Monday, July 16, 2012

TOL... I LOVE YOU 9


By: Mikejuha
“Buhay ko, Tol… kaya kong ibigay para sa iyo” ang sagot niya sa tanong ko.

“Talaga?”

“Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagtalon ko sa pumpboat sa gitna ng dagat kahit hindi ako marunong lumangoy makuha lang ang atensyon mo? Hindi pa ba sapat na nilaslas ko ang pulso ko para mapatawad mo lang ako? Kulang pa ba ang mga iyon para patunayan ko sa iyo kung gaano kita kamahal? Kung may kailangan pa akong gawin tol... sabihin mo, at gagawin ko ito.”

Sa pagkarinig ko sa sinabi niya, naramdaman ko ang awa. At ewan kung dala lang ng kalasingan ko, namalayan ko na lang na hinaplos-haplos ng mga kamay ko ang mukha niya. “K-kung gusto mo tol… papayag ako na magkaroon tayo ng relasyon. Ngunit sa isang kondisyon nga lang, na itago natin ito at walang dapat makakaalam…”

Kitang-kita ko naman sa mga mata ni Lito ang saya sa narinig. Ngunit bigla rin itong napawi. “Ayokong gawin mo iyan tol dahil sa napilitan ka lang. Ayokong labag sa kalooban mo ang gagawin mo. OK na ako sa ganitong setup. Mas maganda na ang ganito kesa magkaroon nga tayo ng relasyon ngunit pilit naman, isang relasyon na sa bandang huli, ako pa rin ang magdurusa…” 

Mistulang nabigla ako sa sinabi niya, hindi makasagot. Hindi ko akalalin na aayaw siya sa naging proposal ko.

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 6


by: Mikejuha
So… balik normal na naman ang lahat. I mean, iyong ganoong set-up na parang kami ngunit hindi. Ewan, basta parang ganoon. Hindi ko nga alam kung MU bang matawag iyon e. Kasi, mag-kuya ang nakalagay sa “official” registration ng mga utak namin e, hehe. Hmmm, baka hindi rin naman pero wala lang gusotng umamin. Oo, may singsing ako sa kanya, sa thumb nga lang at walang marriage proposal – charing! Oo, may nangyari sa amin, ngunit wala namang sinabi iyong tao na pananagutan niya ang puri ko, nyahaha. Hindi nga, dedma iyong tao kung mahal ba niya ako o hindi. At syempre, ayaw ko rin namang magsabi sa kanya na mahal ko siya no. Ano ka... Basta! Ayaw ko. Ano ako, cheap na NFA? (Hehe)

Ngunit kahit pa man sobrang nakakaloka ang set-up namin, kina-career ko na talaga ang pagka-close namin. Tinatanong siya kung kumain nab a, na dapat huwag masyadong magpapagod... halos susubuan ko na nga kapag kumain kami eh. At, palagi niya akong hinahatid sa bahay galing school at minsan, doon na matutulog sa bahay, doon kumakain at, take note, kapag may chance siya, nagluluto iyan. Mahilig kasing magluto ang kumag at ang sarap pa niyang romomansa, este, magluto, pramis. Dahil nga yata d’yan kaya siya naging close at kadikit ng mga parents ko eh. Sa totoo lang, feeling ko, kasal na lang talaga ang kulang sa amin.

Ang buong akala ko, tuloy-tuloy na ang lahat. Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang pag-ibig. 

Isang araw, nag-absent si Kuya Rom sa klase. Walang text, walang explanation kung bakit. Noong pumasok kinabukasan, napansin kong tila malalim ang iniisip nito at kahit ngumingiti at nakikipagbiruan, parang may iba talaga siyang kinikimkim na hindi ko mawari. Noong magpraktis kami, parang wala din ito sa sarili. Kinausap ko siya tungkol dito at kung bakit siya nag-aabsent. Ngunit ayaw niyang magsalita, walang sinabing dahilan. Ang sabi lang niya ay huwag ko da siyang alalahanin at ok lang siya. 

SI UTOL AT ANG CHATMATE KO 6


By: Mike Juha
“Kuyaaaaaaa!!!!” Ang sigaw ko sabay takbo palapit sa kanila. Syempre, napakasakit kaya na makitang kahalikan ng mahal mo ang kuya mo. Ako ang nagtanim, ako ang nag-ani, ako ang nagbayo, ako ang nagsaing… isusubo ko na lang tapos, iba pala ang ngunguya? Hindi pupuwede iyan. Hindi ako papayg na mangyari iyan. Maghalo man ang… ang… ano nga iyon? Ah, basta! May maghalo na kung ano sa tinalupan!

