Sunday, June 29, 2014

PARAFFLE 14


By: Mike Juha
Parang biglang umikot ang aking paningin sa nariing. “A-ano????” ang naitanong ko.

“May sex video scandal na kumalat... sina Aljun at Giselle!” ang pagklaro ni Fred sa kanyang sinabi.

“Hah! Paano nangyari iyon?”

“Ang sabi-sabi nila ay sa birthday party daw ni Giselle nangyari ito. Di ba nagpunta si Aljun doon? Baka iyon...”

At bumalik sa isip ko ang paliwanag ni Aljun sa akin na iyon nga, uminum siya at nalasing ng kaunti... Iyon ang sabi niya, “nalasing ngkaunti”. Noon ko napagtanto na maaaring sa “kaunting” pagkalasing niya, ay hindi niya ma-kontrol ang sariling may gagawin kay Giselle. Sumagi din sa isip ko ang pabiro niyang sinabing may 40 na raw ka babae siyang natikman at kapag ibinigay ng babaeng nagkakagusto sa kanya ang sarili, tatanggapin niya ito ng maluwag sa kalooban. 

Ramdam ko ang pagsiklab ng galit ko sa kanya. “Sinungaling pala siya! Hindi mapagkakatiwalaan at walang paninindigan!” sigaw ko sa sarili.

“Nakapag-download ako ng copy fwend, nasa internet kasi... Tingnan mo o!” At iniabot ni Fred ang kanyang cp.

Tiningnan ko ang unang bahagi ng tape. Si Aljun nga iyon. Nasa loob ng isang kuwarto, nakahigang nakatihaya at walang saplot ang katawan. Pati ang ari niya ay kitang-kita dahil walang nakatakip dito. At bagamat nakapikit ang kanyang mga mata, klarong-klarong si Aljun nga iyon, walang duda dahil ang camera ay naka-steady na paharap sa kanya at mukhang sa kisame naka-attach ito.


Maya-maya, pumasok na si Giselle, wala ring saplot sa katawan at kitang-kita ang malalaking boobs. Bahagya pang tumingin sa camera kaya walang dudang siya ang babaeng iyon. 

Sumampa siya sa kama at pumatong sa ibabaw ng katawan ni Aljun. Sa eksenang iyon, natakpan na ng katawan ni Giselle si Aljun ngunit kitang-kita ang kanilang paghahalikan. Mahigpit ang kanilang mga yakap. Nag-aalab ang kanilang mga halik na animoy uhaw na uhaw sa kamunduhan. 

Hindi ko na nakayanan pang ituloy ang panunuod sa video. Hindi ko maaatim na makita si Aljun sa ganoong sitwasyon. Nasasaktan ako. Paarang paulit-ulit na sinaksak ang aking puso... Ibayong pagkaawa sa sarili at pagkalito ang aking naramdaman. At dahil dito, matinding galit ang nangibabaw sa aking buong katauhan.

“Ayoko na Fred!” ang sambit ko sabay abot na kay Fred sa cp niya. Alam kong pinagmasdan din ni Fred ang aking reaksyon habang nanunuod ako sa video.

“Sorry Fwend ha... pero ayoko kasing may itatago sa iyo e...” paliwanag ni Fred.

“Ok lang iyan Fred. Mas naapreciate ko ang ginawa mo. Kesa sa iba ko pa malaman, magagalit naman ako sa iyo niyan... Tama ang ginawa mo para sa isang kaibigan. At least nalaman natin ang pagkatao niya. Isa pala siyang ahas. Traydor! Hudas!”

“Woi... huwag ka namang ganyan fwend. Huwag muna natin siyang husgahan... Baka may ibang dahilan o baka hindi sya ang lalaki sa video.”

“Siya iyon, Fred. At kitang-kita naman, di ba? At para silang mga manyak na atat na atat sa pakikipagtalik!”

“Oo na... siya ang nakita natin sa video... Pero kahit na fwend! Kailangan pa rin nating marinig ang panig niya! Lalaki si Aljun fwend, at walang lalaki ang umaayaw sa isang magandang nakahubad na babae, lalo na kapag lasing ito.” ang giit ni Fred.

“Ganoon? Kaya kahit sino ay pwede na lang niyang patulan? Eh kung ganoon pala, dapat hindi na siya nagsasalita pa na ayaw niyang pumunta doon, at na hindi niya type si Giselle... Ano, naglokohan lang ba tayo? Di ba???”

“Hindi naman siguro sa ganyan fwend. Ang ibig kong sabihin, depende sa sitwasyon iyan e... Kaya nga kailangan talaga nating pakinggan ang panig niya. Isipin mo fwend, guwapo si Aljun. Sikat. Matalino. Maraming nababaliw na mga babae at bakla at ang iba ay gagawin ang lahat upang makuha lang ang atensyon niya. Kaya kausapin mo siya ng maayos fwend ha?” 

“Sorry talaga Fred.... Ngunit hindi ko na kaya. At para ano pa? Action speaks louder than words... At sabi pa nga nila, a picture speaks a thousand meanings. Ano na lang ang video? Lahat ay nandoon na. Kaya ayoko nang marinig ang kung ano mang paliwanag na galing sa kanya. Sinungaling siya at pawang kasinungalingan lamang ang sasabihin niya sa atin.”

Tahimik. Siguro ay naramdaman ni Fred na seryoso ako sa sinasabi at na nanggalaiti ako sa galit.

