Tuesday, September 30, 2014

ANG FRESHMAN, ANG SOPHOMORE AT ANG VETERAN 9 - FINALE

By: Dalisay
Maagang nagising si Aki. Actually hindi talaga sya makatulog ng maayos ng ilang araw. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa kanila ni Raf. Nalulungkot sya ka pag naiisip na baka magbago ang pakikitungo nito sa kanya matapos ang pangyayari. Parang ayaw nyang pumunta sa practice pero hindi pwede. Next week ay dress rehearsal na nila at pep rally na rin, kaya kahit may alinlangan ay nag handa na rin sya para sa practice. Matapos maka pag bihis at maihanda ang mga gamit ay tulyuang lumabas sa kanyang kwarto. Sinalubong sya ng kanyang Mommy pag baba nya sa hagdanan.

“Anak, gising ka nap ala. Kanina pa may nag aantay sa’yo sa labas. Pinapa pasok ko nga pero ayaw naming pumasok.” Ang Mommy nya.

Nagtaka sya kung sino ang nag aantay sa kanya. Wala namang nag sabi sa mga ka Pep nya na sasabay sa kanya papuntang school. Ilang members din kasi ang nakatira sa subdivision kung san sila nakatira. 

“Ganun po ba. Aalis na po ako. Pakisabi na lang p okay Daddy. Sa school na lang ako kakain ng breakfast.” Si Aki. Humalik sya sa Mommy nya at lumabas ng bahay. Nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya sa labas. Hindi nya alam kung anu ang mararamdaman nya, nakatayo ito sa harapan ng gate nila. Nakangiti sa kanya. Gwapong gwapo sa suot nyang yellow na tshirt at khaki pants. Napako ang tingin nya dito, pakiramdam nya nanigas nya sya sa kinatatayuan.

“Anu ba yan. Ngayon na nga lang tayo nagkita after 1 week tapos ganyan ka pa” si Austin.
“Adik ka kasi. San ka bang planeta nag punta ha?! Ni paramdam ng malamig na hangin wala..” si Aki. “Malamig na hangin? Anu ako, patay?” si Austin.
“Halika na nga, baka malate ka pa sa practice mo.” Si Austin ulet.

Habang nasa byahe ay kinuwento ni Austin kung saan sya nanggaling at bakit sya hindi nagparamdam dito ng isang buong linggo. Sinabi ni Austin na may inasikaso siya sa probinsya at hindi nya na nagawang mag paalam dito pero ang totoo ay umalis sya ng bansa for 3 days para makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag ibig nit kay Aki. 


Pero ang akala nyang makakapagpa limot sa kanyang pagmamahal kay Aki ay lalo lamang tumindi dahil sa loob ng 3 araw ay puro si Aki ang nasa isip nya habang nasa ibang bansa sya. Doon napagtanto ni Austin na hindi nya kayang lumayo kay Aki. Tinanggap na nya na kung hindi man tanggapin ni Aki ang pagmamahal nya ay sinabi nya sa sarili na mag aantay sya hanggang sa dumating ang araw na mahalin din sya nito. Ganun nya kamahal si Aki, handa syang mag antay at magtiis. 

“So, kamusta ka naman? Anung balita sa’yo?” pag putol ni Austin ng katahimikan. “Okay naman. Eto na miss ka.” Si Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. Kahit papano ay sulit din pala ang byahe nya dahil na miss din pala sya ng taong patuloy nyang minamahal.

“Weh? Di nga? Parang hindi naman. Wala nga akong na receive na kahit isang message sa’yo sa Facebook.” Si Austin. “Di wag kang maniwala. At saka malay ko ba na nag fa facebook ka. Di nga tayo friends doon eh. At saka araw- araw kitang tinatawagan at tine text pero di ka nasagot at out of coverage area ka.” Si Aki. “Daming sinabi. Binibiro lang eh. Meron ka ba ngayon?” biro ni Austin. “Adik! Nagugutom lang ako. Kaya ganito ako. Heheheh!” si Aki. “Tara daan tayo sa drive thru para makapag breakfast na rin tayo bago ka mag sayaw at magtata tumbling doon sa gym.” Si Austin.

Dumaan sila sa isang fastfood at bumili ng makakain. Simpleng sandwich at orange juice ang binili nila para madaling kainin sabi ni Aki. Kumakain sila habang nasa byahe. May mga time na sinusubuan ni Aki si Austin dahil busy ito sa pag da drive. Naubos nila ang pagkain at saktong nasa school na sila, nag park si Austin ng sasakyan at sabay silang bumababa sa sasakyan. Nasalubong nila ang ilang members ng pep squad, at gaya ng unang bisita ni Austin sa practice ay tampulan sila ng tukso ng mga ito hanggang sa makarating sa gym.

Pagsapit nila sa gym ay kanya kanya na silang lapag ng gamit para mag warm up. Si Austin naman ay naupo sa isa sa mga bleachers sa loob ng gym.

