By: Mike Juha
At nangyari uli ang kagaya ng unang nangyari sa amin sa siopao incident. Pero, hanggang doon lang. At pagkatapos noon, parang wala lang ding nangyari.
Ang totoo, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang status namin. Pero... ok na rin ang ganoon kasi nga, ayaw kong ma-attach sa isang homosexual na relasyon. Ayokong maging bakla. Bagamat inamin ko na kay Fred na mahal ko si Aljun, ayaw kong sabihin ito sa kanya dahil ayaw ko. Hanggang kaya ko ay hindi ako bibigay at hindi magpaalipin sa naramdaman ko sa kanya. At siguro naman ay hindi bakla si Aljun. Hindi niya kayang panindigan ang relasyon kung sakaling magkaroon kami ng relasyon. Sigurado ako d’yan. Baka nga kapag may iikot na tsismis o eskandalo tungkol sa amin lalayuan na ako niyang bigla. Iiwasan, magbago ang ihip ng hangin. Imagine, ang isang hunk na campus personality, matalino, council president na kinababaliwan ng mga babae at bakla ay isa palang taong pumapatol sa kapwa lalaki? Ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanya? Napakalaking “Ewwww!” talaga. Baka i-condemn siya ng mga estudyanteng umiidolo at tumitingala sa kanya. Baka pandirihan pa nila siya.
Kaya sa tingin ko ay tama lang na wala kaming commitment sa isa’t-isa. Sweet pero walang malisya. Naghahalikan pero walang relasyon. Sobrang close sa isa’t-isa pero hindi magsyota. No string attached pero nagseselosan. Sinasabi sa isa’t-isang “Ok lang kung maggirlfriend ka” ngunit sa loob-loob ay nasasaktan. Pero... ok pa rin iyon. Sa mata ng mga tao ay wala kaming relasyon. Iyan ang official. Hindi kami.
At balik na naman kami sa dati; close at sweet pero wala lang... At tungkol naman sa scandal tape, ang payo na lang ni Aljun ay hayaan na lang ito dahil hindi naman daw siya apektado kasi, lalaki siya at walang mawawala. “Kung ang ibig palabasin ni Giselle sa pagpapalabas niya o nila sa video na iyon ay ang ipaalam sa mga tao na magsyota kami o iniisip niyang sa ginawa nila ay lalapit ako sa kanya at magmakaawa, mabibigo siya dahil hindi ako lalapit sa kanya. Kahit ilabas pa sa sinehan ang video na iyon, manunuod pa ako sampu ng aking mga barkada.” Ang sabi ni Aljun.
Kaya, pinilit na lang naming maging normal uli ang lahat. At pinanindigan naman ni Aljun ang sinabi niya. Hindi nga siya lumalapit kay Giselle; gaya pa rin ng dati. At si Giselle pa itong na-iilang na lumapit sa grupo namin dahil nahihiya siguro sa ginawa niya. Guilty ba....?
Halos isang linggo ang nakaraan simula noong kumalat ang tape. Mukhang nakayanan naman naming lahat ang pressure. At alam kong pinilit din ni Aljun na huwag magpaapekto. In fact, bagamat hindi siya naglabas ng official statement tungkol sa video, halos umabot sa isang libong messages ang natanggap niya sa kanyang fb wall nagpahayag ng suporta. Pero “Salamat sa suporta” lang ang sagot na comment ni Aljun sa kanyang fb. Ingat na ingat sa pagpalabas ng statement. May nagtatanong din doon kung siya nga ba ang nasa video at ang pabirong sagot niya na lang ay “Iyong nakaharap ang mukha, sure na ako yan mga tol. Pero ang iba... mukhang di na ako sure, lol!”
As usual, nasa student center kami noon, nag umpukan; ako si Fred at Gina at hinitay ang pagdating ni Aljun. Nasa kasarapan kami ng kuwentuhan noong bigla na lang sumulpot sa aming harapan si Giselle!
“Hoy! Kung sino man sa inyo ang kumuntak sa best friend kong si Anne... malilintekan sa akin! Makikita niya kung gaano ako kasama pag nagalit! Ipapasalvage ko sya!” ang biglang banat niya, ang boses ay mataas at ang mga mata ay mistulang nagliliyab.
Nagkatinginan kami ni Fred at pati si Gina ay nagulat din sa kanyang biglaang pagsulpot. Ang saya-saya pa kasi namin sa aming kuwentuhan at biruan tapos biglang may sumigaw at pagbantaan ba naman kami. Para kaming isa-isang biglang binatukan habang nasa kasagsagan ng kasayahan.
Dahil si Fred lang naman ang palaban sa amin, sinagot niya ito ng, “Mas hoy ka kesa amin! At kung bespren mo nga yang sinabi mong Anne, wala kaming interes sa kanya dahil sigurado ako, puno din ng virus ang utak niya!”
