Thursday, June 21, 2012

JED, I LOVE YOU


By: Jayson Patalinghug
  Ano ba itong nasa isip ko? Ang isiping pwede kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman at sasabihin din niya sa akin na mahal niya ako pagkatapos ay magyayakapan kami at maghahalikan ay isang kahibangan. Si Jed na yata ang pinaka perpektong lalaki para sa akin. Masarap sana kung totoo ang lahat ng aking mga agam-agam. Kailan pa ba ako matututo? masakit ang katotohanan.

“Pasensya ka na Jay… pero alam mo namang babae ang gusto ko.” Malinaw pa ang mga katagang iyon sa aking ala-ala. Para itong isang sibat na tumusok sa aking puso… napakasakit…walang kasing sakit. Hindi iyon ang inaasahan kong mangyari pagkatapos ko siyang mahalin ng lubos-lubos sa loob ng dalawang taon. Siya lang ang lahat para sa akin na kahit ang tumingin man lang sa ibang gwapong lalaki ay isang malaking kasalanan na para sa akin. Sabi ko sa aking sarili na matatanggap ko kung isang araw, sasabihin niyang magkaibigan lang talaga kami, pangako ko sa sarli ko na magiging matatag ako kapag sinabi niya sa akin na hindi lalaki na tulad ko ang type niya. Ngunit tila may sariling utak yata ang aking puso, ginagawa nito ang gusto nitong gawin, at ang katotohananang mawalan ka ng taong sobrang mahal mo ay nagdudulot ng sakit na di mo makokontrol. Napaka tanga ko talaga nang maniwala ako sa aking sarili na kaya kong ihandle ang mareject ng taong mahal ko. At ngayon, ang sakit ay tila walang katapusang batis na nagdudulot ng matinding paghihinagpis.

Marahil ay gawa-gawa ko lang ang lahat. Ang aming relasyon…ang aming samahan. Ang bawat dampi ng kanyang mga kamay sa aking katawan, ang mga bulungan, tawanan, at ang mga makahulugang titig. Sobrang mahal ko siya na niloloko ko na ang aking sarili, pilit na kinikombense na totoo ang lahat ng mga iyon. Pinaniwala ko ang aking sarili na gwapo ako, sexy at maari ding balang araw ay magkakagusto din siya sa akin. Haaay…kahit kailan di niya ako minahal, ang lahat ay pawang pangarap lamang na kahit ang pinaka simpleng bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng kahulugan. Yung parang baka mahal din niya ako ngunit nahihiya lang siyang umamin. Pero mali ako. Naiinis ako sa katotohanang babae ang gusto niya. Walang babae ang magmamahal sa kanya ng gaya ng pagmamahal ko. Walang babae ang makakapagpatawa sa kanya gaya ng ginagawa ko, walang babae ang nakaka alam ng kanyang mga problem at mga sekreto, o makapagbibigay sa kanya ng kanyang mga kailangan gaya ng pwde kong ibigay.  Wala. Pero, hindi pa rin ba iyan sapat? Isinilang lang ako sa maling katawan.
  
Si Rhon, ang kaisa-isa kong kaibigan na nakaka alam ng sekreto ko. Hindi siya bakla pero naiintindihan niya ako. Hindi niya ako hinuhusgahan. Alam niyang mahal ko si Jed, alam niyang para akong matutunaw sa bawat titig nito sa akin at nawawala ako sa katinuan kapag inaakbayang ako ni Jed.

“Sabihin mo na kasi sa kanya.” Sabi ni Rhon sa akin. Paano ko ba sasabihin? “Hi Jed…ano…mahal kita.” Ganun?

Pumasok ako sa skwela nung araw na yun, di man lang ako nag ayos ng sarili, wala akong paki alam. Di ko na pinlantsa ang damit ko, di ako nagsuklay. Wala na akong makitang dahilan para gawin pa iyon. Ako na yata ang pinaka miserableng tao sa mundo. Ginagawa ko naman ang lahat upang magmukhang masaya. Nagkukunwaring okay lang ang lahat kahit hindi.