“At gusto kong tapusin na ang serbisyo niya sa akin... Libre na siya. Ayokong magkaroon ng isang kaibigang traydor!” dugtong ko pa.

Na siyang pag-react naman niya. “Fwend naman. Huwag ganyan eh! Huwag padalos-dalos! Naintindihan kita, oo na. Masakit talaga ang ginawa niya. Pero sana naman fwend ay lawakan mo pa ang iyong pang-unawa. Basta ako, gusto ko pa ring marinig ang side niya.”

“Bahala ka Fred! Basta ako, wala nang tiwala pa sa kanya at desidido na akong huwag nang ituloy pa ang serbisyo niya sa akin.”

Tahimik uli.

“Fwend... may itatanong lang ako ha? Huwag kang magalit.” Pagbasag ni Fred sa katahimikan.

“M-mahal mo na ba siya?”

Medyo tinablan man ang kalooban ko sa tanong na iyon ni Fred ngunit deny pa rin ako. “Fred... una hindi ako bakla. Di ba ayaw ko ngang maging bakla? Pangalawa, granting na maging bakla nga ako, hindi siguro ako mai-inlove sa mga ganyang klaseng tao…”

“Fwend kapag tinamaan na ang puso mo sa pana ni kupido, hindi ka na makapamili… Maaring makatakbo ka, ngunit hindi ka makakatakas fwend…”

Napatawa ako ng hilaw. “Ganoon?”

“At… mabait naman iyong tao ah?”

“Hay naku… babalik na naman tayo sa issue. Walang isang salita. Walang bayag, did you not get it?”

“Ewan ko sa iyo fwend. Alam ko namang may naramdaman ka eh. Ayaw mo lang aminin. Hayan takbo ka ng takbo palayo sa kanya pero sa sinabi ko… in the end, hindi ka pa rin makakatakas fwend. But I understand you. Alam ko, isang araw, kapag hindi mo na kaya ang magkunyari, nandito lang ako…”

“Tado…” ang sagot ko na lang.

Iyon ang takbo ng aming usapan ni Fred. 

Kinahapunan ng araw ding iyon, napag-alaman naming nag-iiyak at nagwawala daw si Giselle; nag-eskandalo sa student center. Galit na galit daw ito sa mga taong gumawa at nagpakalat ng video. Sinira daw ng mga taong may pakana ang karapatan at privacy nila ni Aljun. Hiyang-hiya na daw siya sa sarili, at sa mga fans at tagasuporta ni Aljun. Nagmamakaawa si Giselle sa mga estudyante na huwag na daw ikalat pa ang video kasi ayaw niyang masira si Aljun sa school at sa kanyang tungkulin. Ayaw daw niyang ikalat pa ng mga tao ang relasyon nila at ang private nilang pagmamahalan.

At heto daw ang narinig ni Fred na mga linya ni Giselle:

“Punyeta sila! Mga hayup! Ano ba ang makukuha nila sa pagpapalabas nila sa video na iyon?” ang wika ng nagsisigaw at nag-iiyak na si Giselle. 

“Calm down bhest! Calm down! Walang mangyayari kapag ganyan ka!” sagot naman ng kaibigan.

“Paano ako mag calm down! They ruin my dignity! They invaded my and Aljun’s right of privacy! Bakit? Kahit na public figure si Aljun wala na ba siyang karapatang magkaroon ng privacy sa lovelife niya? Wala na ba kaming karapatang itago ang mga bagay na nararapat lamang para sa aming dalawa bilang magkasintahan?”

“Naintindihan kita bhest! Pero pwede ka namang mag-file ng reklamo ah upang mahuli ang mga promotor niyan”

“Iyan talaga ang gaagwin ko! Para magkaalaman na kung sino ang mga inggeterang gustong umagaw kay Aljun sa akin! Punyeta sila! Mga tamaan sana sila ng kidlat, mga kampon ni Hudas!”

“At anong plano mo ngayon kay Aljun bhest? Ngayong alam na ng lahat na may nangyari nga sa inyo?”

“Iyan pa ang isang kinatatakutan ko... paano na lang kapag nalaman ito ng daddy ko!!!” at nagsisisgaw na naman siya.

“Di ba pakasalan ka naman ni Aljun sabi mo?”

“Pag nagka-graduate pa daw kaming pareho eh! At matagal pa iyon!” at humagulgol uli.

“Iyan ang narinig ko fwend na mga linya ng pag-uusap nila. Pero wala namang naniniwala fwend sa drama niya. At ang reaksyon ng mga estudyante? Scripted! Gumagawa lang daw ng eksena... At naninindig ang mga balahibo ko fwend sa narinig. Nasusuka ako, grabe. Parang gusto ko na siyang upakan!” Ang paliwanag ni Fred. “Pero di na ako sumingit kasi drama niya iyon, at wala akong script!” ang dugtong naman niya sabay tawa.

“Basta... Wala akong pakialam. Bahala si Aljun sa buhay niya! Bahala sila sa buhay nila! Pinasukan ni Aljun iyan, lusutan niya! Iyan ay kung talagang hindi din niya gusto ang nangyari. Malay mo, silang dalawa pala ang nagpakulo niyan.” ang sagot ko na lang, pinilit na magpakatatag pa rin.

