by: Mikejuha
Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.
Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko.
“G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.
“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.
Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”
“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.
“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”
Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Noong nasa gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap pakinggan; nakaka-relax. Subalit nangingibabaw pa rin ang lungkot na gumagapang sa aking pagkatao. Naalala ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa ilog na iyon ko itinapon ang singsing na ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na pagsalba niya nito na halos magpakamatay na sa pagsisisid maibalik lang ang singsing. At bago pa dito, naalala ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin kasama siya na hinding-hindi ko malilimutan; noong muntik akong malunod at sinagip niya ako. Doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya.
Ngunit pilit ko ring iwinaglit ang laman na iyon ng aking isip. Iginiit ko na masaya na siya kapiling ang girlfriend niya at na ako ay hindi na dapat makialam pa sa buhay niya; na dapat ay burahin ko na siya sa puso ko. Pilit kong nilabanang huwag pumatak ang mga luhang namuo sa aking mga mata.
“Marunong ka bang lumangoy, kuya?” ang tanong ni Julius.
“A… e… hindi e. “ Ang sagot ko. “Muntik na nga akong mamatay d’yan noon dahil hindi ako marunong lumangoy.” Ang sagot ko.
“Ay... talaga? Kung ganoon, puwede kitang turuan kuya.” ang mungkahi ni Julius na animoy wala lang talaga nangyari sa amin sa nakaraang gabi.
“O ba!” sagot ko naman. Syempre, kahit papaano, nais ko rin namang matuto.
Dali-dali kaming lumusong sa tubig. At dahil mas matagkad si Julius sa akin, ang malalim na parte ng ilog kung saan hanggang leeg niya ito ay halos lampas na ng ilong ko ang tubig. “Tol! Baka malunod ako!” sigaw ko sa takot.
“Relax ka lang kuya” ang sa bi niya habang hinawakan ang panga ko at hinila. “Sige kuya, ikampay mo ang mga kamay mo at ang mga paa…”
At iyon nga ang ginawa ko. Matagal-tagal din kaming nagturuan. Tawanan, turuan, pahinga... At sa ginawang iyon ni Julius sa akin, pakiramdam ko ay nagging mas panatag pa ang loob ko sa kanya. Hindi lang din kasi mabait si Julius, may katangian din siyang kagaya ni Kuya Rom.
Anyway, hindi ko alam kung natuto nga ako sa mga itinuturo niya. Ngunit pakiramdam ko ay tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili sa paglusong sa tubig at nabawasan ng kaunti ang takot ko sa pagpunta sa med’yo may kalalimang parte ng ilog.
Noong mapagod na, naupo kami sa may buhanginang parte ng aplaya. Habang nakaupo, naalala ko ang panaginip ko sa gabing nagtabi kami ni Julius. At biglang pumasok sa isip ang tanungin siya. “Tol, m-may itatanong ako. Huwag kang magalit ha?” ang may pagdadalawang-isip kong sambit.
“A-ano po iyon, Kuya?” Sagot naman niyang halatang kinakabahan sa linya ng tanong ko.
“M-may ginawa ba tayo kagabi?”
Napatingin siya sa akin, pansing nahihiya at hindi makatingin sa mukha ko, nakuha ang ibig kong sabihin. “E, lasing na lasing ka kuya at…” di niya naipagpatuloy ang sasabihin.
“At ano?” giit ko.
“N-niyakap mo ako at hinalikan…”
Pakiramdam ko ay may kumalampag sa dibdib ko sa narinig, nakumpirmang may nangyari nga sa aming dalawa “G-ganoon ba tol?” ang naisagot ko, napayuko sa hiya sa sarili sa nakumpirma. “A-anong ginawa ko pagkatapos kitang halikan?”
“Hinalikan mo ang buo kong katawn, hanggang isinubo mo ang ari ko”
“Ginawa ko sa iyo iyon?”
“Opo kuya. Tapos, binabanggit mo ang pangalan ni Kuya Rom…”
“T-talaga?” Pakiwari koy biglang naubusan ng dugo ang mga ugat ng mukha ko at simputi na ito ng papel. Alam ko, may nabuo sa isip niya tugkol sa amin ni Kuya Rom. Ramdam ko na parang gusto ko nang isiwalat kay Julius ang lahat upang kahit papaano ay maibsan ang aking mabigat dinadala. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang pagpigil.
Tahimik.
“Íkaw, bakit hindi ka pumalag noong ginawa ko iyon? Bakit o ako hinayaang gawin ko sa iyo sa iyon?” tanong ko uli.