“Ababababa! At bakit mo nasabing puno ng virus ang utak niya aber?”
“Dahil kung malinis ang utak niya, noon pa ay nilason ka na niya! Salot ka kasi sa lipunan! Atsaka... for your information, bakla po ako. At hindi po babae ang hinahunting ng isang bakla kundi lalaki! Bakit tomboy ba yang Anne? As in astig, mukhang lalaki, gwapo, katulad ng fwen ko dito sa tabi ko?” sabay muestra ng kamay niya pahiwatig sa akin.
“Aba! Pilosopo ka talagang bakla ka ano?”
“Oo naman! Ang katulad kong bakla ay katapat lang ng mga pokpok na walang breeding!”
Biglang nasira ang pagmumukha ni Giselle sa narinig na salitang ‘pokpok’. “Pokpok ako?!!! Tinawag mo akong pokpok?!!!”
“Obvious ba?! Hay naku... mayroon pa bang iba?” ang bulyaw ni Fred. At dinugtungan pa ng, mas malakas pa na pagbulyaw sa harp mismo ng mukha niya, “POKPOK!!!”
Hindi na nakatiis ni Giselle at sinugod kaagad si Fred. Tumayo na ako at si Gina at hinawakan namin ang kamay ni Fred na tumayo na rin na nakahanda na sanang sapukin sa mukha si Giselle. Ngunit dahil sa pagpigil namin dito, hindi na niya maigalaw ang kanyang mga kamay.
Ngunit sinunggaban pa rin ni Giselle ang buhok ni Fred at sinabunutan ito. “Um! Um! Bakla! Inggetero! Kupal ka na, epal ka pa! Hindi ka naman kasali sa eksena! Ang kapal mo!!!”
Pinilit pa rin naming huwag maigalaw ni Fred ang kanyang mga kamay at ilayo siya kay Giselle. Subalit nabigla na lang kami noong narinig na lang namin ang malakas na sigaw ni Giselle. “Arrggghhh!!!!”
Napatihaya na pala ito sa sementong sahig ng student center dahil sa malakas na apgtadyak sa kanya ni Fred.
“O ano... lalaban ka? Ha???!!! At ako pa ngayon ang epal, bruha ka, ampangit mo! Huwag mong kalabanin ang bakla punyeta ka dahil papatulan talaga kita!!!”
“Tama na Fred... Tama na!” ang hindi naman magkamayaw naming pagpapayo kay Fred.
At nakita na lang naming nagtatakbo na si Giselle palayo at nagsisigaw ng, “May araw ka rin! Pagsisihan mo ang ginawa mong ito bakla!!!!”
Noong wala na si Giselle doon ko na naramdaman ang panginginig ng aking kalamnan sa takot at nerbiyos dahil akala ko ay magkapatayan na ang dalawa. Para tuloy ako ang nakikipag-away. Tinablan din ako ng hiya dahil ang mga estudyante ay nagtinginan sa amin at ang iba ay lumapit pa talaga at nag-usyuso.
Pero in fairness, pinalakpakan naman nila si Fred na tumayo at parang isang modelong nagka-catwalk at pabirong kumaway-kaway, yung kaway na palad lang ang pinapagalaw inaliw, ang mga naki-usyuso at pumalakpak.
“Fred! Tinalbugan mo si Giselle!” sigaw ng isang estudyante.
“Dapat lang dahil mas maganda ako kaysa kanya!” sagot naman ni Fred
Tawanan.
“Fred... baka i report niya tayo. Nasaktan natin iyong tao.” Ang sambit ni Gina.
“Pwes magreklamo siya. Kahit magsampa pa siya ng kaso. Haharapin ko siya. Bakit? Di ba siya itong lumapit sa atin at pinagbantaan pa tayo? Di ba masasabing grave threat din iyon? Pwede natin siyang i-reklamo sa ginawa niyang pagbabanta e.” Ang sagot ni Fred.
“O sya... huwag na nating paabutin sa ganyan. Manahimik na lang tayo kasi, nasaktan mo naman siy eh.”
“Sa akin walang problema. Sanay ako sa ganyan. Basta nasa tama lang ako, go... panindigan ko iyan. Kung gaano ko pinapanindigan ang pagiging bakla, ganyan din ang paninindigan ko sa tama.”
Parang natamaan ako sa huling binitawang salita ni Fred na pinapanindigan ang pagiging bakla. “Hindi ko kaya yan...” sa isip ko lang.
Sa pagdaan pa ng ilang araw, unti-unting namatay nag issue. Ang paniniwala naman kasi ng lahat ay fabricated lang ang video. Bagamat hindi na ipinalabas ni Fred ang scandal ni Giselle na nakuha mula kay Anne, kontrabida pa rin ang dating ni Giselle sa mga tao. Hindi kinagat ng mga tao ang drama niya at mas naging kaawa-awa pa siya dahil lalong nagalit sa kanya ang mga estudyante at lalaong bumaba pa ang pagtingin ng mga ito sa kanya.
