Saturday, June 30, 2012

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 8

The kiss sent shivers down his spine. It made his knees even weaker. Good grief he wasn't standing. Isinisigaw ng isip niya na lumayo siya sa lalaking ito ngunit iba ang sinasabi ng kanyang katawan, ng kanyang puso. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at nagkakaganoon siya?

Umangat ang kamay niya para itulak ito ngunit hinuli lamang ni Pancho ang kamay niya.

"L-let me go" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi niya ng pansamantalang bitiwan nito ang kanyang labi.

"You're free to go anytime,sweet. The question is do you want to?"

Noon niya naunawaan na binitiwan na nito ang kanyang kamay. Naka-alalay na lamang ng bahagya sa kanyang baba ang mga daliri nito. Anumang oras ay maari siyang umatras at tumayo upang makahakbang palayo rito, ngunit naroroon pa rin siya at parang naka-glue na sa pagkakaupo.

Inipon niya ang kanyang willpower para lamang manghina ulit ng bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya upang siilin siya ng banayad na banayad na halik.

To put it simply - It was perfect.

Naalala tuloy niyang bigla ang mga reyalisasyon na nadiskubre niya noong gabi ng pagdiriwang para sa kanilang engagement ni Katrina. 

Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang makipaghalikan ng ganoon kapusok. Ganoon karubdob sa isang lalaki ng parang wala ng bukas.

Natuklasan niya na ang atraksiyon na nadarama niya para sa lalaking ito ay mas matindi pa sa sikat ng haring-araw. Nakakalula ang intensidad ng emosyong nakapaloob sa ginawa niyang pagka-alala sa halik na iyon.

Ikalawa ay ang kakaibang pakiramdam na ginising nito sa kanya na hindi pa rin niya magawang pangalanan hanggang ngayon. It was as if he wanted not just a kiss from him but the whole person as well. And everytime he tried to name the feeling, every effort was futile. Mas nahuhulog lang siya sa mas malalim na pag-iisip.

To put it simply. He's confused.


HINDI ganoon ang unang plano ni Panchito. Ngunit nauunawaan niyang ang kanyang mga naunang hakbang ay hindi na maaaring patagalin pa. Hindi na siya maaaring magpatumpik-tumpik pa at kailangan na niyang kumilos ng mabilis at umaksiyon sa kasalukuyang sitwasyon ngayon. Kailangan na niyang makapaglagay ng pag-aalinlangan at pagdududa sa isip ni Gboi para sa gagawin nitong pagpapakasal kay Katrina.

Wala lang siyang ideya na bago ang gabi ng kanilang "sagupaan" na dalawa ay mag-eenjoy siya sa gagawin nang higit pa sa inaasahan niya. Gboi's lips were the sweetest he had ever tasted. Aminado na siya roon bagaman at may pagtataka pa rin ay tanggap na niya iyon. Siya ang uri ng taong madaling makatanggap ng mga pagbabago sa paligid at isa na roon ang instant na pagkahumaling niya sa labi ni Gboi. Gaano man iyon ka-wierdo at kasagwang pakinggan.

Marahil ay maswerte na rin siya at nagkataong ganoon ang naging epekto nila sa isa't-isa. Kung Katrina kasi ay hindi siya uubra sa taray ng babae. Masyado itong mapagmataas. Ni hindi siya makalapit ng hindi ito nakabulyaw. Swerte at silahis pala si Gboi. 

Napakalakas ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa. It was a kind of tension that no one could deny. It was sexual. It was physical. Nagtataka man kung paanong nangyari iyon ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Tutal naman, it was not dirty or lewd. It was very natural.

Ngunit kailangan pa rin niyang mag-ingat. Hindi pa siya nakakapag-establish ng matinding emosyon dito para sa kanya. Kumbaga sa hagdanan, marami pa siyang aakyating baitang. Halik pa lamang ang sa kanila. Samantalang ang kina Katrina at Gboi ay isa ng opisyal na kasunduan.

He'll make sure this was going to be pleasurable for Gboi. Iyon ang isang bagay na malinaw na malinaw na maari niyang ibigay dito. At least. Para sa isang collateral damage.

Hinaplos niya ang pisngi nito. Bakas sa mga mata nito ang pag-asam. Parang batang humihiling. Hindi maiwas na mapangiti siya sa nakita habang hinahaplos ang makinis na pisngi nito.

"Alam mo bang kapag nakatingin ka sa akin ng ganyan sa akin ay gusto na lang kitang halikan ng halikan."

Nagkaroon ng pagdududa sa mga mata nito at alam ni Pancho na dapat niya iyong pawiin kaagad. Muli niya itong siniil ng halik. Nagtatanong tuloy siya kung paano nangyayari iyon.

Bakit ito nagpapahalik sa kanya ng basta na lang? Bakit naman gustong-gusto niyang halikan ito? Bakit naman hindi ito tumututol? Bakit parang nag-eenjoy na siya ng husto sa paghalik-halik dito? Hindi ba nito mahal kahit kaunti man lang si Katrina? Normal lamang ba ang lahat ng iyon? Kung ganoon ay bakit pa ito pumayag na magpakasal sa babae kung talagang mas malakas ang atraksiyon nito sa kapwa lalaki? Ahh!!! Nalilito na talaga siya.

Gusto niyang malaman ang lahat. Sa kabila ng kaalamang nagugustuhan na niya ang mga nangyayari ay mali pa rin iyon kung tutuusin. Hindi siya dapat na naaapektuhan sa halik ng kapwa lalaki. 

"MAGIGING MASAYA KA BA SA KANYA?"


Mga salitang nagpagising kay Gboi mula sa tila mahabang pagkakahimbing sa nakaka-hipnotismong halik ni Pancho. Kumalas siya rito at umatras bago tumayo at tuluyang humakbang palayo rito.

"God!" Sigaw ng isip niya. Ano bang nangyayari at nakita lamang niya ito ay ganoon na kaagad ang eksena sa kanilang dalawa? Nanatili lang siya sa pagkakatalikod dito. Naninigas pa rin ang kabahagi ng kanyang katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. Nababaliw na nga siguro talaga siya.

Huminga siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili at katawan. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kanyang likuran at ang pag-ingit ng upuan.

"Ipinatawag mo raw ako?"

Narinig niya ang mahinang pagtuktok nito sa lamesa niya.

Iniayos niyang muli ang pakiramdam bago ipinasyang humarap dito. Bahala na si Batman. Unit-unti siyang bumalik sa pagkaka-upo.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang chief mechanic ng kumpanya." gusto niyang palakpakan ang sarili at nakisama ang kanyang boses habang nagsasalita. Nanginginig pa rin kasi ang kanyang kalamnan.

"Ako ang in-charge sa mga service vehicles natin. Under siyempre, ng supervision ng kapatid mo." matter-of-factly na turan nito. 

Naalala naniya na dalawa nga pala ang departamento na hawak ni Elric. Ito nga rin pala ang naka-assign sa man-power at deployment ng kanilang mga agents sa probinsya at karatig-lugar.

"Hindi mo ba talaga alam o, paraan mo lang ito upang makita akong muli?" panunudyo nito sa kanya.

Napatanga siya rito at bahagyang namula sa sinabi nito. He replied indignantly. "Oh boy! Kasing-taas ng mga building dito sa Makati ang tiwala mo sa sarili, no?"

He twitched his lips in a facsimile of a smile. "Masyado kang defensive Gboi. Samantalang gustong-gusto mo naman na nadirito ako. Eh, kung hinahalikan kaya ulit kita riyan?" 

"You have no scruples, Vergara!" 

"So I've been told. Don't you want to find out just how decadent I am?"

Bahagya siyang napatanga rito. Hindi pa rin siya nasasanay sa lalaking ito. Naiilang pa rin siya sa pagsagot nito sa ingles. Mukhang napakahusay nito. Ipinasya niyang isatinig ang nasa isip.

"Mukhang magaling ka sa English. Anong kurso ang natapos mo?"

He heard him chuckled. Tiningnan niya ang mga ngipin nito. Pantay-pantay lahat iyon at parang sa commercial model ng toothpaste.

Hinawakan nito ang baba at sa pakunwaring pag-iisip ay pumorma ito. Tumiim ang mga mata nito na nakatitig sa kanya na bahagya niyang ikinailang.

"Mas magaling pa ako sa mas maraming bagay. Iyon lang ba ang gusto mong malaman? Sabihin mo lang at marami pa akong interesanteng kayang ipakita at gawin sa iyo." nanunukso ang tinig nito.

He suddenly felt hot all over again. Napa-iling na lamang siya.

"That didn't answer my question." He replied.

"It's irrelevant."

"It is not!"

"It is."

Naunawaan niyang kinukulit lamang siya nito sa pagkakataong iyon. Hay!Kung bakit ba naman ayaw tumigil sa pagrigidon ang puso niya. At kung bakit ayaw nitong tumigil sa ginaggawa nitong iyon. Kaya naman niyang harapin ng maayos ito, only if he'd stop being so charming, annoying and dangerously handsome all at the same time.

Napabuntong-hininga siya at ipinasya na sabihin na lang ang dahilan kung bakit niya ito ipinatawag para matapos na ang paghihirap ng kalooban niya. Torture na iyon na maliwanag.

"Anyway, ipinatawag kita dahil makikisuyo sana ako na sunduin mo ang mga ipina-kuha kong sasakyan sa States. Ayoko ng bumili ng bago at wala na akong panahon." pag-iiba niya ng usapan.

Nakataas ang kilay na umayos ito ng upo sa pasasalamat ng kalooban niya.

"Darating ang mga iyon bukas ng alas-dies. I've already asked my secretary for the authorization ng sundo na makarating hanggang sa tarmac. Nakontak ko na rin si Mr. Tan at sinabing iko-coordinate na lang daw niya kayo bukas sa mga tauhan niya. Here are the papers na kailangan with regard sa Customs, if ever, magkaroon ng questioning." business-like na ang tinig niya.

Iniabot niya ang papeles dito ngunit imbes na ang mga papel ang abutin nito ay ang mismong kamay niya ang hinawakan nito.

Napatitig siyang muli rito. His resolve was weakening moment by moment ng dahil sa lalaking ito. Parang may ilang-libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa pagkakahugpong na iyon ng kanilang mga kamay sa kanyang katawan.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" nanghihinang tanong niya. Wala na suko na siya.

Pancho just stared at him. Muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. Napapraning na siya sa intimacy na ipinaparanas nito sa kanya. Di bale sana kung babae siya. Ang haba na siguro ng buhok niya. Naiinis na ibinaling niya ang mukha palayo rito para lamang pigilan iyon ng mga palad nito.

"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". Bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kaka-iwas sa akin?" 

Napaawang na lamang ang mga labi niya. Somehow, this man always managed to make him at a loss for words...


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...