Friday, June 8, 2012

MATT AND DAN 11


Gaya ng sinabi ni Matteo, isinama niya nga ako sa event ng telecom company. Sa totoo lang, parang na-out of place ako dun. Sosyalan masyado. Lahat ng mga pinaka-mayayamang tao sa bansa, lahat ng mga socialite, ilang kilalang mga artista, nagsama-sama. Di naman sa hindi ako sanay sa sosyalan. Teka, si Sharlene Yuzon lang naman yata ang best friend ko. Pero kasi, masyadong maraming camera ang nandun. Picture dito, picture doon. Smile dito, smile doon. Lagi akong nasa tabi ni Matteo. Hindi niya ako hinayaang mawala sa paningin niya. Sweet! Sabi niya sakin, makikita ka ulit sa lifestyle section ng broadsheet kinabukasan. Bakit ulit? Tanong ko. Wala akong alam na lumabas na pala ang litrato ko dati. Yung dun sa isang fashion show ni Matteo na pinuntahan namin ni Sharlene. Ah! Siguro kaya sinabi ni Franz sa text na sikat na ko. Nakita niya siguro yun.
  
May napansin lang ako nung gabing yun. Hindi na gaya ng dati ang pakikitungo sakin ni Tito Jonas.
  
——————————————————————
  
Ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na ang isang kagaya ko eh mamahalin ng isang katulad ni Matteo. Kahit na amin lang ang relasyon namin, masaya parin kaming dalawa.
  
Everywhere Matteo goes, kilalang-kilala na siya ng tao. May nagpapalitrato at pilit na gusto siyang maging kaibigan. Mabait naman siya at hindi siya suplado sa mga fans niya. Maraming nagpapa-autograph sa kanya sa mga magazine na siya ang nasa cover.
  
Isang beses nga, I tried to Google his name. Ang dami nang lumabas na mga larawan at articles. May fanpage na rin siya sa Facebook. Topic na din siya sa isang online forum. Aba! Sikat na talaga! Tinignan ko yung forum na yun. May mga nanghihingi ng information about him. Natawa nalang ako sa mga nabasa ko. Marami ang nagsabi na siya na daw ang dream guy nila. Sana raw ay maging boyfriend nila si Matteo. Sa loob-loob ko, asa naman kayo! Akin na siya! Hahaha!

 Pero may napansin akong isang post. Galing sa username na Franz10042010. Sabi niya eh may bagay daw siyang alam na ikagugulat ng lahat. Maraming nag-quote sa post na yun at tinatanong kung ano yung alam niyang yun. Di na siya ulit sumagot.

 Napaisip tuloy ako kung tama ba ang hinala ko. Si Franz kaya yun? At yung relasyon ba namin ang tinutukoy niya? Naalala ko yung naging away namin ni Matteo kung kailan tumawag si Franz. Hindi naman na-mention ni Matteo ang pangalan niya diba? Pano naman niya masasabing si Matteo yung karelasyon ko? Ay! Masyado lang akong paranoid. Hindi yan. Nagkataon lang yan. Pero, I bookmarked that page just in case.
  
Di ko yun namention kay Matteo. Para hindi naman siya magalala. Saka hindi naman ako siguradong si Franz nga yun diba? At hindi yun makakatulong sa kanya. Dapat ay mag-focus lang siya sa kanyang trabaho.
  
With the rate his career is going, alam kong siya ang tatanghalin bilang Hottest Bachelor ng bansa.
  
——————————————————————

 “Anak, kamusta na pala si Sharlene?” tanong sakin ni Nanay isang gabi habang nanonood ng TV.

 “Po?” Nagulat ako sa biglang tanong. Lumilipad kasi ang isip ko, kahit na nakatingin ako sa TV.
  
“Sabi ko kamusta na si Sharlene. Di ko kasi nakikitang kasama mo,” sabi ni Nanay.
  
“Ah. Busy po kasi masyado yun. Paminsan nga hindi na rin nakakatext eh,” sagot ko.
  
