Sunday, June 10, 2012

KAHIT KAILAN


By: Dalisay Diaz
2010, April 21

 It was a very cold night.

Ipinasya niyang lumabas ng silid at tunguhin ang paboritong lugar sa kanilang mansiyon.

Ang library. 
  
Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagtipa ng kanyang mga tulang naiisip. Para sa katulad niyang lumaki sa karangyaan at nabuhay ng may halos anim na dekada na sa mundong ito ay isa ng luhong maituturing ang maitipa sa kanyang makinilya ang mga tulang naiisip.
  
Masyado kasi siyang busy at malaki ang oras na kinakain ng kanyang kumpanyang itinayo. Halos wala na nga siyang panahon para sa sarili kung hindi lang iyon binago ng pagdating ng isang tao sa kanyang buhay.
  
Siya si Roger Lopez. Limampu't siyam na taong gulang. May katikasan pa rin naman sa kabila ng edad at may malakas pang pangangatawan. Mestiso siya at may katangkaran. Habulin ng mga babae noong kabataan pa niya. Marami-rami na siyang pinaiyak--sadya man o hindi--ng dahil sa kanyang magandang pangangatawan at simpatikong hitsura.
  
Napabugha si Roger ng malalim na hininga. Sa pagkaalala niyang iyon ng kanyang nakalipas na kabataan ay hindi niya maiwasang mapangiti ng husto. Ang inaakala niyang payapang pamumuhay na puno ng romansa sa mga kababaihan ay nag-iba ng makilala niya si Leo Pascual. Isang tabakero sa kanilang asukarera.

 Matikas ang lalaki. Maamo ang mukha na inadornohan ng malalantik na pilik-mata. Matangos na ilong at mapupulang labi. Hindi niya akalaing ang isang tulad niyang matipuno rin ay may kakayahang maakit sa isang katulad nito. He tried to fight it but the feeling was so intense that every time he shove Leo away, every attempt was futile.
  
Natatandaan pa niya ang mga unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Taong 1982. Nasa itaas siya ng isang puno at kumakain ng hilaw na mangga. Dumaan sa harapan niya si Leo na nakahubad-baro. Napakaganda ng katawan nito. Halatang banat sa trabaho. Sweat was dripping from his magnificent body. He was tan all over but it didn't gave him the impression that this man was a nigger.

 Isa pang nakapukaw ng atensiyon niya ay ang balewalang pagbubuhat nito ng mabigat na bulto ng mga tubo' sa balikat nito. Duda siya kung kaya niyang gawin iyon kahit pa nagbubuhat din siya ng mabibigat para mapaganda ang kanyang katawan. Sa pagmamasid niya rito ay hindi niya namalayan na kinakagat na pala siya ng malalaking langgam sa kanyang kamay at pang-upo. 

 "Aray!" ang natataranta niyang wika ng maramdaman ang hapdi ng kagat ng mga tinamaan ng magaling na insekto.

 Sa pagkataranta ay hindi niya napansing malalaglag na siya sa sangang kinauupuan at anumang sandali ay babagsak na siya sa lupa. Mabilis na napakapit siya ng tuluyang mawalan ng balanse mula sa pagkakaupo.
  
"T-tulong!" sigaw niya.

 "Tulungan niyo ako."

 Nahihintakutan siyang tumingin sa ibaba. Medyo may kataasan ang lugar na kinakapitan niya. May mga dalawang metro pa siguro iyon. Hindi sana siya mawawalan ng kakayahang mag-isip sa mga ganoong sitwasyon kung hindi lang sumisigid ang sakit ng mga kagat ng langgam sa kanyang kamay at katawan. Lalo na sa pang-upo niya.

 Iniisip na niyang bumitiw ngunit mabato ang babagsakan niya at sa estado ng sakit na nararamdaman niya ay duda siya kung magagawa niyang maglanding ng maayos. Pero wala ng choice. Mukhang wala siyang makukuhang tulong kaya pumikit siya ng mariin at inihanda na ang sarili sa pagbagsak ng maramdaman niyang may humawi sa kanya habang bumabagsak at sa isang may katigasan ding bagay lumapat ang kanyang katawan. Parang sa isang tao.

 Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman niyang gumalaw ang binagsakan niya at umungol ito ng tila nasaktan.

 Tao nga!

 Dali-dali siyang tumayo at nanggilalas ng makilala ang taong binagsakan niya. 
Ang tabakerong matipuno! 
  
Dagli niyang dinaluhan ito ng muling umungol. Nakapikit kasi ito at sapo ang tagiliran. Mukhang doon lahat napunta ang bigat niya ng bagsakan niya ito. Kinapa niya ang nasaktang bahagi ng katawan nito at nakumpirma ang hinala ng sumigaw ito.
  
"Argh!!! Papatayin mo ba ako?" galit na wika nito.
  
Natulala siya. Never in his entire life na nasigawan siya ng mga magulang. Kaya ano ang karapatan ng isang ito na sigaw-sigawan siya?

 Pisilin mo ba naman ang bahaging maaaring may pilaay eh. Matutuwa nga sa iyo yan.

 Nahimasmasan siya sa naisip. Muli niyang tinapunan ito ng tingin. Nakasalampak pa rin ito ng upo sa lupa. Namimilipit sa sakit at tila pinangangapusan ng hininga. Kitang-kita niya ang pamumula ng leeg nito hanggang sa may bandang itaas ng matigas na dibdib nito sa kabila ng may kaitiman ito.
  
"Masakit pa ba?" alanganing tanong niya rito.
  
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. Waring ang kanyang sinabi ay isang malaking kasalanan. Pinigil niya ang singhalan ito dahil na rin sa siya ang may nagawang mali rito.
  
"Ano sa palagay mo ang kalagayan ko ngayon? Matapos kong saluhin ang iyong pagkahulog ay mukhang balak mo pang dagdagan ang sakit ng katawan ko sa pagpisil-pisil mo. Ano bang kaisipan mayroon ka?!" malakas at mahabang singhal nito sa kanya.
  
Literal na napatanga siya sa ginawi nito. Mukhang hindi siya nakikilala ng lalaki. Siya ang anak ng may-ari ng lugar na iyon. Katumbas rin ng batas ang bawat salita niya roon. Nagngangalit na itinayo niya ito at isinalya. Hindi naman ito makalaban ng dahil sa iniindang sakit.

 "Nakakarami ka na sa akin, tabakero. Tinatanong kita kung masakit pa dahil dadalhin kita sa ospital kung malala ang iyong kalagayan. Tungkol naman sa pisil-pisil na sinasabi mo ay gusto ko lamang inspeksiyunin ang iyong kalagayan. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko at baka kahit na nasaktan ka na ay mawalan ka pa ng trabaho." nanggigigil na sabi niya rito.
  
Marahas naman nitong tinabig ang katawan niya at sa mabuway na paraan ay pinilit nitong tumayo. Nakabalatay ang matinding poot sa mukha at mata nito. Parang gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtitig na ginagawa nito ngayon. Ipinilig niya ang ulo saka sinalubong ang tingin nito.
  
"Sa kilos at porma mo ay mukhang mayaman ka nga. Pero ang nagpasok sa akin dito ay ang matandang Don. At walang sinomang makakapag-paalis sa akin sa lugar na ito kung hindi siya lang. Maayos akong tinanggap ng pamilya Lopez at tanging ang matandang Lopez lang ang makakapagpasya ng tungkol sa pananatili ko rito. Sino ka ba at ganyan ka kung makaasta. Daig mo pa ang anak ng may-ari nito." matapang at may paninindigan na sabi nito sa kanya. Halatang hindi padadaig lalo na kung mamatahin mo lamang siya.

 Napahalakhak si Roger sa tinuran ng tabakero. Nawala ang lahat ng galit na nararamdaman niya para sa ginawa nitong pagsagot-sagot sa kanya at sa halip ay inani nito ang respeto niya. Isa itong taong may paninindigan. Hindi natatakot maghayag ng nasasaloob lalo pa at nasa tama ito.
  
He suppressed a smile ng matigil sa paghalakhak. Nakita niyang bahagya itong naguluhan. Nakakunot ang noong nagwika ng pabulong.
  
"Patay na! Mukhang nasisiraan na ng bait ang isang ito." 
  
Mahina lang iyon pero dahil sa silang dalawa lang ang nasa panig na iyon ng asukarera ay natural na marinig niya iyon. Hindi rin naman mukhang intensiyon nito ang itago ang sinabing iyon.
  
Impit ulit siyang natawa bago nagsalita. "Palalagpasin ko ang isang iyon. You know what? Para sa isang tabakero, masyado kang matapang. At mukhang hindi mo ako kilala talaga. By the way, I'm Roger Lopez. Nag-iisang anak ni Don Perfecto Lopez na siyang may-ari nitong Azukarera Lupita." inilahad niya ang isang kamay.
  
Kapansin-pansin ang pagbabago ng kulay ng mukha nito. Nagkulay suka ang kaninay namumula sa galit na ekspresyon nito. Natural ang gulat na nakarehistro at ang anumang pagdududa niya na nagpapanggap lang itong hindi siya kilala ay naglaho ng lahat sa nakikita niyang hitsura nito. 

 Ngunit saglit lang iyon. Itiniim nito ang labi at ang mata. Parehong naglapat ng isang linya. Bumalik na rina ng natural na kulay nito at tiningnan ang nakalahad niyang kamay.
  
"Bago ka rito no?" aniyang nakangiti pa rin dito.

 Bahagya lang itong tumango at inabot ang kanyang kamay. Magaspang ang palad nito. Bagay sa may-ari. Rough and sandy. Sana'y ganoon din ang pangalan.
  
"At ikaw si...?" pabitin niyang tanong.

 "Leo. Leo Pascual po. Ipagpaumanhin ninyo ang aking asal. Hindi ko inakalang kayo pala ang anak ng matandang Don." pagkasabi nun ay bumitiw na ito sa pakikipagkamay sa kanya at tinungo ang kinaroroonan ng nagkalat na tubo'. 
  
Nagtatakang sumunod siya rito. Tahimik lang ito habang dinadampot ang mga tubo' kaya naman naisipan niyang asarin ito.
  
"Ganyan ka ba talaga? Kapag galit eh madaldal? Kapag napapahiya ay tumatahimik?" 

 Biglang lumingon ito sa kanya na nakapagkit ang mabangis na hitsura. Pero mahinahon namang nagsalita bagaman nakaguhit sa bawat katagang binibigkas nito ang panganib.

 "Kung ang intensiyon niyo po ay ang inisin at pahiyain ako sa aking sarili ay nagtagumpay po kayo. Pero sana, huwag ninyong kalimutang tao rin ako bagama't ako'y isang hamak na tabakero dito. Inuulit ko po. Ipagpatawad ninyo ang ginawa kong pagsagot kanina. Asahan ninyong ito na ang huling araw ko rito katulad ng gusto niyong mangyari." 
  
Hindi agad siya nakahuma. Napansin niyang lumungkot ang mukha nito ng sabihin ang mga huling salita. 
  
"Hindi ako kasin-sama ng naiisip mo Leo. Tinatanggap ko ang paumanhin mo. Kaya sana ako rin ay patawarin mo. I was out of line..."
  
"Paki-usap. Hindi po ako nakatuntong ng sekondarya. Hindi ko po lubos na nauunawaan ang inyong mga banyagang salita." ani Leo sa kalmado pero ma-pride na tinig.
  
Naiiling na ngumiti siya. "Pasensiya na. Wala akong intensiyong masama. Lumaki kasi ako sa Maynila kaya ganito ako magsalita." sabi niya sa nahihiyang tono.

 "Okay lang po iyon." sagot sa kanya ni Leo.

