By: Jason
Good day sa inyong lahat, hindi talaga ako marunong gumawa
ng isang salayasay pero naisipan ko lang na magshare ng sarili kong love story.
Ito’y hindi kathang isip dahil ang mga tauhan, lugar at mga kaganapan ay
tutoong mga pangyayari sa aking buhay. Hopefully maenjoy nyo ang pagbabasa ng
isang chapter ng buhay ko.
Ako pala si Jason. Bata pa lang ako ay alam ko na sa sarili
ko na may kakaiba sa akin, tulad ng marami, pinilit ko rin paglalabanan ang
aking nararamdaman, nagging masigasig ako sa pagsisimba yung kabataan ko at may
part pa na sumasama ako sa mga missionaries para magturo ng ebanghelyo. Gusto
ko talaga mawala ang maling nararamdaman ko ngunit hindi ko din ito
napagtagumpayan. I’m 26 years old, tama lang ang taas na 5’8” ang height,
moreno, maganda din ang aking pangangatawan dahil madalas ako magpunta ng gym
sa Robinsons Galleria, skinhead, balbas sarado at medyo may konting resemblance
daw kay Derek Ramsey sabi nila pero di ako naniniwala, hahaha. Hindi ako gwapo
pero malakas daw ang sex appeal ko sa mga kababaihan at higat sa lahat sa kapwa
ko lalaki.
Nangyari ang pinakasamasakit na relasyon sa aking buhay
noong 2011 ng iwanan ako ni Mon, actually panglimang karelasyon ko sya at halos
3 months lang kami pero sya ang pinakaminahal ko sa lahat. Ang weird kasi may
mga nagging karelasyon ako na halos tumagal ng more than 2 years at yung iba sa
kanila ay nagging kalive-in ko pa. I idealistic kasi pagdating sa relasyon ko,
importante sa akin ang HONESTY, FAITHFULLNESS and LOYALTY sa relationship. Alam
ko mahirap paglabanan ang tukso lalo kung marami ang umaaligid at
nagpaparamdam.
Nagtatrabaho ako sa isang call center sa ortigas bilang
isang technical support at the same time nagaaral ako ng nursing, nagstop kasi
ako yung mag 3rd year na ako dahil sa walang maitutustos sa aking
pagaaral ang mom ko after nila maghiwala ng dad ko. Ang hirap ng ginagawa ko
kasi nagtatrabaho ako sa gabi tapos nagaaral naman ako sa umaga, madalas
magduduty ako sa hospital ng 1:00pm-9:00pm tapos magmamdali ako pumunta sa
office sa ortigas dahil may shift ako ng 10:00pm-7:00am or minsan
makikipagpalit ako ng schedule ng 8:00pm-5:00am sa mga kateam ko kung may duty
ako sa hospital ng 6:00am-2:00pm.