“Ganun ba.”
  
Bigla namang pinakita yung commercial ni Matteo. Eto yung bago niya para sa telecom company. Parang may tumusok sa tagiliran ko sa kilig.
  
“Ang gwapo talaga ni Matt, no?” sabi ni Nanay. Di ako sumagot. Syempre naman, mamaya kung ano isipin niya.
  
Pakiramdam ko nakatingin siya sakin. Tapos nagsalita ulit.
  
“Napansin ko anak, mukhang magkasundong-magkasundo kayo ni Matt.”
  
“Opo. Masaya po kasi yan kasama. Makulit parang bata,” sagot ko naman.
  
“Oo nga. Pansin ko rin lagi kang masaya. Kaka-iba,” sabi niya.
  
Nahiwagaan naman ako. “Ano ba yan, Nay?”
  
“Wala. Baka lang kako may nagpapasaya na sa anak ko,” sabi niya sabay tingin sa TV.
  
Napailing ako. “Nay, matagal na kong masaya. Kayo ang nagpapasaya sakin. Mga taong mahal ko.”
  
“Alam mo anak, wala namang problema kung may nagpapasaya sayo. Normal lang yun.”

 “Teka lang, bakit ba parang pinagpipilitan niyo yan? Ano bang ibig niyo sabihin?”
  
“Dan, matanda na ko. Nag-aaral pa ang mga kapatid mo. Nasa high-school palang ang bunso mong kapatid.”
  
Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Di na ako umimik.
  
“Matagal pa bago maka-tapos ang mga kapatid mo. Hindi ko kakayanin sila pag-aralin.”
  
“Nay, ano bang akala niyo? Iiwan ko kayo?” tanong ko.
  
Hindi siya agad sumagot. Nag-isip pa yata. “Kung saan ka masaya anak, dun ka. Wag mo na kami isipin. Bahala na kung hindi makapagtapos ang tatlo mong kapatid.”

 Napa-iling ako. “Ano bang pumasok sa isip niyo at ganyan kayo makasalita?”
  
“Malaki ang responsibilidad natin sa pamilyang ito. Pero hindi kita masisisi kung pagod na pagod ka na.”
  
What the fuck! “Derechohin mo na nga ako, Nay. Nahihilo na ko sa paikot-ikot mo eh.”
  
“Mahal mo ba siya?”

 Ano bang alam ni Nanay? “Sino?”
  
Hindi na niya sinagot yung tanong ko.
  
Alam na ba niya ang relasyon namin ni Matteo? Si Matteo ba ang tinutukoy niyang mahal ko? Has she really caught on with what Matteo and I have?
  
“Pinalaki kita ng maayos, Dan. Alam kong alam mo kung ano ang tama at mali. Matalino kang bata,” sabi niya.

 Hindi ko siya sinagot.

 “Lahat tayo may kalayaang mamili. Pero hindi lahat ng pinipili nating gawin ay tama. Maaring maging masaya tayo, pero kadalasan may mga maapektuhan ng dahil dun.”
  
I’m led to believe that she knows about me and Matteo.
  
“Sana yung tama ang piliin mo, anak.”
  
Kahit naasar ako sa sinabi ni Nanay, nakaramdam ako ng guilt. Malaki ang responsibilidad ko bilang Kuya. Hindi ko basta pwedeng kalimutan yun. At tama na, alam ko namang maling mahalin si Matteo. Hindi na niya kailangan pang ipagduldulan sakin yun.
  
Naging makasarili na ba ako? Puro kaligayahan ko nalang ba ang importante ngayon? I looked back at the past months. Wala na nga akong ibang ginawa kundi samahan si Matteo. Pero hindi ko naman kinakaligtaan ang responsibilidad ko. Ako parin naman ang dating Dan na sumusuporta sa pamilya ko. Hindi ba pwedeng pagtuunan ko naman ang sarili ko? For once?

 Hindi na ako inimik ni Nanay. Tumayo siya at iniwan niya ako sa sala.
  
