Oh my God. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Ang puso ko nalaglag sa paanan ko.
Ang tahimik ng lahat. Walang ni-isa samin ang nagbukas ng bibig para magsalita.
Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Napaupo nalang ako. Please! Patayin niyo nalang ako.
Tinayo ako ni Matteo at pinaupo sa sofa. Narinig kong naglalakad si Sharlene patungo sa lazy boy. Umupo si Matteo sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa sahig. This is not happening. Hindi pa ako handa ipagtapat kay Sharlene ang lahat. Kaya lang, napasubo na ako.
Tinitingnan pala ako ni Sharlene. Hindi ko napansin. Ano kayang iniisip niya?
“Kelan pa?” Siya na ang bumasag sa katahimikan.
“Eleven months ago,” sagot ko.
“Oh my goodness. Ganun na kayo katagal?” gulat niyang sabi.
Tumango lang ako. Nakatingin sa sahig. Di ko makuhang tumingin manlang sa kanya.
“Over ka, Dan!” biglang sabi niya.
Sa gulat ko sa iniba ng tono ng boses niya, napatingin ako ng derecho sa kanya.
“Bakit?” tanong ko. Napatingin din ako kay Matteo. Siya rin pala nagulat sa naging reaksyon ni Sharlene.
“Diyos ko ha. Itago daw ba? Best friend ba kita? As in?” nakangiti niyang sabi.
Totoo ba to? Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon sa kanya. Akala ko magwawala siya at pagsasampalin ako.
“Di ka galit?” tanong ko.
“Sus! Ano pa nga bang magagawa ko? Nanjan na yan eh!” Tumayo siya nilapitan ako. “Alam mo, best friend kita. Kahit na ano ka pa, tanggap kita.”
Niyakap ko siya. Para akong nabunutan ng tinik. Naramdaman ko ring unti-unti umakyat ang puso ko sa dibdib ko. Ok, OA lang. Pero parang ganun na rin ang naramdaman ko sa sobrang saya!
“Salamat,” bulong ko sa kanya.
“Sus! Arte mo!” Nagtawanan kaming tatlo. Hinawakan niya ang kamay ni Matteo. Nakangiti.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Mukhang nasa side ko ang tadhana ngayon.
“Swerte mo! Matabang isda ang boyfriend! Naman!” biro niya.
“Loka-loka,” natatawa kong sabi. Inakbayan ako ni Matteo. Masaya rin si loko.
“Bakit ba? Alam mo ba ang bulong-bulungan sa publishing house? Si Matt daw ang number one sa Hottest Bachelor list. Magiging official na yun pag labas ng magazine. Saka grabe! Rarampa si Matt sa Bachelor Bash! Kainggit ka, Dan!” tuloy-tuloy niyang sabi.
“Minsan lang ako swertehin, no!” sabi ko.
“Hey! I’m the lucky one between the two of us. Because you returned,” nakangiti niyang sabi sakin. Ngayon lang ako ulit kinilig. Nakalimutan ko na kung anong pakiramdam nun.
“Ano ba yan! Nakakasuka!” biro ni Sharlene.
Binato ko siya ng unan. Napaka-light na ng atmosphere sa pad ni Matteo. Di gaya kanina na tensyonado.
“Teka lang, ano nga pala ang ginagawa mo dito?” tanong ko kay Sharlene.
“Inaakit si Matt, bakit? May angal ka?” sabi niya.
“Excuse me, malaki ang tiwala ko kay Matty. Di niya ko ipagpapalit sa sexing katulad mo!” natatawa kong sabi.
“Loko ka talaga! Hmmmm… Aminin! Sexy talaga ako!”
Pumarada pa siya sa harap namin ni Matteo. May sayad talaga itong si Sharlene.
“Pero seryoso, nagpunta ko dito para kamustahin ka kay Matt. Diyos ko ha! Sarili kong best friend di nagsasabi sakin. Nagbakasakali lang naman ako baka may alam si Matt sa problema mo. Di ko akalaing ikaw pala ang magsasabi ng lahat.”
Tumango ako. Nakaakbay parin sakin si Matteo. Di na ko nahiya. Hinawakan ko na yung kamay niya.