Nagsimula na rin magdatingan ang iba pang members at ilang minuto pa ay dumating na rin si Raf kasama si Darwin. Hindi nagpansinan sila Raf at Aki, naiilang sila sa isa’t isa at hindi nila alam kung paano sila maguusap pagkatapos ng nangyari. Hindi na lang pinansin ni Aki ang atmosphere sa kanila ni Raf, nag focus na lang siya sa practice nila. Nagsimula na ang practice, lahat seryoso at focus. Lahat enjoy sa ginagawa nila. Well polished na ang routine at kitang kita na handa na sila para harapin ang darating na Elimination round. Matapos ang ilan pang pasada ay nag water break ang team for 15 minutes. Mabilis na lumapit si Austin kay Aki dala ang isang bote ng mineral water at isang towel na di naman kalakihan. Muli puro tukso at kantyawan ang kanilang narinig mula sa mga kasama ni Aki sa pep squad. Ngiti na lamang ang isinagot nila sa mga ito.

“Bagay kayong dalawa, bakit kasi hindi na lang totohanin eh.” Si Darwin na kanina pa katabi ni Austin sa bleacher. “Naku, Darwin tumigil ka nga dyan, pati ba naman ikaw.” Si Aki. “Bakit? Wala namang masama ah. Unless may iba kang gusto, Aki.” Si Darwin ulet. Natigilan si Aki sa sinabi ni Darwin, bigla syang napalingon kay Raf na kausap sa mga ibang members ng team. Nakita ni Austin ang reaksyon ni Aki at ang pagtingin nito sa direksyon kung nasaan si Raf. Hindi na lamang nya ito pinansin, bagkus ay kinuha nya sa kamay ni Aki ang towel at sya ang nag punas ng pawis nito sa mukha. Nagulat si Aki sa ginawa ni Austin pero hinayaan nya lamang ito para hindi mapahiya sa mga kasama sa squad. Matapos ang water break ay muli silang nag practice. Polishing ng stunts at pyramids pati na rin ang mga running tumblings nila. Matapos ang higit sa isang oras ay tinawag ni Ra fang buong team para sa isang meeting. 

“Okay guys, half day lang tayo ngayon kasi ang iba sa inyo ay may Departmental Exam sa Monday. So, kailngan nyo ng sapat na oras para magpahinga at mag araal. After this meeting pwede na kayong umuwi. At diretso sa pag uwi ah, wala ng gagala kung saan saan. Okay?” si Raf.

YES, KUYA RAF! Sabay sabay na tugon nila.

Matapos ang ilan pang paalala ay dinis miss na ni Raf ang practice. Sinabihan ni Aki si Austin na antayin siya sa may parking area. Sinunod naman siya ni Austin. Habang nagbibihis si Aki ay pumasok si Raf, doon lang napansin ni Aki na sila lang dalawa sa loob ng looker area sa gym. Habang nagpapatuyo ng buhok si Aki ay wala pa rin silang imikan ni Raf na sya namang naghahanda para mag shower. Walang balak si Aki na kausapin si Raf o kahit batiin ito, hindi nya alam kung paano mag sisimula ng conversation dito. Palabas na sana sya nang biglang mag salita si Raf.

“Aki.. wait.” Si Raf. Hindi sumagot si Aki. Hindi nya alam ang gagawin at maaring mangyari. Iniisip nya na baka galit sa kanya si Raf. Hindi sya sumagot sa halip ay nanatili syang nakatayo patalikod kay Raf. “I just wanna say sorry for what happned last Monday.” Si Raf habang nakatingin sa likuran ni Aki. “Kasalanan ko, kasi hinayaan kong mangyari un. Dapat pinigilan kita.” Si Raf ulet. Huminga ng malalim si Aki bago sya nag salita. “Kasalanan ko rin naman eh. Ginusto ko ung nangyari. Kasi gusto kita noon pa. Actually hindi lang gusto… MAHAL na KITA, Raf..” si Aki. Lumungkot ang mukha ni Raf sa narinig, bagamat hindi ito nakikita ni Aki. 

Tama nga si Raf sa hula nya, pag magkasama sila ni Aki ay iba ang mga ngiti sa mga labi at mata nito. Alam nya dahil ganito sya pag kasama nya si Darwin. Lalapit n asana si Raf kay Aki nang bigla itong mag salita. “Alam ko na hindi ako ang gusto mo, nararamdaman ko. Pero kahit ganun hindi nagbago pagtingin ko sa’yo. Masakit tanggapin na ang taong pinaka mamahal mo eh iba ang gusto at minamahal.” Si Aki. Napa buntong hininga na lang si Raf sa mga sinabi ni Aki. Ramdam nya ang sakit sa bawat salitang binigkas ni Aki. “Am so sorry, Aki. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa’yo. May mahal na akong iba. Si Darwin ang mahal ko at walang magbabago dun.” Malungkot na sabi ni Raf.

Sa pagkakataon nay un ay hindi na napigilan ni Aki ang lumuha pa. Naramdaman nya ang sakit na hindi pa nya nararamdaman sa buhay nya. Gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig nya. Patuloy ang pag agos ng luha nya, buti na lang at wala ng ibang tao pa sa gym. Di nya namalayang nakalapit na pala si Raf sa kanya, hinwakan sya sa balikat ni Raf para kalmahin sya. “Okay na ako Kuya Raf, at alam ko na magiging okay din ako sa mga susunod pang araw. Wag kang mag alala, hindi ito magiging dahilan para umalis ako sa squad.” Si Aki. Inalis nya ang mga kamay ni Raf sa kanyang mga balikat at tuluyang lumabas sa looker area. Mabilis ang ginawa nyang paglalakad habang pinapahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pag agos mula sa kanyang mga mata. Di na nya halos maaninag ang kanyang nilalakaran, hindi nya rin nararamdaman ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. 

