"Shit! Due date na pala sa pagbabayad sa credit card ko. Makakahabol pa kaya ako sa clearing ng check?" ang bigla kong nasabi sa aking sarili ng bumalik ako sa aking opisina galing sa isang meeting at ng makita ko ang sobreng nakapatong sa aking table na naglalaman ng billing ko sa credit card. Dali-dali kong binuklat ang aking wallet upang tignan kung may laman pa itong pera. Di na sapat ang salapi doon kaya kinuha ko na lang ang checkbook at sinulatan ko ng halagang kailangan ko bago ko pinirmahan.
Dial ako agad sa telepono. "Miss Remy, may available ba tayong messenger?" ang tanong ko sa kausap ko sa telepono. "Sir, nakaalis na pa silang lahat" ang tugon sa akin ng aking kausap. "Sige, salamat na lang" ang paalam ko sa aking kausap.
And dami ko pa sanang gagawin sa opisina pero deadline sa pagbabayad kaya kailangan kong sumugod sa bangko. Agad akong bumaba ng aming building at tinungo ang pinakamalapit na bangko na pwede kong pagbayaran. Biyernes pala ngayon kaya pila sa bangkong napasukan ko. Halos lahat ay naghahabol din ng deadline sa kanilang pagbabayad ng kautangan. Pagpasok ng bangko ay binigyan ako ng numero. Number 9 ang numero ko. Tinanong ko sa guard kong ano ng numero ang nasa teller. Nasa 92 na daw at pagdating ng 100 ay babalik uli sa number 1.
Lalabas na sana ako ng bangko ng mapansin ko ang isang lalaking may hawak ng clutch bag at nakatayo sa isang tabi malapit sa teller. Mukhang inip na inip na siya sa paghihintay. Gayunpaman ay nakatatawag pansin pa rin ang kanyang kagwapuhan at ang pagiging matipuno ng katawan. Naka-shorts siya noon kaya pansin na pansin din ang mabalahibong binti niya at mga braso. Maputi siya kaya halatang halata ang pagiging balbon nito. Naka-T-shirt siyang puti na medyo hapit sa katawan na maganda ang pagkakahubog. Marahil ay mahilig siya sa sports.
Tinabihan ko ang lalaking ito at tinanong ko kung anong number siya. Number 6 daw siya pero ang bagal ng mga teller kaya malamang abutin siya ng syam-syam. May hawak siyang withdrawal slip at patext-text sa kanyang cellphone. Kahit abala siya sa pakikipagtext ay inip na inip pa rin siya. Nang may mabakanteng upuan ay umupo siya at naiwan akong nakatayo sa tabi ng teller. Di rin nagtagal at may nabakante uling upuan sa tapat ng kanyang kinauupuan. Dali dali akong umupo doon para muli akong mapalapit sa lalaking iyon.
Panay ang sulyap ko sa lalaking iyon sa tuwing di niya ako pansin. Nang magdekwatro siya ay nabanaag ko ang kanyang singit at mukhang bayag na niya ang nakabukol doon sa gilid ng kanyang brief na puti. Ewan ko kung napapansin niya akong panay ang tingin doon. Habang nagtetext siya ay titig na titig ako doon sa kanyang singit. Mukhang balewala sa kanya ang aking ginagawang pagtitig doon na naging sanhi ng pag-init ng aking katawan. "Shit! Bayag nga niya ang nakabukol doon at ang sarap sapuin" ang nasabi ko sa aking sarili.
Di nagtagal at tinawag ang kanyang numero. Mukhang malaking halaga ang kanyang na-withdraw at inilagay niya agad sa dala niyang clutch bag. Nang matapos siya sa teller ay kinausap niya ang isang babae doon sa new accounts table at nagpasalamat siya. Habang palabas siya sa bangko ay hinabol ko pa rin ng tingin ang lalaking iyon. Nanghinayang ako at di ko man lang nakilala. Biglang tinawag ang aking numero.
Inabot ko sa teller ang billing ko at ang check. "Sir late for clearing na po ang check payment ninyo" ang sabi ng teller sa akin. "Ha, ganoon ba? Sige okey lang" ang tugon ko naman sa teller. Nanghihinayang ako dahil ilang minuto lang ako nahuli sa pagbabayad. Tiyak may penalty na naman ako sa card kong iyon.
Matapos makapagbayad ay lumabas na ako ng bangko. Sa labas ay napansin ko muli yung lalaki na nakasabay ko sa loob ng bangko. Mukhang naghihintay siya ng taxi. Nasabi ko sa aking sarili na pagkakataon ko na upang makilala ko siya. Kumakabog man ang dibdib ko ay nilapitan ko siya.
"Pare, mukhang kanina ka pa nag-aabang ng taxi" ang panimula ko sa kanya.
"Oo nga ‘tol, ang hirap pala dito sumakay ng taxi" ang naging tugon niya sa akin. "May hinahabol pa naman akong babayaran" ang dugtong pa niya.
"Delikado pa naman yang dala-dala mong pera" ang nasabi kong muli sa kanya.
Mukhang di maganda ang pagkakasabi ko at napakunot ng noo siya sabay tingin sa akin.
"Pare di ako holdaper ha. Manager ako sa isang opisina sa building na iyon" ang pabiro kong nasabi sa kausap ko sabay turo sa building na pinapasukan ko. "Kung gusto mo pahahatid kita sa driver namin kung may available sa office namin" ang dugtong ko pa.
Itutuloy
No comments:
Post a Comment