“Ano ba? Kelangan ba talaga yan?” sabi ni Sharlene sa pag-holding hands namin ni Matteo.
“Inggit ka lang,” biro ko.
“Hay naku. Matawagan nga si Sean!” Tapos napatigil siya. “Ay! Sorry! Hindi pala. Atin lang to.” Tapos nagkiss siya sa direksyon ko.
“Hoy alagaan mo si Sean ha. Saka sabihin mo salamat sa advice niya nung isang araw.”
“Ha? Kelan ito? Nag-date kayo?” Ang OA ng reaksyon niya.
“Hoy tumigil ka nga. Adik ka talaga!”
“Di nga? Nag-advice siya sayo? Shit! Parang mas lalo ko siyang minahal!”
Ito talagang babaeng to, sa isip ko. Pero mas lalo ko siyang minahal bilang best friend ko. Siya na yata ang pinaka-best sa lahat ng best. Gulo no?
“Hay naku talaga! Buti nalang at hindi tayo pinakasal ni Daddy kundi… Nako talaga,” biro niya.
Napatawa ako ng malakas.
“So, Dan. Matagal mo na bang alam? Na yan ang gusto mo?” tanong niya.
“Oo. Nung college pa.”
“Oh my God talaga! Di nga? Over!” gulat siya.
“Oo nga. Kulit!”
“Pano?”
“Nung naging kami ni Franz.”
Halos lumuwa yung mata niya. “Franz Bustamante? Naging kayo?”
Tumango lang ako.
“Sus! Baka may ibang sikreto ka pa jan, lubusin mo na. Baka bukas hindi ko na ma-take.”
Natatawa si Matteo sa tabi ko. “Ano ba. Wala na.”
“Sure ka ha?”
“Sira! Syempre naman!” Kinurot ko ang pisngi niya.
Sinakal naman niya ako. “Grabe ka ha! Boyfriend ng bayan ka pala!”
“Ito naman kung maka-boyfriend ng bayan. Siya lang kaya tapos si Matty na.”
“Oy, pero aminin! Ang swerte mo…. Haba ng hair.”
“Hair sa ilong!” sabi ko.
“Loko! Pero sandali. Serious to. Alam na nila Tita?”
“Si Nanay lang. Ayoko ipaalam sa mga kapatid ko.”
Tumango siya. “Good. Tama yan. Basta, I’m happy for you! Sa inyong dalawa. Congrats!”
“Salamat,” sabi ko. “Teka, you haven’t answered me pala, Matty. Will you take me back?” Nakatingin ako kay Matteo.
“Anytime,” sagot niya.
May ginawang sound si Sharlene. Di ko mawari kung ano ba yun. Pero parang kinikilig naman.
“Isa ngang kiss,” sabi niya.
Si Matteo naman, excited! Hinawakan ang ulo at hinalikan ako sa labi.
“Shit!” sigaw ni Sharlene. “Ok, I need to vomit. San nga yung C.R.?”
Nagtawanan kaming tatlo.
——————————————————————
Gumaan ang kalooban ko matapos ang lahat ng nangyari. Wala na kong tinatago kina Nanay at Sharlene. Sila kasi yung inaalala kong masasaktan pag nalaman nila ang totoo. Pero hindi pala. Tinanggap rin nila ako ng buong-buo. May mas sasaya pa ba dun? Ah, oo nga pala. Ang makasamang muli si Matteo.
Isang taon. Grabe, pakiramdam ko parang isang linggo palang mula ng maging kami. Ang tagal na pala namin. Ito na yung pinakamahaba kong relasyon. At pinaka-seryoso.
Naikwento ko na rin pala kay Sharlene ang tungkol kay Franz. Yung pangloloko niya sakin, at yung banta niya samin ni Matteo.
“Kapal ng mukha! Asan ang proof niya na kayo nga? Epal talaga,” sabi ni Sharlene.
“Sana tumahimik nalang siya,” sabi ko.
“Ikaw naman kasi! Di ka nagiingat eh!” Hinampas niya ko sa braso.
“Sorry naman,” sagot ko.
“Hayaan mo siya. Wala naman siyang pruweba. Walang maniniwala sa kanya.”
Sa sinabi niyang yun, parang nakaramdam ako ng konting ginhawa.
