by: Mikejuha
Last September 6, 2002, uwian na kami noon when my adviser called my attention. Nung makalapit na ako sa kanya, pinagalitan niya ako dahil sa attendance sheets na hindi ko kaagad naibigay sa kanya.If I am not mistaken, malapit na kasi ang release of cards noon. Dagdag pa ang mga accusations being charged against me. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng explanations dahil sabi niya, kahit saang anggulo ko raw tingnan ay ako talaga ang may kasalanan. Hanggang sa lumabas ako ng campus na umiiyak ako, walang pakialam kung tinitingnan ako ng mga tao sa daan habang ang mga luha ko ay bumabagsak sa damit ko at sa lupa. Habang daan ay may isang grupo ng mga tambay na ako’y napagtripan. Hinablot nila ang bag ko at ang mga gamit ko ay bumagsak sa lupa. Umiiyak na ako noong panahong iyon at nagmamakaawa sa kanila na kung maaari ay ibalik na nila ang gamit ko. Hanggang sa dumating ang isang tao na babago sa takbo ng buhay ko. Hindi ko alam na magiging bahagi rin siya ng buhay ko. Iniligtas niya ako sa mga tambay na iyon.
“Heto na ang gamit mo. Sa susunod magiingat ka, maraming mga gago dito. Pag alam nilang tatanga tanga ka, mapapagtripan ka talaga.” Sabi niya, sabay abot ng mga gamit ko na pinulot niya mula sa lupa.
“Salamat ha. Pero wala akong maipambabayad sa iyo eh.” Tugon ko sa kanya habang kinukuha ko ang mga gamit ko at inilalagay sa bag kong nasira.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang nangiti, “Sandali, humihingi ba ako ng kapalit?” Tanong niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot. “Ha? Ah… eh…..”
“Ako nga pala si Jerome.”sabay abot ng kamay niya sa akin.
Ngunit hindi ko na nagawang magpakilala pa sa kanya. Kumaripas na lang ako ng takbo ngunit narinig ko pa siyang sumigaw, “sandali, hindi ko pa alam ang name mo!!! Hoy!!!”
Kinagabihan ng araw na iyon, hindi ako mapakali. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. “Sino kaya siya? Bakit kaya niya ako iniligtas sa mga iyon? Ang bastos ko naman sa kanya kanina. Hindi man lang din ako nagpakilala ng pormal. Sana makita ko pa siya para makabawi din ako at makapagpasalamat.”
Kinabukasan, nagkaroon kami ng pasok sa school. Sabado noon at half day lang kami sa school. Nung uwian na ay nakita ko siya sa harap ng tindahan na binibilhan ko ng school supplies.
“Kamusta?” tanong ko.
“Ok lang,” tugon niya.
“Sorry nga pala kahapon sa inasal ko. Naging bastos ako,” sabi ko.
“Wala yun, ”sabi niya.
“May ipapakita ako sayo, gusto mo puntahan natin?” sabi niya.
“Sige ba!!”
“Pero, mag blindfold ka muna!”
“Bakit?” tanong ko.
“Para surprise!”
Kaya pinagbigyan ko na siya. Naglalakad kami habang nakablindfold ako. At ng makarating nga kami, doon ako nagulat sa ganda ng lugar.
“Ang ganda dito. Paano mo natuklasan itong lugar na ito?”
“Kapag malungkot ako at gusto kong mapagisa, dito ako madalas nagpupunta. Oo nga pala, ako nga pala si Jerome, anong name mo?”
“Speed.”
“Mabuti naman at nagustuhan mo dito. Ngayon, may makakasama na ako dito kapag gusto kong pumunta dito,” sabi niya.
Simula noon, palagi na kaming pumupunta sa lugar na iyon. May isang puno ng mangga doon na nabuwal marahil sa bagyo na kung saan ay madalas na umuupo kami doon. Malapit lang sa patubig, damang dama at nalalanghap namin ang sariwang simoy ng hangin, at may mga ibong nagliliparan sa paligid.Sa bukid kasi iyon. Nakakarelax at talagang makakalimutan mo ang iyong mga problema.
Isang araw habang kami ay naroroon, nakahiga siya sa may kandungan ko ay may itinanong siya sa akin, “Speed, may patutugtugin ako. Sana magustuhan mo.” Pumayag ako dahil sa totoo lang, panatiko ako ng musika, lalo na ang mga love songs. Bigla niyang kinalabit ang kanyang gitara at pinatugtog ang awit na -
There’s a lovers moon tonight
As I look back over my shoulder
All the stars are shining bright
Just like the nights when I used to hold her
She’s out there somewhere under the lovers moon
Loversmoon won’t you shine on me
I am dancing with a memory
I wish I may I wish I might
Have one last chance to hold her tight
And she’s waiting, I know she’s waiting
I know she waits for me
Under the lovers moon
There's a lover's moon tonight
Shining down on half of this world
So many souls are in its light
But for me there is just one girl
And she’s waiting, I know she’s waiting
I know she waits for me
Under the lovers moon
Hindi ko namalayan ang pagpatak bigla ng mga luha mula sa aking mga mata. Sa pagkakataong iyon ay bigla akong natulala habang kinakalabit niya ang gitara.
“Ang drama mo naman,” sabay bato ng isang pirasong butil ng mais sa akin, upang bumalik ang aking pagiisip.
“Kainis ka ha! Next time wag mo na gagawin yun,” sabi ko sa kanya. Sa totoo lang ay walang kahulugan sa akin ang ginawa niyang iyon. Natutuwa pa nga ako sa mga ikinikilos niya. Pakiramdam ko ko ay safe ako palagi kapag siya ang kasama ko.
“Joke lang iyon, Speed. Ikaw naman hindi ka mabiro. Paano naman kasi, ang serious mo. Oo nga pala,gusto ko idedicate yung message ng song na iyon siyempre para sa iyo.” Sabi niya.
“Bakit?” Tanong ko.
“Wala lang. Kasi favorite kong music iyon eh. Sana magustuhan mo rin,” tugon niya.
“Magiging emotional ba ako ng ganun kung hindi ko magugustuhan yun?”
