by: Mikejuha
Mistulang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ang buong larawan na naglalaro sa isip ko ay kalagayan ko kung wala na siya, ang mga pagbabago, ang mga nakasanayan ko sa kanya siguradong hahanap-hanapin ko, ang mga kulitan namin, mga harutan, ang pag-aalaga niya sa akin, ang mga magagandang experience na naranasan ko sa kanya… Parang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.
“P-aano na lang ang pag-aaral mo…?” ang nasambit ko na lang.
“Ano pa ba ang silbi ng pag-aaral ko kung ang kapiranggot na pera na gagastusin ko sa mga pangangailangan dito ay mas kakailanganin para sa mga gamot ng nanay?”
Natahimik ako sa sagot niya. “Pero bakit kailangang iwan mo ang nanay mo?” tanong ko uli. Gusto ko sanang idagdag pa ang tanong, “Ako… paano na lang kung wala ka? Hahayaan mo na lang ba akong mag-isa?” Ngunit wala akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya. Tiniis ko na lang na itago ito sa aking isipan.
“Wala akong choice… Kung nandito naman ako ngunit walang maitutulong sa kalagayan namin, wala din. Mas mabuti nang nandoon ako, at least, makakatulong ako sa kahirapan namin.”
Tahimik.
Nagpatuloy siya. “Hindi ko alam kung may nagmamahal ba talaga sa akin e. Sa panahon ng pangangailangan ko, wala akong masasandalan, wala akong malalapitan, walang kadamay. Pati ang girlfriend ko, hindi ako maintindihan. Kesyo daw kailangan ko pa ring bigyan siya ng atensyon, tinitext, tinatawagan, tangina niya. Mas iniisip pa niya ang kalandian niya kesa kalagayan ng boyfriend niya.” Lumingon siya sa akin. “Ikaw na lang sana ang pag-asa ko. Ngunit wala ka rin. Hindi kita mahagilap…”
Napayuko ako sa sinabi niya. Inalipin ng hiya ang kalamnan ko at hindi magawang tingnan siya. At namalayan ko na lang ang sariling humagulgol nang humagulgol sa naghalong sama ng loob, awa sa sarili, at matinding pagsisisi, hinayaang dumaloy ang lahat nang sama ng loob na kanina pa ay nag-uumapaw na sumabog. Hindi na rin ako nakapagsalita. Pinaubaya ko na lang sa kanya ang magsalita nang magsalita. Iyon bang feeling na hopeless kang bigyang explanations ang lahat dahil wala kang mgagawa at alam mong nasaktan mo ang damdamin ng isang tao at ang lahat ng kamalian ay nasa iyo, kaya hahayaan mo na lang maipalabas niya ang lahat ng saloobin at lulunukin na lang ang lahat ng sasabihin niya.
“Sabagay, ganyan lang naman talaga eh… ako palagi ang nagpapakumbaba, umiintindi sa iyo, nagpaparaya. Yan naman palagi ang role ko, diba? Ni hindi ko nga nakitang naapreciate mo ang mga ginagawa ko. Parang wala lang ang lahat. Spoiled ka na nga sa mga magulang mo, spoiled ka pa sa akin… Hindi mo lang alam, nasasaktan din ako.”
Nanatili pa rin akong nakayuko.
“Tapos heto, nalalaman ko na lang na kayo na pala ni Paul Jake…” dugtong niya.
At sa sinabi niyang iyon, doon na tila may kumalampag sa tenga ko. Bigla kong itinaas ang ulo at tiningnan siya. “Wala kaming relasyon ni Kuya Paul Jake!” ang sambit kong mataas ang boses.
“Wala hah… Ipaliwanag mo nga kung bakit magkayakap kayo, nagsubuan pa ng pagkain at halos mag lips to lips na lang sa harap ni Shane?”
Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko sa narinig, hindi malaman kung sasabihing palabas lang namin iyon dahil sa sobrang sama ng loob at paseselos ko noong malamang may relasyon sila ni Shane. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko “E… Hindi nga kami kuya, maniwala ka.” Ang sabi ko na lang, ang boses ay mustulang nagmamakaawa.
“Bakit mo ba itinatanggi? Hindi naman ako magagalit e. Di ba sabi mo pa nga na mabait iyong tao, matino at nakakaintindi sa iyo? Happy nga ako para sa inyo eh.” ang sabi niya. Ewan kung sarcasm iyon o talagang tunay na masaya siya.
