By: Jaime Sabado
"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA"
Yun ang mga huling salitang narinig ko.
Nagkamalay ako sa isang lugar na pamilyar ang setting.
AKO: "Anu to? ba't andito ka?"
Nakita kong papalapit si mama sa akin at umiiyak..
Mama: "beboy? beboy? gising kana nga..., Erwin dali tumawag ka ng doctor gising na si kuya mo" sabay yakap at halik sa akin.
Biglang nanumbalik sa diwa ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor at tiningnan ang lagay ko.
Doctor: "so nurse jairus, ok na ba pakiramdam mo?.. mabuti at di ka masyadong napuruhan ng sasakyan. Ang pagiging unconsious mo ay sanhi ng pagod, gutom at stress kaya naging triggering factor nalang ang nangyari para mawalan ka ng malay. Pinagsabay sabay mo talaga sa katawan mo yun kaya sobrang hina mo ngayon wag mo munag pilitin ang sarili mong tumayo o maglakad hanggang bukas ah? Complete bed rest ka muna baka kasi bigla kang matumba o mahilo, at siya nga pala baka next week din you can go back to work na agad." sabay ngiti sa akin
AKO: "eh sorry po doc, alam niyo naman ang tao, madaming kargong problema sa buhay..wahehehe"
Napatawa ang doctor na mejo pamilyar na din sa akin, sa kadahilanang naadmit ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Lumabas na sa kwarto ang doctor at naiwan kami ni mama sa loob.
Mama: "anak gusto mo kumain?"
AKO: "mamaya na po mama.. mama sorry po ah? binigyan ko pa kayo ng problema.."
Mama: "shhh wag mo na isipin yan anak.. mahal na mahal ka namin"
Erwin: "Oo nga kuya, mahal na mahal ka namin.. siguro iniwan ka ng syota mo noh? kaya ka nawala sa sarili..wahehehe"
AKO: "adik ka.. pagtinanggal na tong swero ko patay ka sakin.. liligawan ko girlfriend mo na obvious na may gusto sakin"
Erwin: "kuya naman di na mabiro..peace!..wahehe"
Habang nag-uusap kaming tatlo ay tatlong mahihinang katok ang nadinig namin mula sa pinto. Inuluwa ng pintong iyon ay ang huling taong nakausap ko bago ako maaksidente.... si NOime. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, pagkahiya at takot. Parang nag aalangan siyang lumapit at kita ang mga luhang namumuo sa mga mata niya. Ako man ay di ko magawang tingnan siya ng ganun katagal kaya napayoko ako.
Mama: "Erwin, samahan moko sa labas at may bibilhin ako.. dito muna kayo beboy ah.. Good evening iha" sabay ngit kay noime.
Niome: "good evening po tita"
Waring nasense ni mama na may kailangan kaming pag usapan ni Noime kaya cguro siyang nagpasyang umalis muna.
NOime: "Ja... jai.. "
Wala akong naging tugon. nahihiya ako, lalo na't naipamukha na nila sakin kung ganu kalayo ang agwat ng pamumuhay nila sa akin, sa akin. Gusto kung umiyak pero pinigil ko iyon at derecho ang tingin ko sa TV.
Noime: "jai.. pansinin mo naman ako.. sabihin mo kung galit ka sakin.. sampalin mo ko jai"
AKO: "wala ako sa posisyon para gawin yun.. niloko ko kayong lahat diba.. kaya ok na yun.." abay bitiw ng ngiti
Noime: "Wag ka namang ganyan jai.." tuluyan nang kumawala kay noime ang emosyong kanina pa niya pinipigilan at napa upo siya sa isang silya malapit sa kama.
Nataranta akong makitang umiiyak siya ng ganun. Di ko alam pero parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan siya sa ganoong sitwasyon. Kaya pinilit kong tumayo kahit mejo nanghihina pa ko. Pinilit kong mag lakad papunta sa direksiyon niya, di ko inalintala ang advice ng doctor kanina na wag muna ako tumayo at maglakad.
