Monday, June 25, 2012

TOL... I LOVE YOU 1


By: Mikejuha
Masasabing matalik na magkaibigan kami ni Lito. Nagsimula ang pagkakaibigan namin sa first year high school, noong lumipat ang pamilya nila sa probinsya at doon na mag-aral sa eskwelahan kung saan din ako nag-aaral. Nag-iisang anak lang si Lito at dahil ayaw ng mga magulang niya na malulung ito sa iba’t-ibang bisyo sa Maynila kaya’t napagdesisyonan nilang sa probinsya na ito mag-aaral, sa isang private sectarian na eskwelahan. Kahit kasi nasa probinsya ang school namin, state-of-the-art din naman ang mga facilities dito at mataas pati ang standard, bilang sister school ng isang sikat at prestehiyosong paaralan dito sa Pilipinas.

Halos pareho kami ng gusto at di gusto ni Lito. Pati sa pananamit, pag-ayos ng buhok, hilig, sport. Pati nga tangkad, kulay ng balat, frame at kinis ng mukha, halos magkahawig din. Sabi nga ng maraming hindi pa nakakakilala sa amin at napagmasdan kami ang itatanong kaagad ay kung kambal ba kami. Tawa lang ang igaganti namin kapag naririnig ang ganoong mga tanong sabay sagot ng, “Kambal sa kalokohan!”

Halos walang oras na hindi kami magkakasama ni Lito sa school. Kahit pagkatapus ng klase, kami pa rin ang magkakatropa, namamasyal, gumigimik, at kapag trip namin, doon ako matutulog sa bahay nila. In fairness, sobrang mabait si Lito; mapagbigay, at kapatid talaga ang turing niya sa akin. Higit sa lahat, may agreement kaming bilang magkaibigan, wala kaming sikretong itatago sa isa’t-isa.

Kagaya ng isang normal na magkakaibigan, wala kaming malisya – I mean, sa pagkakaalam ko. Kahit minsan kapag doon ako makatulog sa kanila, magkatabi kami nyan sa kama. At wala kaming itinatago sa isa’t-isa. Kahit pinakamalaswa at nakakahiyang karanasan at gawain ay malaya naming nasasabi sa isa’t-isa at nagagawa ng walang kiyemi-an, at tinatawanan at ginagawa na lang naming biro. Minsan nga kapag inaatake kaming pareho ng libog sa kapapanood ng bold, sabay kaming magpaparaos niyan – kanya-kanya, syempre, walang body contact kumbaga. Para sa akin, normal lang ang ganoon sa mga lalaki, walang dumi sa utak, walang ibang motibo; as in… wala talaga.

Nasa second year College na kami noon, parehong 18 at pareho din ang kursong kinuha. Pareho na rin kaming may girlfriend at pareho naman kaming masaya… sa tingin ko. 

Mga alas 5:30 iyon ng hapon noong maisipan naming umakyat sa paborito naming hangout – sa roof top ng school kung saan naroon din ang malaking tangke ng tubig nag nagbibigay ng supply sa buong building. May 4 na palapag ang school namin at kami lang ang nakakaalam kung paano umakyat doon, maliban na lang sa mga technician ng school na paminsan-minsang pumupunta din doon kapag may kukumpunihing sira. Nakasanayan na naming kung sino ang aakyat, itatali niya ang kanyang handkerchief sa hagdanan upang malaman ng isa na nandoon siya sa itaas. At kung sino man ang susunod ay siyang magtanggal ng handkerchief at dadalhin sa itaas, isoli sa naunang naakyat.

“Alam mo, Tol, ang taong dadalhin ko dito, ay syang mahal ko” ang sabi niya pahiwatig sa hangout naming iyon sa roof top.

“Tange!” Ang pag react ko. “E, nand’yan ang girlfriend mo, bakit di mo siya dalhin dito?”

