Sunday, August 26, 2012

IDOL KO SI SIR 1 (BOOK 2)

By: Michael Juha
Eksaktong isang taon ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Sir James. Sa isang taon na malayo ako sa kanya, marami din ang nangyari. Tumulong ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin habang ipinagpatuloy naman ang pag-aaral ng MA in Business Administration tuwing Sabado. Tuwang-tuwa ang mommy dahil kahit wala pa akong karanasan sa pagdadala ng tao at pagpapatakbo ng negosyo, nakita nya ang kakaiba kong approach na naging dahilan upang tumaas ang morale ng mga empleyado. Ganado silang magtrabaho at masaya sila sa trabaho nila. Ipinadama ko sa kanila na kahit anak ako ng may-ari, pweding-pwedi nila akong lapitan upang mahingi-an ng advice o tulong. Kahit makikipag-biruan pa sila sa akin ok lang, sa tamang lugar at oras nga lang. Kahit anong liit na bagay na natatandaan ko tungkol sa mga buhay-buhay ng mga empleyado, ipinadama ko sa kanila iyon.

Malaking bagay iyon upang maramdaman nila ang pagpapahalaga. Gaya na lang nung malaman kong nakakuha ng honors ang anak ng isa sa mga janitors namin, pinatawag ko kaagad. “Kumust po Mang Domingo. Nabalitaan kong nakakuha ng honors ang panganay mong si Marlon! Congratulations po! Heto, may regalo ako para sa kanya, de-bateryang kotse. Sabihin mo po sa kanya na magsikap pa kamo para marating nya ang kung ano man ang gusto nyang maging paglaki.” At ang sarap ng pakiramdam nung makitang tinanggap ni Mang Domingo ang regalong para sa anak nya na mangiyak-ngiyak sa sobrang galak, hindi makapaniwalang naalaala ng amo nya ang isang maliit ngunit importanteng personal na bagay sa kanya.

Hindi lang yan, nag-initiate din ako ng mga activities na nakakapag enhance ng closeness at teamwork sa mga empleyado, kagaya ng mga tournaments at family activities. Pinasimulan ko din ang pagbuo ng kooperatiba na kung saan duon na sila bibili ng mga pangangailangan nila habang kumikita ang mga pinupuhunan. Upang pagbigay suporta, pati mga pangangailangan namin sa bahay ay doon na rin namin binibili. At ang isang malaking proposal ko pa na pinag-aralan ng maigi ng mommy ay ang pagbenta ng portion ng shares of stocks ng company sa mga empleyado mismo upang lalo nilang mahalin ang kumpanya dahil magiging part owner na rin sila nito.

Hindi naman ako nabigo sa mga pagsisikap ko dahil kitang-kita ang malaking improvement ng company sa isang taon kong pagtulong. Yan ang mga pinagkakaabalahan ko habang malayo kami ni Sir James sa isa’t-isa. Subsob ang katawan at utak sa trabaho at pag-aaral.

Ngunit kahit ganoon ako ka busy, walang ni isang sandali na hindi pumapasok sa isipan ko si Sir. Oras-oras, minu-minuto, nanjan sya palagi, isinisigaw ng puso. Ang totoo nga nyan, ang pagsisikap ko at ang mga approaches na ginagamit sa pakikitungo sa mga tauhan namin ay sya ring mga natututunan ko kay Sir James. Every time na nakikipag biruan at nakikipag bonding ako sa kanila, lalong naa-alala ko siya, sa pagiging malapit din ng puso sa mga tao.

At dumating na nga ang takdang araw ng pagbabalik ko sa pinakaimportanteng lugar sa tanang buhay ko. Ang lugar na kung saan nabago ang pananaw ko at prinsipyo, kung saan nabuksan ang pananaw ko sa tunay na kahulugan ng buhay. At sa lugar na iyon kami magtatagpo uli ni Sir James; ang taong siyang naging dahilan ng aking pagbabago, ang taong naging inspirasyon, iniidolo, at minahal.