 "Alisin mo na ang po. Roger na lang. Mukhan namang di tayo nagkakalayo ng edad. Bente-otso lang ako. Ikaw ba?"

 Nahihiyang tumugon ito. "Bente-sais. Hindi po-- este hindi ba nakakahiya na alisin ko ang po at tawagin ka sa pangalan lang?" 

 Natawa siya ng makitang namumula ito. "Oo. Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil ako ang bago mong kaibigan dito." sabi niyang tinapik-tapik pa ang likod nito.

 Iyon ang simula ng kanilang pagkakaibigan na kalaunan ay nauwi sa pagmamahalan. Hindi siya makapaniwala noong una na sa panig pa niya nagsimula ang pag-ibig para dito. Sinubukan niyang supilin iyon, pero malakas masyado ang nararamdaman niya para dito.
  
Nalilito talaga siya ng husto dahil sa panig nito ay natural na malambing si Leo. Minsan nga ay hindi niya mabigyan ng paliwanag kung may gusto rin ba ito sa kanya sapagkat wala naman itong sinasabi. Madalas itong samahan siya kapag nag-iisa siya. Naroong inukit nito ang pangalan nilang dalawa sa isang puno. Iyong mismong puno na naging saksi sa kanilang unang pagtatagpo.
  
Nagkaroon din ng pagkakataon na ng magdala siya ng pagkain para sa kanilang dalawa ay naglambing itong subuan niya. Tinutukso nga niya itong bakla pero agad siya nitong ikukulong sa mga braso nito at isasalya ng tulad sa isang nagpapambunong magkaibigan.
  
Hindi niya na kaya ang lahat ng nangyayari kaya ng minsang dumating ang pagkakataon para makapanligaw ng babae ay ginawa na niya. Dumating si Maribel na isang bakasyunista sa kanilang bayan at talaga namang napakaganda. Ninais niyang suyuin ito para mapagtakpan ang kanyang nararamdaman para kay Leo. Hindi dapat. Isa iyong taboo, ika nga. 
  
Iniwasan niya si Leo pero ang kapalit naman noon ay ang pagiging malulungkutin niya. Nang minsang naglalakad siya sa likod-bahay nila sa ilalim ng makinang na buwan ay bigla na lamang may humila sa kanya.
  
Susuntukin niya sana ang pangahas na iyon ng isalya siya nito sa dingding ng kalapit na kamalig. Nakilala niya si Leo mula sa liwanag ng buwan. Madilim ang mukha pero malungkot ang mga mata. Parang may paghihinagpis. Magsasalita sana siya ng pigilan siya nito sa pamamagitan ng isang halik.
  
Isang halik na nagpamanhid sa kanyang buong katawan. Hindi agad siya nakahuma kaya naman hindi niya alam kung paano ang tumugon. Nakakawala ng huwisyo ang ipinalalasap nito sa kanya. Iyon ang una niyang pakikipaghalikan sa isang lalaki. At salamat dahil sa minamahal niyang si Leo niya iyon naranasan. Dahil abala sa pag-iisip ay hind niya namalayan na tumigil na pala ito at ngayon ay unti-unting dumadausdos mula sa pagkakatayo.

 "L-leo...?"

 Humikbi ito. 
  
"Wala ka talagang nararamdaman para sa akin 'no? Wala talagang pag-asa na maging tayo kasi babae ang gusto mo." malungkot na sabi nito.

 "L-leo..." gilalas na sambit niya.

 "A-akala ko, p-pwede rin t-tayo. Iyon p-pala, pinaasa ko lang ang s-sarili ko." sabi nito sa pagitan ng mga hikbi. Hindi makahinga ng maayos ang pakiramdam ni Roger.
  
Sobrang saya niya! Hindi niya akalaing mahal din siya ni Leo!

 Malungkot siyang tiningnan nito at saka tumayo. Pinahid ng likod ng palad ang mga luhang naglandas sa pisngi. 

 "Pasensiya ka na. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Nalaman ko kasing nagkakamabutihan na kayo ni Maribel." parang batang sambit nito.
  