Hindi nakasagot ni Julius. Yumuko lang siya at nilaru-laro ang isang kamay sa buhangin. Ewan kung nahiya siyang amining nagustuhan niya ang ginawa namin o nirespeto lang niya ako bilang anak ng amo nila kaya hinayaan na lang niya na mangyari sa amin iyon.
“M-may ginawa ka rin bas a akin?”
Tumango lang siya, nanatiling nakayuko at inilalaro ang daliri sa buhangin.
Ngunit hanggang doon na lang ang tanong ko. Hindi ko na inalam pa ang nasa isip niya. At hindi ko na rin siya tinanong pa tungkol doon. Hanggang sa naisipan na naming bumalik ng bahay at doon, nananghalian.
Alas dos ng hapon, nakasakay na ako sa sasakyan sa tabi ng driver’s seat at handa na sa pagarangkada ng sasakyan noong mapansing nakatayo si Julius sa harap namin, nakatingin sa akin at pansin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Lumabas uli ako, nilapitan siya at niyakap. “Malungkot ka ba tol?”
“Opo, kuya. Ma-miss kita...” sagot niya na tila iiyak na ang boses.
“Huwag kang malungkot, tol… magkita pa rin naman tayo e.” ang pagsuyo ko.
“Kailan ka na naman babalik?” tanong niya.
“Ewan, pero kapag di ako nakabalik, welcome kang pumunta sa lungsod at doon ka titira sa bahay. Igagala kita doon tol, promise.” Ang naisagot ko na lang.
“Talaga kuya? Sige kapag walang pasok pupunta ako sa inyo kuya ha?”
Tumango ako.
“Kuya, ingat ka lagi...” ang huling sabi niya.
Si ipinakita ni Julius sa akin, feeling ko sobrang close na namin sa isa’t-isa. Kahit isa’t kalahating araw at isang gabi lang ako nandoon, parang napakalalim na ng pinagsamahan namin, lalo na sa nangyari sa amin sa gabing iyon.
Alas 8 na ng gabi noong makarating ako ng bahay. Agad naman akong sinalubong ng mama ko, “Jason, Kumust ang lakad mo? Naikot mo ba ang buong lupain?”
“OK naman ma. Hindi po lahat ang naikot ko… kulang ang kalahating araw eh, nakakapagod din. Pero enjoy naman po.” ang sagot ko.
“Ah, mabuti naman. Kahit papaano, napuntahan mo na.” Ang sagot naman ni mama. “Oo nga pala, nagpunta dito si Kuya Rom mo kahapon!”
Pakiramdam ko ay umalingawngaw sa tenga ko ang pangalan ni Kuya Rom at pinokpok ng martilyo ang dibdib ko sa lakas ng pagkalampag nito. “S-si Kuya Rom ma? Nagpunta dito?” tanong ko, pansin sa boses ang sobrang excitement.
“Oo. Hinahanap ka. Ngunit hindi rin nagtagal at umalis noong sinabi kong nasa bukid ka at sa isang araw pa makabalik.”
“G-ganoon ba? Ano daw ang sabi?”
“Wala namang sinabi. Umakyat sa kuwarto mo sandali at umalis na. Pero may napansin ako, hijo. Sa tingin ko may problema ang taong iyon. Sana makausap mo at baka malay mo, may maitulong tayo, ano man ang problema niya.”
“Ganoon ba ma?” ang sagot ko. Bigla namang sumingit sa isip na baka sa pagpapakasal sa girlfriend niya ang problema at na dahil buntis ito. At kung gaano ako ka excited noong malaman na pumunta siya ng bahay, bigla rin akong nanlumo sa lungkot sa sumiksik na pangitaing namuo sa isip. “B-baka mag-aasawa na ma…” ang sambit kong tila kusa lang sabay akyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ko, hindi ipinahalata ang sama ng loob.
“E… kung tama nga ang hinala mo, hindi naman ako papayag na ganoon-ganoon na lang na wala tayo sa kasal niya no! Dapat na ako ang maging ninang niya para lalong mapalapit sa atin ang ang batang iyon!” Ang pahabol ni mama na pakiramdam ko ay halos sasabihin nalang na aampunin niya si Kuya Rom.
“… para lalong mapalapit sa atin ang batang iyon!” ang pabulong kong paggaya sa huli niyang sinabi, ngingiwi-ngiwi ang bibig hindi malaman kung mainis sa tila pagbigay niya ng mas importanteng atensiyon kay Kuya Rom at sa pagkatuwa pa na magpakasal na iyong tao.