Halos hindi ko na mahintay pa ang oras na masilayan syang muli. Handa na ang lahat ng mga pasalubong kina Tatay Nando at buong pamilya: sapatos, damit, de latang pagkain. Pati syempre ang pasalubong para kay Sir James – relong mamahalin, at white gold na bracelet, kaparehas ng bracelet na suot-suot ko. Hindi ako magkamayaw sa sobrang excitement. Alam ni Sir James na sa eksaktong buwan at petsa ng pag-alis ko ako babalik. Hindi mailarawan ang sobrang sayang nararamdaman.

Naalala ko pa ang huli naming sandali bago kami maghiwalay. Mag-uumaga na iyon, araw ng pag-alis ko. Nakahiga kami sa papag ng kwarto nya, banig lang ang nagsilbing sapin, parehong hubo’t-hubad. Haplos-haplos ng isang kamay nya ang kanan kong pisngi, sa kaliwang pisngi ko naman ay idinidiin-diin nya ang kanyang mga labi, tila naglalaro, habang ang isang paa ay nakapatong sa aking harapan.

“Ang pagmamahal ay hindi dapat sa puso lang pinaiiral. Dapat ang isipan din. Hindi sapat na nagmahal ka ngayon at wala ka ng pakialam sa kung ano man ang maaaring mangyari bukas. Dapat mayron kang direksyon...”

Sinagot ko sya ng isang tanong, pabulong at may bahid na pag-alala. “Mamahalin mo pa rin ba kaya ako pagkatapos ng isang taon na magkalayo tayo, na walang kumunikasyon at ugnayan?”

“Pangako yan, Carl, pangako. Ikaw pa rin ang mamahalin” ang seryoso at pabulong din nyang sagot.

“Paano kung may nagbago na?”

“Hindi mangyayari yan.”

“Promise?”

“Promise!”

“Paano kung may biglang mangyari? Kung halimbawang may isang taong bigla na lang susulpot at aagawin ka nya sa akin?”

“Paano aagawin ng taong iyon ang isang pusong nakatali na?”

“Paanu ko malalaman kung sa puso ko nga nakatali ang puso mo?”

Kinuha nya ang isa kong kamay at inilapat iyon sa dibdib nya. “Dama mo ba ang tibok ng puso ko?”

Pinakiramdaman ng palad ko ang pumipintig-pintig sa dibdib nya. “Oo”

“Patuloy na titibok ang puso ko para sa iyo...” Idinampi din nya ang palad nya sa dibdib ko, pinakiramdaman iyon. “Ito ba... ako ang tinitibok nyan? ang tanong nya.

“Oo James, ikaw at ikaw lang ang itinitibok nyan.”

“Paano ako nakakasiguro?”

“Habang may buhay pa ako, ikaw lang ang mamahalin ko. Ako... paano ako nakakasigurong ako nga ang tinitibok nyan?” ang pagbalik ko naman sa tanong nya.

Nag-isip sya sandali. “Hindi ko alam kung paano i-prove Carl. Mahirap. Love should be enduring, never-ending. Basta ang masasabi ko lang na habang tumitibok pa ang puso ko, isipin mo palagi, para sa iyo ito. Kung nakakapagsalita lang ito, pangalan mo ang sinasambit. Sandali...” At animo’y may pumasok na ideya sa utak at nagmamadaling tumakbo papuntang kusina. Nung bumalik ay dala-dala ang isang maliit ngunit matalas na kutsilo.

“James, anong gagawin mo?” ang nasambit kong akmang tatayo na sana dala ng takot at kaba sa nakita, inisip na baka gusto nyang magpakamatay kaming dalawa para di na maghiwalay pa.

“This should prove how much I care for you Carl” at biglang ikinudlit ang dulo ng kutsilyo sa upper part ng chest nya na humiwa ng may 1.5 inch at sabay na dumagan sa akin, itinukod ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng katawan ko habang gulantang naman ako habang nakatihaya.

Natulala ako sa bilis ng pangyayari at ang tanging nagawa ko na lang ay ang yapusin ang katawan nya habang tumutulo sa dibdib ko ang dugong galing sa sugat nya. “Ano ba yang ginawa mo James... Tangina, tinakot mo naman ako e.”

