Tuesday, June 19, 2012

MATT AND DAN 5


Napaiyak siya. Napaupo.

 Pinagtinginan kami ng mga tao.
  
Pilit kong tinayo si Sharlene. Dinala ko siya sa bench at dun ko kinausap ng masinsinan. Tinatanggal ko yung jacket niya, pero nilalabanan niya ko. Ang pangit man ng dating nun sa ibang tao, pero wala akong pakialam. Patuloy siya sa pag-iyak.
  
Hanggang sa natanggal ko yung jacket niya. Ang lalaki ng pasa niya sa magkabilang braso.
  
“What the fuck! Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nito?” tanong ko sa kanya.
  
Umiling lang siya habang umiiyak.
  
“Si Sean gumawa niyan no?” galit kong sabi.

 “Dan…” yun lang ang nasabi niya.

 “Putang ina niya! Bakit niya yan ginawa?” galit na ko talaga nung mga oras na yon.

“Dan, di naman niya sinasadya eh.”
  
“Tanga! Anong di sinasadya! Kulay talong na yang braso mo anong di sinasadya,” sinisigawan ko na siya.

 “Ganun lang talaga siya pag nagagalit. Mawawala din to. Dan, please, cool ka lang,” nagmamakaawa niyang sabi.

 “Pag nagagalit? Ibig mo sabihin dati niya pa ginagawa yan sayo?”Di siya umimik.
  
“Putcha naman, Sharlene! Di pa kayo magasawa nagpa-practice na siyang gawin kang punching bag. Ano ka, masokista?”Patuloy lang siya sa pag-iyak.

 “Hindi ka na makikipagkita dun, naiintindihan mo? Break na kayo,” sabi ko. Alam ko wala akong karapatan gawin yun pero kailangan eh. Ako ang best friend.

 Di na ko nakapagpigil. Hinanap ko si Sean sa college nila. Nakita ko siyang nakaupo kasama ang mga barkada niya. Tinapik siya nung katabi niya at tinuro ako. Nagulat siya at biglang tumayo para magtago.
  
Pero huli na ang lahat. Sinapak ko siya gamit ang lahat ng lakas ko. Napahiga siya sa lakas. Sa galit ko sinipa ko pa siya. Walang naglakas-loob na umawat sa kin.

 “Putang ina ka! Ayoko nang makita yang mukha mo kahit kelan. Wag na wag ka nang lalapit kay Sharlene ulit kung hindi di lang yan ang aabutin mo!”
  
Sinubukan niyang tumayo. “Pare, sandali. Magpapaliwanag ako…”
  
“Gago!” at sinapak ko ulit ang hayop. Duguan na ang ilong niya.
  
“Tandaan mo, break na kayo.” At umalis na ko.

 Hinatid ko si Sharlene sa bahay nila pagtapos ng klase. Gulat na gulat sila Tito sa nangyari.

 “Sabi ko na nga ba wala kang mahihita jan sa lalaking yan eh,” sabi ni Kuya Arthur.

 “Tara Kuya, bugbugin natin yung hayop na yun,” yaya ni Fredrick.
  
“Wag na. Binasag na ni Dan ang mukha nun panigurado,” sabi ni Kuya Arthur. “Salamat ah,” sabay tapik sa balikat ko.
  
“Wala yun, Kuya,” sagot ko.
  
“O pano, Dad,” kinausap si Tito Gary, “pwede na ko pumunta ng Amerika. Tutal nandito na si Dan. May magbabantay na kay Sharlene.”
  
Pinilit ni Sharlene kalimutan si Sean, kahit na alam kong mahirap. Syempre, mahal niya yung tao. Pero bantay sarado siya sa kin. Di nagtagal, naging ok na siya. At di na rin nagka-boyfriend. Natrauma siguro. O mahal parin niya si Sean kaya ganun. Ewan ko.
  
Di na nagpakita si Sean samin.
  
Well, until now.
  
——————————————————————

 “Tulungan mo naman ako,” pakiusap niya.
  
Anong gagawin ko? Natatandaan mo ako yung rason kaya kayo naghiwalay?
  
“Di naman. Ikaw lang yung naglakas loob gawin kung ano yung dapat,” paliwanag niya.

 Napatingin ako sa kanya.

 “Dan, I just want to talk to her. Yun lang,” sabi niya.
  
Napa-isip ako saglit. “Sige. Antay ka lang. I’ll call you.”
  
Yes! Sabi niya. Tuwang-tuwa ang loko. Nagpasalamat sa kin.
  
Nilapag ko yung tray sa table at umupo.

 “Ang tagal mo naman,” sabi ni Sharlene.

 “Ah, oo nga eh. May nakausap kasi ako,” sabi ko casually.

 “Sino?” tanong niya.

 “Si Sean.”
  
Natigilan si Sharlene. Silence.

 Tapos sabi niya, “Sean Marasigan? THE Sean Marasigan from college?”

 “Yup. He’s the one,” ininom ko na yung coffee ko.

 “Oh my God,” sabi niya.

 “Look, he just wants to talk to you. Yun lang,” sabi ko.

 “What if I don’t want to talk to him?”
  
“That’s stupid,” sabi ko. “You know you want to.”
  
“No, I don’t want to,” sabi niya.
  
“Ayaw mo ba dahil galit ka parin sa kanya, or dahil takot kang malaman kung mahal mo parin siya?” tanong ko.

 Di nakasagot si Sharlene.

 “Alam mo, Shar,” sabi ko, “I know you still love him. Bakit? Dahil hindi mo parin siya pinalitan after all these years.”
  
Nung di na siya sumagot, sinenyasan ko na si Sean na lumapit.

 “Just give it a try,” sabi ko kay Sharlene.
  
“Hi, Sharlene,” mahinang sabi ni Sean.
  
Tinignan siya ni Sharlene, tapos ngumiti lang.
  
Tumayo na ako para iwan sila. Sabi ko kay Sharlene, “Text mo nalang ako.” Tumango siya. Binulungan ko si Sean, “Good luck, pre.”

 “Salamat talaga, Dan.”
  
At ayun, lumabas ako ng coffeeshop. Nilingon ko sila nung nasa labas na ko. Parang nagkakahiyaan yung dalawa.

 Naisip ko, nasisiraan na ba ako ng bait? Biruin mo, ako yung nagsabing maghiwalay sila, pero ngayon naman parang pinagtutulukan ko si Sharlene na makipagusap kay Sean. Marahil, iba na kasi ang tingin ko sa buhay. Di na gaya ng dati. Saka ngayon ko lang na-realize, di ko manlang binigyan ng pagkakataon si Sean na magpaliwanag. Basta tinulak ko nalang siyang palayo. Well, its never too late to correct mistakes. Now is his chance, I just hope he doesn’t blow this one.

 Teka, san ba ako pupunta? Lakad lang ako ng lakad. Masakit nga pala ang paa ko.

 Beep. Beep.
  
Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko.
  
Si Matteo nagtext.
  
Hey, pagod! But I had fun. We’re finished for today. Hope you’re doing ok.Talk to you later.

 Para akong nalutang.
  
Bakit ba ganito? Parang… Para akong ewan.
  
Sandali.
  
I know this feeling.
  
Naramdaman ko na to dati eh.
  
Hindi. Nagkakamali ka.
  
Nagreply ako kay Matteo.
  
I’m ok. With Sharlene now.
  
Di ako nagantay ng matagal. Nagreply agad siya.
  
Matt = Jealous.
  
Ano ka ba naman Matteo? Yung mga ganyang hirit mo ang nagpapagulo sa isip ko eh.
  
Kalma lang Dan. Nagreply ako.
  
Jealous san?
  
Nagantay ako ng reply. Maya-maya, dumating na.

 Of your closeness. I wish it was the same with me.

 Patawa talaga itong tao na to. Yun lang naman pala eh. Madali lang naman akong kausap.
  
Yun lang ba, bro? Ok sige. Close na tayo.
  
Message sent.
  