Hindi na niya sinagot ang tanong kong iyon maliban sa isang ngiti.
Dumaan ang ilang araw na magkasama kaming dalawa sa lugar na iyon. Ang lugar na iyon ang tanging saksi sa aming dalawa. Doon kami nagpupunta kapag gumagawa ako ng assignments, especially on Science and Math, where I find difficulties on.
Nung minsang dinala niya ang kanyang gitara, nagulat na lang ako nang bigla niyang kinalabit ang gitara niya…
Sa bawat pagikot ng ating buhay May oras kailangan na maghiwalay
Puso’y lumaban man walang magagawa Saan pa kailan ka muling mahahagkan
Kulang man sa ‘tin, itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Puso’y lumaban man walang magagawa
Saan pa kailan ka muling mahahagkan
Kulang man sa ‘tin, itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Sa totoo lang, sa tuwing tinutugtog niya ang gitara niya, palaging bumabagsak ang mga luha ko sa mga mata at hinahayaang bumagsak ang mga ito sa lupa. Maganda pa ang boses niya, parang Christian Bautista.
Doon na rin napagkasunduan na hindi kami maglilihim sa isa’t isa bilang magkaibigan. At bilang patunay, inukit namin sa nakabuwal na puno ng mangga ang aming pangalan at doon naming ginawa ang aming sumpaan.
“Nangangako ako Speed sayo, sa harap ng punong ito na hindi ako maglilihim sayo.” Sabi niya.
“Ganun din ako sayo Jerome. Pangako ko rin na hindi ako maglilihim kahit ano mangyari.”
Sa bawat pagdaan ng mga araw, mayroon na akong napapansin sa sarili ko: tila may nararamdaman akong kakaiba sa kaibigan ko. Sa bawat pagdaan ng araw, gusto ko lagi ko siyang nakikita, nakakasama, nakakapiling. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa pagkakataong iyon. Hanggang sa umabot ako sa puntong kinakailangan ko nang ipagtapat sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Nagtungo akong magisa sa puno ng mangga after school at nakatalikod ako doon sa puno. Hindi ko namalayan na dumating pala siya. Naramdaman kong papalapit siya noon sa akin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nung lumapit siya sa akin, inakbayan niya ako.
“Speed, hinintay kita sa labasan ninyo, nauna ka na pala dito.” Sabi niya.
“Sorry kung naghintay ka ha? Gusto ko lang sana mapag-isa. Eh dito lang ang alam kong puntahan eh. Ayoko naman muna ako umuwi.” Alibi ko sa kanya.
“Ok lang yun, pero sana magkasama tayong pupunta dito.”
“Okay, next time hindi na po mauulit.” Sabay ang isang pilit na ngiti.
“Pero sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, ininjan mo ako. Ano ba ang dahilan?” pangungulit niya sa akin.
“Jerome, maipapangako mo ba na hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin sa maririnig mo?” tanong ko.
“Oo, Speed. Friends tayo diba?” sabi niya.
“Hindi rin ba magbabago ang pagkakaibigan natin?”
“Oo. Ano ba kasi iyon?”
“Jerome, simula nung makita kita, may kakaiba na akong naramdaman sa sarili ko. Gusto ko lagi tayong magkasama, gusto ko lagi kitang nakikita. Pag wala ka, hindi kumpleto araw ko.”
“Can you please clarify what you’re saying?” tanong niya na may halong pagdududa.
“Jerome, I love you!!” sigaw ko.
Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Natahimik siya ngunit binasag ko ang katahimikan niya.
“Pero kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin kong maluwag sa sarili ko. Kung gusto mong lumayo, tatanggapin ko. Ayoko lang kasi na maglihim sayo, gaya ng pangako ko sayo. Pasensiya na Jerome, pero kailangan kong sabihin talaga.”
“Sorry din Speed, pero kaibigan lang ang turing ko sayo. Hanggang doon lang, wala ng iba.”
“I know….”
Nagulat na lang ako sa next move niya. Bigla siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo at bigla na lang umalis.
“Jerome, saan ka pupunta? Bumalik ka!!!” Sigaw ko sa kanya habang tinatanaw ko siya na papalayo ngunit hindi siya lumingon, hanggang sa tuluyan na siyang lumisan.
Hinayaan ko na lang na bumuhos ang aking mga luha sa aking mga mata. Ang bawat luhang pumapatak ay ang emosyong nais kong makawala sa sarili ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pagkakamaling nagawa ko ngunit ayoko siyang lokohin dahil sa aming naging sumpaan sa puno ng mangga. Dahil sa akin, sinira ko ang pagkakaibigan namin. Dahil sa akin, nawala ang kaibigan ko, si Jerome.
Maraming pagkakataon na alam kong wala na pagasang maibalik pa ang dati naming pagkakaibigan. Nariyan ang tumatawag ako sa bahay nila upang makausap siya ngunit hindi niya sinasagot. Wala pa kasi akong cellphone that time kaya puro landline lang. Nagbakasakali akong baka andun siya sa aming tagpuan ngunit palagi akong bigo na mahanap siya. Kaya tuluyan na akong nawalan ng pagasa na muling makita pa si Jerome. Dahil dito, alam kong gumuho na ang lubid ng aking pagkakaibigan.
Isang araw, ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko dahil labasan na namin sa school. Bumili ako ng mga supplies na kailangan ko sa katapat na tindahan para sa aming project. Pauwi na ako sa bahay nang sa hindi ko inaasahang… makikita ko siya doon. Nang makita ko siya, ngumiti lang ako. Lumapit ako sa isang stall ng bananacue at bumili ng isang tuhog.
“Heto oh, ” sabay abot sa kanya ng bananacue na binili ko.
“Tulungan na kita, mukhang mabigat ang dala mo,” sabay kuha sa bitbit kong mga supplies.
“Huwag na,” pagtanggi ko. “Baka may gagawin ka pa, maistorbo pa kita,” ang malumanay kong sagot.
“Wala na akong gagawin, tsaka nagpaalam ako kay mama. Sabi ko pupuntahan kita dito sa school mo,” sabay ang isang nakakabighaning tingin sa akin.
