By: Mike Juha
Marahil ay totoo nga ang sumpa na sinabi niya. “Ambagsik naman. Ambilis umepekto... Hindi man lang kami pinaabot sa flat ko, at heto... mukhang masira na ang aming magandang samahan.” Bulong ko sa sarili.
Tinawagan ko kaagad si Fred at isiniwalat sa kanya ang lahat.
“Ano ka ba Fwen! Huwag ka ngang magpaniwala sa sumpa-sumpa na iyan! Hindi totoo iyan! Nagkataon lang na may mangyaring ganyan talaga.”
“Hindi Fred. Iba ang naramdaman ko. Kinikilabutan ako, natatakot.”
“Asuss. Dahil iniisip mong totoo nga iyang sumpa na iyan. Relax ka lang. Maaayos din ang lahat. Hindi naman siguro balikan ni Aljun iyang babaeng iyan ano. Pagkatapos ng lahat, bigla na lang siyang susulpot! At huwag ka nang mag-alala. Huwag ka nang umiyak.”
“P-parang gusto ko nang i-give up na lang si Aljun...”
“Ano ka ba gurl! Huwag ganyan! Lalaban tayo!”
“P-pakiramdam ko kasi ay isa akong outcast. Isang sampid na nakisingit lang. Sila naman talaga ang nararapat sa isa’t-isa, di ba? Perfect couple sila Fred. Napakaganda ni Emma at... si Kristoff, nararapat siyang matikman ang pagmamahal ng isang tunay na ina. At hindi ako karapat-dapat Fred...”
“Hoy! Hoy! Hoy! Huwag ka ngang ganyan. Hintyin mo ang desisyon ni Aljun no! I’m sure, ikaw ang pipiliin noon. At isa pa... granting na maniwala tayo sa sumpa ng ibong... whatever na iyon, di lalo mong huwag bitiwan ang pag-ibig mo kay Aljun. Di ba, sabi niya, huwag kang bibitiw sa pag-ibig mo sa kanya? Di ba ayon din sa sabi mo, ang pangontra ng sumpa ay ang wagas na pag-ibig? Paano mo ipakita ang wagas na pag-ibig na iyan kung i-give up mo si Aljun? E, di bagsak ka na. At d’yan pa lang fwend, siguardong magkatotoo talaga ang hula na trahedya sa iyo kapag nagkataon kasi, pasasagasaan kita sa pison kapag ganyang ang tanga-tanga mo pala sa pag-ibig!”
Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Fred. Pero may point siya. Napaisip tuloy ako, hindi agad nakasagot. Paano ko ipakita ang wagas kong naramdaman kung igi-give up ko nga siya?”
“Woi! Nanjan ka pa ba? Biro lang iyong pasasagasaan kita ha? Huwag mong dibdibin.”
“Hindi naman iyon Fred. Iyong sinabi mong hindi ko siya dapat i-give up ang inisip ko...”
“Naman! Kaya ipaglaban mo siya ng patayan fwend. Iyan ang pag-ibig na wagas. Gets mo?”
“Pero kasi...”
“No-no-no-no-no! Walang pero-pero. Hindi iyan ang attitude! Kahit saang tambol mayor pa aabot, ipaglaban natin sila doon. Kahit pa sa impyerno pa, susuungin natin lahat iyan fwend! Huwag kang matakot. Dalhin natin ang lahat ng mga baklang bombero dito sa lupa, at ang buong federasyon ng mga bakla sa mundo. Tutulungan ka namin.”
“Ikaw talaga, puro ka biro.”
“Ay hindi ako nagbibiro Fwen! Gagawin talaga natin iyan. Makikita mo... Nakita mo naman ang ginawa namin kay Giselle at sa dalawang propesor natin. Kaya nating labanan iyan sila... All for one, one for all!”
“Salamat Fred...” ang nasambit ko na lang.
“Atsaka iyang ibong na iyan ha... gusto na niya akong sapawan sa supporting role. Magpakita nga iyan sa akin at kakainin ko talaga iyan ng hilaw. Walang hiya siya. Kahit pa extinct specie pa iyan wala akong pakialam.”
“Woi! Wag kang magsalita ng ganyan. Alaga daw iyon ng mga engkanto!”
“Pwes, walang binatbat sa aking ang mga engkantong iyan dahil ako ang diyosa nila. Hindi kaya ng powers nila ang ganda ko!”
Napatawa tuloy ako sa mga biro ni Fred.
“Hayann... dapat laging kang tumatawa fwen. Bukas mag-usap tayo fwend... Relax ka lang at ipanatag ang kalooban. Ok. Huwag sirain ang byuti... Remember, a beauty a day keeps Dra. Belo away.”
Tawa.
Sa gabing iyon, hindi na naman ako nakatulog. Iniisip ang sumpa, kung paano ito mawala. Iniisip ko rin kung ano ang nangayari kay Kristoff, kung nakatulog ba siya nang maayos, kung hindi ba niya ako hinahanap... Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang huli niyang paglupasay upang sumama sa akin. Sobrang sakit pa ng aking kalooban sa pag-iwan ko sa kanyang nagsisigaw at nagsusumamo...
Iniisip ko rin syempre si Aljun. Kung nagtabi ba silang natulog ni Emma. Kung may nangyari ba sa kanila....
Binalikan ko rin sa isip ang mga pangyayari sa buhay ko. Kung bakit humantong ang lahat sa ganoonon. Naalala ko pa ang dating takot na tuluyang mahulog at maalipin sa ganitong klaseng relasyon. Ngunit hindi ko rin napigilan ang sarili. Ang takot na ma-in love kay Aljun bagamat hindi ko nakayanang labanan ang bagsik ng tukso, ang karisma niya, at ang sinisigaw ng aking puso.
At naalimpungatan ko na lang ang sariling binilang ang nalalabing oras ng serbisyo si Aljun sa akin.
Tiningnan ko ang kalendaryo sa loob ng kuwartong iyon. Kalagitnaan na ng Oktubre. “Matatapos na rin pala ang unang semester at mag-aapat na buwan na simula noong magserbisyo sa akin si Aljun.” Bulong ko sa sarili. Kalagitnaan ng Hulyo kasi nagsimula ang servitude niya sa akin. At sa isang linggo, may 30 oras siya. Iyon ang napagkasunduan namin. Kahit lampas daw ng 30 oras ang servitude niya sa akin sa isang linggo, ang bilang noon ay 30 oras lang. Package deal kumbaga. Pumayag naman ako. Syempre hindi naman ako lugi. 4 oras kaya araw-arwa siya sa akin, Lunes hanggang Byernes, minsan mahigit pa dahil sa flat ko siya natutulog. Tapos halos kada sa Sabado at Linggo, hindi na kami naghihiwalay. Kaya pumayag na rin ako sa arrangement na 30 oras kada isang Linggo ang bilang. Kasi baka gusto din niya naman siguro na sulit ang serbisyo niya...
Kaya noong kina-calculate ko ito: 30 Hrs x 4 (weeks) x 3 (months) ay 360 hours na... At ang nalalabing oras niya para sa akin ay 5 na lang.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na naman napigilan ang hindi maluha.
Parang sinadya ba ng tadhana ang lahat? Sadya bang pinaglaruan niya ang aking buhay? Imagine, ibinigay niya sa akin si Aljun, hindi ko naman ginusto ito at ni hindi ko pinangarap. Iniiwasan ko pa nga ang magkaroon ng ganitong relasyon. Ni hindi ako bumili ng ticket dahil wala naman akong interes na sumali sa paraffle. Sino bang mag-aakalang bibilhan ako ng ticket ng kaibigan ko at ako pa itong nanalo? Sa daming mga babae at bakla na nangarap, ako pa? Bakit? At bakit siya pa ang nakatapat na pa-premyo ko?
Heto tuloy... naalipin ako sa isang sa pag-ibig sa... isang lalaki pa, na taliwas sa gusto ko sanag mangyari. At ngayon... 5 oras na lang pala ang nalalabi sa serbisyo niya. At sumulpot pa ang ina ng kanyang anak. At ang masaklap, may sumpa pa, na isang napakalaking palaisipan kung paano matanggal. Kung kailan ko siya minahal ng lubos... kung kailan ako napamahal ng sobra sa anak niya.... kung kailan ko napagdesisyonang manindigan sa sarili para sa ganitong klaseng relasyon at pagmamahal sa kanya, kung kailan nawala na iyong balakid na si Giselle...
Ansaklap! Sobrang mapang-api ang tadhana. “Kakabuwesit namang buhay to, o...!” ang nasambit ko na lang sa sarili.
Alas 4 pa ng madaling araw ay bumiyahe na ang bus na sinasakyan ko. Alas 6 ng umaga naman ako tuluyang nakarating sa aking flat. At dahil sa sobrang pagod, dumeretso na akong sa aking kuwarto at ibingasak ang aking katawan sa kama.
Alas 7:30 ng umaga noong maramdaman kong may dumampi sa aking labi. Si Aljun. Subalit noong makita ko ang mukha niya, tumagilid ako patalikod sa kanya.
Naramdamn ko na lang ang pag-alog ng kama. Alam ko, ibinagsak niya ang katawan niya doon. Naramdaman kong tumagilid siya paharap sa akin. Niyakap niya ako, ang kanyang bibig ay dumampi sa aking batok.
Tahimik.
Hindi ako umimik. Ramdam ko pa rin ang matinding sakit. Ang matinding takot at pag-alala bagamat gusto kong itanong kung nasaan si Kristoff at anong nangyari sa kanila ni Emma.
“N-nagtampo sa iyo ang bata. Iniwanan mo daw siya...”
Mistula namang may sibat na tumama sa aking puso sa narinig. Naalala ko na naman kasi ang paglupasay ni Kristoff habang naglakad akong palayo sa lugar na hindi man lang siya nilingon. “N-nasaan siya?” ang sagot kong hindi natinag sa aking pagkahiga, bakas sa boses ang pagka-walang interes na makipag-usap.
“Nasa school na. Idineretso ko na siya doon pagkagaling sa terminal.”
“Punatahan ko sya.” Ang sabi ko sabay tayo at tumbok na sana ng shower upang maligo.
“Hindi ka man lang ba mag-sorry sa akin kung bakit mo kami iniwan?” ang kalmante niyang sabi.
Napalingon ako sa kanya. Nakatihaya siya sa kama, walang damit pang-itaas at sa kanyang harapang waistline ay nakausli pa ng bahagya ang garter ng kanyang puting brief. Naglalaro sa isip ko kung natikman na naman ba ng pagkalalaki niya ang pagkababae ni Emma.
Tiningnan ko ang kanyang mukha, may bakas ng lungkot ito at ang isang kamay niya ay ipinatong sa kanyang noo. Parang sa ilang oras lang na hindi kami nagkatabi sa higaan sa gabing nagdaan ay naalipin na ang akingisip sa sobrang kasabikan sa kanya. Nagsusumigaw ang aking isip na yakapin siya, hagkan at ipadama sa kanya ang aking sobrang kasabikan.
Ngunit nanaig pa rin sa akin ang sakit na naramdaman. Gusto kong tanungin siya kung ano ang pinag-uusapan nila ni Emma at kung may pagbabago bang mangyayari sa aming set-up. Hindi ko pa rin kayang labanan ang hiya. Kasi, dapat siya ang magsabi noon sa akin, kung hindi siya manhid; kung naramdaman niyang nasasaktan ako.
Hinayaan ko na lang na itago sa aking isip ang lahat. At tumalikod na lang ako noong naramdaman kong pumatak na ang aking mga luha.
“Limang oras na lang pala ang nalalabi... matatapos na ang serbisyo mo sa akin. Malaya ka na... b-boss” ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Pakiwari ko ay iyon na ang pinakamasaklap na mga salitang nabanggit ko sa tanang buhay ko.
Agad-agad kong tinumbok ang shower. Habang patuloy ang pagbagsak ng tubig sa aking katawan, patuloy din ang pagdaloy ng aking luha.
“B-boss... I’m sorry. Nasaktan kita...” Si Aljun. Nasa labas lang pala siya ng shower room.
Hindi ko siya sinagot. Binilisan ko ang pagpaligo at noong palabas na ako at nasa bungad ng pintuan, nakita ko siya doon, nakaupo sa sahig, isinandal ang likod sa dingding. Nakakaawa ang kanyang porma. Nagkasalubong ang aming mga titig at ang kanyang mga mata ay tila nagsusumamo.
At wala akong nagawa kundi ang bumigay. Tila napakamakapangyarihan ang kanyang mga titig. Ang kanyang mukha ay nagmamakaawa. Ang isang parte ng utak ko ay nag-udyok na intindihin ko siya, kaawaan dahil hindi din naman niya kagustuhan ang lahat ng nangyari sa buhay niya.
At tuluyan nang nalimutan ko ang aking iniindang sama ng loob. Umupo ako sa tabi niya, nakayuko, hindi umimik.
“S-sory boss... nasaktan kita. Hindi ko naman inaasahang darating si Emma.” Ang wika niya.
“O-ok lang… Siya naman talaga ang nauna sa buhay mo, di ba? Siya naman ang nararapat para sa iyo dahil...” di ko na naman napigilan ang sariling mapaiyak. “M-may anak kayo. At kailangan siya ni Kristoff. Siguro, hanggang ganito na lang ang role ko sa mundo. Hindi naman ako puwdeng pakasalan, hindi puweding magkaanak... sa mata ng mga tao, may kakaibang pagkatao na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Kaya nga, ayaw ko talagang pumatol sana sa ganitong relasyon eh. Dahil natatakot akong masaktan. Natatakot akong darating ang sitwasyong ito sa buhay ko. At nandito na nga. Kaso… m-mahal talaga kita eh... Hindi ko kayang pigilin ang sarili ko eh.” at napahagulgol na ako.
“Mahal din naman kita boss eh. At handa kong panindigan ang pagmamahal ko sa iyo.” Sabay gapang ng kamay niya sa kamay ko at noong makapa, pinisil ito.
Ginantihan ko rin ng pagpisil an gkamay niya.
Tahimik.
“A-ano ba ang pinag-usapan ninyo ni Emma?” ang pagbasag ko sa katamikan.
“Mahal pa raw niya ako. At gusto niyang magkabalikan kami... magsama, magpakasal.”
“Anong sagot mo?”
“Wala... sabi ko, masaya na ako sa kalagayan ko ngayon.”
“Anong sabi niya?”
“Ok lang daw. Nagbakasakali lang siya na baka magbago pa ang isip ko.”
“Siguro ang yaman-yaman na niya...”
“Med’yo. Mayaman ang napangasawa niya, at namatay na ito.”