Sa pag-iisip ko, nabigla ako nung tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Pagkita ko sa pangalan ng sender, lalong uminit ang ulo ko.Si Franz.
  
Kamusta na kayo ng iyong famous boyfriend? Pakilala mo naman ako sa kanya minsan.
  
Hayop ka talaga. Ayaw mo parin akong tigilan ha.
  
I don’t know what you’re talking about.
  
Message sent.
  
Ilang saglit, nag-reply ulit siya.
  
Oh please, don’t deny it. I know about you and Matt Rutigliano.
  
Fuck! Kung kanina inis at guilt ang nararamdaman ko, ngayon naman takot na. Pano niya nalaman?
  
What the fuck do you want? Didn’t I tell you to stop bugging me?
  
Napa-isip tuloy ako kung pano niya nadiskubre. Imposible naman na nakita niya kami sa public na sweet dahil hindi naman kami ganun pag nasa labas kami. Paano niya nalaman?

 Pakilala mo na ko sa kanya. Heard he’s mabait daw. Or do you want to get famous the wrong way?
  
My heart was beating so fast. He definitely knows! Ganun na ba kami kahalata? Nalaman kong dalawang tao na ang nakakaalam sa tunay na ugnayan namin ni Matteo sa iisang gabi lamang.
  
Fuck off Franz!
  
Sumagot agad ang hayop.
  
Haha! Don’t tell me I didn’t warn you. LOL
  
Shit! Hindi ako makapag-isip ng tama. Everything was a blur.
  
Ano bang motibo mo? Bat mo ba to ginagawa sakin? Bat mo ba kami ginugulo?
  
Nagantay ako ng reply niya. Medyo natagalan kasi.
  
Wala lang. I just want you to suffer.

 Demonyo talaga.
  
You’re so pathetic.

 Message sent.
  
Beep. Beep.
  
Kaya nga we’re perfect for each other dahil we’re both pathetic.
  
At talagang pinareho mo pa ko sayo. Oy! Magkaiba tayo.
  
Asa ka naman. Parang sinabi ko na rin sa sarili kong “Nasa kutchon na ko, baba pa ko sa sahig.”
  
Ang bilis niyang sumagot.
  
Straight from the horse’s mouth! Di inamin mo din. Haha!

 Hayop ka talaga!
  
So what’s your point?
  
Message sent.
  
Beep. Beep.

 Wala lang. If I’m miserable, you also should be. Enjoy coming out of the closet!
  
Nasusuka ako sa sobrang kaba.
  
Utang na loob Franz. Patahimikin mo na ko.
  
Beep. Beep.
  
Huminga ako ng malalim.
  
Magkita tayo.
  
Para saan pa? Sa anong dahilan?
  
Ewan ko sayo.
  
——————————————————————

 Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama. Paikot-ikot. Pano na to? Pano kung totohanin niya ang banta niya? Naisantabi ko muna ang mga napag-usapan namin ni Nanay. Mas madaling problema lang yun. Ito, iba to eh. Mas malaking gulo to.

 Pilit kong inalala kung may pagkakataon bang nahuli kami ni Franz. Pero wala talaga akong maalala. Saka matagal ko nang hindi nakikita si Franz. Nasa malayo siya sa huling pagkakaalam ko. Imposible talaga.
  
Bigla kong naisip yung instance na nagkausap sila sa cellphone. Sinabi ni Matteo sa kanya na boyfriend ko ang kausap niya. Pero hindi naman binanggit ni Matteo ang pangalan niya. Pano niya malalamang kami? Nagpa-imbestiga ba siya? Pero bakit niya pa gagawin yun? Wala naman siya mapapala eh. Tapos na kami. At alam niya yun.
  
Or is he that good to connect events with each other? I’m positive he saw my pictures on the newspapers. Tapos nakausap niya ang isang foreign sounding guy sa phone na nagpakilalang boyfriend ko. Sino pa nga ba ang maiisip niya kundi si Matteo. Yun nga kaya ang nagyari? Ganun siya kagaling? 