“Hindi nga kami kuya, maniwala ka…”
“Hindi ako naniniwala. Hanggang may maganda at convincing kang paliwanag kung bakit kayo nagyakapan ni Paul Jake, saka pa lang ako maniniwala na hindi nga kayo. At… oo nga pala, nasaan na iyong singsing ko?” ang biglang pag-iba niya sa topic.
Nabigla ako sa narinig. “Ha? E… itinago ko Kuya”
“Hindi kaya hindi mo isinuot iyon dahil mumurahin lang iyon sa tingin mo, o kaya ay dahil kay Paul Jake?”
“Bakit ka ba ganyan mag-isip?!” ang bulyaw ko hindi alam kung paano i-explain na tinanggal ko iyon sa daliri ko dahil sa selos; dahil noong tsinitsismis na nagsama na sila ng girlfriend niya at tinanong ko siya tungkol dito, ang ibinalik na sagot niya lang sa akin ay “lalaki siya…” Sobra akong nasaktan kaya pinaalis ko siya sa kwarto ko at napagpasyahang tanggalin na lang ang singsing sa daliri.
“Bakit hindi ka makapagpaliwanag ng maayos?” tanong uli niya.
“Nagseselos ako! Nagseselos ako!” sigaw ng isip ko ngunit hindi ko magawang maipalabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. “Iniingatan ko iyon, kuya...” ang nasabi ko lang.
“Ok… sana nga. Dahil kapag nawala iyon, makatikim ka sa akin” ang pagbabanta niya.
Tahimik.
“M-mahal mo ba ako, tol?”
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa di inaasahang tanong na iyon, nakatingin sa kanya, nalilito kug aaminin ba o hindi.
“Hoy! Tinatanong kita!” bulyaw niya noong nakitang nakatunganga na lang ako.
“A… O-opo kuya. M-mahal kita...” ang nasambit ko
“Bilang kuya ba o higit pa…” ang casual niyang pagfollow up.
Ramdam ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. “K-kuya?” tanong ko, kunyaring hindi ko siya narinig.
“ang tanong ko… “ pag-ulit niya, “Mahal mo ba ako bilang kuya o higit pa…”
“E…” ang katagang lumabas sa bibig ko, ang mga mata ay nakatutok sa kanya, mistulang nagmamakaawang huwag nang igiit iyon.
“Iyan ang hirap sa iyo e. Ginawa mong kumplikado ang isang bagay.” Ang naisagot lang niya.
Ewan, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon. Hindi na lang ako kumibo. Ano pa nga ba ang isasagot ko. Tila hinuhusgahan na niya ang saloobin ko.
“Paano iyan, pupunta na ako ng Canada, baka in three to four months daw sabi ni Shane.”
Hindi pa rin ako nakakibo. Ngunit sa kaloob-looban ko, naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.
“Wala ka bang balak na pigilan ako?”
“Gusto…” ang maiksi kong sagot.
“Bakit?”
“Mam-miss kita…”
“Ano ba ang ma-miss mo sa akin?”
At iyon na… hindi ko na napigilan ang mga luhang muling pumatak sa mga mata ko. “Iyong paghahatid mo sa akin sa bahay kapag galing school tayo. Iyong doon ka matutulog at tabi tayo sa kama. Iyong samahan natin sa team at kapag umaalis tayo. Iyong practice natin sa team. Iyong magkakantahan tayo sa kwarto ko at lalo na kapag kakantahin natin ang paborito nating kanta na “Back To Me”. Iyong gimikan natin. Iyong pagluluto mo sa bahay ng paborito kong mga pagkain, ang pag-aalaga mo sa akin…” at humagulgol na naman ako.
“Hug ka na nga lang sa akin?” sambit niya.
Tumayo ako sa kinauupuan at sumampa sa kama niya at niyakap ko ang parteng dibdib niya.
“Arrggghh!” ang mahina naman niyang inda sa sakit marahil na nagalaw ng kaunti ang operasyon niya.
Sa pagykap kong iyon sa kanya, lalo akong humagulgol.
Tinapik-tapik naman ng isang kamay niya ang likod ko. “Mami-miss din kita Tol... Ma-miss ko ang kakulitan mo, ang pagkamataray mo, ang harutan natin, ang pag-aalaga mo rin sa akin. At lalo na ito, ma miss ko - ” sabay hablot naman ng isa niyang kamay sa buhok ko at idiniin ang ulo ko upang magtapat ang mga bibig namin.