Pag dating sa parking lot ay nandun si Austin at si Darwin na nag parehong nag aantay sa kanila ni Raf. Iniwas nya ang mga tingin nya sa mga ito upang di nila mapansin ang pamumula ng mga mata nya dahil sa pag iyak. Pero sadyang mabilis ang mga mata ni Austin at napansin nito ang kanyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Anung nangyari sa’yo?” takang tanong ni Austin Maging si Darwin ay halat sa ekspresyon ng mukha ang pagtataka. Hindi sumagot si Aki, dumiretso sya sa passenger’s seat ng kotse ni Austin pero bago pa nya maisara ito ay napigilan sya ni Austin. “Hindi tayo aalis ditto hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung anung dahilan ng pag iyak mo.” Matigas na sa bi ni Austin “Di ako naiyak, napuwing lang ako habang naglalakad.” Pag sisinungaling ni Aki

“BULLSH*T!! wag ka na ngang magsinungaling, Aki.” Pasigaw na sabi ni Austin an ikinagulat pareho ni Aki at Darwin. Kitang kita sa mga mata ni Austin ang inis at galit sa pagsisinungaling ni Aki sa kanya. “Anu ka ba?! Sinabi nang napuwing lang ako! Kung ayaw mong maniwala eh di wag!” bulyaw ni Aki kay Austin. “Guys, calm down. Pwedeng pag usapan ito ng maayos.” Kalmang saway ni Darwin sa dalawa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Austin. Magsasalita pa sana si Austin ng biglang dumating si Raf.

“Aki, am really really sorry.. Please. Patawarin mo ako, I didn’t mean to hurt your feelings.” Sunod sunod na sabi ni Raf. “Di ba sabi ko sa’yo okay na ako. Okay lang, Kuya Raf. Naiintindihan ko ang lahat.” Hikbing sagot ni Aki “Anu bang nangyayari ha? Pwede bang ipaliwanag nyo sa amin ni Austin.” Si Darwin

“Kagaya ng sinabi ko kanina, Kuya Raf. Naiintindihan ko kahit masakit. Tatanggapin ko kahit mahirap. Kakayanin ko kahit alam ko na matatagalan akong maka move on.” Sunod sunod na sabi ni Aki. Nakuha agad nila Aki at Darwin ang ibig sabihin ng usapan nila Aki at Raf. Kitang kita sa mukha ni Austin ang galit at pagka inis. Ang taong mahal nya, sinaktan lamang ng taong halos sambahin at paglaanan ng panahon ni Aki. Di na napigilan ni Austin ang sarili. Biglang lumipad ang kamao ni Austin at dumapo sa mukha ni Raf. Napaatras si Raf sa ginawa ni Austin, nang iangat ni Raf ang mukha ay kita ang dugong umaagos mula sa pumutok na labi nito. Nagulat si aki at Darwin sa mga nangyari, kitang kita nila ang dilim sa mukha ni Austin. Susugod pa sana si Austin pero nahawakan na sya ni Aki sa braso habang si Darwin ay humarang na para kay Raf.

“Tumigil ka na, Austin. Please” si Aki. Tinapunan ni Austin ng masamang tingin si Aki na ikinatakot naman ni Aki. Buong akala nya ay sya naman ang makaka tikim ng kamao ni Austin. “Nakikiusap ako sa’yo, Austin. Tama na. Wag mo ng saktan si Kuya Raf.” Si Aki habang umiiyak pa rin. “Bilib din ako sa’yo Aki. Sinaktan ka na ng taong yan pero pinatatanggol mo pa rin? Anu bang meron sya na wala ako ha?!!! Napaka manhid mo, Aki. Napaka manhid mo!!” sigaw ni Austin. Napatakip na lamang ng mga palad nya si Aki sa kanyang mukha. Habang si Darwin naman ay inaalalayan si Raf papunta sa sasakyan nya. Tuluyan ng umalis sila Darwin at Raf at naiwan sila Aki at Austin sa parking lot.

Ilang minuto ng katahimikan ang namagitan kina Aki at Austin habang naka upo sila sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ni Aki ay naubos lahat ng lakas nya sa mga nangyari sa araw na iyon. Si Austin naman ay nakatingin lamang sa labas ng sasakyan. “Austin, uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga.” Si Aki. “Bakit di mo ako kayang mahalin ng higit sa kaibigan?” tanong ni Austin. Hindi sumagot si Aki sa halip ay tinitigan nya si Austin. Kitang kita ni Aki ang lungkot na nararamdaman ni Austin. “Austin..” si Aki. Tumingin si Austin sa mga mata ni Aki. “Aki, mahal na mahal kita at handa akong mag antay para sa’yo.” Si Austin. Ngumiti si Aki kay Austin. “Saka na natin pag usapan ito, Austin. Uwi muna tayo. May tamang oras para pag usapan ito.” Si Aki.