At mas lalong tumaas ang pagtingin ng mga estudyante kay Aljun. Mas lalo nila itong hinangaan at tinitingala sa cool niyang paghandle at hindi pagpatol sa issue. Mas naapreciate din nila ang hindi niy pagpalabas ng kung anu-anong statement o patutsada tungkol dito.
Si Aljun din ang nagpayo na huwag nang ipalabas pa ang nakuhang video ni Fred mula kay Anne, upang huwag na raw lumaki pa ang issue. At sa ipinamalas na galing niya sa pag handle sa problemang iyon, lalo ko pa siyang hinangaan. Napagtanto ko kung gaano kalawak ang pang-unawa at haba ng kanyang pasensya. No wonder na mahal na mahal siya ng mga estudyante dahil sa kanyang angking kabaitan.
Kaya kampante na kaming kahit wala kaming gagawing hakbang, ang lahat ay babalik pa rin sa normal. Kumbaga, sa mga kabulastugang pinaggagawa ni Giselle, bumabalik din ang lahat ng ito sa kanya. Sumikat nga siya ngunit ang tingin sa kanya ng mga estudyante ay cheap, mababa ang lipad, talipandas...
Subalit sadya talagang ipinanganak na kontrabida na si Giselle. Marahil ay hindi niya matanggap-tanggap na wala na ngang nangyari sa palabas niya, siya pa itong naging kontrabida sa mata ng mga tao at bumaba pa ang pagtingin sa kanya.
Nalaman naming nasa ospital si Fred dahil binugbog daw ito ng hindi kilalang mga tao. Ang sabi ni Fred ay noon lang niya nakita ang mga taong iyon. Mabuti naman at hindi grabe ang kanyang kalagayan at nakalabas kaagad sa ospital bagamat may mga bendahe pa ang kanyang ulo. Marahil ay tinakot lang siya.
Ipinablotter kaagad namin sa police ang nangyari at ginawan din ng medical report. At syempre, dahil wala namang lead kung sino talaga ang gumawa noon, hanggang sa blotter lang ito. Ngunit sa isip namin, si Giselle ang salarin at may pakana.
At hindi lang d’yan nagtapos ang aming problema. Sa hapon ng araw ding iyon ay ipintawag si Aljun ng office of the University President. Nag-file daw pala ng reklamo si Giselle, gamit ang video. Ni rape daw siya ni aljun at hindi pa nakuntento, ipinavideo pa ang ginawang kahalayan daw ni Aljun at ikinalat ito na syang pagkasira ng kanyang puri.
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan!” ang pagmamaktol ni Fred. “Wala na siyang puri no! Dapat i-kick-out na iyan sa school na ito dahil naghasik lang ito ng gulo sa campus na ito! At rape??? Waaahhh1 ang kapal! Siya nga itong naghahabol eh! Grabe talaga ang pagkademonya ng babaeng iyon!”
“Ano naman daw ang prosesong gagawin sa reklamong isinampa ni Giselle boss?” ang tanong ko kay Aljun.
“Bumuo daw ng kumite ang school upang mag-imbistiga sa kaso. Limang mga professors daw ang inatasang maging myembro ng kumite. Pinayuhan ako ng presidente ng universty na mag file ng indefinite leave of absence muna sa pagiging presidente ng student council...”
“Ano????” Ang gulat naming nasambit.
“At mag leave ka naman?” ang tanong ko.
“I think it’s a better thing to do. Kasi may reklamo e. It’s not nice kung nasa pwesto ako while my integrity is being questioned.”
“Nakakalungkot naman...” ang sabi ni Gina.
“Nabasa mo ba ang reklamo niya?” tanong ko.
“Oo binigyan ako ng kopya.” Sagot ni Aljun
At binasa namin ito. Naka address pa;a ito sa presidente ng unibersidad. –
“I filed this complaint with a deep sense of regret and heavy heart after a thorough self-discernment and introsepction. I know that it is a painful and difficult move to bring this complaint up to your good office. But I have resolved that no matter what, or no matter how heavy the cost I have to pay for this, I have to do this if only to exercise my right to be heard and my honor and dignity redeemed. I know that with this decision, there are people who will be hurt and many may even condemn me for what I do. But I am willing to face them; all in the name of redeeming my honor and dignity.
Sir, I hereby submit to your good judgement my complaint against Mr. Aljun Lachica, the student council president for the following violations against my person which he committed on the night of September 25th, my birthday:
1) He sexually molested and raped me. He was drunk at that time and asked to take a quick rest in one of the rooms in my flat. I obliged to his request but when he was already inside, he made sexual advances. As I was also drunk, I could not possibly resist his his belligerence;
2) With the help of his cohorts, they filmed what he did to me. And not only were they contented with it, they uploaded it over the net, thereby violating my right to privacy, dafaming my name, and ruining my reputation.