Hindi sya umimik, kitang-kita ko sa mukha nya ang kirot na nararamdamang dulot ng sugat.

Ilang sandali at ipinatong na nya ang katawan sa nakatihayang katawan ko at nagyakapan kami, mahigpit. Huminto na rin ang pagdugo ng sugat nya gawa ng paglapat ng mga katawan namin. Maya-maya, hinagod ng isang hintuturong daliri nya ang basa pang dugo sa dibdib ko, ipinahid iyon sa bibig ko at idinampi ang bibig nya doon. Naghalikan kami, lasap naming pareho ang naghalong laway at dugo.

Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Sir James ang ganung klaseng may pagka brutal na ritual. Ngunit natutuwa na rin ako sa ipinamalas nyang pruweba ng pagmamahal. Habang nagdidikit ang mga labi namin, palihim ko namang kinapa ang kutsilyo at nung makapa ko na, bigla ko siyang itinulak patihaya at ako naman ang nag hiwa ng balat ko sa dibdib, kagaya ng ginawa nya.

Sa pagkakataong iyon, nilasap namin ang magkahalong hapdi at sarap ng nag-aalab naming pag-ibig.

Nung mahimasmasan na, “Sa muling pagkikita natin, paano ko kaagad masisigurong wala pa ring nagbabago sa iyo?” tanong ko sa kanya, pag-alalang baka may magbabago sa naramdaman nya sa muli naming pagkikita.

“Anong gusto mong palatandaang ibigay ko?”

“Ikaw...?”

Hindi sya nakasagot agad. “Ok, pagkakita na pagkakita ko kaagad sa iyo sa sunod mong bagbalik, huhubarin ko ang pang-itaas kong damit, ipakita sa iyo ang marka ng sugat na ala-ala natin sa tagpong ito.”

“Talaga?” Natawa ako sa sinabi nyang iyon. Akala ko nagbibiro lang. Ang alam ko kasi, hindi sya basta-basta naghuhubad ng pang-itaas na damit para ipakita sa ibang tao ang katawan, sa kabila ng napakagandang hugis ng chest at abs niya. Kahit nga sa paglalaro ng basketball, hindi nagpapalit yan ng damit sa gitna ng maraming tao, pupunta talaga yan sa bathroom o sa locker room. Naalala ko ang unang pagpapakita ng upper body nya sa akin, magkaaway pa kami noon, nagawa lang nya iyon dahil nilasing ko.

“Oo, walang biro!” paniniguro nya.

“Kahit na sakaling magkita tayo sa gitna ng maraming tao?”

Napahinto sya ulit ng sandali. “Oo, gagawin ko iyan. Kahit sa maraming tao.”

Masukal pa rin ang daan, mahirap tahakin. Habang binabaybay ko at ng kasama kong driver ang daanang iyon papunta kina Tatay Nando, hindi mapakali ang isipan at tila nakakabingi ang kabog ng puso. “Ano na kaya ang hitsura nya ngayon? Ganun pa rin kaya ang buhok nya, ang pananamit? Wala kayang nagbago sa pagmamahal nya sa akin?” yan ang mga tanong na sumiksik sa isipan habang hinihimas ko ang peklat na naging marka sa pagkukudlit namin ng aming mga balat sa dibdib.

Nakarating kami sa mismong bahay ulit nina Tatay Nando. Halos wala ding pagbabago ang lugar, ang tanawin, ang paligid. Nandoon pa rin ang mga matatayog na puno ng nyog, ang mga gulayan sa gilid ng bahay. “Hey Carl! Kumusta kana? Mabuti’t nakabalik ka rin dito, na-miss ka na namin!” ang sigaw ni Tatay Nando, nakangiti habang patakbong sumalubong sa akin, sa likuran nya si Nanay Narsing sina Anton, Dodong, Clara, at Letecia.

“Mabuti naman po, Tay! Namimiss ko na rin po kayo!” ang pasigaw ko ring sagot. Isa-isa ko silang niyakap at tinulungan na rin nila ako at ang driver ko sa pag-buhat sa mga dala-dalang pasalubong at gamit.

Tuwang-tuwa silang lahat nung makita ako muli. Syempre, masaya din ako.

Dumeretso kami sa bahay. Kumain at ng matapos, nagpaalam na ang driver ko na bumalik.
“Bumisita pala dito ang mommy mo, Carl dalawang beses na, nung isang buwan ang huli nyang bisita at hiyang-hiya kami dahil maraming dalang pinamimigay na mga pagkain, damit, at gamit sa pag-aaral ng mga bata sa baranggay. Tiningnan din nya ang project nila ni James na building para sa mga mag-aaral. Tuwang-tuwa syang makilala si James, ang saya-saya nga nilang mag-usap e. Kala ko pormal at seryosong tao ang mommy mo. Aba’y may pagka-cowboy din pala, nakihalu-bilo sa amin, sa pagkain namin. Masaya din sya nung makitang tapos na ang dalawang classrooms para sa Grade 1 and 2, at ang pasimulang construction sa additional 3 classrooms pa na donated naman ng mga panibagong donors. Tinanong nga namin kong ba’t di ka nakasama sa kanya, e. Busy ka nga daw sa negosyo nyo at sa pag-aaral.”

“Yun nga po e... E, mabuti naman at nakita nya na po kayo at si James. Ganyan po talaga ang mommy ko, sobrang mabait at sobrang napakalaki ng puso. Napakaswerte ko nga na may mom akong katulad nya. Ako nga lang itong naging pasaway sa kanya e, hehehe. Pero dati pa ho iyon.” ang sabay bawi ko. Tawanan silang lahat.

Napakasarap ng pakiramdam sa masayang pagsalubong nila sa akin. Ngunit sa sentro ng utak ko, ang hinahanap-hanap ay si Sir. Inikot ng mga mata ko ang paligid. Wala.

Ramdam ko ang unti-unting namuong pag-aalala. Hanggang sa hindi na ako maka-tiis. “Tay, nasaan ho ba si Sir James?”

“Ah… nasa eskwelahan niya. May tutorial class sya sa mga bata at mga dalawang oras pa bago yun makabalik dito.”

Naramdaman ko na lang ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib sa narinig. “Pwedi ko ba syang puntahan na lang doon?”

“Aba, oo naman. Para mo rin makita ang building na ipinatayo ng mommy mo at ang mga bagong pinasimulang constructions. Mga 5 minutes mo lang lalakarin. Ano, gusto mong samahan na kita?”

“A, e, wag na po. Ako na lang. Sosorpersahin ko na rin si Sir James.”

Halos eksaktong 5 minutes, at narating ko din ang lugar. Mejo may kalakihan ang campus, at patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng kino-construct na bagong buildings para sa additional classrooms. Dineretso ko ang isang fully-furnished nang classroom na kung saan may narinig akong mga batang mukhang nagbabasa ng sabay. Binuksan ko ng bahagya ang pinto at nakita ang may halos 30 ka mga batang lalaki at babaeng ang edad ay nasa 8 – 9, nag-ooral reading exercises. Nung mapansin nila akong sumilip ay nahinto ang iba at ibinaling ang mga mata sa akin.

Napansin siguro ng teacher na na-distract ang mga bata at nakita ako. “Say good afternoon to our visitor, Mr. Carl Miller!” ang narining kong boses sa may harapan ng klase.

“Si James!” sabi ng utak ko. Di agad ako magkamayaw sa nararamdaman.

Tumayo ang mga bata, nakatingin lahat sa akin. “Good afternoon Mr. Carl Miller” ang sabayang pag-greet nila. Nakatayo lang ako sa labas ng kwarto nila, hawak-hawak pa ang bahagyang nakabukas na pintuan.

“Good afternoon too!” ang sagot ko naman at umaksyon na akong paupuin sila.

“You can come inside and observe, Mr. Miller, if you want!” ang sabi nung boses ng guro nila sa may harapan.

Nag-aatubili, ngunit pumasok na rin ako, umupo sa isang bakanting pambatang armchair sa pinaka-dulo ng classroom. Napangiti ako nung makita sa harap ng klase mismo si Sir James, rugged na rugged ang dating sa body-fit t-shirt at faded maong na suot. Nginitian nya ako, kinindatan. Tila lumulundag-lundag ang puso ko sa sobrang tuwa sa di mailarawang saya. “Ganun pa rin sya, nandun pa rin ang nakakaenganyong ngiti, ang style ng buhok, ang mga matang tila nakikipag-usap, ang makapal na kilay. Shiittttttt, hanep na hanep!” ang sambit ng puso ko.

“Class, Mr. Miller is the son of Mrs. Daisy Miller, the donor of this school and who gave you books and writing materials. Say ‘Thank You’ to Mr. Carl Miller.”

“Thank you, Mr. Carl Miller!” sabayang bigkas nila uli.

Napangiti na lang ako sa pagpapakilala sa akin ni James. Alam ko, ang ibang mga bata ay kilala na ako. Ngunit may iba ring sobrang curious na baling ng baling ng mga ulo nila sa akin. “Marahil ay naninibago ang mga ito sa bisita nilang matangkad, mestiso, at sobrang guwapo, hehehe” biro ko sa sarili.

Pinagmasdan ko lang ang mga kilos at galaw ni Sir James habang pansin ko naman ang pagpapa-impress nya sa akin. Kinikilig ako sa ayos na iyon. At kahit hindi kami nag-usap, para bang may koneksyon ang bawat galaw namin at ang isa’t-isa sa amin.

Nasa ganung ayos ako, nakatingin sa kanya nung hinahaplos-haplos ko ang dibdib upang ipadama sa kanya na walang nagbago sa akin. Hindi ko lang alam kung ano ang pag-interpret nya sa ginawa ko ngunit nabigla na lang ako nung tumayo sya sa harap ng klase at hinubad ang t-shirt. Naguluhan at gulat na gulat ang mga bata sa nakita sa Sir nila.

“Sir, ba’t nyo po hinubad ang t-shirt nyo?” tanong ng isang estudyante.

“If some of you will keep on looking at our visitor, I will not put on my shirt back. All of you should focus your attention to me, to me only, and I mean all of you, is that understood?”

“Yes, Sir!” ang sabay na sambit ng mga estudyante kahit naguguluhan sa ginawa ng guro.

“And do you want me to put on my shirt back?”

“Yes Sir!”

“OK, after 5 minutes and no one will turn his head towards our visitor, I will do that.”

“Yes, Sir!”

Parang malaglag ako sa upuan sa pigil na pagtawa sa ginawa ni Sir James na iyon. Ang totoo, hindi ko na ini-expect na hubarin pa nya ang t-shirt, batay sa pangako nya na hubarin nya iyon upang ipakita sa akin na walang nagbago sa kanya, sa ganung awkward na sitwasyon ba naman, sa harap pa ng klase. Feeling ko pulang-pula ang pisngi ko sa halos di mapigil na pagtawa habang ramdam ko ang pigil ding pagtawa ni Sir james sa ginawa. Kung nagkataong college ang hinawakan nyang mga estudyante, baka nag-wild na ang mga iyon, nagsisipulan na at nagpalakpakan sa tuwa.

Wala na akong magawa kungdi ang pagmasdan ang hubad nyang dibdib. Sa nasaksihan ko, may kakaibang init na gumapang sa katawan. Pagnanasa na mayakap sya, mahalikan. Ramdam ko ang sobrang pagka-miss sa kanya. Di maiwaksi ang paghanga sa nakitang matipuno at napakagandang hugis ng umbok ng dibdib at ang walang kataba-tabang 6-pack abs. “Shitttt! Ang ganda talaga ng katawan ng idol ko!”

Ngunit ang higit na nagpapalambot ng puso ko ay ang parte ng dibdib nya kung saan nandun ang peklat sanhi ng pagkudlit sa balat nya pagpapatunay na mahal nya ako. Napabuntong-hininga ako, biglang naging seryoso, at tila maiiyak na sa sobrang walang pagsidlang galak na nadama...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...