By: Life is Pink
PAGSASAMA
Kaya noong gabi pa lang ng katapusan maaga pa ay nandoon na agad si Larry upang ako ay sunduin at tulungang magbuhat ng aking mga gamit. Larawan sa kanyang mukha ang tuwa at galak, para bang hindi na matatapos ang kaligayahang kanyang nararamdaman. Nang matapos akong mag impake at nakapag paalam na sa aking landlady ay binuhat na namin ang aking mga gamit at tumawag ng taxi na maghahatid sa amin sa kanilang tirahan.
Pagdating namin sa kanila ay agad kaming sinalubong ni Flora sa gate pa lang at tinulungang magbuhat ng aking mga gamit papasok sa aming magiging kuwarto. Sinalubong din ako ng mama nya at nakangiti niya akong niyakap. Di ko alam kung me alam siya sa nangyayari sa amin ni Larry o hinahayaan na lamang nya ito para sa kaligayahan ng kanyang anak. Ganunpaman, ramdam ko ang warm welcome nila sa kin.
Pagkatapos naming mag- ayos ng aking mga gamit ay lumabas na kami ng kuwarto kasi nga kangina pa tumatawag si Flora at ang kanyang mama, handa na daw ang mesa para sa aming hapunan. Paglabas naming ay deritso na kami sa mesa.
“Siyanga pala, dapat mama na rin ang itawag mo kay mama kasi di ka na iba sa amin at lalong lalo na’t dito ka na rin nakatira sa amin,” ang mungkahi ni Larry.
“Oo nga naman,” ang ganting tugon ng kanyang mama.
“Eh di sige po, mmm..mama kung yan ang nais nyong ipatawag sa akin."
Kaya simula noon mama na rin ang itinawag ko sa kanyang ina.
Pagbalik namin sa kuwarto ay lumabas lang ulit ako para magbanyo at dali dali na akong bumalik sa aming kuwarto,syempre excited kasi first night yata namin ito together. Kaya dali dali rin si Larry rin pagkatapos ko at siya naman ang pumasok sa banyo, dapat daw mabangong mabango siya at handang handa para sa aming first night.
Nang pumasok siya sa kuwarto ay nakahiga na ako, at ready na sa aming honeymoon, hahaha. Humiga na rin siya at agad ay yumakap sa akin.
“Alam mo ang liga- ligaya ko kasi magkasama na tayo parati. Sana magtagal tayo at manatili ang pag- ibig mo sa akin hanggang wakas,” sabay yakap at halik sa aking labi at muli naming pinagsaluhan ang kaligayahan sa aming unang gabi.
Ang saya saya namin wala kaming ginawa kundi magharutan at magpalasap ng kaligayahan sa isa’t isa. Umuuwi ako ng maaga para mag prepare ng aming dinner. Pagdating nya ipaghahain ko siya, nakahanda na rin ang kanyang damit na pantulog. At sa umaga naman gumigising ako ng maaaga para ma prepare ko ang breakfast namin. (Kahit kasi andon si Flora mas gusto ko ako ang maghahanda ng pagkain namin). Ako rin ang nagpaplantsa ng damit namin kasi gusto ko pagpasok nya sa umaga ako ang maghahanda ng kanyang susuutin. Si Larry naman ang parating namamalengke at nag gro-grocery. Tuwing anniversary naman namin ay nagyaya siyang kumain sa labas at doon namin ito isini-celebrate.
Ngunit habang tumatagal at nakikilala namin ng lubusan ang isa’t isa ay unti unti na kaming nagkakaroon ng conflict. Katulad na lamang minsan ay inabot ako ng malakas na ulan sa shop at di agad ako nakauwi sa bahay nagkataon naman ng tumawag siya ay lumabas ako sandali, pag uwi ko ng bahay talo pa namin ang aso’t pusa sa aming banagayan. Sobrang seloso si Larry wag lang ang ma late ako ng konti o di ako makatawag sa kanya ay iba na agad ang kanyang iniisip. Kapag tumawag siya na naka off ang cellphone ko, humanda ka na siguradong away na naman. Kaya nga kahit umuuwi ako ng probinsiya kasama ko rin siya para wala ng away. Pinakilala ko na rin siya sa aking mga magulang at mga kaibigan para di na siya maghinala. Ganon daw yata talaga, sabi nga ang selos sobrang pagmamahal yan. Kapag nag away pa naman kami minsan isang linggong walang kibuan yon.
Minsan nga umuwi ang kaibigan kong nagtratrabaho sa Italy. Panay ang invite nya sa akin na lumabas kami at treat nya daw ako di ako makapagsalita kung sasama ako o hindi kasi nga alam ko na kapag sumama ako away na naman yon. Simula kasi ng magsama kami di na ako sumasama sa barkada dahil nga ayaw ni Larry, ayaw ko kasing mag aaway kami dahil lang don. Ito lang naman ang malimit naming pag-awayan. Pero kapag sa trabaho na kailangan kung mag OT di siya nagagalit. (Lumipat na nga pala ako ng trabaho sa isang sikat na salon sa mall).
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA.
No comments:
Post a Comment