Binitiwan lang niya ang isang nakakaintrigang ngiti. “Parang hindi ko siya talagang mahal eh. Parang may kulang?” Sabi niya sabay tingin sa akin.

“Tado! Ginagalaw mo ang girlfriend mo tapus di mo pala siya mahal? Ano iyon?”

“M-may iba akong mahal tol eh…” sabi niyang tila nagdadalawang-isip sabihin ang mga katagang lumabas sa bibig.

“Shiiiit! Tangina! May itinatago ka sa akin? Sino? Sino yang babaeng iyan?” Sambit kong may halong excitement sa nalaman ko.

“Huwag muna, mahirap ipaliwanag eh.”

“Ganoon?! Mahirap ipaliwanag?” Ang sarcastic kong sagot. “Sino ba iyan at mahirap ipaliwanag? Madre ba siya? O may asawa? Teka… teacher sa theology?” dugtong ko sabay bitiw ng malutong na tawa.

“Basta, huwag muna ngayon.”

“Ah, di ako papayag sa sagot nay an ah! Dapat sabihin mo na ngayon. Pag hindi mo sasabihin sa akin ngayon, hindi ako bababa ditto sa roof deck.” pabiro kong pananakot sa kanya.

“S-sigurado kang gusto mong malaman?” tanong ulit niya.

“Oo naman! Wala tayong sikreto sa isa’t-isa, diba?”

“O sige, sasabihin ko na…” 

“Talaga? Sino?” Ang sagot kong excited na naghintay sa sasabihin niya.

Ngunit imbes na sagutin ako ng seryoso, biro ang isinagot niya, “E, di ikaw?” Sabay tawa ng malakas at takbo palayo.

“Tarantado!” Ang bigla kong sagot sabay sugod sa kanya. Noong ma-corner ko siya, nangpangbuno kami hanggang sa nagpagulong-gulong sa semento. “Tado ka ha? Ako ang love mo? Bakla ka ba tol? Bakla! Bakl!” Ang biro ko.

“Bakla pala ha…” ang sambit nya, ang boses ay may bahid na pagkapikon. At pinuwersa niyang itihaya ako, inupuan ang tyan, at ang siko ay itinukod sa leeg ko. Mas malakas kasi si Lito sa akin, mas malaki ang katawan. “Ano… bakla ako?”

“Urrkkkk! Ayoko na tol! Give up na ako, give up na” Eto naman din a mabiro o…

At pinakawalan niya ako. Tumayo siya, iniabot ang kamay upang alalayan akong tumayo. Naupo kami sa bench sa gilid ng tangke. “Sino ba talaga iyang babaeng mahal mo, tol? Bat ayaw mong sabihin.”

“Hwag muna ngayon, tol… Sasabihin ko rin ito sa iyo, pero huwag muna ngayon.”

“Kakabad-trip ka naman tol. Sige na nga, wala akong magagawa kung ayaw mong sabihin. Pero araw-araw, kukulitin kita dyan, tandaan mo.” Ang pananakot ko pa rin. 

“Hindi ko pa kasi nasabi sa kanya na mahal ko siya eh.”

“E, di ligawan mo, problema ba iyan?”

“Yan nga ang mahirap eh… takot akong mabigo” ang malungkot niyang sabi.

“Tangina. Ikaw pa! Ang dami ngang nagka-crush sa iyo d’yan, tapus mabibigo ka?”

“Ah… basta. Kapag nilagawan ko siya at bibiguin niya ako… tatalon ako sa tangke na to. Promise!” turo niya sa tangke ng tubig “At lulunurin ko ang sarili d’yan.”

“Hahaha!” ang tawa ko. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan? Gaano ba ka espesyal ng taong iyan at magpakamatay ka talaga?”

“Basta…”

Iyon ang mga katagang sinabi niya na hndi ko naman sineryoso.

Ganyan kami ka-close ni Lito. Akala ko hindi na magbabago ang pagiging close namin.

