Friday, June 15, 2012

ENCOUNTER WITH THE FLIRT - FINALE


By: Dalisay Diaz
Ang sarap pala talaga ng feeling kapag may nagaalaga sa'yo.

Iyan ang piping sigaw ni Eiji sa isip niya habang nagtatampisaw siya sa dalampasigan na sakop ng villa.

Tinanaw niya ang nag-iihaw na si Billy. Nakahubad-baro ito. Kahit anong pilit niya na pagsuotin ito ng trunks ay hindi ito pumayag. Nahihiya raw ito. Geez... sabagay, kahit siya ay may selfish na rason sa sarili na huwag sana itong pumayag na magsuot ng trunks kahit pa silang dalawa lang ang naroroon at naliligo.

He wanted Billy's nakedness all to himself. Bawal mag-share. Kahit sa tingin lang. Period!

Kinawayan siya nito ng makitang nakatingin siya. He felt a huge thug on his chest. Bakit sa simpleng kaway lang nito ay nagririgodon na ang puso niya. Hindi naman siya dating ganoon.

Admit it man. Nahuhulog ka na sa kanya. It's time to accept the fact that you are indeed falling for him. Fast.

Napa-iling na lang siya sa naisip at gumanti ng kaway kay Billy.

Lumapit siya dito.

"Hi there babe." nakangiting bati nito ng makalapit siya.

Babe? Napatirik siya ng mata ng bahagya.

"Hi yourself." sagot niya.

"Malapit na ito. Why don't you grab yourself some beer para match sa inihaw na liempo."

"Okay." Kibit-balikat niyang sagot.

Hangga't maaari ay ayaw niyang i-encourage si Billy na makasanayan ang pagiging sweet sa kanya. Nasasanay na ito sa pagtawag-tawag sa kanyang babe at pag-aalaga sa kanya.

Bakit nag-aalala kang mawala rin siya kagaya ng iba?

"Babe..." putol ni Billy sa daloy ng diwa niya.

He left out a sigh.

"Billy..."

"Yes?"

"Stop it. Please."

"Stop what?"

Bumaling siya rito. Nakita niyang nakakunot-noo ito.

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko."

"The babe thing." Billy quoted.

He nodded.

"What's wrong with that?"

"I thought I told you..."

"That we should enjoy enjoy this while we can?"

"Yes."

"That's just it Eiji. I'm enjoying it. SO there's no need to fret. Nag-e-enjoy ako sa set-up natin at kasama na doon ang pagtawag ko sa'yong babe."

Napipilan siya.

Ano pa nga ba ang posible niyang isagot doon?

"Well?" tanong nito.

"Fine. Just don't get used to it." sumusukong wika niya.

"I know. And besides, ako na ang mamomoroblema sa bagay na iyon." Nakangiti pang sabi ng hudyo.

"Alright. Kukuha lang ako ng beer."

"Idamay mo na ako."

"Okay."

****************************************************


Matuling lumipas ang mga araw at masaya naman silang dalawa ni Billy. In fact, sa sobrang saya niya ay hindi na niya namalayang siya na mismo ang gumagawa ng bagay na ito dapat ang gumagawa.

"Eiji?" tinig iyon ni Billy sa may pinto. Dali-dali niyang isinara ang laptop at binuksan ang pintuan.

"Hey!" aniya rito.

Napalitan ng pagkakakunot ng noo ang ekspresyon nito mula sa pagkakangiti pagkakita sa kanya.

"What's wrong?" Billy asked.

"N-nothing. Medyo nagmadali lang ako palabas." Alanganin niyang tugon.

"I thought you looked agitated. Anyway, kain tayo ng siomai."

"Umorder ka?"

"Nope. Gumawa ako." Nagmamalaking sabi pa nito.

"Really?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

"Yup. Wanna try it?"

"Try? Can't you see I'm drooling here?" biro niya.

"You're drooling over me?" ganting biro nito.

"Ang yabang ng mama. Marunong ng magyabang."

"Of course. Magaling ang teacher ko eh."

"Heh! Halika na at tikman na natin ang siomai na iyan."

"Hep!" Pinigilan siya nito ng akmang bababa na siya.

"What?" natatawang baling niya rito.

"I thought I heard you say "Halikan na."

"Baliw. Maglinis ka ng tainga mo."

"Hoy malinis yan ha." Billy pulled him back that he was slammed against his massive chest. For a geeky guy, he really was an execption. Sana lahat ng old-fashioned na katulad nito ay ganoon ka-macho. Wala sanang soltero ngayon.

"I-check mo pa." anas nito sa may punong-tainga niya.