“Kuy-!” ang nasambit ko sa pagkagulat. At hindi ko na naitoloy pa ang sasabihin gawa ng paglapat ng mga labi namin. Naghalikan kaming parang hindi siya kaoopera pa lamang.
Ako na rin ang kumalas sa halikan namin at agad na bumalik sa upuan, nagkunyaring wala lang nangyari. “M-mahal mo ba si Shane?” ang naitanong ko.
Hindi siya nakasagot agad. Binitiwan lang niya ang isang malalim na titig.
Nasa ganoon akong paghintay sa isasagot niya noong bigla namang bumukas ang pinto.
Ang mama ko. Hindi nakasama ang papa dahil daw sa appointment sa mga kliyente. Palihim kong pinahid ng luha ang mga mata ko at ang basa ko pang pisngi. Naupo naman si mama sa isang bakanteng upuan sa gilid ng kama ni kuya Rom.
“Kumusta hijo!” Bati ng mama ko kay kuya Rom. Nakamasid lang ako at nakikinig sa kanilang pag-uusap.
“OK naman po Tita… Salamat po sa pagbisita.”
“Bakit pa ba humantong sa ganito Romwel? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin ng problema mo?” ang tila paninisi ng mama ko kay Kuya Rom.
“Ok lang po, Tita. Nahihiya kasi ako sa inyo.”
“Ang batang ito, oo. Panganay na anak na ang turing namin sa iyo. Mahal mo si Jason, mahal ka rin namin. Lahat ay pwede mong sabihin sa amin at kahit na ano ang problema mo, tutulong kami sa iyo.”
Tila may tumusok naman sa puso ko sa narinig at halos mapaiyak muli dahil sa panghihinayang. Kahit na alam kong ang ibig sabihin niyang pagmamahal ni Kuya Rom sa akin ay bilang kapatid, natuwa pa rin ako na napansin niya ito at kinonsente pa sa kabila nang minsan ay mas mahigpit pa si Kuya Rom sa akin kesa sa kanila.
“P-asensya no po talaga Tita…”
“Ano na ngayon ang plano mo?” tanong ng mama ko sa kanya.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong, tumingin siya sa akin na parang ang ipahiwatig ay gusto niyang ang mama ko lang ang makarinig.
Napansin iyon ng mama ko. “Jason, labas ka muna ha? May pag-uusapan lang kami ng Kuya Romwel mo.”
Bigla naman akong nagtaka kung bakit i-sikreto pa nila ang pag-uusapan. Tuloy hindi ko maiwasang hindi magselos. Kasi ba naman ako ang tunay na anak tapos sila ang mas close. Ngunit wala akong magawa kungdi ang lumabas. Noong nasa labas na ako, nandoon pa pala si Shane sa may hallway, naghihintay at noong makita ako, agad akong nilapitan.
Inirapan ko lang siya. “Hmpt!” sabi ko.
Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. Tuloy pa rin ito. “So… what’s up?” sambit niya.
“What’s up your face!” sagot ko.
“Come on Jason, don’t be such a child. Gusto kong maging kaibigan mo rin.”
“Pwes, ayoko no!”
“Sige ka, hindi ko ibabalik sa iyo ang Kuya Romwel mo…”
“Aba! Blackmail din ang hirit nitong kumag na to!” sa isip ko lang. “At bakit? Kung kakaibiganin ba kita ay hindi mo na siya isasama sa Canada?”
“Hahaha! Now you’re talking. Pag-isipan ko pa…” sagot niya.
“Pwes dalian mo ang pag-iisip at magdesisyon ka na kaagad na huwag mo siyang isama! Dahil kung isasama mo talaga siya, susunugin ko ang bahay mo para hindi kayo matuloy. Saan ka nga ba nakatira?” birit ko.
“Hahaha! Kakatuwa ka talaga. OK… magdesisyon na ako ngayon na. Ngunit sa isang kondisyon: sagutin mo ang isang tanong ko.”
“Bagal naman. Dali…”
“Mahal mo ba si Romwel?”
Bigla naman akong natameme, parang may humambalos na frying pan sa ulo ko at may sound effect pang “Toinks!”. “Bakit napunta d’yan ang usapan? At anong paki mo?!” ang mataray kong sagot.
