Pumunta ako sa unit ni Franz kinabukasan. Usap daw kami ulit. Malapit lang sa college yung inuupahan niya. Siya lang magisa dun.
First time ko makapunta sa unit niya. Studio type lang. Tamang-tama para sa estudyante. Kinuha niya yung kamay ko at dinala niya ako sa kama niya. Dun daw kami magusap.
Siya ang nagumpisa. Di raw niya lubos maisip na kami na talaga. Di siya nakatulog kagabi sa kakaisip sakin. Natawa ako. Ngayon ko lang kasi narinig na may hindi nakatulog dahil sakin. Ganito pala ang pakiramdam. Masarap pala.
Ako raw ang una niyang boyfriend. At seryoso raw siya sakin. Sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto ko mangyari. Pinaliwanag ko na kung maari, walang ibang makaalam ng relasyon namin. Ok lang naman daw sa kanya. Sa totoo lang, yun din ang gusto niya mangyari. Natuwa naman ako kahit papano dahil pareho kami ng gusto.
Magkasama lang kami buong araw dun sa unit niya. Inasikaso niya ako nun na parang isa akong hari. Pinaramdam niya agad sakin kung gano niya ako kamahal, at kung gano ako ka-importante sa kanya. Aba! Ang sarap nga naman ano!
Habang tumatagal, natututunan ko na siyang mahalin. Hinahanap-hanap ko siya lagi. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya makita. Huling Sem na namin yun sa college. Madalas ko siyang intayin para ihatid sa bahay. Minsan, dun na ko nag-o-overnight sa unit niya.
Kung ano-anong kasinungalingan na ang nasasabi ko kina Nanay at sa mga kaibigan ko para lang makasama ko si Franz. Lagi akong nagdadahilan sa kanila para makatakas ako. Hindi ko naisip na darating yung ganitong punto sa buhay ko na magagawa ko yung ganito. Komplikado, oo. Pero masaya ako eh. Si Franz ang naging dahilan kaya ako naging masaya. Sa kanya ako kumuha ng lakas dahil nung mga panahong yun, puro problema na sa bahay. Problema sa pera, at problema kay Tatay.
Sobrang maingat kami nun para hindi mahuli ang relasyon namin. Hindi kami malimit lumabas dahil alam naming takaw atensyon yun. Baka kung sino pa ang makakita samin, mahirap na. Kontento na kaming dalawa na magkasama kami lagi sa unit niya. Dun kami nakain, nanonood ng TV or DVD, at… well… alam niyo na yun.
Totoo nga yung sabi niya nuon, na bubusugin niya sa pagmamahal at atensyon yung taong mahal niya. At sobrang saya ko na ako yung tao na yun. Pinaramdam sakin ni Franz kung pano mabuhay, magmahal ng tunay, at maging masaya. Kaya naman sobra ko siyang minahal. Binigay ko sa kanya lahat. Binigay ko sa kanya ang tiwala ko. Buong-buo.
Yung unang monthsary namin, sinorpresa niya ako. Naghanda siya ng dinner sa unit niya. Nothing fancy naman. Pero alam mo yun? Ito yung first-ever romantic dinner ko. I’ve never experienced anything like this in my life. Dinner was good, the dessert, was way better.
Syempre, nakaranas din kami ng mga problema. Madalas siya magtampo nuon, parang bata. Pag tahimik na siya at naka-pout, alam ko na ibig sabihin nun. Pero walang bagay na hindi nakukuha sa magandang usapan. Yun nga lang, hindi lahat ng bagay.
March na nun. Malapit na ang graduation. Wala naman akong napapansin na kakaiba nung mga panahong yun. Sa paningin ko, mas lalong tumibay ang pagsasama namin ni Franz. Kung nung una, siya yung sobra magmahal, ngayon ako na.
Nagtext ako sa kanya. Gusto ko kasi siyang sorpresahin sa gabi. Gusto ko bumawi dahil hindi kami nakapag-celebrate ng 6th monthsary namin. Kasalanan ko naman yun, kaya ako babawi.
Babe, san ka na?
Nasa mall ako. Mag-isa. Naghahanap ako ng pwede kong gawing peace offering.
Nandito ako sa bahay.
Mukhang galit parin siya sakin. Ni-hindi niya ako tinawag na “Babe.”
Ah ok po. Pwede bang pumunta jan mamayang gabi?