AKO: "NOims.. wag kana umiyak please.. wag mo naman dagdagan ang pagkadurog ng puso ko" tila matutumba na ko kaya napakapit ako sa sandalan ng silyang kinauupuan niya..
NOime: "jai sorry..." tuluyan akong niyakap ni Noime habang umiiyak padin.
AKO: " oo kalimutan mo na yun noims ha (halik sa ulo niya), noims hatid mo naman ako pabalik ng kama please..di ko na ata kaya bumalik..wahehehehe"
Nangiti si noime sa sinabi kong iyon at piningot pa ilong ko.
NOime: "kaw kasi lumapit kapa, syempre nag eemote muna ako dito tapos saka ako lalapit sayo.. yun kaya napapanood ko samga teleserye.."
AKO: "eh sa di ko kayang panoorin kang ngumangawa eh, Noims nung niyakap moko pansin kong tumaba ka..wahehe di kana sexy"
NOime: "wala ako pakialam.. basta napatawad na ko ni daddy jai"
HIndi natapos ang gabing iyon na hindi kami nagkakasundo ulit ni nOime. Masaya ako ngunit tila may mabigat padin akong dinadala sa kalooban ko. At iyon ay ang galit sakin ni Gabriel...
Mabilis ang naging pag galing ko. sa tulong narin ng supporta at pagmamahal ng pamilya ko at ng kaibigan kong si NOime. Gaya nga ng sinabi ng doctor, Nakapag umpisa na agad ulit akong magtrabaho nung sumunod na linggo. Nadelete ko na din ang account ko sa website na iyon.
SA TRABAHO...................
7am to 3pm ang duty ko kaya 6:45 plang ng umaga ay dumating na ko sa ospital.
Head nurse: "Siya nga pala Mr. jairus, mamayang 8pm papasok na ang new batch ng mga volunteer nurses, here's the list of their names.. pakibantayang maigi please naku, daming errors nung last batch ng volunteers natin"
AKO: "Ok po maam.. fofollow up ko po sila from time to time"
Ilang sandali ay dumating na si NOime, derecho sa station, binuklat ang bag at nag make up na naman.
AKO: "Noims may mga volunteer nurses daw tayo mamayang 8am, pinapafollow up sa atin, malay mo may magustuhan ka.wahehehe"
NOime: "tigilan moko baby jai, I'm not interested.. sapat ng magandang maganda ako" sabay tawa ng malutong
It was 8am and indeed nagsidatingan na ang mga volunteers for thier orientation, kaya kinuha ko na nag list ng names nila at nagsimula na akong mag roll call. To my surprise.... Gabriel Que and James Lopez was on the list pero nung tumingin ako sa kumpol ng volunteers ay wala sila. Napansin ni Noime ang pamumutla ko kaya inigaw niya ang listahan, di na nakapagtataka ang naging reaction ni NOIme.
NOime: "Anu ba talaga ang gusto nila?" kita ang inis sa mukha.
Few minutes later ay dumating na ang dalawa...
James: "oh, well well well, nandito pala kayo? tingnan mo nga nman ang pagkakataon"
Gabriel: " di bagay" sbay bitiw ng pekeng tawa
Noime: "Wala tayo sa labas kaya irespeto niyo si Jairus bilang staff at mag fofollow up sa inyo. binabalaan ko kayo"
james: "fine"
Pinili kong di na pansinin iyon kahit na mahirap... nasasaktan parin akong makita na magkasama sila. Ito siguro ang balak nila, ang saktan ako.
AKO: "ok mukhang complete na tayo, ok I'll start the orientation.. sisimulan natin sa tour niyo sa buong area"
Pinilit kong maging propesyonal kaya kahit nasasaktan ako na makita silang minsan ay aakbay si Gabriel kay james ay pinilit kong iignore yun.
AKO: "so ngayon nakita niyo na ang buong area, i'll discus naman ang magiging duties and responsibilities niyo dito"
Nadiscuss ko na lahat at nagpahabol ako ng proper atittude towards patient at proper na kilos bilang nurse sa institution namin.