Martes ng umaga, eksaktong alas 8 ng umaga ay puno na ng mga estudyante at mga faculty members at deans ng bawat colleges ang University gym. Lahat excited makita ang pinagmamalaking routine ng DSU Pep Squad. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Pep Rally.

Samantalang sa loob ng quarters ay abalang naghahanda ang mga members ng squad. Lahat ay nakabihis na ng kanilang mga pep squad uniforms. May mga nag wa warm up at ang iba naman ay nag ii strectching. Kasama ni Aki ang ibang member ng squad sa labas ng quarters malapit sa pintuan nito. Nag uusap sila tungkol sa kung gaano sila ka excited sa gagawing pep rally, nagkukulitan din sila tungkol sa uniform nila. Nagkukulitan pa rin sila ng lumapit si Raf kay Aki.

“Ahm.. Aki, you got a minute?” tanung ni Raf. “Sure.” Si Aki. Bahagya silang lumayo sa kung saan andun ang ibang members na kakulitan ni Aki kanina. 

“Bakit, kuya Raf? May problema ba?” panimula ni Aki. “Wala naman, gusti ki lang ulet mag sorry at I goodluck ka.” Si Raf “Wala na yun, kalimutan na natin yun. Siguro nga, hindi talaga pwedeng maging tayo. At saka napag isip isip ko na, tumutingin ako sa iba, eh andyan naman pala ung hinahanap ko sa tabi ko.” Si Aki habang naka ngiti. “Sorry din sa ginanwa ni Austin sa’yo. Masakit ba?” si Aki ulit. “Ahahahah! Hindi naman, pero malakas syang sumuntok ah.” Tawang sagot ni Raf. Tinapos nila ang pag uusap nila sa pamamagitan ng isang yakap, yakap magkaibigan. Narinig nila na nagsalita na ang University President upang ipakilala ang kanilang squad. Hudyat na ito para sa kanila na lumabas sa quarters at maghanda para sa kanilang performance. Isa isa na silang lumabas at pumila ayon sa kanilang posisyon. Naka pila na sila ng dumating si Austin at Darwin. Talaga namang napaka supportive na mga kaibigan itong sila Darwin at Austin. Kinawayan nila Raf at Aki ang dalawa at tumango naman ang mga ito bilang sagot.

“Our beloved students, faculty members and to all College Heads and Administrators, I’am very honored at proud to welcome you all to the DSU Pep Rally for 2010. And without further a do, here they are The DSU Black Condor Pep Squad!!!!” pagpapakilala ng Presidente ng University. Napuno ng hiyawan at palakpakan nag buong gym kasabay ng dugundong ng tunog ng mga drums. Isa isa silang pumasok sa gitna ng gym, hindi maipaliwanag ni Aki ang nararamdaman. Excited sya na kinakabahan, pero smile pa din. Nag simula nang tumutog ang music at isa isa na ring nagliparan ang mga babaeng member ng squad, series of standing back flips, running tumblings at toe touches. Couple of unbelievable stunts at pyramids. Their dance routines were superb, kitang kita sa kanila na nag eenjoy sila sa kanilang ginagwa.

Tuwang tuwa ang lahat, walang tigil ang hiyawan ng mga estudyante at ibang faculty members. Sila Darwin at Austin din ay halos mapatid ang mga ugat sa leeg sa kakasigaw.

Tinapos nila ang routine ng isang pyramid na kung tawagin ay Wolf Wall at doon na halos di magkamayaw ang mga estudyante sa kanilang nakita. Tuwang tuwa ang mga ito at ganun din ang nararamdaman ng mga members ng squad, nagyakapan sila sa tagumpay ng kanilang Pep Rally at sa magandang reaksyon mula sa mga kapwa nila estudyante at mga school’s officials. Sa ganda ng kanilang performance ay hindi malabong makuha na nila ang inaasam na championship. Makalipas ang ilan pang araw ay Elimination round na ng Cheer Fest 2010. Lulan ng official University bus ay tumungo ang buong squad dala ang kompyansa at pag asang makakamit ang unang pwesto sa Elimination round. Malaki din kasi ang porsyento na makuha nila ang kampyonato pag maganda ang score nila sa Elimination pa. Makalipas ang isang oras ay narating na nila ang venue kung saan gaganapin ang Elimination. Pagbaba pa lang nila ay pinagtinginan na sila ng ibang schools, may mga maririnig pang bulungan patungkol sa kanila. Sabay sabay silang nag lakad patungo sa registration area kung saan nasalubong nila ang Marian Guzman Pep Squad. 

“Raf! It’s nice to see you again.” Bati ni Erik kay Raf. “Uy, Erik. Kamuta ba?” si Raf. Nagkamayan ang dalawa samantalang nakatingin naman ang magkabilang squad sa kanila. Su Erik ang head cheerleader ng Mariano. Katulad ni Raf ay huling taon na rin nito sa squad. Konting kamustahan pa at naghiwalay na sila pero bago pa maghiwalay ay nagbilin pa ang mga ito sa isa’t isa. “Raf, pakabahin mo kami sa routine nyo ah. Goodluck!” si Erik. “Oo ba, basta give us the reason to pray hard to win the championship.” Sagot ni Raf. Pareho silang nagtawanan. 

