Tuesday, January 1, 2013

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 14

TULALA lang si Gboi habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ama. Ikalawang araw na iyon at walang patid ang pagdating ng mga bisita para makiramay. Nagkalat din ang media sa labas na humihingi ng reaksiyon at kumpirmasyon kung totoo nga ba ang kumalat na balita na isang murder case ang pagkamatay na iyon ni Don Armando Arpon.

May mga bumabati sa kanya ng pakikiramay ngunit hindi na niya masyadong pinagkaka-abalahan na sagutin iyon. Hindi pa nagsi-sink in ang lahat sa kanya. Kahit pa kinausap na siya ng pulis na kaibigan ni Pancho na may hawak ng kaso ukol sa pagkakapaslang ng ama. 

Solido at kongkreto ang ebidensiya. May nakuhang mga holen na naging dahilan ng pagkadulas ng kanyang ama sa ituktok ng kanilang hagdanan. Isa sa mga holen ay may bahid ng dugo na nakompirmang nag-match sa kanyang ama. Ngayon ay binabalot ng pag-aalala para sa kanyang kaligtasan ang kanyang puso.

Hindi niya matukoy kung sino ang dapat paghinalaan. Marami siyang gustong sisihin. Kasama na ang sarili niya. Tiningnan niya ang kanyang madrasta na tulad niya ay namamaga ang mata. Hindi pa ito tumitigil na kaka-iyak at madalas na nase-sedate ng dahil doon.

PARAFFLE 2


By: Mike Juha
Sa ilang linggo ko pa simula noong tumungtong ako sa eskwelahan na iyon, nalaman ko ang mga sikat na estudyante at guro sa campus. Maliban sa exclusive na grupo ng mga estudyanteng “Cool Guys, Inc.” na sinabi ni Fred, nalaman ko rin ang iba pang sikat sa campus gaya ng mga magagaling na varsity players ng basketball, mga pamatay sa honor’s list, mga matitinik na dancers, mga matitinding student leaders, etc.

At isa sa mga sikat na ito ay si Si Aljun Lachica. Campus crush at hinahangaan ng lahat. Paano ba naman, gwapo, matangkad, matalino, president ng student council, at sports-minded pati, magaling sa basketball, malakas ang dating, maganda ang PR, at regional champion pa sa lawn tennis. Para bang noong magsaboy ang Diyos sa mundo ng mga mgagandang katangian, siya ang nakasalo sa lahat ng mga ito. 

Bukambibig na ang pangalan na Aljun lalo na sa mga babaeng estudyante. Siya ang laman ng kanilang mga kwentuhan at bangkaan. Kaso, hindi siya kasali sa exclusive na grupong nagsponsor ng paraffle. Ang sabi ni Fred base sa narinig niyang tsismis, matagal na nirirecruit si Aljun ng grupo ngunit umaayaw lang ito gawa ng priority daw kasi niya ang pag-aaral at ang student council.

Pero, talbog ang karamihang myembro ng exclusive na grupo sa tindi talaga ng appeal ni Aljun. At napatunayan ko ito isang beses na nagmeeting kaming mga Liberal Arts students. Bago kami dinismiss ng aming dean, pinapaghintay pa kami at may sasabihin pa raw ang presidente ng student council na si Aljun nga. Hindi ko pa nakita ng personal si Aljun noon ngunit doon ko narealize kung gaano katindi ang kamandag niya sa mga babae noong ang isa sa kanila na kasama namin sa Liberal Arts ay nagtatakbong pumasok ng room galing CR, at nagsisigaw. “Nand’yan na siya! Nad’yan na siya!” At nagsimulang magtitili na ang mga babae na mistulang pinagssaniban ng masasamang espiritu. At noong makarating naman sa bungad ng pintuan si Aljun, bigla rin silang natahimik; iyon bang sa sobrang tahimik ay tila marinig mo pa ang ingay ng isang karayom na nalaglag sa sahig. Nangingiti-ngiti na lang kaming mga lalaki. 

Friday, December 28, 2012

PARAFFLE 1


By: Mike Juha
“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon.

Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay. 

“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na boses kong sagot sa kanya.

“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang pagsigaw.

“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.

“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.

“Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.

“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” tanong niya sa akin.

CHRISTMAS GIFT


By: Smiley Green

Malamig ang ihip ng hangin sabay sa mga tinig ng batang nagsisiawitan. Andun ang nasa tono at karamihay sintunado na, mali-mali pa ang lyrics. 

May mga nakakatanggap ng mamiso, pinagpapatayan ng ilaw at kung mamalasin ay ipinapahabol pa sa mga aso. Ganun pa man, mahirap o mayaman masayang sinecelebrate ng mag pinoy ang pasko.


Ngunit taliwas ata ito kay Carl: 24-year old, single at wala pang laman ang bulsa. Naubos kasi ang kanyang ipon sa pagbili ng isang maliit na condo unit sa Manila.


Napagpasyahan niyang bumukod muna sa kanyang mga magulang, pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya sa mg batas nito.


Pero hindi naman talaga ang pera ang lubos na bumabagabag sa kanyang kalooban kundi ang pagiging miyembro niya ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko).


Naisip kasi niya na 24 na siya pero iisa palang ang nagiging boyfriend niya.Oo, boyfriend, hindi man halata sa kanyang kilos at pananalita, lalakeng-lalake man sa paningin, lalake ang gusto niya.


Hindi madali para sa kanya ang paghahanap ng boyfriend, sapagkat isa syang professional at tanging ang X niya at sya lamang ang nakakaalam tungkol sa tunay niyang kasarian.

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 13

Halos panawan ng ulirat si Gboi sa nalaman. Hindi na niya naabutang buhay ang kanyang ama. Namatay ito minutes before they arrived in the Hospital. Nangatal ang buong pagkatao niya sa nalaman. Halos ayaw gumalaw ng katawan niya sa pagka-shock sa balita. Namanhid ang buong katawan niya. Halos hindi na siya makahinga.

The flashbacks of how he fought with his father flooded his mind. Naninikip ang dibdib niya sa pagka-alalang iyon. Parang sinasakal siya. Pinilit niyang humakbang ngunit hindi niya talaga kaya.

Nananakit na rin ang mata niya sa pagpipigil ng pag-iyak. He didn't want to believe that news. No freaking way. Malakas ang ama niya ng iwan niya ito nung isang araw. Hindi siya makapaniwalang basta na lamang itong malalaglag sa hagdan ng mansiyon nila.

Naalala pa niya kung paano siya sinalubong ng mayordoma nilang si Manang Mercy. Umiiyak ito ng maabutan nila sa labas ng operating room. Ang kanyang madrasta ay naroroon din at kasama si Elric na pilit na kinakalma ito. His stepmother is almost hysterical na kinailangan na itong i-sedate ng mga nurse at ngayon nga ay nasa isang room na ng hospital.

SI UTOL AT ANG CHATMATE KO 8


By: Mike Juha
Guys, pasensya na skip tayo sa part 15. Lets assume na my nangyari kay enzo at sa kuya erwin nya which is i think yun talaga ang nangyari. So here's the continuation.

------------------------------------------------

Sumiksik sa isip ko ang mga nangyari sa gabing nakaraan at pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Naghalo ang excitement at saya sa nangyari bagamat sa kaloob-looban ko, may nadarama din akong “guilt” o hiya sa sarili. Parang, “totoo” ba talaga ang lahat...? 

Hinila ko ang kumot na ginamit ni kuya sa pagtulog at tiningnan ko ito nang maigi, hinanap ang bakat na magpapatunay na may nangyari nga. At noong makita ko ito, doon ko napagtanto na totoo nga ang lahat. Idinampi ko ito sa king mukha at inamoy-amoy ko ang parteng iyon kung saan naroon ang bakat...

Noong mahaplos ko ang aking pisngi, nakapa ko naman ang natutuyong dagta na dumikit pa doon. Magkahalong kilig at pagkahiya sa sarili ang aking naramdaman.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto upang hanapin si kuya.

“Umalis na papuntang school, may kalahating oras na ang nakalipas” Ang sagot sa akin ni mama.

Syempre, laking pagtataka ko kasi napakaaga naman niyang umalis at hindi ganoon si kuya. Palagi niya akong sinasabayan, hatid-sundo pa. 

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 8


by: Mikejuha
Mistulang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ang buong larawan na naglalaro sa isip ko ay kalagayan ko kung wala na siya, ang mga pagbabago, ang mga nakasanayan ko sa kanya siguradong hahanap-hanapin ko, ang mga kulitan namin, mga harutan, ang pag-aalaga niya sa akin, ang mga magagandang experience na naranasan ko sa kanya… Parang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.

“P-aano na lang ang pag-aaral mo…?” ang nasambit ko na lang.

“Ano pa ba ang silbi ng pag-aaral ko kung ang kapiranggot na pera na gagastusin ko sa mga pangangailangan dito ay mas kakailanganin para sa mga gamot ng nanay?”

Natahimik ako sa sagot niya. “Pero bakit kailangang iwan mo ang nanay mo?” tanong ko uli. Gusto ko sanang idagdag pa ang tanong, “Ako… paano na lang kung wala ka? Hahayaan mo na lang ba akong mag-isa?” Ngunit wala akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya. Tiniis ko na lang na itago ito sa aking isipan.

“Wala akong choice… Kung nandito naman ako ngunit walang maitutulong sa kalagayan namin, wala din. Mas mabuti nang nandoon ako, at least, makakatulong ako sa kahirapan namin.”

Tahimik.

Nagpatuloy siya. “Hindi ko alam kung may nagmamahal ba talaga sa akin e. Sa panahon ng pangangailangan ko, wala akong masasandalan, wala akong malalapitan, walang kadamay. Pati ang girlfriend ko, hindi ako maintindihan. Kesyo daw kailangan ko pa ring bigyan siya ng atensyon, tinitext, tinatawagan, tangina niya. Mas iniisip pa niya ang kalandian niya kesa kalagayan ng boyfriend niya.” Lumingon siya sa akin. “Ikaw na lang sana ang pag-asa ko. Ngunit wala ka rin. Hindi kita mahagilap…”

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...