Sunday, June 29, 2014

LANCE NA LANG PARA POGI 5

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
BUGOY: "Dito ako matutulog ngayon" matigas niyang pahayag

AKO: "huh? pa..panu?.. eh kasi anu..kasi"

BUGOY: "kukunin ko lang assignments ko sa bahay hintayin moko dito lando" sabay talikod.

AKO: "ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!! patay na.. anu gagawin ko lord" sabay takip ng kamay sa mukha.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Alam ko kasi na may tensyon sa pagitan ng dalawang iyon at ayoko ng away.

AKO: "ahhh bahala na nga.. pakialam ko kung mag-away sila. Ba't di nalang kasi sila dun sa girlfriends nila."

Ilang sandali din akong palakad lakad sa sala habang hinihintay ko silang dalawa. Ayun at nakarinig ako ng katok sa pinto. Nang binuksan ko ay si Chris ang nakita ko.

CHRIS: "Dyaraaan!!!!!!!! hehehe naka naman, hinihintay mo talaga ako" sabay akbay sa akin

Wala namang isang minuto ay may kumatok muli at ng buksan ko ay si Bugoy naman ang iniluwa ng pintong iyon. Kitang kita ko ang pagdilim ng mukha ni Chris sa nakita niya at ganun din naman ang reaction ni Bugoy ng makita siya.

AKO: "ah eh... Chris, dito daw din siya matutulog... ok lng ba?"


BUGOY: "ikaw naman may ari ng bahay na to kaya di mo na kailanagan magpaalam sa kahit na sino jan"

CHRIS: "ah ok lang Landz, ganun naman talaga... laging may panggulo para may thrill diba?"

BUGOY: "Sino kaya ang panggulo Landz.. salamat nga't nachambahan akong taluhin sa contest eh"

CHRIS: "Landz, pakisabi hindi chamba yun, mas matalino talaga ako"

Nag-uumpisa na kong mataranta sa ginagawang pagpaparinigan ng dalawa.

AKO: "Ohhhhhhhkey okey... sisimulan na natin ang pajama party ko.."sabay palakpak para alisin ang atensiyon ng dalawa sa bangayan.

Ngunit napahiya ata ako ng silang dalawa ay sabay tumitig ng masama sa akin... Ang energetic kong palakpak ay humina ng unti unti..wahehehe

AKO: "ah eh..hehehe peace.."

Buti nalang ay dumating ang naynay ko.

NANAY: "ohh my lovable baby.. ba't nakatayo kayong talo jan.. upo kayo sa sala set natin na mamahalin"

AKO: "ok lng po naynay.. paakyat na din po kami sa kwarto.. dito po kasi sila matutulog"

NANAY: "ahh i understad my baby love. Cge akyat na kayo, magpapa akyat nalang ako ng pagkain para sa inyong midterm snacks"

AKO: "naynay midnight snacks po.. tsaka maaga pa po para dun"

NANAY: "oh sorry magkaiba pala yun(sabay tawa ng nakatakip ng pamaypay na pula ang bibig).. anyway highway my lovable baby magpapadala padin ako ng snacks niyo ok?"

AKO: "Opo naynay...goodnight naynay ko" sabay halik

CHRIS at BUGOY: "goodnight po tita" sabay tinginan ng masama

sa kwarto............................

CRIS: "Landz.. tabi tayo matutulog dito oh.. sabay turo sa kama ko"

BUGOY: "Ah mas gusto ni lando na sa sahig kami maglalatag ng comforter.. kung gusto mo jan ka para mas comportable ka naman"

CHRIS: "no I'm ok.. kahit saan, katabi ko naman si Landz"

BUGOY: "i'm sorry? tama ba nadinig ko? tabi kayo?" galing mo pala magpatawa tol

CHRIS: "seryoso ako" sabay hawak sa kamay ko at hinila ako

BUGOY: "ako din seryoso eh.. pasensya na ha" sabay hawak sa kabila kong kamay at hinila naman ako palapit sa kanya."

Nagkatinginan sila ng masama habang parehas mahigpit ang hawak nila sa magkabila kong kamay.