Eiji's system instantly went in turmoil. Nakakawala ng common-sense ang pagkakalpit nilang iyon. Inangat niya ang paningin para makita ang mukha nito. Base kasi sa pagsasalita nito ay nakangiti ito. Na isa palang malaking pagkakamali.

His lips brushed Billy's mouth that instantly ignited the obvious tension between them. Nanatiling magkadikit lang ang kanilang labi. His loins ached from the torturous intimacy that they have. Wala na tuloy siyang paki-alam sa paligid niya and he was sure as hell Billy also didn't mind where the hell they might be.

His breathing became more uneven. He felt Billy's hand softly making its way to soft curls of his hair. Prente namang nakalapat ang kanyang palad sa matipunong dibdib nito. Giving him access to the unusual beating of his heart. Bakit ganoon? Katulad ng kay Billy, hindi rin normal ang tibok ng puso niya.

"Billy..." he whispered against his lips.

Nakakatuwang isipin na wala ni isa man sa kanila ang nag-aabalang tawirin ang gahibla lang na pagitan ng kanilang mga labi. Parang sapat na sa kanila ang ganoong eksena. Malapit lang sa isa't-isa. Taking time and pleasure to enjoy the warmth of each other.

"Eiji..." anas rin nito.

"Sir Billy, Sir Eiji." Tinig na nagpapitlag sa kanilang dalawa.

"Handa na po ang kumedor. Anumang oras ay maaari na ninyo itong gamitin." Tinig iyon ni Thomacito.

Nahihindik na umayos ng tayo si Eiji habang si Billy naan ay diretso lang ang tingin sa mayordomo habang may pinipigil na ngiti sa labi.

"Su-susunod na ka-kami sa ibaba Thomacito." tarantang sabi ni Eiji dito.

"Sige po." Malanding wika ng kapatas.

Billy burst in laughter pagkaalis na pagkaalis ni Thomacito.

Sure siya, namumula ang kanyang buong mukha dahil sa nasaksihan ng ibang tao ang intimate moments nilang dalawa ni Billy. Naiinis na kinutusan niya ito.

"Aray!" Natatawa pa ring sabi nito habang himas ang ulo.

"Nakuha mo pang tumawa?" iritable niyang tugon.

"Why? Eh, sa nakakatawa naman talaga." Billy said. Still laughing.

"Ewan. Kainin mo yung siomai mo mag-isa."

"Hey wait!" pigil nito sa braso niya ng akmang papasok na siya sa silid.

"Let go." galit-galitang sabi niya. Napahiya lang kasi siya kaya naman nagkakaganoon siya.

"Hmm? I can't do that Eiji."

"And why is that?"

"Dahil sasama ako sa loob kapag hindi ka bumaba. Hahayaan kong mag-isip si Thomacito ng mas marami pang bagay kapag nalaman niyang nagkulong tayo rito sa kwarto mo."

"That's a cheap blackmail Billy."

"And you're a hypocrite Eiji. Come on. Nakita tayo ni Thomacito, ano namang issue doon? Don't tell me na ngayon ka pa nahiya?"

"How dare you!" napapantastikuhan niyang sabi. Hindi niya naisip na magiging ganito ka-persistent si Billy.

"Halika na Eiji. Kung sakali mang manukso si Thomacito, ako na mismo ang boboldyak sa kanya." he said in a very assuring voice.

"Okay. Let go of my arm. Bababa na ako."

Napangisi ito.

"I won't. Ang sarap mo kayang hawakan."

Ano daw?

Napailing na lang siya at nagpatiuna ng lumabas. Hawak pa rin nito ang braso niya na para bang makakawala siya. Eh wala naman siyang ibang mapupuntahan. In fact, parang ayaw niya ngang makawala rito. Truth is, ayaw niya talaga. Hindi lang parang. Tama ito. Ipokrito nga siya.


***************************************************

Nakaset-up ang buong lamesa katulad sa isang magarang dinner. Natawa siyang bigla ng maalalang siomai nga lang pala ang kakainin nila.
"Ang garbo naman nito Billy."

"Anything for you Eiji."

Napailing na lang siya ulit pero deep inside ay pigil-pigil niya ang kilig.

Enjoy it while it lasts Eiji. Matatapos din iyan.

Sigaw ng bahagi ng isip niya.

Tama. It's just a phase. All of this.

Napabuntong-hininga siya at hindi iyon nakaligtas kay Billy.

"Ang lalim nun ah?"

Pili siyang ngumiti.

"Wala iyon."

"Okay."

Himala, hindi nangulit sa sagot niya.

"Siomai a la Billy." Mayabang na lahad nito ng buksan nito ang takip ng mga plato.

Nahawa siya ng bahagya sa enthusiasm na nakikita niya rito.