Is this just his way of getting back at me? Dahil hindi niya matanggap na hindi na ko ang dating Dan na nagkakandarapa sa kanya? Dati, nakukuha niya pa ako sa mga sweet nothings niya, ngayon hindi na. Misyon niya lang bang sirain ako at si Matteo? Para gaya ng sabi niya, mag-suffer ako?

 ——————————————————————
  
Kung noon ay lagi akong tahimik na nag-iisip, ngayon siguro triple pa. Di mawala sa isip ko ang sinabi ni Nanay. “Maaring masaya ako, pero may maapektuhan.” Ito na ba yun? Ito na ba ang ibig niyang sabihin?
  
Nung minsang magkasama kami ni Matteo sa pad niya, dumaan si Tito Jonas. May ibinigay siya kay Matteo na freebie dahil sa kanyang endorsement. Hindi ako pinansin ni Tito. Parang anino lang ako. Wala. Kahit na bumati ako sa kanya, parang wala siyang narinig.
  
Bakit siya ganun? Galit ba siya sakin? Sabi ni Matteo wag ko na daw yun pansinin. Pero hindi pwede eh. Nagiging salot na ba ako? Dahil sa relasyong ito?
  
Hindi ko na sinabi kay Matteo kung anong nasa isip ko. Komplikado masyado eh. Dahil sakin, ang daming magugulo, masasaktan. Si Nanay, sina Charles, Bong at Joyce, si Tito Jonas, at lalong lalo na si Matteo, kung sakaling hindi tumigil si Franz.
  
Ito ba ang gusto mong mangyari, Dan? Tanong ko yan sa sarili ko. Hindi lang ikaw ang masisira. Pati na rin si Matteo, ang career niya, lalong-lalo na ang pamilya mong pilit mong itinataguyod. Matitiis mo ba ang lahat ng ito, dahil gusto mong maging masaya? Yun nalang ba ang importante sayo ngayon?
  
Parang gustong sumabog ng kalooban ko. Iniisip ko palang ang pwedeng mangyari, hindi ko na kinakaya. Ayoko. Hindi naman dapat humantong ang lahat sa ganun dahil lang ipinagpilitan ko ang karapatan kong sumaya. Pano naman sila? Hindi lang naman ako ang tao sa mundo.

 ——————————————————————
  
Magmula nung nagkausap kami ni Nanay, hindi na niya ako kinibo. Naramdaman kong masama ang loob niya sakin. Kahit na kausapin ko siya, hindi niya ako pinapansin.
  
“Kuya, magkagalit ba kayo ni Nanay?” tanong sakin yan ni Joyce.
  
Tumawa lang ako. “Hindi.”
  
“Eh bakit di kayo nag-uusap?”
  
“Kinaka-usap ko naman siya ah. Siya lang yung hindi nasagot,” sabi ko.
  
Nakakapansin na ang mga kapatid ko. Masakit sakin ang nangyayari. Pero ano bang dapat kong gawin?
  
Lahat sila importante sakin. Kaya nahihirapan ako. Ngunit kelangan ko gawin kung ano ang tama. Kailangan kong magsakripisyo para sa ikatatahimik ng bawat isa. Tama. Sakripisyo.

 Nakapag-desisyon na ako. Iiwan ko na si Matteo.
  
——————————————————————
  
“Hey, you’re so quiet these past few days. Something wrong?” tanong ni Matteo.
  
Di ako agad nakasagot. Di ko alam kung pano umpisahan.
  
“You know you can tell me what’s on your mind.”
  
“Matty, let’s stop this,” sabi ko ng walang paligoyligoy.
  
“I’m sorry?” sabi niya.
  
“I said let’s stop this. Ayoko na.”
  
Nagulat siya sa sinabi ko. “But why? I thought…”
  
“Please. I want out.”

