Sunday, June 24, 2012

SANA DALAWA ANG PUSO KO 4 - FINALE


By: Life is Pink
CHAPTER 4
PAGSUBOK

Sa ngayon ay halos 9 taon na kaming nagsasama sa iisang bubong sa kabila ng kanyang pagiging seloso niya’y napagtiyagaan ko siya kaya nga umabot kami ng ganito kahabang panahon. Kahit ilang beses pa kaming nag-aaway at umaabot ng isang linggong di nag uusap at kibuan, di pa rin kami naghihiwalay at patuloy pa ring nagsasama. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat kahit halos malimit na kaming nag aaway nitong mga huling araw.

Dahil sa halos araw araw naming pag-aaway at late na nyang pag-uwi sa bahay dahil sa pagiging busy nya sa trabaho lately kaya halos di na kami nagkaka-usap. Pagdating nya tulog na ako at pag-alis ko naman tulog pa siya, malayo kasi ang trabaho ko sa bahay namin. Nagkakausap na lang kami sa phone o di kaya’y sa text.

Ako naman ay itunuon ko ang aking panahon at pagiging busy sa aking trabaho. Lalo akong napalapit sa aking mga kasamahan sa trabaho lalong lalo na kay Myra. Si Myra ang aking naging takbuhan at hingahan ng sama ng loob. Alam niya ang lahat ng nangyari sa amin. Dahil sa parati kaming magkasama at kaibigan ko na siya, unti unti naramdaman ko na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Lalo pa at noong Christmas party namin siya ang lagi kong katambal at kasama sama sa practice. Hanggang di ako makapagpigil at pinagtapat ko sa kanya ang aking nararamdaman, tanda ko pa before Christmas yon, Dec. 10 to be exact. Di naman nagtagal at ako ay kanya agad sinagot kaya ang saya-saya ko noon. Tanggap daw naman niya ako kahit ano pa ako, basta ang mahalaga mahal ko siya at mahal din niya ako. Kaya pala noong bago pa lang kami nagkakalapit panay ang tanong nya kung di daw ba ako natatakot na tumandang mag-isa. Iyon pala ay may gusto na siya sa akin. Laking tuwa at ang ligaya ko simula ng maging girlfriend ko siya kahit me problema kami sa bahay balewala na pagdating ko sa trabaho.

Hanggang dumating ang Christmas party namin Dec. 22 ‘yon at kami parati ang magkalapit, magkahawak kamay kami at nagsusubuan pa paminsan-minsan. Di na naman ako nahihiya kasi alam na ng mga kasamahan ko ang aming relasyon, ang saya-saya ko noong gabing yon. Natapos ang party at about 12pm na, alam kong late na yon para kay Myra dahil malayo ang kanyang inuuwian niya. Niyaya ko siyang sumama sa akin at di naman siya tumutol kaya magkasama kaming natulog noong gabi na yon sa isang motel sa Sta Mesa. Doon naganap ang unang karanasan ko kay Myra at natuklasan ko rin na ako pala ang nakauna sa kanya. Pinagsaluhan namin buong magdamag ang kaligayahan, naka tatlo kami noon, hahaha!

Simula noon kapag alam kong di uuwi si Larry o me out-of-town ay di na rin ako umuuwi at sumasama na lang ako kay Myra sa kanyang boarding house. Lalong napalimit ang away namin ni Larry nitong mga huling araw, napansin kong nagbago na siya parang lumaki na ang kanyang ulo at naging iritado na siya. Napromote kasi siya bilang manager at nagkaroon na ng brand new car. Ewan ko pakiramdam ko di na siya ang Larry na kilala ko. Dahil malimit na ang paglabas namin ni Myra ay mas malimit na rin ang pagsasalo namin sa kama kesa kay Larry, dahil sa kanyang bagong posisyon masyado na siyang busy.

Hanggang dumating ang aking kinatatakutan. Isang umaga kapapasok ko pa lang sa shop agad lumapit sa akin si Myra at mag-usap raw kami mamayang break. Ang sabi ko naman ay sige, sabay naman kaming palaging kumakain, lunch break na lang kami mag-uusap. Habang kumakain ay sinabi niya na 1 month na daw siyang delay dapat noon pa daw niya sasabihin sa akin kulang lang daw siya ng lakas ng loob. Nabigla ako sa aking nalaman at sinabi ko sa kanyang sasamahan ko siya sa doctor at pa check up siya para malaman namin kung buntis nga siya. Magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman noong mga panahong yon. Saya dahil magiging tatay na ako at lungkot dahil tuluyan ko ng puputulin ang kulang na 9 taon naming relasyon ni Larry.

Kinabukasan ay sinamahan ko agad siya sa doctor at doon ay nakumpirma naming buntis nga siya ng 1 buwan. Muli ay ang aking mga agam agam , paano ko ipagtatapat kay Larry ang katotohanan? Paano ako makikipaghiwalay sa kanya ng di siya masasaktan? Di ko alam kung saan ako magsisimula…

Ngayon ay limang buwan na ang tiyan ni Myra, di pa rin kami kasal at nagsasama pa rin kami ni Larry. Wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang katotohanan. Alam kong ako ay kanyang maiintindihan dahil di ko siya ipinagpalit (sa ibang lalaki) at ito ay para rin naman sa aking kabutihan. Medyo me edad na rin ako at gusto ko ng magkaanak at bumuo ng sarili kong pamilya. Tinatakot ako ni Myra na kung di ko siya pakakasalan ay di niya ipakikita sa akin ang bata at ito ay kanyang itatago. Ayaw kong maging bastardo ang aking anak at gusto ko siyang mabigyan ng pangalan. Ngunit ayaw ko ring makipaghiwalay kay Larry ng me samaan ng loob. Minsan ay iniisip kong magpakamatay sa bigat ng aking dinadala. Pareho ko silang mahal at ayaw kong may mawawala sa kanila. Halos di na nga ako
makapagpakatulog sa ngayon habang lumalapit ang takdang panahon ng aming kasal ni Myra, sa aking kaarawan sa June. At yon din ang hiningi ko sa kanyang palugit upang tuluyan kong kalimutan at hiwalayan si Larry.

Hanggang sa mga sandaling ito ay di ko pa rin kinakausap si Larry tungkol ditto pero nagsisimula na akong magparamdam sa kanya. Ganundin parati ko na siyang sinusuway sa kanyang mga bilin at ginagawa ko ang mga bagay na ayaw niya para tuluyan na siyang magalit sa akin at ako ay palayasin niya sa kanila. Pero pinipilit kung kumuha ng lakas ng loob upang magpaalam sa kanya ng maayos at mahusay. Meron din naman kaming pinagsamahan kaya sana ang dalangin ko, sana’y matanggap niya ng maayos ang mga pangyayari at matagpuan rin niya ang tunay na kaligayahan.

Di ko alam kung ano ang kahihinatnan ng aming paalaman pero tinitiyak ko ito ay isang madramang tagpo. Masakit iwan ang taong kasama mo ng halos 9 na taon lalo na’t puno ng alaala at ligaya ang inyong pinagsamahan. Pero dapat kong ituwid ang aking landas, kayo sa palagay ninyo tama lang ba ang aking naging desisyon? Isa na nga lang ang aking nasasambit sa mga panahong ito….SANA DALAWA ANG PUSO KO. (pahiram ng title, ha!)


Nawa’y idalangin natin ang matiwasay at maayos nilang paghihiwalay ni Larry at isang maganda at maayos na bukas naman para sa kanila ni Myra. Nawa’y sumilay ang bukang liwayway hatid ang bagong pag asa at bagong buhay para sa kanila.


WAKAS

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...