Author: Michael Juha
“Nag-harvest ng tuba... Wala yan, wag kang mag-alala.”
“Nakatingin pa ba sya sa atin?”
“Hindi na. Pababa na sa puno... at uuwi na yan” sagot ni Sir James
“Nakita nya tayo, ano?”
“Malamang.... Pero, wag ka ngang mag-alala. Mabait yang si Anton. At kung nakita man nya tayong naghalikan, di nya ipagsasabi iyon.” Pag-eexplain nya, naka-akyat na muli sa batong inuupuan namin, basang-basa ang saplot sa katawan.
“Ganun lang? Di ka natatakot?”
“Bakit ako matatakot? Isa pa, kung nakita man tayo, e... ano ngayon? Wala na tayong magawa, diba? Tapus na yun. Kaya, cool ka lang.” paniguro nya. Nung makalapit na sa akin bigla nya akong itinulak dahilan upang malaglag ako sa tubig.
“James! Loko ka ha!” at tumalon na rin sya at lumangoy papalayo. Naghabulan kami sa tubig hanggang sa mapagod, nakatayo lang sa parteng ang lalim ay hanggang leeg. Niyakap nya ako, hinalikan. Naghihipuan kami ng mga maseselang parte ng katawan namin... Hanggang sa malasap naming muli ang sarap ng aming pagmamahal. Nakaraos din kami sa tubig, abot-langit ang nadaramang kasiyahan.
Ngunit sa kabila ng kasiyahang nadama, sumisiksik pa rin sa utak ko ang pagpasok ni Anton sa eksenang iyon. Kinakabahan ako na baka ipagsasabi nya at malaman ng buong pamilya – nina Tatay Nando At Nanay Narsing at ang panganay na si Maritess ang ginawa namin ni Sir James.