James: " meron kaya siya nun? immoral lang eh" sabay ngiti
Nangiti din si gabriel sa sinabi ni James na iyon. halatang clueless naman ang mga kasamahan nilang volunteers. Nagalit ako sa nadinig kong iyon pero pinilit kong magpigil. Mabuti at nasa rounds si NOime baka hindi na nkapag pigil yun.
AKO: "ok you can go now to your respective stations, doon niyo malalaman ang mga ka buddy up niyo"
Volunteers: "thank you sir"
AKO: "welcome" sabay ngiti
Gabriel: "di talaga bagay" tawa padin siya
Nung mga panahong iyon ay gusto sanag mag collapse sa sakit ng dibdib ko na parang gustong sumabog pero wala ako sa tamang lugar. Nakita ko na bumalik si james.
james: "nga pla mr..., Let me remind you, ingat ka sa kilos.. kaya kitang ipasipa dito, pasalamat ka volunteer lng pinasok namin dito" sabay tapik sa balikat ko.
Gabriel: "ba't ka humawak? dumi na ng kamay mo" haha
Pagtalikod nila ay tuluyan na akong bumigay, di ko na napigil ang luha ko. tamang tama naman dumating si Noime at nakasalubong niya ang dalawa.
NOIme: "jai? anung ginawa ng dalawang yun sayo?"
AKO: "ok lng ako noims"
Lumipas ang buong duty hours ko ng mabigat sa dibdib. Panu ako makakapagtrabaho ng mabuti kung nandito sila. Ni makita lng si gab na kasama si james ay masakit na how much more ang marinig at makita ang reaction niya sa akin.
Laging ganun ang naging set up sa trabaho ko simula nung mag volunteer sila gab doon. may mga pagkakataong pati sa canteen ay pinariringgan nila ako at nalaman din nila na dinelete ko na account ko sa website.
james: "nahiya siguro kaya denelete..haha pasalamat siya di ko prinit mga litrato niya dun.. sigurado tanggal lisence niya"
naging napakasakit sa akin ang magtrabaho ng kasama sila. Pero dumating ang punto na hindi ko na napigil si Noime. Nasa labas kami ng hospital nang daanan kami ng sasakyan nila gab at ibinato sa amin ang isang supot na may lamang basura.
James: ops... sorry.. akala namain trash can"
Sumabog na si Noime at binato ang salamain ng sasakyan at nabasag ito. Bumaba si Gab mula sa sasakyan at galit na galit.
gabriel: "anung ginawa niyo?!!!! ikaw??? (dinuduro ako) kaya mo bang bayaran yan? ha? magbalot balot na kayo ng pamilya mo sa apartment at lalayas na kayo bukas!! ang inadvance niyong bayad ay pambayad na yun sa binasag mong salamin. Ang puta nga naman wlang breeding!!!"
At sinapak ako ni gabriel, tumilapon ako sa may gitna ng daan..
Noime: " tama na!!!!!!!!!!!! anu bang problema mo gab kung ginawa niya iyon?? bakit? syota ka ba niya that time? ha?. Anung karapatan mong husgahan si jairus? alam mo ba ang rason kung bakit nagawa niya iyon ha?
At naikwento nga ni Noime kay gabriel ang lahat lahat habang nagpupuyos ito sa galit at umiiyak.
Noime: "kaya wala kang karapatang tratuhin siya ng ganun kasi hindi mo pinagdaanan lahat ng iyon!!!! Kung mahal mo si jairus dati pa, gaya nga ng sinabi mo sa kanya!! sana di ka agad humusga, sana ay tinanong mo muna siya ba't niya ginwa iyon!!!! sana hindi mo inisip ang sarili mong emosyon na purket nasaktan ka at sana naisip mo na wala siyang ideyang nasaktan ka sa bagay na iyon dahil di niya alam na mahal mo siya noon!! ANg kakapal ng mukha niyo...
Hinawakan ko si nOime sa kamay at inayang umuwi na.. Tila naman napako sa kinatatayuan niya si gabriel sa lhat ng nadinig nito.