Natapos din ang apat na subjects ng tinablan ako sa isa sa aming lesons. Nasa kalagitnaan kami ng Physics class, pinag aaralan namin ang law of inertia. Kung paano patuloy na gumagalaw ang mga bagay na gumagalaw, kung bakit di ito humihinto sa pagalaw, kung gaano kahirap itong pigilan kapag nagsimula na. Ganyan na ganyan ang pagibig ko kay Jed. Hindi mapipigilan. Ang aking pag-ibig, pagnanasa at ang aking pagkahumaling sa kanya….sobrang hirap para sa akin na baguhin mula noong tinanggap ng puso ko ang pag ibig ko para sa kanya. Naalala ko noong nakatambay kami sa tabing ilog. Nag-inuman, kwentuhan. Naalala ko na bigla nalang  napasandal ang ulo ko sa kanyang balikat, ang akala ko ay magagalit siya ngunit hindi. Pinabayaan lang niya ako, nakaupo lamang kami pinagmamasdan ang mga ibong dumaan, dinama ang simoy ng hangin. Napakaganda ng pakiramdam. Ngunit, lalo itong nagpahirap sa aking kalooban.

Di ko na kaya, binalot ng kalungkotan ang aking puso, kaya nagpaalam akong pupunta lang sa CR. Napakahirap pigilan ng aking mga luha na kahit nasa hallway pa ako ay pumapatak na. Nang marating ko ang CR ay umiyak ako ng umiyak. Pinunasan ko ang aking mga mata upang bumalik na sa classroom ngunit bawat luhang napupunasan ko ay agad na napapalitan ng panibago. Kaya di nalang ako bumalik upang walang makahalata. Ewan ko ba may ibang lalaki naman. Mas gwapo at mas matalino kay Jed, pero hindi…..hindi sila si Jed…at kahit kailan hindi nila mapapalitan si Jed sa puso ko.

Nakita ko si Jed pagkatapos ng klase, gaya ng dati bakas sa kanyang mukha ang pagiging masayahin. Baliwala lang sa kanya ang issue ng pagiging sweet ko sa kanya. Sa tingin ko ay di niya naiintindihan, sa tingin ko ay wala siyang kakayahang makaintindi kung gaano ko siya ka mahal.

“Uy musta?” sabi ni Jed, sabay upo sa bench katabi ko.

“hi…” ako lang ba ang naiilang sa sitwasyung ito? Dapat ay makaramdam din siya. Alam kung wala siyang nararamdaman pero di ba dapat lang na maramdaman niya?

“Gusto ko sanang pumunta sa tabing ilog ngayong sabado, pahangin…tambay..alam mo na. Pupunta din ang iba nating kaklase kaya sa tingin ko ay masaya ito. So, sama ka?” sabi niya sabay ngiti. OMG….napakaganda ng kanyang ngiti.

“Um…” Gusto kong sabihing hindi. Gusto ko sanang dumestansya sa kanya at mag isip. Pero hindi iyon ang lumabas sa bibig ko “Sure..sige ba…sama ako.” Syet…alam kong dahil iyon sa ngiti niya. Alam niya kung gaano ako kahina kapag tinititigan niya ako sa mata at nginingitian.

“Magaling…at saka sa linggo baka pwede din tayong mag movie marathon sa bahay. Drop by nalang tayo sa SM para bumili ng mga DVDs.” Dagdag pa niya.

“Okay…sige!” sabi ko. Arrgghhh! Okay last na ito..pagkatapos ay titigil na ako. I will let go na talaga.

Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat. Dumaan ang dalawang linggo at lalo siyang naging malapit sa akin….lalo ko siyang minahal. Hindi ko siya kayang bitawan, hindi ko siya kayang iwaksi sa aking isipan. Sa halip ay lalong tumitindi ang aking nararamdaman para sa kanya. Kahit na sa aking pagtulog ay nakikita ko ang kanyang mga ngiti. Napakaganda at naiinis ako. Nakakainis.

Sa ikatlong linggo, parang umabot na sa sukdulan. Nasa bus kami papunta sa probinsya. Masaya ako, actually mababaw lang naman ang aking kasiyahan. Ang makasama siya, katabi, nahahawakan ang mga kamay. Kontento na ako.Hanggang sa dumating ang tatlong malalandi. Naupo sila sa tapat ng aming upuan, tatlong babae na mukhang sa paaralan din namin nagaaral kasi naka PE uniform yung isa. Nakatitig sila kay Jed at nagtatawanan, yung tipong nagtatawag ng “come here”.

“Hi…ikaw si Ryl Jed Canlas, right? Sabi ng isang babae sabay ngiti. At doon na nagsimula. Una ay parang nakikipagkaibigan lang. Nagtatanong sila at sinasagot naman niya. Wala yung problema, palakaibigan naman talaga sa Jed. Isa sa mga katangiang minahal ko sa kanya. Ngunit kalaunan ay nakadama ako ng kakaibang feeling sa mga ngiti ng malanding babaeng iyon. Napadalas ang kanyang maharot na ngiti at parang nagiging close na sila. Doon nagsimula ang aking paninibugho. Para itong isang lason na lumukob sa aking pagkatao. Nagpatuloy iyon hanggang sa nauna ng bumaba ang mga malalanding babae.

“kakaiba ang mga babaeng iyon ah…di ko naman sila kilala. Hehehe! So anyway, sa susunod na sabado aalis ang mama at papa ko, dadalo ng kasal sa kabilang probinsya at baka mga dalawang araw sila mawawala. So kung gusto mo movie marathon ulit tayo para naman may kasama ako.” Sabi niya, hindi man lang niya napansin na naiinis ako. Hindi ako sumagot kaya tiningnan niya ako sa mata. “Sumagot ka naman!”

“Okay, fine. Whatever.” Sagot ko.

“Alright, so kitakits nalang.”

Alam ba niya kung gaano nagdurugo ang puso ko sa panahon iyon?
“Tayong dalawa lang ba? O kasama din sila?” sabi ko sa mahinang boses.

“Sila? Sinong sila?”

Isang parte ng aking sarili ang nagsasabing huwag ko nang gawing malaking issue ang mga nangyari. Feeling ko ay napakasama ko upang magalit sa inasal ni Jed na normal lang naman para sa isang gwapong binata na tulad niya. Ngunit may isang parte din na nagdurugo. Dahil pina ala-ala lang niya sa akin kung gaano ako kalayo sa kanyang puso. “Huwag mo nga akong niloloko. Kalimutan mo nalang yung tanong ko.” Sabi ko.

“Ano? Yung mga babae ba? Jay, diba sinabi ko naman sayo. Di ko nga sila kilala.” Ngumiti lang siya. Di pa rin niya alam kung gaano niya ako nasaktan.

“Parang kilala ka nila.”

“Maraming tao ang nakakakilala sa akin. Pero wala iyon. Besides, di naman sila kasama sa mga gimik natin.” Tapos nguniti ulit. “Come on…wag mo na silang isipin..ang papangit naman ng mga iyon para patulan ko.” Pangisi niyang sabi. Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanan. Pagkatapos ay inakbayan niya ako “tawagan kita bukas okay? Gimik tayo.”

“Okay, sige..walang problema.” Pagkatapos ay bumaba na ako sa bus, maganda ang pakiramdam…ngunit parang may kulang.

Lumipas ang isang linggo, nakita ko na naman ang mga malalanding babae sa school. Nakikipagharutan sila kay Jed, tapos sumasabay sa lunch namin. Minsan nagyayang mag inuman at naging lantaran ang pang aakit nila kay Jed. Para akong natamaan ng sibat ng makita kong binigay ni Jed ang phone number niya sa isa sa mga babaeng iyon. Nanikip ang aking dib-dib at tila di na yata ako makahinga. Mukhang nagkakagustuhan na silang dalawa at di ito matanggap ng aking puso.

Masisisi ko ba ang mga babaeng iyon? Gwapo naman talaga si Jed at sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya. Normal lang ang ginawa ng mga haliparot na iyon. Sobra na ito. Ayoko namang makipag agawan ng attention o pagmamahal. Kaya nakapag decide na akong lumayo.

Pagkatapos ng class, deretso ako sa library upang di ako makita ni Jed. Di ko alam, feeling ko ay isa akong babae na nagpapahabol. Di ko alam ang ginagawa ko, tinuturuan ko ba siya ng leksyon? Di ko talaga alam. Basta ang alam ko ay hindi ako pwedeng magpakita sa kanya sa araw na iyon. Tingnan lang natin kung mapapalitan ng mga ngiti nga mga babaeng iyon ang mga jokes ko. Nag hintay ako ng naghintay nagbabakasakaling hanapin niya ako. Pero wala, hindi nya ako hinanap. Umuwi ako nang hapong iyon mag isa. Malungkot.