 I knew I hurt him when I said those words. Nakatitig lang siya sakin, hoping I’m just fooling around. Pero I wasn’t. Ito ang dapat kong gawin. Masaktan na kaming pareho, wag lang kaming magkasiraan lahat.
  
“Why?” tanong niya.
  
Hindi ako sumagot.
  
“Tell me why!” sigaw niya.
  
“Pagod na ko.” Then I walked out.

 Ang sakit. Ayoko sanang gawin to pero kailangan eh. Hinabol ako ni Matteo, pero di gaya ng dati, nakatakas ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanyang nagloloko lang ako. Na hindi ako seryoso. Kaya lang hindi pwede. Nag-desisyon na ako. Kailangan ko yun panindigan.
  
Tama naman ang ginawa ko eh. Pero bakit ganun? Ang bigat ng kalooban ko. Ang hirap dalhin. Iba ito sa naramdaman ko nuon kay Franz. Nuon, ako nalang ang nagmamahal saming dalawa. Pero ngayon, pareho naming mahal ang isa’t isa.
  
Para naman ito sa ikabubuti naming lahat diba? Hindi na magtatampo si Nanay. Hindi na rin magagalit sakin si Tito Jonas. Hindi masisira ang career na pinaghirapan ni Matteo. At lalong hindi na rin manggugulo si Franz. Fair deal naman yon. Pero, ako ang talunan.
  
Bakit hindi mo ipinaglaban ang pagmamahalan niyo? Ang korni mang pakinggan, ngunit bakit nga ba hindi mo ginawa? Alam mo, sabi nila, not all battles are worth fighting. I know, I’m fighting a losing battle kahit na ipagpatuloy ko ang relasyon namin ni Matteo. Dahil sa huli, di ito ang tanggap ng lahat. Abnormal. Duwag ba ko? Naisip ko ang paratang nuon sakin ni Matteo. Hindi naman. I think I’m brave enough to accept defeat.

 Ito na marahil ang plano ng buhay para sakin. Ang maging Padre-de-Pamilya at a very young age at ipagpatuloy yun hanggang sa makuha nang tumayo ng mga kapatid ko sa sarili nilang mga paa. By then siguro, pwede na kong magmahal uli. By then, sana libre pa si Matteo at mahal niya parin ako. Sana, pero medyo malabo yata yun.
  
Hindi ko na sinagot ang mga tawag, text, emails at messages ni Matteo. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. Pinoprotektahan din naman kita, Matteo. Para sayo rin itong ginagawa ko. Sana maintindihan mo.
  
Malimit siyang tumambay sa tapat ng bahay. Pero ni minsan, hindi ko siya nakuhang harapin. Pakiramdam ko may takot din siya sa skandalo kaya hindi siya gumawa ng eksena. Wala namang ibang rason pa diba?
  
At pinaalam ko pa kay Franz na wala na kami. Tanga ba ko talaga? Siguro. Or dahil sobra ko lang mahal si Matteo.

 ——————————————————————

 “Dan!” bati sakin ni Sean.

 “Uy, pasensya na ha. Na-late ako,” sabi ko. Month-end na kasi. Magbabayad siya para sa kanyang insurance. Nagkita kami sa paborito naming coffeeshop.
  
“Ok lang. Kadarating ko lang din naman,” sagot niya.

 Inabot na niya sakin yung envelope na may lamang pera. Binigay ko sa kanya ang resibo.
  
“Parang nitong nakaraang mga linggo, tahimik ka,” sabi ni Sean.
  
Tumawa lang ako.
  
“Actually, si Sharlene ang nakapansin. Di ka naman kasi ganyan eh,” paliwanag niya.
  
“Wala yun. Madami lang akong iniisip,” sagot ko.
  
“Baka naman mabaliw ka niyan, hinay-hinay lang,” biro niya.

 Oo. Malapit na ko talagang mabaliw. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Matteo. Dalawang linggo ko na siyang na-mi-miss. Dalawang linggo ko na rin pinapahirapan ang sarili ko.
  
“Huy. Na-offend ka ba? Sorry. Nagbibiro lang naman ako.”
  