Kaya simbilis ng kidlat akong tumakbo papunta sa kanila upang agapan na huwag silang darating sa puntong mag-ungulan sa sarap ng paglapat ng kanilang mga bibig. At tamang-tama noong makalapit ako ay, “Gwarrkkkkk!!!!” 

Hindi yata nahanap ni kuya ang masarap na lasa ng mga labi ni Zach kaya sumuka siya. At tumalsik ang mga ito sa mukha ni Zach, ang iba ay bumagsak sa mesa at ang iba pa ay… ewwwww! Diretsong na-shoot sa bibig ni Zach!

Syempre, nabigla si Zach. Ngunit dahil lasing na rin ito, niluwa na lang niya ang mga durog-durog na laman ng pagkain at malalagkit na laway galing sa bituka ni kuya at pinunasan na lang ng kanyang mga kamay ang natirang mga dumikit pa na labwab sa kanyang mukha sabay bagsak ng kanyang ulo sa mesa at sa kalasingan ay wala na… walang pakialam kung ang mesa ay malinis o binahaan din ba ito ng suka ni kuya. Wala… hindi na magawa pa nitong kumilos.

Samantala, nagsusuka pa rin si kuya bagamat nanlupaypay na sa kalasingan hanggang sa isinampa na rin nito ang kanyang ulo sa mesa, sa harap ni Zach, at hindi na rin kumilos. Tulog.

Dali-dali kong tinawagan ang front desk at nanghingi ng tulong. Maya-maya, umakyat si Ormhel.

IDOL KO SI SIR 10 (BOOK 1)

By: Michael Juha
Madilim ang kwarto, malakas ang kabog ng dibdib sa naghalong kaba at excitement. Dahan-dahang dumampi ang hita ko sa harapan nya. Nakiramdam ako. Hindi sya kumibo, hindi kumilos, hindi man lang tinapik iyon. Pinabayaan lang nya ito. Dama ko ang umbok ng pagkalalaki niya at lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ilang sandali din ang lumipas at hindi pa rin sya kumilos. Natuyu ang lalamunan ko sa di maipapaliwanag ang naramdaman sa pag-antabay sa maaring sunod na mangyari. Napalunok ako ng sariling laway, tuliro ang utak, nag-isip kung galawin ang hitang nakapatong o idiin yun. Kinikilig, nakikiliti at nag-iinit ang aking katawan.

Lumakas ang loob ko sa pagbale-wala nya sa ginawa ko. Ipinatong ko na rin ang isang kamay sa dibdib nya at iniusog ang katawan, ang bibig ko ay halos madikit na sa tenga nya. Naaamoy ko ang shampoong ginamit nya sa pagligo nung gabing iyon. Nanatili syang walang kibo, hindi gumalaw.

“James... I love you.” Bulong ko.

Tahimik.

“Bakit ka nandito?” Sumagot sya ng pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi sya gumalaw at painabayaan pa rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kanya.

“Hindi ako mapakali kung hindi kita nakikita at nakakasama...”

“Bakit?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong nanjan ka palagi sa piling ko.”

“Bakit?”

“Yan ang sinasabi ng puso ko, James... at ikaw ang tinitibok nito.”

“Bakit?”

“Ewan...”

“Paanu kung nagsisinungaling ang puso mo?”

“Hindi ako magsasayang ng oras at panahon sa pagpunta dito kung alam kung hindi totoo ang sinasabi ng puso ko...”

“Bakit mo ako minahal?”

“Dahil iyon ang nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nagpapatino sa akin. Ikaw lang ang alam kong taong iniidolo ko. Ikaw lang ang taong alam na alam ang buong pagkatao ko, ang buhay ko, ang taong nakakaintindi sa akin, ang nagbalik ng tiwala ko sa sarili, at ang nagturo sa akin kung paano tahakin ang buhay sa mabuting paraan. Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagtitibok at nakapaghihinto nito ng sabay. Pag hindi kita nakita, napakalungkot ng mundo ko, walang kahulugan ang buhay, walang kulay...”

Mejo napangiti ako nung tinanong nya. “Di ba corny?”

“Corny, yeah. And love should be, and OA, and --”

“Stupid.”

“Yeah” ang maagap kong sagot, at sabay naming binitiwan ang pigil na tawa habang nakapatong pa rin ang kamay at hita ko sa kanya.

