Saturday, June 30, 2012

IDOL KO SI SIR 7 (BOOK 1)

By: Michael Juha
Mabilis ang mga pangyayari at naalimpungatan ko na lang na naglapat na ang mga labi namin ni Sir. Hihilahin ko na sana siya pahiga sa sofa nung bigla na lang syang kumalas sa pagkayakap ko at tumayo. “Carl, I have to ask you to leave...” ang tugon nya, habol-habol ang paghinga.

“James, I don’t understand!” sagot kong biglang nanlaki ang mga mata sa pagkalito.

“Just leave Carl, OK?” diin nyang mejo tumaas ang boses.

Parang nag-init ang tenga ko sa narinig at sa naunsyaming halikan. “No, James, unless you give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa iyo? Palagi ka nalang ganyang gumagawa ng hakbang na hindi ko maintindihan? Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw kong sabi sabay duro sa kanya.

“Wag mong pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”

“Di saktan mo ako kung gusto mo! Magaling ka naman sa martial arts e, kayang-kaya mo ako!” ang paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit hanggang sa halos maubos na ang laman nito.

Wala ng magawa pa si Sir kundi ang pagmasdan ako. At para mainis sya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko at sumayaw-sayaw sa harap nya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman nyang naagapan at nasalo ang katawan. Pinaupo nya ako sa sofa. Hindi ko na nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka, nagkalat sa carpet at sa sofa. At pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.

Mga 9am kinabukasan nung mahimasmasan na ako at magising. Masakit ang ulo, mahapdi ang sikmura, at tila disoriented. “Kaninong kwarto ba to? Bakit ako nandito?” ang tanong ng utak ko. Kinapa ko ang katawan, wala akong suot na damit pang-itaas. Naka shorts pero di ko alam kung kanino. Pilit kong ni-recall ang mga pangyayari hanggang sa naalala ko ang pag-inum, ang pagsasayaw, at ang pagsuka. Bumangon ako at paika-ikang lumakad patungong kusina. Sumalubong kaagad sa pang amoy ko inihandang almusal ni Sir James, nakalatag sa mesa ang fried rice, hotdog, scrambled egg at daing. “Hmmm, ang sarap!” sabi ko sa sarili. Dumeretso na ako sa may wash basin para maghilamos at pagkatapos ay umupo na sa may hapag kainan kaharap ni Sir james na nakaupo na rin at naghintay na lang sa akin.

“Morning Carl! Coffee or milk?” ang tanong niya na nakahanda ang mga kamay na ipasa sa akin ang kung ano man ang pipiliin ko.

“Morning James, coffee please...!” ang maiksi kong tugon at bitiw ng napakagandang ngiti. “Hmmm, ang sarap ng daing! Na-miss ko tong ganito kina Tatay Nando ah!” sabay tanggap sa kapeng ipinasa nya.

“Hahaha! Yeah, sa kanila nga galing yan, dala ni Maritess. Kumusta ka na at kumusta ang tulog mo?”

“Mejo masakit pa ang ulo pero inspired...” Di ko na dinugtungan pa ang sinabi. Nag-uumapaw pa kasi sa isipan ang sarap na nararamdaman bunga ng paghalik ko sa kanya nung nakaraang gabi. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magtanong sya kung bakit ako ‘inspired’. “Ganda ng tulog ko, grabe! Wala akong matatandaan kahit na ano. For the first time in my life iyon pa siguro ang tulog kong dire-diretso... Pasensya kana pala sa akin kagabi ha? Ang naalala ko sumasayaw ako tapos yun na, deretso nang bumagsak at nagkalat.”

“Hahaha! Oo nga, lasing na lasing ka. Paanu ba naman, inubos mong mag-isa ang buong bote ng alak.”

Mejo na-disappoint ako ng di sya mag-follow up kung bakit ako inspired. “Ok, fiine” bulong ko sa sarili. “Sorry talaga James, pasensya na... Oo nga pala, sa kama mo ako natulog ah. Ikaw, san ka natulog?” ang tanong ko’ng na-excite sa possibility na nagtabi kami.