Pero panandalian lang pala yun.
Dahil isang araw, nakabunggo ko sa grocery ang demonyo.
Nagkita muli kami ni Franz.
“Look who’s here. The famous Daniel,” sabi ni Franz. Peste talaga to.
Tinignan ko lang siya ng masama.
“Oooh. Aren’t you even gonna say ‘hi’?”
“Marami pa kong gagawin. Tumabi ka sa daraanan ko,” sabi ko.
“Ang suplado mo naman. Let’s have coffee muna. Kasama mo ba si boyfriend? Balita ko kayo na ulit.”
Umiinit ang ulo ko habang nakikita ko siya. Pero naisip ko, siguro time na ito para ayusin kung ano meron samin. At baka mapigilan ko pa kung ano ang maitim niyang balak.
Pumayag akong mag-usap kami. Hindi sa kung ano mang rason. I know what I came for. Yun lang at wala nang iba. Kung iniisip niyang nandun ako dahil may pagmamahal parin ako sa kanya, o kaya eh gusto kong maging magkaibigan kami, aba. Nagkakamali siya.
“So kamusta naman kayo?” tanong niya. Fishing?
“Derechuhin mo na ko. Ano bang pakay mo?” sabi ko.
“Ang hot mo naman. Mag-kape ka muna.”
“Kung inaakala mong masisira mo kami, nagkakamali ka. Ako na ang nagsasabi. Nagsasayang ka lang ng pagod. Kaya kung ako sayo, tumigil ka na. Wala ka namang mapapala eh.”
Natawa siya sa sinabi ko. “Wait a minute. Ako ang sisira sa inyo?”
“Diba yan ang gusto mo? Magkahiwalay kami para maging miserable ako?”
“Oh Dan. I thought you were bright pa naman.”
Lalo akong naiinis habang tumatagal.
“Hindi ako ang sisira sa inyo. Ikaw,” sabi niya.
“What the fuck do you mean? You sound like a bastard with a very hurt ego,” sagot ko.
“Whatever. Pero you’re right. Wala naman akong mapapala kung maghiwalay kayo.”
“Bakit mo ba ginagawa sakin to? Bakit ba ayaw mo kong patahimikin?”
“Fine! I admit, nung una, I wanted to destroy you. Yeah, I was hurt dahil I can’t accept being turned down. Ako nagawa nun eh. Pero ikaw, you turned me down a good number of times. Akala ko umaarte ka lang. Yun pala totoo na. So I decided to pick on you. Destroy you if I can. Turns out, di ko na pala kailangan gawin yun. Dahil you’re doing it yourself.”
“What do you mean?”
“Masyado ka naman yatang confined sa mundo niyo ni Matt? You really have no idea sa tinutukoy ko?” tuya niya.
Umiling lang ako.
“Well then. Like I said, ikaw mismo ang sisira sa inyong dalawa. I don’t think you’ve heard of the rumors circulating about Matt and you, am I right?”
Nakatitig lang ako sa kanya.
“There’s alot of buzz about Matt’s sexuality. Ikaw naman kasi. Hindi ka nagiingat. People always see you together. Isn’t it suspicious? Two good looking guys, hindi mapaghiwalay? And you’re always seen going to Matt’s pad, siya naman lagi kang sinusundo sa bahay niyo. Heck! Ang swerte niya to even meet your family. Di mo ginawa yun sakin ah.”
“What’s so suspicious about that? We’re really close friends. Ang dumi lang ng mga isip niyo,” depensa ko.
“Oh come on. Kahit ikaw ganun din ang iisipin mo pag nakakakita ka ng kagaya niyo. Wag kang hipokrito.”
Di ako nakasagot.
“Celebrities thrive because of gossip. Its always about the publicity. Pero, this case is different. Dito, unti-unting nasisira si Matt. Dahil sayo. Kakayanin ba ng konsyensya mo na masayang ang lahat ng pinaghirapan niya? Sa isang iglap, mawawala ang lahat? Tandaan mo, he’s almost there. Yung Bachelor Bash nalang ang hinihintay. And that will ultimately seal the deal sa kanyang celebrity status.”