AKO: "Noims uwi na tayo.. kailangan ko pang sabihin kayna mama na aalis na kami"
Noime: "pero jai"
AKO: "NOIms, wala naman akong obligasyon na papaniwalain sila sa mga totoong nangyari, nga po pala Sir. gabriel magreresign na din po ako sa hospital ninyo sana po ay hindi niyo na ako guluhin... at di po ako hihingi ng tawad sa ginawa kong iyon na ikinagalit niyo kasi dahil dun naging mas mabuting tao ako"
Tumalikod na kami ni Noime at tuluyan ng umalis. Pagdating ng bahay ay sinabi ko agad kay mama ang mga nangyari. Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng maunawaing pamilya. Agad akong nagbihis at sinamahan ko si papa at si erwin na maghanap ng bagong malilipatan bukas na bukas din.
Malalim na ang gabi ng dumating kami sa apartment. swerte at nakahanap kami ng malilipatan. May kamahalan ngunti wala kami magagawa kasi kailangan talaga. Nasa may gate na kami ng kinausap ako ni Papa.
Papa: "beboy, lahat ng pera natin naibayad ko na sa 3 months advance 2 months deposit. baka kulangin na tayo sa pangggastos natin para sa susunod na buwan. Mag-eexam pa ang mga kapatid mo, matagal padin ang ani sa taniman kaya magtitiis tiis na muna tayo."
AKO: "Pa ok lang yun. patawarin niyo ko at binigyan ko na naman kayo ng problema"
Papa: "wag mo na isipin yun anak"
AKO: "Pa, mauna na po kayong pumasok, may naitabi pa po ako sa bangko, kukunin ko para may panggastos tayo. yaan niyo pa maghahanap agad ako ng bagong trabaho. kailangan ko lng po kasi talagang magresign sa trabaho"
PApa: "wag mo na kami isipin anak... salamat at nagkaroon ako ng anak na katulad mo"
Pumasok na sila papa sa gate at ako naman ay naiwan sa labas para maghanap ng ATM para makuha ang natitira kong ipon sa savings ko. Pinili ko ang maglakad lakad nalang para madali para sa akin ang makahanap ng mapag wiwithdrawhan. sa paglalakd ko ay umabot ako sa isang banko malapit sa isang mall, dun ko piniling mag withraw.
AKO: " ok na to" pansamantala ay gumaan ang loob ko.
Naglalakad na ko paponta sa isang fast food chain para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko ay nakasalubong ko si Glen.
Glen: "oi jairus! kumusta kana?, nabalitaan ko nangyari sayo"
AKO: "ayos naman glen, san si Noime?"
Glen: "nasa bahay na at mukhang malungkot nga eh.. nga pala kakain ka din ba jan?hehehe"
AKO: "actually magtatake out lng sana ako"
Glen: "naku, libre kita samahan moko kumain cge na please?"
AKO: "cge"
Masayang kakwentuhan si Glen parang si Noime din kalog. Pero bigla siyang sumeryoso.
Glen: "di mo ba talaga siya kayang mahalin?"
AKO: "ha? sino"
Glen: " ang kapatid ko, alam mo bang mahal ka niya?lagi siyang umiiyak pag naikkwento ka niya sa akin"
HIndi ko nang nagawang sagutin amg pahayag na iyon ni Glen. nabigla kasi ako sa sinabing iyon ni Glen. Patuloy ang pananahimik naming pareho hanggang sa nagpaalam na si Glen para umuwi.
Pagdating ko ng bahay ay tinulungan ko sila mama na mag ayos ng mga gamit para sa paglilipat at ibinigay ko ang pera ko kay mama para sa isang buwan naming panggastos. Kinabukasan ay hindi ko nagawang tumulong sa paglilipat dahil maaga ang pasok ko at magpapasa pa ko ng resignation ko. Nabigla ang lahat sa ospital dahil sa naging disesyon ko. Si Noime naman ay tahimik lang at bakas ang sobrang kalungkutan. nakita ko siyang lumakad palayo papunta sa may CSR, sinundan ko siya para kausapin.
sa lobby ay nakita kong papunta sa direction ko sila james at Gabriel ngunit nauna akong lumiko dahil sinundan ko si Noime. Muling nadurog ang puso ko when I saw Noime na umiiyak sa pasilyo papasok ng CSR.
