Sunday, August 26, 2012

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 12

KANINA pa naiinip si Pancho sa lamesa nila ni Gboi. Paano ay kasama pa rin nila hanggang ngayon si Jim or James na ayon na rin dito ay palayaw nito. Ang dalawa lang ang kanina pa nag-uusap kahit na panaka-naka ay sumasabat siya. Kinakain ng matinding inis ang sistema niya sa kaalamang hindi niya solo ang atensiyon ngayon ni Gboi.

Pinagmasdan niya ang nagsasalitang si James. Gwapo rin ito at halatang maykaya sa buhay. Ito pala ang may-ari ng napakaganda at napakasosyal na resort na iyon na paborito niyang puntahan dati pa. Napakaganda doon at moderno ang halos lahat ng facilities. Mukhang pinagkagastusan talaga ng may-ari. At ito nga iyon ngayon sa harap niya.

"You can use one of the yachts here, Gboi. Promise pare, walang bayad yun. Treat ko na sa iyo since matagal din tayong hindi nagkita." nakangiting sabi ni James kay Gboi. Ipinatong pa nito ang kamay sa hita ng huli na bahagya na lang niyang sinulyapan.

Naramdaman niya ang uneasiness ng kasama. Ngali-ngaling singhalan niya ang nagpapapansing si James. Kanina pa niya napapansin ang mga pasimpleng hawak nito sa katawan ni Gboi ngunit hindi lang siya kumikibo. Duda pa nga niya ay gusto iyon ng huli.

Napansin din niya ang panakaw na sulyap ni Gboi sa kanya. Alanganin ang pagkakatingin nito. Mukhang may malalim na ugat ang matagal ng di pagkikita ng dalawang ito. Nararamdaman niya ang pagnanais na sigawan si James kung hindi lang ito technically ay nagiging isang mabuting host sa kanila.

Nagtanggal ng bara sa lalamunan si Gboi bago nagsalita. "Ahm.. That would be good James, pero siguro some other time. Marami pa kaming gagawin ni Pancho eh." at lumingon ito sa kanya. Nagpapasaklolong tingin ang natagpuan ng mata niya ng tingnan niya ito.

Tiningnan rin niya si James. nakangiti ito. Parang walang-alam sa nangyayari ngayon kay Gboi. "Come on man, It's just like the old times, right? You and me, in the see." patuloy pa nito at nagtaglay bigla ng dreamy look ang mukha. Hala! Mukhang nagreminisce bigla ang hudyo.

Ibinalik niya ang tingin kay Gboi. Nakatingin pa rin ito sa kanya at may isang alanganing ngiti sa labi. Gustong-gusto na niyang halikan iyon. Nagpipigil lang siya. "Sa susunod na lamang James. Marami pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Gboi eh." sabi ni Pancho sa nagdday dreaming pa yatang si James.

Nalukot ng bahagya ang mukha nito at may talim siyang nakita sa mata nito ng sumulyap ito sa kanya ngunit panandalian lamang iyon. Nagduda pa nga siya kung nakita niya talaga iyon. "Oh well, sorry to burst your bubble dreamy head. But I'm fucking this man!" mayabang na sabi ng isip niya.

Isang nakangiting James na ang nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon. "Oh, I see. Sige, some other time Gboi." may diin ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon.

"Sige." sabi nito sa kanya at bahagya lang tumango at tiningnan siya ng parang inuuri siya. He gave him a mocking goodbye smile. Tumayo na ito at umalis sa kanila pagkatapos magpaalam ulit kay Gboi.

"Whew!" si Gboi.

"He likes you."

"He does?"

"Don't play innocent with me sweetheart." he said in between gritting his teeth.

"What?"

"He's your ex right?"

"Y-you can tell?" nauutal na sabi nito.

Bingo!

Hinulaan lang iyon ni Pancho. Ang hirap dito kay Gboi, napakadaling hulihin nito. Napapailing na tiningnan niya ito. Umilap ang mga mata nito at nagbawi ng tingin sa kanya.

"Gotcha!" nakangising sabi niya rito.

Pasimpleng hinampas nito ang braso niya. Hinuli naman niya agad iyon at ibinaba sa ilalim ng mesa. Nagpipilit na naman itong bawiin iyon pero pinagsalikop niya ang mga kamay nila. Sa huli, napabugha na lamang ito ng hangin sa pagsuko.