“Anong plano niya kay Kristoff?”
“Sang-ayon naman siya na ituloy lang ang pag-aaral ng bata. Hindi siya makikialam...”
May naramdamn din naman akong tuwa sa narinig. Kahit papaano. Sobrang napamahal na rin kasi sa akin si Kristoff. “S-saan siya ngayon?” ang naitanong ko na lang.
“Nasa bukid. At after one week ay babalik na uli sa Canada. May aasikasuhin daw doon. Negosyante kasi ang pumanaw niyang asawa at siya na ang nagmanage ng parte ng negosyo na namana niya. Kaya hindi makatagal dito...”
“M-mahal mo pa ba siya?” ang may pag-aalangan kong tanong.
Hindi siya nakasagot.
At dahil dito, nabuo na talaga sa isip kong mahal pa rin niya si Emma. “M-may nangyari ba sa inyo?” ang sunod kong naitanong. Ewan, natakot ako sa tanong na iyon dahil baka hindi ko magustuhan ang sagot. Ngunit lumabas pa rin ito sa aking bibig.
Napatingin siya sa akin, ang mukha ay mistulang iiyak. Parang nagmamakaawa at may bahid na guilt ang kanyang tingin. “O-oo” ang sagot niya.
Pakiwari ko ay nagdilim ang aking paningin at tuluyang gumuho ang aking mundo. “Arrgggghhhhh!” ang sigaw ko, hablot-hablot ang sariling buhok. At napahagulgol na naman ako bagamat pinigilan ko ang sariling huwag magbitiw ng maanghang na salita sa kanya.
“B-boss. Makinig ka. Nagawa ko iyon dahil sa nagkasundo kaming hindi makikialam sa isa’t-isa, at na hindi rin niya pakikialaman si Kristoff. Nagtanong siya kung may mahal na ba daw akong iba. Sinabi ko ang totoo. Sinabi kong ikaw. Naintindihan niya. Ngunit hiniling niyang kahit sa huling pagkakataon ay may mangyari sa amin... Kaya pinagbigyan ko. Ginawa ko iyon dahil sa pagtanggap niya sa iyo. Mabait si Emma, boss at iyon na ang huli sa amin...”
Natigilan din ako. Ang sumagi sa isip na pakonsuwelo ay naging honest siya at hindi niya itinago ito sa akin. Hindi na lang ako kumibo, nahinto rin ang aking paghagulgol bagamat patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha.
Inakbayan niya ako at ang isang kamay niya ay inihaplos sa aking pisngi.
“H-handa naman akong magparaya... k-hakit magkatuluyan pa kayo. Kasi, sa sinabi ko na, kayo naman talaga ang nababagay. Mas kailangan ni Kristoff ang isang normal na buhay, na pamilya. Kung mahal ka pa niya at mahal mo pa rin siya, payag akong magkatuluyan kayo, magpakasal... Handa kong tiisin ang lahat.” Ang sabi ko.
“Boss... huwag mong sabihin iyan. Dapat matatag ka. Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin. Ipakita mong ang pagmamahal mo sa akin ay matatag at hindi nabubuwag... Kailangan ko iyan boss.”
“Nasabi mo ba iyan dahil sa sumpa?”
Hindi na naman siya nakaimik.
“Boss... wala na akong pakialam pa sa sumpa, kung totoo man iyan. Kung may trahedya mang darating sa buhay ko, o kahit mamatay man ako, then be it. Siguro, mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa magdusa ang buong buhay ko na ganito palagi ang kahinatnan sa pag-ibig. Ayoko nang ganito. Hindi ko ginusto ang buhay na ito...”
“Huwag ka namang magsalita ng ganyan please... Lahat naman tayo ay hindi pinili ang mga buhay na ibinigay sa atin di ba? Ngunit ano man ang dahilan kung bakit ikaw ay naging ganyan at ako ay naging ganito... sigurado, may dahilan ang lahat. Maaaring hindi natin naiintindihan ngunit ang sigurado, bahagi ito ng isang grand design ng nasa taas. Kagaya ko, akalain ko bang ma-inlove ako sa iyo? Hindi. Ginusto ko ba ito? Hindi rin. Pero, naramdaman ko, pinapanindigan ko... dahil alam ko na kapag pinapanindigan mo ang isang bagay, buo ang pagkatao mo. Kapag bumigay ako, o gumive-up sa buhay, may mga buhay ding madadamay, o masisira... ikaw, si Kristoff, ang inay ko. Matutuwa ba sila kapag sinabi ko sa kanilang pagod na ako sa buhay, o gusto ko nang gumive up? Hindi. Malulungkot sila, mabagabag, matatakot. Ikaw matutuwa ka ba? Hindi. Kaya, ayaw kong nakakarinig pa ng ganyan galing sa iyo. Dahil malulungkot ako, mababagabag, matatakot, mawalan din ng lakas ng loob...”
Hindi na ako umimik. May punto din naman siya bagamat sa loob-loob ko ay may pag-alinlangan pa rin. May takot na baka isang araw, mawala din siya sa akin, dahil sa sumpa…
At naramdamn ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Nagkayakapn kami. Mahigpit. Haggang sa tuluyan na naming naipalabas ang init at bugso ng aming damdamin.
Pinuntahan ko si Kristoff sa school. Sumaglit muna ako sa canteen at bumili ng pagkain at maiinum para sa bata. Pagkatapos, inabangan ko siya sa labas ng kanilang silid-aralan para sa recess.
“Papa Jun!!!” sigaw noong bata noong makita ako.
“Kumusta na ang baby Kristoff ko????” ang sagot ko sabay karga sa kanya at tungo sa canteen nila.
“Na-miss kita papa Jun ah!”
“Na-miss din naman kita e. Kaya nga heto, di ko matiis na hindi makita ang baby Kristoff ko.”
“Hindi kita nakasama kagabi sa pagtulog. Kami lang dalawa ni papa... Iniwan mo kasi ako eh.” ang sambit ng bata na may halong pagtatampo.
“A... sorry kahapon. Kasi naman, dumating na ang mommy mo, di ba? Syempre, namiss ka noon.” Ibinaba ko na siya noong makahanap kami ng mesa at doon kami naupo. Inilatag ko sa mesa ang mga pagkain, iniabot sa kanya ang isang sandwich.
“Ayoko sa kanya, papa Jun. Hindi naman ako mahal niya e. Gusto ko ikaw lang kasama ko. Atsaka si papa... atsaka si lola.”
“Ay... bad iyan. Kasi mommy mo iyon.”
“E, bakit niya kami iniwan ng papa ko?”
“E... malay mo, baka may imprtante siyang dahilan. Atsaka, dapat mahalin mo na rin siya dahil siya ang mama mo, di ba? Lahat ng mama ay dapat mahalin.”
“Ah... bast papa Jun. Huwag mo kaming iwan ni papa ah...”
Ramdam ko naman na parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan sa narinig. “E... oo. Oo.” Ang naisagot ko na lang.
“Promise mo iyan papa Jun ha?”
“Eh... Oo. Promise ko iyan.”
Iyon ang nabitiwan kong salita sa bata. Sa isip ko lang kasi, bata pa si Kristoff at sigurado naman akong sa kalaunan ay matanggap niya rin ang mommy niya at mapag-isip isip niya na tama nga na kailangan niya ang isang mommy. Atsaka, kararating lang ng mommy niya, noon lang sila nagkita, normal lamang na maiilang ito. Kung ang ibang mga bata ay nangangarap na magkaroon ng mommy, siya pa ba...