Ilang oras na lang at magsisimula na ang Elimination round. 25 teams ang maglalaban laban pero 5 lamang ang makaka pasok para sa Championship round. Pangalawa sa huli magpe perform ang DSU samantalang pangalawa naman ang Mariano. Matapos ang ilang introduction at pagpapaliwanag ng criteria for judging ay nagsimula na ang contest. Matapos ipakilala ang mga schools na kasali ay tinawag na ang unang magpe perform.

Nagsimula na ang routine ng unang team, simple ang routine ng team na ito. Pero malinis at hataw naman. Natapos ng routine at exactly 8 minutes including the entrance and exit of the squad members sa dance floor. Sa tingin nila Aki ay hindi naman threat ang naunang squad. Ito na ang squad na inaantay ng lahat. Ang defending champion na Mariano Guzman Pep Squad. Lahat ay nakatutok sa ipapakita ng Mariano. Nang makapasok an gang buong team sa gitna ng dance floor ay kitang kita na confident ang mga ito. Ang ganda din tignan ng uniform nila na pinag halong black and red. Sinimulan ng mga ito ang kanilang routine ng 3 sunod sunod na tosses sinundan ng standing back tuck ng mga lalake at front walk naman sa mga babae. Sobrang synchronize lahat ng galaw nila, bawat stunts ay perfect ang executions. Walang error sa mga tumblings at liftings, hataw ang dance routines nila. 

Tinapos ng Mariano ang kanilang routine sa isang 3 level pyramids. Talagang ng set ng mataas na standard ang Mariano sa Elimination round pa lang. Kitnag kita sa ibang school lalo na sa mga baguhan sa contest ang pagka kaba, pero para kina Raf at sa DSU Pep masarap ang laban ngayong taon na ito. Natapos ang routine ng Mariano at confident silang nag exit sa dance floor na mataas ang makukuha nilang score. Sunod sunod ng nag perform ang ibang school, pang 23rd school na at susunod na ang DSU. Habang nag aantay sa entrance area ay isang maigsing huddle and ginawa nila. “Guys, eto na ito. Bigay na natin ang lahat at alam ko na alam nyo kung gaano ka importante ang laban na ito.” Si Raf. “Okay, hand in.” si Raf at sabay saby sila nag patong ng kamay sa isa’t isa. “GO DSU!!” sabay saby nilang sigaw. Ilang minuto pa ay sila na ang magpe perform. “Eto na.. it’s game time.” Sabi ni Aki sa sarili.

Sila na ang mag pe perform. Matapos silang ipakilala ng emcee ay sabay sabay na tumugtog ang mga drummers nila. Series of tumbling ang ginawa ng karamihan sa kanila, ang iba ay naka pwesto na para sa mga gagawing stunts at tosses. Nag simula na ang tugtog. Dance routines at ilang stunts. Kagaya ng pinakita nila sa pep rally punong puno ng determinasyon at saya ang bawat galaw nila. Lahat ng tosses at stunts ay perfect ang executions, wala dingb errors ang mga pyramids nila. Tinapos nilang muli ang routine ng isang pyramid. Halos di nila maintindihan ang nararamdaman nila, pagod man at halos habol na nila ang kanilang hininga pero mas nangingibabaw ang saya nila. Pagka exit nila sa dance floor isang group hug ang ginawa nila. Tuwang tuwa si Raf sa magandang performance ng team nila. Hindi malayong pasok na sila sa finals.

Habang nagpapahinga sila ay lumapit sila Darwin at Austin, tuwang tuwa ang dalawa sa magandang performance na napanuod nila. “Congratulations!!! Galing nyo ah.” Bati ni Darwin sa team. Naghiyawan naman ang ibang members ng team. “Good job, Raf and Aki.” Si Darwin ulet. “Naku, wag ako si Raf lang. Sya ang nagpaka hirap para sa routine naming.” Si Aki habang napupunas ng pawis. “Tayong lahat, kasi lahat ng kaya nating gawin ibinuhos na natin nagyong araw na ito.” Si Raf. Palakpakan ang lahat. Matapos makapag pray bilang pasasalamat ay bumalik sila sa audience area. Tamang tama naman at patapos na rin ang huling team. Ilang minuto na alng at malalaman na ang mga pasok sa Finals. Magkakatabi sa upuan sila Aki, Austin, Darwin at Raf. Habang nakikinig sa mga announcement ng emcee ay may inabot sa isang bagay si Darwin kay Raf. May halong pagtataka man ay ngumiti na lang si Raf ditto. Binasa nya ang nakasulat dito.

CONGRATS! 

Ito lamang ang nakasulat sa labas ng isang maliit na box. Muli ay nginitian ni Raf si Darwin na sinuklian naman sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ni Raf.

“Congrats in advance, alam ko na pasok na kayo sa finals.” Si Austin. “Salamat. Sana nga. Para naman di masayang lahat ng efforts namin.” Sagot ni Aki. “Sabay ako sa’yo pauwi ah.” Si Aki ulit. Tumango lang si Austin. Isinadal ni Aki ang ulo nya sa balikat ni Austin, hinayaan na lamang ni Austin ito. Masaya ang pakiramdam nila Raf at Aki. Maayos na ang lahat. At alam nila na magiging maayos din ang mga susunod pang mga araw nila sa Pep Squad. 