Inintay ko ang sagot niya.
Ok.
Naku. Galit parin talaga. Di na ko nagreply. Bumalik na ko sa paghahanap ng regalo sa kanya. Ano kayang maganda? Bracelet o kwintas? Tumingin ako ng magandang design. Pero wala akong na-tripan. Naisip ko, meron pa store sa kabilang side, malapit sa sinehan.
Dun ako nakakita ng magandang kwintas. Binili ko na. Nakangiti akong lumabas nun. Sabi ko its gonna be a good day today.Habang naglalakad, may nakita akong familiar face sa ticket booth ng sinehan. Si Franz. May kasamang iba. Akala ko ba nasa bahay siya? Pumasok ako sa isang store na katapat ng booth. Kinuha ko yung cellphone ko para magtext.
Babe, anong ginagawa mo?
Nakita kong kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya. Nagreply siya.
Wala. Nakahiga lang sa kama.
Uminit ang ulo ko. Sinungaling. Nakikita kaya kita ngayon.
Pagkaalis nila sa booth, dali-dali akong pumunta dun. Tinanong ko kung anong panonoorin nung dalawa. Bumili rin ako ng ticket. Hindi para manood, kundi para magmasid.
Sinundan ko sila sa loob ng sine. Naupo sila sa may bandang harapan. I sat two rows behind them. Hindi ko inintindi ang pelikula, nakatingin lang ako kina Franz.
At yun, nakita ko ang hindi ko dapat makita.
Gusto ko magwala. Pero nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na sasabog yung kalooban mo? Ganun ang naramdaman ko nun.
Lumabas ako ng sinehan. Hindi ako nakatagal. Ang sakit ng dibdib ko.
Naupo ako sa waiting area sa lobby. Nagiisip. Hawak ko sa kamay ko ang regalo ko kay Franz. Hinintay ko matapos ang pelikula. Hindi ako umalis dun.
Ang tagal kong nakaupo dun. Hanggang matapos na nga ang palabas. Lumabas na unti-unti ang mga nasa loob. Di naman sila karamihan. At yun, lumabas na rin ang iniintay ko.
Nagtatawanan pa silang dalawa pagbukas ng pinto. Pero biglang natigil yun nung makita ako ni Franz na nakaupo. Nakita ko ang pagkagulat at kaba sa mukha niya. Hindi ako tumayo at nagsalita. Tinitigan ko lang siya ng matagal. Parang nakatunog na yung kasama niyang lalaki. Bumulong kay Franz at biglang umalis.
Gusto ko siyang sapakin nun. Pero nagpigil lang ako. Ayoko gumawa ng gulo. Nakakahiya.
Tumayo ako at lumakad papunta kay Franz.
“I hope you had a good time,” bulong ko. Naglakad na ko paalis.
“Dan!” sigaw niya. Pero hindi na ko lumingon.
Ganito pala ang pakiramdam ng lokohin. Sobrang sakit.
——————————————————————
Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas si Franz.
Nandun ako sa pinto ng unit niya. Nakaupo. Iniintay siya.
Nilapitan niya ako. “Kanina ka pa jan? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot,” sabi niya ng mahina.
Ah, yun ba. Pinatay ko kasi ang cellphone ko. Ayaw ko maistorbo sa pagiisip ko. Dumerecho ako dito mula sa mall.
Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Pinilit kong kalimutan ang nangyari kanina. Ayokong magaway kami. Mahal na mahal ko siya.
Tahimik na umupo si Franz sa kama. Tumabi ako sa kanya.
“Bukas na yung rehearsal natin para sa graduation. Wag ka ma-le-late ha,” sabi ko na parang walang nangyari kanina.
“Dan,” sabi niya.
“Kumain ka na ba? Gusto mo kain tayo sa labas? Hindi pa ko nakain eh,” yaya ko. Tumawa ako. Pero medyo pilit.
“I’m sorry,” sabi niya.
“Saan? Ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo eh. Diba hindi tayo nakapag-celebrate ng monthsary natin?” sabi ko. Tapos yun, kinuha ko sa bulsa ko yung regalo kong kwintas. “Eto o, I got this for you.” Sinuot ko yun sa kanya.
“Dan, its not working anymore,” sabi niya.
“Ha? Wag mo yan sabihin. Kaya natin to. Please, mahal na mahal kita eh,” pagmamaka-awa ko.
Umiling lang siya.