“Ah hindi. Wala yun,” sabi ko. “Kamusta na kayo ni Sharlene?”
  
“Mabuti naman. I’m the luckiest guy on earth!” masaya niyang sabi.
  
At ako ang unluckiest sa buong mundo. Napalunok nalang ako.
  
“Congrats,” sabi ko.
  
“Alam mo, parte ka na talaga ng buhay namin. Dahil sayo, nakita ko ang pagkakamali ko.”

 “Di mo ba alam na mali ka talaga? Parang malabo naman yun,” sabi ko.

 Natawa siya. “Alam ko naman siyempre. Pero ang mali ko, I didn’t do anything about it. Mahal ko nga si Sharlene. Pero kahit alam kong mali yung ginagawa ko, wala akong ginawa para baguhin yon.”
  
Di ako kumibo.
  
“Dan, everyone’s capable of change. Kung gugustuhin lang nila, magagawa nila.”
  
“Yeah, it’s a matter of choice.”
  
“Tama ka. Natutunan ko nga na hindi dapat katakutan ang pagbabago. It should be embraced.”
  
“Anong ibig mong sabihin?”
  
“Gaya nung sakin, I embraced the idea of change. Kung hindi ko ginawa yun, gaya parin ako ng dati. You know, everyday we face situations where we need to choose, and oftentimes our choices constitute a need to change. At kadalasan, yun ang kinakatakutan ng mga tao.”

 Nakinig lang ako sa lahat ng sinasabi ni Sean.

 “Tignan mo, maraming takot magbago dahil unang-una sa lahat, takot sila sa sasabihin ng mga tao. What if hindi nila ako matanggap? What if ayawan na nila ako? What if mawala ang lahat sakin?”
  
Ako ba ang pinapatamaan nito?
  
“Yan ang hirap eh. Mas iniisip pa ang ibang tao. Kesa sa sarili. Ako nga, kilala ako ng mga kaibigan ko dati bilang mainitin ang ulo, basagulero. Pero nung upakan mo ko nun, hindi ako nakalaban manlang. Bakit? Dahil ikaw yung tama. Mula nun, sinabi ko sa sarili kong kailangan kong magbago. Natakot ba ko nun? Oo. Inisip ko ano nalang ang iisipin ng barkada ko? Nagulpi lang ako, tiklop agad ako. Image. Yan ang iniingatan natin lahat diba?”
  
“Eh wala namang masama kung ingatan ang image ha. Pano kung yun nalang ang huling bagay na meron ka? Would you still give it up?” tanong ko.
  
“Hindi ko alam kung anong tamang sagot sa tanong mo. Magka-iba tayo ng pinagdadaanan eh. Pero ako, ang sagot ko jan ay oo. Dahil kapalit ng image ko nuon ay ang kaligayahan ko. Si Sharlene.”
  
Napa-isip akong mabuti. Alam kong si Matteo ang kaligayahan ko. Pero handa ba akong harapin ang sinasabi ni Sean na “change”?
  
“Bro, pano kung piliin ko yang sinasabi mong ‘change’ pero masira ang lahat?”

 “Panong masisira ang lahat?” tanong niya.

 Ayokong ipagtapat sa kanya ang lahat. Pero I need something concrete na pwede kong panghawakan sakaling kailangan kong magdesisyon muli.

 “Pano kung yung pagbabagong hinihingi ng pagkakataon eh hindi lang ako ang maapektuhan? Pano kung mahagip nun ang buhay ng ibang tao?”

 “Ang tangi mong magagawa eh panindigan ang desisyon mo. Hindi mo pwedeng isisi sa ibang tao ang kahihinatnan ng desisyon mo. Oo, maraming factors ang magcocontribute sa mangyayari, pero at the end of the day, sayo lahat ang bagsak nun.”
  