AKO: "Aaaaaahhhhhrrraaaaay ko!!!!!! ansakit ng hawak niyo sa kamay ko"

CHRIS: "ooppss sorry landz.. ok knaba? sabay tingin sa kamay ko na animoy nasugatan.

BUGOY: "nasugatan siduro sa talim ng kuko mo"

AKO: "ohhhhh teka teka... ba't ba ang bigat ng loob niyo sa isa't isa ah??

CHris: "as far as I could remember.. I'm not the first one na nagparinig jan"

BUGOY: "huh?"

AKO: "oh oh tama na yan.. "

Tinawagan ko si naynay at ipina cancel ko ang snack namin. Gusto ko matulog para mag umaga na kaagad at matapos na ito. Kinikilig ako ngunit di ko ini entertain ang feeling na iyon dahil alam ko bukas ay mga girlfriend na nman nila ang nasa isip nila.

AKO: "matutulog na tayo ok?... dito tayo sa sahig para maluwag.. ako sa gitna"

naglatag ako ng comforter at inayos ang higaan namin. Ayun at nakapwesto na nga kami at nakahiga na.

AKO: "usog nga kayo pareho.. iniipit niyo ko"

BUGOY: "siya paurungin mo, ok na pwesto ko eh sabay tanday sa akin"

CHRIS: "hey... ok na din pwesto ko" sabay kunwaring hindi sinasadyang nasipa ang paa ni Bugoy na nakatanday sa akin at siya naman ang tumanday at yumakap pa.

Matigas din si Bugoy kaya isiniksik niya ang kamay niya at yinakap din ako sabay tinanggal ang mga kamay ni Chris sakin.

Imbis na matuwa dahil sa ginagawa nila ay napaluha ako..

AKO: "sana nga mahal ako ng kahit isa man lang siguro sa inyo, ganto na siguro ang tadhana ko" sa isip ko.

Di nila napansing napaluha ako dahil sa madilim na ang paligid.

CHRIS: "Landz, harap ka sakin please"

BUGOY: "may sasabihin pala ako sayo lando" sabay inikot ako paharap sa kanya.

After 5 minutes...........

CHRIS: "wala naman palang sasabihin eh.. landz dito ka" sabay pihit sakin paharap sa kanya

Madami pang kung anu anung pangyayari nag nangyari hanggang sa silang dalawa ay nakatulog na, ako naman ay mulat pa.

Madaling araw na ko nakatulog. Pagkagising ko ay mag isa nalang ako sa kwarto. Mabigat ang katawan ko at masama ang pakiramdam ko.Pagtingin vko sa relo ay alas onse na ng umaga.

AKO: "naynay.." mahina kong tawag

Di ko mailakas boses ko. swerte at pumasok si naynay"

NANAY: "my lovable baby.. ang taas padin ng lagnat mo.. what happened ba?, siya nga pala pumasok na sa school si Chris, pinahatid ko na sa driver natin, si bugoy naman ay maaga pang umuwi.. parehas nag aalala sayo ang mga frendzzz mo"

AKO: "haiist nilagnat ata ako sa tensyong naganap kagabi.."

Naisip ko na mejo mabuti na ding nagkalagnat ako kaysa makita ulit kung panu magbabangaan ang dalawa pagkagising ko.

Nang mga sandaling iyon ay naalala ko biglang nasa school na si Bugoy at kasama na niya si Jessa, si Chris naman ay malamang na tinawagan o tinext na si mimi..

AKO: "ayoko na ng ganito, kung wala akong gagawin patuloy akong masasaktan" sa isip ko

NANAY: "my lovable baby magpapacheck up tayo mamaya ha? baka kung anu na yan"

AKO: "nay pagod lng ho siguro to.. I'm ok nay"

NANAY: "OMG.. binata nang sumagot ang baby ko" sabay punas ng luha kuno niya.hehe

AKO: "nay naman eh, matutulog nalang po muna ako.. lalabas po ako to eat, mejo mabigat po kasi katawan ko ngayon"

NANAY: "ok baby love" sabay halik sa lips

Ilang sandali pa ay nakahiga na ulit ako sa kama ko. Pero di lng talaga ako makatulog. Kinuha ko ang cp ko. Nakita ko na may mensahe iyon at ng binuksan ko ay msgs galing kay Bugoy at Chris, nag aalala nga nag dalawa sa akin. Pero nasasaktan talaga akong isipin na pag aari na sila ng iba at naguguluhan ako kung bakit sa kanilang dalawa pa. Pwede namang sa isa lang.