“Ayusin natin to. Please naman, Franz.”
Hinubad niya yung bigay kong kwintas. Nilagay niya yun sa palad ko.“I’m sorry.”
Tumayo siya at nagumpisang humakbang, pero pinigilan ko siya.
“Please naman Franz. Ano bang problema?” sabi ko.
Hindi siya sumagot. Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. Naglakad na siya at pumasok ng C.R.
Naiwan akong magisa. Di alam ang gagawin.
Ito na ba yun? Ito na ba ang huli? Wala bang happy ending para sakin?
Tumayo ako at naglakad papunta sa C.R. Hindi ako nagpaalam. Ang tanging sinabi ko sa kanya ay, “Tawagan mo ko. Hihintayin ko.”
Lumabas na ko ng unit niya. Yun na pala ang huling beses ko siyang makikita.
——————————————————————
Natapos ko rin ang kwento namin ni Franz. Ngayon ko lang yun nakwento sa ibang tao. Matagal kong tinago yun sa loob ko.
Tahimik si Matteo sa tabi ko. Malungkot.
Natawa ako sa itsura niya. Parang nalugi ng malaking halaga. “Hey. What’s with the face?” tanong ko.
Umiling siya. “Wow. That’s…” Di na niya natapos yung sasabihin niya. Di yata siya makapaniwala sa narinig niyang kwento. “I didn’t expect…”
“Ganun talaga eh. Shit happens,” sabi ko.
Tahimik siya. Parang may iniisip.
“It was difficult. It broke me apart, alam mo yun? Binigay ko lahat, but it still wasn’t enough,” sabi ko.
Di sumagot si Matteo. Ano kayang iniisip nito?
“Hey, ano ka ba? Tahimik mo bigla,” sabi ko.
Tumingin siya sakin at umiling lang.
“But I’m ok na. Thanks to you,” sabi ko.
Pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko.
Hinawakan ko yun ng mahigpit. Buong gabi.
At sa unang pagkakataon, nawalan ng sasabihin si Matteo.
“Dan!” sigaw ni Sharlene. “Ano ka ba sumobrang busy ka naman yata? Na-miss kita ha.”
“Sorry na. Alam mo namang month-end eh,” paliwanag ko. Pero sa totoo lang, mas marami pa kaming beses na nagkita ni Matteo kesa kay Sharlene.
“Ok lang. Kasama ko naman si Sean,” sabi niya sabay tawa.
Aba, mukhang nagkakamabutihan na naman yung dalawa. “Kayo na ba ulit?” tanong ko.
“Sira! Di no.”
“Eh bakit parang tuwang-tuwa ka na kasama mo siya?”
“Wala lang,” sagot niya. Pero halata namang kinikilig.
“Ewan ko sayo. Ang gulo mo talaga,” sabi ko.
Tumawa siya ng malakas. “Kasi naman, nagpipigil ako. Ayaw ko na ulit mangyari yung dati. Remember, he’s still Sean Marasigan. Ang pinagkaiba lang eh mas mature-looking lang siya ngayon.”
“Meaning?”
“Mamaya ganun parin siya. Or worse. Ewan ko,” sabi niya.
“Ganun?”
“Oo kaya. Mahirap na no!”
“Shar, you’ll never know if you don’t give him another chance. Things change, pati na tao,” paliwanag ko.
“Wow. Ikaw ba yan, Dan? Nagbago ka na talaga sa kanya no?” biro niya.
“Puro ka talaga kalokohan,” sabi ko.
Ngumiti lang siya. Maya-maya, sumagot siya.
“Sige na nga, mahal ko parin si Sean.”
Napailing nalang ako. Umamin din.
——————————————————————
Ngayong gabi na ang General Assembly ng kompanya namin. Lahat ng empleyado ay dadalo. Gaganapin yun sa isang ballroom sa Sports Club. At ngayong gabi na rin ang announcement kung sino sa aming tatlong nominado ang magiging Top Agent ng taong ito. Kinakabahan na ko.
Bakit ko nga ba gustong makuha ang award na yun? Ano bang halaga nun sakin? Well, yun lang naman ang isang basehan para mapabilang sa mga pagpipilian para maging Junior Branch Manager. Ito na ang pinakamabilis na ticket para maka-graduate ako sa pagiging isang ahente.