“Woi… mahal niya, you can’t deny it!”
“Hoy! Mahal ko nga si Kuya Romwel dahil kuya ko siya. At anong pakialam mo doon? It’s none of your business!”
“Halika nga, mag-usap tayo ng masinsinan” ang sabi niya sabay hablot sa kamay ko at hila sa akin.
“Ano ba? Saan ba tayo pupunta?” sigaw ko.
“Doon lang tayo sa canteen, may pag-uusapan tayo…”
Upang mapadali ang kung ano man ang gusto niyang pag-usapan namin, sumunod na rin ako.
Noong nandoon na kami. “Ok… gusto ko lang malaman kung mahal mo nga ba si Romwel, iyon lang.”
“Aba’t ang haliparot na to! Maghahanap pa yata ng gulo!” sa isip ko lang. “At bakit mo ba iginigiit ang tanong na iyan? Sabi mo boyfriend mo na si Kuya Rom, at pupunta na kayo ng Canada. Ano pa ba ang gusto mo?”
“Syempre, pag mahal mo kasi ang isang tao, gusto mong malaman lahat ang tungkol sa kanya, di ba? Kasi plano naming magpakasal sa Canada e…” ang mistulang may pang-iinggit pa niyang pagkasabi.
Natulala naman ako sa narinig. Para kasing hindi pa siya masyadong common sa aking pandinig. “Ano kamo? Did I hear it correctly? Magpakasal? As in magmamartsa kayo sa center isle ng simbahan at may mga flower girls, best men, brides maid, ring bearers, exchange of vows, etc, etc?”
“Yup! Sa Canada, pwede iyon.”
“Aba! Ang taray!” sigaw ng isip ko. “Ah… OK!” ang sagot ko na lanag. At dahil sa na preskohan ako sa approach niya, bigla ding pumasok sa isip ko ang asarin siya. Malay ko, baka aawayin niya si Kuya Romwel at hindi na sila matuloy na mag-Canada pa. Kaya may naisip akong isagot na pangontra sa tanong niya.
“So…? Mahal mo si Romwel?”
“Actually, nagmamahalan nga kami ni Kuya Romwel. Binigyan nga niya ako ng singsing eh. Hindi ko lang naisuot siya ngayon. Marahil ay kung pwede lang kaming magpakasal dito, nagpakasal na kami. Sa katunayan nga niyan, palagi siyang doon natutulog sa bahay namin, sa kwarto ko, at magkatabi kami… Sweet no? Kaya sa tanong mo kung mahal ko si Kuya Romwel? Oo naman! Super! Mahal na mahal ko siya! At mahal na mahal din niya ako1 At hindi ako papayag na basta-basta mo na lang siyang aagawin sa akin! Haliparot!” ang mataray kong sabi.
“Ah… good!” tumango-tango siya. “Tama nga ang hinala… Thank you, Jason” Iyon lang. Tumayo siya, kinamayan ako at umalis na.
“Aba! Ang taray niya rin ha? Tiyak, may world war 3 iyon. Sana di na niya isasama si Kuya Rom sa Canada! Nyahaha!” sigaw ko sa sarili. At syempre, ini-expect ko na rin na pagagalitan ako ni Kuya Rom kapag nalamang may sinasabi akong ganoon kay Shane. “Ok lang iyon dahil kahit ipa-reimburse pa ni Shane ang lahat ng nagastos niya kay Kuya Rom, sasagutin naman iyon ng mga magulang ko.” Sa sarili ko lang.
Bumalik agad ako sa bungad ng kwarto ni Kuya Rom. Eksakto namang paglabas ng mama ko galing sa loob.
“Ma! Anong pinag-usapan ninyo ni Kuya Rom?” tanong ko kaagad.
“Ah… ang nanay ni Kuya Romwel mo, sa atin na siya titira kapag maayos na ang operasyon at makalabas na ng ospital”
“Ay ganoo! Maganda iyan ma, para maalagaan natin siya.” Ang masaya kong tugon. “Atsaka ma… si Kuya Romwel, i-adopt na rin natin para sama-sama na tayo, hindi na siya aalis pa papuntang Canada!” dugtong ko.
Natawa naman si mama. “Kausapin mo ang kuya Romwel mo! Ok lang sa akin” At nagmamadaling umalis at may meeting pa raw siya.
Pumasok agad ako sa kwarto ni Kuya Romwel. “Kuya… totoo bang sa amin na titira ang mama mo paglabas niya galing ospital?”
Tumango si Kuya, nakangiti at mistulang masayang-masaya. Dahil sa tuwa, agad akong sumampa sa kama niya, niyakap-yakap at hinahalik-halikan ang mukha at labi niya.
Nasa ganoon kaming paglalambingan noong biglang bumukas ang pinto.
Si Shane. At kitang-kita niya ang ginagawa naming lambingan!
“Ba’t ka basta-bast na lang pumasok nang hindi man lang kumakatok?!” Bulyaw ko kaagad sa kanya, inunahan ko na baka sakaling madala ko sa takot.
Ngunit kalmante lang si Shane. Marahil ay kinimkim lang ang galit niya o sadyang ganyan lang talaga ang mga puti, hindi gaanong seloso. “A… magkuya nga talaga kayo no?” Sagot niya, walang bakat nag alit sa mukha niya. Noong nasa gilid na siya ng kama ni Kuya Rom, pahapyaw niya akong itinulak at hinarangan na akong makalapit pa kay Kuya Rom.
Naupo na lang ako sa gilid, ang mukha ay di maipinta sa sobrang pagka-inis habang pinagmasdan ang sunod niyang gagawin.
“Musta na ang honey ko…?” sabay sampa sa kama at yakap kay Kuya Rom at “Muuuaaaaahhhhhh!” ang paghalik niya sa lips. Pagkatapus, niyayakap-yakap niya ito at hinahaplos-haplos ang mukha ni Kuya Rom, ipinamukha sa akin ang pagka-sweet nila. “Musta na ang pakiramdam mo sweetheart? Masakit pa ba ang hiwa ng sugat…?”
“Ewwwwwww! Kadiri!” sigaw ko sa sarili. “Huwag mong daganan si Kuya Rom! Pinapatay mo iyong tao eh!” sigaw ko naman kay Shane, sabay irap.
Lumingon sa akin si Shane. “Ah… may tao pala dito. Sorry, hindi ko napansin. Ano nga ba pala ang problema mo? Naiinggit ka?” ang pang-iinis niyang sabi sabay tawa.
“Ako naiinggit? Hindi kaya... At hoy! Para malaman mo, hindi kayo bagay no? Ang tanda mo na kaya… Yukkkkk!”
“Waaahhhhh! May pa-yukkkk yukkk ka pa. At sino? Sinong bagay sa kanya? Isang mas bata ba ang bagay para kay Kuya Rom mo? Sino?” tanong niya, parinig sa sinabi ko sa kanya sa canteen na magkasintahan kami ni Kuya Romwel.
Mistulang nakalunok naman ako ng isang garapun na polvoron at bumara ang lahat ng ito sa lalamunan ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Natulala. “E… babae ang bagay sa kanya no!” ang naisagot ko.
“Babae talaga? Hindi lalaki na kasimbata mo? Kasing-edad mo?”
“Amffff!” Sa isip ko lang, ang mga mata ay nagbabanta sa kanya ipinahiwatig na huwag subukang i-buking na sabihin ang gawa-gawang sinabi ko sa kanya tungkol sa amin ni Kuya Rom. “Babae ang sinabi ko! Hindi lalaki! Bingi ka ba?” bulyaw ko.
Ngunit hindi nagpa-intimidate ni Shane. Tumawa ito ng malakas, nang-aasar. “E, bakit sinabi mo sa akin sa canteen kanina na magkasintahan kayo ni Kuya Romwel mo? Sabi mo pa nga na binigyan ka niya ng singsing, diba? Na kulang na lang ay magpakasal kayo! Di ba iyan ang sabi mo?” ang pang-iinis niya.
Ramdam ko naman ang pamumutla ng mukha ko sa narinig, hindi agad nakasagot. Tiningnan ko si Kuya Rom na ang mga mata ay seryosong nakatutok sa akin, tila naghintay sa maari kong reaksyon at isasagot. “Totoo bang sinabi mo iyan?” ang tanong ni Kuya Rom noong hindi kaagad ako nakasagot.
Tiningnan ko uli si Shane, ang mukha ko ay nagpupuyos sa galit. “Sinungaling iyan Kuya! Huwag kang maniwala d’yan!”
“Sinungaling pala ha? Di ba sabi mo pa nga na hinahatid ka palagi ni Romwel sa bahay at palaging doon siya natutulog sa bahay ninyo at magkatabi pa kayo sa kama kapag natutulog at may ginagawa kayo?”
“Argggg! Huwag kang maniwala sa kanya Kuya!” sigaw ko.
Ngunit lalo akong ininis ni Shane. “Gusto mo, kantahin ko pa ang paborito ninyong kanta na ipinagmamalaki mo?” At kinanta nga niya ang parehong paborito naming kanta ni Kuya Rom, “Sometimes I feel like I'm all alone, wondering how, what have I done wrong…”
“Tama na yan!” sigaw ko kay Shane. “Kuya, huwag kang maniwala sa kanya. Sinungaling iyan!” baling ko naman kay Kuya Rom.
“At ang sabi mo pa nga na itinapon mo na sana ang singsing sa ilog kaso, sinisid talaga ito ni Romwel at ibinigay uli sa iyo. Waaahhhh! Sweet naman!” dugtong pa ni Shane.
Hindi ko na natiis pa ang mga patutsada ni Shane. Sa sobrang galit at hiya, dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto, pahid-pahid ng isa kong kamay ang mga luhang hindi ko napigilang dumaloy sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay nagtawanan sila noong makalabas na ako sa loob ng kwarto.
Tinawag ko kaagad ang driver na simbilis naman ng kidlat na pinaandar ang sasakyan noong pagkaupo na pagka-upo ko pa lang sa tabi niya. Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko naman mapigilan ang pag-iyak, hindi alintana ang driver na marahil ay nagtataka kung bakit. Patuloy na dumadaloy ang mga luha ko sa aking mga mata at hinayaan ko na lang ang mga itong pumatk ng pumatak sa aking damit.
Iyon ang huli naming pagkikita ni Kuya Romwel. Dahil sa pangyayaring iyon, sobrang nasaktan ako, nahiya, at inalipin ng pagkaawa sa sarili. At syempre, dahil sa sila ang magkasintahan, pakiramdam ko talaga ay pinagtatawanan nila ako at kinukutya. Sobrang sakit ang naramdaman ko dahil sa iyon na nga lang sana ang huling mga pagkakataon na makasama ko siya, at hayun, nagkaletse-letse pa ang lahat. Ang iniisip kong planong huwag bibitiw sa kanya at ipaglaban ang naramdaman ko ay biglang natabunan ng kawalang pag-asa. Feeling ko talo na talaga ako. Nagtampo rin ako ng kaunti kay Kuya Romwel kasi ni hindi ko man lang naramdamanng ipinagtanggol niya ako. Kaya nakaukit talaga sa isip ko na out of place ako, parang excess baggage na lang kumbaga. “Bakit ko isisingit ang sarili ko sa kanila? Parang sobrang ang kapal ko naman kung igigiit ko ang sarili ko sa kanila. Hayaan ko na lang sila...” ang nasabi ko na lang sa sarili.
Simula noon, pilit ko nang inaalis sa aking isipan si Kuya Romwel. Masakit, syempre, ngunit tuloy pa rin ang takbo ng mundo ko, kahit na kadalasan ay natulala na lang ako, nawawala sa concentration.
Hindi na rin ako sumali pa sa volleyball team namin. Kasi, lalo akong nasasaktan kapag nagpa-praktis at naalala ko si Kuya Rom. Nanghinayang si Kuya Paul Jake ngunit naintindihan naman niya ang kalagayan ko. Sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng nangyari at nanghihinayang siya. Marahil ay kung hindi rin kay Kuya Paul Jake ay lalong napakahirap tanggapin ng lahat. Siya rin ang nagpayo sa akin na “Kapag mahal ko daw ang isang tao, bigyang laya ko din daw ito kapag hiningi ng pagkakataon dahil kung sadyang para sa akin ang taong ito ay kusa din itong babalik sa akin. At kung hindi naman daw ito babalik, ay huwag akong mag-alala dahil darating din daw iyong sadyang para sa akin.” Maganda ang sinabing iyon ni Kuya Paul Jake.