Natapos ang lahat ng mga guess performers at ito na ang inaantay ng lahat ang announcement of winners.

“Ladies and Gentlemen, here are the 6 finalists for the South Luzon Leg . We have 6 finalists instead of 5 because we have a tie on the top slot.” Sabi ng emcee. Out top 6 are Santiago-Assuncion all Girls School, Benitez Intergrated School, Holy Sisters Academy, Advance Learning College, St. Vincent School and… 

Mariano Guzman University and Dominguez State University!!! 

Masayang masaya ang lahat ng schools na nakapasok sa Finals. 3 weeks from now ay maghaharap na ang mga finalists mula sa NCR, North and South Luzon, Visayas at Mindanao. Nagkamayan at nagbatian ang mga finalists pati ang ibang schools na nagparticipate.

Sa loob ng bus pabalik ng DSU ay walang humpay ang kulitan at hiyawan ng mga member ng squad. Ang iba naman ay binabalikan ang mga masasaya at nakakatuwang eksena kanina sa competition. Hindi sila nakakaramdam ng pagod. Lahat masaya at excited sa Finals. Habang nagkaka sayahan ang lahat ay tahimik at panay ang ngiti ni Raf sa mga naririnig nya mula sa mga ka Team mates. Doon nya naisip na sulit lahat ng pagod at pag sasakripisyo nilang lahat. Nasa gitna sya ng pag mumuni –muni ng kalabitin sya ni Darwin. “Sandwich oh, alam ko gutom ka na kasi 10am ka pa nag lunch.” Si Darwin sabay abot ng sandwich at drinks. “Salamat. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kasi walang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon.” Si Raf. “Ganun ba. Alam mo ako din, masaya. Masaya kasi I finally realized how stupid I’am.” Si Darwin. Puno ng pagtataka ang mukha ni Raf sa sinabi ni Darwin. “Saka mo na malalaman kung anung ibig kong sabihin, for now let’s just enjoy your victory.” Si Darwin sabay pisil ng ilong ni Raf. Gumanti naman ng kurot sa pisngi si Raf.

“Ay! Si Kuya Raf at Kuya Darwin.. may sariling moments oh. May mga ganun pang eksena. LUNETA PARK? PACO PARK?” sabi ng isa sa mga member ng squad. “Sige, tumalak ka pa, at ihahatid ka namin sa MEMORIAL PARK.” Birong sagot ni Darwin. Lalong napuno ng tawanan ang buong bus, maging ang driver ay hindi na rin napigalang hindi tumawa sa narinig. Tuloy pa rin ang saya sa loob ng bus. 

Samantala…

Habang lulan ng sasakyan sila Aki at Austin wala pa rin silang imikan, tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Huminto ang sasakyan ni Austin pagka pula ng traffic light. “Masaya ka ba, kasi pasok na kayo sa finals?” si Austin. “Oo naman. Masayang masaya..” si Aki. “Eh ikaw? Masaya ka ba?” si Aki ulet. Ngiti lamang ang isinagot ni Austin sa kanya. “Dapat maging masaya ka na rin sa mga susunod na araw.” Si Aki. “Huh? Bakit naman?” si Austin. “Basta. Malalaman mo din sa takdang panahon.” Sagot ni Aki. Napakunot noo si Austin sa sagot ni Aki sa kanya. “Anu ba yun? May pa bitin effect ka pa eh. Dami mo ding alam eh noh?” birong sagot ni Austin. “Atat? Nagmamadali?” si Aki. “Bahala ka nga dyan. Kung ayaw mong sabihin sa akin.” Si Austin na may himig pagtatampo. “Ang arte naman, may pagtatampo pang nalalaman ito.” Si Aki. “Antayin mo kasi, masyado kanga tat eh.” Si Aki ulit. Hindi na sumagot si Austin, ipinag patuloy na lang nya ang pag da drive ng sasakyan pabalik sa DSU.

Dumating ang araw nmg Finals ng Cheer Fest. Kabado man ay puno pa rin ng determinsyon at kompyansa ang DSU para manalo ng Championship. Matapos maka pag perform ang lahat ng finalists ay isang intermission number mula sa Philippine Cheerleading Team.

“No matter what happened, for me kayo ang champion.” Si Austin. “Salamat. Pero sana makuha natin ung Championship para naman kay Kuya Raf at sa mga seniors na pa graduate na.” si Aki. Magkatabi sila sa upuan habang magkahawak kamay. Di kalayuan sa kanila ay sila Darwin at Raf. “Mas kinakabahan pa ata ako kaysa sa’yo.” Si Darwin. “Ano ka ba, alam kong maganda ang performance naming at wala kaming errors. Panatag ako na makukuha na natin ang Championship.” Si Raf. Isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Darwin sa kanya. “Yan ang Kap ko, positive person.” Si Darwin Matapos ang intermission number ay inannouce ang mga prizes at pinasalamatan ang mga sponsors.

“Ladies and Gentlemen, I have now the results for this year’s winners. But before we announce the winner we would like to congratulate all the schools from the Elimination to the Finals for doing a great job and for making this year’s competition exciting. You are all winners. So here we go!” ang emcee.