Taon-taon, mahigpit ang nagiging labanan para dito. Kaya maging nominee ka lang eh para ka na ring nanalo sa lotto. Pero syempre, mas walang tatalo sa pakiramdam na ikaw ang manalo ng parangal.
Di naman sa pagod na ko maging isang ahente. Yun lang nga, gusto ko naman tumaas ang ranggo ko. Magkaron ng titulo yung pangalan ko. Dito manlang eh maging titulado ako, kahit hindi na yung title na CPA.
Nagumpisa na ang GA, pero nandun pa ako sa labas ng ballroom. Sobrang kaba ko. Parang masusuka ako na ewan.
Tinawagan ko si Matteo. Sabi ko sa kanya na nagumpisa na kami. Sabi niya good luck daw sakin. No matter what happens tonight, ako parin daw ang top agent para sa kanya. Naks, ang sweet naman. Sabi niya magkita daw kami sa pad niya pagtapos. Nasa isang fashion show kasi siya. Baka hindi niya ako madaanan sa Sports Club. Sabi ko sige. Pupunta ako pagtapos namin dito. Good luck din sayo, sabi ko.
Hinanap ko si Tito Ric sa loob. Nakita niya yata akong naghahanap kaya kumaway siya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Natawa siya nung makita ako ng malapitan.
“Uminom ka ba ng suka, anak? Ang putla ng labi mo,” sabi niya sakin. “Relax ka lang.”
“Tito, nasusuka yata ako,” sabi ko.
“Ano ka ba? Kaya mo yan. Think positive,” inakbayan niya ako at tinapik sa likod.
Huminga ako ng malalim. Hay.
Parang ang bagal ng oras. Gusto ko na matapos ito para matapos na rin ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Gusto ko na malaman ang naging resulta. Sa aming talong nominado, ako ang pinakabata. Sina Grace at Jay-R ay may mga pamilya na.
Ang tagal ng message ng CEO namin ha! Parang ayaw niyang magtapos! Ilang points lang naman siya sa message niya pero parang ang tagal niya magsalita. Kung di ako nagkakamali, apat lang ang points. Pero pakiramdam ko umabot siya ng bente! Dala na rin siguro ng sobrang kaba kaya ganun.
Hanggang dumating na rin ang takdang oras. Ayan na ang announcement. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
“This is it, anak!” sabi ni Tito Ric.
Opo, Tito, ito na nga. At hindi ka nakatulong sa ginawa mo. Lalo akong kinabahan sayo.
Parang nabingi nako nun. Ang tanging naririnig ko nalang ay ang tibok ng puso ko. Sumobra naman yata sa lakas ng tibok. Parang may tumakip sa tenga ko. Wala na akong ibang naririnig. Ano ba yan!
“Daniel Marc A. Burgos!” sigaw nung emcee. Naghiyawan ang mga katabi ko. Niyugyog ako ng ilang kamay.
“Dan!” nakita ko ang mukha ni Tito sa harap ko. “Ikaw ang nanalo! Congratulations!”
Nananaginip ba ako? Pero parang hindi. Totoo na yata ito. Ako nga ang Top Agent for 2010!
Sinamahan ako ni Tito pumunta ng stage. Parang wala ako sa sarili nung mga panahon na yun. Para akong lumulutang. Sa wakas! Ito na yung inaasam-asam ko! Dininig na rin ang panalangin ko.
Umakyat ako ng stage habang walang patid ang palakpakan ng mga tao. At yun na nga, tinanggap ko na ang plaque mula sa CEO ng aming kompanya.
——————————————————————
Sunod-sunod ang natanggap kong text pagtapos nung announcement. Para parin akong nasa cloud-9. Ang sarap ng pakiramdam na unti-unti ko nang nakikita ang bunga ng paghihirap ko sa trabaho. Hindi ko na nareplyan ang lahat ng nagtext sa dami nila. Kabilang sa mga nareplyan ko ay sina Nanay, Sharlene, Tito Gary at Tita Lani, at syempre si Matteo.
Pauwi na raw siya. Sabi ko magta-taxi nalang ako papunta dun.
Pagdating ko sa condo niya, kumatok ako sa pinto.
Ilang saglit, binuksan ni Matteo at pinapasok ako. Todo ngiti siya.
Pagkasara ng pinto, niyakap niya ako.
Ang saya ko nung mga sandaling yon. Ang sarap ng pakiramdam na kasama mo ang isang tao na mahalaga sayo to share the special moment. Wala na yatang tatalo dito!