Dire-deretso ako sa loob ng kwarto, inihagis ang dala-dalang knapsack sa gilid noon at ibinagsak ang pagod na katawan sa kama, nakatihaya, itinutok ang mga mata sa kisame. Syempre, ang laman ng utak ay walang iba kungdi si Kuya Rom. “Ano na kaya ang nangyari sa kanya…? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?” Tanong ko sa sarili. “Shiitttt! Bakit ba hindi siya maiwaglit sa aking isip!” ang sigaw ko rin sa sarili sa inis.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong makapa ko ang isang nakatuping papel sa tabi ko. Binulatlat ko ito at binasa. “Tol… kailangan ko ang tulong mo. Sana puntahan mo ako, -
Kuya Rom-”
Tinitigan kong maigi ang papel at ang sulat-kamay niya, sinusuri ang bawat letra at pinilt na iniugnay sa aking isipan ang mga eksena kung saan ko siya nakikitang nagsusulat at kung paano niya isinulat ang mga ito.
Tumulo ang mga luha ko noong maisip ko ang mga eksenang iyon – sa loob ng klase, sa library, kahit sa kwarto kapag nandoon siya at nag-aaral at kung saan kukulitin ko sa kasagsagan ng pag-aaral niya at mauwi ang lahat sa harutan at pambunuan ng lakas…
Itinupi ko uli ang papel at pagkatapos ay parang wala lang na inihagis iyon sa sahig. “Bakit???” Sigaw ko sa sarili sa sinabi niya sa sulat na tulungan ko siya. “At ano namang tulong ang maibibigay ko? Ako ba ang magpaplano ng kasal nila? Ako ba ang gagastos? Ako ba ang magdedesign sa gown ng magiging asawa niya? Ako ba ang mag coordinate sa mga activities o mag-entertain sa mga bisita? Ang sakit kaya…” Ang pagmumuni-muni ko, pilit na inaaliw na lang ang sarili.
Maya-maya, sumagi rin sa isang bahagi ng utak ko ang pagnanais na tanggapin na lang ang kung ano man ang maging desiyon niya, ang direksyong tatahakin sa buhay kung sakaling magpakasal na nga siya. “Di ba kung talagang mahal mo ang tao ay handa kang magparaya, ibigay sa kanya ang kung ano man ang maaaring makapagbigay-ligaya sa kanya kahit na ito ay mangangahulugan ng kanyang paglayo; dahil kung para sa iyo naman ang isang pag-ibig, kahit ano man ang mangyari ay babalik at babalik pa rin ito sa iyo… Ngunit kung sa kabilang banda ay hindi man ito babalik, at least magagandang alaala ang maipabaon mo sa kanya na hindi niya malilimutan sa iyo kung sa kanyang paglisan ay maluwag sa kalooban mo ang pagbigay-laya, ang pagsuportang ipamalas sa kabila ng iyong pagdadalamhati.”
“Arrrggghhh!” sigaw ko sa sarili. “Sobrang hirap… Bukas ako ko na lang pagdesisyonan kung pupuntahan ko ba siya o hindi” ang sambit ko sa sarili, hindi na iniisip kung madalian ba ang hiningi niyang tulong.
Dahil saw ala akong pasok kinaumagahan, alas 10 an akong bumalikwas ng higaan. Noong magising, naalala ko kaagad ang sulat ni Kuya Rom.
Ngunit hindi ko rin agad ito inaksyonan. Nagtatalo kasi ang isip ko kung puntahan ko ba siya o hindi. Noong matapos kumain ng tanghalian, nabuo sa isip ko na puntahan na lang si Kuya Rom. Nagpaalam ako sa mama at papa ko na puntahan siya kasama uli ang driver namin.
May kalayuan din ang bahay nina Kuya Rom dahil sa ibang bayan sila nakatira at may tatlong oras pa ang biyahe. Noong natunton namin ang lugar, ipinagtanong-tanong pa namin ang bahay nila. Dahil hindi kilala ang pamilya nila sa lugar, matagal-tagal din naming nahanap.
Sa huli, natunton din namin ito. Kitang-kita ko ang kahirapan nina Kuya Rom. Gawa lang sa kawayan ang bahay at ang atip ay nipa. Maliit lang ito na kung titingnan sa labas ay may isang kwarto lang siguro ito at isang sala na kasama na ang hapag-kainan.
Hindi ko naman maiwasang hindi alipinin ng awa ang aking damdamin. Sa porma pa lang ng bahay nina Kuya Rom, hindi ko maisip kung pano niya nakayanan ang mga gastusin sa school, sa pamasahe, sa pagkain, sa boarding house. Kahit kasi varsity scholar siya, syempre, hanggang tuition lang naman ang libre sa kanya at marami pa ring gastusin ang isang estudyante. At kahit ganoon siya kahirap, ni minsan hindi iyan nanghingi ng tulong sa amin.

Kumatok kami sa bahay ngunit walang tao ito. May kapitbahay na lumapit at sinabing nasa ospital daw ang mag-ina.
Sa pagkarinig ko, dali-dali kong sinabi sa driver na puntahan namin ang ospital na nabanggit.
Nakarating nga kami sa ospital. Nagtatakbo akong pumasok, nagtanong sa information kung saan naka-confine si Kuya Rom. Napag-alaman kong ang nanay pala ni Kuya Rom ang na-confine ngunit ooperahan din daw si Kuya Rom.
“Ha? Bakit? Tanong ko sa information.
“Sa loob na lang ninyo alamin...” sagot naman noong nurse sa information.
Takbo naman ako kaagad sa ward na itinuro at noong nasa hallway ako, nakita ko si Kuya Rom na nakahiga sa stretcher, naka-damit pasyente, iyong isinusuot ng mga ooperahan at hila-hila ng may ilang nurse patungo sa operating room.
“Kuya! Anong nangyari!” Sigaw ko habang sinusundan ang stretcher.
Minuwestrahan ni Kuya rom ang mga nurse na huminto. “S-salamat Tol na nagpunta ka... Yakap ka naman sa akin. Na-miss kita.” Ang sabi niya, kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa na sumipot ako bagamat alam kong may lungkot iyong tinatago.
At niyakap ko siya, hinalikan sa pisngi. “Ano ang nangyari kuya?” Tanong ko uli.“Mamaya ko na sasabihin sa iyo” ang sagot niya sabay tuloy ng pagtulak ng mga nurse sa stretcher niya patungo sa operating room. Sumunod ako hanggang sa makapasok na sila sa loob at naiwan ako sa labas.
Dali-dali ko namang tinawagan ang mama ko. “Ma... nasa ospitlal si Kuya Rom, ooperahan yata. I’m sure kailangan nila ng pera ma...”
Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa mama ko noong biglang may lumapit sa akin na isang foreigner na nasa may mahigit kumulang 30 ang edad, guwapo, toned ang katawan at nasa 6 talampakan ang taas. “Excuse me, are you Jason?” tanong niya.“Ibinaba ko ang cp ko sabay sagot, “Yes Sir, I am”.
“I’m glad to meet you, Jason. Romwel told me so many things about you.”“How did you know Kuya Rom?” ang tanong ko.
“I’m his partner...”
“What???” ang tanong ko, itinaas ang boses, naguluhan na mistulang may malaking question mark na nakapatong sa ulo ko “Partner?”
“Lover...”
Tila pinalo ng malaking pala ang aking ulo sa pagkarinig ko sa sinabi niya habang ang cp ko naman ay halos mabitiwan na ng aking kamay.
“Jason, anak… ano kamo? Nasa ospital si Kuya Romwel mo? Bakit??” ang boses na narinig ko mula sa cp gawa nang hindi ko pagsagot sa mama ko.
Dali-dali kong pinatay ang cp at hinarap ang tisoy. “What did you say? You are Kuya Rom’s lover?” ang seryoso kong tanong sa kanya, ang boses ay tumaas at ang mga kilay ay nagsalubong na naging isang linya na lang yata.
“Yes.” ang maiksi naman niyang sagot.
“How come? Kuya Rom is not gay!”
“I am. We just decided to be in a relationship a while ago… actually, few minutes before you arrived.”
“What??? I’m 25 minutes too late by MLTR? Hoy, Kano –“
“I’m Canadian” pag interrupt niya. “And my name is Shane…”
“Whatever… Cana! Hindi ako naniniwala sa iyo dahil si Kuya Rom ay may girlfriend at ang pangalan ng gf niya ay Kris!”
“I know. And they already split”
Na-windang naman ako sa sagot niya. “Aba! At nakakaintindi ng Tagalog!” sigaw ng isip ko. “Hoy, huwag mo nga akong inglesin d’yan. Alam kong pinalitan na ng Tagalog ang national language ng Canada dahil sa dami na ng Pinoy doon!” Ang matary kong sabi. “At bakit sila nag-split?”