“Sa kama ko, syempre. Anlaki nyan eh, kahit isang buong pamilya pa ang hihiga jan, walang problema...”

“Talaga?”

“Talaga!”

“I mean talagang jan tayong dalawa natulog?”

“Oo nagtabi tayo. Bakit may problema ba?”

“Hehehe! Wala naman. E yung pagpalit ng shorts ko, panu mo ginawa?”

“Kakatuwa naman yung mga tanong mo. E di syempre, hinubad ko yung jeans mo. Pinunasan ko pa nga ang buong katawan mo ng hot towel dahil para kahit papanu makakatulong iyon para mawala ang pagkalasing mo?”

“Talaga? Ginawa mo yun? Ahhh, kakahiya!” ang sabi kong kunyari hiyang-hiya, di nagpapahalata na parang malaglag na ang puso sa sobrang galak. “E... di naka-brief lang ako nung pinunasan mo?

“Oo, yeah... yeah” tumango-tango sya, naka-concentrate lang sa pagkain.

“Kakahiya talaga! Shiiiit! E... yung anu ko, hindi naman nagwala?”

“Anong ‘ano’?”

“Hmmmm, kunyari pa to!” bulong ng utak ko. “Yung ano, ito... junior ko” turo ko sa harapan ko, mejo kinilig.

“Ah, hahaha! E... di ko na matandaan eh. Wala naman akong malisya jan, pareho naman tayong may ganyan...”

“Panis! Panis talaga!” sabi ko sa sarili. “E, bakit mo naman naisipang punasan ang katawan ko?”

“Wala akong choice e. nandito ka sa poder ko I have to do what is necessary. Kahit kanino, gagawin ko iyon. Pero so far, ikaw pa lang naman ang may malakas ang loob na uminom dito sa flat ko ng walang pakundangan kung kaya pa ba ng katawan o hindi.” sabay iling at bitiw ng ngiting nang-aasar. “Teka, bakit ganyan ang linya ng mga tanong mo?” dugtong nya.

“Wala lang... nahiya lang ako sa iyo, e. Baka isipin mong bumalik na naman ang pagka-bad boy ko.” palusot ko.

“Don’t worry, I understand...”

“Thanks James. Ambait mo talaga. Teka... nung magtabi tayo sa pagtulog, wala ba akong ginawa, o ginalaw?”

“Wala naman, good boy ka. Kaso, nagsasalita ka habang tulog.”

“Talaga? May naiintindihan kaba”

“Hindi masyado pero yung ‘i love you’ lang. Sino ba yang love interest na yan?”

Feeling ko humigpit ang balat ng mukha ko sa tanong niya. “A, e...” Di ko itinuloy ang sasabihin. Tinitigan ko lang si Sir James.

“Ummm, ano? Bat ganyan ka kung makatitig?”

“Wala lang...” Sandaling nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang nilalaman ng kalooban. “A, e... James, pwedi ba akong magsabi sa yo kahit na ano?” ang kagat-labi kong tanong.

“Syempre naman, ikaw pa. Kahit nag-set na ako ng ‘distance rule’ para sa iyo, subalit dahil nandito ka na sa bahay ko, i- suspend ko muna iyan, wala akong magawa. At lubos-lubusin mo na dahil sa susunod, baka hindi na kita payagan pang pumunta dito na nag-iisa, alam mo na ang ibig kong sabihin...”

“Pero promise hindi ka magalit sa maaaring itanong ko?”

“Try me.”

Huminga ako ng malalim. “James... yung nagsasalita ako habang tulog?

“Yes?” sabay subo nya ng pagkain, pinagmasdang maigi ang mukha ko, tila inip na inip at excited sa susunod na bitiwan kong salita.

“Para sa iyo yung ‘I love you’!”

Nabilaukan bigla si Sir, napaubo at kumuha ng tubig habang ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya at di maintindihang bilis na pagkabog ng dibdib.

“Carl, wag kang magbiro ng ganyan, ok?”

“Totoo yan, James. Since last year ko pa nadama sa iyo to, nung simulang magbati tayo at narealize ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Tiniis ko lang, James. Isang taon akong nagtiis. Kaso, hindi ko na talaga makayanan e. Kung napapansin mo minsan kapag nag-usap tayo, malungkot ako. Ikaw palagi ang nasa isip ko, James. Maniwala ka, di ako gumagawa ng gimmik. Di ako nagbibiro. Di ako lasing o naka-droga. Di ko maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito. Litong-lito talaga ako, James. Kaya sensya nang nasabi ko to, di ko na talaga kayang itago pa.”

Napailing si James, nag-isip. Di malaman kung matawa o seseryosohin ang narinig. Tinitigan nya ako. “Ok, granting na maniwala ako sa sinabi mo, ano ngayon ang gusto mong mangyari?”

“Yun lang... ang malaman mo kung ano ang naramdaman ko para sa iyo, at ang malaman ko din kung may naramdaman ka sa puso mo para sa akin. Yun lang.”

Natahimik sya ng saglit tila nag-isip kung ano ang isasagot. “Alam mo Carl, hindi issue dito kung may naramdaman ako para sa iyo o wala. Ang issue dito ay kung tama ba o mali – ako, bilang guro at part ng administration ng school at ikaw, bilang estudyante. And in my prudent judgment, that is wrong Carl.”

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at biglang nanlumo. “Ok James, nandun na ako, it’s wrong if you say so, based on some code of something, whatever. But just this question... may naramdaman ka ba para sa akin? Sugutin mo ako, James... and look at me, please?”

Yumuko lang si James, walang binitiwang salita. Dahil dito, nagduda ako na meron din syang naramdaman para sa akin at sadyang itinatago lang nya dahil sa position nya sa school. At ito ang nagpalakas ng loob kong i-convince sya at pakawalan iyon.

“James, I don’t believe in right or wrong sa pag-ibig. Ito’y walang kinikilalang code of conduct, walang rules. Kaya nga hindi mo pweding husgahan ang pag-ibig kung tama o mali ito e, di ba? Ito nga, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganito. Can you blame me? Can you say I am stupid? Can I say God is stupid too because he gives me this feeling? But I feel it James. I don’t know why, but that’s the truth and it hurts, and it’s killing me. I can’t deny it, I can’t ignore it, I can’t suppress it. It just came up from nowhere, and that’s it. I know James na sa ginawa kong ito, there is a huge price to pay. But I am willing to give up everything, James – everything, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para sa iyo!”

“Hindi ko talaga alam, Carl kung matawa o anu. But ok, you are correct in saying that we can’t judge feelings. Feelings per se are amoral. You can’t say if it’s right or wrong, or if it is good or bad. It’s part of being human. But what you do about your feelings makes the difference. If you kill because of love, then that is wrong. If you shoot down a teacher just because you love him, that is selfishness... and it’s not right, is it Carl?”

“So... you mean to say that you have feelings for me too, right, James? And the reason why you don’t want to open it up is because you are bound by your stupid code of ethics, your rules, your professional etiquette or morality standard whatever; because if I ‘shoot you down’ as you said, I am selfish, and that is wrong, am I right, James? Tell me... tell me James!” ang sabi kong pasigaw sa kanya.

Mukhang napikon si Sir sa sinabi ko. “I think you are missing something here Carl and I don’t think this discussion is gonna end up somewhere. I suggest we continue our breakfast and talk things over later, ok?”

“O yeah, now I’m missing something, ha? Hindi naman ako nakikipag-argumento James e. I just asked a simple question and all I need is a simple yes or no. Do you love me? That’s my simple question. Why is it so hard for you to answer that?”