AKO: "NOims, wag kana umiyak please, malapit lng naman ang lilipatan namin at kahit di na tayo magkatrabaho magkikita padin naman tayo"
NOime: "Jai, may sasabihin ako sayo, sana ay di ito makadagdag sa problema mo"
May idea na ko sa sasabihin niya ngunit hinayaan ko padin siya na makapagsalita..
NOime: "remember the first time na pumunta ka ng bahay at nag inuman tayo dahil sa sama ng loob mo kay gab?"
AKO: "yup.. what about that night?"
NOIme: "di ba sabi mo nanaginip kang may nangyari satin?... (umiiyak).. HIndi panaginip yun, totoo yun jai.. I'm so sorry" napahagulgol na si Noime.
Wala akong masabi sa pag amin niyang iyon kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Ngunit bumitiw si noime sa akin.
NOime: "jai, gusto ko sanag itago sayo to...... buntis ako jai..Hindi naman kita inuubligang panagutan ako basta kilalanin mo lang ang magiging anak ko jai" muling napahagulgol si NOime
Mistulang bombang sumabog ang pakiramdam ko sa nadinig ko kay NOime. Natulala ako at hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat sabihin sa kanya.
NOime: "Inuulit ko jai, hindi kita oobligahing panagutan ako.. sapat na sa akin ang manatili tayong magkaibigan at kilalanin mo lng ang bata"
AKO: " Hindi pwede" walang emosyong mababakas sa mukha ko.
Sa pag aakalang hindi ko tanggap ang batang dinadala niya ay napahagulgol si noime at napa upo sa sahig.
AKO: "NOims hindi pwedeng hindi ko panagutan ang nangyari. Tandaan mo anak ko din yan"
Noime: "pero panu... panung...."
AKO: " pakasalan moko nOims"
NOime: "jai?..."
AKO: "I said marry me.. hindi lalaki ang anak natin ng hindi buo ang pamilya niya, NOims sa lahat ng ginawa mo sakin sa pagtatanggol mo sa akin, sa pagdamay mo sa akin, lahat yun ipinagpapasalamat ko.. at lalo kong ipagpapasalamat kung hahayaan mo akong maging mabuting ama sa magiging anak natin" tuluyan na din akong umiyak..
NIyakap ko si NOime at hinalika ko siiya sa ulo noo niya.
AKO: "NOims kakayanin natin lahat ha?... wag ka bibitiw ha?.. magsisikap ako para sa inyo sabay himas sa tiiyan niya"
Noime: "Oo jai... nasa likod mo lang ako palagi"
Pagkatapos ng usapan naming yun ay nagpasya na kaming bumalik sa station namin. Nasa isip ko padin ang pagpapakasal na gagawin ko. Pansamantalang napuno ng excitment ang puso ko sa ideyang magkakaanak na ko kaya na i-announce ko sa station ang pagpapakasal ko kay noime. Hindi na nagulat nag iba sa mga katrabaho namin dahil dati pa ay pinagchichismisan na kaming mag syota. Ang ikinagulat nila ay ang balitang magkaka baby na kami. Kinongratulate kami ng lahat.
Malapit sa station ay napansin ko si gabriel na nakatingin sa dako namin, ngunit binawi naman agad niya ang tingin nung hinawakan siya sa kamay ni james at naglakad na sila papalayo sa lugar na iyon. Mistulang tinutusok ang puso ko ng makitang magkahawak kamay sila, mabuti nalang at hindi napansin ni noime ang pagtingin ko sa dako nila gab.. sa ngayon ay ayokong saktan si noime at buo na ang desisyon kung panagutan ang nangyari samin.
Kinahaponan ay nagpasya akong ihatid na muna si Noime sa bahay nila at napag usapan naming bukas na bukas ay ipapaalam na namin sa mga pamilya namin ang magandang balita..
Naglalakad na ko papunta ng sakayan pa- uwi sa bago naming nilipatan nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Ngunit nilampasan ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad..
Gabriel: " jai!!!! jai wait"
Itutuloy....................
No comments:
Post a Comment