Tuesday, September 30, 2014

PARAFFLE 15


By: Mike Juha
At nangyari uli ang kagaya ng unang nangyari sa amin sa siopao incident. Pero, hanggang doon lang. At pagkatapos noon, parang wala lang ding nangyari. 

Ang totoo, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang status namin. Pero... ok na rin ang ganoon kasi nga, ayaw kong ma-attach sa isang homosexual na relasyon. Ayokong maging bakla. Bagamat inamin ko na kay Fred na mahal ko si Aljun, ayaw kong sabihin ito sa kanya dahil ayaw ko. Hanggang kaya ko ay hindi ako bibigay at hindi magpaalipin sa naramdaman ko sa kanya. At siguro naman ay hindi bakla si Aljun. Hindi niya kayang panindigan ang relasyon kung sakaling magkaroon kami ng relasyon. Sigurado ako d’yan. Baka nga kapag may iikot na tsismis o eskandalo tungkol sa amin lalayuan na ako niyang bigla. Iiwasan, magbago ang ihip ng hangin. Imagine, ang isang hunk na campus personality, matalino, council president na kinababaliwan ng mga babae at bakla ay isa palang taong pumapatol sa kapwa lalaki? Ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanya? Napakalaking “Ewwww!” talaga. Baka i-condemn siya ng mga estudyanteng umiidolo at tumitingala sa kanya. Baka pandirihan pa nila siya. 

Kaya sa tingin ko ay tama lang na wala kaming commitment sa isa’t-isa. Sweet pero walang malisya. Naghahalikan pero walang relasyon. Sobrang close sa isa’t-isa pero hindi magsyota. No string attached pero nagseselosan. Sinasabi sa isa’t-isang “Ok lang kung maggirlfriend ka” ngunit sa loob-loob ay nasasaktan. Pero... ok pa rin iyon. Sa mata ng mga tao ay wala kaming relasyon. Iyan ang official. Hindi kami.

At balik na naman kami sa dati; close at sweet pero wala lang... At tungkol naman sa scandal tape, ang payo na lang ni Aljun ay hayaan na lang ito dahil hindi naman daw siya apektado kasi, lalaki siya at walang mawawala. “Kung ang ibig palabasin ni Giselle sa pagpapalabas niya o nila sa video na iyon ay ang ipaalam sa mga tao na magsyota kami o iniisip niyang sa ginawa nila ay lalapit ako sa kanya at magmakaawa, mabibigo siya dahil hindi ako lalapit sa kanya. Kahit ilabas pa sa sinehan ang video na iyon, manunuod pa ako sampu ng aking mga barkada.” Ang sabi ni Aljun.

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 11

by: DALISAY
CHAPTER 11 (The Break-up)

"This is all your fault!"
"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."
"Ikaw ang sumuntok kay Monty."
"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."
"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."
"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"

TASK FORCE ENIGMA 7

By: Dalisay
NAIINIS na tinalunton ni Rovi ang dalampasigan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Paano niyang nagawang pagsamantalahan ang isang taong natutulog? O mas tamang sabihing pinatulog niya. Naguguluhan na napaupo siya sa buhanginan.

Its been so long since he last kissed a straight guy. At ayaw na niyang maalala ang tagpong iyon pero parang makulit na lamok na pilit na dumadapo sa kanyang balat para makasipsip ng dugo ang pagdagsa ng ala-ala sa kanyang isipan.


Mahigit anim na taon na ang nakakalipas ng minsang hayaan niyang mainvolved ang sarili niya sa isang lalaki. Kay Allan. Kasamahan niya itong pulis. Bago lang sila pareho sa pulisya. Tago pa noon ang kanyang pagkatao. Hindi pa nabubuo ang TFE ng mga panahong iyon.

Magandang lalaki si Allan. Kamukha ni Cogie Domingo. Maaaring mas gwapo pa nga. Nang minsang ipatawag sila ng hepe nila ay nagulat siya ng malamang ito ang ipa-partner sa kanya. Nakikita na niya ito dati pero hanggang tanguan lang ang kanilang nagiging engkwentro sa isa't-isa. Kaya naman talagang laking-gulat niya ng ito ang magiging opisyal na niyang kasama sa mga misyon.

"P01 Pineda, ito si P01 Yuno. Kayo ang bagong magkakasama sa Homicide Division. Paki-kuha na lang sa sekretarya ko ang details ng mga assignment ninyo. Marami kasing bagong kaso kaya hahayaan na namin ang mga baguhan sa pag-aasikaso ng mga iyon. Do you copy?" anang hepe nila.

"Yes Sir." magkapanabay pa nilang tugon nito.

LANCE NA LANG PARA POGI 6

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Nakita ko din si Chris at Bugoy na nakatingin sa akin.

NANAY: "Lance anak, kagabi kapa namin hinahanap alalang -alala na akami sayo" umiiyak parin

AKO: "naynay, panu na ko ngayon?. wala na siya nay" humahagulgol ako sa lungkot

NANAY: "anak alam ko wala akong magagawa sa ngayon para pagaanin ang loob mo, alam kong minahal mo na din siya kaya nasasaktan ka ng ganyan"

Unang beses kong narinig si nanay na nagsalita at kinausap ako ng seryoso.

AKO: "nay, kaya ko po kaya to?" nakayakap padin ako sa kanya na parang musmus na batang di alam ang gagawin

Sa mga oras na iyon tumatakbo sa isip ko ang mga alaala namin ni Carol na magkasama and at the same time ang pagkabahalang panu ko lalabanan ang nararamdaman ko para kay Bugoy at Lance ng hindi nasasaktan. pumasok na sa isip ko noon na turuan ang sarili kong mahalin si Carol at di naman ako nabigo, minahal ko siya pero bago pa man tuluyang malimutan ng puso ko ang nadarama ko para para kay Chris at Bugoy ay kinuha naman sakin si carol.

Lumipas ang mga araw ng burol ni Carol, pumapasok ako tuwing umaga sa school at derecho naman ako sa Burol after class. Lagi akong nakatayo sa harap ng kabaong niya habang sa isip ko ay kinakausap ko padin siya.

AKO: "carol, salamat...salamat sa sandaling inukol mo para paligayahin ako, alam mo carol? (pinipigil ko ang pag iyak).. miss na kita, ikaw lng ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako kahit hindi tayo magkasama ay lagi mo pinaparamdam sakin na you always cared for me" tuluyan na akong lumuha

HIRAM NA PAGMAMAHAL 3

Naalimpungatan ang dalawa sa katok na narinig nila sa pinto. "Hoy ala-10 na wala ba kayong balak gumising," ang sigaw ng tiyahin sa labas ng kwarto.

Nagulat pa si Rex dahil pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nakayakap pa rin siya sa katawan ni Junard na nang mga sandaling iyon ay gising na rin at nakangiti sa kanya. Isang mahinang "good morning" ang ibinati nito sa kanya. Napaigtad si Rex dahil sa kakatwang
sitwasyon nila at natakot siyang baka buksan ang pinto at mahuli sila ng kanyang tiyahin.

"Opo auntie, andyan na. Napasarap po ang tulog namin," pasigaw na sagot naman ni Rex.

Bumangon na sila at nakita pa niyang nakabukol ang harapan ni Junard dahil sa nakatulog nga itong walang suot na briefs. Sinabihan niyang mag-ayos ito bago bumaba at baka punahin iyon ng kanyang auntie at uncle.

Nakahanda na ang almusal ng pumanaog si Junard at muli ay abut-abot ang paghingi ng paumanhin dahil sa abala na naidulot niya sa mag-anak. Sinabi naman ng tiyahin ni Rex na walang anuman iyon at makabubuti pang kumain muna bago siya umuwi. Magkaharap sa mesa ang dalawa nang umupo para mag-agahan. Halos di makatingin ng diretso si Rex kay Junard dahil nga sa nangyari kagabi.

Nag-aayos na si Junard sa kwarto nang muling pumanhik si Rex para tanungin kung handa na siyang umalis. Nagsusuot na lang ng sapatos niya si Junard nang datnan siya ni Rex duon.

"Ehhh, kuya, yung tungkol kagabi, kasi," panimulang sabi ni Rex.
"Shhh, wala yun. Naiintindihan kita. So pano, maraming maraming salamat sa abala at pag-estima sa akin. Di ko malilimutan ito," ang sabi naman ni Junard.

ANG FRESHMAN, ANG SOPHOMORE AT ANG VETERAN 9 - FINALE

By: Dalisay
Maagang nagising si Aki. Actually hindi talaga sya makatulog ng maayos ng ilang araw. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa kanila ni Raf. Nalulungkot sya ka pag naiisip na baka magbago ang pakikitungo nito sa kanya matapos ang pangyayari. Parang ayaw nyang pumunta sa practice pero hindi pwede. Next week ay dress rehearsal na nila at pep rally na rin, kaya kahit may alinlangan ay nag handa na rin sya para sa practice. Matapos maka pag bihis at maihanda ang mga gamit ay tulyuang lumabas sa kanyang kwarto. Sinalubong sya ng kanyang Mommy pag baba nya sa hagdanan.

“Anak, gising ka nap ala. Kanina pa may nag aantay sa’yo sa labas. Pinapa pasok ko nga pero ayaw naming pumasok.” Ang Mommy nya.

Nagtaka sya kung sino ang nag aantay sa kanya. Wala namang nag sabi sa mga ka Pep nya na sasabay sa kanya papuntang school. Ilang members din kasi ang nakatira sa subdivision kung san sila nakatira. 

“Ganun po ba. Aalis na po ako. Pakisabi na lang p okay Daddy. Sa school na lang ako kakain ng breakfast.” Si Aki. Humalik sya sa Mommy nya at lumabas ng bahay. Nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya sa labas. Hindi nya alam kung anu ang mararamdaman nya, nakatayo ito sa harapan ng gate nila. Nakangiti sa kanya. Gwapong gwapo sa suot nyang yellow na tshirt at khaki pants. Napako ang tingin nya dito, pakiramdam nya nanigas nya sya sa kinatatayuan.

“Anu ba yan. Ngayon na nga lang tayo nagkita after 1 week tapos ganyan ka pa” si Austin.
“Adik ka kasi. San ka bang planeta nag punta ha?! Ni paramdam ng malamig na hangin wala..” si Aki. “Malamig na hangin? Anu ako, patay?” si Austin.
“Halika na nga, baka malate ka pa sa practice mo.” Si Austin ulet.

Habang nasa byahe ay kinuwento ni Austin kung saan sya nanggaling at bakit sya hindi nagparamdam dito ng isang buong linggo. Sinabi ni Austin na may inasikaso siya sa probinsya at hindi nya na nagawang mag paalam dito pero ang totoo ay umalis sya ng bansa for 3 days para makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag ibig nit kay Aki. 

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...