Nang maka uwi ako ng bahay, binuksan ko ang phone ko at gaya ng inasahan ko may mga text si Jed. “Hoy, saan ka ba nagsosoot at di kita nakita nitong hapon?” binura ko at binasa ang kasunod na text “tawagan mo ako kapag  nakarating ka na sa inyo.” Binura ko ulit iyon. “Hoy, bakit di ka nag rereply? Okay ka lang?” sunod na text niya sa akin. Malapit akong matuksong tawagan siya at gumawa ng dahilan para lang marinig ang boses niya. Pero hindi…dapat layuan ko na talaga siya.

Nang sumusod na mga araw, nakita ko siya sa hall way, tinanong niya ako kung anong nangyari, pero tahimik lang ako. Nanging limited ang mga sagot ko sa kanya. Pilit na iniiswasan at nilalayuan. Di rin ako sumabay ng lunch sa kanya. Hinayaan ko lang siya kasama ang mga haliparut niyang mga kaibigan. Alam kong katangahan ang ginawa ko pero mas mabuti na yung may distansya kami, baka isang araw ay makakapag move on din ako.

Pagkatapos ng klase, patungo na sana ako sa library pero nakita ako ni Jed at nilapitan. Alam kong di na ako makakalusot kaya huminto nalang ako. “Jay, ano bang pinagkaka abalahan mo lately at di ka na sumasabay sa akin.”

“May mga bagay lang akong dapat gawin” sagot ko.

“Gaya ng ano? Tanong niya ulit.

“Kahit ano…basta…sige mauna na ako.” Sabi ko sabay lakad palayo.

“Saglit, hintayin mo muna ako. Kukunin ko lang bag ko tapos sasabay na ako sayo!” sabi niya.

“Nagmamadali ako eh, bukas nalang siguro.” Nang sinabi ko iyon, biglang nag iba ang kanayang mga mata. Alam niyang may kakaiba sa mga kinikilos ko.

“May problem ka ba?” tanong niya nang mahabol niya ako.

“Wala naman…wala akong problem.” Sagot ko

“Alam kong may problema, hindi ka naman ganayan eh. Di mo sinasagot mga text at tawag ko, ayoko mo na akong kasama, lagi mo nalang akong iniiwasan. Ano ba talaga ang problema? I mean, may nagawa ba akong mali?” tanong niya sa akin. Hindi niya alam.

“Wala nga..sige… mauna na ako.” Lumayo na ako at iniwan ko siya.     

“Oh sige pero tawagan mo ako mamaya. Ok? Please?” pakiusap niya.

“O sige…tatawagan kita.” Pagsinungaling ko sa kanya. Unti unti na akong lumalayo sa kanya at hindi ko hahayaang magbago ito dahil lamang sa mga ngiti o titig niya. Neg text ulit siya nung gabing iyon, ngunit binura ko na bago ko pa mabasa. Desidedo na akong lumayao, kahit na masakit.

Nang sumunod na byernes, pareho lang din ang nangyari. Walang contacts, walang kibuan. Nakita ko siya sa may hallway at nagkasalubong ang mga mata namin. Di ako makapaniwala sa aking ginawa. Bakas sa mukha ni Jed ang kalungkutan.

Nang matapos ang klase ng hapong iyon, papauwi na ako ng harangin niya ako sa may hallway. “So ganito nalang ba? Di mo nalang ako kikibuin habang buhay? O baka naman kailangan ko lang maghintay, sabihin mo sa akin, kailan mo ba ako kakausapin muli para naman mamarkahan ko ang aking calendar?” sabi niya at bakas sa kanyang boses ang sincirity.

“Hindi mo naiintindahan Jed.” Sabi ko

“No! Hindi talaga….hindi ko talaga maintindihan!...come on  Jay…ano ba ang nagawa ko? Patawad na ok? Kung ano man iyon sanay patawarin mo na ako.” Sabi niya. Gusto kong mawala na ang nararamdaman ko sa kanya, pero di ko maitatago ang aking nadarama para sa kanya. “tol naman…kausapin mo ako. Akala ko ba ay magkaibigan tayo? Dagdag pa niya.

“Hindi…Hindi mo ako pwedeng maging kaibigan ngayon. Hindi sa ayaw kitang maging kaibigan pero magulo lang ang isip ko sa ngayon at kailangan kong mag isip.” Sagot ko sa kanya na ang boses ay naiiyak.

“At ano ang gusto mong gawin ko? Maghintay at magdusa habang ang aking matalik na kaibigan ay nagiisip at naghahanap ng kalutasan sa kanyang problema? Di ko maintindihan.. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo.”