“They –““Whatever!” Ang pag-cut ko. “Kay Kuya Rom lang ako maniniwala, hindi sa iyo!” sagot ko, sabay silip sa glass window ng operating room. “Bakit ba si Kuya Rom ang nand’yan! Dapat ikaw ang nand’yan!” sabay irap sa kanya.
“Why would I be there?” sagot niya na tila natutuwa sa nakita sa akin sa inasta ko. In fairness, mukhang mabait naman ang kumag. Ewan ko lang din.
“Magpatanggal ka ng atay o ng baga o di kaya, utak dahil di mo naman yata nagamit yan. O yan na lang ari mo ang ipatanggal mo, wala din namang silbi iyan!”
“Hahahaha! Romwel is right. You are so funny!”
“Amfff! Ginawa pa akong clown nito!” sabi ko sa sarili. “Anong funny? Hindi ako nagbibiro no! Gusto mo ipabugbog kita sa driver ko?” sabay lingon sa aking driver na tila biglang namutla noong marinig ang sinabi ko at makita ang gahiganteng 6-footer na Canadian na sa porma pa lang ng katawan ay mistulang boksingero ang dating.Napatingin naman ang Canadian sa driver ko, pansin sa mukha ang pigil na pagtawa. “Ok, ok… I’m sorry. Let’s be serious here. Romwel is there and he needs our support. If you don’t wanna talk to me, it’s OK. You can ask him everything when the operation is over and when his condition is fine already.”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” At Naupo na lang ako sa isang bench sa labas ng operating room. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at maraming katanungan ang bumabagabag sa isip. Bakit nandoon sa operating table si Kuya Rom? Bakit bigla na lang sumulpot itong isang alien na lover daw niya?
Habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, tumabi naman sa pag-upo sa akin si Shane. Ngunit inirapan ko lang siya. Kinapa ko ang cp ko at tinawagan uli ang mama ko. “Ma… si Kuya Romwel nandito sa operating room, hindi ko alam kung bakit. Pero malaki-laki siguro ang babayaran niya dito ma!”
“His expenses are already –“
“Shut the hell up!” Ang bulyaw ko kay Shane, pag cut sa sinabi niya, ang mga mata ko ay lumaki.
Nagulat at natameme naman si Shane at hindi na nagsalita pa.
“O Sige, mag-inquire ka nalang d’yan kung magkaano at bukas pupunta kami ng papa mo d’yan…” ang sagot ng mama ko. Mistulang nabunutan ako ng tinik sa sinabing iyon ng mama ko. Ngunit syempre, litong-lito pa rin ang isip ko. Gusto ko sanang mgtanong katabi kong tisoy tungkol sa dahilan kung bakit na-operahan si Kuya Rom. Ngunit nanaig pa rin ang inis ko sa kanya sa sinabi niyang lover daw siya ni Kuya Rom. “Ano siya? Siniswerte? Ako ang nagbungkal sa lupa, nag-irrigate nito, nagtanim ng palay dito, hanggang sa pag-ani, pagluto, at pagkatapos ng lahat ay iba pala ang kakain? Hindi pwede iyan no! Mahal ko iyong tao at alam ko dito sa puso ko na mahal din niya ako. Kung ganoon man lang na sa isang lalaki din din ang bagsak niya, puwes, ipaglaban ko siya kahit darating pa kami sa bukana ng tambol mayor, saan man iyon!” sigaw ng utak ko.

Naisipan ko na tawagan si Kuya Paul Jake upang puntahan niya ako sa ospital at samahan ako. Ngunit nasa klase pa siya at hahabol na lang daw.
Maya-maya, hindi rin ako nakatiis. Nilingon ko si Shane at tinanong, “Bakit nga ba inoperahan si Kuya Rom? Ano bang ginawa mo sa kanya?” ang may halong pagkainis kong tanong.
Tumingin sa akin si Shane. Bago nagsalita, nilingon ang likuran niya at tumingin uli sa akin. “Are you talking to me?”

“Aba’t antipatiko!” Sambit ko sa sarili. “Bakit multo ka ba? Tayo lang namang dalawa ang nakaupo dito ah!” ang mataray kong sagot.
“Baka sasabihin mo na naman sa akin na ‘shut the hell up!’” ang malumanay na sagot niya pansin ang kahirapang magsalita ng Tagalog.
“Paano mo ako masasagot kung i-shut-the-hell-up na kita?” Bulyaw ko sa kanya sabay bulong at irap, “Hirap palang kausap nitong mga ET!”