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan. Nananakit na iyon sa pagpipigil niya ng emosyon. Sobrang saya niya gusto niyang humagulgol sa iyak.
  
"L-leo..." tanging nasambit lang niya.
  
"Ang sarap ng tunog ng pangalan ko sa labi mo Roger. Kaya sana ako na lang ang mahalin mo. Mahal na mahal kita Roger, higit pa sa buhay ko." madamdaming sabi ni Leo.
  
"M-mahal mo a-ako?" namimilog ang matang sabi niya.
  
"Oo. Nakakahiya no? Ang laki kong lalaki pero mahal ko ay kapwa ko rin lalaki. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ako manggugulo sa inyo. Sinabi ko lang ang nararamdaman ko kasi di ko na kayang nakikita kitang masaya samantalang alam kong mas kaya kitang paligayahin kaysa sa kanya." wika ni Leo saka mapait na ngumiti.

 Wala pa rin siyang masabi kaya tumalikod na ito. Nakayukong tinutumbok ang kadiliman ng kagubatan na nasa labas ng kanilang bakuran.

 Magsalita ka na! sigaw ng isip niya.

 "L-leo... hintay!" sa wakas ay naisatinig niya.

 Huminto ito pero hindi lumingon.

 Nagtanggal ulit siya ng bara sa lalamunan. "Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos mo akong deklarahan ng iyong pagibig ay wala man lang ba akong karapatang sabihin ang gusto kong isatinig?" 
  
"Kung pagtatawanan at lalaitin mo lang ako ay gawin mo na Roger. Dahil bukas na bukas ay wala na ako sa bayang ito." ani Leo na di pa rin tumitinag sa pagkakatalikod sa kanya.
  
Huminga siya ng malalim. "Lumingon ka nga." utos niya.
  
Alanganing pumihit ito.

 "Makikinig ka ba sa sasabihin ko?" aniya kay Leo.

 Tmango ito.
  
"Good." napangiti siya. Lumapit siya rito at sa gulat nito ay hingkan niya ito ng buong suyo. Isang marubdob na halik na ng matapos ay kapwa sila humihingal. "Mahal din kita Leo."

 Sa sobrang saya na rumehistro sa mukha nito ay parang nagliwanag ang buong lugar kahit pa napakadilim doon at liwanag lang ng buwan ang tanglaw nila.

 "Sigurado ka?" alanganing sabi ni Leo sa kanya.

 "Oo."

 "Paano si Maribel?"

 "Ikaw ang mahal ko. Hindi siya." pag-a-assure niya rito.

 Nagyakap silang muli at nagsalo sa isang halik. Naputol ang pagmumuni ni Roger ng marinig ang mahinang tawanan ng mga kabataan na naka-camp sa may labas ng kanilang bakuran. Malapit iyon sa gubat. 

 Sa kabila ng modernisasyon ng panahon ay nanatiling klasiko at luma ang pamumuhay sa mansiyon. Bawal ang telepono at bawal ang modernong gamit. Hindi sa pagmamaramot pero kapag nasa mansiyon sila ni Leo ay pahinga talaga siya at radyo lang ang gamit para sa komunikasyon.

 Sila pa rin ni Leo hanggang ngayon. Itinago nila noong una ang relasyon at napagkasunduang ilalantad iyon sa pagdating ng panahon. Hindi naging madali ang kanilang pagsasama dahil ang paglilihim ng isang napakadelikadong bagay ay lubhang sinusubok ng panahon.

 Nalagpasan nila iyon ni Leo. lahat ng iyon. Nasa baba na siya ng lampasan niya ang nagbabasang gwardiya na nasa malapit na poste. Ang library nila ay nakahiwalay at talaga namang may sariling bantay. Doon na siya natutulog minsan or inaabot ng madaling-araw sa pagtitipa ng kaniyang mga tula.