Ang hirap sa totoo lang. Gulong-gulo na ako. Pero alam kong tama si Sean. Nuon ko pa hinarap yang “change” na yan. Nung nagdesisyon akong mahalin si Franz. Pero I never realized that I didn’t embrace it. Gaya ng ginagawa ko ngayon samin ni Matteo.
  
Anong gagawin ko ngayon? Babalikan ko ba si Matteo o hindi? Hay.
  
Only time will tell.
   
“Anak,” sabi ni Nanay.
  
Aba, mukhang hindi na galit si Nanay. Kaming dalawa lang ang nasa bahay. Nasa eskwelahan ang tatlo kong kapatid.

 “Bakit po?” sagot ko.

 “Mag-usap nga tayo,” sabi niya.

 Umupo ako sa tabi niya. Kinakabahan. Ano kaya ang sasabihin niya?

 Pinagmasdan niya ako. Pinag-aralan.

 “Nahihirapan ka na ba?”

 “Saan po?” tanong ko.

 “Sa lahat.”

 “Anong lahat?”
  
Hinaplos niya ang ulo ko. “Bata ka palang, alam ko nang matalino ka. Responsable. Wala akong naging problema sayo, alam mo ba yun?” tanong niya.
  
Ngumiti lang ako.
  
“Laking pasalamat ko talaga na hindi mo ako iniwan. Hindi ka natakot sa laki ng responsibilidad na nasa harap mo. Matatag ka, anak. At sobrang proud ako sayo. Hindi ko man laging nasasabi, pero napaka-swerte kong ikaw ang naging anak ko.”

 Naluluha si Nanay habang sinasabi yun. Mababaw lang kasi ang luha niya.

 “Kaya nasasaktan akong makita kang nahihirapan.”
  
Tumingin ako sa kanya. Kita na ba sa itsura kong ang bigat ng kalooban ko?
  
“Anak, pwede mo naman sabihin sa Nanay ang dinadala mo. Wag mong solohin yang nasa loob mo.”
  
Hindi ko na napigilan. Parang may tumulak sa luha ko para bumagsak. Niyakap ako ni Nanay. Tinapik ang likod ko.
  
“Mahal mo ba siya?”
  
Tinanong na niya sakin dati to. Pero hindi ko sinagot. Sa pagkakataong to, binigay ko na ang hinihingi niya.
  
“Sobra, Nay.”

 Para akong bata kung humagulgol. Ngayon lang ako ulit umiyak ng ganito. At ngayon lang ako nakita ni Nanay na ganito.
  
“Di ko akalaing darating ang araw na ito,” sabi niya.
  
“Ako rin po,” mahina kong sagot. “Patawarin niyo sana ako.”
  
“Bakit kita kailangan patawarin? Dahil tunay kang nagmamahal?”
  
Hindi ko na nakuhang sumagot.
  
“Bakit ka nagpipigil? Bakit mo kailangan pahirapan ang sarili mo at si Matt?” Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ako ng derecho sa mata. “Kung mahal niyo ang isa’t isa, bakit niyo kailangan maghiwalay?”
  
“Komplikado, Nay. Ang daming problema. Mahirap.” Umiiyak parin ako.
  
“Eh sino bang nagsabing madali ang magmahal? Kaninong relasyon ba ang hindi komplikado? Lahat tayo dumadaan sa problema. Kayanin mo, anak. Hindi kita nakilalang duwag.”
  
Umiling lang ako. Ayaw paawat ng mga luha ko sa pagbasak.
  
“Alam kong mahal ka ni Matt. Nakita ko yun sa tuwing nandito siya at sa tuwing nakabantay siya sa labas. Wag mong sayangin ang pagkakataon para lumigaya.”
  
“Wala na po, Nay. Hiwalay na kami.” Basang-basa na pisngi ko ng luha.
  
“Eh di puntahan mo siya at bumalik ka. Kausapin mo siya.”
  
Di ako nakasagot.

 “Alam kong ang pamilyang ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ka bumitaw sa relasyon niyo. Patawarin mo ako. Hindi ko matanggap nung una. Pero nung makita kong nahihirapan ka, nakita ko ang sarili ko noon sayo. Ayokong mangyari sayo ang pinagdaanan ko. Lumaban ka, anak. Hindi pa huli ang lahat.”
  
