapag kinukwento ko yung anak ko. Iyon. Ano pa ba?" nag-isip pa ito ng sasabihin.
"Okay na. Alam mo? Ang taba ng puso ko ngayon. Hindi ko rin alam, pero sa'yo lang ako nakadama ng ganito. Yung para bang kulang ang isang araw kapag magkasama tayo. Kaya naman ginagawan ko ng paraan na kahit tapos na tayo sa kama, hindi iyon matapos ng hindi tayo nag-uusap kahit sandali lang." sagot niya sa mga sinabi nito.
"At bakit naman?" nakangiting sambit ni Morris.
"Siguro kasi, importante ka na rin sa akin. na para bang ang lahat ng past relationships ko, they failed in comparison with you."
"Ako naman hinahanap ko yung sweetness mo."
"Talaga?"
"Oo."
"Pero straight ka."
"Hindi ko na rin alam Ram. Hindi naman talaga ako nagkakagusto sa lalaki pero ikaw yata ang tinatawag nilang exception to the rule. Basta sigurado ako sa gusto kong pasukin kasama ka."
Anong tuwa niya sa narinig. Wala ng kailangan pang sabihin. Wala ng kailangan pang salita. Ang mahalaga, nagkakaintindihan na sila ni Morris. Niyakap niya ito.
"Ako rin. You are my only exception."
Morris chuckled. "So we have a deal. Its only customary to seal it with a kiss."
"I thought you'd never ask!"
F I N
No comments:
Post a Comment