"Tago naman tayo eh." bulong niya rito habang tinutukoy ang pwesto ng lamesa nila. Nasa buhanginan iyon at bahagyang tago sa karamihan dahil sa malalagong palmera trees na nakatanim sa paligid niyon.

Bumaling ito sa kanya at tiningnan siya. Minsan parang gusto niyang matunaw sa titig na iyon ni Gboi. Masyadong mabigat sa pakiramdam kapag tinitingnan siya ng ganon nito. Naalala niya ang plano niya. Unti-unti na iyong umuusad. Lihim siyang napangiti.

"Kaya ka ba tahimik kanina?" tanong nito.

"Anong problema kung tahimik ako?"

"Kaya ka ba tahimik kasi nagseselos ka?" puno ng pag-asam na tanong nito.

That question caught him off-guard. Bahagya siyang nalito kung hindi or OO ang isasagot niya. Napatagal yata ang pananahimik niya kaya nagsalita na itong muli.

"You don't have to answer." malungkot na wika nito.

"N-no, Gboi. I wan to answer it."

"It doesn't matter Pancho."

"It does."

"No, it doesn't." saad nito at umiling-iling pa.

"That look in your eyes said it all Pancho." bumuntong hininga pa ito. "I told myself I could wait, and that's what I'm gonna do. Nagseselos ka kanina di ba? Nahihiya ka lang sigurong aminin pero nakita ko iyon sa mata mo. So, idadagdag ko iyon sa listahan ng mga damdamin mo sa akin." hopeful na sabi nito.

Napamaang siya sa sinabi nito. Magsasalita sana siya para kontrahin iyon ngunit iba ang lumabas sa labi niya.

"Marahil nga ay tama ka. Yeah! Nagseselos nga siguro ako kasi naiinis ako sa kanya." nagpa-patianod na sabi niya. Hahayaan na lamang niyang iyon ang isipin nito. Na nagseselos siya. At least mas safe iyon.

Ngumiti ito. "I'm pretty sure sweet." sabay bitiw sa hugpong ng kamay nila at himas sa crotch area niya. Nasorpresa siya sa biglaang pagtugon ng katawan niya sa ginawa nito. Isang ngisi ang pinakawalan ng mga labi nito.

"Oh! You have a woody here." tukso nito.

"You're naughty sweetie. Okay let's do something about it." sabay yakag niya rito sa cottage nila. Later, ang mahihinang ungol nila ay sumasabay sa mabining hampas ng alaon sa dalampasigan.


NAPAKATAHIMIK ng lugar. Nagaanyaya ang hampas ng alon sa dagat. Tiningnan niya ang karagatan. Napakapayapa at ang kinang ng buwan sa tubig ay nagbigay dito ng anyong tila tinunaw na pilak. Malamig din ang samyo ng hanging-dagat. Pinuno niya ang dibdib niyon.

Sinulyapan ni Pancho ang natutulog na si Gboi sa kama. Nakapagkit ang ngiti sa labi nito habang nakapikit. Hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng katawan dito. Kagaya ngayon, nagnanais siyang muli itong saluhan sa kamang iyon at makIpagtalik dito. He can't get enough of Gboi. Nadebelop niya yata ang kaadikan sa pakikipag-niig dito.

Sumimsim siya ng alak na dinala nila sa kwarto. Compliments iyon ni James sa kanila. Personal nitong dinala iyon sa kanilang cottage at bahagya pang nakapaskil ang pagtataka ng makitang magkasama sila ni Gboi sa iisang kwarto na may issang kama. Nag-offer pa ito ng de-luxe na kwarto para sa kanila. Yun nga lang ay tag-isa sila na magalang naman at disimulado nilang tinanggihan.

Mahal na siya ni Gboi. Sigurado na siya sa puntong iyon. Maari na niyang isagawa ang susunod na hakbang. Ang ipaalam sa lahat ang sikreto nitong iyon. Kinuha niya ang cellphone sa pantalong nakasabit sa silya at dahan-dahang lumabas ng cottage.

Tatawagan niya si Britney para ipasabi nito sa pamilya ni Gboi na pumunta doon sa resort. Alam ni Britney ang plano niya bagaman tutol ang kalooban ay hindi na rin nakatanggi dahil sa laki ng utang na loob sa kanya. 

Habang hinihintay niya ang pagsagot nito sa kabilang linya ay narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Gboi. Mahina lang iyon, ngunit dahil sa katahimikan ng paligid ay narinig niya iyon. Dali-dali siyang pumunta sa bandang bintana. Capiz lang iyon kaya maririnig niya ang pag-uusap sa loob.

"W-what do you mean you know something?" si Gboi sa marahas pero mahina at kinakabahang tono.

"We're not doing anything, damn you!"

"Don't fuck with me all right? And don't call again, ever!"

Ipinasya niyang pumasok na sa cottage. Isang namumutlang Gboi ang napasukan niya. Nang makita siya nito ay bahagyang tumalim at naningkit ang mga mata nito.

"Sino pa ang pinagsabihan mong bading ako at naririto tayo?" nanggigigil na saad nito. Nagpipigil ng galit.

Napakunot ang noo niya sa narinig. "Wala akong pinagsasabihan na kahit na sino man." matigas niyang sabi.

"Huh! Don't you dare make a fool out of me Pancho! Don't you dare. May tumawag ngayon lang at sinasabing alam niya ang relasyon natin at kung nasaan tayo ngayon." he said hissing. Namumula na ito sa galit. Napatayo na rin ito at natambad sa kanya ang kahubdan nito.

"Seryosong akusasyon iyan Gboi. Wala kang patunay na ako nga ang nagkalat ng tunay mong pagkatao." mahinahon pa rin niyang sabi.

"Tell that to the marines you creep! I can't believe I trusted you so much that I even loved you! How dare you do this to me." galit na galit na sabi nito at sinugod siya upang undayan ng suntok. Baliwala ang kahubaran nito.

Iniwasan niya ang unday nito ngunit hindi pa rin ito tumigil. Sinugod siya ng sinugod nito that left him no choice but to immobilize him. Isinalya niya ito patalikod and grabbed his arms and gave him an arm bar that looked like a chicken wing. Napupuyos na nagpipiglas ito bagaman kontrolado ang boses.

"Let go of me you bastard. I'm sure as hell want to kill you." naririnig pa niya halos ang pag-iigtingan ng bagang nito.

Nalilito man sa nangyayari ay hindi niya maaaring ipagsawalang-bahala ang galit ni Gboi. Kailangan niya itong mapaliwanagan.

"Stay calm Gboi. I don't want to hurt you more. Would you hear me first?" sabi niya rito sa mismong tanga nito. He felt him shiver. Good!

"Hindi ko ipinagsasabi kung ano ka at kung nasaan tayo ngayon. Malamang isa iyang nanglolokong caller okay?"

"Huh! A prank caller who knows my name and who the hell I'm with as of this moment and knows about what I'm doing too. Some prank caller huh!"

"Okay. I don't know how he did know all that. But believe me. I'm not lying to you sweetheart. Alam mo kung paano kita kinulit about this rendezvous at kung paano akong nagtampo ng tanggihan mo ang pag-akbay ko, tapos ako pa ngayon ang magkakalat nito? Give me some credit sweetheart." he almost choked in his words. This is getting more and more complicated than he thought.

Gboi stopped struggling under his body. Although his rugged breathing is still obvious, he looked like he contemplated on what he said.

"Do you mean that?" He asked.

"Yes."

"Do you promise?"

"I promise." he raised his left hand.

"Wrong hand."

He chuckled then raised his right arm. He let go of Gboi and they faced each other on the bed.

"I will never do anything to hurt you sweetheart." oh he's getting cheesy by the minute. All because he didn't want to pull his cover yet. Not now. Not sooner. "I may not love you yet Gboi, but I won't do this to you sweetie." patuloy pa niya.

Gboi smiled at him. He took his hand to his nape and kissed him hard. After that, he smiled angain and said, "If you're lying to me, I'll kill you." then he laughed. "I told you I'm willing to wait. Hanggang kaya mo ng sabihing mahal mo rin ako." then kissed him again. "Kahit imposibleng masabi mo iyon sa akin." malungkot na dugtong ng isip niya. 


NAGKAKATUWAAN at naghahalikan na ulit sila ng tumunog ang cellphone ni Pancho. Kinuha nito iyon at sinagot. He looked at him dreamily as he answered his phone. Nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam niya. Natatawang tinampal niya ang pisngi. Nagiging korni na siya.

Nakakunot ang noo ni Pancho na humarap sa kanya with the cellphone on his ear. "Ano pang alam mo?" sabi pa nito sa kausap.

"Sino ka?" mapanganib na nitong tugon. Kinutuban na siya.

"Paano mo nalaman ang number ko at kung nasaan kami?" nakatingin lamang ito sa kanya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Mahabang patlang ang kasunod bago sumagot si Pancho ulit.

"Hindi ako interesado. Salamat na lang." tinapos na nito ang linya.

"Who is it?" tanong niya rito. Bumaba siya ng kama at isinuot ang boxers at kamiseta.

"Mukhang mayroong may galit sa iyo at handa kang pabagsakin." sabi nito.

Napalingon siyang bigla dito at natigil sa ere ang hawak na t-shirt. "A-anong ibig mong sabihin?" nalilito na siya.

"He said he knows about our little tryst and where we are right now. May nagmamanman daw sa atin mula pa kanina." kalmado lang nitong sabi.

Napamulagat siya sa narinig. Sino ang maaaring gumawa noon? Nagdududa siyang tumingin dito.

"Don't give me that look, sweetie. I don't know the man. Wala akong ideya paano niya itong nalaman." nagtatampong sabi nito.

Gustong maniwala ng puso niya. Ngunit ito lang ang tanging nakaka-alam ng pagkatao niya. Nauupos na naupo siya sa kama.

"Are you sure? Kasi kahit gusto kong maniwala ay wala akong mahanap na ibang mapagbabalingan ng duda kong ito." nanghihinang sabi niya kay Pancho.

He stood up. He went to his bag and held his combat swiss knife to his hand. He tip toed to level his face with him. Kinuha nito ang kamay niya at ipinahawak ang swiss knife bago idiniin ang buton para umalpas ang talim noon at saka itinutok sa dibdib nito. 

"This time I won't try to fight you. Hindi kita sisisihin. Kung sa tingin mo ay kagagawan ko ang lahat ng ito ay malaya kang saktan ako." nagsusumamo ang tingin nito sa kanya. hawak nito ang kamay niyang may hawak ng swiss knife.

"Maliit lang iyan, pero kung idederetso mo ang talim sa puso ko, tiyak mamamatay ako." gagad pa nito sa huling tinuran. Idiniin nito ang talim sa dibdib. May kaunti ng dugong umagos mula sa pagkakabaon niyon.

Binawi niya ang kamay at itinapon ang kutsilyo. Hinila niya ito at hinalikan. Namasa ang amta niya sa pinipigil na luha. Nananakit na din ang lalamunan niya. Naghiwalay ang mga labi nila. Inalayan niya ito ng ngiti. Saka siya nasalita.

"I told you. I'll kill you if you're lying to me. So that could wait." at nilangkapan niya iyon ng tawa. Kahit anong gawin niya, hindi niya talaga makuhang magalit dito. He love him more than anything else. More than his lovemakings. He love his whole being. All of him. Tumunog naman ulit ang cellphone niya.

"Answer it sweetie." Pancho said in between his kisses.

He looked at his cellphone and saw his stepmother's number registered.

"What is it Tita?" his voice full of boredom while Pancho eyeing him.

"W-what?!"

"S-saan niyo siya dinala? B-bakit? N-napaano siya?" natataranta niyang sagot sa sinabi ng nasa kabilang linya.

"S-sige papunta na ako. Andito ako sa Batangas. Sa isang kaibigan." at tinapos na niya ang tawag. Sinalubong siya ng nangungunot na noo ni Pancho.

"Ano iyon at bakit ka natataranta. For God's sake, nanlalamig ka!" inalog pa siya nito.

"S-si P-papa. Nasa ospital siya ngayon." naluluha na siya.

"Bakit daw?" nag-iba ang tono bigla ni Pancho. Biglang tumabi sa kanya.

"Natagpuan siyang n-nakahadusay sa ibaba ng hagdan." 

Biglang tumayo si Pancho palayo sa kanya at kinuha ang mga gamit. "What the hell are you sitting there for? Stand up. We're going to your father." at iyon ang nagpabalik sa huwisyo niyang nangatal sa masamang balitang iyon.


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...