Eto na naman. Akala ko tapos na ko sa usaping to. Hindi pa pala. Wala akong idea na ganun pala kalaki ang impact ko sa career ni Matteo ngayon. At totoo ba ang lahat ng sinasabi ni Franz? Ayoko man maniwala pero may point siya.
Di ko na hinintay na maubos ko yung kape ko. Umalis na ko.
——————————————————————
Pinapupunta ako ni Matteo sa pad niya ngayon. Rest day niya ulit. Sa susunod na linggo na yung Bachelor Bash at sigurado na ang kanyang pagrampa. Bilang Number One.
Hanggang ngayon, ang lakas parin ng kapit sa utak ko ng mga sinabi ni Franz sakin. Di ko maalis talaga. Hindi ko na rin inusisa pa ang lahat ng detalye ng mga tsismis na tinutukoy niya. Ayoko na rin namang alamin.
Nung papunta ako sa pad ni Matteo, para akong tanga. Palingon-lingon. Tinitignan ko kung may nakakakita o nakakakilala sakin. Paranoid ba? Nag-i-ingat lang naman. Ngayon ko pa talaga ginawa eh no, parang huli na yata ang lahat.
Bago ko ipasok yung susi para buksan ang pinto, nakarinig ako ng pagtatalo mula sa loob. Si Matteo at si Tito Jonas. Bakit sila nagaaway? Nakinig ako ng mabuti.
“Have you heard what people are saying?” tanong ni Tito.
“No,” sagot ni Matteo.
“Pinagpe-pyestahan ka na, Matt! Wala ka bang pakialam talaga?”
Walang sagot mula kay Matt.
“Ano ka ba naman! Do you even have the slightest idea what damage this can do to your career?” sigaw ni Tito.
“The hell with what people think. Let them,” sagot ni Matteo.
“Matt, you’re on top now. This is what we’ve been working for. This is what we’ve always wanted! How can you act that way?”
“No, Tito. I never wanted this. You were the only one.”
“Anong pinagsasasabi mo?”
“I can easily give everything up for a normal life.”
“Sabihin mo nga. Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Daniel?”
“We’re just friends,” madiing sagot ni Matteo.
“Bullshit! Wag mo kong gaguhin, Matt! Do you honestly think people will believe that crap?”
Di sumagot si Matteo.
“Matt, this guy is ruining your career. Magisip ka naman!”
I’ve heard enough. Tama nga si Franz. Ako ang sumisira kay Matteo.
Imbes na pumasok ako bigla, kumatok nalang ako.
“Stop it. Dan’s here,” narinig kong sabi ni Matteo.
Maya-maya, bumukas na ang pinto. Nakangiti si Matteo. Parang wala lang nangyari. Akala niya wala akong alam.
“Come in,” yaya niya.
Pumasok ako. Tinignan ko si Tito Jonas. Mainit ang ulo. “Good evening, Tito,” sabi ko.
Tinignan siya ni Matteo. Parang sinasabing “Umayos ka!”
Pero gaya ng dati, di niya ko inimik.
Naglakad siya patungo sa pinto. Lumabas, at binagsak ang pinto.
“Don’t mind him. He’s just frustrated with work,” bulong sakin ni Matteo. Niyakap niya ko.
Di ko na siya sinagot. Ninamnam ko nalang ang yakap na yun.
“Are you ok? You seem quiet. You know I get nervous when you’re like that,” sabi ni Matteo.
Umiling lang ako.
“Dan,” sabi niya. Pero hindi ko na siya hinayaang makatapos magsalita. Nahinto siya nang idampi ko ang daliri ko sa labi niya.
Nginitian ko siya. Halatang nagtataka siya, pero hinayaan niya lang ako.
Hinawakan ko ang buhok niya. Dinama ko ang bawat kulot. Ang bawat hibla sa pagitan ng aking mga daliri.
Mula noo, hinaplos ko ang makinis niyang mukha.
Kilay. Pilik mata. Ilong. Baba.
Pinagmasdan ko ang outline ng kanyang napaka-gwapong mukha.
Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang buo niyang mukha. Napapikit si Matteo. Pumikit na rin ako.
Kinabisado ko ang lahat ng nararamdaman ng mga palad ko.
Unti-unti kong naramdaman ang paghalik ni Matteo. Ang lambot ng labi niya. Ang init ng mga halik niya.
Tinanggal ko ang mga kamay ko at pinatong ko sila sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako.
Damang-dama ko ang bawat paghinga, paglunok, at pagtibok ng puso ni Matteo.
Dahan-dahan niyang tinaas ang suot kong damit. Pinasok ang mga kamay at hinaplos ang aking likod, habang ako nama’y pinisil ang kanyang matikas na mga braso.
Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi. Tapos isa pa. At isa pa uli.
Mabigat ang paghinga ni Matteo.
Hinalikan ko siya muli, isa sa magkabilang pisngi. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin.
Pinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng kanyang t-shirt. Ang kinis ng dibdib niya, pati na rin ang kanyang tiyan. Dahan-dahan kong tinanggal ang suot niya.
Tinignan ko siya sandali. Napakaswerte ko sayo, Matteo.
Kinuha ko ang kamay niya at dinala siya kwarto.
Tinulak ko siya pahiga sa kama.
Pumatong ako.
Ang ganda ng ngiti niya. Nakakatunaw talaga.
Hiningahan ko siya sa tenga. Nakiliti siya.
Halik sa likod ng tenga. Halik sa leeg. Halik sa Adam’s Apple.
“You like that?” bulong ko.
Tumango lang siya habang nakapikit.
Tinuloy ko na ang ginagawa ko.
Kinuha ko ang kamay niya at tinaas ko. Pinatong ko ang ulo niya sa kanyang mga palad.
Pinagmasdan ko siyang muli. What a magnificent sight.
Minasahe ko saglit ang kanyang dibdib. Pababa sa kanyang tiyan.
Gustong-gusto ko ang pakiramdam ng balat niya sa aking mga palad.
Bahagya akong umurong. Umayos ako para hindi kami parehong mahirapan.
Nilanghap ko ang kabuuan niya. Ang bango. Amoy baby. Pilit kong tinandaan ang amoy ng lahat ng sulok ng kanyang katawan. Ayokong malimutan to.
Tinanggal ko na ang suot ko.
Kumapit sakin si Matteo. Maya-maya ay inilapat niya ang katawan ko sa katawan niya.
Ang init. Nakakapaso. Nakakabaliw.
Inikot niya ako at siya naman ang puma-ibabaw.
Binigyan niya ako ng isang matinding halik sa labi. Ang tamis ng labi niya. Ang lambot ng dila niya. Ang lagkit ng laway niya. Ang init ng hininga niya.
Napakapit ako sa kanya. Napakasarap ng pakiramdam ko. Parang ngayon ko lang naranasan ang ganito.
Ang sarap pagmasdan ni Matteo na sobrang pawis.
Hirap at sarap.
Pagod at ligaya.
Katawan sa katawan.
Isa kami ngayong gabi.
Isa kami sa paggalaw. Isa kami sa bawat pag-ungol. At nag-i-isa ka lang para sakin, Matteo.
Pumatak ang luha ko ng di ko namamalayan.
Humalo sa tagaktak kong pawis.
Sobrang ligaya. Sobrang sarap. At sobrang hirap.
“I love you, Danny,” sambit ni Matteo.
Kinagat ko ang labi ko.
Pumatak muli ang aking luha.
“You’re my everything. This is for you,” sabi niya sakin.
Ikaw din ang lahat para sakin.
Hanggang sa huli, ako’y iyo.
Sa sobrang pawis, dumulas ang singsing ko. Gumulong sa sahig.
Mahal na mahal kita Matteo. Gagawin ko ang lahat para sayo.
Napapihit siya habang nakahawak sa balikat ko.
At nadama ko, ang init ng kanyang pagmamahal.
——————————————————————
Nakatulog ng nakadapa si Matteo. Nasa tabi niya ako.
Napagod siya ng husto.
Normal na ang kanyang paghinga.
Parang anghel lang na nasa kama.
Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi.
Bahagya siyang gumalaw.
Ibinulong ko nalang ang gusto kong sabihin.
“I love you, Matty.”
Isang taon mahigit na ang nakalipas mula ng umalis si Matteo ng Pilipinas. Matagal na kaming walang communication sa isa’t isa. Malimit ko parin siyang maalala, pero hanggang dun nalang yun. That’s all it is, a memory.
