Friday, December 28, 2012

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 13

Halos panawan ng ulirat si Gboi sa nalaman. Hindi na niya naabutang buhay ang kanyang ama. Namatay ito minutes before they arrived in the Hospital. Nangatal ang buong pagkatao niya sa nalaman. Halos ayaw gumalaw ng katawan niya sa pagka-shock sa balita. Namanhid ang buong katawan niya. Halos hindi na siya makahinga.

The flashbacks of how he fought with his father flooded his mind. Naninikip ang dibdib niya sa pagka-alalang iyon. Parang sinasakal siya. Pinilit niyang humakbang ngunit hindi niya talaga kaya.

Nananakit na rin ang mata niya sa pagpipigil ng pag-iyak. He didn't want to believe that news. No freaking way. Malakas ang ama niya ng iwan niya ito nung isang araw. Hindi siya makapaniwalang basta na lamang itong malalaglag sa hagdan ng mansiyon nila.

Naalala pa niya kung paano siya sinalubong ng mayordoma nilang si Manang Mercy. Umiiyak ito ng maabutan nila sa labas ng operating room. Ang kanyang madrasta ay naroroon din at kasama si Elric na pilit na kinakalma ito. His stepmother is almost hysterical na kinailangan na itong i-sedate ng mga nurse at ngayon nga ay nasa isang room na ng hospital.

Si Pancho ay nagpaalam na tatao muna sa mansiyon dahil naiwan doon ang mga pulis. Natuklasan ng madrasta niya na nawawala sa higaan nila si Don Armando kaya lumabas ito ng silid at hinanap ang esposo. Nagulat na lamang daw ito ng makitang ang paakyat na asawa ay bigla na lang dumausdos pabalik at pababa ng hagdan na ikinabagok nito.

Hindi nakasindi ang ilaw sa bandang hagdanan dahil ang mga ilaw sa labas ng mansiyon ay sapat upang mailawan ang loob ng kabahayan at maaninang ang daraanan mo kung ikaw ay lalabas ng silid sa gabi.

Pinunit ng malakas na sigaw ni Mildred at ng kanyang ama ang pananahimik ng gabi. Hindi na nasaklolohan ng madrasta ang asawa dahil wala itong alam sa first aid at talagang natakot na ito. Hinagilap na lamang nito ang telepono sa hallway ng ikalawang palapag at tumawag ng ambulansiya at pulis.

May dumantay na kamay sa kanyang balikat. Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya ang malungkot na mukha ni Manang Mercy. Matanda lang ito ng sampung taon sa kanyang ama. Bata pa ito ay nagtatrabaho na ito sa kanilang bahay sa Mindoro hanggang sa madala rin ito sa Maynila ng manirahan doon ang pamilya ng papa niya.

Pinahid nito ang pisngi niyang hindi niya namalayan na basa na pala ng luha niya. Ngumiti ito ng masuyo ngunit halos walang buhay.

"Tatagan mo ang loob mo anak. Ikaw na lang ang natitirang tunay na Arpon sa pamilya ninyo ng ama mo. Siguradong malaki ang mga pagbabago sa pagkawalang ito ng iyong papa." 

Hinaplos-haplos pa nito ang kanyang buhok. Tulad ng ginagawa nito noong bata pa siya.
Lalo siyang napahagulgol sa gawi nito. Yumakap na lamang siya sa matanda.

"Manang, hindi ko man lang nasabi sa Papa na mahal na mahal ko siya. Hindi man lamang niya ako hinintay." buong hinanakit na sabi niya.

"Hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya. Sa kawalang-hiyaan ko bilang anak. Sa pagbabale-wala ko sa mga sinasabi at nararamdaman niya. Napaka-selfish ko, Manang." mas malakas pang hagulgol niya.

"Sshh... Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto ng nangyari." alo nito sa kanya.

"Hindi po. Isa akong malaking disappointmen sa kanya Manang. I've never been the son he always wanted. Mas inuna ko ang pride ko kaysa ang makipag-mabutihan sa kanya." patuloy na pagsisi niya sa kanyang sarili.

"Hindi totoo iyan. Minahal ka ni Armando sa sarili niyang paraan." kumalas ito ng bahagya sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Nakita ko kung paano nagning-ning ang mga mata niya ng ibalita niyang babalik ka na. Nakita ko ang kasiyahan na nadarama niya ng i-anunsiyo mo ang pagpapakasal ninyo ni Katrina. Nakita kong lahat iyon. Kaya nagkakamali ka kung tingin mo ay naging napakasama mong anak." tumingin ito sa mata niya kapagdaka.