 Nakita niyang parang nilamig ang gwardiya at sinundan lang siya ng tingin. Pagdating niya sa pinto ng library ay binuksan niya iyon sa pamamagitan ng susing dala. Ang gwardiya sa tabi ng pintong iyon ay tulog na tulog na.

 Napangiti siya ng bumungad sa kanya ang kanyang makinilya. Its been so long since he last wrote a poem. He needed to get his ideas into print. Stress-reliever niya iyon sa nakalipas na ilang taon.

 Nagsimula siyang magtipa. Mga limang minuto na siyang nagtitipa ng marinig niya ang pag-ingit ng pinto at parang may sumisilip. Marahil ay ang gwardiya. Napa-iling siya. Madalas silang magpalit ng gwardiya dahil walang tumatagal sa kanila dahil na rin sa layo sa kabihasnan.

 Nagpatuloy ang pag-ingit kaya pansamantala niyang itinigil ang pagtitipa at isinuot ang salamain para maaninang ang nasa pinto. Ang gwardiya nga. Ngumiti siya rito at nagsabing okay lang siya doon. Para namang nahintakutan ang bagong gwardiya na nakakita sa kanya.

 Wala ng bago doon. Madalas mangyaring katakutan siya dahil na rin sa weird niyang oras ng pagta-type ng tula. Ipinagpatuloy niya ulit ang ginagawa ng walang sabi-sabing bumungad naman si Leo mula sa pintuan kasunod ang gwardiya at nakatutok sa kaniya ang flashlight. 

 Katulad niya, pinatanda na ng panahon si Leo pero matikas pa rin at malakas. Dalawang taon lang ang tanda niya rito at kahit minsan. Sa kabila ng kanilang edad, hindi pa rin siya nakakalimutang pag-initin nito at sabihang mahal na mahal siya.

 "Oh my God! Roger. What are you doing here?" gilalas na sabi ni Leo.

 "I'm making some poem sweetheart." sagot niya sabay angat ng papel na may tula.
  
"Take a rest now Sweetheart. I love you. And I will see you soon. But please, take a rest. Please be with God!" taimtim na sabi nito. 

 Napakunot-noo siya. Tiningnan niya ang paligid. Nakita niyang unti-unti ng nabubura ang kamay niyang nakaangat kanina. Hustong nawala ang kanyang kamay ay nalaglag na ang salaming suot niya at ang papel na hawak sa sahig.

 Napahawak si Leo sa kaniyang dibdib matapos ang nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa isinumbong ng gwardiya. May roon daw nagta-type sa loob ng library na isang lumulutang na salamin. Tumigil pa nga raw ito pagkakita dito ng gwardiya at waring tumingin pa sa gawi ng pinto.

 Pumunta siya sa musuleo ng mansiyon. Inayos niya ang litrato ni Roger at inilagay iyong muli sa puting estante.

 Roger Lopez Pascual

Born: January 27, 1949

Died: April 26, 2010

In Loving memory of Husband and Kids. We will miss you.

 Iyon ang mga nakasulat sa lapida ng mahal na asawa. Nagpakasal silang dalawa sa San Francisco ng ma-legalize ang same sex marriage doon. Isa sila sa mga unang nagpataling-puso ng mabalitaan ang kaganapang iyon sa California.

 Mahal na mahal niya ito. Kung maari lang na sumunod siya agad dito ngunit may mga anak sila. Dalawang galing sa mga babaeng binayaran nila para magdala ng anak nila at tatlong inampon naman nila.
  
Limang araw na ang nakakalipas ng masawi ito sa pagtulog. Hindi pa siguro nito alam na pumanaw na ito. Walang paglagyan ang kanyang lungkot sa pagkamatay nito pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang magpakatatag para sa mga malalaki na ring anak.

 Nag-alay siya ng taimtim na dalangin para dito. Ngayon ay alam na niyang nasa mabuti na itong kalagayan. Kasama na ito ng Diyos.

 Naluluhang sinambit niya ang mga katagang gustong-gusto nitong marinig mula sa kanya.
  
"I love you, Para Siempre..."

 FIN

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...