Nagscroll down pa ko sa inbox ko at nakita kong may text sakin ang isang di kilalang numero, ng biniksan ko iyon......

MSG: "Hi good morning! ingat ka palagi ah. Thank you pala sa pagdalaw mo sakin dito sa bahay, Ingat sa school.

-carol-

Sinangot ko msg niya ng: "wala ako sa school now, may sakit kasi ako now :)"

Wala pang limang minuto mula ng magtext ako kay carol ay tinawagan niya ako.

AKO: "hello? napatawag ka?hehe"

CAROL: "may sakit ka? kumusta na pakiramdam mo?" mejo nanginginig boses niya at halatang mangiyak ngiyak siya

AKO: "I'm ok, don't worry"

CAROL: "salamat naman kung ganun..ah eh hindi din kasi ako pumasok.. pwede ba kitang madalaw kung ok lng sayo.." mejo nahihiya niyang sabi

AKO: "ayos lng carol... yeheeey dadalawin niya ko.. hihintayin kita ah?"

Parang naimagine ko namang nagliwanag ang mukha ni Carol ng sabihin ko ang mga katagang iyon.

Tinawag ko si naynay at sinabi sa kanyang may bisita akong darating, kaya nagpahanda si naynay ng meryenda at masarap na tanghalian dahil sinabi ko sa kanya na ang bisita ko ay mayaman.hehehehe

Pinili kong maupo sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin, habang hinihintay na dumating si Carol. Ngunit pnira ng moment ang naynay at tita minda ko.

NAYNAY: (pasigaw) "OMG!!! may bisita kaming MAYAMAN mamaya.. hayyy naku ganun talaga ang buhay di gaya ng iba jan?wahahaha"

TITA MINDA: "kawawa naman ang bisitang iyan, siguro magdodonate lng sa inyo yan"

NAYNAY: "hooooooooy di ako katulad mo na tumatanggap ng donsayon, poponta siya para dalawin ang anak ko na may fever"

TITA MINDA: "hindi ako tumatanggap ng donasyon!!! tinganan mo naman ang damit na to kung mukhang donsyon to" sabay ikot (color of the day ni tita minda -green)

NAYNAY: "hahaha ang badoy mo naman, iisang kulay mula ulo hanggang paa"

TITA MINDA: "aba't kung makapagsalita ay parang hindi naka BLUE mula headbang hanggang sandals..hahaha pati pamaypay at panyo ay blue..hahaha"

NAYNAY: "pwes patingin ng pamaypay at panyo mo kung anu kulay, baka ng mumurahin lng yan" sabay kuha ng pamaypay niyang blue..wahehehe

TITA MINDA: "ayoko nga ipakita sayo hmmmp!"

Natawa ako dahil alam ko kung bakit ayaw ipakita ni tita minda ang panyo at pamaypay niya, iyon ay dahil sigurado akong kulay green din ang mga iyon.hehehe

TITA MINDA: "pagnagkasakit din ang anak ko ay dadalawin din diya ng mayaman.. so you better watch out you better not cry" sabay talikod at pasok sa bahay niya

Muli ay natawa ako, pinagdasal pa talagang magkasakit ang anak niya..hehe

Si naynay ay pumasok na din sa bahay para makapaghanda. Gusto ko sanang sabihan si naynay na magbihis ng matino pero baka magdrama na naman.hehe Naalala ko tuloy nung bata pa ako, lahat ng damit ko ay terno ang kulay pati narin ang mga kapatid ko. Kaya kanya knya kaming taguan ng childhood pictures namin, baka kasi makita ng ibang tao.wahehehe

Ilang minuto pa akong nanatili sa terrace ng nadinig kong may kumatok sa gate. Tatayo na sana ako para pagbuksan iyon pero sa naynay ay dalidaling lumabas at laking gulat ko na ang blue outfit ay orange outfit na ngayon at punong puno pa ng alahas sa katawan. Napailing nalng ako ng makita ko sa naynay sa ganoong itsura.

NAYNAY: "oh hi there.. are you my lovable baby's girlfrend?"

Carol: "good morning po.. Im he's frend po tita" sabay beso sa naynay ko

NAYNAY: "come.. he's at the torch"

Parang gusto kong bulyawan si naynay na wag na mag english at natutunaw ako sa hiya.

CAROL: "thank you po tita"

Pagpasok ni Carol ay muli akong napahanga sa angkin niyang ganda. Nakita kong may bitbit siyang kung anu sa kamay niya.

CAROL: "dinalhan kita ng sopas.. kaya mejo natagalan ako kasi ako nagprepare nito"

NAYNAY: "oh how sweet.. akina iha at ipapahain natin iyan.. thank you" sabay beso ulit kay carol

AKO: "naynay kakabeso niyo lng kanina"

NAYNAY: "oh sorry i forgot..hehe" sabay pasok

AKO: "musta kana? halika dito sa tabi ko, upo ka"

Halatang namumula si Carol nung mga sandaling iyon, pero nakadagdag ito sa mala angel niyang ganda.

CAROL: "ok naba ang pakiramdam mo? nag alala kasi ako nung sabuhin mong may sakit ka"

AKO: "ok na ko.. malakas pa sa kalabaw to..hehe"

Ayun at nagkapalagayan ulit kami ng loob kaya nakapagkwentuhan kami ng masaya at tuloy tuloy. nagkakatawanan na kami dahil sa mga jokes ko at panay ang pacute ko. napansin ko kasing natatawa siya pagnagpapacute ako kaya lagi kong ginagawa iyon para lagi siyang nakatawa.

Tinawag na kami ni naynay para managhalian. Mejo nahihiya pa si CAROL kaya hinawakan ko ang kamay niya at inakay ko siya papasok. Di ko maintindihan pero parang nawala ang lagnat ko ng dahil lng sa masarap na pakikipagkwentuhan.

Magkatabi kaming naupo sa mesa ni CAROL. Nahihiyang kumuha si carol ng pagkain kaya ako na ang naglagay ng mga iyon sa pinggan niya.

AKO: "e2 gusto mo ba to?"

CAROL: "hmm cge"

AKO: "yan.. kain kana.. pagkatapos natin kumain nood tayo ng movie sa kwarto ha? gusto mo?"

Nagliwanag naman ang mukha ni carol at nasiyahan sa narinig. Nakakatuwang makita siya ng ganun.

Pagkatapos naming kumain ay dumerecho na kami sa kwarto ko, pinapili ko siya ng movie na gusto niyang panoorin habang ako naman ay nagbukas muna ng pc para tingnan ang friendster account ko.

Pinagsisihan ko ang ginawa kong pagbubukas ng account ko, inaccept ko ang frend request ni Chris and i saw a lot of pictures nila ni mimi doon.Gaya nila Bugoy ay Matagal na pala silang magnobyo. Halata at basang basa sa mga mata nila ang pagmamahal. Natukso din kasi akong tingnan ang account ni Bugoy at nakita ko din doon ang mga litrato nila ni jessa.

Pinatay ko nalang ang pc dahil alam kong iiyak ako pagpinagpatuloy ko pang magbrowse. Pakiramdam ko anytime ay maiiwan talaga akong mag-isa kaya ngayon palang ay dapat ko nang ihanda ang sarili ko para doon.

CAROL: "lando.. may iniisip kaba? baka nakakaabala ako sayo"

AKO: "ah naku hindi ah...hehehe nakapili kana ba?"

CAROL: "Hindi eh.. mas gusto kong magkwentuhan nalang tayo"

AKO: "cge cge tara dito tayo sa bed, para makahiga din ako..hehe"

Hindi ko alam pero ipinakita ko sa kanya ang pagakatago tago kong picture album ko mula bata ako. Tawa kami ng tawa sa itsura at oufit ko sapictures na iyon. Madami akong naikwento sa kanya. Halos bawat larawan kasi ay may itinatanong siya.

Ayun at naubusan na ata kami ng paguusap, kaya pumikit muna ako sandali, pero di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay nagulat at nag-alala ako dahil sa nakakahiyang nakatulugan ko si Carol. Nang hagilapin ko siya ay wlang dahilan akong nakaramdam ng pagkahabag sa kanya. Nakita ko siyang tulog din at nasa tiyan ko ang ulo niya habang nakayakap sakin ang isa niyang kamay.

Hinayaan ko siya sa ganoong posisyon at nakatulog din naman ako ulit.

Napahaba ang tulog namin dahil 7pm na ng magising ako at ilang saglit ay nagising na din si Carol.hehehe

CAROL: "so.. sorry nakatulog ako" nahihiya niyang sabi

AKO: "ah eh.. ok lang" mejo nahihiya ko ding sagot kasi nakayakap pa siya sa akin.

CAROL: "sorry" sabay bitiw sa pagkakayakap sakin

AKO: "o...ok lng..napasarap tulog natin, malamig kasi..hehehe" pagpapagaan ko sa sitwasyon

Carol: "oo nga eh.."

Napansin naman namin ang pagbukas ng pinto at nakita ko si naynay na pumasok.

NAYNAY: "oh gising na pala kayo, maghahatid sana ako ng meryenda kanina kaso natutulog kayo parehas kaya di ko na kayo ginising... oh how lovely"

AKO: "nay naman eh.." mejo nahihiya kong sabi

Napagdesisyonan namin na sa bahay nalang din maghaponan si carol at ihahatid nalang namin din si carol pauwi sa kanila.

Pagkatapos maghaponan ay sinamahan ko si carol pauwi, mejo ok na naman ang pakiramdam ko nun kaya naglakad kami parehas. Nagpaalam kami sa isa't isa sa tapat ng gate nila at laking gulat ko ng halika niya ako sa pisngi.

Naglalakad ako mag-isa pabalik ng bigalng may humila sa kamay ko.

AKO: "bu..bugoy?" mejo inaaninag ko pa kung siya nga iyon

BUGOY: "akala ko ba may sakit ka pa?" madilim ang mukha niya at galit

AKO: "mejo ok na ko... hinatid ko lang si carol pauwi"

BUGOY: "nobya mo ba siya lando, wag na wag kang magsisinungaling sa akin" nakita kong nanginginig ang kamao niyang handang isuntok sa kahit saan.

AKO: "kaibigan ko lng siya bugoy, nakilala ko siya sa..............."

BUGOY: "sinungaling!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay suntok sa puno ng niyog malapit sa amin

AKO: "hoy!!!! di lalaban sayo yan"

BUGOY: "pinuntahan kita kanina pagkagaling ko sa school, nakita ko kayong natutulog ng nakayakap siya sayo, tingin mo maniniwala akong magkaibigan lang kayo ha?"

AKO: "cge sabihin na nating ganoon na nga? anu ba ang problema mo doon?.. bakit bugoy? ikaw lng ba ang may karapatang sumaya ha? nung naging kayo ni jessa? nakita mo ba akong nagkaganyan?.. ang hirap sayo makasarili ka kasi gusto mo ikaw lng masaya" tuluyan ng dumaloy sa mata ko ang luhang masagana.

BUGOY: "La..lando..makinig ka"

AKO: "anu bugoy?... ayoko na eh.. nakikiusap ako, itrato mo akong kaibigan kung kaibigan lng talaga tayo.. wag ka magreact ng ganyan kasi itong loko loko kung puso ay pinapaasa mo lng sa wala" sabay talikod habang luhaan padin ako.

BUGOY: "ganyan na lang ba kadali sayo lando ha?!!! lando!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Di ko na siya nilingon at baka mas lalo lang akong masaktan sa mga possibleng mapag usapan namin.

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip sa nangyari samin ni Bugoy. Punong puno ako ng kalungkutan sa puso dahil dun.

Kinabukasan ay pinilit kong maging masigla papasok ng school.

CHRIS: "magaling kana pala" sarkastiko niyang sabi

AKO: "yeah" sabay upo

CHRIS: "huh?"

AKO: "anu yun?"

CHRIS: "that was carol di ba?"

AKO: "saan?"

CHRIS: "katabi mo sa kama kahapon"

AKO: "ah oo, binabantayan niya ko"

Dumalaw din pala ang mokong kahapon at nakita kami. Ayoko nang makipagdiskosyun kaya naginig isang tanong isang sagot nalang din ako kay chris.

Buong araw ay hindi ko pinansin si Chris. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay naalala ko ang mga litrato nila ni mimi. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi ko pag-aari ang taong ito. Kaya mabuti pang sa early as now ay iwasan ko na ang sakit na alam kong isang araw ay darating at malamang ay di ko kayanin iyon.

5PM..........................

CHRIS: "landzz.. anu ba problema?.. ba't di moko pinapansin? hinitay kita kanina nung lunch break"

AKO: "ah sorry di ko nasabing nagbaon ako" pagsisinungaling ko

CHRIS: "ganun ba? tara hatid na kita"

AKO: "anjan na sundo ko..salamat" sabay nauna na kong ngalakad

Hinabol ako ni Chris at hinawakan ang kamay ko.

CHRIS: "Lands may problema ba tayo? please wag mo naman ankong ganitohin oh" umiiyak si chris na labis kung ikinagulat.

Nataranta ako sa pag iyak niyang iyon kaya hinila ko siya papasok sa malapit na room sa amin.

AKO: "walang problema chris.. wag ka umiyak dahil walang dapat iyakan"

CHRIS: "meron lands... nararamdaman kung lumalayo ka sakin" iyak padin

AKO: "hindi" pagsisinungaling ko

CHRIS: "hindi ako manhid landzz, Sino ba dahilan? si Bugoy ba? o si.....si carol na yun"

AKO: "diyos ko naman chris (naiyak na din ako).. pati ba naman ikaw?.. wag naman kayong ganyan kay caro oh"

CHRIS: "inaagaw kana niya sakin landz"

AKO: "isa ka pang madamot chris.. isipin mong si carol ay si mimi, yun nalang chris, yun nalang ang alam kong paraan para maintindihan moko" umiiyak ako

CHRIS: "hindi landsss ayokong isipin yun.. ayoko!!!!!!!!"

Wala akong naisagot at umiyak nalang ako at tumakbo palayo.

Nagpatuloy kami sa ganoong sitwasyon, patuloy kong iniwasan si chris at bugoy para isalba ang sarili ko sa possibleng pagkadurog at patuloy naman akong napalapit kay carol. Patuloy din ang sakit sa dibdib ko dahil madalas kong makita si Bugoy with jessa at Chris with mimi. Pagkasama nila ang mga babaeng iyon ay waring di ako nag eexist sa mundo. Although madalas silang magtext at tumawag sa akin ay pinilit kong maging civil na lamang.

Sa bahay ni Carol ay nakakalimutan ko sila pansamantala at nagiging masaya ako. parang comportable ako kay carol at masaya akong kasama siya. Siya lang ang kaisa isang taong nagpapasaya sa akin.

Anjan ang ipagluluto niya ako. Minsan minamasahe pa ako pag alam niyang pagod akong dumadalaw sa kanya. Lagi din kaming nagsisimba at namamasyal sa park.

Sa bahay nila carol, sabado ng gabi, nasa kusina kami at tinutulungan ko siyang maghanda ng dinner namin ng bglang nawalan siya ng malay..

Agad ko siyang nilapitan at binuhat.

AKO: "Carol?? carol!!!!! carol gumisng ka!!!, yaya meding si carol po!!!!!!!!!!! yaya meding!!!!!!!!"

Agad namang pumunta si yaya meding at napahagulgol ng makita si carol.

AKO: "dalhin natin siya sa ospital yaya meding dali, ipahanda niyo na ang sasakayan!!!!"

YAYA MEDING: "opo sige po"

Nasasasakyan kami paponta ng ospital ay yakap yakap ko si carol habang umiiyak kami ni yaya meding.

CAROL: "la...lando..sa salamaat ah.. gi..ginawa mong masa..ya ang natitira kong oras sa mundo" lumuluha siya

Hindi ko maintindihan ba't sinasabi niya iyon.

AKO: "carol wag mo sabihin yan oh.. gagaling ka, malapit na tayo sa ospital" humahagulgol na ko dahil sa mga katagang sinabi niya.

CAROL: "alam ni yaya meding ang si..sinasabi ko..lando..i'm sick matagal na.... a..alam ng diyos ayo..ayoko pa mamatay.. ayaw ko pang ma..ma..mawala dahil gusto kitang makasama ng matagal..... la..lando ba..go pa mahuli ang lahat.. gusto kong malaman mong mahal na mahal kita.. si..simula bata pa tayo mahal na kita.. palihim kitang pinagmamasdan mula sa malayo, lagi kong dinadasal na sana makausap man lang kita... mabait padin ang diyos dahil higit pa dun ang pinagkaloob niya"

Wala akong maisagot at hagulgol lng ang nagagawa ko..

AKO: "manong bilisan mo!!!!!!!!!!!!" Carol, wag moko iwanan please... carol"

Pagdating sa ospital ay agad naming ipinasok si carol at agad siyang tiningnan ng mga doctor doon habang sa labas lang kami naghihintay.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor.

AKO: "Doc kumusta na siya? pwede naba namin siyang makita?"

DOC: "may DNR order na pala ang pasyente"

AKO: "huh? anu po iyon doc?"

DOC: "do not resusitate order.. ibig sabihin ay pag inatake siya ay di na siya pwedeng i revive dahil magiging useless lng ito at mas maapapabilis lng ang buhay ang pasyente"

AKO: "anu po ang ibig sabihin niyo doc?" tumutulo na ang luha ko.

DOC: "while we were checking on here status, bumigay na ang katawan niya.."

AKO: "Doc? gawin niyo po ang lahat please"

DOC: "she's gone iho..I'm sorry"

Nakita kong inilalabas na ang isang stretcher na may sakay na nakatakip ng puting kumot ang katawan.

Pinigilan ko iyon, at ng tanggalin ko ang takip sa mukha ay halos di ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko.

Ang maganda kong anghel, ang nag iisang anghel ng buhay ko ay nasa harap ko ngayon at wala ng buhay. Para akong batang humahagulgol at at niyakap ko ang katawan ni CAROL habang nasa likod ko naman si yaya meding na umiiyak din at nakawak sa braso ko para kalmahin ako.

AKO: "cAROL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! wag moko iwan!!!!" at patakbo kong nilisan ang ospital, tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko alam san ako papunta, sa pagod ay natagpuan ko ang sariling naglalakd na lng sa daan at pagtingala ko ay nasa tapat na ko ng bahay nila carol

Pumasok ako sa bahay nila. GUard at isang katulong lang ang nandoon. Umakyat ako sa kwarto ni Carol. Pagbukas ko ng pinto ay sari saring mga ala-ala ang nanumbalik, ang masayang mukha niya habang nagkkwentuhan kami. nakita ko ang teddy bear na pinagtulungan naming gawin. Ang mesa kung san nain pinagsasaluhan ang malalaking hotdog na paborito ko. Ang kwartong punong puno ng larawan ko. Napaupo ako sa sulok ng kwarto at walang tigil na umiyak...

AKO: "diyos ko........... lagi niyo nalang po akong binibigyan ng pasakit. Pero hindi ko po alam kong kakayanin ko ang pagkuha niyo kay Carol, siya lang po ang nagpapasaya sa akin.. paano na ako ngayon" humahagulgol padin ako.

Hindi ko namalayang inabot ako ng kinabukasan sa sulok ng kwartong iyon.. tunog ng tunog ang dalawa kong cp at di ko pinapansin iyon. Tingnan ko iyon puro number ni naynay, kuya, bugoy at chris ang nandun.. nag aalala na siguro silang lahat sa akin.

Muli ay itinabi ko ang cp at nagiiyak muli. napansin ko ang pagbukas ng pinto at nakita kong iniluwa niyon si Tito Fred, ang papa ni Carol.

Nilapitan niya ako at umiiyak niya akong paluhod na niyakap. Napahagulgol na din ako dahil ramdam ko ang lungkot sa puso ni tito fred..

Tito Fred: "isipin nalang natin na masaya na siya ngayon sa piling ng diyos" lumuluha padin

Hindi gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niyamg iyon. Mabigat padin ito at punong puno ng lungkot.

nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya ay nakita ko sa likod niya si naynay na umiiyak din.

Nandoon din pala si CHRIS at BUGOY nakatingin sa akin..........................

Itutuloy.....................................................

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...