"Mukhang masaya ka ngayon Billy?" naisip niyang itanong.

"Siyempre. Dahil sa'yo."

Natigil sa ere ang akmang pagsubo niya ng siomai dahil sa sagot nito. Ibinaba niya ang tinidor.

"Billy..."

"I know, I know." Putol nito sa sasabihin niya.

"Napag-usapan na natin ito diba?" frustrated na sabi niya.

"Sabi ko nga. But I'm sorry, sinagot ko lang ang tanong mo. Ayoko lang magsinungaling sa sarii ko."

Tumaba ang puso niya sa sagot nito pero iglap lang iyon. Mabilis niyang pinairal ang kinasanayang depensa at unti-unting itinaas ang pader na lagi niyang pananggalang sa mga nagnanais ng mas malalim na relasyon sa kanya.

"Hear me first Eiji. Please."

Hinawakan nito ang kamay niya. Babawiin sana niya ng magsalita ulit ito. "Ten minutes lang."

Napilitan siyang mag-stay.

"Thanks. Eiji, I know na nag-usap na tayo na i-enjoy lang natin ito, but I can't. Sa araw-araw na magkasama tayo, hindi ko na naisip kung pareho tayong lalaki. O ikaw ang nakauna sa akin, o dahil ganito, dahil ganyan. Wala ng lahat iyon. Hindi ko na naiisip ang lahat ng iyon. Ang tanging mahalaga ay ikaw. Ako. Tayo. Hindi ko na pinagkaka-abalahang isipin ang iba. Kaya maniwala ka please, masaya ako ng dahil sa'yo. Masaya ako sa'yo. I'm sure we can work this out. Papatunayan ko sa'yo."

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Never in his entire life na nakarinig siya ng ganoong appreciation mula sa iba. Lagi na lang kasing may agenda ang mga tao sa pakikipaglapit sa kanya. Na kesyo masaya ang mga ito kasi sikat siya. At kapag kasama mo ang sikat, sikat ka na rin.

Some even dared to have a relationship with him. Kahit hindi totoong bisexual ang ilan sa mga lalaking iyon ay nagpanggap na bi, kasi nga, they want to make it in a very dirty business. The showbusiness. Pati mga babae ganoon. Kaya naman nadala na siya. Ilan kasi sa mga iyon ay natutunan niyang mahalin ng husto.

But with Billy. Ganoon din kaya? But he was promising him different. Maligaya rin siya dito. At iyon ang malaking katotohanan. In fact, he loved him. To eternity. Kaya naman ganoon na lang ang iwas niya.

"Eiji. Alam kong sasabihin mong nabubulagan lang ako. Na that I should try it first sa iba't-ibang partners bago ko sabihing tunay nga akong masaya sa'yo. Na sometimes, hindi talaga makalimutan kaagad ang initiation but God damn it Eiji, it's you I want at hindi sila."

"Kung sakali mang dumating ang araw na sinasabi mo. Iyong araw na ako na mismo ang kakalas sa'yo. Remind me of this day please? Remind me of how shamelessly begged for you to be mine. Tama ka. I'm asking you to be mine."

Nanlaki ang mga mata niya sa tuwirang pag-amin na iyon. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Gustong umasa ng puso niya. Gustong-guto. Pero itinatanggi ng isip niya ang lahat ng magagandang bagay na maari niyang isipin mula sa pagkakarining nang mga katagang iyon.

"Will you be mine Eiji?"

"K-kahit ganito ako?"

Finally. Lumabas ang boses niya. Teka, bakit parang ang pangit yata?

"Ganyan ka ng nakilala kita. Ano pa bang choice ko?" nagbibirong sabi nito.

"Ungas. Walang namimilit sa'yo." sagot niya sabay batok dito.

"Iyon na nga eh. All my life, akala ko, wala ng darting na taong makakapagpasaya sa akin ng ganito. Ikaw lang pala ang katapat ko. Akalain mo iyon."

"Oo nga eh. Never for one moment na sa isang geeky guy ak magkakagusto ng kagaya nito." Hinaplos niya ang mukha nito.

"I know I'm hard to resist Eiji." nakangising banat nito.

Inihilamos niya ang palad sa mukha nito.

"Yabang."

"So we're on?" Billy asked.

"Do I have a choice?"

"No."

His eyes rolled to the obvious answer. Susubo sana siya ng siomai ng may maalala siya.

"Hey! May naumpisahan ka na ba sa librong gagawin mo?"

Napatigil din ito sa pagsubo.

"Ahm..."

"I'll take that as a negative answer."

Napangisi ang ito.

"Kita mo ito. Ang tagal na natin na nandirito. Ilan beses na rin tayong..."