Isang araw, lumuwas ang mga magulang niya papuntang Maynila at doon mamalagi ng mga apat na araw. Hinikayat nila akong samahan si Lito sa bahay nila at dahil kilala naman sila ng mga magulang ko, pinayagan din akong samahan si Lito sa bahay nila sa apat na aaw na wala ang mga magulang niya.

Unang gabi iyon na kaming dalawa na lang sa bahay nila. Nag-inuman kami. Isang malaking bote ng gin ang tinira namin. Noong lagpas kalahati na ng bote, nagsimula na akong malasing. Ang ipinagtataka ko ay parang wala lang nangyari kay Lito. Ewan kung pinaglalaruan lang niya ako dahil siya naman ang taga-tagay. Pero, wala lang sa akin iyon dahil nag-eenjoy naman ako.

Hindi na naubos pa ang isang bote ng gin noong lagpak na ang katawan ko sa sofa. At kahit ganoon na ako kalasing pansin kong hindi talaga tinablan si Lito ng kalasingan. “Andaya-daya mo, tol! Pinagtripan mo akong lasingin!” ang nasabi ko na lang habang nanatili akong nakahiga sa sofa. 

“Hehehe!” Tawa lang ang narinig kong sagot niy sa akin.

Maya-maya, tinangka ni Litong hilahin ako sa sofa at buhatin patungong kwarto.

“Tol… wag!” ang biglang sigaw ko. Ako kasi kapag nasa ganoong sobrang kalasingan, pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid. Kaya dapat hindi ako gagalaw kung ano ang pwesto ko sa paghiga kasi kapag gumalaw ako niyan o kaya’y ginalaw, magsusuka’t magsusuka na ako hanggang sa mawalan ng lakas. Pero kahit nasa ganoon akong sitwasyon, conscious pa rin ako. Nauukit pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari.

Ngunit pilit pa rin akong kinarga ni Lito at pinahiga sa kama niya. Pagkalatag ng pagkalatag niya sa akin ay agad akong nagsusuka at nasukahan ko pa ang damit at pantalon niya dahil nakaharang siya noong hindi ko mapigilan ang sarili at bumalikwas upang sumuka sa sahig. “Gwarkkk! Gwarkkkkk!” Habol-habol ang paghinga, pilit kong hinubad ang t-shirt upang madaliang ipahid sa bibig, at pagkatapus ay nahiga ulit. Maya-maya lang, sumuka ulit ako, at sumuka ulit hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong isusuka pa at naubos na ang lakas upang makabalikwas pa, habang pakiramdam ko naman na ang buong paligid ay walang humpay sa pag-iikot.

Tawa nang tawa lang si Lito habang pinapahid ang suka kong dumikit sa damit niya at sa sahig. 

Ako naman ay nakahiga lang, nakatihaya pilit na huwag gumalaw, ipinikit ang mga mata, pakiramdam ay tila malalagutan na ng hininga sa tindi ng hilo at panlalanta. Napansin ko ring nawala sandali si Lito at noong may narinig akong mga yapak, ibinuka ko ang mga mata ko. Bumalik na siya sa kwarto nakatapis lang ng tuwalya. Naligo pala siya.

Tinanggal niya ang tuwalya, isinabit ito sa silya at sumampa na sa kama, sa tabi ko sa kabilang gilid. “OK ka lang ba?” Tanong niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ipinikit ko ulit ang mga mata, pakiramdam ay wala na akong lakas na gumalaw pa o sumagot sa tanong niya. 

Ngunit laking gulat ko noong bigla niyang isinampa ang hubad niyang katawan sa ibabaw ng katawan ko. “Uhhhmmmmp!” ang mahinang tinig na lumabas sa bibig ko dahil sa bigat niya.

“Tol… I love you!” Iyon ang narinig kong sinabi niya sabay lapat ng bibig niya sa bibig ko.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...