Tuesday, June 19, 2012

MATT AND DAN 6


Ngumiti siya ng makita ako. Pero ako nagulat.

 Para akong napako sa kinatatayuan ko.

 Ang 5’11″ Italian-Filipino model sa aking harapan ay lalo lang pinakabog ang aking dibdib.

 “Come in,” tapos kinuha na niya yung dala kong beer.

 Dahan-dahan akong pumasok. Maaliwalas yung unit niya. Halatang bagong ayos. Medyo dim ang lights. Dumerecho siya sa kitchen.

 “Brought a lot of booze. Its gonna be a long night,” naka-ngisi niyang sabi.
  
Kinurot ko ang sarili ko. Umayos ka! Act naturally.

 “Nice pad,” sabi ko. “Kelan ka lumipat?”
  
Nagisip siya. “The other day. 3rd night ko now. Tito Jonas took care of everything for me. I just told him what I wanted and he did the rest.”
  
“Maganda siya. Do you mind if I look around?” tanong ko.

 “Nope. Suit yourself.”
  
Inikot ko yung pad niya. One-bedroom unit pala ito. Magkatabi ang kwarto at CR. Medyo maliit lang yung lugar pero ok na para sa isang single na lalaki. Black ang kulay ng walls. White ang ceiling. Naka-on yung aircon, pero di gaanong malamig. Naisip ko kung ako makakabili ng condo unit, ganito din ang gusto ko, pati itsura.

 May kopya siya ng latest issue ng magazine kung saan stylist si Sharlene. Kinuha ko yun at tinignan. Hindi pa pala para dito yung pictorial na binisita ko nuon.

 “I bet you’re a fan of that?” tanong sakin ni Matteo.
  
“Nope. Just Sharlene’s work,” nakangiti kong sabi sa kanya.
  
“I’ll be having a photoshoot with them. Its coming out not next month, but the following month,” balita niya.

 “Nice!” bumilib naman ako. Sunod-sunod yata ang raket niya.
  
“Yup. Its gonna be my first cover.”
  
Dinala ni Matteo yung ilang cans ng beer sa sala. Dun kami mag-i-inuman.

 “When’s your commercial coming out?” tanong ko.

 “In about two or three weeks. I’m excited to see it, though,” sagot niya.

 Bukas yung TV niya. Nasa isang local channel. Nagpapractice daw kasi siya ng Tagalog niya.

 Umupo siya sa sahig at sumandal sa sofa. Ako naman umupo sa lazy boy niya. Kaharap ko siya. Bakit ba ako dito umupo? naisip ko.

 Sabi ko, “Nice view.”
  
What? San galing yun? Eh ni skyline ng city hindi kita dito sa inuupuan ko. Abnormal.
  
Natawa si Matteo. Sabay tingin sakin. Ano kayang iniisip nitong damuhong ito?

 “Here,” inabutan niya ako ng isang can. Binuksan niya yung beer niya tapos uminom na. Sumunod na rin ako.

 AAAAHHH! Sabi niya. “So, how are you liking it so far?”

 Liking what? naisip ko. What the hell is happening? “What exactly?” tanong ko sa kanya.

 “Hahaha! The pad of course!” sabi niya.

 Napalagok ako ng beer. Nakalahati ko yata yung hawak ko. “Ah, yun ba! Maganda. Sobrang ganda, bro.”
  
Ngumiti si loko. Maya-maya, sabi niya, “Kwento ka naman. I wanna know you more.”
  
Bakit? Para saan? Bro, walang interesting sakin. You’ll just get bored.

 “Are you kidding? I’m never bored when I’m with you,” sabi niya. Tapos ano yung ginawa niya? Wink?

 Lagok ulit ako ng beer. Ano ba to? Parang pinaglalaruan naman ako nitong taong to. Napatingin ako sa kanya. Balbon pala yung binti niya. Oops! Dan!
  
Tumingin ako sa malayo.

 “Come on. Sabi mo we’re close na. I wanna hear your story.” Para siyang tutang nahingi ng buto sa amo. Nice. Puppy eyes. Dan!

 “Di ka talaga titigil no?” sabi ko sa kanya.
  
“Nope.” Tapos ngumiti siya ng todo.
  
“What do you wanna know?” tanong ko.

 “Let’s see. Besides you and Sharlene being best friends, you being an agent, can’t float, and your name’s meaning, I think i still have a lot of things to know about you,” sagot niya.

 “Wow. Its gonna take a lifetime before we’re through,” sabi ko.
  
“That’s ok,” sagot niya.
  
“I got this lifetime for you.”
  
 Ok. What did you just say?

 “Bro, what are you doing?” tanong ko.

 “Sipping beer, waiting for your story. AHHHHH!” tinaas niya yung hawak niyang can, para bang makikipag-toast. Nakangiti na parang nag-eenjoy.

 Hindi yun yung tinutukoy ko eh. Iba.

 “I didn’t mean that,” sabi ko.

 “Then what?” tanong niya.

 Manunukso nga. Nahiya akong itanong ng derecho ang gusto kong itanong. Baka kung ano ang sabihin niya at umuwi nalang ako ng may black-eye.

 “Nothing. Just forget it,” sabi ko.
  
“So are you starting or what?”
  
Napa-iling nalang ako. Grabe to. Para akong utusan. Parang de-susing laruan na pag inikot ang susi, magbibigay aliw sa nag-susi.

 Fine. Here goes.
  
Inumpisahan ko ang kwento samin ni Sharlene. Ang alam niya lang kasi yung pagiging best friends namin. Di niya alam kung san kami nag-umpisa, kung ano ang mga kalokohan naming dalawa, at kung ano ang pinagdaanan namin. Tawa siya ng tawa dun sa nangyari sa Biology class namin. Hindi siya masyado nagsasalita habang nagkekwento ako. Naka-upo lang siya at tahimik na nakikinig. Sa totoo lang, di ako masyado naka-inom nun dahil tuloy-tuloy ang pagkwento ko.

 Pati si Sean naikwento ko ng wala sa oras. Di siya makapaniwala sa inabot ni Sharlene sa relasyon na yun. Tuwang-tuwa siya na inupakan ko yung kumag dahil dun. “Now there’s the warrior I’m talking about. You’re the man, bro!” sabi niya sabay high-five sakin.
  
Sa wakas, naka-inom din ng beer. Di na malamig yung hawak ko. Di na masarap tuloy. Pangalawang can ko palang, pero si Matteo naka-apat na. Pang-lima na niya yung hawak niya ngayon.

 “Lakas mo ha,” sabi ko sabay turo sa mga lata ng beer.

 Natawa siya. “That’s nothing. I’m enjoying myself.”
  
Natawa ako. May tama na yata si Matteo. Pulang-pula na yung pisngi niya. Pati leeg. Pati dibdib.

 “What about your family, bro? You haven’t talked about them yet,” sabi niya.
  
“Ah. Oo nga no,” sabi ko. Uminom ako ulit bago magkwento.

 Inisa-isa ko ang mga kapatid ko. Si Charles, 1st Year college. Si Bong, 3rd Year high school. Si Joyce, 2nd Year. Ako yung panganay. Si Nanay, bale siya yung nasa bahay para asikasuhin yung mga kapatid ko habang ako eh naghahanap-buhay. Minsan, hirap kami, pero ganun lang talaga eh. Kaya nga kayod-marino ako para lang mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Kahit na wala nang matira sakin, basta para sa kanila ok lang ako.
  
Tahimik na nakikinig si Matteo. Di niya yata akalaing ganun ang buhay ko.
  
“What about your Dad? You didn’t mention him,” sabi niya.
  
My Dad? He’s not even worth mentioning.
  
“Ooooh,” sabi niya.

 “He left us. There. Happy?” sabi ko.

 Napatingin siya sakin. Nagulat yata na nag-iba ang tono ng boses ko.

 “He left my Mom for another woman. He left and never came back. Do you even have the slightest idea how it was for us? How hard it has been all these years? No you don’t. Dahil you never went through this and I guess you never will.”

 Di ko intention na tumaas ang boses ko. Its just that napaka-sensitive ng topic na yun for me.
  
“You hate him?” tanong niya.
  
“Anong klaseng tanong yan?” sagot ko.
  
“Why don’t you just answer the question?” sabi niya.
  
I refused to answer the question. I sat back at uminom nalang ng beer.

 Tinitignan lang ako ni Matteo.
  
“You know what I think?” sabi niya finally.
  
“I don’t care what you think,” sabi ko. Pero sa totoo lang gusto ko marinig kung ano yung sasabihin niya.

“That’s not true. You know what?” sabi niya. “I know you hate your Dad. Why? Because you were forced into a situation you were not yet supposed to face. He left you with no other choice but to take over his responsibilities. Let’s admit it. Fending for a family at 20? That’s not normal, bro. You’re supposed to have fun at that age, not take care of a family.”

“Well, fun is a word I have already forgotten,” sabi ko.

Why am I even discussing this with you?

Tahimik akong pinagmamasdan ni Matteo. Siguro nasa isip nito kawawa naman ako. Walang buhay. Pero hindi pala. Nagsalita siya. Kahit na lasing na siya, matino parin ang isip niya.

“A broken heart is easy to bend, but a broken soul is difficult to mend. You’re not a broken heart. You’re a broken soul.”

I hate to admit it, pero tama lahat ng sinabi niya. I hated my Dad. And I’m broken, inside.

Nagpunta ako ng C.R. para umihi. Iniwan ko si Matteo na tahimik na nakaupo. Naubos na pala namin yung dala kong beer.

Paglabas ko, nakatulog na pala si Matteo. Siguro sa sobrang lasing. Nandun parin siya sa sahig. Pero naka-unan yung ulo niya sa sofa. Ano ba to, nakatulog ng naka-upo.

Gigisingin ko siya dapat para magpaalam akong aalis na ko. Late na rin kasi.

Paglapit ko, kumabog ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Medyo pawis siya. At natatakpan ng buhok niya yung kaliwang mata niya.

Parang anghel siya kung matulog. Ang tangos ng ilong. Ang haba ng pilik mata. Ang kinis ng pisngi. Ang pula ng labi.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Hinawi ko ang buhok niya. Ewan ko kung bakit ko naisipang gawin to, pero unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit na nararamdaman ko na ang kanyang hininga. Tapos…

Umalis na ko. Hindi ko kinaya.

——————————————————————

Sinara ko ng dahan-dahan yung pinto.

Sumandal ako dun pagkasara. Ano bang nangyayari sakin? What just happened inside? Bakit ko hahalikan si Matteo?

Napaupo ako. Nanginginig ang katawan ko. Hindi ko dapat hayaan to. Alam ko tong pakiramdam na to. Mali. Maling-mali.

Ayoko na magkamali.

Once is enough. Twice is too much.

——————————————————————

Di ko muna binigyan ng pansin si Matteo nung mga sumunod na araw. Pinilit kong kalimutan yung nangyari nung gabing yun. Pinilit kong ibaon sa limot yung nararamdaman kong kakaiba.

Pero mahirap pala. Kung yung iniiwasan mo ang kusang lumalapit sayo.

At nagbibigay ng dahilan para magisip ka ng kakaiba. Yung hindi normal.

Nalaman ko kay Sharlene na sa Biyernes na pala ang photoshoot ni Matteo para sa magazine nila. Sobrang busy nila dahil gusto nilang i-launch si Matteo bilang isa sa top models ngayon. Sabi niya tamang-tama daw ang timing dahil pag lumabas yung commercial ni Matteo, magiging familiar lalo yung mukha niya. Gumawa na kasi ng malaking ingay yung sexy billboard niya para sa isang clothing company. Ito na ang follow-up dun. Paniguradong mas lalong iingay ang pangalan niya.

Grabe. Ganon pala yun. Wala akong kaalam-alam kasi sa mga ganyan. Akala ko kasi basta may modelo, magaling na photographer, at photoshop, ayos na. Hindi pala.

Tinanong ako ni Sharlene kung gusto ko bumisita sa shoot. Sabi ko di ko pa alam. Titignan ko kung pwede ako.

Pero wala talaga akong balak pumunta dun. Hanggang…

Beep. Beep.

Hey sleepyhead! Are you mad at me?

Si Matteo nagtext. Hindi naman ako galit, umiiwas lang.

Nope. Why say so?

Nagreply siya agad.

Nothing. Haven’t heard from you since we had the drinking session.

Ah, yun ba. Sinadya ko talaga yun, Matteo.

I’ve just been busy with work, bro.

Beep. Beep. Free day yata ni loko ngayon ah.

Alrighty. Can you watch my shoot tomorrow?

Bakit? Matteo naman eh.

Why?

Give me one good reason para pumunta ako. Maya-maya, tumunog na yung cellphone ko.

Because I want you there.

Sapat na rason na ba yun? I don’t know what came over me nung oras na yun.

Ok. I’ll be there.

——————————————————————

Maaga raw ang call time niya para sa shoot. Punta nalang daw ako ng mga 10 AM sa Sports Club. Dun daw kasi ang venue nila. Pinasara ng company nila Sharlene yung buong lugar para lang sa photoshoot ni Matteo. Wow, big time talaga.
  
Pagdating ko sa location, naka-set up na ang lahat. Sa pool at sa garden sila maraming kukunan. Sa isang gilid naman may nakahanda nang white backdrop at dalawang higanteng ilaw.
  
“Dan!” bati sakin ni Sharlene. “Kala ko di ka makakapunta eh!”

 Niyakap ko siya. “Ok lang. Wala naman kasi ako gagawin. Saka gusto ko rin makanuod ulit.” Sabay tawa.

 Pinakilala ako ni Sharlene kay Tito Jonas, yung manager ni Matteo. Di ko alam kung bakit, pero parang natulala siya nung makita ako.

 “Hijo, ilang taon ka na?” tanong niya.

 “24 po,” sagot ko. Tinitigan niya ako ng mabuti mula ulo hanggang paa. Pinaikot.

 “Gusto mo mag-model?” sabi niya

 Napangiti ako at umiling. Ayoko talaga. Kahit na masarap yung feeling, ayoko talaga.

 “Sayang naman,” sabi niya.

 Binati ako ni Kit nung makita ako. Konting kamustahan. Umalis din siya agad.

 Tapos ayun, nakita ko na si Matteo. Galing siya sa rest room. Naka-robe.

 Pagkakita niya sakin, bigla siyang ngumiti. Kinawayan ko. May sinabi siya sa kasama niyang babae, tapos naglakad na papunta sa direksyon namin nila Sharlene.
  
“Daniel!” bati niya. At hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Niyakap niya ako. Parang tuwang-tuwa ang loko.

 Parang huminto ang lahat nung mga oras na yun. Ang bango niya. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
  
Pag-hiwalay namin, inakbayan niya ako at niyugyog. Sabay sabing, “I missed you, bro!”

 Ano raw? Na-miss niya ako? Hay.

 “Wow. Looks like you guys are getting along fine,” sabi ni Sharlene. “I thought you would rip each other’s heads off nung unang beses kayong magkita. Improvement!”
  
Nagtawanan kaming lahat. Tapos sabi ni Matteo, “I think were headed to that direction, don’t you think?”

 Tumingin siya sakin, tapos ngumiti. Kung ano man ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang yun, sa kanya na yun.
  
Iba kasi pumasok sa isip ko.
  
“Matt!”
  
Tinawag na siya nung make-up artist. Malapit na daw sila mag-umpisa. Nagpaalam na si Matteo samin para maghanda.

 Kasama ko sina Tito Jonas at Sharlene. Nagkwentuhan muna kami habang di pa umpisa.

 Matagal na pala kinukuha ni Tito Jonas si Matteo para maging modelo dito. Pero ayaw daw ng mommy ni Matteo. Sabi tapusin daw muna ang pag-aaral. Kaya ayun, walang nagawa si Tito kundi mag-intay. Nakilala kasi niya si Matteo sa airport sa LA. Nakitaan niya ng potential, kaya hiningi niya ang contact number.

 “Matagal ko na nga sinasabi kay Ninang na subukan lang kahit tuwing vacation from school. Pero ayaw talaga. Saka iba din daw kasi ang priority ni Matt,” paliwanag ni Sharlene.
  
Kaya ngayon palang siya maguumpisa maging model. Pero its never too late naman, sabi ni Tito.

 Nakita kong pumunta na si Matteo sa white backdrop. Naka-black undershirt siya na fitted. Umpisa na ng shoot.

 Yung concept daw ng shoot ay ginawa nilang akma kay Matteo, pero hindi malayo dun sa ginawa niya dati. Sexy parin yung tema, pero this time nasa comfort zone ni Matteo. Sa swimming pool. Gusto nilang i-highlight ang pagiging athlete niya. Nung natapos ni Kit yung photos na pang-cover ng magazine, balik dressing room si Matteo. Yung unang kinunan ay naka-jeans siya. Naka-ilang palit siya ng jeans para dun sa set na yun. Pinatayo siya sa halamanan at dun nagposing. May isa siyang kuha na nakahawak sa fedora hat yung kaliwang kamay niya habang binababa ng kanang kamay niya ang saradong pantalon. Grabe maka-project sa camera si Matteo. Napaka-natural. Pinagpalit siya ng board shorts. Kinunan siya habang naglalakad sa gilid ng pool na parang lifeguard.

 Ang galing niya. Ngayon ko lang siya napanuod na magtrabaho. Napaka-professional. Walang reklamo sa lahat ng pinapagawa ni Kit. Kahit na mahirap yung pose, ginagawa niya parin.

 Parang hindi siya napapagod. Biniro nga siya ni Tito Jonas, “You’re on a roll!”

 Ngumiti siya sabay sabing, “Of course. I’m inspired.”

 Natawa kami. Pero nagulat akong makita na nakatingin pala siya sakin.
  
Tinawag na ulit si Matteo. Magpapalit na daw siya para sa huling shots niya.
  
Paglabas niya, naka-swimming trunks nalang siya.
  
Muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko nung makita ko siya. Pero syempre, sobrang pigil ako. Wala lang. Parang natural lang.
  
Hanga din naman ako sa kanya. Biruin mo, ang lakas ng loob niyang lumabas ng ganun lang ang suot. Kung ako yun, baka di na ko lumabas ng dressing room.

 Dun siya ulit sa swimming pool. Pinalangoy siya habang sinusundan ng kuha ni Kit. Merong mga kuha na uma-ahon siya sa tubig. Konting posing ng nakaupo. Ang pinakahuli ay yung nakahiga siya na parang nag-su-sun bathing. Yun na yata ang pinaka-sexy na ginawa niya ngayong araw. Pinahiran siya ng oil sa buong katawan para kumintab. Pinasuot din siya ng Ray-Ban. Tapos pinahiga siya na parang naka-stretch yung arms.
  
“Ok! We’re done for the day!” sigaw ni Kit.
  
Palakpakan ang lahat para kay Matteo. Kinamayan siya ng lahat. Konting souvenir pictures para sa staff ng magazine. Tapos sumenyas siya sakin na intayin ko daw siya.
  
Pagkabihis niya, nagpaalam na siya kay Tito Jonas na mauna na siya. Si Sharlene naman nauna na umalis dahil sinundo siya ni Sean. Sabi niya sakin gagawin daw niyang driver muna.
  
“Let’s go?” sabi sakin ni Matteo.
  
“Hatid mo ko?” tanong ko.
  
“I was hoping you’d drop by muna sa pad. Have a few drinks. Are you in a hurry?”
  
Di na ko nagisip. Mabilis yung naging sagot ko.

 “Nope. Friday naman eh. Tara!”
  
——————————————————————
  
“Home at last!” sabi ni Matteo pagdating namin sa pad niya.
  
Naupo na ko sa sofa habang siya naman ay deretcho sa ref para kumuha ng beer. Pagkagaling dun, pumunta na siya sa sala at naupo sa sahig. Ganon na rin ang ginawa ko. Lumipat ako sa sahig. Pero I kept a good distance. Di malayo, di rin malapit.

 Nagumpisa na ko uminom.

 “What happened to you the last time you were here? You didn’t even say goodbye,” sabi niya.
  
“Ah. Di na kita talaga ginising. Mukhang masarap kasi yung tulog mo,” sabay ngiti sa kanya.
  
“Well, you could have at least sent me a text or something.”
  
Oo nga no. Nakakahiya nga naman. Pero hindi eh. Magulo kasi ang utak ko nun. Hindi ko lang masabi kay Matteo na sobrang naguluhan ako nung mga oras na yun.
  
“Sige, text na kita ngayon palang,” biro ko.
  
Natawa siya.
  
“Grabe yung photoshoot mo kanina ha,” sabi ko.
  
“Yeah, sobra. Pero I had a lot of fun. And I was really glad you were there,” sabi niya sakin.
  
Naramdaman ko namang totoo yung sinabi niya. Pero awkward parin kahit pano.

 Tinukod ko yung kaliwang kamay ko sa sahig. Uminom ako ng beer. Tahimik kami pareho ni Matteo.
  
Tapos, ewan ko kung bakit, pero tinukod din ni Matteo yung kanang kamay niya. Napa-patong yung dalawang daliri niya sa kamay ko. Nagulat kami pareho. Para akong nakaramdam ng kuryente na di ko maipaliwanag. Bigla kong hinila paalis yung kamay ko.
  
Nagtawanan kaming dalawa. Marahil dahil nahiya kami pareho sa nangyari.
  
Matagal din kaming natahimik nun. Iniisip ko kung ano kaya iniisip niya. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat gawin. Uwi nalang kaya ako?
  
“Hey,” finally nagsalita din siya. “You’re so quiet there. Anything wrong?”
  
“Ha?” sabi ko. “Wala. Just sipping beer.”
  
Tapos nag-shift siya ng posisyon. Medyo nakahiga na siya sa sahig pero naka tukod yung siko niya.
  
Out of no where, bigla akong na-curious. “Bro, when you have your pictorials, don’t you… Uhmm… you know.”
  
“What?” sabi niya.
  
Natawa ako. Ang hirap itanong. “You know… Don’t you… Like… Down there?” Ano ba naman yang tanong mo Daniel!
  
Napa-upo siya ng maayos. Nagiisip kung ano yung ibig kong sabihin.“Uhmmm… How should I say it… Hmmmm…” Nag-iisip ako ng tamang word para makuha niya yung ibig ko sabihin.

 Pero mabilis yung pick-up niya. Nakuha niya yung ibig kong sabihin.
  
“Ahhh!” Natawa siya ng malakas. “You mean… Like… Things getting hard?”
  
Napayuko ako sa kahihiyan sa tanong ko. Natawa na din ako kasi tawa siya ng tawa.
  
“Wow! You really are a surprise aren’t you?” sabi niya.
  
“Just curious,” sagot ko ng mahina.
  
“Well, I don’t know if I’m supposed to answer that question. But, yeah. Sometimes. Why?” Parang naaaliw siya sa usapan naming to.
  
“Nothing,” sagot ko.

 Pinagmasdan ako ni Matteo ng matagal pagtapos nun. Medyo pinagpawisan nga ako eh.

 Pero, di ko alam kung dahil sa beer ba yun o ano, unti-unti siyang lumapit sakin. Seryoso ang mukha.
  
Natigilan ako. Anong gagawin nito?
  
Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. At dun ko lang narealize…
  
Hahalikan ako ni Matteo.
  
Anong gagawin ko? Parang nanigas yung katawan ko. Hindi ako makagalaw. Ayan na, ang lapit na ng mukha niya. Napa-pikit ako.
  
Tapos umiwas ako. Hindi pwede. Hindi talaga.
  
Napayuko si Matteo. Tapos natawa. Umayos ako ng upo.
  
Bumalik si Matteo sa dati niyang kinauupuan. Uminom ako ng beer.
  
“Sorry, bro,” sabi niya habang nakahawak sa batok niya. “Its just the beer.”
  
Natawa ako. “Yeah. Just forget about it.”
  
“Yeah,” sagot niya. 

Di ko mapaliwanag pero medyo awkward yung sitwasyon na yun. Natahimik kaming dalawa. Di namin alam pareho kung paano kami magrereact sa isa’t isa.

 “Dan,” sabi niya.

 “Yep,” sagot ko. Di parin ako natingin sa kanya.
  
“Have you ever been in love?” tanong niya.
  
Nice. Yan ang isang topic na ayoko masyadong pagusapan.

 “Yeah, before,” sagot ko.

 Umupo siya ng derecho. Parang interesado yata?

 “What happened?” usisa niya.

 “Nothing. Zero. I’m such a loser,” sagot ko.

 Parang hindi yata niya nagustuhan yung sagot ko. Tinignan niya lang ako. Nagiintay.
  
Ok. Fine. Talo na naman ako. I told him about Princess and my short lived happy times with her. I was uncomfortable talking about it. It just brings back memories I tried hard to forget.

 Nakikinig lang si Matteo ng maigi. Nalungkot yata sa kinwento ko dahil nagbago ang itsura niya. Tapos, siya naman ang tinanong ko. “Ikaw. Have you been in love?” Mas mabuti nang ikaw nalang ang magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko dito.
  
“Of course,” sagot niya.
  
“Kamusta naman?” sabi ko.
  
“Ok lang,” sagot niya. “I had two relationships. Both were serious ones. The first was for 3 years. The other for 2 years.”

 “Wow,” bumilib ako sa kanya. Di ko akalain na keeper pala ito. Kala ko may pagka-playboy eh.
  
“Yeah,” sabi niya. “Those were the best times of my life, know what I mean? Its like, I felt complete holding that special someone in my arms. Its a very good feeling. But of course, there were times where we would disagree and fight.”
  
“I agree,” sabi ko. “Masarap talaga na yakap-yakap mo yung taong mahal mo.”
  
Napatingin siya sakin.
  
“Pero syempre, hindi mawawala sa relasyon yung magaway kayo. Normal yun. Ganun talaga. You just have to sacrifice sometimes para maiwasan ang away,” paliwanag ko.
  
Tumingin ako sa kanya. Nakatitig parin siya sakin.
  
“What?” tanong ko. “Did I say something wrong?”
  
“I thought you didn’t get the girl?” tanong niya.

 “Yeah.”
  
“Howcome it seems to me like you know all about relationships?”
  
Uminom muna ako ng beer bago sumagot.
  
“Ah. Yun ba. Knowledge lang yun,” sabi ko.

 “You sure you didn’t have a girlfriend?” kulit niya.

 “Yeah. Girlfriend wala. Boyfriend meron.” It slipped.

 Fuck! What did I just say?

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...