"Ano? Ilang beses na tayong nag-ano?" nanunuksong sambit nito ng ibitin niya ang sinasabi.

"Ah basta. Gawin mo na iyan."

"Eh, hindi ko nga alam kung paano gagawin. Wala rin akong maisip na format or plot kung paano ba sisimulang ang isang librong about sex." reklamo nito in between chewing.

Sumubo rin muna siya bago sumagot.

"Hay nako! Eh di gumawa ka na lang ng tips. Kunwari, twenty-seven bedroom tips from a former twenty-seven year old virgin."

Binato siya nito ng tissue.

Natatawang sinalo lang niya iyon.

"Salbahe ka. Did you have to rub it in? But hey! That's not bad. Thanks."

"You're welcome." Sumubo ulit siya ng isa pang siomai.

"Hmm... This tasted really good. Sigurado kang ikaw ang gumawa nito?"

"Oo naman. Sabi ko naman sa'yo. Okay lang ipagluto kita araw-araw."

Napatigil siya. May duda siyang may sasabihin na naman itong sorpresa.

Napa-aray siya ng may makagat siyang matigas na bagay sa loob ng panibagong siomai na isinubo.

"What the..."

It's a ring. Iyong matigas na bagay na nakagat niya ay isa palang singsing.

Kinuha iyon ni Billy at pinunasan bago mabilis na isinuot sa palasingsingan niya.

"What is the meaning of this Billy?" naguguluhan niyang tanong.

"There... Perfect fit!" pambabalewala nito sa sinabi niya.

"Billy!" he snapped at him. Hindi dahil sa galit kung hindi sa pagkalito at... pag-asam?

"What do you think? It's a ring." Seryosong sabi nito.

"And why are you giving me one?"

"Wala lang." He said non-chalantly, Nagpatuloy sa pagkain.

"Umayos ka ng sagot Billy! Susuntukin kita." aniyang napu-frustrate at... kinakabahan?

"Okay!" natatawang sabi nito.

"Nakuha mo pang tumawa." ingos niya.

"It's a promise ring."

"What?"

"Huwag kang OA Eiji."

"Bakit...?"

"It's a promise na ikaw lang at walang iba. Hindi ako titingin sa iba kahit gaano pa sila kagaganda o kase-sexy. Isa pa, wala akong alam na mas hihigit pa sa'yo kaya hindi na rin ako magta-try pa na mag-try ng iba. Fair enough? Honest enough?"

Naguluhan na naman siya. Okay na na sila ng dalawa ni Billy pero ang mangako pa ito ay baka hindi na niya kayanin. Ayaw na niyang masaktan pa ng grabe sa magiging paghihiwalay nila.

"I can't accept it."

"Wala kang choice Eiji. I am here to stay. Kahit pa anong pigil mo sa akin. Nandito lang ako. Kukulitin kita hanggang sa magsawa ka. Hayaan mo naman akong ipakita na sincere ako. Huwag mo akong pangunahan. Please?"

"But why me?"

"Dahil ikaw si Eiji."

Wala na siyang masabi. Napigil ang lahat ng sasabihin niya sa lalamunan ng halikan siya nito. Hindi niya napaghandaan ang mabilis na pagdukwang nito. Ninamnam na lang tuloy niya ang tamis ng halik nito. Lasang siomai.

"Don't promise that you'll stay Billy." aniya pagkatapos ng halik.

"And why is that?"

Huminga siya ng malalim.

"Handa na ako Billy. For the longest time, I protected myself from the likes of you. Ayoko ng mas malalim na relasyon. Ayoko na ng commitment. Magiging kumplikado lang ang lahat. Pero nag-iba ang lahat ng iyon ng dahil sa'yo. I'm ready to face the world now."

Ngumiti ito.

"That's good to hear Eiji."

"So are you in for a surprise?"

"So hindi lang ako ang may sorpresa para sa araw na ito?" ang tanong sa kanya ni Billy.

"Of course."

"I think I just need last two bedroom tips from the former twenty seven year old virgin to complete the twenty seven tips."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya.

"Whoa! You did that for me?"

"It's only fair since pinaligaya mo rin ako ng husto Billy."

"Wow. That's sweet."

"So what do you say? Gawin na natin ang last two tips?" Naka-arko ang kilay na sabi niya.

"Game!" and their lips locked.

Nabalewala na ang siomai at inakyat nanila ang kwarto niya. They made love again and again and again to exhaustion.

Nakuha ni Billy ang mana niya at napanalunan ni Eiji ang US Open. As a gift to each other, parehas pa sila ng naisip na regalo.

A marriage license with their names on it.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...