“Pero mali parin, Nay.”
  
“Kaligayahan mo ang importante sakin. Aanhin ko ang tama kung hindi ka masaya? Aanhin ko ang mabuti kung mapapasama ka lang?”
  
“Nay,” sabi ko.
  
“Gawin mo kung ano ang nararapat sayo. Wag mo kaming isipin. Wag mo intindihin ang sasabihin ng iba. Wala yung halaga.”
  
Niyakap ko si Nanay ng mahigpit. Ito lang ang kailangan ko. Wala na ko pakialam kung ano pa man ang mangyari.
  
“Bumalik ka na, anak,” nakangiting sabi ni Nanay.

 At dahil dun, alam ko na ang dapat kong gawin.
  
——————————————————————
  
Dali-dali akong nagayos ng sarili ko. Naligo at nagbihis.
  
“Nay, salamat po.” Niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Sobrang saya ko talaga.
  
Nakangiti si Nanay. “Wala yun. Wag na natin sabihin sa tatlo ang tungkol dito. Hindi nila kailangang malaman.” 

“Opo,” sagot ko.
  
“Hala! Puntahan mo na si Matt!” Pinalo niya ang puwet ko.
  
Nilingon ko siya muna bago ako tuluyang humaripas ng takbo.
  
Magkahalong saya at kaba ang nadarama ko. Sana, maging maayos ang lahat.

 Sumakay ako ng taxi papunta sa condo ni Matteo. Dala ko ba yung susi ko? Kinapa ko yung bulsa ko. Ah eto. Buti nalang.
  
Matteo! Hintayin mo ako! Papunta na ko!
  
Hindi pa nahinto ang taxi, binuksan ko na ang pinto. Halos malaglag ang bayad ko sa sahig sa pagmamadali ko.
  
“Salamat, manong!” Sinara ko yung pinto at tumakbo na patungong elevator.
  
Ang tagal mo! Bilis naman! Pagbukas ng pinto, pinindot ko ang button number 9 at sinara ang pinto. May papasok pa nga sana pero hindi ko na sila hinayaan.
  
Dinukot ko ang susi mula sa bulsa ko at sinuksok sa keyhole ng pinto ni Matteo. Pinihit ko ang doorknob.
  
Tamang-tama naman na nasa harapan ko si Matteo pagbukas ko ng pinto. Nagulat siya ng makita ako.
  
Tumakbo na ko at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit. Grabe! Para akong baliw. Napahawak nalang siya sa magkabila kong balikat. Hindi ko siya binitawan. Hindi ko rin siya hinayaang makapagsalita.
  
“Matty, I’m so sorry! Ako ang may kasalanan. I don’t know what came over me pero pinagsisisihan ko na yun. God knows how much I missed you. Please, take me back.”
  
Hindi gumagalaw si Matteo. Ang higpit yata ng pagkakayakap ko sa kanya. Pasensya na, sobra ko lang siyang na-miss.
  
Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Ngayon ko lang ulit makikita ang mukha niya. Pero, teka lang. Bakit gulat na gulat parin siya? At, lagpas ang tingin niya sakin.
  
“Matty,” sabi ko. “What’s wrong?”

 Hindi siya sumagot. Napakamot lang siya sa ulo.

 “Oh my God!” sabi ko.

 My heart was pounding. May kasama siya?

 “Sinong nanjan?” tanong ko sa kanya.

 Napabuntong hininga nalang siya. Tapos umiling.

 Pinagpawisan ako ng malagkit. Shit!

 Naglakas-loob akong humarap sa kasama niya. Dahan-dahan.

 Totoo ba ito? Binuking ko sa kanya ang sarili ko?

 Gulat na gulat siya sa nakita niya. Hindi niya akalain lahat.

 Alam na niya. Alam na…

 ni Sharlene.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...