"Napasaya mo si Armando. Napasaya mo siya." naluluha-luhang sabi nito sa kanya na lalong nagpabigat sa nararamdaman niya.

"No. I should've been a much better son Manang. Not like this. I've always opposed him." sisi pa rin niya sa sarili.

Naiiling na lamang na muli siyang niyakap nito. "Tahan na anak."

"Tama iyan Gboi. Sisihin mo ang sarili mo sa pagkamatay ni Armando." si Mildred. Mukhang maayos na ito. Nagbabaga ang tingin nito sa kanya habang papalapit at inaalalayan ni Elric.

"Dapat lamang na sisihin mo ang sarili mo dahil ikaw ay hindi naging mabuting anak sa kanya. Imbes na tumulong ka sa kumpanya ay mas pinili mong magpakasaya sa ibang bansa at magliwaliw. I can't believe that you are actually your father's son." maanghang na sabi nito.

Parang sinaksak siya ng mga sinabi nito. Batid niyang walang maaaring sabihin ito na papabor sa kanya. But somehow, her words managed to hurt him a lot. Bakit hindi, eh totoo namang pinalayo niya ng husto ang loob ng ama sa kanya.

Dinuro siya nito. "Pasalamat ka at wala akong kapangyarihan sa kumpanya kung hindi ay pinalayas na kita. Namnamin mo ang kapangyarihang hindi dapat sa'yo. Siguraduhin mo ang pagbagsak ng ama mo. Make him want to hate you all the more Gboi!" nanginginig na sigaw nito sa kanya habang inilalayo ito ni Elric. Muli itong isinedate ng nurse.

"Huwag mo silang pansinin Gboi. Hindi pa man naililibing si Armando ay ganoon na ang lumalabas sa bibig ni Mildred. Hindi man lang ipinagpaliban muna ang nais sabihin sa'yo." puno ng indignasyon na sabi ni Manang Mercy.

Hinawakan niya ito sa balikat at pinisil iyon. 

"Hayaan na po natin siya Manang. She's absolutely right after all." mapait siyang ngumiti. 

Sa normal na sirkumstansiya ay nakipagsagutan na sana siya sa madrasta ngunit wala siyang lakas na magsalita kanina pa. Punong-puno pa rin ng guilt at galit sa sarili ang puso niya. Hindi siya deserving na humarap sa ama. Nahihiya siya rito. Nahihiya siya sapagkat nasa isang bawal at tagong sitwasiyon siya kanina ay nakikipaglaban pala ito kay kamatayan at tuluyan na ngang sumuko bago pa man sila makarating sa ospital.

Binilinan niya si Manang Mercy na si Elric na ang mag-asikaso sa ama. Ang binabalak na pag-iwas sa kumprontasyon at pagharap sa labi ng ama ay hindi ibinigay sa kanya sapagkat lumabas na si Elric. Narinig nito ang bilin niya sa mayordoma.

"Bilib talaga ako sa'yo Gboi. Hanggang ngayon ay kaya mong isnabin si Tito Armand at layasan siya hanggang sa huling sandali." nang-iinsutong sabi nito.

Hindi siya nagsalita. Yumuko na lamang siya at muling tumingin kay Manang Mercy at nag-paalam na dito.

"Sige, kami na ang mag-aayos dito. Umalis ka na. Magpakita ka na lang sa burol." si Elric na nagpahinto sa kanyang hakbang.

"S-salamat kung ganoon." tugon niya habang nakatalikod.

"Huh! It must've been hard for your father Gboi." patuloy nito.

He did not utter a word. Instead he continued walking slowly.

"It must've been hard for him not having a child." said Elric.

He winced. Not because he managed to hurt him. He was hurt by the words that he said. He walked towards his car parked outside.


Nasa malalim na pag-iisip si Pancho. Mukhang malaki ang pagbabagong mangyayaring magaganap. Nawala ang butihing Don Armando. Malaki sana ang maitutulong nito sa kanyang plano. Napabugha siya ng hangin.

From the hospital ay nagtuloy siya sa mansiyon ng mga Arpon para mag-asiste sa mga pulis na naiwan doon. Nagulat siya ng makita niya roon ang isa sa mga kaklase niya noong high school na isa na ngayong pulis. Nakilala rin siya nito. Hindi maiwasang magkamustahan sila in-between ng pagtatanong niya.

"Vergara, I have to tell you something." si Lt. Rick Tolentino. Sa NBI talaga ito naka-pwesto pero naitalaga pansamantala sa QCPD for some covert missions. Matangkad din ito sa kanraniwan at maganda ang pangangatawan. Naka-civilian ito.

"Ano iyon Tolentino?" 

"Rick na lang ungas!" nakangiting sabi nito.