“Speed, punta muna tayo ng adoration chapel.” Sabi niya.
Pumasok kami sa loob at kami ay nagdasal. Habang nasa loob,hinawakan ko ang kamay niya. Nanatiling nakapikit at kinausap ko siya, “Jerome, sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang sirain ang….”
Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko nang takpan niya ng daliri niya ang bibig ko sabay sabing, “Nasa loob tayong chapel, bawal maingay.” At hindi naming napigilan ang magngisngisan sa loob.
Pagkalabas namin sa chapel, agad kaming dumiretso sa aming paboritong hangout, ang puno ng mangga. Doon ay muli akong humingi ng tawad sa kanya at humagulgol sa harapan niya.
“Jerome, patawad sa nagawa ko. Nasira ko ang pagkakaibigan natin. Hindi ko sinasadya. Jerome hindi ko lang kasi kayang mawala ka kaya ko nasabi iyon sayo bilang pangako ko na rin sayo na hindi ako magtatago ng sikreto.” At napaupo na lang ako sa lupa dahil sa panlulupaypay at nanatiling nakayuko. Hinayaang umagos ang aking luha mula sa mga mata hanggang pumatak sa damuhan.
“Speed, wala kang dapat ihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. Sa totoo lang… mahal na rin kita. Dahil ibang kaligayahan ang ipinadama mo sa akin nung nadarama ko ang pagiisa. Sa sandaling naghahanap ako ng makakasama, doon kita natagpuan. Speed, mahal na mahal kita!!!”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa narinig ko sa kanya, ngunit isa lang ang naramdaman ko noong oras na iyon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo at wala na akong hihilingin pa dahil nakamit ko ang buong pagmamahal ng taong mahal ko.
Walang anu-ano’y bigla niya akong niyakap at sinuklian ko naman rin ng yakap ang ginawa niya. Pinahid niya ang luha sa aking mga mata at sinabing “ito na ang huling beses na makikita kitang iiyak, na may papatak na luha sa mga mata mo. Maipapangako mo ba?”
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Umiihip ang hangin. Umaawit ang ibon. Parang nakikisama sila sa kaligayahang nadarama ko. Pakiramdam ko ay bagong kasal kaming dalawa ng mga panahong iyon.
Simula noon, balik sa dati ang closeness namin ni Jerome. Madalas na bumabalik kami sa puno ng manggang iyon kapag labasan ko na sa school. Hindi rin mawawala ang pagtugtog niya ng gitara sa tuwing naglalakad kami papunta sa puno.
“Speed, may paborito ka bang kanta?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Marami, as in many to mention,” tugon ko.
“Merong particular?”
“What Matters Most ni Kelly Rankin.”
“Bakit ?”
“Ewan. Basta gusto ko lang ang mellow ng music.”
Nagulat na lang ako ng bigla niyang kinalabit ang gitara niya. Tinugtog niya ang paborito kong kanta.
It’s not how long we held each other’s hand
What matters is how well we love each other
It’s not how far we travel on our way
But what we found to say
It’s not the spring you see
But all the shades of green
It’s not how long I held you in my arms
What matters is how sweet the years together
It’s not how many summer times we have to give to fall
The early morning smile
We cheerfully recall
What matters most is that we love at all
“Alam mo palang tugtugin ang kantang iyan?” Gulat ko sa kanya.
“Sinabi mo kasi kaya tinugtog ko.” Tugon niya.
“Speed, may gagawin ka ba sa darating na sabado?” tanong niya.
“Wala naman, sa bahay lang at tsaka gagawa ng assignment,” sabi ko.
“Birthday kasi ng lola ko at gusto ko na ipakilala kita sa pamilya ko. Nasabi ko kasi sa kanila na may nakilala akong bagong kaibigan at ang sabi nila, imbitahan ko raw siya para naman makilala nila.” Sabi niya sabay ngiti.
“Sige pupunta ako. Anong oras ba?”
“Alas-3 ng hapon.”
“Deal. Mark my word, pupunta ako.”
Dumating ang sabado, ang birthday ng lola niya. Maganda ang bahay nila, parang bahay-Kastila, yubg normal na bahay nung unang panahon. Doon ko na nakilala ang pamilya niya. Hindi naman ito kalakihan. At ang natutuwa ako ay may kapatid siyang babae, si Jane. Sabik na sabik kasi ako sa kapatid na babae.
Tinawag niya ako upang pumunta ng kusina. Doon na namin gagawin ang kainan. Doon na rin niya ako pormal na ipinakilala sa mga kasapi ng pamilya niya, si Tita Liza na mama niya, si Tito Johnny na papa niya, si Lola Felisa ang lola niya, at ang makulit niyang kapatid na si Jane. Masaya ang pamilya niya, parang hindi dinadapuan ng problema.
Nung lumabas ako, biglang lumapit sa akin si Jane, “Hello po kuya Speed!”
“Hello din!” sabi ko.
“Puwede po akong tumabi sa iyo kuya?” tanong niya.
“Sige, tara,” at kinarga ko siya upang makaupo naman siya sa kandungan ko.
At doon na nagsimula ang masayang kuwentuhan namin. Marami akong nalaman tungkol sa kuya niya. Dati ratiay malungkot ito at mapag-isa, hindi palakibo, palaging nakatulala. Hanggang nagulat na lang sila ng isang araw ay bigla na lang siyang nakangiti. Palaging lumalabas at kapag umuuwi ay nakangiti pa rin. Hanggang naitanong na nila sa kanya kung bakit kakaiba palagi ang kasiyahan niya sa kanyang mukha. Doon na raw niya inamin na may nakilala siyang isang bagong kaibigan. At sa aming pagkukuwentuhan, doon ko na siya lubos na nakilala.
“Ganun pala, yun pala ang dahilan,” bulong ko sa sarili ko.
“Sana kuya Speed, wag mo pababayaan si Kuya. Hindi ko kasi kakayanin kung magiging malungkot siya. Hindi ko kaya iyon kuya.” At biglang bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Pinahiran ko iyon ng aking mga kamay. Naantig ako sa sinabi niyang iyon sa akin at naging palaisipan. Dangan kasi, sino ba ang makatatanggi kung mismong isang bata ang hihiling sa iyo na kung matugunan mo ay tila habang buhay na niyang kaligayahan.
“Pangako ko Jane, hindi ko iiwan si Kuya mo. Kung gusto mo tuwing Saturday ay pupunta pako dito, para maglaro tayo. Gusto mo ba iyon?” sabi ko upang ngumiti lang siya.
“Opo kuya, Yehheeeeeyyy!! May kalaro na ako,” sabay yakap sa akin.
“Oo nga pala kuya, sabi ni Kuya sakin, maganda ka raw tumawa, para ka raw sumisinok. Puwede kong marinig? ” tanong niya.
“Eh di patawanin mo muna ako.” Sabi ko.
At doon na nagsimula ang pagiging close namin ni Jane. Bilang kasunduan, ay nagpupunta ako sa bahay nila tuwing Sabado. Nakikipaglaro, nakikipagharutan at kung anu ano pa ang ginagawa namin. Sa totoo lang ibayong saya ang naramdaman ko nung mga sandaling iyon dahil sa miss na miss ko na talaga ang magkaroon ng kapatid na babae. Minsan din ay niyaya rin namin siya ni Jerome doon sa aming hangout. Ipinakita rin naming dalawa sa kanya ang inukit naming pangalan namin sa puno.
Ngunit nagkaroon ako ng isang palaisipan sa aking isip nung minsang itinanong niya sa akin ang ganito, “Speed, gusto mo na ba umuwi?” Naitanong niya sa akin iyon nung kaarawan pa ng lola niya. Inabot kasi ako ng hanggang 8pm sa bahay nila dahil sa mga kuwentuhan at hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.
“Mamaya na lang.” sagot ko sa kanya.
Ngunit hinayaan ko na lang iyon at pinalampas. Hindi ko ininda kung bakit gusto na niya ako umuwi agad. Dati rati sa tuwing magkasama kami ay hinahayaan naming mamatay ang oras. Dahil para sa amin, mahalaga ang magkasama kaming dalawa.
Nung napagpasiyahan ko nang umuwi nung gabing iyon, inihatid niya ako sa bahay. Dahil sa wala pa ang nanay ko sa bahay, pinapasok ko siya sa bahay.
“Pasok ka muna Jerome sa loob. Wala pa naman si mama, ” sabi ko.
Pumasok naman siya sa loob. “Upo ka muna sa sala. Gusto mo manood ng TV?” Tanong ko sa kanya.
Umiling siya at ngumiti na lang sa akin.
“Makakapaghintay ka ba? Magbibihis lang ako ha?” sabi ko.
Tumango na lang siya at pagkatapos ay tinumbok ko ang aking kuwarto upang magbihis. Pagkalabas ko ay nagulat ako sa aking nakita.
Hinanap ko siya ngunit hindi ko nakita sa loob ng bahay. Hanggang sa nakita ko ang isang sulat sa aking tsinelas. Sulat kamay niya. “Speed, I have to go. Hinahanap na ako ni mama.” At hindi ko maiwasang magtampo sa kanya dahil sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi? Iniwan ka na lang basta ng walang paalam.
Nung isang araw na labasan, nakita ko siya sa harapan ng school. At doon ay ngumiti siya sa akin. Doon ay kinausap ko siya ngunit hindi ako nagpakita ng sama ng loob.
“Bakit mo naman ako iniwan nung isang gabi? Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo.” Sabi ko sa kanya na halos lumabi na ako.
“Sorry, Speed. Kailangan lang talaga. Huwag ka na magalit.”
“Ok, you’re forgiven. Pero ano ba kasi yun?” pangungulit ko.
“Malalaman mo rin pagdating ng panahon, kasi surprise yun,” sagot niya. Mahilig kasi sa surprise si Jerome. Kahit na sino, sinosorpresa.
“Ang daya mo, nagtatago ka ng sikreto.” Sabi ko.
Ngunit hindi ko na lang pinansin iyon. Ayaw ko kasi siyang bigyan ng sama ng loob kaya madali ko na siyang napatawad sa naging pagkakamali niya.
Kaya back to normal na muli ang samahan namin. Balik ulit kami sa dating gawi ng harutan, pamamasyal na kasama si Jane,tawanan, kulitan at kung anu ano pa.
October noon nang mapansin ko ang kakaibang pananamlay niya. Minsan nawawalan na siya ng gana sa bawat lakad namin. Mas gusto niyang sa bahay na lang kami dahil madalas na siyang napapagod sa mga lakad namin. Kaya wala akong choice. Doon na lang kami sa bahay nagkukulitan. Hanggang isang araw ay hindi na ako nakatiis. Nagtanong na ako sa kanya, “Jerome, bakit nag dami mong koleksiyon ng pasa sa katawan? At saka bakit ang puti mo? Para kang coupon bond?” Tanong ko na may halong pagbibiro.
“Ah, wala lang. Hindi ko nga rin maintindihan bakit lumalabas yang mga iyan eh.” Sabi niya.
“Nasabi mo ba sa mama mo na magpatingin ka? Kasi baka iba na iyan.”
“Ayoko.”
“Pero bakit? Para maagapan agad yan.”
Ngunit nagtaas siya ng boses sa akin, “Ayoko nga eh!”
Natahimik na lang ako sa ginawa niyang pagsigaw at napayuko. Parang gusto kong maiyak sa ginawa niya ngunit pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
“Sorry, Speed pero ayoko lang kasing pilitin ako. Baka mamaya kasi may sakit ako, eh ayokong malaman kung may sakit nga ako. Pero wag mo na akong intindihan, wala lang ito. Diba sabi mo dapat lagi tayo magdadasal sa Kanya? Kaya wag ka magalala, malalampasan ko rin ito.” Walang anu-ano’y bigla niya akong niyakap kaya sinuklian ko rin ang yakap niya sa akin at naramdaman ko sa mga balikat ko ang mga luha niya na bumagsak mula sa kanyang mga mata. Hinayaan ko siyang lumuha hanggang sa tuluyan na siyang mapagod.
“Magpaghinga ka na sa kuwarto mo. Baka mapagod ka pa. Kung gusto mo sasamahan kita,” sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Ngunit ng ihahatid ko na siya sa kuwarto ay bigla na siyang nawalan ng malay tao. Iyon ang unang beses ko na nakita siyang nabuwal. Sa pagkataranta ko, ay napasigaw ako. Ngunit nung mapansin kong walang dumarating na mga kapitbahay nila, ako mismo ang bumuhat sa kanya upang dalhin sa kanyang silid.
Maya maya ay bigla siyang nagkamalay at doon ay kinausap niya ako. “Anong nangyari?”
“Nawalan ka ng malay tao kanina. Ano bang nangyari?” tanong ko.
“Hindi ko alam. Ilang beses na rin akong nagkakaganito.” Sabi niya.
“Eh bakit hindi ka kasi magpatingin? Ako natatakot sayo eh.” Sagot ko naman.
Natahimik siyang bigla at hindi ako sinagot. Napansin kong umagos muli ang mga luha niya sa mga mata hanggang pumatak ito sa unan.Hanggang hindi ko mapansing niyakap ko na siya Maya maya ay nagpaalam na ako sa kanya.
“Jerome, uuwi na ako. Promise ko babalik ako bukas para kamustahin ko ang kalagayan mo. Sigurado ka bang okay ka lang?”
“Please Speed, wag ka muna umalis. Dito ka lang. pakiramdam ko ay safe ako kapag nandito ka,” pagsusumamo niya.
“Sige hindi muna ako uuwi. Dito lang muna ako. Babantayan kita hanggang makatulog ka.” Sabi ko sa kanya.
Umusog siya sa higaan at tumabi ako sa kanya. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya. At upang mapanatag siya, ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya para at least alam niyang hindi ko siya iiwanan habang masarap siyang nahihimbing. Habang tulog ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang mukha. Parang nararamdaman ko ang kalungkutan niya. Parang may bigat na dinadala, at iyon ang kailangan kong matuklasan.
Maya maya’y biglang napadaan si Jane sa kuwarto habang pinagmamasdan ko si Jerome. “Kuya, nandito…”
“Sssshhhhh!!! Natutulog si Kuya.” sabi ko kay Jane.
“May pasalubong kami ni mama sa kanya, heto oh. Meron ka rin kuya Speed.” Sabay pakita sa akin ng isang plastic. Halatang namili nga sila.
Tumayo ako sa higaan at lumabas ng kuwarto niya. Doon ko sila nakita. Kakarating lang galing ng shopping.
“O, Speed may binili kami para sayo. Isukat mo para makita natin kung ayos ba ang pagkakapili namin.” Sabi ni Tita Liza.
Inabot ko ang t-shirt na iyon at biglang napaupo ako sa sofa nila. Ibinagsak ng biglaan ang katawan na tila ba pagod na pagod. Ang mga mata ko ay napadako sa bintana at napagmasdan ang mga ulap na parang naglalakad sa papawirin.
“Hindi mo ba nagustuhan Speed? Kung gusto mo, bukas ibabalik natin,” pansin ni Tito Johnny nung makitang natulala ako.
“Hindi naman po tito, gusto ko po siya, may iba lang po akong iniisip.” Alibi ko sa kanya.
“Puwede bang malaman, anak? Baka sakaling makatulong kami ng tita mo. Nagaway ba kayo ni Jerome?” tanong niyang muli.
“Tito, tita, may sakit po ba si Jerome?” tanong ko sa kanila.
“Bakit mo naman naitanong?” tanong ni Tita Liza.
“Kasi po kanina, nung naguusap lang kami, napansin kong maraming pasa ang katawan niya. At napakaputla niya. Para po siyang typewriting paper sa puti. Tita, nagaalala po ako sa kanya. Pagkatapos bago siya matulog, nung inalalayan ko siya pagpasok ng kuwarto, nawalan siya ng malay-tao. Sinabihan ko na siya na magpatingin sa ospital ngunit ayaw niyang matuklasan kung may sakit daw siya, ” Sabi ko na halos maluha luha ako sa kanila.
Tahimik.
Pumasok akong muli sa kuwarto ni Jerome. Ganun pa rin, natutulog pa rin siya. Hanggang sa nagpasya na akong magpaalam sa kanila upang umuwi.
Kinabukasan, gaya ng pangako ko, bumalik ako sa bahay nila. Ganoon pa rin ang setup, harutan, tawanan at kung anu-ano pa. Parang walang nangyari. Minsan, sa bawat araw na may pasok ako, pumupunta kaming dalawa sa puno ng mangga. Doon ay binitiwan niya ang isang pangako, “Speed, kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Pangako iyan. Ako ba, maipapangako mo rin ba iyon?”
“Oo Jerome. Hindi kita iiwan.”
Pagpatak ng Nobyembre, dito na ako halos nagimbal. Hindi na siya nagpapakita sa akin. Mga araw ay dumadaan na talagang hindi ko na siya nakikita. Inisip ko na lang na may importanteng bagay siyang gagawin kung bakit hindi na rin niya ako pinupuntahan sa school. Buong buwan ng nobyembre ay ganoon ang nangyari. Kaya hindi rin maiwasan na hindi ako magalala sa taong mahal ko. Tumatawag ako sa bahay nila upang makausap siya ngunit walang sumasagot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga panahong iyon.
December 14, 2002. Ito na ang pinakamalagim na bahagi ng buhay ko. Hindi na ako nakatiis. Pumunta ako sa bahay nila. Kumatok ako ng kumatok sa gate nila ngunit walang sumasagot. Hanggang sa nakita ako ng kanilang kapitbahay na matanda at may hawak siyang walis. Taranta na ako ng mga oras na iyon at hindi alam ang gagawin. Nararamdaman ko na may ibang nangyayari.
“Iho, ano ba ang ginagawa mo diyan? Matagal ng wala at hindi umuuwi ang mga tao diyan ah.”
“Ale, magandang gabi po. Si Speed po ako. Kaibigan ko po kasi si Jerome. Nasaan po sila?” tanong ko sa matanda.
“Ah ikaw pala si Speed. Naku eh nung nobyembre pa silang maganak umalis diyan. May sakit kasi yung panganay nila. Minsan nga ay sumusuka siya ng dugo kaya nagpasya na sila na lumipat ng bahay pansamantala na malapit sa ospital. Doon maaalagaan nila siya ng maayos.” Tugon ng matanda.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa kinatatayuan ko. Gulat na gulat ako sa narinig. Parang inugatan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Nung makauwi ako, nagpaalam ako sa nanay ko upang pumunta sa binanggit na ospital ng matanda.
Alas-8 ng gabi ng dumating ako sa ospital. Agad na tumungo sa information center at itinanong sa reception kung saan naka-confine si Jerome. “Miss saan po ang room ni Jerome?” tanong ko sa nurse na humahangos. “Room Garnet po sir. Sa 2nd floor.” Sabi ng nurse.
Dali dali akong pumunta sa room na iyon. At nakita ko si Jane, na umiiyak sa may bungad ng pinto.
“Jane, pssstt!!”
Bigla niya akong nilingon kung nasaan ako at bigla siyang tumakbo sa kinaroroonan ko. Napansin ko rin na umiiyak siya.
“Kuya Speed!! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni kuya doon sa loob.”
“Ano ba ang nangyari, Jane? Sabihin mo sa akin.”
At doon na sinabi sa akin ni Jane ang lahat lahat. Nalaman ko na palagi na lang nabubuwal si Jerome at kung minsan ay nahihilo. Lagi siyang nagsusuka ng dugo. Ilang beses na siyang pinapupunta sa doctor ngunit ayaw niya talaga. Hindi raw niya kasi kayang tanggapin kung may karamdaman nga siya o wala. At sa kanya ko rin napag-alaman ang tunay niyang karamdaman… LEUKEMIA. Hanggang sa kalaunan ay pumayag na siyang magpatingin sa isang doktor.
Natahimik si Jane sumandali. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin at ibuhos sa balikat ko ang lahat ng saloobin. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, “Kuya bakit ang tagal mo hindi nagparamdam? Bakit mo siya iniwan? Alam mo ba na lagi ka niyang hinahanap araw-araw? Kuya nangako ka sa akin na hindi mo iiwanan si kuya kahit kailan. Bakit mo ginawa ito? Bakit?” at walang tigil niyang sinusuntok ang aking dibdib.
“Jane, hindi ako lumayo. Ngayon nagbalik na ako. Jane gusto ko makita ang kuya. Samahan mo ako sa kanya.”
Inihatid ako ni Jane sa kuwarto kung saan nakaconfine ang kuya niya. Pagkapasok ko ay nakita ko ang mama nila na tumatangis sa gilid ng kama at si tito Johnny ay nakatayo sa may gilid, nakasandal sa pader at nakayuko. Napatingin sila sa akin pagpasok ko ay sinalubong nila ako ng yakap.
“Kanina ka pa niya hinihintay. Sige na lumapit ka na,” sabi ng mama niya.
Lumapit ako sa higaan niya. Doon ko napagmasdan ang pagbabago ng hugis ng kanyang mukha. Pumayat ang kanyang mukha. Tila nawalan na siya ng sigla. Nawalan ng ganang mabuhay pa.
Naisipan muna ng mga magulang niya na lumabas upang kumainat ipaubaya sa akin ang pagbabantay.
Hinawakan ko ang kamay niya saka ko pinisil. Doon ay kinausap ko siya, “Jerome, kung naririinig mo ako, pisilin mo ang kamay ko. Narito na ako.Dala ko ang paborito nating bananacue at siopao na binibili natin sa tapat ng school ko.” Matagal tagal bago siya tumugon sa sinabi ko. Bigla niyang pinisil ang kamay ko. “Uuuunnnngggghhhh!!!” iyon lang ang tanging narinig ko mula sa kanya. Maya maya ay idinilat niya ang mga mata at ako ang una niyang nakita. Ngumiti siya. “Speed,” sabi niya, “mabuti dumating ka. Namiss kita.”
“Ang daya daya mo naman eh. Sabi natin sa isa’t isa hindi tayo dapat maglilihim. Pero bakit mo inilihim sa akin na may sakit ka?” tanong ko sa kanya na umiiyak.
Ngunit napangiti lang siya sa akin sa kabila ng pagiyak ko sa harap niya. “Ayokong magalala ka pa sa akin.” Tugon niya.
Natahimik na lang kami sumandali. Maya maya ay nagsalita siya, “Speed, isandal mo naman ako.” At isinandal ko nga siya, itinayo ko ang unan upang may masandalan siya, at para huwag ko na rin siyang mabigyan ng sama ng loob.
Pagkasandal ko sa kanya ay nagusap na kami.
“Speed sorry, hindi ko na matutupad pa ang pangako ko sayo.”
“Na ano?”
“Na… magsasama tayo habang buhay.”
Bigla na lang akong naiyak sa sinabi niya, “huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Gagaling ka pa Jerome. Alam ko gagaling ka pa. Diba magsasama tayo hanggang pagtanda natin? Kapag matutulog tayo sa kuwarto mo, pagmamasdan natin ang mga bituin, maghahanap ng zodiac signs sa langit, tutugtog ka pa ng gitara sa akin, kakantahin natin ang Loversmoon at What Matters Most, pupuntahan mo pa ako sa school, pupuntahan natin palagi yung puno at kasama natin si Jane na maglalaro palagi,at saka magsisimbang gabi pa tayo sa makalawa, di ba magsasama pa tayo, diba?”
Hindi na siya sumagot. Namasdan ko na lang ang pagngiti niya. Parang wala siyang dinadalang problema sa sarili niya. Napakagandang pagmasdan.
Humaba pa ang naging usapan naming hanggang sa… “Speed, puwede ba ako sumandal sayo?”
Pumayag ako upang hindi siya mabigyan ng sama ng loob. Niyakap ko siya at niyakap din niya ako. At higit kong napansin ay nung hinawakan niya ang braso ko sabay sinabing, “Speed, I love you.”
“I Love you too, Jerome.” Sabi ko sa kanya.
11:30 ng gabi. Makakatulog na ako ng mga sandaling iyon na yakap yakap ko pa siya ng…. biglang narinig ko ang isang matinis na tunog ng ECG. ”Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppp!!!!!!!!!” ang tunog na nagmula sa ECG. Nataranta ako ng marinig ko iyon. Ibig sabihin, hindi na mahanap ng ECG ang tibok ng puso niya, o ang mas nakakatakot, huminto na ang tibok ng puso niya. Nagsimula na akong humagulgol habang yakap siya. Walang tigil, walang humpay. Gusto ko na magwala ngunit nakita ko ang krusipiho sa may uluhan niya. Pagkapansin nito ay umusal ako ng dasal, “Panginoon, alam ko marami akong pagkakasala sa Inyo. Alam kong naging makasalanan din akong anak sa Iyo dahil pinasok ko ang relasyong ito na mali sa paningin Mo at sa ibang tao, ngunit nakikiusap ako, pahiram naman niya kahit sandali lang. Kung oras na niya, buong puso ko siyang ibibigay sa Iyo. Ngunit kung hindi pa, pahiram ng puso Mo kahit huwag na lang sa akin kundi para sa pamilya niya.“
Iyak pa rin ako ng iyak. Walang tigil na pagluha. Hanggang sa hindi ko namalayang, iginalaw niya ng kanyang ulo at at ibinalik niyang muli ang paghawak sa braso ko. “Diyos ko, salamat po.” Iyon lamang ang tangi kong nasambit at tinignan ko ang kanyang mukha. Lalo siyang pumuputi. Ibig sabihin ay unti-unting nauubusan na siya ng dugo sa katawan.
Maya maya ay nagsalita siya, “Speed, magpapaalam na ako. Gusto ko na magpahinga.” Labag man sa kalooban ko, ngunit hinayaan ko na siya. “Sige na Jerome, kakayanin ko ngayon ang sarili ko at magpapakatatag para sayo.”
11:50 na nang tuluyang binawian na siya ng buhay. Tuluyang nalagot ang kanyang hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at tanggapin ang mga nagaganap. Ngunit ang higit na masakit ay namatay siya sa kandungan ko.
Saka naming pagdating nina Tita Liza. Umuwi pala sila upang kumuha ng mga damit na maipampapalit ni Jerome. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan, ang walang buhay na katawan ni Jerome na nasa bisig ko. Hindi ko na sila ininda nung pumasok sila dahil nakatingin ako sa may bintana habang lumuluha at hinahalikan ko ang buhok ni Jerome.
“Speed, baka nagugu….”
“Tita, iniwan na niya tayo…”
Niyakap nila kaming dalawa. Si Tito Johnny ay lumayo, lumabas ng kuwarto, at narinig kong sinusuntok niya ang pader ng ospital at humahagulgol. Nagpaalam ako sa kay Tita Liza na susundan ko lang si Tito Johnny. Doon ko siya natagpuan sa may gilid ng kuwarto kung saan nakaconfine si Jerome.
“Tito, tama napo. Hindi lang po kayo ang nasasaktan,” sabi ko habang pinipigilan ko siyang suntukin niya ang pader.
Bigla niya akong niyakap at sinabing, “Ang sakit mawalan ng anak, Speed. Sana ako na lang ang nagkaroon ng ganoong karamdaman. Sana ako na lang ang namatay. Sana ako ang nasa katayuan ni Jerome. Napakaraming pangarap ang gusto pa niyang matupad. Napakabata pa ng anak ko, ngunit maaga na rin siyang nawala.”
Tatlong araw siyang nakaburol sa bahay nila. Sa panahong iyon ay hindi ako pumapasok sa school. Tumawag din ako sa bahay nila upang ipaabot ang pakikiramay ng mama ko sa kanila. Nagpaliwanag na rin ako na hindi ko kayang makita si Jerome sa loob ng kabaong kaya hindi ako makapunta sa kanila. Alam kong naintindihan nila ang aking kalagayan, batid kong may pagtatampo pa rin silang nadarama dahil sa hindi ko pagsipot sa burol ni Jerome.
Dumalo lang ako nung araw ng libing. Doon ako pinaupo ni Tita Liza at tito Johnny sa tabi nila, sa tabi ni Jane. Niyakap ko si Jane nang mahigpit at doon ko sa kanya ibinuhos ang lahat ng pagdurusa ng aking kalooban. Nung mapansin ni Tita Liza na umiiyak na kami ni Jane, yumakap na rin siya sa amin. Hanggang sa maihatid siya sa huling hantungan, walang patid pa rin ang paghagos ng luha.
Sa totoo lang, ay maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko. Bakit pa siya binigyan ng buhay kung babawiin rin lang pala siya? Katulad rin ng kanyang ama, napakabata pa niya upang danasin ang ganooon uri ng pakikibaka. Bakit hindi na lang ako ang kinuha niya sa halip? Sa akin, wala nang nagmamahal, ngunit kay Jerome, marami.
Nagpunta na rin ako sa chapel na pinupuntahan namin at pati na rin sa puno ng mangga. Nakaukit pa rin doon ang mga pangalan namin. Sa bawat punta ko doon, hindi maiwasang tumulo ang luha ko.
Sa bahay, pagtapat ko sa aming altar, doon ako nagsimulang magtanong sa Panginoon, “Lord, mahal mo ba ako? Bakit ko kailangang danasin ang ganito? Lord, minsan lang may tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging ganito ako. Hindi ka ba masaya na may nagmahal sa akin? O sadyang ayaw mo lang talaga na pasukin ko ang ganitong relasyon? Ano pa ba ang gusto mo? Kulang pa ba ang pagdurusa ko? Kulang pa ba ang dinadanas kong paghihirap ng kalooban?”
Nagpakalayo layo ako upang madaling makalimot sa nangyari. Nagpunta sa kung saan saan. Ngunit hindi ko pa rin ito maiwaksi sa isip ko. Lahat ng alaala namin ay nasa isip ko palagi. Nagpakonsulta na rin ako sa isang psychologist at psychiatrist, ngunit lahat sila, parang walang naitulong sa akin. Matagal din ako bago nakamove on. Apat na taon kong kinimkim sa sarili ko ang sakit ng pagkawala niya. Lahat ay ibinuhos ko sa pagaaral upang kahit papaano ay maiwaksi ko sa isipan ang pagkawala niya ngunit hindi ko talaga magawa.