“Grabe ka naman. Anong makukuha ni Aljun kung kasabwat nga siya sa pakulo na iyan? Hindi na kailangang gumawa pa ng eksena si Aljun fwend. Sikat na sikat na iyong tao, wala nang mahihiling pa kung ka guwapuhan, katalinuhan, at kasikatan ang pag-uusapan.”

“Malay mo, may iba pa silang motibo.”

“Sobra ka na talaga fwend. Matindi ang galit mo…” ang nasabi na lang ni Fred. Ngunit bumanat pa ito, “Ganyan daw fwend kapag nagmahal. The more you hate, the more you love”

Na bigla ko namang binara. “Gusto mo paduguin ko yang bunganga mo? Kakainis ka ah… lagi mong iginigiit iyan.”

“Biro lang po…” ang biglang pagbawi naman ni Fred.

Tahimik. Syempre, alam ko namang may katotohanan ang sinabi ni Fred bagamat ayaw ko lang itong aminin… dahil ayaw kong maging isang bakla. Ayaw kong masaktan sa dahil ang paniniwala ko ay kapag nasa ganoong relasyon ka, walang walang patutunguhan ang pag-ibig.

“Hindi ba natin siya tulungan fwend? Suportahan? Kawawa naman si Idol...” ang pagbasag ni Fred sa katahimikan.

“Hindi siya kawawa Fred. Nasarapan nga siya, di ba? Kitang-kita naman sa video na sarap na sarap silang nagyayarian? Pero ikaw... kung tutulungan mo siya, bahala ka. Basta ako, ayoko. Bakit? Nandoon ba tayo noong magsex sila? Nasarapan ba tayo sa ginawa nila? Sila ang gumawa ng kabulastugang iyan... linisin nila ang mga kalat nila. Labas na tayo doon.” 

“Ang taray naman nito...” ang naisagot na lang ni Fred. “Basta fwend, gagawin ko ang lahat upang matulugan ang idol ko, at makalusot siya sa problemang ito. Gusto kong mahuli talaga ang Giselle na yan na siyang pasimuno ng lahat. Gusto kong tulungang ma-redeem ang dignidad ng idol ko! At ikaw... upang hindi ka na magalit pa sa kanya… Alam kong maraming fans ang susuporta pa rin sa kanya at manindigan fwend. Tayo ba ay tatayo na lang sa isang gilid at manood? Mas kailangan niya tayo ngayon fwend…”

“Bahala ka…” 

Pagakatapos naming mag-usap ni Fred, nagkanya-kanya na kami sa aming magkaibang klase. Sunod-sunod naman ang mga message alert sa cp ko. Si Aljun. “Boss... may video sex scandal tungkol sa akin at kay Giselle, sana ay huwag kang maniwala dito.”

Tila umangat ang lahat ng dugo ko sa ulo noong mabasa ang text niya. Hindi ko ito sinagot. 

May message uli. “Boss... magpaliwanag ako mamaya ha?”

Hindi ko pa rin sinagot ito. Ang naibulong ko na lang sa sarili ay, “Hudas!” 

May message uli. “Boss…?” marahil ay napansing hindi maganda ang dating sa akin hindi ako sumagot 

Nagtext din si Gina. “Jun... may kumakalat na sex scandal kay Aljun at Giselle…”

Sinagot ko ang text ni Gina. At kagaya ng pananaw ni Fred, iyon din ang pananaw niya; na bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Aljun at suportahan namin ito dahil kaibigan namin siya at naniwala siyang may maitim na motibo ang pagpapalabas ng sex video na iyon. At iyan daw ang dapat naming malaman kung sinadya o hindi at kung sinadya man ay bakit, at sino... Pero sinabi ko rin kay Gina na, “Bahala na si Aljun sa problema niya. Malaki na siya. Alam niya ang kanyang ginagawa. May kasalanan din siya. Kung matino siyang tao, hindi niya papatulan ang babaeng katulad ni Giselle na sa porma pa lang ay alam mong hindi maaaring hindi gagawa ng kababalaghan.”

Nirespeto naman ni Gina ang aking pananaw. 

Alas 6 ng gabi, ang oras na ihahatid na ako ni Aljun sa bahay. Actually, hindi na ako naghintay pa sa kanya. Direderetso na ako sa pag-uwi ngunit hinabol niya ako. Hinayaan ko lang siyang sabayan ako. Parang hindi kami magkakilala. Walang imikan bagamat sa kaloob-looban ko, pilit na kumakawala ang poot na narmdaman. Pakiramdam ko ay sasabog ito ano mang oras. 

At noong makarating na kami sa flat ko, dumeretso na siya sa kusina upang maghanda ng pagkain. Dumeretso naman ako sa loob ng kuarto ko at tinumbok ang study table ko at mula sa drawer nito ay hinugot ang kontrata sa paraffle ng CG Inc at binasa an gcompletion of service report at pagkatapos ay pinirmahan ito.

Lumabas ako ng kwarto, hawak-hawak ang kontrata at completion of service report at noong makitang nasa kusina si Aljun at nagsimula nang maghanda sa aming hapunan, hinarangan ko siya. “Doon ka na lang sa sala. Sa labas ako kakain. Simula ngayon, tapos na ang serbisyoo mo sa akin! Tinapos ko na ito. Ok na ako...” Ang nasambit ko sabay abot sa kanya sa completion of service report.

Pakiramdam ko ay biglang may kumurot sa puso ko sa pagkasabi ko sa mga katagang iyon sa kanya habang nakaangat lang ang aking kamay gawa ng hindi niya pagtanggap sa pinirmahan kong report. Parang gumuho ang aking mundo sa sobrang sakit na naramdaman, tinatanong ang sarili kung talaga bang kaya kong panindigan ang aking sinabi...

Tiningnan ko ang kanyang mukha habang naghintay akong tanggapin niya ito. Ang report kasi na iyon ang magpapatunay na tapos na ang serbisyo niya sa akin at ito rin ang i-presenta niya sa CG, Inc group na syang nagpasimuno sa paraffle.

“Anong ibig sabihin niyan?” ang tila natulalang tanong niya, matigas ang boses at bakas ang galit sa mukha, subalit nanatili lang sa pagkatayo, hindi rin kinuha sa aking kamay ang aking iniabot na report sa kanya.

“Libre ka na... pinirmahan ko na ang Completion of Service Report ng kasunduan natin upang ma release ka na sa bondage mo sa akin.”

“At sa anong kadahilanan at basehan?” ang tanong niyang tumaas na ang boses.

“Gusto ko lang... Ayokong ma-involve sa isang taong sobrang sikat, ngunit sobrang controversial. Hindi ako sanay.”

“Iyan lang… at walang kinalaman dito ang video…?”

“Oo, iyan lang.”

“Ganoon…” ang sambit niya, umiiling at halata sa porma ang pigil na galit na mistulang gustong-gustong manuntok ng tao. “Well, for your information, Mr. Gener Flandez, Jr. Hindi ganyan ka simple ang pagrelease sa isang prize boy. If you release me, it must be because I have completed the required hours of service; not because you are angry with me.”

“Ok… ang basehan ko ay ang kumakalat na video ninyo ni Giselle”

“Ok… now you are talking. At naniwala ka naman sa nakita mong video?”

“Bakit hindi? Mukha mo naman ang nandoon, di ba? At para kayong mga hayok sa laman sa pagtatalik ninyo! Nakakahiya ka!” ang deretsahan kong panunumbat.

“So iyan ang dahilan kung bakit gusto mo nang tapusin ang serbisyo ko sa iyo?”

“Oo... bakit hindi ba ito sapat na rason?”

“Sapat na rason? Nakita mo na ba ang katotohanan? Pinakinggan mo ba ang panig ko?”

“Hindi pa... Ngunit totoo man o hindi ang lahat, it doesn’t matter. At wala akong pakialam, ok?” 

“Hirap naman sa iyo... imbes ipadama mo sa akin ang iyong suporta, ikaw pa itong unang lalayo humuhusga sa akin... Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba naawa sa akin? Anong klaseng kaibigan ka?”

“Paano ako maawa sa iyo? Ikaw naman itong naglagay sa sarili mo sa kapahamakan! Di ba sabi mo hindi ka pupunta sa tanginang birthday party ng babaeng iyon, nagpunta ka parin! Sabi mo nalasing ka lang ng kaunti, may milagro na palang nagaganap!” Napahinto ako ng sandali. “Sabagay... ikaw rin naman ang nagsabing kapag may nagka-crush sa iyo at ibigay niya ang kanyang katawan sa iyo, ay maluwag sa kalooban mo itong tatanggapin. Nalimutan mo na ba iyan? So sa sobrang pag-eenjoy mo sa kanya ay nalimutan mo na ang sinabi mong iyon sa akin!!!” dugtong ko.

Hindi siya nakaimik agad. Nilapitan niya ako at tinitigan ang aking mukha. “Nagseselos ka ba boss...?” ang mahina niyang tanong na parang may gusto siyang hukayin sa aking isip, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang galit.

Nagulat din ako sa tanong niyang iyon. Para akong natauhan. Hindi ko kasi naisip na ang huli kong mga sinabi ay nakakapagduda na. Ngunit dahil sa pride at galit ko pa rin kaya nagdi-deny pa rin ako. “Hindi ah! Bakit ako magseselos? Ano ba kita?”

“Bakit ka nagagalit?”

“Hindi ako nagagalit dahil sa selos, ok? Nagagalit ako dahil sinira mo ang tiwala ko sa iyo!”

“Grabe ka naman… parang wala lang sa iyo ang pinagsamahan natin… Sa ilang araw na nandito ako sa iyo, hindi mo pa rin ako kilala?”

“Talagang hindi kita kilala! Akala ko mapagkakatiwalaan ka! Akala ko, mabait kang tao! Hindi pala! Naglalaro ka lang! Idinaan mo ang lahat sa paglalaro!” At hindi ko na napigilan ang sariling umiyak.

Sa pagkakita niyang umiyak ako, tinangka niya akong yakapin at amuin. “Boss… sorry. Hindi ko intensyon na sirain ang tiwala mo sa akin Boss. Maniwala ka. Please…”

Ngunit iwinaksi ko ang mga kamay niya sabay sigaw ng “Ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Umalis ka na pleaseeeeeeeee!!! Ayoko nang makita ka pa dito sa flat koooooooooooo!!! Layasssssssss!!!!!”

Iyon lang. at nakita ko na lang ang pagpulot niya sa report na pinirmahan ko atsaka tuloy-tuloy na tinumbok ang pintuan na hindi man lang lumingon sa akin. At noong nasa harap na siya ng pintuan, lumingon siya at nagsalita. “Kahit ako nalalasing concious pa rin ang pag-iisip ko. At sigurado akong walang nangyari sa amin ni Giselle!”