Sa gabi ng araw na iyon, napag-usapan rin namin ang arrangement namin bilang huling gabi ng kanyang servitude. Napag desisyonan namin na walang gawing pagbabago sa aming set-up bagamat tuluyan nang iniwan ni Aljun ang dorm niya at sa flat ko na siya tumuloy, dahil kay Kristoff, at sa akin na rin siguro.
Simula noon, balik-normal na naman ang aming pagsasama. Nakabalik na daw ng Canada si Emma na hindi na nagparamdam sa mag ama, ayon sa kanilang kasunduan.
Syempre, balik saya ang aming samahan.”
“Ok. May kwento ako tungkol sa lolo ng kaibigan ko” ang sabi ko isang gabi na nakahiga na kaming tatlo na magkatabi sa kama, bago kami natulog.
“Sige papa Jun. Kwento ka” sagot ni Kristoff.
“Ang lolo ng kaibigan ko ay nakulong. May isang beses daw kasi habang naglalakad siya sa isang lugar, may nakita siyang isang matanda na puno ng pasa ang katawan sa bugbog at namimilipit pa sa sakit. Tinanong niya ito kung bakit siya binugbog at sino ang may kagagawan. Ang sagot ng matanda ay hindi daw niya alam kung bakit siya binugbog. May limang tao daw kasing dumaan, nag-aargumento tungkol sa kurkey-kurkey. Sumingit siya sa usapan kasi maiinit na raw ang mga binitiwan nilang salita at halos magsapakan na. Tinanong niya kung ano ba yang kurkey-kurkey na ugat ng pinag-awayan nila. Ngunit imbes na sagutin siya, siya pa itong pinagkaisahang bugbugin. Syempre, natulala siya. Aawatin lang naman sana niya ang mga iyon sa kanilang mainit na argumento, siya pa pala itong mabugbog. Noong umuwi naman ang lolo ng kaibigan ko sa bahay nila, tinanong niya ngayon ang isang anak niya tungkol sa kurkey-kurkey. Aba, imbes na sagutin din siya, binugbog na naman siya! At hindi lang binugbog, pinalayas pa sa pamamahay ng anak niya! Talagang naguluhan siya kung bakit. Kaya noong habang naglalakad siya sa kalsada at may pulis na dumaan, ikinuwento niya ang nangyari. At dahil hindi rin niya maintindihan kung bakit siya binugbog, tinanong niya ang pulis tungkol sa kurkey-kurkey. Aba, binugbog din siya! At hindi lang iyan, ikinulong pa siya! Hanggang ngayon, nasa kulungan pa daw ang lolo ng kaibigan ko.”
“Iyon lang?” tanong ni Aljun.
“Oo. Iyan lang. Naawa lang ako sa lolo ng kaibigan ko.”
Tahimik. Ako ay kunyaring nalungkot.
Tiningnan ko si Kristoff at kinindatan. Napangiti siya, marahil ay nakuha na may patibong iyong kwento ko.
At noong nagtanong na si Aljun, ng “Bakit? Ano ba yang kurkey-kukey?” Doon na kami ni Kristoff bumanat.
“Sabi nang huwag itanong iyan at lahat ng taong nagtatanong niyan ay nabubugbog eh!!! Arrrrrgggggg!!!!! Nag-iinit ang ulo koooo!!! Galit na galit akooooooo!!!! Kristoff! Bugbugin na natin ang papa mo!!! Daliiiiiiiiiiiii!!!!!”
Tawa kami ng tawa, habang hinahabol namin si Aljun na kahit saan-saan na lang nagtungo.
“Hindi kami titigil hanggang hindi ka namin mabugbog!!! Arrrgggggghhhhh!!!”
Noong bumalik na uli kami sa higaan, si Kristoff naman ang nag kuwento. “Yung tatlong baliw po sa mental hospital. Binigyan ng duktor ng test kung tuluyan na silang gumaling. Pumunta sila ng zoo tapos pinakilala ang mga hayup. Pag nabanggit ang name noong hayup na tinuro ng duktor, magaling na at pauwiin na sa kanilang bahay. Noong tinawag ang unang baliw itinuro ng duktor ang tiger. Sabi ng baliw ‘Tiger!” Palakpakan ang mga kamang-anak at mga tao atsaka ang duktor. Tuwang-tuwa silang lahat. Ang pangalawang baliw naman, itinuro ng duktor ang monkey. Sabi ng baliw, “Monkey!” palakpakan uli ang mga kamag-anak at mga tao at mga duktor. Tuwang-tuwa rin dahil magaling na silang dalawa. At noong tinawag na ang pangatlo, tinuro yung... e...” natigilan si Kristoff, nag-isip. “Ano nga po yung pangalang nung hayup na mahaba ang leeg?” Tanong ni Kristoff sa papa niya.
“Giraffe?” sagot naman ni Aljun
“Yeheeyyyy! Palakpak tayo papa Jun, magaling na ang papa ko!!!”
Tawa ng tawa kami ni Aljun at Kristoff.
“Saan mo naman napulot ang joke na iyan?” tanong ni Aljun sa anak.
“Narinig ko lang po sa mga grade 5. Nagkatuwaan sila.”
“Dinale mo ako eh? Pinagkaisahan ninyo ako no?” sambit ni Aljun sa anak. “Ay... may kwento pala ako sa nangyari sa akin kanina. Totoo ito ha... walang biro. D’yan sa may gate? Di ba may gwardiya d’yan? Noong dumaan ako kanina lang, nakita ko ang isang libong pisong buo. Akala ko ako lang ang nakakita. Ngunit sa pagdampot ko, sabay pala kami noong guwardiyang dumampot. Naghatakan kami sa pera. Kaso, ayaw kong ibigay kasi ako naman ang unang nakakita. Ngunit ayaw din niyang patalo kasi siya nga din daw ang unang nakakita. Dahil natagalan kami sa pag-aargumento, napagdesisyonan na lang naming hatiin. Ang problema, wala naman kaming barya. Kaya ang napagkasunduan namin na sa kanya ang pera at bibigyan na lang niya ako sa share ko pag may barya na. At upang hindi naman ako agrabyado, ibinigay niya muna sa akin ang baril niya...”
Naghintay si Aljun na may magreact sa amin. Syempre, hindi naman ako naniwala bagamat convincing ang kanyang pagka-kwento na seryosong-seryoso pa ang tono.
Napatingin sa akin si Kristoff, parang nagtatanong ang mga mata kung may patibong ba iyong kuwento ng papa niya o totoo.
Pero kunyari nakatingin ako sa kabilang direksyon kaya wala akong facial expression ma makuhanan niya ng clue.
“Di ba gusto mo ng baril?” tanong ni Aljun sa anak.
“O-opo!” Ang sagot ni Kristoff. “N-nasaan na po ang baril pa?” ang seryoso niyang tanong.
At iniabot naman ni Aljun ang idinodrowing niyang baril sa kanyang palad, seryoso din ang mukhang ipinakita ito kay Kristoff na parang hindi nagbibiro. “Eto o...”
Pumutok naman ang malakas na tawa ni Kristoff. Natawa na drawing lang pala ang baril at hindi totoo, hinamapas-hampas ang balikat ng ama. “Andaya ni papa ahhh!”
Tawanan kaming tatlo.
“Kala mo ikaw lang ang marunong dumale sa akin ha...?” ang sambit ni Aljun sa anak.
“OK! One-one ang score ngayong gabi. One point sa anak, one point sa ama.” Sambit ko.
Sobrang saya ng aming pagsasama. Mas naramdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Aljun, at tumindi pa ang pagmamahal ko kay Kristoff. Lalong tumibay ang aming pagsasama at pakiramdam ko ay isang tunay at buong pamilya talaga kaming tatlo.
Noong semestral break, isang linggo ako sa bukid nila nakatira. Break din kasi nila ni Kristoff at kaya buo kaming parang isang pamilya. Doon, natuto ako sa mga gawaing bukid kagaya ng pag-akyat ng niyog, pagko-copra, manual na panghuli ng dalag at hito sa kanilang palayan at iyong paggawa ng fish trap para sa panghuli ng alimango at sugpo sa ilog. Tinuruan din ako ni Aljun ng pag-araro, pagsakay at pagdala ng kalabaw... Mahirap ngunit kung ganyang nasa tabi mo ang taong mahal, naging magaan at inspiring ang mag-trabaho.
Tumambay din kami sa tabing ilog kung saan namin unang nakita ang ibong-wagas, hinangad na sana ay magpakita siyan gmuli upang ma-confirm ko na nawala na talaga ang sumpa. Ngunit bigo ako. May lungkot din akong nadarama ngunit ipinag-walang bahala ko na lang ito gawa ng masaya naman ako. “Siguro ay hindi nga totoo ang sumpa na sinabi. Baka psychological lang talaga ang epekto nito sa akin.” Sa isip ko lang. Hindi na rin namin ito pinag-usapan ni Aljun. Marahil ay ayaw niyang tatatak na naman ito sa isip ko at mag-isip na naman. At ayoko ring mabahiran muli ng takot ang aming masayang pagsasama.
Araw iyon bago na kami babalik sa flat ko noong makausap ko ang ina ni Aljun. Kaming dalawa lang noon sa bahay gawa nang nag-igib si Aljun ng tubig at sumama si Kristoff, samantalang ako naman ay sinamahan ang inay niya sa pagluto sa kusina.
“Gener...” Iyon kasi ang tawag niya sa akin. “Salamat ha...”
“S-salamat po saan?” ang sagot kong may bahid na pagkalito.
“Sa pagtulong mo sa anak ko, at kay Kristoff.”
“Eh... Tita, ok lang po. Kasi po, napakabibong bata ni Kristoff, matalino at deserving po siyang makapag-aral...”
“Inay na ang itawag mo sa akin.”
“P-po??” ang sagot ko, hindi makapaniwalang i-offer niya sa akin ang pagtawag sa kanya ng ganoon.
“Alam ko na ang lahat tungkol sa inyo ni Aljun.” Ang casual niyang pagkasabi.
“P-po???” ang lalo pang pagkagulat ko.
“Oo. Noon pang unang pagpunta mo dito at ipinakilala ka sa akin ni Aljun, alam ko na. Sinabi niya sa akin ang lahat. Walang itinatago iyang si Aljun sa akin e.”
“Eh...” ang naisagot ko lang. Sobrang pagkahiya ko kasi, at kinabahan ako na baka may sasabihin siyang hindi maganda bagamat natuwa din akong talagang hindi ako ikinahiya ni Aljun na ipakilala pa sa kanyang ina.
“Huwag kang mag-alala. Tanggap ko ang lahat. Alam mo, ngayon ko lang nakita ang mag-amang iyan na sobrang masaya... dahil sa iyo. Dahil sa pagbigay mo sa kanila ng kalinga at tulong. Napakaswerte ng anak ko at ni Kristoff sa iyo.”
“Eh... nakakahiya naman po.”
“Huwag kang mahiya. Totoo ang sinabi ko. Ako pa nga ang dapat mahiya. Alam mo, mas gusto pa kitang maging kabiyak ng anak ko kasa kay Emma. Tingnan mo naman. Ka-babaeng tao, alam niyang may anak siya, iniwanan na lang basta. Kaya para sa akin, gusto kong kayo ang magkatuluyan. Ok lang sa akin kung dito kayo manirahan. Walang mga tao dito, walang mga tsismoso...” ang mungkahi niya.
At sa sinabing iyon ng inay ni Aljun, hindi ko napigilang pumatak ang aking mga luha. Iyon bang feeling na “Wow... tinanggap ako ng inay ng boyfriend ko sa kabila ng naiibang pagmamahalan namin ng anak niya!”
Noong makita niyang nagpahid ako ng aking mga mata, hininto niya ang kanyang ginawa, ipinahid ang mga kamay niya sa kanyang apron atsaka niyakap ako. “Huwag kang umiyak. Baka mamaya sabihin ni Aljun na inaway kita” sabay tawa.
“H-hindi po...”
“Inay...” ang dugtong niya. “Inay ang itawag mo sa akin”
“I-inay... masaya lang po ako. Hindi ko po akalaing matanggap ninyo ang aming relasyon ni Aljun.”
“Tanggap na tanggap ko. At mas gusto ko nga ang ganoon. Selosa ako. Kaya gusto kong ako lang ang babae sa buhay ni Aljun at ni Kristoff. Kaya ok lang na lalaki ang dadalhin ni Aljun sa pamilya namin.” Sabay tawa.
Natawa na rin ako.
Sobrang saya ko sa pagtanggap ng ina ni Aljun sa akin at sa aming relasyon. Kaya may nabuo ring plano sa aking isip. Dalhin ko sa bahay namin sina Aljun at Kristoff at ipakilala ko sila sa aking mga magulang.
Sa sumunod na Sabado, sa pamilya ko naman dinala sina Aljun at Kristoff. Excited na excited si Kristoff dahil makapunta na daw siya sa bahay namin at makilala ang mommy ko na siyang nagpapaaral sa kanya. Ngunit kung gaano man ka tindi ng excitemen ni Kristoff, ay siya namang ka-tindi ng kabang naramdamn ko. Alam ko, ganoon din si Aljun. Alam niya kasing nag-iisang anak lang ako at syempre, kapag nalamn ng aking ama na lalaki ang minahal ko imbes na babae, siguradong magalit talaga iyon dahil... ang ibig sabihin, matatapos na sa aking henerasyon ang lahi niya.
Dahil tinawagan ko ang mommy ko na may mga bisita kami, expected na nila na hindi ako lang ang darating. Nagpasundo din ako sa driver namin upang kunin kami sa flat ko.
Noong dumating na ang sundo, “Waaahh! Ang yaman pala ni papa Jun! Ngayon lang ako nakasakay ng ng ganito!” sambit ni Kristoff nong makita ang van na syang sundo namin. At noong nakarating na kami ng bahay, siya rin ang ang unang react, “Papa Jun! Ang laki po ng bahay ninyo! At ang ganda pa!”
“Behave ka Kristoff ha? Hindi natin lugar to...” ang paalala ni Aljun sa anak habang bumaba na kami sa van.
“O-opo....” ang sagot na lang ni Kristoff.
Nandoon sina mama at papa sa sala. Hinintay talaga kami. Kadalasan kasi kapag umuwi akong mag-isa, wala silang dalawa o ang isa sa kanila dahil busy sa negosyo o meeting.