The emotional pain and mental anguish that I suffer is so unbearable that I experience sleep deprivation, loss of appetite, lack of focus, and extreme depression. Every night I cry and I am afraid I will lose my sanity if his contemptible act goes with impunity. And worse, I am afraid if I will lose control over myself and may commit – heaven forbid – a suicide if this ubearability reaches a point where it is better to take my own life rather than live a life where there are people mocking me, talking behind my back, while my aggressor continues to enjoy the luxury of impunity.
Sir, Mr. Aljun Lachica is a monster. Behind his sweet image of good-looking, intelligent, and boy-next-door image lies an evil character, lurking from the inside, waiting for the next opportune victim. I don’t want others to expereince the ordeal that I had gone through in his hands. This is the main reason why I am submitting this complaint.
Sir, I am begging you to please investigate the matter and penalize Mr. Lachica for his criimes. All I wish is for Mr. Lachica to be removed from office as president of the student council and be kicked out from school.
However, as I am also a human, my door is open to a negotioation with him if he wishes to, on some condtions.
I look forward to your immeditate and decisive action. God bless you.
Very Sincerely yours,
-Giselle Villanueva-
NB. Please see the attached sex video to prove the atrociousness of Mr. Lachica and how his camp had tried to viciously ruin my reputation.”
“Godddd!!!! Sobrang sama talaga ng babaeng iyon! Demonya! Sanay talaga sa pambabaliktad ampota!” ang sigaw ni Fred. “O ano Idol.. ipakalat na lang ba natin ang video na nakuha ko sa dati niyang paaralan para masugpo na ang kung ano mang balak mayroon ang babaeng iyan? She’s such a freak!”
“Huwag muna Fred. We will use it only as evidence. Kapag kailangan na sa imbestigasyon saka na natin ipakita to prove kung gaano ka wicekd ang mga gawain niya. Huwag taoyong magresort sa style nilang paninira. Depensa lang ang sa atin.”
“Bakit kasi di na lang natin ipakita sa presidente ng university ang video na iyon para malaman niyang gawain talaga ng babaeng iyon ang gumawa ng eksena at eskandalo?”
“Huwag Fred. Baka naman isipin nilang rumeresbak lang tayo kaya tayo naghanap ng paraan para madescredit natin ang reklamo ni Giselle.”
“Sobrang bait mo naman Idol. Huwag ganyan! Tatapakan ka ng mga tao kapag ganyan ka kabait.”
“Hindi naman. Lumalaban naman tayo pero nasa tamang paraan lang. Ang ipapagawa ko na lang sa iyo ay manghagilap pa ng karagdagang impormasyon sa kaso ni Giselle sa dating school niya.”
“Ok... madali lang iyan idol...”
“Salamat Fred” ang malungkot na sabi ni Aljun. “Mamaya after school magpost ako ng official statement sa student council site tungkol sa ipa-file kong indefinite leave of absence at bukas na bukas din ay mag-submit na ako ng leave sa presidente ng unibersidad.”
Hindi na kami nakaimik. Nalungkot at pakiwari ko ay gusto kong umiyak. Alam ko, malulungkot at magagalit ang lahat na mga tagasuporta at fans niya kapag nabasa na ang post niyang iyon.
Kinagabihan, sa flat ko, pinahiram ko ang laptop ko sa kanya. “Boss... ako na muna ang maghanda sa dinner natin ha? Magsulat ka lang d’yan...” ang sabi ko. Naawa kasi ako sa kanya.
“No-no-no-no! Ako na boss. Mamaya na ako magsulat” ang pagtutol naman niya.
“Hayaan mo na ako boss...” ang pag-giit kong may halong lambing. “Hayaan mong babawi ako sa iyo ngayon, ok? Andami mo kayang problema. Para kahit papaano makatulong man lang ako sa iyo.”
Napangiti naman siya, itinutok ang mga mata sa mukha ko mistulang sinisigurong sigurado ako sa sinasabi ko. “Sigurado kang marunong kang magluto?” tanong niya.
“Hindi… Pero alam kong magprito. Pi-prituhin ko ang itlog, hotdog, at may isda din yata dyan, piprituhin ko na rin. Ikaw… baka may gusto kang ipaprito sa akin?”
At tuluyan na syang tumawa. “Halika nga rito sa tabi ko?” sambit niya sa pagkarinig sa sinabi ko, ang mga bisig ay inunat.
Tumabi naman ako sa kanya. At noong makatabi na, niyakap niya ako atsaka idinampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Sinisiil niya ako ng halik.
“Para saan iyon?” tanong ko.
“Wala. Natuwa lang ako sa sinabi mo... Touched ako.”
Syempre, touched din ako sa narinig. “Nahiya nga ako sa iyo kasi inaway pa kita, di ba? Kaya... ako na ang magluto. Kahit sa pagluluto man lang maipakita ko ang suporta ko sa iyo.”
“Kahit naman hindi mo ako ipagluluto e... basta huwag ka lang magalit. Kahit anong problema kaya kong suungin. Kahit makikipagsuntukan pa ako sa sampung tao, o kaya ay makipaglaban sa gyera.... Ganyan ako katapang. Ngunit kapag nagalit ka... naduduwag ako. Natuturete ang utak ko.”
“OA naman nito!” ang nasambit ko na lang bagamat may kilig din itong dala. “Makapagluto na nga para makapagsimula ka na ring magsulat.” Ang sabi ko na lang. “Sandali… gusto mo pala ang piniritong ulam? Baka hindi.” dugtong kong tanong.
“Actually…” ang pag-aalangan niyang sagot. “Hate ko ang pinirito. Anything fried is a no-no para sa akin. Mapili kasi ang sikmura ko. Mahilig akong kumain ngunit pihikan. Iyan ang downside ko. Kaya kapag nakakita ako ng taong masarap magluto, siya ang pipiliin kong asawahin.” Sabay tingin sa akin na parang inaanticipate na masira ang mukha ko sa pagka-discourage at mag react ako.
At na discourage talaga ako sa narinig. Bigla akong bumalik sa kinaroroonan ko imbes na sa kusina upang hindi na lang sana ituloy ang pagpiprito. Ayaw na nga niya ng pinirito, andami pagn sinasabi.
Ngunit bigla rin siyang sumingit ng, “Pero kapag ikaw ang nagpi-prito… kakainin ko talaga. Mas takot po ako sa galit ng boss ko kaysa pagkasira ng aking food regimen.”
“Dapat lang dahil wala kang kakainin kung ayaw mo.” Ang bigla ko ring pagbawi sabay pag-ismid sa kanya at tumungo uli ako sa kusina.
Ngunit may sinabi siya uli na, “Pakagat nga muna...”
Napalingon uli ako sa kanya. “Anong sabi mo?”
“Pakagat?”
“Para saan?”
“Wala lang. Nanggigigil lang ako.”
“S-saan mo ako kakagatin?” ang may pagdadalawang-isip kong tanong ngunit bumalik na rin palapit sa kinaroroonan niya.
“Sa batok.”
“Bakit sa batok?”
“Ewan. Gusto ko lang. Sige na... please???” pagmamakaawa niya.
At pumuwesto siya sa aking likuran, inilingkis ang bisig niya sa aking dibdib, ang isang kamay ay inihawak sa aking ulo atsaka idinampi na ang kanyang bibig sa aking batok at kinagat ito. “Ummmmm!”
“Arekoppp!” ang sambit ko.
“Masakit?” tanong niya.
“Syempre naman. Kinagat mo kaya...” sagot ko.
“O, e di… kung gusto mo, kagatin mo rin ako. Kahit saan.”
“T-talaga? Sige...”
“Sa batok din?”
“Hindi. Sa puson!” Ewan kung bakit ko nabanggit iyon. Para kasing kinilig ako sa sinabi niyang kagatin ko rin siya kahit saan. At parang feeling ko mas exciting kung kagatin ko ang parteng iyon.
“Nice.” Ang sagot lang niya. At dali-dali niyang hinubad ang kanyang t-shirt atsaka tinanggal ang butones ng kanyang pantalon at ibinaba ang zipper nito.
Gusto ko pa sanang tumawa kasi hindi naman kailangang hubarin pa niya ang kanyang t-hirt at tangglin pa ang butones ng kanyang pantalon at zipper. Ngunit noong lumantad sa paningin ko ang matipuno niyang chest area at lalo na noong itinuon ko na ang mga mata ko sa umusling parte ng kanyang puting brief kung saan naroon ang malaking bukol dagdagan pa sa flawless at walang kataba-tabang parteng iyon ng kanyang katawan at oblique muscles, napalunok na lang ako ng laway.
“O... ano pa ang hinintay mo? Kagat na...” ang sambit niya noong napatitig na lang ako sa harapan niya.
Yuyuko na sana ako upang kagatin na ang parteng iyon ng kanyang katawan noong sinabihan niya akong, “Lumuhod ka kasi...”
Para akong matawa kasi, syempre, luluhuran ko talaga sya upang kagatin lang ang parteng iyon. Ngunit dahil sa excitement na nadarama ko, sinunod ko na lang ito. Pumuwesto ako sa harap niya upang idiniin ko na ang makasaysayang kagat noong mapansin ko ang lumalaking bukol sa kanyang harapan sa ilalim ng brief at nag-uumalpas ito, tila gustong makawala.
Ngunit feeling dedma lang ako. Itinuloy ko na ang pagdiin ng aking bibig sa kanyang puson noong bigla naman siyang nagsalita. “Pwede bang dilaan mo muna bago mo kagatin boss?”
“B-bakit pa?” ang pagtutol ko.
“Gusto ko lang. Please???”
At bagamat gustong tumutol ang aking isip, sinunod ko na lang ang gusto niya upang huwag siyang ma bad trip. Inilabas ko ang aking dila at hinagod niyon ang parteng iyon ng kanyang puson. At sinabayan ko pa ng pagsisipsip.
“Ahhhhh!” Napaungol siya. At naramdaman ko ang lalo pang pagkislot ng kanyang pagkalalaki sa loob ng kanyang brief.
Naramdaman ko naman ang dalawa niyang kamay sa aking ulo, idiniin ito na marahan. Itinuloy ko pa rin ang pagdila. At maya-maya lang ay kinagat ko na ito. “Ummmmmmmm!!!!” nanggigigil talaga ako.
“Arekop!” Ang biglang pagsigaw ni Aljun. “Ang sakitttt!”
“Sensya na po… Sabi mo kasi kagatin, e.” sabay tawa.
“May utang ka sa akin ha? Ansakit noon ah!” ang sabi niya.
“Ah, eh… magluto na ako boss.” Ang sabi ko na lang hindi na pinansin ang sinabi niya at dumeretso na sa kusina.
Habang nagluluto ako, nagdraft na siya ng statement tungkol sa reklamo na isinampa ni Giselle sa opisina ng presidente ng unibersidad at ang pagfile niya ng indefinite leave of absence sa student council. At noong matapos na niyang i-draft, ipinabasa niya ito sa akin.
To my fellow students:
This is to inform you that I have filed for an indefinite leave of absence from my position as student council president effective tomorrow due to a complaint lodged by a concerned student at the office of the president of the university against me. The complaint has something to do with the sex scandal video...
In order to make the investigation as credible and as impartial as possible, I have decided to come up with this decision. It breaks my heart to do this. I know that with this unfortunate incident, I have disappointed you and let you all down. I amasking for your forgiveness..
During my absence, the vice president handles the day-to-day affair of the student council. I ask you to extend to him and the whole student council the same degree of supportand cooperation that you have extended me.
On my part, I promise to fight it out and defend my innocence and for the truth to prevail. I admit that this is one difficult moment of my life but I promise to overcome all these; to come out stronger, wiser, and above all... vindicated.. I hope that you will still stand by me..
Yours truly,
-Aljun Lachica-
“Ok na iyan boss...” ang sabi ko noong mabasa ko ito.
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Presidente ba naman ng student council ang magsulat. Sino lang ba ako. Isana hamak na fisrt year Liberal Arts student lang naman”
“Hmmm. Pa-humble effect pa to, nasa top one naman ang average sa dean’s list” sabay paggulo sa buhok ko. “Sige na nga!”
At agad niyang iponost ang kanyang message sa site.
Tinext ko na rin sina Gina at Fred tungkol dito. Nagreply si Fred ipaalam daw niya ito sa mga kaibigan niya at gaawa siya ng fb brigade para suportahan si Aljun. Pati si Gina ay tinext din daw ang mga kaibigan niya at ipinaabot na i-spread nila sa ibang mga estudyante pa at mag post ng kumentong suporta sa statement ni Aljun sa site.
Habang naghintay kami ng feedback, kumain kami ng hapunan. “Ansarap mo naman palang mag-prito! Ngayon ko lang naapreciate ang sarap ng piniritong isda, hotdog, at itlog.”
“Hmpt! Praise ba yan o sarcasm?” tanong ko.
“Praise syempre.” ang sagot niya. “Pwede ka nang mag-asawa.” Sabay tawa
“Anong kinalaman sa pagpi-prito ko sa pag-aasawa?”
“Syempre, para hindi magutom ang asawa mo. Kagaya ngayon, mabubusog ako nito sa sarap ng pagkaprito mo.”
“Feeling mo naman ikaw ang asawa ko.”
“Parang ganoon na nga... praktis.”
Napangiti naman ako. Ewan kung may laman ang sinabi niya. Ngunit sinagot ko ito ng, “Ikaw rin pwede ka nang mag-asawa.”
“Bakit mo naman nasabi iyan?”
“Nasasarapan ka nang kumain ng pinirito e...”
Natawa rin siya. Siguro... nakuha niya ang ibig kong sabihin. Kung may laman man iyong sinabi niya, lalo naman iyong sa akin.
Tahimik. Hindi ko alam kung natuwa siya o napikon.
“Woi... baka may nag-comment na sa post mo. Sabi ni Fred kasi nagko-comment na ang mga kaibigan niya at mga kakilala ng mga kaibigan niyang tagasuporta mo. Nagsimula na ang text brigade nila at may post na rin daw siya sa fb, at gumawa na rin ng fb group ng mg supporters mo.” Pagbasag ko sa katahimikan.
“Sige pagakatapos nating kumain, basahin natin...”
Noong matapos na kaming kumain. Siya na ang nag-insist na maghugas ng plato at magpunas ng mesa. Habang naglinis siya, binuksan ko ang student council site. At may mga comments na nga, mahigit 100 na. Bagamat hindi binanggit na si Giselle ang nagreklamo, marami ang nagagalit sa kanya. Karamihan ay may haka-haka na pakana ni Giselle ang lahat at may kanya-kanyang opinyon sila kung bakit ginawa ni Giselle iyon, at ano ang mga pruweba.
“Boss... marami nang comments. Ginawang discussion board ang post mo. Gusto mong sagutin?”
“Huwag na... ayokong magbitiw ng comment. Baka ma mis-quote ako, ma mis-understood o ma-incriminate lang, magamit na ebidensya sa kabila” sagot niya.
“Ako pede sumali sa discussion nila?”
“Huwag na rin siguro muna. Syempre, alam nilang magkadikit tayo...”
At iyon, hinayaan na lang naming si Fred ang parang moderator sa discussions nilang iyon.
Binuksan din namin ang fb ni Aljun upang i-post din ang announcement niya doon. At pati pala sa fb wall niya ay may mga nagpost na rin ng mga messages. May mga nag send din ng mga private messages, lahat nagtatanong kung bakit nangyari ang ganooon, ang iba ay nagpahayag ng kanilang panghinayang, opinion at haka-haka tungkol kay Giselle at sa posibleng motibo nito.
Dahil ayaw nga ni Aljun na magbitiw ng statement maliban sa official staement niya sa site, isinara ko na lang ang fb account niya pagkatapos naming mabasa ang mga messages.
Binuksan ko ang fb ko. Nakita ko ang invite ni Fred sa pagsali sa fb group na ginawa niya para sa mga tagasuporta ni Aljun. SALMO (Support Aljun Lachica Movement) ang pangalan ng grupo. At may 76 na ka myembro agad, bagamat wala pang dalawang oras simula ng buuin ito ni Fred.
At dahil naka-online naman si Fred, nakasali din ako agad sa grupo. May nakapost na palang document doon at ang unang document ay ang controversial na video na pinamagatang, “The Evil That Started It All...” At may tanong sa ibaba na, “Naniwala ba talaga kayo na (1) Si idol Aljun ang nasa video doing the sex scene? (2) Granting na sya nga, may sexual molestation, o rape ba na makikita sa video?”
May mga nagcomment at syempre, dahil supporters naman lahat ni Aljun ang mga nandoon, puro kampi lahat sa kanya ang mga kumento.
Binuksan ko rin ang pangalawang document at ito ang kopya ng reklamo ni Giselle laban kay Aljun. At ang title nito ay “The Mother Of All Lies”. May mga nagcomment na rin at karamihan ay pinagtatawanan na lang ang reklamo. Ang iba ay nanggagalaiti sa galit kay Giselle.
At ang pangatlong document ay ang official announcement na ni Aljun. At ang pamagat nito ay, “Our Idol Needs Your Support!” At mas marami ang nagcomment dito, ipinararating ang kanilang suporta.
May ipinost din si Fred sa wall ng SALMO. Ito ay ang panghikayat niya sa mga estudyante na magsuot ng itim – shirt, wristband/armband o ribbon bilang pagpahayag ng suporta kay Aljun. Inannounce din ni Fred na magdidikit ang SALMO ng mga puting cartolina sa gilid na dingding ng student center at hinikayat niya ang mga estudyante na pumirma at isulat doon ang kanilang suporta para kay Aljun. Ipinost din ni Fred ito sa wall ng fb ni Aljun upang kapag may nagbukas, makikita nila kaagad ang message.
Kinabukasan, nagsuot nga ako ng itim na t-shirt. Medyo kinabahan ako kasi baka kaunti lang ang makisimpatiya.
“Fred, kaunti lang yata ang nag-suot ng itim...” ang sabi ko kay Fred noong nasa student center kami. “At tayo pa lang ang nakapirma sa cartolina.”
“Hintayin mo mamayang hapon at bukas. Hindi pa nabasa ng marami ang fb message natin.”
At totoo naman ang sinabi ni Fred. Kinahapunan, marami nang estudyante ang may suot na ribbons at mga naka-itim. At unti-unti na ring dumarami ang pumirma at nagsulat ng kanilang mga mensaheng suporta para kay Aljun sa cartolinang inilagay namin.
Syempre, tuwang-tuwa kami dahil maraming estudyante na ang lumapit sa amin at ang simpleng samahan namin ay lumaki na ang umpukan. At ginawa nilang leader si Fred bagamat verbal lamang ito.
Tuwang-tuwa naman si Fred. “O, di ba? Ako na ang presidente ng Fan’s Club ni Idol”
Subalit habang dumarami ang nagsusuot ng itim at napupuno na ng mga pirma at messages ang sampung cartolina sa student center sa isang linggong nakalipas, wala pa ring aksyong nangyari sa kaso. Ni hindi man lang pinatawag si Aljun upang magbigay ng kanyang panig. At ang masaklap, may umiikot na mga bali-balitang kaya daw tumagal ng ganoon ay dahil may isang lalaking propesor na myembre ng kumite na professor din ni Giselle sa isang subject na sini-seduce daw ni Giselle.
At hindi lang isa. May isa pang myembro ng kumite na bina-blackmail daw ni Giselle. Isang tagong baklang propesor na ang duda nila ay may nalalamang sikreto si Giselle.
So ibig sabihin, ginagapang ni Giselle at mga alipores niya ang mga myembro ng kumite upang marahil ay patagalin na lang ang kaso. Kasi, kapag tumagal iyon, parang nanalo na rin sila dahil matagal ding makakabalik sa student council si Aljun.
Sa galit ni Fred sa mga kumalat na tsismis, nagpost na naman siya ng announcement sa wall ng SALMO at hinikayat na magkaroon ng peacefull rally sa university ground, harap ng admin building kinabukasan at 3:00pm against sa kumite na syang inatasang mag-imbistiga sa kaso, lalo na sa dalawng nabanggit na propesor. Nagkataon din kasing walang pasok kinabukasan.
“I-upload na nga lang kasi natin ang video scandal ni Giselle galing sa ibang school, idol! Para matauhan na iyan sya at makikita ng mga estudyante ang baho ng babaeng iyan!” ang pakiusap ni Fred kay Aljun.
“Huwag muna Fred. Ibang issue iyon. At kung ipakita man natin, dapat sa imbistigasyon na...”
“E, hindi ka nga ipinatawag eh. Siguro kasama sa plano nila iyan na hindi ka ipatawag kasi alam ng babaeng iyon na may nakalap tayong dating video scandal niya!”
“Hayaan mo na. Maghintay tayo sa tamang panahaon... Basta patas ang ating laban, oklang iyan.”
“Naiinis na kasi ako idol eh... Inip na inip pa!”
At dahil matigas ang paninindigan ni Aljun na huwag munang ipalabas ag video, walang nagawa si Fred.
Natuloy ang rally. May mahigit 60% ng student population ng university ang sumali na halos lahat ay naka-suot ng itim na damit base sa estimate nina Fred. Nandoon din ang halos lahat ng mga student council officials at mga elected student representatives. At bagamat peaceful at walang nagsalita, nakikita sa mga banners and streamers na ang tinira ng rally ay ang kabagalan ng aksyon ng kumite, partilkular na ang nabanggit na dalawang mga propesor na siyang nagpabagal sa proseso. May banners na ang isinulat ay “mga bayaran”, “mukhang pera”, “blackmail lang ang katapat”, “nauuto”, “nagpapagamit”, “walang paninindigan” “sayang ang doctorate degree”...
“At kapag hindi pa uubra ito, gagamitin ko na ang ultimate Gay Power!” ang sambit ni Fred. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
Kami ni Aljun ay hindi na sumali sa rally. Kagya ng sinabi niya, ayaw niyang mabahiran ng kulay ang na-initiate nilang rally. Pati ako ay hindi na lang din sumali. Ang ginawa na lang namin ni Aljun ay ang magpunta ng beach. At kagaya ng mga nakaraan naming outing, kaming dalawa lang. Syempre, hindi naman nawawala ang yakapan kahit sa lugar na hindi secure basta walang tao sa paligid.. At nandyan din ang patagong halikan.
Kinabukasan habang naglalakad kami malapit na sa mainbuilding ng campus, nagulat kaming pareho ni Aljun noong nagmamadali at halatang nininerbyos si Fred na sumalubong sa amin.
“Fwen... saan ba kayo nanggaling kahapon???” ang sambit kaagad niya na halatang balisa.
“Nasa beach kami ni Aljun. Bakit?” ang tanong kong halatang nagtaka.
“Kayo lang bang dalawa?”
Napatingin ako kay Aljun. “O-oo... Bakit nga???”
“May bad news ako sa inyo Fwen! Talagang hindi titigil ang demonyang babaeng iyan sa atin! Patayan ang laban dito!”
“A-ano ba ang problema? I-klaro mo nga? Hindi namin maintindihan ang ibig mong sabihin!” ang tanong kong hlata nang kinakabahan.
“N-nagpost si Giselle ng mga litrato ninyo ni Aljun noong nasa beach kayo kayo kahapon, may petsa at oras pa, parehong naka-shorts lang kayo sa litrato, nagyakapan at... naghalikan!!!”
“Ha???!!!”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment