Tuesday, June 19, 2012

MATT AND DAN 9


Beautiful days ahead. Yan na ang paningin ko ngayon. Dahil yan sa hawak ko ang kamay ni Matteo. Alam kong mahal niya ako, at mahal ko rin siya. Kahit anong mangyari, hindi yun magbabago.
  
Lalo ko siyang nakikilala habang dumadaan ang mga araw. Diba sabi nila hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao hanggat di mo siya nakakasama sa bahay? Hindi naman ako lumipat sa pad niya. Mas naging madalas lang ang pagpunta at pagtulog ko dun.
  
Hindi nga siya marunong magluto gaya ng sabi niya sakin. Puro take-out at instant ang pagkain niya. Best friend niya daw yung microwave. Pero, mahilig siya sa gulay. Lagi siyang may stock ng fresh na gulay sa ref para pang-salad. Di ako mahilig sa ganun, pero nakain naman din ako kahit pano. Paborito niya ang bell pepper. Nilalagyan niya lang yun ng olive oil and salt at yun, nginangata niya na.
  
Hindi siya malikot matulog. Kung ano ang posisyon niya matulog, ganun din pag gising niya. Tinanong ko nga siya, di ka ba nasi-stiff neck nun? Hindi naman daw. Sanay na raw siya. Saka may isa siyang gawain pag tulog na sobra akong naaaliw. Nanguya siya. Haha! Oo, ang weird nga eh. Wala naman siyang kinakain pero nanguya. Siguro madalas siya managinip ng pagkain.

 Mas dumami ang raket niya ngayon. Magmula nung lumabas yung commercial niya, hindi na tumigil ang inquiries kay Tito Jonas kung pano kukunin bilang modelo si Matteo. At pati sa internet, marami na ang curious malaman ang lahat tungkol sa kanya. Excited na nga ang mga tao sa paglabas ng issue ng magazine kung san siya ang cover boy.

 Hindi masyado pinapansin ni Matteo ang lahat ng attensyon sa kanya. Cool lang siya. Parang normal lang. Kung pano ko siya nakilala dati, ganun parin siya. Pero syempre, sobrang proud ako sa kanya.

 ——————————————————————

 “Danny boy,” sabi ni Sharlene, “gusto mo ba ng kopya ng magazine?”

 Syempre naman! Si Matteo kaya ang nasa cover niyan. Collector’s item na yan.
  
“Eh kung bibigyan mo ba naman ako, bakit hindi? Kesa naman bumili pa ko diba?” sagot ko.

 Natawa siya. “Eh wala ka naman hilig dito eh, baka itapon mo lang.”
  
Huh? Bakit ko naman itatapon? Eh si Matteo ang nandyan.
  
“Bakit naman? Sayang yun. Libre na nga tapos itatapon ko,” sabi ko.

 “Sigurado ka ha. Kung hindi ibibigay ko nalang kay Sean. Fan daw siya ng magazine,” sabi niya.
  
Ano? Umeepal lang yun sayo. Nagpapabango. Syempre para balikan mo, biro ko.

 “Sira! Kami na kaya ulit!” sabay tawa ng malakas.

 Tignan mo tong tao na to. Best friend mo ba talaga ako? Best friend?

 “Sorry na. Ikaw naman kasi di kita mahagilap. Lagi ka nalang busy. Laging wala,” sagot niya.

 Syempre, may sikreto ako eh. Hahaha.

 “Ganun talaga. Malapit na matapos ang career ko bilang ahente,” paliwanag ko.

 “Sus. Mamaya niyan may tinatago ka na dyan na girlfriend ha. May pa-tampo tampo ka pa sakin,” sabi niya.

 Ah, hindi girlfriend ang tinatago ko. Boyfriend lang naman. Hehehe.
  
Pinagtawanan ko nalang siya.
  
“Huy, parating na ngayon si Sean. Be good! Kung hindi sasampalin kita!” banta niya. Nagtawanan kaming dalawa. Ang ingay na yata namin sa coffeeshop. Pero ayos lang. Wala kaming pakialam sa ibang tao.

 Maya-maya, nakita na namin si Sean. Papalapit sa table namin.
  
“Hi guys,” sabi niya. Tapos humalik sa pisngi ni Sharlene. Nakita kong pinandilatan ako ni Sharlene. Parang sinasabi niyang “Umayos ka jan!”
  
Yumuko ako para maitago na natatawa parin ako. Nung napigil ko na, saka ako tumingin ulit sa kanila.

 “Uy, congrats ah!” sabi ko kay Sean. Two thumbs-up para sa’yo kumag ka!

 “Salamat talaga, Dan,” sagot ni Sean. “Alam mo, I owe this to you.”

 Nagulat naman ako. “Naku, ano naman kinalaman ko, bro? Wala naman akong ginawa.”
  
“Kung hindi mo kasi ako tinulungan noon, baka hindi dumating ang araw na ito,” paliwanag ni Sean.
  
Napangiti ako. “Ang drama mo, men!” Sabay tawa.

 Natawa rin silang dalawa. Ito kasi ang first time na magkakasama kaming tatlo ulit after a very long time.

 “Oy, alagaan mo ng mabuti yan ah, kundi lagot ka ulit sakin,” banta ko kay Sean.

 “Syempre naman. Nagbago na ko, Dan. Di na ako ang dating Sean na kilala mo. I’ll treat her right, pangako,” sabi ni Sean.
  
“Naku! Talaga lang ha!” sabi ni Sharlene.
  
“Oo naman. And thank you for giving me a second chance,” sabi ni Sean sa kanya.

 “Awwww,” sabay hawak sa mukha ni Sean. “Walang anuman, baby.”
  
“Kadiri kayong dalawa no?” sabat ko.

 “Ikaw talaga kahit kailan!” natatawang sabi ni Sharlene. “Palibhasa wala ka paring girlfriend! Kaya ka ganyan. Ang grumpy mo!”
  
Natawa ako ng malakas. Oo, wala nga akong girlfriend! Meron naman akong boyfriend! Hahahaha!

 “Pero seryoso, men. Pag nalaman kong kulay talong ulit si Sharlene magtago ka na. Ha-huntingin kita talaga,” sabi ko.

 “Alam ko yun. Wag ka magalala. Makaka-asa ka,” pangako ni Sean.

 “Dapat lang,” sabay tingin kay Sharlene. Kinindatan ko siya habang tatawa-tawa. Parang naaliw na tinatakot ko ulit ang boyfriend niya.
  
“Papatayin mo ba ako?” pabirong tanong ni Sean.

 “Di lang kita papatayin. Li-lechonin pa kita.”
  
“Yikes!” napakamot ng ulo si Sean. Niyakap siya ng Sharlene habang patuloy sa pagtawa.

 “At dahil jan, kumuha ka ng insurance ha? Tapos ilagay mong beneficiary si Sharlene. Para pag-nilechon na kita, may makukuha siya,” biro ko.

 “Hay! Sabay segue ha!” banat ni Sharlene.
  
“Aba syempre. Business is good,” sagot ko.
  
Nag-ring bigla yung cellphone ko. Natawag si Matteo. Nag-excuse muna ako sa dalawa at lumayo ako.

 “Hello?”

 “Hey, hey, hey! How’s my baby?” sabi ni Matteo.

 “Ok lang. Ikaw? Nasan ka na?” sagot ko.

 “I’m still here sa studio. Not yet done with my photoshoot. I’m a bit tired na,” balita niya.

 Ay, kawawa naman. Sinilip ko sila Sharlene. Di naman pala sila nakatingin sakin. “Matagal pa ba yan?”
  
“Nope, just a couple more changes then it’s over. Let’s have dinner tonight?”

 “Ah that’s good. Dinner? Sa pad nalang. Pagod ka na eh,” sabi ko.

 “Oooh. Sweet! Ok. We’ll have it there later. By the way, I have something for you pala.”

 “Ano yun?” Excited? Medyo lang.

 “Nothing! You’ll see.”
  
“Ok. Sige.” Nagiisip na ko kung ano yung ibibigay niya. Hay! Excited na ko talaga.
  
“Hey, gotta go. 1-4-3!” hirit ni Matteo.
  
“1-4-3!” sagot ko. Nagkasundo kasi kami na ganun nalang ang gamitin instead of “I love you.” Para di masyadong halata.
  
Then I hung up. Bumalik na ko sa table namin. Nakangiti parin pala ako, di ko napansin.

 “Sino yun?” tanong ni Sharlene.
  
“Ah, cliente ko. Nagtatanong lang tungkol sa insurance niya. Which brings us back to what we were talking about kanina. Ano, men? Kuha ka?” kulit ko kay Sean.
  
Binato ako ng tissue ni Sharlene sabay sabing, “Ikaw talaga!”
  
——————————————————————
  
Dumating ako sa pad ni Matteo around 7:30 PM. Sabi niya sakin na nag-take out nalang daw siya ng pagkain namin.
  
Pinapasok na niya ako. Gaya ng dati, pagkasara ng pinto, niyakap niya ako.

 “Hmmmmmm… I missed you,” sabi niya habang magkayakap kami.
  
“Ako hindi,” biro ko.

 Humiwalay siya ng konti pero nakahawak parin sakin, tapos lumiit yung mata niya, parang intsik.

 Tumawa ako. “Joke lang.” Kinindatan ko siya.

 Natawa na rin siya. “Come, I have a surprise for you.”
  
Para akong kinikiliti sa sobrang excited. Di ako mapakali. Ano kaya yun?

 Pumasok si Matteo sa kwarto. Maya-maya, lumabas siya na may dalang red na box.

 Shit! Ano yan? Lalo akong na-excite.
  
Inabot niya sakin yung box. “Open it.”
  
Di matanggal ang ngiti ko sa labi. Dahan-dahan kong binuksan yung box. Nagulat ako sa laman. Isang susi. Napatingin ako kay Matteo. Ano to?

 Ngumiti siya. “That’s yours. So you can come here whenever you want.”
  
Wow! Binigyan niya ako ng susi ng pad niya. Na-touch naman ako. “Bakit?” tanoong ko.
  
“Babe, what kind of question is that? What’s mine is yours, too.”

 “Matty, you didn’t have to do this,” nahihiya kong sabi. Kahit na natuwa ako ng sobra, privacy niya ang nakataya dito. It doesn’t necessarily mean na dahil kami na, I have all the right in the world para panghimasukan ang privacy niya.

 “I don’t have to, but I want to,” nakangiti niyang sabi.

 Shit. Ang sweet naman.
  
“Come on, let’s eat na,” yaya niya. I took his hand at naglakad na kami papunta sa kitchen. Dun kami sa countertop kumain.
  
——————————————————————

 Pagkatapos namin kumain, nahiga kami sa kama. Nakasandal ako sa headboard habang nakaunan muli si Matteo sa binti ko.

 “Matty, remember the first time we met?” tanong ko.
  
Napangiti siya. “Yeah. Why?”
  
“Ang sungit mo kaya nun,” sabi ko.
  
Humagalpak siya ng tawa. “Me? Masungit? No way!”

 “Oo no. Gusto nga kitang sapakin nun eh.”

 “Awww. Really? Was I such an ass?” di yata siya makapaniwala.

 Tumango ako.

 “Honestly, I don’t like waiting kasi. I get irked by tardiness. You were late for like, what? 1 hour and 43 minutes?” paliwanag niya.
  
Hala, bad impression pala ako nun sa kanya. At talagang tanda niya parin kung gano katagal ako na-late.
  
“But, I knew you were something else. That’s why I didn’t jump into the deal then. I wanted to have an excuse to know you even more,” dagdag niya.
  
Di ko alam kung maiinis ako o kikiligin sa sinabi niya. Pero, pakiramdam ko mas nakakalamang yung kilig.
  
“Ok. I think I owe you an apology.”
  
Natawa ako. Para san?

 “What do I have to do for you to forgive me?” tanong niya.

 Wala naman yun. “Matagal na kita pinatawad dun.”

 Nag-muwestra siya na parang tinatanong ako ng “Really?”

 Tumango lang ako sa kanya. Sabay kindat.
  
“Ang sweet!” sabi niya. Para siyang tanga at kinikilig pa.
  
“Mukha kang tanga,” biro ko.

 “Ah ganon. You want me to tickle you to death?” sabi niya. Naghahanda na siyang kilitiin ako pero hinawakan ko yung dalawang kamay niya.

 “No!” sabi ko.
  
Masunurin naman si Matteo at ayun, tinigil niya na rin ang pangungulit niya. Humiga nalang siya ulit. Pinaglaruan ko yung buhok niya.
  
“Danny, I kinda noticed something,” bigla niyang sabi.
  
Huh? “Ano yun?” sabi ko.
  
Ngumiti siya sakin bago nagsalita. “You don’t smoke na. Did you do it for me?”
  
Oo nga no? Di ko napansin yun ah. Parang biglaan lang namang nagyari yun. “Di ko alam. Ewan ko kung bakit. Galing mo ha. Ako di ko napansin eh!”

 “I know you did it for me. You know I don’t like smoke,” nakangiti niyang sabi.
  
“Kapal naman!” biro ko.

 Di na siya nagsalita. Nakangiti parin ng todo. Bumalik ako sa paglalaro ng buhok niya. Pumikit siya. Nasarapan yata sa ginagawa ko.
  
“Matty,” sabi ko.
  
“Yep,” sagot niya habang nakapikit.
  
“Do you wanna know why I was running late nung appointment natin the first time?” tanong ko.

 “You were caught in traffic, diba?” sagot niya.
  
“Yeah. But that’s not what only happened.”
  
“Ano pa?” Nakatingin na siya sakin nung sinabi niya to.
  
“I wasn’t able to sleep well the night before kasi. I was up all night thinking,” paliwanag ko.

 “About?”
  
Natagalan ako bago sumagot. Di ko alam kung dapat ko bang gawin to. Kung dapat niya malaman. Pero sabi ng utak ko na kailangan kong sabihin sa kanya. Karapatan niya malaman dahil kami na ngayon.
  
“Hey,” sabi ni Matteo. Ang tagal ko na palang natahimik. Lumipad na pala ang isip ko sa malayo.
  
“Ay sorry,” sabi ko.
  
“Ano na? What happened?”
  
“Kasi, that night I received a text message. From Franz,” mahina kong sabi.
  
Napatitig siya sakin. “How did he know how to contact you?”
  
Umiling ako. “I don’t know. He has connections siguro. I changed numbers a couple of times already pero nalalaman niya parin eh.”
  
Tumango lang siya tapos tumingin sa malayo.
  
“Matty,” sabi ko.

 Di siya sumagot.

 “Galit ka?” tanong ko. “Sorry na.”
  
Tumingin siya sakin. Tapos umiling. “Why would I?”
  
“Wala lang,” sabi ko.
  
“You still love him?” tanong niya.
  
Napa-isip ako sa tanong niya.
  
“You don’t have to answer that,” tapos tumingin ulit siya sa malayo.
  
“Naman to o,” sabi ko.

 “What?” Parang naiirita siya.
  
“Nagseselos ka ba?” tanong ko.
  
“No,” sabi niya.
  
“Uyyyy, si Matty ko nagseselos,” sabi ko.
  
“No way! Do I look like I’m jealous?” todo deny niya. Pero hanggang ngayon di parin siya natingin sakin ng derecho.
  
“Alam mo, tama ka. I don’t have to answer your question. Dahil alam kong alam mo kung ano ang isasagot ko dun. Alam mong ‘Hindi’ ang sagot ko,” sabi ko.

 Tumango lang si Matteo. Tapos maya-maya, ngumiti na rin.
  
“What if, you bump into him one of these days?” tanong niya.
  
Natigilan ako. Di ko naisip yun ah. “Honestly? Di ko alam kung ano gagawin ko. Di ko pa naisip yun eh.”
  
Di kumibo si Matteo.

 “Siguro tatanungin ko lang siya kung bakit. Yun lang. I never had the chance. I never knew why,” dagdag ko.
  
Tumingin si Matteo sakin at ngumiti lang.

 Natahimik kami ng matagal. Pinaglalaruan ko lang ang buhok niya. Pareho kaming nagiisip. Malalim ang iniisip. Maya-maya, ako naman ang nagtanong.

 “Matty, bakit ako?”
  
Tumingin siya sakin na parang naguluhan sa tanong ko.

 “Bakit ako ang pinili mo?
  
“Why not?” balik na tanong niya.
  
“I don’t know. That’s why I’m asking you,” sagot ko.
  
“Danny, the moment I saw you, I knew you were special. I felt like you were drawing me into you. I don’t know how to explain it, its just like that.”
  
“Special child pala ako eh!” sabi ko.
  
Sumimangot si Matteo. Ay, di niya nagustuhan ang biro ko.

 “Don’t you ever make fun of yourself.” Pinangaralan tuloy ako.

 Tumango nalang ako. Surrender!

 “I love you because I love you. I won’t give you any reasons because if I start having any reason to love you, then I think I really haven’t loved you at all.”

Dahil na rin sa pangungulit ko, kumuha na nga ng insurance si Sean. Di ko talaga siya tinigilan hanggat di siya pumirma. Biniro nga ako ni Sharlene na ako naman daw ang nagpapahirap kay Sean. Sabi ko anong ako? Eh siya nga yung nagpapahirap sakin dahil ayaw pa niya pumirma sa kontrata. Pero all’s well that ends well. Nabentahan ko rin ang mokong.

 Di ko alam kung ano ba ang nakain ko pero sunod-sunod ang dating ng cliente sakin. Karamihan sa kanila mga recommendation from my clients. Good feedback ang madalas kong natatanggap. Masaya ako kasi ganun nalang ang pagtingin ng mga cliente ko sakin. Di lang nila ako ahente, kaibigan din. Pinagbubuti ko lang naman ang trabaho ko. At siguro, dahil inspired ako ng todo.
  
Lalong gumanda ang pagsasama namin ni Matteo. Habang tumatagal, lalo namin minamahal ang isa’t isa. Hanggang ngayon, wala parin may alam sa tunay naming ugnayan. And we prefer it that way. Ako ay may pangalan na iniingatan, siya naman may career na dapat alagan.
  
Tama nga si Tito Jonas nung sinabi niyang its not too late para kay Matteo. Isa na siya sa hottest models ng bansa. Di ko na mabilang ang mga raket niya. Magazine coverboy, billboards at fashion shows ang pinagkakaabalahan niya. Ang pinaka-huling target ni Tito Jonas para kay Matteo ay ang maging hottest bachelor sa buong bansa.
  
Wow! Ano kayang pakiramdam ng ganun? Hangaan ka ng buong bansa dahil sa kagwapuhan at kakisigan mo? Tinanong ko minsan si Matteo kung ano ba ang pakiramdam ng ganun. Sagot niya, “It feels the same. I’m still Matt from before. Nothing changed.”

 Loko din itong si Matteo. Ako naman ang tinanong. “So, how does it feel like to have the country’s hot property as your boyfriend?”
  
“Yabang!” sagot ko. Natawa siya. “Syempre naman, I’m so proud of you.”

 Pero sa totoo lang, hindi talaga siya nagbago. Di ko lubos maisip kung bakit siya ganun. Parang wala lang sa kanya ang lahat ng tinatamasa niya ngayon. Hindi naman sa hindi niya gusto, sino ba naman ang ayaw maging sikat? Yun nga lang, mas gugustuhin parin daw niya ang simpleng buhay.

 As usual, hindi parin kami madalas lumabas. Mahirap na. Kung compicated na nung panahon ni Franz, mas lalong complicated ngayon dahil sikat si Matteo. Pag lumabas man kami, laging kasama namin sina Sharlene at Sean. Nakakatawa nga si Sean nung una niyang na-meet si Matteo. Natulala. Na-starstruck yata. Hindi siya makapaniwalang kasama niyang gumimik ang isang model.
  
Minsan, nagbalak kaming lumabas na kaming dalawa lang. Pero hindi natuloy. Hindi naman ako na-disappoint dahil in the first place, ayaw ko rin naman. Kaya ayun, kontento na ko na sinusundo niya ako minsan sa office kapag wala siyang raket at patambay-tambay kami sa pad niya. Dinadaanan niya ako sa trabaho at hinahatid sa bahay namin. Gaya ngayon.

 “Matty,” sabi ko habang nasa kotse kami pauwi. “Nasa bahay sila lahat ngayon.”
  
“Really? Wow,” sagot niya habang nagmamaneho.

 “Yeah. You wanna meet them?” tanong ko.
  
Tumingin siya sakin. Nakangiti. “You serious?”
  
Tumango lang ako.
  
“Sure!” excited niyang sagot.

 “Pero I’m not introducing you as my boyfriend,” sabi ko.
  
“I know, it doesn’t matter. I wanna meet the family!”
  
——————————————————————
  
“Nay, andito na ko!” sigaw ko pagbukas ng pinto.
  
Nauna akong pumasok. Nasa sala yung tatlo kong kapatid. Nanonood ng TV. Tumingin sila sakin pagpasok ko. “Oy, umayos kayo. May bisita tayo,” sabi ko sa tatlo. Nagtinginan sila sa gulat. Gabi na kasi tapos may bisita pa.
  
“Pasok,” sabi ko kay Matteo. “Pasensya na sa bahay ah. Medyo magulo.”

 Tumuloy na si Matteo. “Good evening,” bati niya sa mga kapatid ko.

 Nanlaki ang mga mata nung tatlo, lalo na si Joyce. Wala akong kaalam-alam na crush pala niya si Matteo.
  
“Hoy! Good evening daw,” sabi ko sa kanila. Sabay naman lumabas si Nanay sa kusina. Parang nakakita rin siya ng multo. Bumati ulit si Matteo. “Nay, si Matt nga pala. Kaibigan ko. Cliente na rin.”
  
“Magandang gabi din naman, anak,” sagot ni Nanay. “Ah, are you understanding Tagalog?”

 Natawa ako. Si Nanay talaga. Allergic kasi siya sa English.

 “Yes, Tita,” sagot ni Matteo.

 “Hay salamat. Akala ko pahihirapan mo ko eh,” sabi ni Nanay. “Kumain na ba kayo? Halina at sabay-sabay na tayo.”
  
Tumingin ako kay Matteo. Excited yata ang loko. Ang ganda ng ngiti sakin.
  
“Sige, tara!” sabi ko.

 “Kayong tatlo jan, kain na!” sabi ni Nanay sa mga kapatid ko.

 ——————————————————————

 Nagulat ako at game na game si Matteo kumain dito. Ewan ko ba, parang wrong idea yata na pinapasok ko pa siya dito ngayong gabi.
  
“Dan, tabi na kayo ni Matt. Hoy kayong tatlo para kayong nakakita ng multo jan. Magsikain na kayo,” sabi ni Nanay.
  
Di ko napansin na nakatulala pala sina Charles, Bong at Joyce kay Matteo. Para nga silang nakakita ng multo. Nagkatinginan kami ni Matteo. Natawa kami pareho. Umupo na si Nanay.
  
“Ah, pwede na kayo kumain,” sabi ko sa mga kapatid ko. Parang napansin din namang mukha na silang tanga, kaya ayun, nagumpisa na silang kumain.

 “Matt, pasensya ka na anak sa hapunan namin ah,” sabi ni Nanay. Buti nalang pala at medyo marami ang niluto niya ngayon. Sinigang na baboy ang ulam namin.
  
“Kumakain ka ba nito?” tanong ko kay Matteo. “Diba ayaw mo ng taba?”

 “Who told you?” sagot niya sakin. Tapos ayun, kumuha na ng maraming kanin at ng ulam. Grabe, sinabawan niya yung kanin niya ng sobrang dami. Parang lumulutang na yung kanin niya eh. Tumingin muna siya sakin at ngumiti bago sumubo. Napailing nalang ako.

 Tahimik parin yung tatlo kong kapatid. Umurong yata ang mga dila. Na-starstruck marahil ng matindi.
  
Tuloy-tuloy ang kain ni Matteo. Ngayon ko lang siya nakitang kumain ng ganun. Parang wala ng bukas. Nung maubos niya yung nasa plato niya, humingi pa ng pangalawang round. Naaliw naman si Nanay dahil sarap na sarap si Matteo sa luto niya. Pati sila Charles natatawa na rin.
  
“Kuya Dan, ang lakas pala kumain ni Kuya Matt!” sabi ni Bong.

 Nanlaki yung mata ni Matteo nung marinig niya yung sinabi ni Bong. Parang nahiya bigla. Nasa bibig parin niya yung kutsara. Tapos dahan-dahan niyang tinanggal yung kutsara.
  
Nagtawanan kaming lahat. Sabi ko, “Sige lang. Eat all you can yan.”Pati si Matteo natawa sa sarili niya.

 “Did you hear that, Bong? Your Kuya said I can eat all I can!” sabi ni Matteo kay Bong.
  
“Sige lang Kuya Matt. Wag ka na mahiya,” natatawang sabi ni Bong.
  
“I don’t know how to be…” tumingin si Matteo sakin, “mahiyain.”
  
Napailing ako habang lahat sila nagtawanan.

 At ayun, parang nawalan naman ng hiya ang mga kapatid ko. Hindi na tinigilan si Matteo. Kung ano-anong pinagtatanong nung tatlo. Buti nalang at parang nag-eenjoy si Matteo. Game na game sa mga kapatid ko. Sa sobrang bonding moment nila, ako tuloy ang nagligpit ng kinainan namin. Nagkakatitigan nalang kami ni Matteo. Natatawa nalang ako habang pinapanuod sila.
  
Maya-maya, pumasok ng kwarto si Joyce. Paglabas dala na yung digicam.
  
“Oy, anong gagawin mo jan?” tanong ko sa kanya.
  
“Kuya, magpapapicture lang kami ni Kuya Matt. Syempre no, sobrang sikat niya kaya!” excited na sabi ng bunso namin. Adik ka rin ha? Uunahan mo pa kong magkaron ng litrato kasama si Matteo? Kami dapat ang may litrato hindi ikaw!
  
Natuwa rin naman ako kasi parang naaliw si Matteo sa mga kapatid ko. Tuwang-tuwa yata siya na marami akong kapatid. Siya lang kasi ang anak ng magulang niya.
  
“Nakakatuwa itong kaibigan mo, anak,” sabi ni Nanay. Nagulat ako ng konti kasi bigla naman sumulpot sa tabi ko.
  
“Ganyan talaga yan, Nay. Makulit yan eh,” sagot ko habang nakatingin parin kay Matteo.

 Di umimik si Nanay. Pinagmamasdan lang niya sila Matteo, at ako.
  
——————————————————————
  
“Bye guys!” paalam ni Matteo. “Tita, thanks for the dinner. It was awesome.”
  
“Wala yun. Balik ka ulit ha,” sabi ni Nanay.
  
“I will po,” sagot ni Matteo.
  
“Nay, hatid ko lang siya sa kotse,” sabi ko. Tumango lang si Nanay. Kumaway na si Matteo sa pamilya ko at naglakad na kami papuntang kotse.
  
Nung medyo malayo na kami, nagsalita si Matteo. “That went well.”
  
Natawa ako. “Oo nga eh. Aliw na aliw sila sayo.”

 “That’s good news diba? At least when I marry you, I won’t have a hard time convincing them,” sabi niya sabay kindat.

 Nagulat ako sa sinabi niya. “Anong marry ka jan? Loko!”
  
Tumawa siya. “Why? You don’t want?”

 “Hay naku, Matty. Umuwi ka na nga,” sabi ko. Nasa kotse niya na kami.
  
Tatawa-tawa si Matteo. Binuksan niya yung door at pumasok na. Binaba niya yung window. “Don’t I deserve a good night kiss?”
  
“Uwi na!” sabi ko.

 Natawa siya. “Sige na nga!”

 “Drive safely.” Paalala ko.

 “Yup. 1-4-3!” sabi niya.

 “1-4-3! Text me when you’re home.”

 “I will, babe.” Tapos ayun, umalis na siya.

 Napa-isip naman ako sa sinabi ni Matteo. Papakasalan niya daw ako. Seryoso ba yun, o seryosong biro lang? What if nga naman no? Tutal, pwede naman na yung ganun sa ibang bansa. Pero, teka lang, parang too much to ask na pag nangyari pa yun. Gusto ko rin magpakasal. Sa ngayon, parang di yata pwede. Ewan ko ba.

 Nanatili sa utak ko yung posibilidad na yun. Ang sarap lang isipin at mag-imagine na gusto akong pakasalan ni Matteo. Yun nga lang, wala naman sa priorities namin dalawa ang kasal.

 Masyado na ba akong halatang in-love ako? Kasi kahit sino makasalubong ko or makasama ko iisa lang ang sinasabi sakin. “In love ka ba? Parang masayang-masaya ka lagi ha!”
  
Siguro, no matter how hard I try, lumalabas parin sa itsura ko. Wala eh. Ganun talaga. Basta ako, pag sinabihan ng ganun, dinadaan ko nalang sa biro ang pagsagot. Nakaka-inis minsan dahil paulit-ulit, pero nakakatuwa dahil I keep everyone guessing kung ano ba talaga.
  
Kahit na parang tuliro ako lagi, hindi ko naman hinahayaang makaapektohan ang trabaho ko. Kaya lang, parang ang bagal ngoras talaga. Lagi akong nakaantabay sa relo, inaantay ang uwian. Pag patak naman ng 5:30, hala, haripas na ako palabas ng opisina. Hinahabol ko ang oras dahil pag kasama ko si Matteo, sumobrang bilis naman. Di ko talaga maintindihan kung bakit ganon.

 ——————————————————————
  
“Hoy! Daniel Marc! Kilala mo pa ako?” Yan ang bungad sakin ni Sharlene. “Grabe ka talaga ha!”
  
Natatawa nalang ako. “Syempre naman!” sagot ko.
  
“Sus! Kilala raw. Di ka manlang nagpaparamdam. Dumaan yung Pasko di ka manlang nagpunta sa bahay! Hinahanap ka ni Mommy kaya. Kayong dalawa ni Matt di manlang nagpunta para sa Noche Buena,” sabi ni Sharlene.

 Hala! Magkasama kasi kami nun eh. Dumaan si Matteo sa bahay namin tapos sinundo ako. Umalis kami pagtapos kumain. First Christmas Eve namin yun as a couple.
  
“Nag-text naman ako sayo. Saka kasama ko family ko nun,” paliwanag ko.
  
“Aanhin ko ang text? Ha? Mauubos ba nun ang handa namin?” sabay nakapamewang pa siya sakin.
  
“Eh ikaw rin naman busy sa Sean mo. Masyado mo naman ako dine-depress sa ka-sweetan niyo,” balik ko sa kanya.

 “Wow! Nagseselos ang best friend ko! Ang cute naman!” Parang naaliw nga siya nung mga oras na yun.
  
“Selos ka jan. Bakit naman?” sabi ko. Sabay tawa ng malakas.
  
“Deny ka pa. Pero seryoso, Dan. Na-miss ko talaga?” tanong niya.
  
“Hindi!”
  
“Ewan ko sayo! Loko ka talaga!” sabay hampas sa braso ko.
  
Inakbayan ko siya tapos kinurot yung pisngi niya. Sumigaw siya ng “Aray!” Tapos kinurot naman niya yung braso ko. Ako naman yung naging bugbog-sarado.
  
“Wag ka mawawala sa Media Noche ha. Sasampalin talaga ng malakas! Kayong dalawa ni Matt dapat present,” banta niya.
  
“Ano ka ba? Pano naman yung pamilya ko, ha? Family time namin yun,” sabi ko.
  
“Basta, kelangan pumunta kayo. Di pwedeng hindi.”
  
“Tatanong ko muna kay Matt kung gusto niya pumunta,” pabiro kong sabi.
  
“Masyado na kayong nagiging close nun ah. Pinapalitan mo na ako? Siya na yata ang best friend mo,” nagtatampo niyang sabi.

 “Tumigil ka nga. Anong pinapalitan? Nag-iisa ka lang. Bukod-tangi ka sa lahat!” sabi ko.
  
“Bukod-tangi daw,” sabay irap sakin.
  
“Asus! Iniirapan mo na ko ngayon ah,” biro ko.
  
“Ewan! Pumunta ka ha.”

 “O sige, hahatiin ko nalang ang katawan ko. Kalahati sa inyo, kalahati sa bahay namin,” sabi ko.
  
“Eto naman, parang pabago-bago lagi. Eh di syempre pumunta ka ng maaga samin. Tapos uwi ka agad. Kainis ka talaga!”
  
“Lagi mo nalang kasi ako ninanakawan ng oras sa pamilya ko no!” natatawa kong sabi. “Pero dahil mahal kita, sige. Pupunta ako ng maaga. At totoo yun, nag-iisa ka lang. Wag ka na magtampo ok? Saka dapat may take-out ako ha? Pandagdag sa handa namin.”
  
“Sus! What’s new naman with you? Syempre given na yun no!”
  
——————————————————————

 Sinundo ako ni Matteo sa bahay nung December 31. Sabi ko kina Nanay na babalik kami agad para kumain. Kailangan lang namin dumaan sa bahay nila Sharlene at nagtatampo na saming dalawa. Naintindihan naman ni Nanay.

 “Danny,” sabi ni Matteo, “you promised me we’ll sleep in our pad tonight ha.”
  
Naku! Oo nga pala! Nawala sa isip ko. Ang hectic naman ng schedule ko!

 “Pano yun? If we leave after we eat, baka matinding putukan na nun,” sagot ko.
  
“You promised eh!” nagtatampong sabi ni Matteo habang nagmamaneho.
  
“Ok! Sige, we’ll figure this out later. Wag ka na magtampo,” sabi ko.
  
Di na siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.
  
Dumating kami sa bahay nila Sharlene ng bandang 7 PM. Dun na kami nagdinner. Na-miss kaming dalawa ng pamilya Yuzon. Kinabahan nga ako at baka hindi na kami paalisin eh. Pero hindi naman, alam naman nilang pupunta pa kami sa bahay ngayong gabi. Naron si Sean, at laking gulat ko na mukhang ok na sila ng buong pamilya.

 Buong gabing tahimik si Matteo. Hala! Nagtampo talaga? Pero di naman niya pinapahalata masyado kina Sharlene na nagtatampo siya. Sakin niya lang pinapakita.
  
Ayun, hanggang pauwi kami sa bahay namin hindi ako kinikibo. Sabi ko nalang sa sarili ko bahala na kung anong mangyari. Di ko alam kung panong gagawin ko. Syempre importanteng kasama ko ang pamilya ko ngayong gabi, pero importante rin si Matteo eh. Besides, ito ang unang New Year namin. Hay! Bahala na talaga si batman!
  
Di ako masyadong kumain kina Sharlene. Para naman may lalagyan pa yung kakainin ko sa handa namin. Pinadalan nga pala ni Tita si Nanay ng Fruit Salad na sobrang dami, tapos si Tito naman ay pinabaunan kami ng konting paputok. Ayos to! Mageenjoy sina Charles at Bong dito!
  
As usual, tuwang-tuwa na naman ang mga kapatid ko dahil nandon si Matteo. Aba, feeling yata nila eh Kuya na rin nila siya. Sobra talaga itong mga to. Ni hindi ko nakausap si Matteo dahil laging yung tatlo ang kasama. Kung nung una eh parang mga walang dila at di makapagsalita, ngayon naman eh walang tigil sa pangungulit. Inubos nila yung paputok na bigay ni Tito Gary.
  
“Hoy! Baka naman nakukulitan na ang Kuya Matt niyo ha,” sabi ko sa tatlo.
  
“Kuya, nag-eenjoy nga si Kuya Matt eh. Diba Kuya?” sabi ni Charles.

 “Yup. Don’t mind your Kuya Dan. We’re all having fun here,” sagot ni Matteo.
  
Aba, lokong to. Kunsintedor pala.
  
“Matt, anak,” sabi ni Nanay. “Delikado nang umuwi ng ganitong oras. Kung gusto mo, dito ka na matulog. Dun sa kwarto ni Dan.”

 For the first time ngayong gabi, ang ganda ng ngiti niya sakin. Patay! Mukhang dito na nga kami matutulog!
  
“Yes, Tita! I’ll just stay here tonight!” excited niyang sabi.
  
Natulala nalang ako. Si Nanay naman. Ano namang pumasok sa isip mo at sinabi mo yan?

 “Dan, ayusin mo na yung kwarto mo,” utos ni Nanay.

 “Tita, I’ll help Dan,” sabi ni Matteo.


Wala na akong nagawa kundi ayusin ang kwarto ko. Inayos ko yung kama ko para samin dalawa. Nakita ko si Matteo na todo ngiti habang pinapanuod ako. Tuwang-tuwa ang loko.

Pagka-ayos ko, sinilip ni Matteo sila Nanay sa sala. Tapos na rin naman kami mag-celebrate ng New Year kaya matutulog na rin sila. Nagpaalam na si Matteo, “Good night po!” Di niya maitago ang tuwa niya talaga.

Sinara na niya yung pinto at ni-lock. Naupo ako sa kama at napa-iling nalang.

“Happy New Year, baby!” bulong niya sakin matapos tumabi sakin.

Natawa ako pero sinagot ko siya, “Happy New Year din.”

Humiga na siya sa kama ko. Ang layo ng kama niya sa kama ko. Kayanin niya kaya matulog dito? “Matty, are you sure you’re gonna be ok? Wala akong aircon saka di malambot ang kama ko,” sabi ko.

“Of course. You’re beside me eh. I know I’ll be fine,” sagot niya.

“Shit naman! Nakakainis ka na sa sobrang ka-sweetan mo!” bulong ko. Humiga na rin ako sa tabi niya. Niyakap niya ko tapos hinalikan sa ulo.

Nung gabing yun, sumabay din kami sa putukan sa labas. Hehehe!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...