Ang tagal namin magkayakap nun. Natatawa na nga kami eh. Pero walang nabitaw saming dalawa. Hanggang sa magsalita ulit si Matteo.
“I love you, Daniel.”
Nagulat ako sa narinig ko. Mahal daw niya ako?
Tinulak ko siya palayo. Sandali lang.
“What?” sabi niyang gulat.
Umiling lang ako sa kanya.
“Daniel, I’m in love with you.”
“No. No. Ok? No,” sabi ko.
Nagtaka siya sakin.
“Why? Tell me,” tanong niya.
“This can’t happen.”
Nagalit si Matteo sa unang pagkakataon mula ng makilala ko siya. “What’s the matter with you? I’m practically throwing myself at you and you just shrug me off like that?”
“Mali eh. Mali,” sagot ko.
“What’s wrong with loving someone? Since when was falling in love wrong?”
“Matt! Can’t you see? Pareho tayong lalaki. Yun ang mali. Naintindihan mo? And I don’t want to make the same mistake again.”
“Coward.”
“What did you say?” Uminit ang ulo ko sa sinabi niyang yun. Kahit kelan, hindi ako naging duwag.
“I said, you’re a coward. You’re hiding behind that excuse because you’re afraid of getting hurt again,” sabi niya.
Umiling ako. “Nagkakamali ka. Hindi ako duwag.” Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sakin, wag lang yang salitang yan.
“Admit it. Duwag ka!” sabi niya.
“Hindi nga ako duwag!” Napasigaw na ko sa galit. Tinulak ko siya ng malakas. Hindi na ako nakapagpigil. “Duwag ba para sayo yung taong hinarap lahat ng problema magisa? Duwag ba yung taong kinaya lahat ng sakit, dito, dito sa loob? Duwag ba yung taong nalagpasan lahat ng hirap ng walang ibang kasama? Sabihin mo sakin, Matt. Duwag ba yun para sayo?”
Nakatingin lang siya sakin. Hindi kumikibo.
Tumalikod ako sa kanya. Naguumpisa nang mabasa ang mga mata ko. “Alam mo, buong buhay ko nalang yata puro hirap ang dinanas ko. Nung iniwan kami ni Tatay, I was the one kept my family together. Maraming beses ko na gustong sumuko. Hirap na hirap na ko eh. Pero hindi pwede. Ako lang ang sasandalan nila. Kung duwag ako, matagal na kong umalis. Matagal ko na silang iniwan.”
Siguro sobrang emosyon ang dahilan kaya tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Kanina lang ang saya-saya ko, ngayon naman malungkot ulit. “Yung dinanas ko kay Franz na siguro ang pinakamahirap. Iniwan niya ko sa ere. Ni hindi ko alam kung anong nangyari. I waited for him. Pero wala. I was left hanging for too long. Hanggang ngayon, iniisip ko kung bakit. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko nun. Tinago ko yun lahat dito, sa loob ko. Hindi ko mailabas, hindi ko maiyak ang sakit na naramdaman ko. Sabihin mo nga, duwag ba yun para sayo? Kinaya ko lahat mag-isa, Matt. Hinarap ko lahat ng ako lang. Kaya you don’t have any right to tell me that I’m a coward.”
Nakatalikod parin ako sa kanya. Tahimik niya akong pinakinggan.
Maya-maya, naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. Inalis ko yun dahil galit ako.
Niyakap niya ako mula sa likod. Nagpumiglas ako, pero hindi siya umalis. Tumulo ulit ang luha ko nun. Napaupo kami sa sahig.
“I’m sorry. I’m so sorry,” bulong ni Matteo sakin.
Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang gusto ko. Sige, ilabas mo lang, sabi niya.
Ang tagal namin sa ganung posisyon. Nakayakap lang si Matteo sakin.
Nung wala na akong luha, nagsalita siya ulit.
“Dan,” sabi niya while brushing my hair, “you went through a lot. But I know it made you a stronger person.”
Di ako sumagot.
“You’ve taken care of others for so long. Its time someone took care of you.”
Ngumiti ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya.
And then it just happened.
We kissed.
Nung gabing yun, Matteo made me feel alive again.
——————————————————————
Bakit parang sumobrang lambot ng kama ko? At bakit malamig?
Dahan-dahan kong binukas ang mata ko. Bakit parang nag-iba yung kwarto ko?
