Friday, January 9, 2015

LANCE NA LANG PARA POGI 11

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Bakas sa mukha ni Bubble na kanina pa siya umiiyak.

BUBBLE: "anung ibig sabihin nito Lando" sagana ang luha sa mata

Wala akong mahagilap na isasagot kay bubble, natatakot akong bawat sagot na lumabas sa bibig ko ay maging sanhi ng pagkawala nito.

AKO: "buBBLE"

BUBBE: "anu lando?, bakit di mo sinabi sakin na ganun pala ang nakaraan niyo?, Bakit Lando? dahil ba sa mahal mo pa siya?" umiiyak padin

CHRIS: "Borgy look?"

BUBBLE: "shut up chris!, isa ka din eh, ang sakit ng nararamdaman ko ngayon alam niyo ba iyon?, ganito na siguro ang buhay ko" sabay talikod palayo

AKO: "bubble wait, bubble?!!!"

hahabulin ko sana si Bubble pero hinawakan ako ni Chris at pinigilan ako.

CHRIS: "hayaan muna natin siyang mag-isa"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Chris.

AKO: "Wag mo kong pangunahan"

Hinanap ko si Bubble sa hotel, at swerteng nakita ko siya sa may pool side. Dahan dahan akong lumapit at umiiyak na tumabi sa kanya.

AKO: "Bubble.. I'm sorry"

BUBBLE: "ok na yun, ganun naman talaga.. salamat sa lahat Lando ah, salamat kasi kahit sa maikling panahaon naiparamdam mo sa akin kung paano mahalin at magmahal. Ayoko na Lando" sabay tayo at umiiyak na lumayo sa akin.

AKO: "Bubble hindi... mahal kita at sana naman maniwala ka sa akin. Oo may nakaraan kami ni Chris pero wala na yun" umiiyak

BUBBLE: "tama na" mahinahon niyang tugon sa akin sabay lakad palayo

Ng mga sandaling iyon ay pakiramdam ko, gumuho ang buong mundo ko. 

Simula ng gabing iyon ay hindi ko na kailan man nakita at nakausap si Bubble. Hindi na siya pumasok sa school at nabalitaan kong lumipat na siya ng paaralan. At nabalitaan ko mula sa mga pinsan ni Bubble na pinakilala sila ni BuBble sa girlfriend nito at labis silang nagtataka kung bakit ganun ang nangyari samin.

Masakit ang malaman na may nobya si Bubble kahit alam kong ginagawa niya lang ito para makalimutan ako at iyon ang mas masakit. Sa facebook niya ay wala na ang mga litrato namin. at di ko narin siya makontak.

Sa bawat araw na lumilipas ay matinding sakit na dulot ng pangungulila ang aking nararamdaman. Kahit anung gawin ko ay hindi ko maiwaglit ang sakit na iyon. Laging pumapasok sa diwa ko si Bubble, ang mga alaala namin at ang mga ngiti niyang wala ng tatalo pa sa tamis nito.

Madalas akong tumatambay sa paborito naming kainan ni Bubble at nagbabakasakaling madaan siya dun. Ngunit araw araw akong nabibigo.

SA BAHAY......................

KUYA: "Lando, nag-aalala na ko sa mga kinikilos mo nitong nakaraang mga araw, mag iisang buwan kanang ganyan, may problema ba tol?"

AKO: "wala kuya.. ok lang po ako" sabay talikod at tinungo ko ang sala

Ilang sandali pa ay nilapitan ako ni Naynay..

NAYNAY: "baby alam kong may problema ka, pwede mo namang sabihin yan sa amin, malay mo makatulong kami"

AKO: "wala po nay, wag po kayong mag-alala ayos lang ako" sabay yoko at naiyak ako

NAYNAY: "nagaalala na kasi kami baby love"

AKO: "Im ok ma, salamat po sa pag-aalala"

Dumating naman si Taytay....

TAYTAY: "Di talaga tayo makakatulong kay Lando kasi mukhang puso ang problema niyan at siya lang ang makaka solve ng problema niyang iyan"

NAYNAY: "ikaw talaga ang bata pa ng anak natin para jan"

TAYTAY: "koleheyo na ang bunso natin at naranasan ko na din magkaganyan kaya nauunawaan ko"

AKO: "salamat po taytay" tuluyan ko ng niyakap si naynay at umiyak pero di na nila ako pinilit na sabihin ang problema ko.

Naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko ang isang taong naging dahilan ng lahat ng ito.