“Paano ako maniwala sa iyo?!”

“Nalasing din ako dito sa flat mo. Lasing na lasing at nagsusuka pa. Hinubaran mo ako, pinunasan ang katawan ko. Alam kong hinawakan mo at nilaro ang pagkalalaki ko!” sabay talikod at padabog na binuksan at halos mawasak ang pintuan sa kanyang pwersahang pagsara nito.

Para akong sinampal ng maraming beses sa aking narinig. May hiya akong naramdaman. “Arrggggghh!” ang sigaw ko. 

Ngunit nanaig pa rin ang galit ko sa kanya. Lalo kasi itong nagpatindi sa paniwala kong kaya niya ako tinutukso at pinaglalaruan dahil sa may alam siyang ginawa ko. Parang sinaksak niya ako sa aking likod. Ansakit!

At tuluyan ko nang pinakawalan ang tinitimping sama ng loob. Tumakbo ako sa aking kama at nag-iiyak. Humagulgol…

Sobrang sakit pala. Parang tinadtad ang aking puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tuliro ang isip hindi ko alam kung paano iwaglit ang sakit na naramdaman. 

Kumuha ako ng beer sa aking ref at nag-iinum. Naka-limang bote na ako ngunit hindi pa rin mapakali.

Pakiramdam ko ay may naghilahan sa aking isip. May bakas ng panghihinayang sa paglayo ni Aljun ngunit may dulot din itong sakit, lalo na noong mai-relate ko ang casual lang niyang pakikipaghalikan sa akin. Naitanong ko tuloy sa sariling ganoon ba talaga siya? Mapaglaro... Pinaglalaruan lang ang damdamin ko. Kasi ambilis niyang gumawa ng ganoon. Noong sa toothbrush incident na hinalikan niya ako upang patunayang wala akong pandidirihan sa kanya. Tapos ang mga sumunod na halikan namin... Laru-laro lang ba iyon? Dahil ba ang lahat na iyon sa nalaman niyang paglalaro ko sa ari niya noong unang gabing nalasing siya sa flat ko? Si Giselle, laro-laru lang din ba iyong nangyari sa kanila?

Bumabalik-balik din sa isip na kung nagkataong pumayag pala akong makipagsex sa kanya, e di... laru-laro lang din pala ang mangyayari. At magiging bahagi na lang ako sa statistics ng mga taong natikman niya. At hanggang sa statistics lang... Walang kahulugan, no strings attached… At magiging pang-ilan kaya ako? Pang apatnapo’t isa? Apatnapo’t dalawa? Tatlo...?

“Heto na ang sinasabi ko sa sariling huwag magpadala sa pag-ibig lalao na kung sa kapwa lalaki lang dahil sigurado, sakit ng damdamin lang ang mapapala ko. Heto nga’t hindi pa nagsimula... para nang tinadtad ang aking puso. Paano na lang kung magpadala pa ako sa aking naramdaman sa kanya? Kaya tama lang ang ginawa ko...” ang pang-aamo ko sa sarili.

Tinawagan ko si Fred na dali-dali namang pumunta sa flat ko. “Anong nangyari Fwend?”

“Tinapos ko na ang serbisyo niya sa akin. Pinaalis ko sya Fred. Sinigawan ko. Inaway ko…”

“Ha????!” ang gulat at may bahid na pag-aalang reaksyon ni Fred. “Anong sabi niya?”

“Gusto niyang pakinggan ko siya ngunit buo na kasi ang pasya ko e.”

“Ang hirap naman ng kalagayan mo fwend…”

“Hindi ko alam ang gagawin…” 

“Mahal mo siya fwend… huwag kang magdeny. Ipalabas mo na fwend para hindi maghihirap ang kalooban mo…”

At sa salitang iyon ni Fred, bigla na lang akong napahagulgol. Bumalik-balik kasi sa isip ko ang parehong tanong na paulit-ulit niyang iginigiit sa akin – na mahal ko na si Aljun. Ngunit hindi ko magawang aminin ito. Kaya dahil alam kong alam niya ang aking tunay kong naramdaman kaya hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulgol.

Niyakap ako ni Fred. Sinuyo, hinaplos ang likod. “Mahal mo na siya fwend, di ba?” ang tanong uli ni Fred bagamat alam kong matagal na niyang alam ang kasagutan.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Sobrang bigat na kasi ng aking naramdaman kaya parang hindi ko na kayang sarilinin pa ito.

“Alam ko naman iyan Fwend eh… matagal na.” ang sambit ni Fred habang patuloy pa rin niya akong sinusuyo. “Satanas talaga ang Giselle na iyan!” ang dugtong pa niya.

“Ano ba ang dapat kong gawin Fred?” ang tanong ko.

“Fwend… huwag kang mag-alala kay Aljun. Hindi problema iyon. Alam kong nasaktan mo siya ngunit kilala ko iyon. Babalik din siya sa iyo. Trust me. Ngunit may naisip ako sa parte ni Giselle fwend…” sabay bitiw niya sa pagyakap sa akin at tumayo na parang may biglang pumasok sa isip.

“A-ano?”

“May internet connection ka ba dito?” ang tanong niya.

“M-mayroon.” Ang pag-aalangan kong sagot. “B-bakit?”

“Mag online tayo at buksan ko ang bogus kong fb account.” Sabi niya.

Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at noong makapag online na, binuksan nga ni Fred ang bogus na account niya na ang nakalagay na mga litrato ay sa babae. Ewan kung saan din niya nakuha ang mga litratong iyon. “A-ano ang gagawin mo?” tanong ko.

“Manood ka lang.” sagot niya.

Iyon nga ang ginawa ko; nanood. Habang nasa bogus niyang account, sinearch niya ang pangalang “Giselle Villanueva” at noong makita ang hinahanap na Giselle, napasigaw siya ng “Bingo!”

Tiningnan niya ang mga pictures ni Giselle at kinilatis ang mga kaibigan nito, pinag-aralan at noong may napili, “Heto fwend… mukhang best friend niya kasi nand’yan palagi sa mga litrato niya at mukhang close na close sila. Halos maglilips-to-lips na nga lang sa ibang mga shots. “Anne” ang pangalan noong friend ni Giselle na napili ni Fred.

Klinick ni Fred ang profile noong Anne at hindi nga siya nagkamali. Galing silang dalawa sa parehong school at talangang confirmed na mag best friends.

“Hahaha! Online ang loka! Nice!” sambit ni Fred.

“Ano bang gagawin mo d’yan! Baka mahuli tayo niyan, nakakatakot iyang ginawa mo!” ang pagreact ko.

“Huwag kang matakot fwend. Bogus naman itong account ko e… Cool ka lang. Akong bahala dito.”

At nakikipag chat si Fred, “Hi!”

Na sinagot din naman kaagad ni Anne ng, “Hello! Pakilala ka please…”

At heto na ang mga usapan nila:

Fred: Michelle ang name ko, best friend ni Giselle dito sa bagong university niya? 

Anne: Talaga? Best friend ko rin siya eh… 

Fred: Kaya nga ng nakita ko mga pics nyu at agad ako nagmessage sa iyo now.

Anne: Talaga? Nice naman. Musta naman ang malditang babaeng friend natin?

Fred: Hayun… may problema sa lalaki.

Anne: Huh! Na naman??? 

Fred: Bakit na naman?

Anne: Matindi yan kapag umibig. Gagawin ang lahat! Walang paki kung sino ang masagasaan! 

Fred: Talaga? Paano? 

Anne: Ah… basta. Pero sana i-advise mo na lang sya na magbago na...

Fred: Kasi may pinapakisuyo na naman siya sa akin eh. 

Anne: Hay naku! Alam ko na ang modus niyan. Huwag mong gawin!

Fred: Hah? Anong modus??? 

Anne: Ah basta. Huwag ko nang sabihin, baka kakalat pa.

Fred: Ah… alam ko na iyan. Kasi heto nga may pinapagawa. At sinabi naman niya sa akin e ang modus niya.

Anne: Huh! Na naman!!!!

Fred: Anong na naman?

Anne: I mean, seryoso ba talaga ang gagang iyon sa pinapagawa niya sa iyo? May milagro na namang gagawin? Lol!

Fred: Oo! Lol!

Anne: Goddddd!!! Grrrrrrr!!!! Ano ba ang babaeng iyan! Walang kadala-dala sa lalaki! 

Nag butt-in ako. Hindi ko kasi maintindihan kung matatawa o matatakot sa ginawang pagpapasakay sa kaibigan ni Giselle. Kinakahaban ako na baka mabuking kami at lalong lumala ang sitwasyon. “Ano ba yang pinag-uusapan niyong pinapagawa?” tanong k okay Fred.

“Tahimik ka lang d’yan! Hindi ko rin alam kung ano! Kakalkalin ko pa!” sabay tawa. “Behave ka lang d’yan malapit na tayong makabingwit ng impormasyon...” ang sagot ni Fred.

Kaya chat uli sila.

Fred: Paano naman kasi Anne… guwapo to the max ang lalaki!!! 

Anne: Talaga???

Fred: At heto pa, president ng student council, dean’s lister, regional champion sa lawn tennis, magaling magbasketball, 6’2 ang tangkad…

Anne: Kaya naman pala eh. Ganyan ang mga type ng gagang iyan. Gwapo, matalino, matangkad…

Fred: Kaya hayan may balak na naman…

Anne: Ganoon na naman ang gagawin niya?

Fred: Oo ganoon na ganoon pa rin!

Anne: Shit! Ang babaeng iyan talaga o… Tsk! Tsk!

Fred: Kaya magpatulong sana ako sa iyo e...

Anne: Ano?

Fred: Sa paggawa noong ginawa din niya dati d’yan sa dating school niyo?

Anne: Ano ba ito...???

Fred: Sige na Anne. Please... Maawa ka sa best friend natin. Mababaliw daw siya kung hindi mapasa kanya si Aljun!

Anne: Huh! Name pa lang cute na! Lol!

Fred: Kaya nga eh. Sige na Anne…

Anne: Ano ba ang tulong na kailangan mo sa akin Michelle?

Fred: Yung tungkol sa...

Hindi na nakasagot agad si Fred. 

“Paano na yan? Hindi natin alam kung ano iyon?” Bulong ko kay Fred.

“Oo nga eh. Kung babanggitin naman natin ang video at hindi pala iyon baka magdudang hindi ko pala alam...”

May message na namang lumabas galing kay Anne.

Anne: Tungkol sa anong tulong Michelle...??? Tell me kung ano ang maitutulong ko.

“Bahala na!” bulong ni Fred. At sinagot niya ang message ni Anne.

Fred: Tungkol sa paggawa ng video...

Anne: Ahh. Ok I’ll help kasi dati ako rin ang tumulong sa pag edit ng mga kuha.

“Bingo!!!!!” sigaw ni Fred at hindi na magkandaugaga sa sobrang excitement. Ako rin ay hindi mapigilan ang sariling matuwa, bagamat hindi ko pa alam kung totoo ba ang ginagawa nila o talagang fabricated.

Fred: Ang plano kasi namin ay imbitahan ang lalaki sa isang party kasi di ba tapos na ang bday ni Giselle, di ba?

Anne: Huh! Ang tagal pa kaya ng bday ng babaeng iyon. 6 months from now pa.

Bigla kaming nagkatinginan ni Fred. “Sinungaling talaga ang babaeng iyon!” sambit ni Fred.

Fred: Ah... Oo nga pala. Ok, isang party na lang siguro. Pero ano ang gagawin, e hindi naman yata siya masyadong close pa noong lalaki?

Anne: Simple. Kapag nag attend ang lalaki sa party at uminum, lasingin ninyo. I kontsaba ang mga kaibigan niya. At kapag hindi nalasing painumin ng pampatulog. Pero i-set up na ang cam sa kwarto. Mukha lang naman noong tao ang kailangan at kapag nakunan na ang mukha sa camera, ibang lalaki na ang gaganap sa sex scene kunyari...”

“Hahahahaha! Huli ka!!!!” sigaw ni Fred. Napangiti naman ako. Ewan, parang natuwa din…

Nagtype uli si Fred.

Fred: Ok, ako na ang bahala sa camera at sa pag edit. Pero pwede bang mahiram ang huli ninyong ginawang vid? Para may guide ako kung paano ang pag-present at pag duktor?”

Anne: Hmmm. Hahanapin ko pa Michelle eh. Pede bukas na?

Nagkatinginan uli kami ni Fred. 

“Kapag bukas na, baka makatawag na o maka text na niya si Giselle at mabuking tayo...” sabi naman ni Fred. Kaya nag type uli siya.

Fred: E... Anne, kasi wala na akong time bukas. May presentation kami sa school bukas at ako ang in-charge sa event. Pwede ngayon na please? Hintayin ko ha? Salamat.

Anne: Ok. Hahanapin ko lang sa files ko ha? Antay lang…

At naghintay nga kami ni Fred. Parang gumaan na muli ang kalooban ko para kay Aljun at parang nagsisi ako sa mga masasakit na sinabi ko sa kanya. 

Marahil ay napansin ni Fred na nakatunganga na lang ako. “Fwend... huwag kang mag-alala tungkol kay Aljun. Akong bahala doon. At siguradong kapag nalaman niya ang katotohanang ito, matutuwa din iyon.”

Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti.

Maya-maya, may lumabas na na message mula kay Anne.

Anne: May email ka? I send ko as attachment sa email address mo.

Fred: Waaahhh! Salamat ng marami Anne. Heto ang email ko. xxxyyyzzz123@yahoo.com 

Alam kong hindi iyon ang official na email ni Fred. Isang bogus na email din niya iyon, ginagamit niya sa mga kabulastugan niyang gawain, mg lalaki ang tinutukoy ko syempre.

Anne: Copy. I’m sending it now.

Fred: Ok Anne, hintayin ko. Salamat talaga. Nangungulit na kasi sa akin si Giselle.

Anne: Ok. Reply ka na lang sa email ko kapag nakuha mo na. At may paalala lang ako... Mag-ingat kayo sa gagawin kasi iyan ang dahilan kun gbakit na-kick out yang si Giselle sa dating school namin at natanggalan ng korona bilang Miss University. Alam mo Michelle, ayokong gawin niya uli yan eh... Please advise her na kung maaari ay huwag na lang ituloy... 

Fred: Ok Anne, I’ll tell her. Tama ang sinabi mo... makakarating.

Anne: Ok Michelle. Ingat and give my regards to Giselle!

Fred: Ingat din Anne. Salamat uli. Ok, makakarating ang regards mo.

At natanggap naman namin ang video attachment na ipinadala ni Anne sa email ni Fred. At noong makita ito, halos pareho ang modus. Nakahiga ang lalaki sa isang kwarto at parang lasing na lasing at iyon uli, may nagtalik... at ang mukha ng lalaki ay palaging natatakpan ng katawan at ulo ni Giselle. 

Niyakap naman ako ni Fred at nagtatalon siya sa tuwa noong makita na niya ang kabuuan ng video. “Fwend... mission accomplished! May mga ebidensya na tayo at madidiin nito si Giselle sa kanyang kagagahan. At i printout ko rin ang thread ng chat namin ni Anne. At hindi lang iyan, i check ko pa ang record niya sa dating school ng babaeng iyan kung saan siya pinatalsik!”

Syempre, natuwa naman ako sa sipag at determinasyon ni Fred na ipursige ang pagdepensa kay Aljun. Doon ko napabilib kung anong klaseng kaibigan si Fred.

“Fwend... ginawa ko ito dahil sa iyo, for your information lang… dahil inamin mo na mahal mo na nga si Aljun... At syempre, para kay Idol Aljun na rin.” 

Binitiwan ko ang isang pilit ng ngiti. 

“Ngayong alam kong mahal mo si Aljun...” at sabay talikod naman niya na ang mga mata ay mistulang nagdeliryo at ang bibig ay hindi ma drowing sa pigil na pagtitili dahil sa kilig, ang mga kamay ay itinakip pa dito “mangyayari na talaga ang Al-Gen love team!!!!!” at para siyang isang batang nagtatalon, kinikilig na di mo maintindihan.

“Atin-atin lang iyan Fred ah...!” ang pagpapaalala ko sa kaibigan.

“Sure! Sure! Trust me fwend... Ako ang number 1 fan ng love team ninyo at ako din ang presidente nito.” 

“OA!” ang sabi ko na lang... 

“Woi fwend... aalis muna ako sandali ha? Naalala ko... may ipinapagawang project pala ang aking pamangkin. Pupunta iyon sa dorm ko. Pero babalik din ako kaagad fwend. Nagawa ko na kasi iyon at ibibigay ko na lang sa kanya... ha?”

“O sige Fred. Salamat ah...”

“No problem fwend... All the time!”

At noong nakaalis na si Fred, mistulang gumaan na ang aking pakiramdam. Kasi napagtanto ko na hindi naman pala talaga ganyan kasama si Aljun. Sadyang salbahe lang talaga si Giselle. 

Ngunit syempre, nakonsyensya pa rin ako sa nangyari. At nalungkot. Tuloy nanghinayang ako sa nangyari. Nag-isip kung paano manghingi ng sorry kay Aljun.

Dahil nakabukas pa ang laptop ko, sinubukan kong buksan ang website ng student council. Nalala ko kasi ang sinabi ni Gina na may welcome greeting daw si Aljun sa amin at matutuwa daw ako sa sinulat niya. At noong binuksan ko na ito, binasa ko ang nakasulat, “Hi Gener! Welcome to the university! Ikinalulugod kong i-welcome ka! Nakaka-insecure lang ang kapogi-an mo tol! Sa dami ng nagwelcome sa iyo dito, siguradong natapyasan na ang aking mga fans (yabang!). Pero dahil pareho naman tayong pogi (gwrrrkk!) ok lang na lumipat sila sa iyo. Lol! Feel at home sa univ natin… if you need my help, I’ll be glad to be of service… TC! PS. I look forward na maka-bonding ka, kasama ang iba pang mga bago… -Aljun” 

Napangiti naman ako sa nabasa. Syempre sa isang baguhan na sulatan ng message na ganoon, at galing pa sa president ng student council, parang wow! 

Lalo tuloy akong nalungkot at nagsisi sa pagsisigaw at pag-alipusta sa kanya. “Ansama ko talaga…” ang bulong ko sa sarili. At muli, hindi ko napigilang hindi mapaluha.

Mag-aalas 11 na ng gabi subalit hindi pa rin nakabalik si Fred. Naisipan ko n alang tuloy na pumasok sa kwarto at maghanda sa pagtulog. 

Nakahiga na ako sa kama at handa na sang matulog na lang noong may narinig akong ingay sa pintuan. Naramdaman kong binuksan ito. Dahil alam kong si Fred iyon, hinintay ko na lang na pumasok siya sa kuwarto ko at hikayatin na lang siyang doon kami magkuwentuhan at doon na rin siya matulog.

Ngunit may 10 minutos na lang ang lumipas at hindi pa rin siy apumasok o ni magparamdam man lamang. Kaya kinutuban ako na baka may masasamang-loob na nakapasok. 

Bumalikwas ako sa higaan at noong nabuksan ko na ang pinto, lakng gulat ko noong nakita ang taong nakatayo sa harap nito. 

Si Aljun! At hawak-hawak ang gitara atsaka kumanta -

Pakiramdam ko ay gusto kong maglulundag sa tuwa sa pagkakita sa kanya at sa kanyang pagkanta sa akin. 

“B-bakit ka nandito?” tanogn ko noong matapos ang kanta niya.

“Alam ko kasing hindi ka na galit eh…”

“Huh! Sinong nagsabi?”

“Si Fred. Sabi niyang puntahan daw kita dahil nalulungkot ka dito…”

“Si Fred talaga. Kakainis!” ang kunyari kong pag-aalburoto.

“At may sinabi din sya tungkol sa nadiskubre niya sa modus ni Giselle. Naniwala ka na… na wala akong goinawang masama?”

Tumango lang ako.

“Pasensya ka na sa akin ha…?”

“Ako nga ang dapat manghinig ng sorry. Di kita binigyan ng chance na pakinggan.”

“Ok lang iyon… At heto” dabay abot niya sa completion of service report. “Hindi ko naman pinirmahan iyan eh.”

Tinaggap ko uli ang report. 

“At heto pala may dala akong bulaklak para sa iyo…” tumalikod siya at kinuha ang bulaklak na nakalatag sa sofa at iniabot iyon sa akin.

Natawa naman ako at syempre, super kinilig. “Huwag mong sabihing may siopao uli?”

“Paano mo nalaman?” sabay yakap sa akin at hugot ng isang siopao sa loob ng isang maliit na paer bag.

At hindi na ako nakapalag noong bigla niya akong niyakap at isinubo sa aking bibig ang isang buong siopao.

Kinagat ko naman ito. Kinagat din niya ang kabilang bahagi ng siopao.

At siguro naman ay alam niyo na kung ano ang aming sunod na ginawa…

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...