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay hinarap ko siya at tinitigan sa mga mata, “Alam mo kung ano ang nararamdaman ko.” Nagtitigan kami ng ilang minuto…ang aming mga mata ay tila nag uusap. Naintindihan niya ang gusto kong sabihin, nahiya din ako kaya, lumayo ako sa kanya.

Hinabol niya ako at hinawakan ang aking mga braso…hinila paharap sa kanya. “Bakit ayaw mong magsalita?” tanong niya.

“Ano ang sasabihin ko? Sabihin kong mahal kita at magpanggap na mahal mo rin ako?”

“Kahit ano, sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo imbes na tumahimik at ipadama sa akin kung gaano ako ka gago.” Sabi niya.

“Marahil ay bagay sayo ang pakiramdam ng isang gago. Alam mong mahal kita at alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin pero wala kang paki alam.” Sabi ko sabay kalas sa pagkakahawak niya sa aking mga braso.

“Hindi naman sa wala akong paki alam. Kundi…Jay….ano bang gusto mong sabihin ko?”

“Hindi mo ba naiintindihan? Ayokong may sabihin ka! Ang gusto ko ay iwanan mo na akong mag isa para makalimutan na kita.”

Mukhang nasaktan si Jed sa mga sinabi ko. “It is not fair Jay.” Sabi niya na parang naiiyak na rin.

“Maraming bagay sa mundo ang hindi fair Jed. Maniwala ka sa akin…naramdaman ko iyon… sayo!” sagot  ko sa kanya.

“Hindi mo ako pwedeng kamuhian dahil dito. Hindi…Huwag mo naman akong itulak palayo. Huwag mong sabihin sa akin na di na kita pwedeng maging best friend.” Naghihintay siya ng sagot, pero wala akong binigay. Tumulo na lang ang luha sa aking mga mata at malaya itong dumaloy sa aking mga pisngi. Yumuko nalang siya at pinabayaan ako…

Nagising nalang ako sabado ng umaga, namamaga pa ang aking mga mata sa kaiiyak. Ito na ang unang araw na mag isa nalang ako..wala na ang best friend ko na minahal ko ng lubos. I felt so empty. Di ko alam na ganito pala kasakit….di ko maintindihan.Totoo pala talaga ang sabi nila na hindi mo alam kung ano ang meron ka hanggang sa mawala ito sayo. Kinagabihan nag ring ang telepono at narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Jed. “Hey, Jay….makinig ka naman sa akin oh… kailangan natin mag usap, ok?”

“Um..ok” may ilang segundong katahimikan, pagkatapos ay nagsalita ako, “Go ahead…”

“Hindi, hindi dito sa phone. Makinig ka, makakapunta ka ba dito sa bahay ngayong gabi?”

Nalimutan ko, may usapang nga pala kaming mag movie marathon sa gabing iyon. “actually, sa tingin ko ay di ako makakapunta..” OMG…siya at ako…kami lang dalawa sa bahay nila…sa tingin ko ay hindi iyon makakatulong sa akin.

“Please? Mahalaga ito para sa akin. Nakikiusap ako bilang isang kaibigan. Give me a chance, ok?” sabi niya na nag crack ang boses. Sa tingin ko ay umiiyak din siya, di ako makapaniwala. Kaya pumayag ako at pumunta ako sa bahay nila.

Di ko maipaliwanag ang kanyang mukha noong makita ko siya sa pintuan ng bahay nila. “Halika pasok ka.” Anyaya niya.

Mukha siyang tense. Sinara niya ang pinto at inilock niya ito at pagkatapos ay tinanggal ang soot niyang shades. Nakatayo lang ako sa gitna ng sala ng nilapitan niya at pina andar ang TV. MTV ang pinalabas niya at naka full volume ito. Tumingin siya sa akin at nilapitan ako dahan dahan.

“Di ko maintindihan…ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.

“Ayokong mawala ka sa akin. Mahalaga ka sa buhay ko.” Sabi niya. Di ko siya maintindihan ngunit pinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat at nilapit ang mukha sa akin at bumulong, “Gusto kong makasama ka.” Pagkatapos ay tinitigan niya ako sa mata at hinalikan ako sa labi!
“sandali lang, di kita maintindihan…ano ba ang nagyayari dito? Para saan iyon?”  Tanong ko sabay kalas sa kanyang mga halik.

“sshhhh…halika.” Lumapit pa siya sa akin at nagdikit ang aming mga katawan, ngunit tinulak ko siya upang pigilan siya sa kanyang balak.

“Di mo kailangang gawin ito…..di naman ito ang gusto ko…” Ngunit niyakap niya ako at muling nagdikit ang aming mga katawan. Hinalikan niya ako sa leeg. Marahan…. “Jed…di mo kailangang gawin ito..”

Hindi siya nakinig sa akin, gumapang ang kanyang mga kamay sa aking likod at niyakap ako ng mahigpit habang muli niyang inangkin ang aking mga labi. Di ako makapaniwala..hindi ito dapat mangyari. Hindi ko pinlano na magkaganito. Ang gusto ko lang ay malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero nawala na rin iyon sa aking isip at naalipin ako sa init na nararamdaman ko habang ang aking katawan ay nababalot sa bisig ng taong mahal ko. Parang may sariling isip ang aking mga kamay at gumapang ito sa katawan ni Jed at dahan dahan kong hinubad ang soot niyang T-shirt. Nag espadahan ang aming mga dila hanggang sa binaba ko ang aking mga halik sa kanyan leeg…dahan dahan hanggang sa marating ng aking mga dila ang kanyang mga utong. Sinipsip ko ito at ang tanging narinig ko lamang kay Jed ay ungol at halinghing. Ang aking kaliwang kamay ay naglakbay hanggang sa masapo nito ang kanyang alaga sa gitna ng kanyang mga hita. Lumakas ang kabog ng aking dib-dib at para itong sasabog. Bigla akong natauhan at itinulak siya palayo. Tumingin siya sa akin naguguluhan.

“Hindi ito pag ibig, hindi rin ito sex…..ang pakiramdam ko ay isa itong emotional rape na may willing participant” sabi ko sa kanya. “Hindi ito tama”

“Gusto mo ba na doon tayo sa kwarto?” tanong niya sa akin.

“No..hindi yan ang ibig kong sabihin.” Nakatayo ako sa kanyang harap habang nakatingin siya sa akin..naguguluhan. “Jed, makinig ka sa akin… MAHAL na MAHAL kita at alam kong di mo gusto ang ginagawa mo ngayon.”

“Im sorry. Sinusubukan ko lang…okay naman….masarap naman diba?”

Alam kong nagsisinungaling siya. “Hindi ito ang gusto ko. Hindi ganito.”

“Jay…ayokong mawala ka sa akin….ayoko bitiwan ang pagkakaibigan natin. Nagbabaka sakali akong kapag ginawa ko ito ay…hindi mo na ako iiwan at magiging magkaibigan ulit tayo.” Sabi niya.

“Alam ko at lalo kitang minahal sa pagiging sweet mo. Handa kang magpaubaya alang-alang sa pagkakaibigan natin, ginawa mo ang bagay na ayaw mong gawin para sa ating pagkakaibigan. Maisip ko lang iyon ay masaya na ako. Hindi ko alam kung ano nagawa ko to deserve a friend like you.” Sagot ko sa kanya.

Nagbuntong hininga siya at hinalikan ako sa pisngi. “Alam mo… Di man kita maaring mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin. Di ko man maibigay sayo ang pag ibig na nararapat sayo. Hindi ibig sabihin nun na wala akong paki alam sayo. Tandaan mo, nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Kailangan kita sa buhay ko Jay. At sana ay alam mo na handa akong gawin ang kahit na ano just to save our friendship.”

Pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa aking mga pisngi at ngumiti..”Talaga?”

“At least tapusin mo naman ang pagtsupa sa akin..” sabay tawa….

“Tapusin mong mag isa mo! Ano ka hilo?” at sabay kaming nagtawanan. Finally, nainitindihan ko na, mas mahalaga ang aming pagkakaibigan at ito ang dapat kong alagaan. Ito ang kailangan ko kay Jed…ang aking matalik na kaibigan.

Hanggang ngayon…matibay parin ang aming pagkakaibigan at wala ni sino man ang pwedeng magwasak nito. Hindi ko na sinabi kay Rhon ang nangyari sa amin ni Jed nung gabing iyon. Ala-ala ko nalang iyon....ala-ala naming dalawa ni Jed na kahit kailan ay di ko makakalimutan.                                        

Wakas......

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...