Tuesday, September 30, 2014

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 11

by: DALISAY
CHAPTER 11 (The Break-up)

"This is all your fault!"
"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."
"Ikaw ang sumuntok kay Monty."
"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."
"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."
"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"



"Matagal ko ng ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go. Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."

"At ikaw ang makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap ng para sa'yo."

"Si Monty ang para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"

"So inaamin mo ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"

"Again, hindi sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."

"Never."

Nananakit ang ulong dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya. Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.

"A-aray!"

Naalala niyang nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.

Hinanap niya ang gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.

"Gising ka na pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.

"Opo."

Tumingin siya sa dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya. Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong sang-ayunan ng kanyang isip.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang nasaktang pisngi.

Tumango siya. Nanakit na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan niya.

"I'm okay friend."

"Good. Kung bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Natawa siya sa ginawi ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap. What you see is what you get.

"Hay naku friend. Wala ka talagang kupas."

Napatigil naman ito sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss kita friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.

"Sorry rin friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.

"Keri lang teh. Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni Dyamante." sabay turo kay Orly.

Parang nanikip ang dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya. Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.

"H-hi... Kamusta ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.

"Hindi okay." tapat niyang sabi.

"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.

"I'll live Orly. Pasa lang ito. But I think we have to talk."

Biglang nalito ang ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.


Hindi mapakali si Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo sa kanya ni Monty sa kanya. Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.
Kanina, ng makita niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.

Anong kaba niya ng makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin ang mga nakahrang na estudyante sa daan.

Tama naman si Ronnie. Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa isang sinehan. 

Isinumbong niya ang pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay masaya ito sa pagiging bisexual.

Kaya naman ng makita niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.

Sumakto naman, ang naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.

Minalas lang na nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito sa awayang iyon.

Besides, hirap man siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito. 

Hindi man nagtatanong ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.

Ang hindi lang niya inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya. Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.

Nakarating na sila sa bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Orly..."

"Monty..."

Katahimikan. Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito. Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.

"Orly. Totoo ba ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"

"Pet..."

"Stop calling me Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.

Napabugha siya ng hangin. "Alin doon?"

"All of it. Are you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa bawat salita.

"Yes. Pinsan ko siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."

"Spare me the explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako nagmahal sayo diba?"

"Pet..."

"Orly stop. Stop calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.

Natataranta na naman siya pagkakita ng mga luha nito.

"Pet don't cry."

"A-akala ko. Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi, kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.

"Pet.." sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.

"Tama na Orly. Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."

"Monty..."

"Isang tanong na lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"

Napayuko siya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin siya paniniwalaan nito.

"I'll take that as a yes." 

Marahas na napaangat siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong magpaliwanag." apela niya.

"No Orly. Tama na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang patid sa pagtulo.

"Monty..."

"You know what Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."

Suminga ito sa panyong dala.

"Maybe I should thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong manloloko."

"Pet..."

"Drop the endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.

Itinulos siya sa kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.


"Suko na ako Orly. Isinusuko na kita..."

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...