Bigla akong napatayo. Hindi pala ako umuwi kagabi! Dito ako natulog sa unit ni Matteo. Teka lang… Oh no!
“Hey sleepyhead,” sumilip si Matteo sa pintuan.
Nagtakip ako ng kumot. Wala kasi akong suot na damit. Ano bang ginawa mo Dan!
Pumasok si Matteo. Tawa ng tawa. “What’re you doing that for?” tanong niya.
“Which one?” sabi ko.
“That covering thing you’re doing,” sabi niya. Parang aliw na aliw naman tong tao na to. “No need for that. I’ve seen every inch of you.” Tapos tumawa ulit ng malakas.
Parang nahiya ako sa sarili ko. Lalo akong nagbalot ng kumot. “Naman eh, hindi kaya ako sanay ng walang damit gaya mo.”
“Awwww…” tapos tumalon siya sa kama at tumabi sakin. “Sorry na.”
Umayos siya ng upo. Tinawag niya ko para sumiksik sa tabi niya. Inakbayan niya ko.
“Thanks for last night,” binulong niya sa tenga ko. Sabay halik sa pisngi.
“Shit,” sabi ko. Ewan ko pero parang nahiya ako sa nangyari. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko.
“Hey,” sabi niya. Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha. “Listen, what we had last night was special. Don’t ever feel ashamed of something like that, ok?”
Tumango nalang ako.
Kinuha niya yung kamay ko at pinagdikit niya ang mga palad namin. Akala ko kung anong gagawin niya. Maya-maya ginalaw niya yung kamay niya hanggang yung mga daliri nalang namin ang magkadikit. Sumenyas siya na gawin ko din yung ginawa niya. Ayun, ginalaw galaw namin ang mga kamay namin na sabay.
“What’s that?” tanong niya sakin.
“Kamay,” sagot ko.
“Nope,” sabi niya habanag patuloy ang paggalaw ng mga kamay namin.
“Ano?” sabi ko.
“That’s a spider in front of a mirror,” sagot niya sabay tawa.
Hinampas ko siya ng unan sa inis. Ano ba yan! Sabi ko, “Ang corny mo!” Tawa ng tawa si Matteo. Di ako natawa sa ginawa niya. Dun ako natawa sa kakornihan niya. Pero kahit ganun, medyo na-cute-an naman ako.
Napadapa siya sa sobrang kakatawa. Dinaganan ko siya.
“Oooh wow. Its still early, baby,” sabi niya sabay tawa ulit.
“Loko!” sabi ko. Ayun, tumayo nalang ako at umupo ulit.
“Hey, it was a joke,” natatawa niyang sabi.
Tinignan ko lang siya.
“Ok, I’ll stop na,” sabi niya. Tapos umayos siya ng higa at ginamit niyang unan yung binti ko. Tinitigan niya lang ako habang nakangiti.
Pinaglaruan ko yung mukha niya. Pisil sa pisngi, pindot sa ilong, binukas-sara ang bibig at binuklat ng todo ang mga mata. Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Medyo namula nga yung pisngi at ilong niya eh.
“Salamat ah,” sabi ko kay Matteo.
“Saan?” tanong niya.
“For not giving up on me,” sabi ko.
Hinawakan niya yung mukha ko at siya naman ang pumisil sa pisngi ko. “That’s nothing.”
Tumawa ako.
“So, what do you want to have for breakfast?” tanong niya.
“Kahit ano,” sagot ko.
“You want hotdog and eggs?” Tumayo na siya sa kama. “That’s all I know how to cook.”
“Didn’t we just have that last night?” sabi ko. Tapos kumindat ako sa kanya.
Tinignan ako ni Matteo ng patagilid. “Aha! Ikaw ha!”
“What?” pa-inosente pa ako.
“Mamaya. Just wait for me,” sabay tawa ng malakas.
Tumawa rin ako ng malakas. “Bring it on!”
“Aba,” parang nahiwagaan si Matteo. “You, sir, will have your breakfast in bed, while I’ll have my dessert afterwards.” Lumapit siya sakin at hinalikan niya ko sa noo.
Lumabas na siya ng kwarto. Naiwan akong nakangiti. Hay, si Matteo nga naman. Ang tindi ng tama ko sa kanya.
“Happy?” bigla siya ulit sumilip sa pinto.
Tinignan ko siya.
“Never been happier.”
No comments:
Post a Comment