Nung minsan ay pinuntahan ako ni tita Liza sa aming bahay. Inihatid niya sa bahay namin si Jane at nakiusap na kung maaari ay bantayan ko muna siya. Pumayag naman ang nanay ko noon dahil sa alam niyang kapatid niya si Jerome. At least kahit paano, ay may makakasama ako sa bahay.
Napansin niyang sinisikap kong maging abala sa bahay. Ayoko kasing walang ginagawa dahil baka maalala ko lang muli si Jerome at iiyak ako. Kaya tinawag niya ang atensiyon ko noong balisa ako, “Kuya Speed,” sabi niya.
“Bakit? May kailangan ka ba? Kasi Jane, maglilinis pa ako, magluluto pa ako maya maya, ang dami ko pang gagawin eh,“ sabi kong halos maluha luha na.
Bigla niyang tinapik ang katabing upuan niya at sinabi sa aking, “Dito ka muna sa tabi ko kuya.”
Nung tumabi ako na ako sa kanya, bigla niya akong niyakap at sinabing “Kuya, gusto mo bang umiyak? Sige lang ilabas mo.”
At doon ko tuluyang naipalabas ang lahat lahat ng saloobin ko. Umiyak ako sa bisig ng isang pitong taong gulang na bata. Sa kanya ko ibinuhos ang kalungkutan na dala dala ng aking puso. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod na ang mga mata ko kaya’t pinipigilan ko ang emosyon ko na lumabas.
“Jane, sorry. Miss ko lang kasi si kuya eh.” Yun lang ang nasabi ko sa kanya.
Noong second year college ako, doon ko nagawa ang mag bagay na hindi dapat gawin. Dahil sa masyado na akong depressed sa pagkawala niya, ay tinangka kong wakasan ang sarili ko. Alam kong mali ang ginawa ko ngunit hindi ko na rin napigilan. Nilaslas ko ang pulso ko. Pagkagising ay nasa ospital na ako. Doon ko lubusang nakausap ang lola ko at nasabi ang lahat sa kanya. Pati na rin sa mama ko. Nagulat silang dalawa sa aking ipinagtapat. Pinasok ko ang isang relasyon na sa paningin ng Diyos at sa tao, ay hindi dapat. Kung magalit man sila sa akin, wala akong pakialam. Ngunit lalo nila akong lubos na naunawaan.
Kaya nung malaman ko mula sa mga classmate ko na nakikinig pala sila kay Joe D’ Mango sa programang Lovenotes sa isang radio station, hindi ako nagdalawang isip na ibahagi rin sa kanya ang buhay ko at upang makahingi ng payo sa dinadala kong bigat ng saloobin.
Ginamit siya ng Panginoon, alam ko, upang mamulat ako sa tamang landas. Napakaganda ng naging payo niya sa akin. Pagkarinig ko ng payo niya, ay humingi ako ng tawad sa Panginoon sa lahat ng nagawa ko. Sinabi rin sa akin ng lola ko na kapag binawi niya ang isang bagay, ay may magandang kapalit na sa akin ay naghihintay.
Kahit paano, nakamove on na rin naman ako sa nangyari dahil na rin sa nagging payo ni Joe sa akin. Hindi ako dapat magdamdam, bagkus ay maging inspirasyon ko ang nangyari upang maging matatag na harapin ko ang bukas.
Nais ko nga palang gamitin itong site mo upang maipahatid ko kay Jane ang aking mensahe para sa kanya:
Dear Jane,
Kamusta ka na? Sana habang nagsesearch ka sa Internet ay mahanap mo ang MSOB. Alam mo Jane, miss na miss na kita. Sigurado ako na dalaga ka na sa ngayon, nasa 15 or 16.. Hinahanap kita sa Facebook ngunit hindi kita makita. Jane, sana isang araw, makasama kita. Maglalaro ulit tayo at mamamasyal kahit saan. Kahit na wala na si Kuya Jerome mo, promise ko na hindi ka naman mawawalan ng isa pang kuya, ang iyong Kuya Speed. Narito pa rin ako, naghihintay sa iyo. Magmahal man akong muli ng iba, hindi pa rin magbabago, ganun pa rin tayo. Alam mo naman kung gaano ako kasabik na magkaroon ako ng kapatid na babae, at alam kong ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord. Magmula talaga nung umalis kayo, ang nasa isip ko ay gusto ninyo na rin mag-move on. Ganun din ako Jane, pero sa totoo lang, medyo nasaktan ako dahil pakiramdam ko, tuluyan na kayong lumayo sa akin. Simula talaga noon, wala na tayo communication. Nangulila ako sayo ng lubos, kay tita at tito. Lahat ng pictures namin ng kuya mo, lahat nakatabi pa sa akin yun, ganun din yung sa ating dalawa na madalas kong pinagmamasdan. Jane, sana kung mabasa mo ang sulat kong ito, magpost ka lang ng comment dito, mas maganda kung buong pangalan mo at least alam kong ikaw yun. Jane, kahit anong mangyari hihintayin kong magpost ka dito. Wala akong hinanakit sa inyo ni tita at tito. Nauunawaan ko kayo. Ikamusta mo na lang sa kanila. Kahit umabot ng kailanman, maghihintay ako sayo. Paalam.
Love, Kuya Speed.
Kuya Mike,
I just want to thank you for giving me the chance to share my story to you and to my fellow readers. Matagal ko na kasi sinabi ito sayo that I am going to share this pero nagdadalawang isip ako before. Kasi hindi maiiwasan ang mga criticisms. Hindi ko kasi kaya kuya Mike na tumanggap ng ganun. Ok lang ang positive and negative comments. Sana sa pagpost ko dito ng story ko, magkaroon ng magandang result. Hinahanap ko kasi si Jane. And I posted my letter to her. Sorry kuya kung ginamit ko ang blogspot mo just to find her. I feel kasi
Speed

No comments:
Post a Comment