“Our 2nd runner up to receive a trophy and a check for P30,000.00, with a score of 93.16%. Congratulations to.. MARANATHA LEARNING CENTER of CEBU!” ang emcee ulet. Nagtayuan ang mga members ng squad para kunin ang kanilang premyo.

“Congratulations, guys!” and this year’s 1st runner up to win a trophy and P70,000.00. With a total score of 94.96%.... 
Halos hindi na humihinga sila Raf, Aki at ang buong team. Nakayuko lamang sila na tila nag dadasal na wag tawagin ang kanilang pangalan. Si Austin at Darwin naman ay naka fingers cross pa. 


“Congratulations to… MARIANO GUZMAN UNIVERSITY from South Luzon! Halos di makapaniwala ang members ng Mariano. Hindi nila nagawa ang fourpeat championship na inaasahan nila. Tinanggap nila ang tropeyo at ang malaking tseke ng nakangiti bagamat bakas sa kanila ang panghihinayang at pagka dismaya. Kung tutusin iilan lang ang magagaling sa finals. Halos mabibilang sa daliri ang mga squad na talagang nagpamalas ng kagalingan sa kompetisyon.

“Congratulations, guys! And this year’s Champion for the 2010 Cheer Fest. With a score of 94.98%...” and emcee. Naghiyawan ang mga audience pati na rin ang mga kasaling squad dahil sa sobrang dikit ng score. Napakamot naman ng ulo ang ibang members ng Mariano ng marinig ang score ng squad na tumalo sila. 

“They will receive P150,000.00, a trophy and the bragging rights as this year’s champion… and that school is…” pag bitin ng emcee.

Halos wala ng marinig sila Aki at Raf sa lakas ng kabog ng dibdib nila. Ang ibang members na babae ay naluluha na sa sobrang nerbyos nila.

CONGRATULATIONS to… DOMIGUEZ STATE UNIVERSITY from South Luzon!!!

Halos mawalan ng boses silla Aki at Raf sa kaka sigaw sa sobrang saya. After 3 years ay sa wakas, nakuha din nila ang championship. Pati sila Austin at Darwin ay halos mahulog sa kakatalon mula sa kinauupuan. Sabay sabay silang bumababa sa dance floor para kunin ang kanilang premyo at ang pinaka mimithing tropeyo. Yakapan at hiyawan ang makikita sa mga nanalo, maging ang Mariano Pep Squad ay nakipag group hug sa kanila. Natapos ang kompetisyon ng masaya at maayos.
Isang linggo matapos ang finals ay nagging busy na sila Darwin at Raf sa pag aaral nila, dahil nga parehong graduating at OJT na nila next semester. Sila Aki at Austin ay nagging busy din sa pag aaral at sa darating na University Week. Si Austin naman ang susuportahan nila sa paglaban para sa Mr. and Ms. University.

“Excited na ako sa University week, sana manalo ka” si Aki habang nagsusulat ng mga notes na na missed nya dahil sa Cheer Fest. “Kahit di ako manalo, okay lang un sa akin.” Si Austin. “Eh dapat manalo ka, saying ung effort mo at saka saying ung prize.” Si Aki. “Prize talaga ang habol mo? Ahahahaha.” Tawang tugon ni Austin. “Biro lang, syempre kahit di ka manalo. Para sa akin ikaw pa rin ang pinaka gwapo sa buong University.” Si Aki. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Austin kay Aki. “Bear, sa bahay ka matulog. Gawa tayo ng baby.” Pilyong sabi ni Ausitn. “Tseh! Ayoko ko nga. Di mo na naman ako patutulugin. Last time na natulog ka sa amin, 1am na di mo pa ako pinapatulog.” Si Aki. “Eh kasi naman, nakaka gigil ka eh. At saka paano tayo makaka buo kung di natin uulit-ulitin” si Austin sabay hawak ng kamay ni Aki. “Basta ayoko! I limit natin ang sarili natin sa once a week lang.” mataray na sagot ni Aki. “Once a week!!! Bear naman, sige ka. Maghahanap ako ng iba.” Birong sabi ni Austin. “Eh di maghanap ka, wag ka lang magpapahuli sa akin.. talagang puputulin ko yang junior mo.” Si Aki. “Wag naman. Ikaw din. Sayang naman ito.” Si Austin. Natawa si Aki sa sinabi ni Austin. Kinurot nya ang pisngi nito sabay balik ng atensyon sa sinusulat.

Naging busy man ang apat sa pag aaral eh kada may pagkakataon na magkita sila at mag bonding ay ginagawa nila. Laging double date nauuwi ang bonding nilang apat. Kapag may tampuhan sila Aki at Austin ay sila Raf at Darwin ang tumatayong taga payo nila, nag sibling mga kuya nila sila Darwin at Raf. Maituturing na nga mag best friends ang apat. Minsan ay nag out of town sila at sa rest haouse nila Darwin sila tumuloy. Isang masayang bakasyon para sa kanilang apat, sinamantala nila ang 2 araw na walang pasok para makapag relax kahit konti bago mag Final exam. Dito lalo nilang nakilala ang isa’t isa, nalaman nila ang mga pangarap ng bawat isa ganun na din ang tungkol sa kanilang personal na buhay. Doon nalaman ni Aki ang tungkol sa Kuya ni Austin at kung bakit mahal na mahal nya ito. 

“ Sana nakilala ko ang kuya mo, bear. Kasi wala akong kuya. Gusto ko rin kasing ma experience ang magkaroon ng kapatid.” Si Aki. “Andito naman kami ni Darwin eh, kuya nyo na kami mula ngayon at kayo ang mga bunso naming. Di ba Best?” si Raf. “Oo naman. Sarap kayang magkaroon ng bunsong kapatid. Kasi pareho kaming bunso nitong Kap ko.” Si Darwin. “Salamat sa inyo. Sinong mag aakala na magiging ganito tayo ka close na apat. Di ba?” si Austin. Muli nilang sinariwa ang mga pinag daanan nilang apat hanggang sa kasalukuyan. Tinawanan na lamang nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang apat. Pina kwento din nila aki at Austin kung paano nag simula ang love story nila Raf at Darwin. Napuno ng tawanan ang buong kabahayan habang nag kukwento si Darwin at si Raf naman ay panay ang komento sa mga sinasabi ni Darwin habang kinikilig naman sila Austin at Aki sa kwento nila.

Pagka balik sa school ay inasikaso nila Aki at Austin ang darating na University week, bukod kasi sa pageant ni Austin ay magtatayu din ng booth ang bawat colleges para sa isang linggong celebration. Dumating ang University week at halos buong araw magkaka sama ang apat. Magkatabi ang booth ng College of Education at ang College of Arts and Sciences kaya laging magkakasama ang apat. Biyernes, ang huling araw ng University week. Puno ng estudyante, mga school officials at faculty members ang auditorium para sa Mr. and Ms. University. Maging ang mga magulang at kamag anak ng mga kalahok ay nandoon para sumuporta. Doon unang nakilala ni Aki ang mommy ni Austin, nung una ay nahihiya pa si Aki pero kalaunan ay naging komportable na rin syang kausap ito at magkatabi pa sila sa upuan habang nanunuod ng pageant. Hindi alam ni Aki kung may ideya ang mommy ny Austin tungkol sa kanilang dalawa pero sa tingin nya ay okay lamang ito para sa kanya. 

Nagsimula ang patimpalak at napuno ng palakpakan ang buong auditorium lalo na ng maglabasan ang mga kalahok sa kanilang summer outfit. Kitang kita kay Austin na nag eenjoy ito, samantalang tuwang tuwa naman sila Darwin, Raf at Aki pati na rin ang mommy nito.
Naka pasok si Austin sa top 5 at sa final question para sa kanya… “How do you define success?” ang isa sa mga judges. “Most of us define success by fame and fortune of a person, but for me success is waking up every morning, very excited about the new day tha the Lord gave to us. By sharing even the smallest things that you have to the people around you and by being contented of what you have but still aiming to reach your long term goal and by the end of the day, you feel that you did a very good job of showing to other people as well as to your family and friends how beautiful and wonderful life is despite of all the hardship and challenges that we encounter.” Si Austin. Napuno ng hiyawan ang auditorium, napatayo pa sila Raf at Darwin sa sagot ni Austin sa tanong. Si Aki naman ay panay ang palakpak sa husay ng sagot ni Austin, maging ang mommy nya ay walang tigil sa palakpak habang naluluha.

Nang i announce ang mga nag wagi ay nakuha ni Austin ang 1st runner up samantalang ang kanyang kapareha ay 2nd runner up naman. Di man nakuha ni Austin ang titilo bilang Mr. University ay masaya na rin sya dahil sa mga kaibigan at sa mga mahahalagang tao sa buhay nya tulad nila Kuya Raf at Darwin, ang mommy nya at ang pinaka mamahal nyang si Aki. Matapos ang patimpalak ay sama sama silang nag dinner kasama ang mommy ni Austin, si Darwin at si Raf pati at syempre si Aki.
Habang kumakain ay sinabi ni Austin sa mommy nya ang tungkol sa kanila ni Aki, wala namang tutol ang ina ni Austin. “Anak, kung saan at kung ano ang magpapa saya sa’yo. Susuportahan kita. Ang mga taong mahal mo ay mahal ko na rin.” Ang mommy ni Austin. Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Austin sa ina. Si Aki naman ay nag pasalamat sa pagtanggap sa kanilang relasyon ni Austin. “Aki, simula ngayon ay mommy na rin ang itawag mo sa akin. Welcome to our family, anak.” Ang mommy ulit ni Austin. “Thank you po, mommy.” Si Aki. Tuwang tuwa sila Raf at Darwin sa nangyari at maging sila ay itinuring na ring mga anak anakan ng Mommy ni Austin. Naging masaya ang gabi para sa kanilang lahat. 

Walang makaka pagsabi kung hanggang saan ang pagmamahalan nila Aki at Austin, Raf at Darwin. Pero isa lang ang alam nila… They will cherish and treasure every single moments that they are together…
Sa mga pinag daanan nilang apat, marami silang natutunan…

Masarap pero masakit mag mahal… pero kung pakikinggan mo lamang ang dikta ng iyong puso ay kaya mong tiisin ang sakit… sabi nga nila… Getting hurt when you fall in love with someone is inevitable, its always a gamble.. and a risk that should willing to take...

WAKAS

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...