CHRIS: "Lando.. mag usap tayo"

AKO: "wala na tayong dapat pag usapan pa" sabay tuloy ng paglalakad ko.

CHRIS: "hindi mo na talaga ako mapapatawad, lalo pa't nadagdagan ko pa ang bigat ng loob mo... pero gusto ko lang sana malaman kong mahal mo pa ako lando" naiiyak niyang tanong

AKO: "Hindi.. wala na ni katiting na pagmamahal sayo" pagsisinungaling ko.

Ang totoo ay mahal ko pa si Chris. Gulong gulo ako, tatlo ang lalaking nagpapatibok at nananakit sa puso ko. Galit ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan na magkaganito.

CHRIS: "kung ganun wala na palang dahilan ang pananatili ko dito" umiiyak niyang pahayag

Isang balngkong tingin lang ang naging tugon ko sa kanya. Ayokong umiyak, alam kong sasabihin niyang babalik na siya ng amerika. 

CHRIS: "kung ganun man ay mapninindigan ko na ang naging desisyon ko at wala na akong dapat ipaglaban pa" patuloy padin ang daloy ng luha niya

AKO: "huh?"

CHRIS: "Ikakasal na ko, Arthur asked me to marry him sa amerika at naka Oo na ako, wala na akong ibang dahilan para umatras pa" at tuluyan na siyang humagulgol

AKO: "ga...ganun ba?"

Sa takot kong makita niya akong umiyak ay tumakbo ako patalikod. Sobrang sakit parin pala ang katotohanang tuluyan ng mapapasa kamay ng iba ang puso ni Chris.

Madilim na kaya hinayaan ko ang sarili na umiiyak habang naglalakad ako at ngayon ay hindi ko na alam kung san ako pupunta. Gulong gulo ang isip ko. Lahat nalang ng pagdurusa ay dinanas ko na mula bata pa simula kay Bugoy.

Habang naglalakad ako sa isang madilim na kalye ay nadinig ko ang pag iyak at pagmamakaawa ng isang babae. Hinanap ko kung san galing ang boses na iyon. nakita ko sa isang maliit na eskinita papaso ang tatlong anino ng nakatayong lalaki. Pinalilibutan nila ang isang babaeng umiiyak at nakaupo sa lupa.

BABAE: "parang awa niyo na po, pakawalan niyo na ko, nakuha niyo na naman po lahat ng gamit ko"

LALAKI 1: "hahaha may isang bagay pa kami na gustong kunin."

Tawanan silang tatlong lalaki.

LALAKI 2: "cge pare mauna kana at ako ang susunod na aararo jan..hahaha"

Nung mga panahong iyon ay wala ng takot sa dibdib ko kaya Inilagay ko muna sa basurahan na malapit sa akin ang bag ko at daling tinungo ang direction ng tatlong lalaki.

AKO: "Hoy!!!!!!!!! " sabay suntok sa isang lalaki.

Nakipagsuntukan ako sa tatlo. Ngunit nahawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso ko at pinagsusuntok naman ako ng isa sa kanila. Animo'y wala akong nararamdamang sakit sa ginagawa niyang panununtok.

LALAKI 1: "pakialamero ka ah.. eto siguro, matututo kang wag nang makialam pag natikman mo to" sabay saksak ng balisong sa tiyan ko.

Naramdaman kong may lumabas na dugo mula sa bibig ko. Dalang saksak ang natanggap ko. Hindi ko alam pero bigla kong naalala si naynay na tinatawag ako, si taytay na pinapangaralan ako, si kuya na kinukulit ko, si ate na nilalambing ko, si bugoy, chris, bubble at lahat ng naging bahagi ng buhay ko.

AKO: "panginoon ko..patawarin niyo po sana ako sa lahat ng ginawa kong kasalanan, sanay nayakap ko muna silang lahat" sa isip ko habang umiiyak na.

Madaming dugo na ang lumabas sa bibig ko at sa sugat ko pinagsaksakan nila.

Mukhang nataranta ang isa sa kanila..

LALAKI 3: "pare patay tayo jan, sibat na tayo dali"

LALAKI 1: "sandali lng, at tuturuan ko ng leksiyon ang pakialamerong to." sabay kuha ng tubo at inihampas sa ulo ko.

 Tanging iyak lang ng babae ang huli kong nadinig.

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay isang napakagandang lugar ang nakita ko na punong puno ng bulaklak. May mga taong nakaputi na naglalakad. Lahat sila ay nginingitian ako.

"Lando" boses mula sa likod ko.

Nilingon ko ito at tuluyan na akong umiyak ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

AKO: "ca....carol" at patakbo ko siyang tinungo at niyakap.

CAROL: "Alam ko kung bakit ka umiiyak Lando... patawarim moko at di na ko nakapagpaalam sayo noon"

AKO: "ok lng carol, ang mahalaga kasama na kita.. lagi nalang akong nasasaktan carol, pagod na pagod na ko"

CAROL: "May dahilan ang diyos kung bakit hinahayaan niya ang mga pangyayaring iyon sa buhya mo"

AKO: "Carol, salamat at nandito kana.. wag mo na akong iiwan ulit, ayoko nang masaktan"

CAROL: "hindi kita iniwan, lumipat lang ako ng kalalagyan at dito iyon (sabay turo sa puso ko), lagi akong anjajan Lando"

Tumahan ako sa pag iyak sa ginawang paglalambing sa akin ni Carol. Naglakad lakad kami sa napakagandang lugar na iyon. Masaya at napakagaan ng pakiramdam ko. Nakalimutan ko lahat ng sakit sa dibdib ko at kuntentong kuntento na ko sa ganitong pakiramdam.

CAROL: "Lando, tandaan mo itong sasabihin ko.. Gamitin mo to para maibalik mo ang lahat, kasi maaaring makalimot ang utak pero hindi ang puso"

AKO: "susundin ko yan lalo pa't kasama na kita"

CAROL: "Lando, hindi pa ito ang tamang panahon para manatili ka dito.." at may luhang tumulo sa mga mata ni Carol.

Wala na akong nagawa dahil bigla bigla nalang na lumayo ang distansiya ko kay carol, parang umaandar ang kinatatayuan ko at dinala ako palayo kay carol.

AKO: "carol!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

_________________________________________________________________


"iho? iho?" sabay yugyog sa balikat ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko ang isang matandang babae na nakaupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.

AKO: "asan ako?... sino po kayo?" masakit ang ulo ko

BABAE: "ako si lola gloria, iho ilang araw kanang walang malay, andito ka sa ospital, lukresya tawagin mo ang doctor"

AKO: "po?...ba...bakit?"

LOLA GLORIA: "Di mo ba maalala ang nangyari sa iyo iho?"

Pinilit kong isipin kong anu nga ba ang nangyari pero walang ideyang pumapasok sa isip ko.Kaya tumago nalang ako.

Dumating naman ang doctor at sinabi ni lola gloria na di ko maalala ang mga nangyari sa akin. Kaya tiningnan ako ng doctor at tinanong ako ng ilang mga bagay.

DOCTOR: "wala kang maalala sa nangyari sayo iho?"

AKO: "opo"

May kung anung gumuhit sa mukha ng doctor na labis kong pinag-alala.

DOCTOR: "Maaari mo bang sabihin ang pangalan mo?"

Ang pag aalala ko ay lalong tumindi ng hindi ko na din maalala pati pangalan ko. Tinanong niya ko tungkol sa pamilya ko, wala din akong maalala.

DOCTOR: "sorry po maam, but i think nag ka amnesia po ang apo ninyo, mahaba habang treatment po ang pagdadaanan natin bago tuluyang bumalik ang alaala niya" 

AKO: "apo niyo po ako?" sabay tingin sa matandang babae

Nag aalangan na tumango si Lola Gloria.

LOLA GLORIA: " kanina may binabanggit kang carol, naalala mo ba siya?"

Muli ay nag isip ako pero walang ideya na pumasok sa utak ko. Pero ang nakapagtataka ay lumukso ang puso ko ng madinig ko ang pangalang iyon................

AKO: "Lola? wala po akong maalala, kahit kunti wala po.." at walang habas akong umiyak

LOLA GLORIA: "Dont worry apo, uuwi na tayo sa Tacloban"

LUKRESYA: "pero madam....hindi niyo po..........."

LOLA GLORIA: "tama na Lukresya, wag kanang dumagdag" sabay tingin kay lukresya na animoy nagbabanta.

AKO: "Taga doon po ba tayo Lola?"

LOLA GLORIA: "Oo apo taga dun tayo, uuwi na tayo at kakalimutan na ang lugar na ito"

nakita ko ang sobrang pagkagulat sa mukha ni Lukresya..........................

 Itutuloy...

2 comments:

  1. Asan na yung kasunod.....kakabitin...ehehe

    ReplyDelete
  2. the next part pls...... this story is so good.... i only read the first part and i feel i got attached to this story... i will recommend this to my friends to read this :) ..... im begging u, write the next part already pls pls pls hehehehe :D

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...