“Babalik na naman ba tayo? I answered you already. And my answer was – and I will say it again – ‘that is not the issue’! Why is it so hard for you to understand? OK, ganito na lang, di ba in two-week’s time ay graduation na? The night before the graduation, I can invite you over. Bale treat ko yan sa iyo because I know that you are a candidate for the top honors. After all, it’s the end of the school year, and maybe we can have a nice, clean bonding before you leave the College and the people you’ve met here. What do you say?”

Kahit bitin na bitin pa ako sa walang kalatoy-latoy na sagot nya, pumayag na rin ako. At least, pumayag sya na mauulit muli ang pagtatagpo namin sa flat nya. “Baka sa pagkakataong iyon, mapilitan na talaga syang sabihin sa akin ang nararamdaman nya o kaya’y bibigay na din syang kusa” bulong ko sa sarili. “Do I have any choice?” ang sagot ko nalang sa tanong nya.

Dumating ang takdang araw, ang araw bago mag graduation at kung kailan kami muling mag-usap ni Sir. Di ko lubos mailarawan ang tunay na naramdaman. Masaya dahil sa wakas, ga-graduate na. At hindi lang basta gagraduate, may honors pang makamit at malamang may mga leadership awards din. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maitatwa ang lungkot ding nadarama. Masakit isipin na bilang na lang ang mga araw ko sa campus. Hindi pa ako handang baguhin ang mga routines na nakasanayan, ang mawalay sa pananaw ang mga lugar sa school na palaging pinupuntahan, ang iwanan ang mundong naging bahagi na ng aking buhay. Sa likod ng utak ko ay sumiksik din ang takot ng pagharap sa bukas, ang pagtahak sa landas kung saan ay susuungin ang mga panibagong hamon. Pakiwari koy kulang pa ako sa kakayahang harapin ang mga ito. O baka nga lang siguro, dahil ayaw pa ng kaloobang tanggapin ang pagbabago, ang mawalay sa mga taong natutunan kong mahalin sa tatlong taon kong pag-aaral at pagsisikap sa lugar na iyon, ang mga masasayang alaala, at lalo na ang taong syang nagpapabago ng pananaw ko sa buhay, iniidolo, at sa kalaunan ay minahal – si Sir James. Sumiksik muli sa isipan ang mga nagdaang araw kung saan minamaliit ko pa ang eskwelahan at mga tao doon, ang matinding galit ko kay Sir hanggang sa naituwid nya ang baluktot kong pananaw at tuluyang hindi na sya maiwaksi-waksi sa isipan. Nagsusumigaw ang puso na sana maibalik pa ang panahong iyon o kayay mahabaan pa ang mga araw. Ngunit wala akong magawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohan na kinabukasan o sa makalawa ay ibang klaseng mundo na ang tatahakin ko...

Maaga akong nag-report sa school sa araw na iyon. Palibhasa, may final rehearsals sa graduation at syempre, nakaukit na sa isipan ang pagkikita namin ni Sir James sa gabi ding iyon. Kahit papano, may excitement din akong nadama.

Nasa gate pa lang ako ng campus nung may tumapik sa balikat ko. Si Ricky. At sadya palang hinintay ako para tanungin kong may alam na ba ako sa isang video clip na tinagurian nilang “mother of all scandals” na umiikot sa campus simula pa nung isang araw.

“Asus... pati ba naman ikaw e, nakikisawsaw sa mga intriga na yan? Kadami-daming may mga video clips jan e. At napakadami na ring scandal dito sa campus na to. Yung iba jan gawa-gawa na lang para may mapag-usapan.”

“Bro, iba to, maniwala ka, magkakainteres ka dito, sigurado ako”

At bakit mo naman nasabi yan, aber?”

“Dahil ang taong involved dito ay malapit sa puso mo.”

“Ha? Sino?” Ramdam ko ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib.

“Si Sir James!”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...