Pero syempre, kapag napaibig ka na kasi sa siang tao, kahit na ano pa ang napakaganda at comforting na salita ang maririnig mo, walapa ring pakialam ang puso mo. Lalo na, si Kuya Romwel. Sa kanya ako unang nakaramdam ng pagmamahal. Siya ang nagturo sa puso kong umibig. Sa kanya ko naramdamang ang isang pagmamahal, ang pag-aalaga, ang paglalambing, ang mga bagay na ni minsan ay hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Masaya ako kapag kasama siya. Sa kanya ko unang naranasan ang halik, ang pakikipagtalik… Parang may malaking kulang sa akin na siya lang ang pwedeng pumuno. At ngayong mawawala na siya, ang malaking kulang na iyon ay muli na namang naging kulang…
Magdadalawang buwan at wala pa rin kaming contact ni Kuya Romwel. Pinanindigan ko na talagang huwag siyang dalawin sa ospital. Alam ko namang maayos siya dahil nandoon ang mahal niyang si Shane kaya hindi na ang kalagayan niya ang sumisiksik sa isip ko kundi ang sariling naramdamang sakit na kapag pumunta ako ay makikita silang sweet sa isa’t-isa at iinggitin lang nils ako, o kaya’y pagkaisahang kutyain. Nalalaman ko lang ang mga kaganapan sa ospital kina papa at mama na paminsan-minsan ay bumibisita sa kanya. Napag-alaman ko ring nasa isang ospital naman ng Maynila ang mama ni Kuya Romwel dahil sa isinasagawang kidney transplant. Nagtaka nga din sila kung bakit hindi na raw ako bumibisita kay Kuya Rom. Sinasagot ko na lang na pupunta din ako isang araw.
Isang gabi, may natanggap akong text message. “Tol… ito ang bago kong number. Binigyan ako ni Shane ng cp at heto makakapagtext na ako sa iyo. Na miss kita. Bat di ka na dumalaw sa akin?”
Tumulo ang luha ko sa pagkabasa sa text na iyon. Sumisiksik na naman kasi siya sa isip ko, at bumabalik-balik na naman ang sakit na naramdamn sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Shane at ang nakatakdang nilang paglisan. Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ba ang text na iyon o hayaan na lang. At nanaig ang hayaan na lang. Naisip ko kasi na dahil galing kay Shane iyong cp, siguradong binabasa nito ang mga text ko para kay Kuya Rom.
Maya-maya, nagtext uli, “Next week tol, aalis na kami papuntang Canada. Tapos na ang lahat ng requirements at may visa na ako. Minamadali ni Shane ang lahat. Nakalabas na ako ng ospital at dito kami ngayon sa Manila, sa inay.”
Lalo akong napahagulgol noong mabasa ang salitang aalis na sila. At lalong hindi ako nagreply.
Nagtext uli. “Sana tol, huwag kang magalit sa akin. Miss na miss na kita. Sana magkita pa tayo bago kami umalis…”
“Ayoko nga… masyado mo akong sinaktan. Palagi na lang ganyan… hindi na ako papayag na masaktan mo pa muli. Hanggang dito na lang dapat ang sakit na mararamdaman ko. Ito na ang huli…” bulong ko sa sarili.
Hindi na uli siya nagtext.
Dumating ang takdang araw na sinabi ni Kuya Rom na aalis sila. Umagang-umaga, may text si Kuya Rom sa akin. “Tol… alam kong natatanggap mo ang mga texts ko. Bakit ganun? Wala kang reply. Sana tol, ipakita mo man lang sa akin na may halaga ako sa iyo, na ma-miss mo rin ako. Sana kahit sa airport man lang magkita tayo kahit sa huling pagkakataon…”
“Wala nang silbi ang lahat...” ang bulong ko sa sarili. At muli, hindi na rin ako nagreply pa.
Alas 10 ng gabi, ang sinabi niyang oras ng flight nila ni Shane patungong Canada. Nasa kwarto ako, hindi dalawin ng antok. Kinuha ko ang itinagong singsing na bigay sa akin ni Kuya Rom at isinuot ito. Habang hinahaplos-haplos ko ito, pilit ko namang ibinalik sa alaala ang eksenang sinisisid niya ito sa ilog noong itinapon ko ito doon at hindi niya nilubayan ang pagsisid hanggang sa makuha niya.
Umupo ako sa gilid ng kama ko, uminum ng beer, hinayaang lumabas ang matinding lungkot na bumalot sa buong katauhan ko sa mga sandaling iyon ng kanyang paglisan. Ini-imagine ko na masaya sila ni Shane sa airport, nagtatawanan, nagkukwentuhan tungkol sa maaring gawin nila sa Canada. Tila sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa pagkakataong iyon habang walang humpay naman ang pagdaloy ng aking mga luha.
Binuksan ko ang camera at tiningnan ang mga larawan namin ni Kuya Rom na naka-store sa sa camera ko. Inisa-isa kong pagmasdan ang mga ito at pilit na binalikan sa ala-ala ang mga pangyayari sa oras ng pagkuha ng bawat isa nito; ang masasayang harutan namin, ang mga pa-cute niyang kuha, ang mga nakakaaliw at katawa-tawang mga posing, at ang pinakapaborito kong kuha sa lahat ay iyong may ninakawan niya ako ng halik sa pisngi at kinunan niya ng nakaw iyon.
Nandoon din ang mga kuha namin sa beach na naka-swimming trunk lang siya at hunk na hunk ang porma. May close up, may nagpi-flex siya ng muscles, may nakababad sa tubig, may nakadapa sa buhanginan...
Hindi ako nakontento, tinumbok ko ang music corner at naupo sa sofa kung saan kami palaging umuupong magkatabi kapag nagsa-sound trip. Pinatugtug ko ang paborito naming kanta -
“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me
There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me
Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home back to me...”
Habang bumabakat sa isip ang kahulugan ng bawat kataga ng kanta, lalo naman akong napahagulgol, inalipin ng matinding pagkaawa sa sarili. Sumiksik sa isip na hinding-hindi na talaga maaaring mangyari pa na maging kami ni Kuya Rom. Nag-alalang sa pagharap ng bukas ay hinding-hindi na siya masisilayan pa, na tuluyan nang mawawala sa akin ang taong siyang nagpapaligaya sa akin.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni at pag-iiyak noong may text sa cp ko. “Tol... nasgsimula nang mag-check ang flight namin. May itatanong lang ako bago ako sumakay ng eroplano. MAHAL MO BA AKO???” naka-capital letters talaga ang tanong niya.
Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa nabasa, ang kalampag ng dibdib ay mistulang nakakabingi. “Bakit? Ano pa ba ang silbi niyan kung sasagutin ko ang tanong ngunit aalis ka rin naman?!” sagot ko.
“SAGUTIN MO AKO TARANTADO KA!” ang tila nagagalit na text niya.
“BAKIT?!” sagot ko din.
“KAPAG OO ANG SAGOT MO, HINDI NA AKO TUTULOY PA! DALIII! AKO NA LANG ANG HININTAY NILA!”
E, ano pa nga ba ang magawa ko? Siya na lang daw ang hinintay eh, at syempre, dahil iyon sa sagot ko. Parang gusto ko na lang sanang sagutin na, “Di maghintay sila! Mahirap bang gawin iyan!” Hindi naman kasi talaga ako totally na nanniniwala na hindi siya tutuloy kapag oo ang sagot ko e; dahil nasa airport na sila, handa na ang lahat, maganda ang future niya doon sa Canada... Wala na siyang mahihiling pa sa piling ni Shane. At magbaback out siya basta-basta na lang dahil lang sa akin? Ngunit sa huli, nanaig pa rin ang tunay kong naramdaman, at syempre pa, kahit papaano, may excitement ding dulot iyon sa akin noong sinabi niya na hindi siya tutuloy kapag oo ang sagot ko. At umaatikabong “OO! Mahal Kita Kuya. Mahal na mahal!” ang naisagot ko.
Wala pang 30 seconds noong maisend ko ang sagot kong iyon, bigla na lang akong nagulat noong may kumalampag sa may bahaging bintana ng kwarto ko. Kinabahan ako dahil may naalala akong ganoong eksena dati kung saan dumaan siya sa bintana upang makaakyat sa kwarto ko.
Dali-dali kong tiningnan ang may parteng iyon ng kwarto ko. At halos hindi ako makakilos sa pagkabigla sa nasaksihan ng aking mga mata. Si Kuya Romwel nga.
“Wala man lang hug d’yan o kiss?” tanong kaagad niya.
Syempre, takbo ang lola niyo sa kanya at sabay lingkis sa kanya. “Kala ko ba nasa airport ka?”
“Hah? Hindi ba airport to?” ang biro niya.
“Kuya naman eh... niloloko mo ako.”
“Bakit hindi ka natuloy?”
“May naiwanan kasi akong taong hinding-hindi ko matiis na mahal na mahal daw ako, at na-realize ko na mahal na mahal ko rin...” sabay lapat ng mga labi niya sa mga labi ko.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment