Friday, June 22, 2012

SANA DALAWA ANG PUSO KO 2


By: Life is Pink
CHAPTER 2
PAGMAMAHALAN

Simula noon ay parati na nya akong tinatawagan at niyayayang lumabas. Ako ay nagtratrabaho noon sa isang parlor sa me JP Rizal. Simula’t simula pa ay alam ko na ako’y isang gay pero di naman ako halata kaya nga nagkaroon pa ako ng girlfriend, hehehe. Ang aming paglabas ay napalimit at naramdaman ko ng nahuhulog na ang aking loob sa kanya at ganun din siya sa akin. Hanggang sa ako ay kanya nang yayain sa kanilang bahay at ipakilala ako sa kanyang pamilya. Magsolo siyang anak at patay na ang kanyang father, tanging ang kanyang mama at si Flora, ang kanilang katulong ang kasama niya sa bahay.

Ipinakilala niya ako bilang isang kaibigan dahil di naman alam ng kanyang mama ang kanyang katauhan. Sa simula ay dumadalaw lang ako sa kanila kapag me okasyon at natutulog din paminsan minsan. Hanggang sa sumapit ang ika anim na buwan naming pagiging magkasintahan at napagkasunduan naming itong i-celebrate out of town sa Puerto Galera, three nights and two days kami doon.

Papunta pa lang kami ay excited na ako, ewan ko ba kahit parati kaming nagkikita at nagkakausap mawala lang siya ng konti sa aking mga mata ay parang hinahanap ko na siya kaagad. Siguro ito kasi ang unang beses naming magkakasama ng matagal at solong solo naming ang mundo. Kaya gayon na lamang ang pananabik ko sa kanya.

Pagkarating namin sa White Beach ay agad naming hinanap ang aming cottage na pina reserve at nang makapag pahinga na kami sa malayo layo rin namang biyahe. Kababa ko pa lang ng aming mga gamit ay agad na niya akong niyakap patalikod at hinalikan sa batok. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga at labi na agad namang nakapagpainit ng aking pakiramdam.

“Sandali lang at aayusin ko muna ang ating mga gamit, mamaya na yan, iyung-iyo ako ngayon. Bakit ka ba nagmamadali?”

“Miss na miss na kasi kita. Di na ako makapagpigil kanina ko pa nga ito gustong gawin sa yo,” tugon ni Larry.

“Ikaw talaga, noong isang araw lang nagkita tayo, ahhhh, naka- tatlo pa nga tayo non, hahaha!”

Pabiro nya akong kinurot sa aking tagiliran at saba’y sabing….”Kapag ikaw di yata ako magsasawa kahit habang buhay, mahal na mahal kasi kita at sana’y wag tayong magsawa sa isa’t isa.”

Pagkasabi nya noo’y humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya ng mariin sa labi. Sabay sabing I LOVE YOU TOO, di kita iiwan at mamahalin kita habang ikaw ay nabubuhay. Habang hinihimas ko siya sa kanyang buhok at hinahalikan sa kanyang mukha, sa ilong, sa mata, sa noo. Ang kaligayahan ko noong mga oras na yon ay di ko kayang maipaliwanag. Heto at nasa aking harapan ang isang tao na nagmamahal at nangangako na ako’y sasamahan habang ako’y nabubuhay. Halos maiyak ako sa kaligayahan at damang dama ko ang kanyang pagmamahal sa akin. Ayaw ko nang matapos ang mga oras na yon, kung ako man ay nanaginip ay ayaw ko ng magising.

Habang ako ay nagpre prepare ng aming pagkain ay lumapit sya sa akin at meron daw siyang sasabihin at suggestion sa akin kung ako ay papayag. Kinausap na daw nya ang kanyang mama at sinaggest nya na kung pwede don na ako tumira sa kanya kasi nagbo-board lang daw ako para makatipid daw ako. Bigla akong natigilan at di ko akalain na masasabi nya yon sa kanyang mama, kaya hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang kanyang sinasabi. Pumayag naman daw ang kanyang mama kaya kung ok lang daw sa akin pagbalik namin ay lilipat na ako sa kanila (although alam kong di pwede agad agad kasi nga middle of the month pa lang non). Sa tuwa ko dahil di na rin ako mapakali kapag di ko siya nakikita o nakakausap sa loob ng isang araw ay bigla ko siyang nayakap.

“Totoo ba yon? Pumayag ang iyong mama na doon na ako tumira sa inyo?”

“Bakit di ka naniniwala sa akin? Ayaw mo yata, wag na lang. Baka naman meron ka pang iba.”

“Ikaw talaga, kita mo na nga akong tuwang tuwa, yan pa ang sasabihin mo.”

“Ito naman di na mabiro, alam ko naman yon,” sabay halik sa kanyang labi.

Kaya nang gabing yon muli naming pinagsaluhan ang tamis na dulot ng aming pagmamahalan. Muli’t muli nyang pinalasap sa akin ang kanyang pagmamahal sa walang sawa siyang pagpapaligaya sa akin ganundin naman ako sa kanya. Nakatulog kaming magkayakap at parehong walang saplot. Bakas na bakas sa aming mga mukha ang ligaya na aming nararamdaman, pati na ang ngiti na nakasilay sa aming mga labi ay naglalarawan ng walang hanggang kasiyahan at pagmamahalan.

Umuwi kami ng Maynila na baon ang aming pag-iibigan na siya naming sandata para harapin ang bagong umaga. Pagdating ko pa lang sa aking boarding house ay nagpaalam na akong lilipat sa katapusan. Sinamahan ako ni Larry sa pagpapaalam sa aking landlady at ganundin sa aking pag iimpake ng aking mga gamit.

ABANGAN AND SUSUNOD NA NAKAKALIBOG NA KABANATA!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...