Single parin ako. Hindi ko rin naman binalikan si Franz. Wala narin naman talaga akong balak. Poot lang ang nararamdaman ko sa kanya. Isa lang ang mahal ko. Hanggang ngayon, si Matteo lamang.
Simula nung maghiwalay kami, mas naging madalas ang paglabas namin ni Sharlene. At kasama namin si Sean. Kung dati eh hindi maganda ang naging pagsasama namin ni Sean, ngayon siya na ang naging pinakamalapit kong kaibigang lalaki.
Malapit na ang 28th birthday ko. Sumobrang advanced birthday gift ang natanggap ko bago ang nakalipas na bagong taon. Yep, nakuha ko rin ang inaasam-asam kong promotion. Hindi na ako ahente. Isa na akong Junior Branch Manager. Sa wakas, natupad ko na rin ang pangarap ko. Sana, sa susunod makamit ko rin ang posisyong Branch Manager. Well, hindi naman masamang mangarap.
Kasama ko nag-celebrate in advance ng birthday ko ang lahat ng mga malapit sakin. Naron ang buong pamilya ko, sina Nanay, Charles, Bong at Joyce. Naron din sina Sharlene, Tito Gary, Tita Lani, Fredrick, at ang kauuwi lang galing Amerika na si Kuya Arthur. Syempre, pwede bang absent si Sean? Di sinakal ako ni best friend nun. Kasama rin ang mga kaibigan kong galing trabaho, sa pangunguna ni Tito Ric. Ngayon lang ako nagdiwang ng ganito kalaki. Sobrang saya ko. Mas masaya siguro kung nandito si Matteo. Alam ko matutuwa yun pag nalaman niyang nakamit ko na ang pangarap ko. Pero, wala siya eh.
San na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya?
Isang araw, may sorpresa akong natanggap.
Pagkalabas ko ng opisina, may nakita akong matangkad na lalaking nakatayo sa may pintuan. May hinihintay yata. Pagtingin ko ng mabuti, nagulat ako. Si Matteo. Tumingin siya sakin. Kumaway.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ng mga oras na yun. Sobra kong na-miss itong tao na to. Pero maraming tao. At iba na ang sitwasyon ngayon. Sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan.
Siya ang lumapit sakin. Nanigas na naman kasi ang buo kong katawan.
“Are you free tonight?” tanong niya.
Tumango lang ako.
Naglakad na kami. Pareho kaming tahimik. Nagpapakiramdaman siguro. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkita kami pagkatapos namin maghiwalay. Dun kami nagpunta sa Italian Restaurant kung san siya pumirma ng kontrata sakin.
“You look good. Better than the last time I saw you,” sabi niya.
“Salamat. Ikaw rin. Mas lalo ka pang gumwapo,” sabi ko.
Tumawa siya. Namiss ko yung tawa niya.
“Why did you leave?” tanong ko.
Tumingin siya ng direcho sakin. “Why did you? Why walk out on me?”
“I did it because it was the right thing for you. I can’t take the fact that I’m standing in the way. You were this close to realizing your dreams, Matt. I can’t let you miss that opportunity because of me,” paliwanag ko.
“Did it ever occur to you that maybe it wasn’t what I always wanted?” sabi niya. “Thanks for playing the hero, but it wasn’t at all necessary. What I wanted more than anything is a normal life with the one I love.”
“I didn’t have any other choice, Matt,” mahinang sabi ko.
“Who told you to choose?” tanong niya.
Hindi ako nakasagot. Ngayon ko naramdaman ang pagsisisi. Pinangunahan ko siya. Ngayon eto ako, mag-isa. Di niya sinipot ang Bachelor Bash. Lumipad siya patungong Amerika matapos ko siyang iwanan sa ikalawang pagkakataon.
Ilang minuto rin kaming natahimik. Ako ang bumasag sa katahimikan.
“Then why come back, Matt?” Ang hirap sa kalooban. Gusto kong maiyak, pero naubos na yata ang luha ko.
“Because I left something.”
“Ano yun?” tanong ko.
“My heart,” sagot niya. “I left it with you.”
Shit. Mas lalo lang akong nahihirapan. Ok na ko eh. Akala ko naka-move on na ko. Hindi pa pala.
“Ano ba, Matt. Pinapahirapan mo ko lalo eh,” mahina kong sabi.
Pinagmasadan niya lang ako.
“What do you want me to do?” tanong ko.
“Keep me in your memory,” sabi niya.
Huh? Ano to, totorturin ko ang sarili ko habambuhay?
“Matt,” pero di ko natapos ang sasabihin ko dahil may napansin ako. May singsing si Matteo sa kaliwang kamay. Sa ring finger niya.
Napansin niya yatang nakita ko yun. Umamin na siya. “I’m married now, Dan.”
Oh my God. Wala na bang mas masakit pa dito? Naglaho na ang pagasa kong magkaka-ayos pa kaming dalawa. Wala na talaga.
“She’s awesome. Maybe in the future you two can meet.”
Ah ganun ba. Tinignan ko siya sa mata. Mukha naman siyang masaya. Akala ko nuon ako na ang magiging dahilan ng kasayahan niya, hindi pala.
“She’s pregnant now. In two months’ time, I’m gonna be a Dad,” sabi niya.
“I know you’ll be a great Dad.” I tried my best to keep my composure.
“Remember the time I promised you that someday, magiging surname ng pangalan mo ang surname ko? I’m keeping that promise, Dan,” sabi niya.
Ano? Pano pa mangyayari yun, eh may asawa ka na? At kahit na wala kang asawa, hindi parin yun mangyayari.
“What are you saying?” naguguluhan kong tanong.
“I’m naming my son after you. Daniel Marc Rutigliano.”
Di ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako.
“Dan, you’re the best thing that ever happened to me. I will never forget you. Us,” sabi niya.
Tumango nalang ako dahil hindi ko na kaya magsalita.
“It may seem that I belong to her, but my heart belongs to you. Don’t ever forget that,” tapos hinawakan niya ang kamay ko.
Patuloy lang ang tulo ng luha ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang talagang nararamdaman ko.
“Walking away doesn’t mean I’m leaving. It just means that I’ll be loving you from afar.”
Wala na akong nasabi. Tanging hikbi lang ang naisagot ko sa kanya.
Tumayo na si Matteo. After one final look at me, he walked away.
Sinundan ko siya ng tingin.
Hindi na siya lumingon.
Naiwan akong magisa.
With my thoughts.
Sadyang malupit ba ang tadhana? O ito na talaga ang nakalaan para sakin simula’t sapul? Marahil, pareho silang tama. Marahil, ang tunay kong kaligayahan ay ang aking pamilya at mga kaibigan. Kakalimutan ko ba si Matteo? Hindi rin. Pilitin ko man yung gawin, alam kong hindi ko kaya. Dahil gaya ng sinabi niya, he’s also the best thing that happened to my life. So bakit ko naman kakalimutan ang isang napakagandang bagay?
Tumayo ako at nagpunas ng luha.
Kaya ko to.
Lumabas ako ng restaurant ng taas noo. Huminto ako saglit at dinama ang mahinang ihip ng hangin. Nagumpisa akong maglakad, pero iba sa direksyong tinahak ni Matteo.
Palayo.
the end :))
This is by far one of the best gay stories I've ever read. It's not like those stories which are just graphic. I wonder what happened to the characters after this. Did they finally never met again? Or I wonder if they had an affair tho Matt is married. I know this is a long shot but I'd like to know who wrote this. I read this a year ago through BBM but it still itches me to know the author's name. I'd like to personally wrote him a letter. If by chance the author reads this pls email me @ zephyr7231@yahoo.com
ReplyDeleteI like the story, it really happen in reallity the sad thing is, it end up like that? so many question to ask but how can you answer a question that cannot be ask? the real problem about Matt and Dan is something like that very simple but hard to solve, if only Matt and Dan unleash the grip of their feelings, perhaps they find away to be together instead of keeping it, which it turns them to be hurt badly and deeply, and to be honest i am hurt too about the end of the story..... very sad!
ReplyDeleteLove is bound eternal and true love can find a way no matter what circumstances is..... brixbel@gmail.com wish you luck!