"Ugok! Pancgo ang pangalan ko rito. Huwag kakalimutan iyan."

"Bakit hindi Ito?"

"Pancho, Panchito or Ito, it doesn't matter. So anong sasabihin mo?" pag-iiba niya ng usapan.

Tumikhim ito. "I think this was planned."

Nangunot ang noo niya sa narinig. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Tama ba ang narinig ko?"

"Oo. I found some evidence."

"Anong ebidensiya?"

May dinukot itong evidence bag na transparent at ipinakita sa kanya. Kuminang ang mga iyon sa tama ng liwanag mula sa poste ng ilaw.

"Saan ninyo nakita iyan?" 

"Sa ibaba ng hagdan at iyong iba ay nasa itaas. Tatlo alng lahat iyan."

"Paano kayo nakasigurong ebidensiya ito?"

"Look." iminuwetra nito ang ipinapakita sa kanya. Nakita niya ang bahid ng dugo sa isang bahagi noon.

"Malamang na tumama ang ulo ng biktima dito. Magre-request kami ng autopsy. Kung hindi kami nagkakamali. This is murder and we have the murder weapon on hand."

Napatiim-bagang na lamang si Pancho. Tumunog ang cellphone niya at binasa ang text na natanggap. Natigagal siya sa nabasa. Huli na para maiwasan niyang hindi iyon mabasa ni Rick.

"Tell me about it Pancho. Kung hindi, ilalagay kita sa listahan ng suspek." mahinahon pero may awtoridad na salita nito sa kanya. He left out a sigh. Nagsimula siyang magsalita.


Gboi on the other hand was driving aimlessly. Nakaburol na ang ama niya. Nag-request ng autopsy ang mga pulis sa pangunguna ng kaibigan ni Pancho. Everybody seem to take charge of the situation. Para lang siyang dahong itinatangay ng agos ng hangin at tubig. Walang direksiyon.

Nagtaka pa siya ng huminto siya at nakitang nasa isa Arpon Developers Building siya. Nagpasya siyang umakyat sa opisina ng ama. Gabi na noon. Gamit ang service elevator ay umakyat siya.

Pagdating sa opisina ng ama ay bumuhos ang emosyon na akala niya ay naubos na noong isang araw. Lahat ng guilt at galit na nadarama niya ay nilukob ang kanyang pagkatao. Napapadausdos siyang naupo sa sahig ng opisina ng ama. Paluhod siyang naglakad papunta sa mesa nito at iniabot ang larawan nito sa lamesa.

Laksang damdamina ang rumagasa sa pagkakahawak niya ng larwan ng ama. Halu-halong luha, laway at sipon na ang nasa mukha niya. Humahagulgol na siya. "I'm sorry Daddy. I'm sorry I've never been a son to you. I'm sorry I never told you I love you. I'm sorry at nahihiya ako sa iyo. I can't face you Dad. I can't." Namamaos na wika niya.

Nakramdam siya ng malamig na hangin na humaplos sa kanyang katawan. Nakasara ang bintana ng opisina at walang hanging pumapasok kaya medyo nagtaka siya.

"Daddy?" parang lokong tanong niya.

"Dad?"

"Can you forgive me Dad?"

Muli ang mabini at malamig na hangin ay humaplos sa mukha niya. Sa ibang pagkakataon ay malamang na natakot na siya. Pero hindi sa panahong iyon. Mukhang pinatatawad na siya ng ama. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pinakawalan iyon saka inilapag ang larawan nito. Bumaba na siya sa parking lot sa basement.

Medyo madilim at malayo sa pinagkakalagyan ng kanyang sasakyan. Naglalakad na siya ng may maulinigan na nagsisigawan. Nagkubli siya sa isang pader at tiningnan kung sino ang mga iyon. Nagulat siya ng makitan g si Pancho at Elric iyon.

"Putang-ina! Bakit mo ko sinuntok!" galit na galit na sigaw nito. 

Susugod sana ito ngunit tinadyakan ito ni Pancho sa dibdib na ikinabalandra nito. Nilapitan pa ito ang nakasadsad sa lupang si Elric at pinetsirahan bago muling pinasargo ng kamao ang mukha ng kapatid. Lalapit sana siya para umawat ngunit hindi na siya nakahakbang pa ng marinig niya itong magsalita.

"Nagtatanong ka pang ulol ka! Nang dahil sa iyo ay nawala ang pinakamamahal kong kapatid, hayup ka! Naaalala mo ba si Ara?!" mabalasik ang anyo ni Pancho. Ipinasya niyang huwag munang mangi-alam at makinig na lang.

"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Elric.

"Nagmamaang-maangan ka pang sira-ulo ka. Ako si Ito. Carmencito Vergara para sa iyong ulol ka. Does it ring a bell? Ako ang kapatid ng biniktima mong dalagita na si Ara. Na namatay sa isang abortion clinic matapos mong iwanan ng bente-mil at bigla na lang nawala. Naalala mo na bang hayup ka!!?" nag-iigtingan ang ugat ni Pancho sa lahat ng panig ng mukha nila.

Nayayanig siya sa nalalaman niya. This is really a revelation. Nagugulat na talaga siya. At nangangamba na baka may iba pa siyang marinig na maaari niyang hindi magustuhan.

"I-ikaw si Ito? Ikaw ang kapatid ni Sehara?" nagkulay-suka ang mukha ni Elric. Pilit na pinapakawalan ang sarili sa pagkakapitsera ni Pancho rito. 

"Oo at wala ng iba. Walang-hiya ka, hindi pa sapat sa iyo na pinaki-alaman mo ang kainosentihan ng kapatid ko ay nagawa mo pang ipalaglag ang buhay na nasa sinapupunan niya. Anak mo iyon tarantado ka!" 

"H-hindi ko siya pinangakuan ng kahit na ano Pancho." nangangatal na sabi nito.

"Talagang wala kang kayang ipangako. Kaya ngayon, hindi rin ako makakapangako na hindi kita mapapatay." at isang bigwas ang ginawa ni Pancho.

"T-tama na P-pancho! Maawa ka!" sigaw ni Elric.

Pinagsisipa pa nito sa tiyan ang huli at sa mukha. Nakahandusay na ito sa sahig ng parking lot. Hindi naman siya makakilos sa kinatatayuan. Nanginginig ang tuhod niya. Nanlalambot siya sa natuklasan. All this time pala ay may kinikimkim na galit si Pancho kay Elric. Pero bakit pina-abot pa nito sa ganoon. Muli siyang sumilip.

"Ngayong patay na si Don Armando, wala ng dahilan para gamitin ko si Gboi at Katrina laban sa'yo. Hindi na sila kailngang masaktan pa para lang mapabagsak kita. Dahil wala ka ng pag-asa na mahawakan ang kumpangyang matagal mo ng inaasam." ang mga salitang iyon na nakapagpayanig ng husto sa kanyang sistema? 

Ginamit siya ni Pancho. Ginamit siya nito sa simula pa lang. At lahat ng pakita nito sa kanya ay isang palabas lamang. All for the show. Para kay Elric. Para gantihan ito. Nanghihinang napaupo na rin siya mula sa pagkakasandal. Bakit sunod-sunod namana ng kamalasan niya?

Nagsalita pa si Elric. "Sira-ulo ka Pancho. Ang atagal mong naghintay. Pwede mo namang gawin ito. Nag-abala ka pa. Di mo ba naisip? Walang kinalaman ang dalawang iyon dito. Lalo na si Gboi. Baliw. Argh!!!" nasaktang wika nito.

Tumayo siya. Ipinaramdam ang presensiya niya sa dalawa. Wala siyang madamang awa para sa nakahandusay na si Elric habang ang galit niya ay halos sumabog na sa pagkakatingin kay Pancho. Pumalakpak pa siya.

"Bravo! Bravo! All the while pala ay umaarte lang pala tayong lahat. This is really quite a surprise." pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga iyon saka mapait na ngumiti.

Nagsalita ulit siya. "Ang kapal ng mga mukha ninyo na idamay ako sa galit na ito. Wala akong kinalaman dito Pancho alam mo iyan." sigaw niya.

"Gboi, saka na tayo mag-usap. Kapag okay ka--..."

Isang malakas na suntok ang pinakawalan at pinatama niya sa panga nito na ikinaatras lang ni Pancho. Hinimas-himas pa nito ang nasaktang panga at dumura sa sahig.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ikaw ang magpapasya kung kailan kita kakausapin. At kung kailan ako magsasalita. Hayup ka!" kwinelyuhan niya ito. At sa harap ni Elric ay hinalikan niya ito ng mariin na kalaunan ay naging masuyo. Saka siya bumitaw.

"Tandaan mo ang halik kong iyan Pancho, dahil hinding-hindi mo iyan makakalimutan. At itong katawan ko." sabay hawak sa kamay nito at inilagay sa pagitan ng hita niya. "Hinding-hindi mo na matitikman. Maraming lalaki at babaeng pwedeng magpatayan para lamang diyan, pero ikaw, pinagbigyan ka na, nakuha mo pang tanggihan at paglaruan. Ang kapal ng mukha mo!" mahina niyang sabi sabay tulak dito at tumakbo patungo sa kanyang sasakyan.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...