“What? ET?” tanong niya, pagklaro sa narinig na salitang ibinulong ko.
“ET. Extra Terrestrial, alien, Canadian, martian…”
“Hahaha!” bigla siyang natawa.
“Sagutin mo na nga lang ako!”
“OK... Romwel’s mother is too sick. She needed regular dialysis and a kidney transplant. Romwel offered one of his kidneys for his mom.”
Tila binatukan naman ako sa narinig. “What? They are going to remove his kidney? Why not look for a donor first?”
”We’ve tried that but we could not find it. It’s hard to look for a compatible kidney and his mother needed the transplant immediately.” Hindi ko lubos maintindihan ang tunay na naramdaman sa narinig. Syempre, nalungkot ako sa nangyari sa kanya. Ngunit may tampo din itong dulot sa akin sa hindi man lang niya pagsabi sa akin sa mga problema niya.
“Why did he not tell me all about this?” tanong ko uli.“You better ask him… I’m not privy to what’s in his mind.”
“I’m not privy to what’s in his mind.” Ang paggaya ko sa sinabi niya, ang bibig ay ngingiwi-ngiwi. “How much is his hospital cost? My mom will pay it.” Ang pagdivert ko sa usapan.
“It’s OK. I’ve paid it all…”
“What? Why did you not tell me?” ang tanong ko, nabigla sa narinig.
“I told you… but you said ‘shut the hell up!’”
Natameme naman ako, hindi nakasagot kaagad.
“So..?” dugtong niya.
“And why did you have to pay his bills?”
“I love him; he loves me; that’s simple.”
Mistulang nakarinig ako ng napakalakas ng pagsabog ng isang bomba sa sinabi niya. Pakiwari ko ay hindi ako makahinga, at parang dinurog ang puso ko. “I don’t believe you!”
“Then you better ask him.”

“Of course I will.”
At iyon… bigla kaming natahimik at kahit nanatiling nakaupo na magkatabi, mistulang hindi kami nagkakilala.

Hinanap ko ang ward ng mama ni Kuya Romwel at noong mahanap iyon, kinausap siya, kinumusta. Doon ko nalaman ang kalubhaan ng kanyang karamdaman. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak sa kalagayan niya. Nakita ko kasi sa mukha niya ang kahirapan, bigat ng karamdaman at pagtitiis, na sa kabila nito ay pilit pa ring lumaban at mabuhay. Iyon bang nakikita siyang nakahiga lang at hind imakakilos, may mga nakakabit na kung anu-anong equipment sa katawan, bakas sa mukha ang hirap at sakit na naramdaman, hirap sa paghinga... ngunit lumalaban pa rin. At syempre, naitanong ko rin ang napakalaking gastusin sa pagpagamot sa kanya. “Nay... huwag po kayong mag-alala, tutulungan naming kayo” ang nasambit ko na lang. Gusto ko pa sanang itanong ang tungkol kay Kuya Rom at Shane ngunit naisip ko rin na baka makadagdag pa ito sa nadaramang paghihirap niya.
Doon ko narealize kung gaano kamahal ni Kuya Rom ang nanay niya.
Noong bumalik na ako sa operating room, eksaakto naman ng pagdating ni Kuya Paul Jake. “Nasaan si Romwel?” tanong niya kaagad.
“Nasa operating room pa.” Sagot ko naman.
Noong mapansin kong nakatingin si Shane sa amin at dahil na rin sa inis sa sinabi niya na partner siya ni Kuya Rom, ipinakila ko si Kuya Paul Jake sa kanya, “This is Paul Jake… my partner. You know what partner is? Lover!” ang may halong pang-iinggit kong sabi, ginaya ang pagkabigkas niya sa salitang iyon noong magpakilala siya sa akin.
Pansin ko ang pagkabigla ni Kuya Paul Jake sa sinabi ko at magre-react a sana. Ngunit agad kong patagong kinurot ang gilid niya, pagpahiwatig na sakyan na lang ang sinabi ko. Hindi naman siya umalma at binitawan na lang ang isang pilit na ngiti kay Shane, sabay pakipagkamay sa kanya. “Paul Jake!” sabi niya.
Tinanggap naman ni Shane ang kamay ni Kuya Paul Jake sabay sabi ding, “You two are good!”
“What do you mean good? We are better and best!” ang pabalang kong sabi. Natawa naman si Kuya Paul Jake.
Marahil ay nakuha ni Kuya Paul Jake ang gusto kong iparating, pinanindigan na rin niya ang pagka “magkasinatahan” namin. Inaakbayan niya ako habang nakaupo kami sa bench, minsan inililingkis ang kamay sa beywang o sa katawan. Noong kumain kami ng setserya, sinusubuan ako sinasadyang mapansin ni Shane. Nasabi ko tuloy sa sariling “Sweet pala nitong si Kuya Rom. Sana siya na lang ang minahal ko…”
May limang oras ang nakaraan at natapos din ang operasyon kay Kuya Romwel. Idineretso siya sa kanyang ward. Sumunod kami sa ward niya ngunit sinabihan kaming bawal pa siyang kausapin habang nasa ganoong delikadong kalagayan pa. Kaya nagkasya na lang kami sa pagtingin sa kanya sa loob ng ward niya. Noong makita naming OK naman siya, hinalikan ko ang pisngi niya at nagpaalam na. “Kuya, aalis muna kami ni Kuya Paul Jake, babalik na lang kami bukas…” ang bulong ko. Naiwan si Shane sa tabi niya.
Habang nasa sasakyan kami ni Kuya Paul Jake, tinanong niya ako tungkol kay Shane. “Sino ba iyon?”
Lover daw ni Kuya Romwel!” ang padabog kong sagot.“Hahahaha! Lover? As in bf?” ang reaksyon ni kuya Paul Jake, hindi makapaniwala sa narinig.
“Opo!”
Tumawa uli siya, mas malakas pa.
“Huwag ka ngang magtatawa d’yan kuya! Naiinis ako!”
“Kaya pala ipinakilala mo ako sa kanya na lover mo. Nagseselos ka! At Si Romwel… pumatol sa lalaki?” ang tanong niya, hindi pa rin mapigil sa pagtatawa.
“Kuya naman. Nakakasakit ka. Ibig mong sabihin hindi ka rin makapaniwalang posibleng mahalin ako ni Kuya Rom dahil sa lalaki ako?” ang may halong pagkainis kong sabi.
Tila nahimasmasan naman siya noong marinig ang tanong ko. Tiningnan niya ako, inakbayan. “Hindi naman sa ganoon bunso… natawa lang ako dahil hindi ko naman inaasahang ganoon talaga ang mangyari e… Di ba ang sabi ko palagi sa iyo na lalaki si Romwel at hindi ka papatulan noon. E, ngayong alam na natin na puwede pala, e di syempre, posible palang mahalin ka rin niya, di ba? At alam mo? Kung ako lang ang masusunod, gusto ko ikaw para sa kanya. Kasi, nakikita ko kung gaano ka over-protective si Romwel sa iyo eh, kung gaano kayo ka close, kung gaano ninyo ka-alam ang isa’t-isa… At sa nangyari, ngayon ko na realize na marahil ay mahal ka nga niya.”
“T-talaga Kuya?” ang excited ko namang sagot. Kapag naman kasi may naririnig kang positive reinforcement tungkol sa mahal mo lalo na kung ito ay kabig sa iyo, feeling mo lumulutang ka sa ikapitong alapaap.
“Sa tingin ko lang. Pero syempre, huwag tayong mag-expect dahil baka mali din ako. Baka, bilang kapatid lang talaga ang pagmamahal niya sa iyo…” ang biglang pag-atras naman niya.
Kinabukasan, nauna akong dumating sa ospital gawa nang may pasok pa si Kuya Paul Jake. Noong makapasok na ako sa ward ni Kuya Rom, nakita kong gising na si Kuya Rom at nandoon din si Shane, kausap niya. Mistulang piniga ang aking puso sa sakit sa nasaksihang pag-uuap nila. At lalo pa itong nadagdagan noong lumapit na ako at hinalikan ko si Kuya Rom sa pisngi. “Kumusta ka na Kuya?”“OK naman, sagot niya. Nasaan na ang boyfriend mo? Kaya pala hindi na kita mahahagilap, may iba ka na palang pinagkakaabalahan… Hindi nga ako nagkamali ng hinala ko sa inyo ni Paul Jake. Kaya pala pinalayas mo na ako sa kwarto mo noong huli tayong magkita.”
Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ang ang lahat ng dugo ko. Tinitigan ko ng matulis si Shane.
“What?!” sambit niya noong mapansin ang titig ko sa kanya.
“You told him?”
“That’s what you told me, right? And you were both very sweet with each other. The two of you were even embracing, caressing… in front of me?”
“Kuya… wag kang maniwala d’yan!” baling ko kay Kuya Rom.
“Now I am a lying ha?” pagsalungat naman ni Shane sa sinabi ko.
“Shane… can you leave us alone for a moment please?” ang pakiusap ni kuya Rom.
Lumabas si Shane ng walang imik.
“I-explain mo nga sa akin kung paano naging kayo ni Paul Jake? Di naman ako magagalit e.”
Ewan ko pero sobra talaga akong nasaktan sa sinabi niyang hindi siya magagalit. Iyon bang nag-expect ako na magselos siya, magalit dahil ibig sabihin noon ay may naramdaman din siya para sa akin. Ngunit wala palang epekto ang palabas ko. Bagkus, para pang kinonsente niya kami.
“Di ba dapat ikaw ang mag-explain sa akin kung bakit hayan… nalaman ko na lang na boyfriend mo na pala itong alien na yan?”
“Unang-una, tinanong mo na ba akung ok lang ako? Tinanong mo na ba kung may problema ako?”
Napaisip naman ako sa sagot niyang iyon. “Hindi ko naman kailangang magtanong kuya eh. Kung may tiwala ka sa akin, sa amin ng mga magulang kong nagmahal din naman sa iyo, kusa mo itong sasabihin. Bakit wala kang sinabi?”
“Magsasabi naman talaga ako e. Ngunit dinaig ako ng hiya. At noong nagpasya na sana akong magsalita noong pinuntahan kita sa bahay mo, wala ka namang ibang sinasabi kungdi puro pagsiselos, kesyo nagkita kami ng girlfriend ko, kesyo nagsama kami... sarili mo lang ang iniisip mo, tol. Hindi mo ako naramdaman. Hindi mo ako hinayaang magpaliwanag at magsalita kung ano ba talaga ang bumabagabag sa isip ko, kung bakit hindi na ako pumapasok ng eskwelahan. Iyon na sana ang puntong sasabihin ko sa iyo ang kalagayan ng nanay ko. Ngunit ano ang ginawa mo? Pinalyas mo ako sa kwarto mo. Ansakit... umalis akong hindi alam ang patutunguhan. Gusto ko na nga lang sanang magpasagasa sa mga oras na iyon eh. Sobrang sakit ng damdamin ko. Ngunit tiniis ko ang lahat, ang problema ko, ang galit mo sa akin...” Ang sabi niya, halos hindi maintindihan ang sinasabi dahil pigil na pag-iyak.Hindi ako nakaimik sa narinig. Namalayan ko na lang na tumulo na rin ang luha ko sa awa sa kanya at sa pagsisisis asobrang pagkamakasarili ko.
Nagpatuloy siya. “...At noong bumalik naman ako sa inyo noong huli dahil sa hindi ko na talaga kayang sarilinin ang lahat at hindi ko na rin alam kung saan kukuha ng pera para sa regular na pagdadialysis ng nanay, wala ka naman doon. Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa pag-asang puntahan mo ako kaagad. Ngunit naghintay ako sa wala. Nasaan ka? Hindi kita mahagilap. Napaka-kritikal ang oras iyon para sa akin, alam mo ba?”
Patuloy pa rin an gpagpahid ko ng luha. “Sana tinext moman lang ako kuya.” “Paano kita matext? Wala akong cp, ibinenta ko na!”
“Patawad kuya. Hindi ko akalain na napakalaking pagkakasala pala ang nagawa ko sa iyo. Kasalanan ko ang lahat kuya. Sana ay patawarin mo ako.” At napahagulgol na lang ako habang niyakap ko ang bandang uluhan niya. “Kuya... patawarin mo ako”
“Pinatawad na kita tol... Lagi namang ganyan eh. Di kita matiis. Kaso lang...”
“Kaso... ano?” Tanong ko.
“Huli na ang lahat. Pati kaluluwa ko ay naibenta ko na rin”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ginamit ko ang katawan ko. Para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng nanay ko. At noong sinabi ng duktor na kapag hindi makakapagkidney transplant ng nanay ay hindi na magtatagal ang buhay niya kaya napilitan akong tanggapin ang alok ni Shane. Kaya nga sana noong bago ako magdesisyon, hinahanap kita tol… gusto kong marinig ang sasabihin mo. Subalit wala ka, hindi kita mahagilap. Wala ka sa panahon na kailangan ko n asana ang tulong mo. Kailangan kong magdesisyon sa araw ding iyon. Kaya wala na akong magawa...”
“Bakit? Ano ba ang alok niya sa iyo?”
“Kapag gumaling na ako, sasama ako sa kanya sa Canada. At doon na raw kami magsama...”
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment