Tuesday, June 19, 2012

MATT AND DAN 10


Tumawag ako kay Matteo, kasama niya kasi si Tito Jonas ngayon. May meeting daw sila sa agency.

 “Hey, hey, hey!” sagot niya.

 “Matty, what do you want later? I’ll cook for your birthday,” sabi ko.
  
“Awww. Sweet! I don’t know. Pasta, maybe? You decide,” sabi niya.
  
“Sure ka? Ok sige. I’ll get some stuff sa grocery, tapos I’ll cook at your pad,” sabi ko.
  
“Sounds cool!”
  
“Sige, don’t come till around dinner, ha?”
  
“Ok po. I’ll stay out of my own pad,” natatawa niyang sabi.
  
“Loko!” sabi ko.
  
“Hey gotta go, babe. 1-4-3!”
  
“Ok. 1-4-3!” sagot ko.
  
Binaba ko na yung cellphone ko. Hay. Anong pasta naman kaya ang maluto ko? Kelangan something special kasi birthday niya at Valentine’s day din. Ano ba yan. Parang wrong idea yata na magluto ako. Kaya lang, sa tagal na namin wala pa akong nagagawang special para sa kanya. Ah basta! Kaya ko to. Pwede naman umorder nalang pag naging disaster yung luto ko.

 Habang nasa office ako, nag-search ako ng recipe sa internet. Ano kayang pasta ang masarap? Naghahanap ako nung masarap pero hindi naman mahirap gawin. Di naman ako magaling na cook, marunong lang magluto.
  
Sa paghahanap ko, nakita ko yung recipe ng “Garlic Shrimp Pasta.” Tinignan ko yung ingredients pati yung procedure. Aba! Mukhang ok itong isang to ha! Madaling gawin. Nag-print ako ng kopya ng recipe at dali-dali akong nagpunta ng supermarket.

Nagmamadali? Alas-dos palang kaya? Pagkagaling ko ng supermarket, dumerecho ako ng pad ni Matteo. Buti nalang at may mga gamit siya dun. Naaliw ako dahil parang mga bago parin sila. Malamang di pa nagagamit itong mga to.

Pinatong ko yung kopya ng recipe sa countertop. Nagumpisa na ako. First time ko magluto ng pasta kaya ninenerbyos ako. Sana maging maayos naman to. Anyway, kung hindi ko man maperfect ang luto, may oras pa ako magpadeliver mamaya.

Pinagpapawisan ako ng malagkit sa sobrang kaba. Naluto ko ng maayos yung pasta. Hay natuwa naman ako. Achievement din yun. Tapos sinumalan ko na lutuan yung shrimp pati yung sauce. Uminom pa ko ng wine na ginamit ko. Pampalakas ng loob! Sinundan ko yung procedure down to the very last detail.

Malapit na mag-alas sais. Luto na lahat. Titikman ko na yung gawa ko. Moment of truth. Sumubo ako ng konti. Nilasahan ko. ****! Gawa ko ba to? Bakit ang sarap?

Hinanda ko na yung table. Nag-set up na ko ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. Naglagay din ako ng candles sa gitna. Yes! Romantic! Lalo tuloy akong na-excite. Ilang sandali nalang, dadating na si Matteo. Ginawa kong dim yung ilaw para mas lalong romantic ang dating.

Niligpit ko yung ginamit ko sa pagluluto. Tapos nagpalit na ko ng damit.

Tamang-tama naman ang dating ni Matteo. Natigilan siya pagkapasok niya. “Wow,” sabi niya.

Todo ngiti ako. “Happy Birthday and Happy Valentine’s!”

“You prepared all this?” gulat niyang sabi.

Tumango lang ako. Naglakad siya papunta sakin tapos yumakap.

“Upo ka na,” sabi ko sa kanya.

Tulala si Matteo. Nagulat siguro siya na sinunod ko yung request niya na pasta. Titig na titig siya sa hinain ko sa kanya.

Nilagyan ko ng wine yung baso niya. Tapos nilagyan ko din yung akin, pagtapos umupo na ko.

“Cheers!” sabi ko.

Tinaas namin yung mga baso namin at nag-toast. Ngumiti sakin si Matteo. Uminom ako.

“I have something for you,” sabi niya bigla.

“Teka lang! Ako din,” sabi ko. Kinuha ko yung regalo ko sa kanya. “Nahirapan akong magisip kung anong ibibigay sayo, kasi you have everything already. Kaya ito nalang ang regalo ko sayo.” Inabot ko sa kanya yung paperbag.
  
Ang laki ng ngiti niya nung inabot niya sakin yung regalo. Binuksan niya. Nilabas niya yung blue na t-shirt. Tawa ng tawa sa nakita niya.
  
Pinagawa ko kasi yung t-shirt na yun para lang sa kanya. Pina-air brush ko yung caricature niya sa harap. Corny no? Pero sobrang nagustuhan ni Matteo yung binigay ko. Hinubad niya yung suot niya tapos sinuot yung binigay ko. Tumayo siya at lumapit sakin.
  
“Thank you,” sabi niya. Tapos hinalikan niya ko sa labi. “Now, it’s my turn. Close your eyes.”
  
“Wag na! Gusto ko na makita!” sabi ko.
  
“Close your eyes, come on,” sabi niya.
  
Pumikit na rin ako. Iniisip ko kung ano yung ibibigay niya. Maya-maya, hinawakan niya yung kamay ko. Tapos naramdaman ko na may sinuot siya sa daliri ko. Singsing.

 “Open your eyes,” narinig kong sabi niya.

 Tama nga ako. Sabi niya, “Now you’re really mine. As long as you’re wearing that, I know you’re mine.” Nakangiti niyang sabi. Wala na akong ibang nasabi. Niyakap ko nalang siya. Ayoko nang matapos ito. Sobrang sarap ng pakiramdam ko.
  
“Kain na tayo? Tikman mo na yung luto ko,” sabi ko.
  
Tumango lang si Matteo. Bumalik na siya sa upuan niya. Nagumpisa na akong kumain. Pagtingin ko sa kanya, di pa siya nasubo.

 “Why? Ayaw mo?” tanong ko.
  
Umiling lang siya, ngumiti sakin. Tapos kumuha na siya ng pasta at kinain. Dahan-dahan ngumuya.

 “So, how do you like it?” kinakabahan kong tanong.

 Tumango lang siya, tapos nag-thumbs up. Hay, nakahinga ako ng maluwag. Kala ko di niya gusto eh! Tapos kumuha siya ng isang shrimp, kinain. Tuwang -tuwa naman ako at kinain niya yung luto ko! Pinagmasdan ko siya habang nanguya. Sumubo ulit ng noodles, tapos shrimp ulit. Dahan-dahan siya ngumuya. Naisip ko, ninanamnam yata ng mabuti yung luto ko.

 “Ok ka lang?” tanong ko.

 Tumango lang siya. Tapos sumubo ulit. Kinamot niya yung likod ng tenga niya.
  
“Kain ka lang ha. Marami akong ginawa,” sabi ko.
  
Uminom siya ng wine. Tapos nagsalita siya, “Babe, I’ll just go to the toilet ha?” Pagtapos niya magsalita, naubo siya.

 “Hey! May sakit ka?” bigla kong tanong.

 Umiling lang siya tapos tumayo na. Nagkamot ulit ng tenga. Tinikman ko ulit yung niluto ko. Masarap naman ah. Ano kayang nangyari dun?
  
Ang tagal niya sa banyo. Anong ginagawa nun? Nung tatayo na ko para silipin siya, bumukas na yung pinto ng banyo. Ayan na pala, sabi ko.
  
Pero nagulat ako sa nakita ko.

 Nakabalot ng towel ang ulo at mukha niya. Parang ninja.

 “Matty! Anong nangyari sayo?”
  
Umupo na siya sa upuan niya. Nag-thumbs up lang siya sakin. Ano ba naman yan? Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tatangalin ko sana yung towel, pero umiwas siya.
  
“I’m ok! Don’t!” sabi niya.

 “Tanggalin mo nga!” nagpapanic na ko. I felt something was wrong.
  
“No!” sabi niya.
  
“Tanggalin mo na nga sabi eh!” Kinakabahan na ko talaga.
  
Wala na siyang nagawa kundi tanggalin yung towel. At yun, muntik na kong matumba sa nakita ko.
  
Parang chicharon na yung tenga niya at sobrang pula na ng mukha.
  
May allergy pala si Matteo sa hipon.

 “SHIT! Bakit hindi mo sinabi? Matty naman eh!” naiyak na ko talaga sa inis. Sa sarili ko at kay Matteo.

 “Danny, hey! Stop it. I’m ok,” sabi niya sakin.

 “Anong ok? Mukha ka na kayang kamatis! Halika, I’ll bring you to the hospital.” Nagpapanic na talaga ako. Syempre, kasalanan ko ito. Di ko muna inalam kung anong bawal sa kanya bago ako nagluto.
  
“No need. I drank my anti-histamine na. This will go away din. Mild lang to,” sabi niya ng malumanay.
  
“Wag ngang matigas ang ulo mo! What if lumala yan mamayang gabi? Halika na! We’re going to the hospital,” sigaw ko. Tapos kinuha ko na yung kamay niya at hinila siya papuntang pinto. Pero di ko siya kinaya. Ang bigat eh.

 “I’m really ok. No need for that. Just stay with me tonight? Please?” sabi niya.
  
Sa sobrang guilty ko, pumayag na ako na bantayan siya buong gabi.
  
Tumawag muna ako kay Nanay at nagpaalam na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Sabi ko na may birthday celebration si Matteo at inimbita ako. Bukas na ko uuwi. Hala! Nagsinungaling ako ulit. Syempre, di ko naman pwedeng sabihin na nag-romantic dinner kami ni Matteo na nauwi sa disaster.
  
Niligpit ko nalang yung pagkain. Nasa kwarto na si Matteo, nakahiga na. Naghugas muna ako ng mga plato at kaldero na ginamit ko.

 Pagkatapos ko, pumasok na ko sa kwarto. Tulog na si Matteo. Pulang-pula parin siya dahil sa mga kati. Ano ba tong ginawa ko. Papatayin ko yata siya ng wala sa oras eh. Tumabi ako sa kanya. Gumalaw siya ng konti. Hinipo ko yung pisngi niya. Mainit.

 Biglang nagsalita si Matteo. Parang may dinadaing. “Danny,” sabi niya ng mahina habang nakahawak sa dibdib niya.

 “Matty! Anong nararamdaman mo? Masakit ba dibdib mo? Sabihin mo at pupunta na tayo ng ospital,” nagpapanic kong sagot.
  
“Danny,” mahina parin niyang sabi.
  
“Ano yun? I’m here,” sabi ko.

 Dinilat niya yung kanang mata niya tapos tumingin sakin. Tapos ngumiti. Loko! Umaarte lang pala!
  
“Got you there!” sabi niya tapos tumawa ng malakas.
  
“Ako ba niloloko mo?” sabi ko. Parang nainis ako sa ginawa niya.

 Tumatawa parin siya. Niyakap niya ko sa bewang. “Sorry na. I was just fooling around.”

 “Wag mo na ulitin yun ha. Pano kung totoo na yung nararamdaman mo tapos di ako maiwala dahil akala ko niloloko mo lang ako ulit?”
  
“You’re so serious naman,” sabi niya.
  
Pinahiga na niya ako sa tabi niya. Tapos umunan ako sa braso niya. Niyakap niya ako.

 “Are you sure you’ll be fine?” tanong ko.

 “Yup. Don’t worry too much.” Hinalikan niya ko sa noo. “What did you say to Tita pala?”
  
“Sabi ko may birthday bash ka tapos bukas na ko uuwi,” sagot ko.

 “Nice.” Natawa siya. “I like your family so much. I wish they’re mine, too.”

 “Gustong-gusto ka nga nila eh. Ang cool diba.”

 “Yeah. I’m positive I won’t have a hard time with them when we decide to get married,” sabi niya sakin.

 “Ayan ka na naman. Di yun mangyayari, Matty. Get real,” sagot ko.

 Bago makasagot si Matteo, tumunog yung cellphone ko. May text. Tumayo ako at kinuha yun mula sa bulsa ng pantalon ko. Naka-hang yun sa cabinet. Binuksan ko yung message.
  
Hi. Sikat ka na ha.
  
Galing kay Franz. Ano na naman gusto nito? Nananahimik na ko eh. Hindi ko nireplyan. Binalik ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Humiga ako ulit sa tabi ni Matteo.
  
“Who’s that?” tanong niya.
  
“Wala. Si Nanay,” sagot ko. Ayoko sabihin sa kanyang kay Franz galing yung text.
  
Tumango lang siya.
  
Beep. Beep.
  
Tumunog ulit yung cellphone ko. Shit talaga. Tumayo ako at binasa yung message. Naiinis na ko.
  
Di ka na namamansin ah. Porket sikat ka na ngayon.

 Pesteng Franz talaga. Nag-reply na ko. Para tumigil na.

 Bakit ba? What do you want now?
  
Message sent.
  
Sumagot siya ulit. Sandali lang.
  
Yabang naman. Punta ka dito sa pad ko. I know you want to.
  
Fuck. Presko ng hayop. Tapos na ang pagkabaliw ko sayo. What gave you the idea that I want to see you?

 “Babe? You ok?” tanong ni Matteo.
  
“Yeah. Just give me a minute,” sagot ko.
  
Nagreply ako.
  
Can you stop texting me? Tapos na ang lahat satin. Tinapos mo na diba?

 Message sent.

 Bumalik na ko sa tabi ni Matteo. Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko sinabi kay Matteo na nagtext ulit ang ex ko, inis dahil ayaw niya akong tigilan. Pakiramdam niya yata ay gusto ko siyang balikan. Kaya kahit na anong palit ko ng number at kahit anong sabi ko na ayoko na sa kanya, di parin siya natigil. Ayaw niya kong patahimikin.
  
Beep. Beep.
  
Nagtext na naman siya. Pero hindi ko na pinansin. Di na ko tumayo at nagusap nalang kami ulit ni Matteo.
  
“Don’t you want to get married to me?” sabi ni Matteo.
  
Natawa ako. “Ano ka ba naman? Syempre kung pwede lang, gusto ko. Pero let’s face it. Hindi maari yun dito.”

 “Then let’s go somewhere its permitted,” kulit niya.
  
“Di ganun kadali yun. Alam mo, Matty, I’m happy with what we have. I don’t need to get married to you para lang mapatunayang mahal na mahal kita,” paliwanag ko.

 “But its what I want. Danny, I want your name to have my family name,” sabi niya.
  
“Ano yun? Kasalan talaga? Misis ako?” natawa kong sabi.
  
Di siya umimik. Nagiisip pala kami pareho nung mga sandaling yun. Ewan ko lang sa kanya, pero di ko maiwasang isipin kung seryoso yung mga sinabi niya. Ganun niya ko kamahal? Para pakasalan at palitan ang apelyido ko? Di yun mangyayari kahit kelan. Sa panaginip, oo. Sa totoong buhay, hindi.

 Nabulabog lang ang katahimikan namin ng magring ang cellphone ko. Putcha talaga to si Franz.
  
“Aren’t you gonna get that?” tanong ni Matteo. “Might be important.”
  
“No. Yaan mo lang siya,” sabi ko.
  
Hindi tumigil yung pag-ring ng cellphone ko. Minabuti ko nang tumayo at patayin nalang yun.

 “Why did you turn it off?” Pinagmamasdan pala ako ni Matteo.

 Wala akong maisip na isagot. Patay. Bakit ba naman kasi kelangan pa akong pagmasdan. Umiling ako at ngumiti bago sumagot. “Mauubos na kasi yung battery eh.” Ano ba naman yan, Dan? Ang lame ng sagot mo. Panigurado maniniwala sayo si Matteo niyan.

 “Are you hiding something?” derechong tanong sakin ni Matteo.

 Ayan. Walang kawala. Bakit ba parang nababasa ako ni Matteo na parang isang libro?

 Wala na akong nagawa kundi magtapat. “Matty, ano kasi eh…” Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko. “Ayaw kasi akong tigilan ni Franz eh.”
  
Nakatingin sakin si Matteo. Tapos sinabi niyang, “Turn your phone on.”

 Sinunod ko ang sabi niya. I turned it on. Nakalahad yung kamay ni Matteo. Hinihingi yung cellphone ko. Inabot ko naman. Wala naman kasi akong tinatago. Nawala sa isip ko na may isa palang unread message ako.

 “Is it true? What this stupid prick is saying?” tanong niya sakin.

 “Ang alin?” sabi ko. Wala akong kaalam-alam sa tinutukoy niya.

 Bago siya makasagot, nagring ulit yung cellphone ko. Sumenyas sakin si Matteo na tumahimik. Sinagot niya yung tawag.
  
“Hello?… Yes, this is Dan’s phone… What the hell do you want with him?… You know what? Get a fucking life! You hear me?… Stop pestering Dan. If you don’t stop with all your bullshit, I’ll beat the crap out of you… Ah, who are you talking to? Its none of your God damned business!… This will be the last time you’ll contact him, got that?… Yes! I’m his boyfriend… Now fuck off! Asshole!”
  
Binaba niya na. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagulat ako sa ginawa ni Matteo. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin siya sakin. “What?” tanong niya.

 Umiling lang ako.

 Nailapag niya yung cellphone ko sa side table niya. Nahiga na siya. Mainit yata ang ulo. For the first time, natakot ako kay Matteo.
  
“Come on, Danny. Let’s sleep na.” Di niya ko tinignan. Nagsalita siya habang nakapikit.
  
Humiga nalang ako sa tabi niya. Tumalikod siya sakin. Tinignan ko siya sandali bago ako pumikit.

 Inisip ko yung nangyari. Parang may bumara sa lalamunan ko. Naku, wag naman sana.


 Maayos na ang lagay ni Matteo kinabukasan. Salamat sa Diyos at di malala ang nangyari sa kanya. Baka lalong hindi ko mapatawad ang sarili ko nun.
  
Pag-gising ko, medyo mainit parin ang ulo niya. Sa totoo lang, di ko alam kung anong sinabi sa kanya ni Franz para magkaganun siya. Lalo tuloy akong nagalit sa hayop na yun.

 Binuksan niya yung TV pag tapos niyang kumain ng agahan. Halatang ayaw niya ko kausapin. Dinala ko nalang yung cereals sa kama para dun na ko kumain. Nakaupo siya sahig sa may bandang dulo.
  
“Matty,” mahina kong sabi.
  
Di siya tumingin sakin. “Yeah,” sagot niya.
  
“Are you still mad at me?” Obvious naman pero tinanong ko parin.
  
Di sumagot si Matteo.
  
“Hey,” sabi ko.
  
“What?” sagot niya. Medyo irritated ang tono niya. Ang aga pa pero talagang bad trip na bad trip siya.
  
“Ano bang problema? Sabihin mo nga. Don’t keep me guessing. Kagabi ka pa ha.” Medyo tumaas na yung boses ko. Di ko mapaliwanag kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Alam ko may kasalanan ako kagabi, pero ginawa ko lang yun dahil ayoko humantong kami sa ganito. Pero mali pala ako. Para tuloy mas tama na sinabi ko nalang sa kanya na nagtext si Franz. Naiinis naman ako dahil parang ayaw ayusin ni Matteo ito. Mas gusto niya pang magmukmok at magalit sakin than talk about what happened. At si Franz? Ewan ko sa hayop na yun kung anong sinabi niya. Gusto ko siyang patayin sa totoo lang.

 “There’s no problem,” sabi niya.

 Wala na. Uminit na talaga ang ulo ko. “Then why are you like that? Ano bang sinabi sayo ni Franz? You’d rather believe him than me?”
  
Finally, nakuha niya rin akong lingunin. “You know what, it doesn’t matter what he said.”
  
“The hell with what he said! Ano bang gusto mong gawin ko?”
  
Napatayo siya. “The problem with you is you’re so secretive. Danny, I know all about you na. Why do you still have to keep things from me pa?” sagot niya.

 “Teka, I don’t quite get what you’re saying. Is this about the fact that Franz still texts me?”

 Tinitigan niya lang ako.
  
“Sige. You really wanna know? I didn’t tell you because I didn’t want us to reach a point where we’ll argue. Turns out, I was wrong. I should have just mentioned it instead. Hahantong din pala sa ganito eh. Ano, masaya ka na?”
  
“Is it that difficult to tell me?” sabi niya.
  
“Alam mo, just forget it. It was intentional on my part because I was avoiding this, but in the end, I’m still at fault. Sige lang. I’ll take all the blame.”
  
Sa sobrang asar ko, minabuti ko nalang umalis. Di ko na ninais na magtagal pa para lang makipagtalo. Ano naman mapapala ko dun? Wala. Magpapa-taasang ihi lang kami dun. Kaya umalis nalang ako. Bago ako makalabas ng pinto, narinig kong sainabi ni Matteo ang “Fine!” Ayoko na dagdagan ang inis ko kaya hindi ko na siya sinagot. Umuwi nalang ako.

 Sumakay ako ng taxi pauwi. Putcha, pagtapos ng lahat hahantong din pala sa ganito? Tinanong ko tuloy ang sarili ko. Mali ba ang ginawa ko? Di ba umiwas ka lang naman sa gulo? Pero bakit ganito? Ikaw pa ang lumalabas na masama. Di manlang niya naappreciate na ayaw mong magaway kayo sa sobrang liit na bagay.
  
At kelangan ko ba talaga sabihin sayo lahat? Sinong nagsabing dapat malaman mo ang lahat-lahat tungkol sakin? Di naman dahil tayo na eh hindi na ako pwede maglihim. Nabuhay na ko ng ilang taon sa paglilihim. At hindi ibig sabihin na ngayong nandito ka na, kelangan magbago ang lahat. Some secrets are meant to be kept, to spare you the pain and to save me from shame.
  
Bahala ka sa buhay mo. May pride din naman ako. Pagtapos kita pagsilbihan gaganitohin mo ko? Di ko akalain na ganyan ka pala. Akala ko you were mister perfect.
  
Sa sobrang pagiisip, di ko namalayang malapit na ko sa bahay.
  
“Sir, saan po dito?” tanong ni manong driver.

 Ay, nandito na pala kami sa street namin. “Manong paki tabi mo nalang dun sa tapat nung pulang gate,” sagot ko.

 Pagbaba ko ng taxi, pumasok na ako. May pasok ang mga kapatid ko sa skwela kaya si Nanay lang ang dinatnan ko. Nagmano ako sa kanya. Kinamusta niya ako at ang party ni Matteo. Ang tipid ng mga sagot ko. Ok lang po. Masaya.

 Wala ako sa mood makipag-usap kaya nagpaalam nalang akong matutulog na ko. Wala naman akong appointment ngayon. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Naiinis parin ako. Kung bakit ba naman kasi nabuhay pa itong si Franz.

 Bigla kong naalala na may text nga pala akong hindi nabasa. Kinuha ko yung cellphone ko. Walang icon ng envelope akong nakita. Binasa talaga ni Matteo? Tinignan ko yung inbox ko. Binuksan ko yung unang message.

 Yabang naman. Punta ka dito sa pad ko. I know you want to.

 Ito yung binasa kong text ah. Nasan na yung sumunod dito? Binura ni Matteo? Shit talaga. Hindi ko na malalaman kung anong nabasa niya. Ayaw niya naman sabihin eh. Lalong hindi ko tatanungin kay Franz ang tungkol dun. Ano, magmumukha na naman akong tanga? No way.

 Nakadapa ako sa kama. Pinagmamasdan ang cellphone ko. Kahit na galit ako, may isang parte parin sakin na iniintay ang text o tawag ni Matteo. Di ko alam kung gano ako katagal sa ganung posisyon. Nakatulog pala ako.
  
“Anak,” narinig ko ang boses ni Nanay. “Anak, gising na. Magtanghalian na tayo.”

 Dalawang oras rin pala ako nakatulog. Tinignan ko ang cellphone ko pero ni isang text o missed call ay wala. Ok, fine. Kung yan ang gusto mo, bahala ka.
  
Tumayo na ko para maghilamos at magmumog.
  
Kaming dalawa lang ni Nanay ang magtatanghalian. Nakahanda na yung pagkain nung lumabas ako ng C. R. Umupo na ko para kumain.
  
“May problema ka ba, anak? Ang haba ng mukha mo,” sabi ni Nanay. Inabutan niya ako ng baso saka umupo sa tapat ko.
  
“Po?” gulat kong tanong. “Wala naman po.” Tapos ngumiti ako. Pilit.

 “Ako pa lolokohin mo. Kabisado kaya kita,” sabi ni Nanay.

 “Wala po talaga, Nay,” sagot ko. “Kulang lang ho ako sa tulog.”
  
Kumain nalang ako. Di na ulit nangulit si Nanay. Pero alam kong pinagmamasdan niya ako. Alam kong alam niya na merong gumugulo sakin. Pero hindi ko alam kung my idea siya kung ano yun.
  
Di ako nagparamdam kay Matteo mula nun. Dumaan ang dalawang araw ng hindi kami nagkikita at naguusap. Nagmamatigas ba ako? Hindi ko yun naisip. Baka siya ganun. Pero ako, hindi. I just wanted him to know na hindi lang siya ang nasaktan sa nangyari. Ang lagay ba eh wala rin akong karapatan magtampo? Hindi ko naman pinilit na tama ako eh.
  
Pero, ang hirap din pala. Miss na miss ko na siya. Walang oras ang dumaan na hindi ko tinignan ang cellphone ko. Hinihintay kung tatawag o magtetext manlang. Kaya lang wala talaga. Namimiss niya rin kaya ako?
  
Ikatlong araw na matapos ang away namin sa pad niya. Gaya ng mga nagdaang araw, ang lalim ng iniisip ko. Pinipilit kong ngumiti, kaya lang ang hirap. Hanggang sabi ko sarili ko, tama na. Walang mangyayari kung patuloy akong ganito. Sige na, admit it. Ikaw ang mali. Ikaw ang dapat magpakumbaba.

 Nagdesisyon akong puntahan nalang si Matteo. Para matapos na ito.

 Paglabas ko ng bahay, nagulat ako.
  
Nasa tapat ang kotse ni Matteo.
  
Dahan-dahan akong lumapit sa kotse ni Matteo. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako.

 “Kanina ka pa?” Di ako makatingin ng derecho sa kanya. Nahiya ako bigla.

 “Yeah,” sagot niya. “I was waiting for you to come out.”
  
“Wala kang trabaho?” tanong ko.
  
“Meron. But I told Tito Jonas I’m sick. I just wanted to see you.”
  
Di ko na napigilan. Hinawakan ko yung kamay niya na nasa kambyo. Pinisil niya ang kamay ko.

 “I’m sorry,” sambit ko. Tapos tinignan ko na siya.

 “No, I’m the one who needs to say sorry,” sabi niya. “I was blinded by anger. I didn’t hear you out first. I’m sorry, Danny.”
  
“Ako talaga may kasalanan. Patawarin mo sana ako, Matty.”

 “Ok. Both of us are at fault,” sabay ngiti sakin.
  
“Sige, tayong dalawa na nga.” Nagtawanan kaming dalawa. Para kaming tanga talaga. Hay salamat! Ganun lang pala yun! Pinatagal ko pa. Di ko naman pala ikakamatay ang paghingi ng sorry.
  
“I missed you so much.” Nakatitig lang siya sakin. Para akong matutunaw. “You know, I’d give you a kiss if only Tita isn’t looking at us.”
  
“Huh? Nakatingin satin si Nanay?” gulat kong sabi.
  
Tumango lang siya. Buti nalang I didn’t do something stupid! “Tara!” sabi ko.
  
Nag-drive na si Matteo. Di ko na tinignan kung talagang nakatingin si Nanay. Laking pasalamat ko nalang talaga at wala naman kaming ginawa ni Matteo na ikagugulat niya.

 Pagdating namin sa pad ni Matteo, pakiramdam ko safe na kami. Wala nang ibang makakakita samin dito. Amin lang ito. Kaya ayun, sa sobrang pagka-miss namin sa isa’t isa, di na kami nakapagpigil pa. Ramdam na ramdam kong miss na miss niya ko sa mga halik at yakap niya. Gayun din naman ako, kaya nakalimot na ko sa sarili ko.

 ——————————————————————
  
Nakahiga si Matteo sa tabi ko. Ako naman nakadapa. Napagod kami sa aming bonding moment.

 “Matty,” sabi ko.

 “Yup,” sagot niya.
  
“Would you get angry at me if I asked what Franz said?” mahina kong tanong.

 “Does he still text you?” sabi niya.
  
“Nope. Natakot yata sayo.”
  
“Good.” Tapos sabay kindat sakin. Napangiti nalang ako. “From now on, promise me you won’t keep anything from me, ok?”
  
Tumango ako.
  
“Ok. He said that you were running after him. That you wanted him back,” sabi niya.

 Ang kapal talaga ng mukha nun! Bakit ko naman gagawin yun, eh wala naman siya sa kalingkingan ni Matteo.

 “Sige. Aaminin ko. Hinabol ko nga siya. Pero nuon pa yun. Nung tanga pa ko. I was hoping that one day, he’ll come back to me,” sabi ko.
  
“What happened? What changed?” tanong niya.
  
“I realized I was being stupid. He doesn’t deserve to be loved. At napagod na ko.”
  
“What if you get tired of me, too?”
  
Natawa ako. “Sa kama lang naman ako napapagod sayo!”

 Natawa siya sa sinabi ko. “You ha. You’re a very naughty boy!”
  
“Ang daya mo,” sabi ko. “Alam mo na lahat tungkol sakin pero ako hindi.” Binaba ko yung mukha ko sa kama habang nakatukod yung dalawa kong siko. Sinilip ko siya sa ganung posisyon kung anong reaksyon niya.
  
Nakatitig siya, tapos maya-maya nagsalita na rin. “You don’t need to know about my past. What’s important is my present and future with you.”
  
Sus! Nagpaka-mysterious na naman. Pero sabagay, tama nga naman siya. Wala din namang halaga sakin kung malaman ko ang nakaraan niya.
  
“You’re the reason why I now believe in the goodness I thought I never had,” sabi niya.

 Teka lang, naguluhan ako dun ah. Anong ibig niya sabihin dun? Mabait ka naman talaga ah.
  
Napansin niya sigurong naguluhan ako sa sinabi niya. Kaya tinuloy nalang niya ang kwento. “Danny, I’ve been very bad in the past. The Matty you know now is far from what I was before.”
  
Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang hindi totoo.

 “Do you have any idea why I knew you were like that when I met you? I mean you were unhappy and all?”
  
Umiling lang ako.

 Tumango muna siya bago nagsalita. “Its because I destroyed someone else’s life.”

 Nagulat ako. Hindi ko in-expect yung sinabi niya. “Panong destroyed?” tanong ko.
  
“I was a complete jerk. All I cared about was myself. How I should be happy. How I should be satisfied. I went into that relationship without really giving attention to him, to how he was feeling.”
  
What the hell? Hindi ako handa sa mga naririnig ko. “He?”
  
Tumango siya. “Yes. He.”
  
Wow. All the while I thought mga babae yung nakarelasyon niya.
  
“You remember me telling you I had two relationships? He was the second,” paliwanag niya.
  
“And the first?” tanong ko.
  
“Its a she.”
  
“But why call yourself a jerk? You’ve been together for 2 years. That’s a pretty long time.”

 “Yeah. But all I did was make him cry. I didn’t appreciate everything he’s done for me, for us. I hate to admit it, but I was only in it for the sex.”
  
Natulala ako. Si Matteo ba talaga itong kausap ko?
  
“Complete jerk, eh?” sabi niya sakin. “Those were the times. You might ask if I ever loved him? Now that I think about it, I should say no. I just played with his feelings for two years. The only time that I came to my senses was when he dumped me. He cried. I saw the pain in his eyes.”
  
Di ko namalayan na hindi ko na pala inalis ang tingin ko kay Matteo. Nakita ko kung gano kahirap para sa kanyang sariwain ang nakaraan. Ang lungkot niya nung mga oras na yun.
  
“Why did you do it then?” tanong ko.
  
“You know the need to feel good? The need to feel you are loved? That you’re number one? That’s me, Danny. Its difficult to explain. But that just consumed me.”

 Sumasakit ang ulo ko sa sinabi niya. Ang hirap unawain sa isang upuan lang.
  
“I needed to get away from it all. I was so ashamed of myself, of what I was. I flew here hoping I’d change. And it came. The moment I met you.”
  
Sa totoo lang, kahit na ganun ang sinabi niya about his past, I can’t get myself to hate him. Even though I felt bad for his ex, I admired Matteo more. He was mature enough to admit his mistakes, and strive to better himself.
  
Di na ko nagsalita pa. Niyakap ko nalang siya. Nagpasalamat siya sakin.
  
——————————————————————
  
Tumunog yung doorbell. May bisita si Matteo.
  
Tumayo siya sa kama at nagsuot ng tank top. “Wait here,” sabi niya sakin.

 Pagkalabas niya ng kwarto, nagsuot din ako ng damit at nahiga muli sa kama. Naririnig kong kausap ni Matteo yung bisita niya.

 Ah. Si Tito Jonas pala. Naninigurado lang daw siya sa lagay ni Matteo. Nagoffer siyang magbantay, pero tinanggihan siya ni Matteo. Ako nalang daw, tutal kasama naman daw niya ako.
  
Si Dan nandito? Tanong yan ni Tito. Yup, sagot ni Matteo. Medyo natahimik silang pareho ng ilang minuto. Tapos narinig ko nalang na pinaalala ni Tito na may event daw yung telecom company na ine-endorse niya bukas ng gabi. Tinanong siya ni Matteo kung pwede daw ba akong isama. Matagal bago sumagot si Tito. Hanggang sinabi nalang niya na “Bahala ka.”
  
Narinig ko nalang sumara ang pinto. Maya-maya, bumukas na yung pinto ng kwarto at pumasok si Matteo.
  
“You’re coming with me tomorrow night,” sabi niya.
  
Nag-hesitate ako. “Sigurado ka?”
  
“Yeah,” sabi niya.
  
“Wag nalang kaya. Wala naman akong gagawin dun.”
  
Tinawanan lang ako ni Matteo. “Anong wala? Of course you’ll be there for a purpose.”

 “Ano?” tanong ko.
  
“Drive my boredom away.”

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...