Nagmano kaming tatlo sa kanila at pinaupo na kami sa sala. Biniro pa ako ng mommy ko, “Mabuti at kilala mo pa kami!”
Sa tagal ko kasing hindi umuuwi sa amin, kaya minsan may kaunting tampo din sila. Pero dahil busy din naman sila palagi sa kanilang negosyo kaya hinayaan na nila ako. Iyon lang ang gusto ko sa aking mga magulang. Bagamat mahal nila ako at minsan ay ayaw nula sa mga ginagawa kong diskarte, nagtiwala naman sila sa akin at sa huli, ako pa rin ang nasusunod. Minsan lang, ang daddy ko ay matigas talaga…
Ipinakilala ko si Aljun bilang matalik na kaibigan, presidente ng student council, prospective summa cum laude sa darating na graduation at ama ng scholar ni mommy. Syempre, ipinakilala ko din si Kristoff na siyang scholar nga.
Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko sa pagkakita nila kay Kristoff. Bibong bata kasi. Palangiti, witty, at napaka-cute.
“Ang guwapong bata naman pala ng scholar ko!” sambit ni mama kay Kristoff.
Na sinagot naman ni Kristoff ng, “Mana po ako sa papa ko.”
Tawanan ang lahat.
“Hali ka nga rito Kristoff! Nangigigil ako sa batang ito!” ang sambit ni mama. “Parang gusto ko na tuloy magkaapo!” dugtong pa niya.
Syempre, lalo pa akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Paano na lang kung malaman niyang lalaki pala ang mahal ko. Paano pa siya magkaapo?
Takbo naman kaagad si Kristoff sa kanya. Niyakap siya ni mama at hinalikan sa pisngi. Halatang nangigigil si mommy sa bata, sabik.
Maya-maya, si papa naman ang tumawag kay Kristoff at kinandong pa ito. “May lolo ka pa ba?” tanong ni papa sa bata.
Tiningnan ni Kristoff si Aljun sabay sagot ng, “Wala na po...”
“Ah kung ganoon... simula ngayon, ako na ang lolo mo. Payag ka ba?”
Napatingin uli si Kristoff sa papa niya at pagkatapos ay ibinaling sa akin ang pangingin, “Daddy po kayo ni papa Jun kaya lolo po kita.” Ang bibong sagot naman ni Kristoff na siyang ikinatuwa naman ni papa.
At ewan. Sadya talaga sigurong matindi ang karisma at hatak ni Kristoff. Nabigla na lang kami noong biglang tumayo ang papa ko at magkahawak-kamay na silang dalawa ni Kristoff na umalis at nagpunta sa harap ng bahay namin kung saan nandoon ang corner ng isang goal lang na basketball court.
Nagkatinginan na lang kami ni mommy. At noong nakalabas na sila ng bahay, “Aba... nilayasan tayo mommy!” ang sambit ko.
“Oo nga! Aliw na aliw kay Kristoff!” sagot naman ni mommy.
Maya-maya, tumayo kaming tatlo, at sinilip sa may pintuan kung ano ang ginawa ng dalawa sa labas. At nakita naming tinuruan ni daddy na magdribble ng bola si Kristoff! “Bata pa iyan dad! Di pa marunong iyan!” sigaw ko.
“Marunong na iyan. Tinuturuan ko iyang mag-dribble.” Ang sagot ni Aljun sa akin.
“Basketball player kasi si Aljun mommy. Varsity player din sana iyan ngunit mas pinili niya ang lawn tennis na laro. Regional champion siya ng lawn tennis, mommy.”
“Kung gayon ay magkasundo pala sila ng papa mo. Mahilig sa basketball at adik sa lawn tennis. Naghahanap nga iyan ng kalaro sa lawn tennis. Bukas, Linggo, maghahanap na iyan ng kalaro. Laruin mo na lang Aljun.” Ang sagot ni mommy.
Sportsminded kasi ang daddy. Maliban sa single-goal basketball court, may lawn tennis court din kami sa likod ng bahay. Pinagawa talaga ni daddy dahil sa pagkahilig din niya ng lawn tennis. At kapag may bisita siya, doon niya dinadala.
Natawa si Aljun. “Sige po… bukas po, aayain kong mag one-on-one kami.”
“Sigurado, matutuwa iyon sa iyo. Nandito pala ang regional champion…” sabay tawa ng mommy.
“Lapitan mo sila boss… para makapaglaro kayong tatlo ng basketball.” Ang mungkahi ko.
Nilapitan naman ni Aljun ang dalawa.
“Ayan po si papa, lolo. Magaling po siyang magbasketball.” Sambit ni Krisotff noong malapit na sa kanila si Aljun.
“Magaling pala, e di laruin natin. Partner tayong dalawa Kristoff at nag-iisa lang ang papa mo! Tingnan natin kung matalo niya tayo.”
“Opo! Sige po lolo!” ang sagot ni Kristoff.
Bigla ding inihagis ng malakas ni daddy ang bola kay Aljun na maliksi ding sinalo ng huli sabay dribble at dunk ng bola sa ring a-la isang propesyonal na NBA player.
“Magaling nga ang papa mo, Kristoff! Pero tatalunin natin iyan!” sagot ni daddy noong Makita ang pag dunk ni Aljun sa bola.
At naglaro nga ang tatlo. Kunyari magkapartner ang daddy at si Kristoff at kalaban nila si Aljun.
Samantala, bumalik kami ni mommy sa sala. Noong makaupo na kaming pareho, magkatabi sa sofa, hindi naman ako magkamayaw kung paano simulan ang pagsabi sa kanya tungkol sa amin ni Aljun.
Subalit sadya talagang malakas ang pang-amoy ng isang ina. “Paano kayo nagkakilala ni Aljun anak?” ang unang tanong niya.
“S-siya po iyong sinabi ko sa iyo sa phone na napanalunan ko sa fund-raising na pa-raffle ng campus ma?” sagot ko.
“Mukhang sobrang close niyo na…”
“O-opo…”
“Mabait naman siya sa tingin ko.”
“Sobra ma. Kahit inaaway ko iyan, hindi iyan nagtatanim ng sama ng loob. At siya pa itong lumalapit, nagso-sorry sa akin.”
Tinitigan niya ako. Iyong titig na may gustong hukayin sa aking isip. “Anak… sabihin mo sa akin. Kaibigan lang ba talaga ang tingin ninyo sa isa’t-isa?”
Para akong nabilaukan sa narinig na tanong ng mommy. Hindi ako makatingin sa kanya, nanginginig sa kaba. Ngunit noong maalala ang ginawa ni Aljun na sabihin sa kanyang ina ang tungkol sa amin, mistulang lumakas bigla ang loob ko. “Mom… sana po huwag kayong magalit. M-may… r-relasyon po kami ni Aljun.” Ang deretsahan ko ring nasabi. At halos kasabay sa aking pagbigkas ng mga katagang pag-amin ay ang pagpatak ng aking luha. Iyon bang pakiramdam na parang naghirap ang kalooban mo dahil sa tinitimping lihim at sa wakas ay nahanap mo rin ang lakas na magsalita tungkol sa isang masakit na bagay na dinadala mo sa iyong mahal na ina... Para bang isang bata akong nagsumbong dahil inaapi.
Noong makita ng mommy ang pagpahid ko ng luha, niyakap niya ako at hinaplos ang aking likod. Napabuntong-hininga ng malalim. “Ahhh… Tsk! Tsk! Tsk! Huwag kang umiyak anak.”
Tahimik. Patuloy lang ang pag-pahid ko ng luha.
“Are you gay ba talaga, son?” tanong niya.
“P-palagay ko po mom. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kay Aljun… Hindi ko akalaing ma-in love ako sa kanya.”
“At itong si Aljun ba ay mahal ka rin?”
“Opo… nagmahalan po kami oma. Alam na po ng inay niya. Alam ng maraming estudyante.”
“Ano ngayon ang gusto mo, anak? Ang plano mo” ang tanong ni mommy.
“G-gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po si Aljun. At na sana ay matangap ninyo ni daddy ang aming relasyon. Iyan lang po.”
Natahimik ng sandali si mommy. “Huwag kang mag-alala anak. Ako, naintindihan kita.”
“T-talaga po mom? Wala po kayong pagtutol?” ang masaya kong sabi.
“Bakit ako magagalit? Nagtiwala ako sa iyo, anak. Alam kong hindi mo magawang sabihin sa akin ang ganyang bagay kung hindi mo naramdaman ito. May tiwala ako sa sense of judgement mo. Matalino ka. Alam kong pinag-isipan mong maigi ang lahat bago mo narating ang desisyon na iyan. Nandito lang ako, anak. Kahit ano ang gagawin mong desisyon sa buhay, susuportahan kita. Basta sa ikaliligaya mo. Go…”
“S-si daddy kaya mommy???” ang tanong ko.
“Hindi ko alam anak… alam mo naman, kaisa-isang anak ka namin. Gusto niyang magkaapo sa iyo.”
“Iyan na nga po ang kinatakutan ko mom” ang malungkot kong sabi. “Sana po tulungan ninyo ako. Kayo na lang po ang kumausap kay daddy, mommy please...”
At pumayag naman si mommy. Siya na raw ang bahala. At ang mungkahi niya ay ihanda na lang ang mga sarili naming kung sakaling mahirapang tanggapin iyon ng daddy.
Kaya, iyon ang napag-usapan namin ng mommy ko. At least nabunutan ako ng isang tinik sa dibdib ko, sa maluwag na pagtanggap ng mommy sa relasyon namin ni Aljun.
Natapos silang magbasketball ni daddy at masayang nagkukuwento si Kristoff, ipinagyayabang na natalo daw nila ng lolo niya si papa Aljun niya. Napangiti na lang ako.
Maya-maya, naligo na sila sa shower. At nagulat na naman ako noong imbes sa sa kuwarto namin maligo si Kristoff, sa kuwarto pa nila mommy at daddy dinala ang bata. Doon na daw maligo si Kristoff.
Natawa na lang kami ni Aljun at mommy. “Sabik na sabik sa bata ang daddy mo. Hayaan mo na. Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang daddy mo.” Sambit ng mommy.
Sa hapunan, tahimik lang ako. Nagkukuwento ay si daddy at si Kristoff. Tahimik lang din si mommy. Marahil ay kinabahan sa maaaring reaksyon ng daddy kapag nagkausap na sila.
Sa pagtulog, sa kuwarto ko na natulog si Aljun imbes na sa guest’s room. Alam na kasi ni mommy ang aming status kaya pinag-isa na niya kami. Ngunit si Kristoff, doon talaga nila pinapatulog sa kuwarto nila. Tuwang-tuwa daw kasi si daddy sa kanya at si mommy din. Nakakaaliw kasing bata at ang bait bait pa.
Bago kami natulog, habang nakahigang magkatabi, sinabi ko kay Aljun ang mga pinag-usapan namin ni mommy. Natuwa naman siya na tanggap pala ng mommy ang aming relasyon. Tinanong ko rin siya kung ano ang mga pinag-uusapan nila ni Daddy habang naglalaro.
“Tanong nang tanong sa akin tungkol sa mga achievements ko sa school, sa aking mga magulang, kahit ang paborito kong sport ay tinanong din…”
“Anong sagot mo?”
“Sinabi ko ang lahat. Wala akong ama, kami na lang ng inay ko at ngayon si Kristoff ang natirang pamilya. Nagtanong din siya sa ina ni Kristoff… at sinabi ko rin ang lahat. At doon siya natuwa noong sinabi kong regional champion ako sa lawn tennis. Naging champion din daw pala siya ng inter-university tournament noong college days niya. Na-miss daw niya iyon. At hinamon niya akong maglaro bukas.”
“Ganoon ba?” Sagot ko. Tennis din kasi ang buhay ng daddy ko noong bata pa.
Tahimik.
“S-sinabi mo na ba sa daddy mo ang tungkol sa atin?” ang tanong niya.
“Si mommy na lang daw ang bahalang magsabi…” ang malungkot kong sagot. “Sana boss… hindi magagalit ang daddy. Sana, kagaya ni mommy ay matanggap din niya tayo.”
“Sana… para tuluyang malaya na tayo…”
“N-natatakot ako boss… Matindi kapag nagalit iyang si daddy. Unpredictable. Mabagsik.”
“Huwag kang matakot. Ano man ang desisyon ng papa mo, tatanggapin natin.”
“Paano kung papaghiwalayin tayo? Underage pa naman ako.”
“Ako… paninidigan ko ang naramdaman ko para sa iyo. Ikaw?”
“Syempre… panindigan ko rin.”
“Iyan naman pala eh… tulog na tayo. Atat na atat na ako. Wala pa naman si kulet, saying ang oras.” Sabay yakap sa akin ng mahigpit at lapat ng bibig niya sa bibig ko…
Hindi ako nakapalag. Unang pagtatalik namin iyon sa sarili kong kuwarto…
Alas syete ng umaga noong nasa hapag kainan kaming lahat. Grabe ang kalampag ng aking dibdib sa maaaring sabihin ni daddy tungkol sa amin; kung tanggap ba niya ang relasyon namin ni Aljun o hindi.
Ngunit walang lumabas sa kanyang bibig. Tahimik kaming kumakain, walang imikan. Ang ingay lang na naririnig ang ang tunog ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato habang kami ay kumakain.
Nababalot sa matinding tensyon ang agahan naming iyon. Nakayuko lang si mommy habang si daddy ay tila nag-iisa lang sa mesa, walang nakikitang ibang tao sa paligid. Pati si Kristoff ay tila nakiramdam din. Abala sa pagkain. At kaming dalawa ni Aljun, halos mawalan na ng ulirat sa sobrang kaba.
Doon ko naramdamang hindi tanggap ni daddy ang aming relasyon ni Aljun. Marahil ay respeto na lang niya sa kanyang mga bisita ang lahat.
Naghintay pa rin ako.
May halos 20 minutos ang nakalipas at wala pa ring imik si daddy. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili at nagsalita na. “P-pagkatapos naming kumain mommy… babalik na lang kami…” ang malungkot kong sabi, pigil na huwag pumatak ang aking luha sa harap nila.
Na sinagot naman ni Kristoff ng, “Papa Jun, ibibili pa daw ako ni lolo ng mga libro atsaka laruan mamaya e…”
Bigla akong napatingin kay daddy.
“Oo naman. At pagkatapos nating mag-agahan Aljun, mag one-on-one pa tayo ng lawn tennis. Paano ko malalaman kung magaling ka nga kung hindi mo ako tatalunin? Alas 4 na ng hapon kayo uuwi dahil busy kami kami ni Kristoff na magshopping ng mga libro at laruan niya after lunch.” ang seryosong sabi ni daddy, walang bakas na emosyon sa kanyang boses maliban sa tonong may bahid ng otoridad.
Tila sumigla naman si Aljun. At ang biglang naisagot na halata pa ring may bahid na kaba ay, “Yes Sir!”
Kung gaano katindi ang lungkot ko sa pagbasag sa katahimikan ay siya namang tindi ng naramdaman kong saya sa narinig kay papa at sa sagot ni Aljun. Napangiting napayuko na lang ako.
Lihim kong nilingon si Aljun na nakayuko din ngunit bakas sa mukha ang matinding kasayahan. At pati si mommy ay ramdam kong nakahinga rin ng maluwag.
At doon na nagsimulang magkulitan sina Kristoff at daddy. “Lolo di ko pa po natikman ang ulam na iyan atsaka iyan po, pati poi yon…” ang inosenteng pangungulit ni Kristoff kay daddy, na walang kamuwang-muwang sa matinding tension na namuo sa hapag-kainang iyon na napawi niya.
“O e di tikman mo. Kung gusto mo magpaluto pa tayo ng marami niyan. Kaya mo bang kainin lahat?”
“Dadalhan ko na lang po sa lola ko sa bukid. Alam ko di pa siya natikman ng mga ganyan e…”
“E di magdala ka ng marami... kahit buong mesa pa ng pagkain.”
Tawa naman ng tawa si mommy. At pati kami, nakitawa na rin.
“Ang sweet talaga ng batang ito!” wika ni mommy.
At pagkatapos ng agahan, nagpahinga sandal at naglaro na sina Aljun at daddy ng tennis. Hindi ko lang alam kung ano talaga ang nasa loob-loob ng isip ni daddy. Ngunit para sa akin, kahit hindi pa siya magsalita, sapat na iyon upang malaman kong tanggap niya sina Aljun at Krisotff sa pamamahay niya.
Halos buong umagang naglaro sina Aljun at daddy ng lawn tennis. Pagkatapos ng tanghalian, isinama ni daddy si Kristoff sa pagsa-shopping. Silang dalawa lang. Kaming tatlo naman ni mama at Aljun ay sa bahay lang, sa terrace. Kuwentuhan, hinihintay ang pagdating nina Kristoff at daddy.
Alas kuwatro na noong dumating sina daddy. Kung may makakita sa kanila, masasabi talagang tunay silang mag-lolo. Hatak-hatak ni Kristoff ang mga pinamiling laruan at libro habang di naman magkamayaw si daddy sa pag-guide sa kanya sa paglalakad, siya pa ang nagbitbit sa iba pang gamit ng bata.
Bago kami umalis, nagmano ako kina mommy at daddy. Sumunod naman si Aljun. Pinagmasdan ko kung tanggapin ni daddy ang kamay ni Aljun. At sobrang tuwa ang nadarama ko noong nakitang hinayaan ni daddy na kunin ni Aljun ang kanyang kamay upang magmano si Aljun sa kanya.
Noong si Kristoff na ang nagmano, sinabihan pa ito ni daddy ng, “Dapat bisitahin mo palagi ang lolo mo dito ha? Kasi pag hindi, hindi ko tutuparin ang hiniling mo sa akin…” sabay kindat sa kanya.
Na inosente namang sinagot ng bata. “Opo. Babalik po kami ni papa Aljun at papa Jun.” sabay halik niya sa labi ng daddy ko, yung trademark niyang halik na may tinig pa. Tawa nang tawa ang daddy sa pagkagulat.
Nagkatinginan na lang kami nina mommy at Aljun sa narinig na hiling ng bata. Syempre, hindi namin alam kung ano iyon.
Inihatid muli kami ng driver namin deretso na sa inuupahan kong flat na malapit sa university. Puno ang aming van sa maraming dalang pabaon, na karamihan ay bigay ng daddy at mommy para kay Kristoff.
“Ano pala ang hiniling mo sa lolo mo?” tanong ko kay Kristoff.
“Si papa… kasi malapit na siya mag-graduate. Sabi ko kay lolo na bigyan niya ng work.”
Natawa naman si Aljun at napayakap sa anak, pabirong kinagat-kagat ang dibdib. Alam ko, na touched siya sa ipinakitang pagka sweet ng anak.
Hinalikan ko naman si Kristoff. “Ambait at ang talino talaga ng baby Kristoff kooo. Nakakagigil!” sambit ko. “Mwah! Mwah!”
“At ano naman ang sagot ng lolo mo?”
“Manager ka na daw agad…”
Lalong napatawa naman kami. “Anlakas naman talaga ng backer ko! Manager agad! Paano mo nasabing pwede ako niyang tanggapin sa ganoong work?”
“Kilala ka na daw niya eh. Matagal na.”
Nagulat naman kami, med’yo tumaas pa ang aking kilay. “Saan? Paano?” tanong ko.
“Sa facebook daw po. Nababasa niya iyong sa school na pagebook, atsaka iyong kay papa Aljun atsaka iyong kay papa Jun.”
Nagkatinginan kami ni Aljun. Mixed emotion naman ako. Kasi nandoon ang lahat ng mga kaganapan sa issue nina Giselle at Aljun at lalo na sa mga litratong ipinakalat ni Giselle tungkol sa amin, dagdagan pa ng mga enstudyanteng nag-comment na suportado nila kung may relasyon kami ni Aljun.
Binitiwan ni Aljun ang isang hilaw ng ngiti sabay kindat sa akin. Napangiti na rin ako.
Ewan kung ano ang nasa isip ni Aljun. Ngunit ang sa akin… habang ina-analyze ko ang mga kaganapan habang nandoon kami sa bahay naming, huling-huli kong alam na alam ni daddy ang lahat-lahat, bago pa man kami bumisita sa bahay dahil namomonitor nito ang facebook ng university at ang amin ni Aljun. Alam niya ang lahat ng mga pangyayari, kasama na ang mga eskandalo, ang mga issues, ang mga litrato namin ni Aljun na pinost ni Giselle, pati na ang nasadlakang problema ni Aljun kay Giselle. Alam niya ang mga tsismis tungkol sa amin ni Aljun.
At kung kaya niya sinabi ito kay Kristoff ay upang kahit hindi man niya masabi-sabi sa amin ng deretsahan ang kanyang tunay na naramdaman, ay maipaabot pa rin niya sa amin na tanggap niya ang aming pagmamahalan ni Aljun.
At naramdaman ko na lang ang bisig ni Aljun na ipinatong sa aking balikat. Umakbay na rin ako sa kanya. At dahil napagitnaan si Kristoff, inilingkis naman niya ang kanyang mga kamay sa aming mga beywang noong makitang nag-aakbayan kami ng papa niya.
Hinugot ko na lang ang aking iphone at pinatugtog ang aking pinakapaboritong kanta –
Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
Nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
A lá peaceful melody
It’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i’ma saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
No need to complicate
Our time is short
It can not wait, I’m yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family (2nd time: A lá happy family; 3rd time: A lá peaceful melody)
It’s your God-forsaken right to be loved love love love
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is your’s!
“Ang sarap pala talaga ng magmahal…” ang naibulong ko na lang sa sarili.
(Itutuloy)
whoooaa.. very interesting story, can't wait for the next part...pleaseeeeee...... publish it ASAP..
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteAll time best talaga.sana may next season
ReplyDelete