Beep. Beep.
  
Matt is dancing right now!
  
Natawa ako sa reply niya. Weirdo talaga ito. Parang hindi 24 years old kung umasta.
  
Di na ako nagreply. Maya-maya, tumunog ulit yung cellphone ko.

 Si Sharlene.
  
Danny boy, ok lang ba kung ihatid nalang daw ako ni Sean now? Super sorry kung pinaghintay pa kita.

 Ok lang, sabi ko. Mukhang naging ok yung paguusap nilang dalawa. Masaya na rin ako kahit pano.

 Kaya ayun, napauwi akong magisa ng wala sa oras.

 ——————————————————————

 Pag dating ko sa bahay, kumain muna ako. Walang hiya ginutom lang ako kanina. Pero ok lang yun. Nag-enjoy naman ako kahit papano. Awww! Bigla ko naalala yung chocolate cake at danish! Di ko nakain. Hehehe.
  
Sakto naman tumunog yung cellphone ko pagpasok ko ng kwarto. Napatalon ako sa kama. Binuksan ko yung text.

 Hey sleepyhead! What’s up?

 Nagreply ako agad.

 Wala lang. Just here in bed. You?
  
Ilang saglit lang, nagreply siya.
  
Hmmmm…

 Anong Hmmmm? naisip ko. Pero bago ako makapagreply, nagtext siya ulit.

 I got my own flat na. =)

 Wow. Ayos to ah. Nagtext back ako.

 Congrats! Pwede ko bang mabisita?

 In a few seconds, tumunog yung cellphone ko.
  
Of course. You’ll be the first to see my pad. Promise.
  
Natuwa naman ako. Wait, tuwa nga ba yun?
  
——————————————————————
  
The following week, habang nakatambay ako sa opisina, lumapit sakin si Tito Ric.

 “Anak,” sabi niya, “nabalitaan mo na ba?”

 Clueless, sagot ko, “Ang alin po?”

 “Na-assess na daw yung performances ng lahat ng agents. Di ba nasabi sayo?” sabi niya.
  
“Wala po akong alam.”

 “Ay, hala. Pumunta ka dun sa board. Nakapaskil na dun yung mga official nominees,” sabi ni Tito.

 “Po?” Naman. Pano kung wala yung pangalan ko?
  
“Pumunta ka dun,” udyok niya.
  
Naglakad ako na kabadong-kabado. Ang huling sabi samin, 3 daw ang pipiliing nominees. Base sa evaluation ng mga managers, di lang sa branch namin, kundi pati na rin sa head office, at ng mga cliente, ang may pinakamataas na score ang mapipiling Top Agent.

 Pero maging nominee lang eh sapat na sakin. Ilang taon ko rin pinaghirapan ito.

 Sa wakas, kaharap ko na yung bulletin board. This is it.
  
Hinanap ko yung listahan. Nasa tabi ko si Tito Ric. Tinuro niya yung papel.

 OFFICIAL LIST OF NOMINEES2010 TOP AGENT AWARD1. MAGPANTAY, Grace C.2. BURGOS, Daniel Marc A.3. NOCHE, John Raymond T.

 Muntik na ko matumba. Yung dibdib ko parang sasabog sa sobrang saya! Napakapit ako kay Tito.

 “Congratulations, anak!” bati niya. “Sabi ko naman sayo kayang-kaya mo yan eh!”

 Maluha-luha ako. Nagbunga na yung paghihirap ko. Ito na yun.

 Niyakap ko si Tito. Nagpalakpakan ang mga nasa opisina.

 Sumunod nun ay puro pagbati na ang natanggap ko. “Congrats!” sabi nung isa. “Galing mo talaga, Dan!” sabi ng iba. May isa pa ngang nagpalitrato. Ano ba yun.

 Nang medyo nahimasmasan na ako, naisip kong ibalita kay Sharlene. Kinuha ko ang cellphone ko.

 I got it! I’m in the top 3! Grabe, sobrang saya! Celebrate tayo!
  
Send.
  
Contacts.
  
M.

 Matteo.

 Send.

 Message sent.

 Then I realized…

 Kay Matteo ko nasend. Shit.

 Beep. Beep.

 Ayan na. Sumagot na.
  
Hey. Congrats! Where’s the celebration?
  
Patay. No turning back. Di ko naman pwedeng sabihing di para sa kanya yung message. Wala naman ako kasing nilagay na SHAR para masabi kong hindi kanya yun. Hay.

 Inom tayo. Treat ko.

 Message sent.
  
Beep. Beep.

 Sure. Let’s do it in my pad. Alrighty?

 Oo nga pala! May pad na nga pala siyang sarili.

 Ok. I’ll invite Sharlene, too.
  
Wala yata siyang ginagawa. Ang bilis sumagot eh.
  
Not cool. I promised you you’ll be the first to see my pad.
  
Daniel Marc, are you sure about this? Tanong ko sa sarili ko. What if? Hindi. Kaya ko to. Warrior ako eh. Saka magkaibigan naman kami.
  
Ok. See you later.
  
Beep. Beep.
  
Sure thing.
  
——————————————————————
  
Umuwi muna ako. Maaga pa kasi. Sinabi ko na rin kina Nanay yung magandang balita. Tuwang-tuwa sila para sakin. Para sa kanila naman kaya ko ginagawa ito. Gusto ko maging maginhawa ang buhay namin kahit iniwan kami ni Tatay. Sabi ko na magiging maayos na ang lahat magmula ngayon.

 Nagpaalam ako kay Nanay na may lakad pa ako ngayon. Sabi ko baka gabihin ako. Sakaling ganun na nga, wag na niya akong antayin.Tinawagan ko si Sharlene. Sinabi ko sa kanya na malapit na matupad yung mga pangarap ko. Tuwang-tuwa siya syempre sakin. “I’m so proud of you, Danny boy!” Yan ang sabi niya. Nakakatuwa itong best friend ko. Kinamusta ko nga pala si Sean. Sabi niya, hindi naman daw sila nagbalikan. Gusto daw niya muna patunayan na nagbago na siya. Aba, mukhang di ko na yata kelangan bantayan si Sharlene. “Syempre no! Ayaw ko magmukhang talong ulit!” Natawa kami pareho. Sabi niya pahihirapan daw niya muna yung kumag. “Mahal mo pa ba?” tanong ko. Mabilis ang sagot niya. “Tignan natin.” Ang gulo niya talaga sa totoo lang.
  
Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Ano kayang magandang isuot? Nahirapan ako mamili.

 Nung tapos na ko magbihis, tumingin ako sa salamin. Mukhang ayos naman na ang itsura ko. Di na nakakahiya.
  
Nagpabango ako.

 Paglabas ko ng kwarto, nagpaalam na ako kay Nanay.

 “Mag-ingat ka ha,” bilin niya.

 “Opo.”

 Binasa ko ulit yung tinext ni Matteo na address ng condo niya. Malapit lang naman pala. Nag-taxi na ko.

 Bumaba ako sa tapat ng convenience store di kalayuan sa condo niya. Bumili muna ako ng maiinom. Dalawang six-pack na beer ang binili ko.
  
Pumasok na ko sa condominium.
  
Habang nagiintay para sa elevator, parang umakyat sa lalamunan ko yung puso ko.

 Bakit ako biglang kinabahan?
  
Sobrang kabog ng dibdib ko.
  
Hanggang bumukas na yung elevator. Pumasok ako at pinindot yung button number 9.
  
Parang ang bilis umakyat ng elevator. Express elevator ba to? Di ko namalayan na nasa 9th floor na ko.

 Hinanap ko yung 913. Yun daw ang unit niya.

 Ayun. Nakita ko na.
  
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto.

 Kinakabahan parin ako.
  
Huminga ako ng malalim.

 Kaya mo yan, Dan.
  
Tinaas ko na yung kamay ko para kumatok.

 Pero…

 Biglang bumukas yung pinto.

 Si Matteo bumulaga sakin…

 Naka-shorts lang.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...