“Salamat sa pagdepensa mo sa akin sa graduation. I hated you doing it...”

“Bakit”

“Dahil you’ve blown up the issue”

“Yeah, but it straightened the record, case closed.”

“And you’re punished.”

“Yeah. And I don’t care a bit. I don’t need those medals anyway. I need you...”

Tahimik ulit. “Bakit ako ang napili mong mahalin?”

“Hindi ako ang pumili sa iyo, James, puso ko, at di ko alam kung bakit. Yan din ang tinatanong ko.”

“Paano kung mali ang iniudyok ng puso mo?”

“Kung ganun, ayoko nang maging tama pa ito.”

“Nasa alaala ko pa, Carl ang nangyari sa atin... at ang kapahamakang nagawa nito. Gusto mo bang maulit uli yun?

Tahimik. Niyapos ko sya. Idiniin ko ang mukha ko sa ulo nya, ang mga labi ko ay idinampi sa tenga nya. Hindi pa rin sya kumibo. Hinayaan lang nyang magdikit ang mga katawan namin.

“I’m sorry James sa mga nagawa ko. Ngunit mahal kita at handa kong paninindigan ang nararamdaman ko para sa iyo. Iba iyong nangyari sa atin noon James, sinugatan mo ang puso ko at matindi ang galit ko sa iyo sa panahong iyon. At alam mo ding magulo ang buhay ko noon. Nagbago na ako, James... dahil sa iyo.”

“Paanu kung susugatan ko uli ang puso mo?”

“Kung liligaya ka sa gagawin mo, wala akong magawa. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisi na ako. Ngunit kung kailangan ko pang i-pakita sa iyo kung gaano kalalim ang pagsisisi ko, gagawin ko. Tatanggapin ko kung anu man ang parusang ipapataw mo.”

“Hanggang kailan mo ako pweding mahalin?”

“Walang hangganan.”

“Habang may buhay?”

“Oo”

“Ayaw mo ba magkaroon ng normal na pamumuhay, na may pamilya, asawa, at anak? Ayaw mo bang bigyan ng lubusang kaligayahan ang mommy mo na mabigyan sya ng apo? Ayaw mo bang magkaroon ng anak at ibigay sa kanya ang hindi mo naranasan simula nung ika’y bata pa?”

Hindi ako nakakibo. Sumiksik ulit sa isipan ang huling binitiwang salita ng mommy na gusto nyang magkaroon ng apo. Naalala ko rin ang mga sandaling nahahabag ako sa sarili kapag nakita ang ibang mga bata na may daddy na kalaro o kasama sa pamamasyal.

Nagpatuloy sya. “Kaya mo bang habang namamasyal tayo, titingnan tayo ng mga tao at pagkatapos ay magtitinginan silang may bahid-malisya? Kaya mo bang habang nagsasama tayo sa isang bahay, may mga dadaang tao at titingnan tayong ang turing ay parang mga taga-ibang planeta o hindi normal na mga tao?”

“Kakayanin ko, James.”

Tahimik.

“Anong gusto mong mangyari ngayon?”

“Sana, magsama tayo palagi, gaya ngayon...”

“Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay?”

“Bakit... wala ka bang nararamdaman para sa akin?”

“Magkaiba ang dalawang bagay na yan, Carl; ang magmahal at ang mangarap”

“Bakit, ano ba ang pangarap mo?”

“Ang magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay, ng mga supling na nagtatakbuhan at nagkukulitan, na inaalagaan, na binibigyang pansin at mag-aalaga sa aking pagtanda; ang magkaroon ng isang babaeng maging ina nila, na dadamay at katuwang sa buhay. Ikaw ba hindi sumiksik sa isipan ang ganun?”

Parang tinusok ang puso ko sa narinig. Dama ang namumuong luha sa mga mata ko. “Gusto ko rin, syempre. Pero, bata pa tayo, James. Twenty lang ako at ikaw, 25. Kailangan na ba nating magdesisyon sa mga bagay na yan ngayon?” ang sabi kong halatang nasaktan sa sinabi nya.

Hindi pa rin sya kumilos. “Oo, dahil kung gusto mong magtagumpay sa buhay, kailangang may direksyon ka, may plano.”

“Hindi mo ba ako mahal?”

“Bakit mo sisirain ang buhay ko at ko at ang buhay mo? Bakit mo sisirain ang pangarap ko?”

Tuluyan na akong naapektuhan sa diretsahang sinabi nya. Tinanggal ko ang kamay at hitang nakapatong sa kanya bilang pagpapahalata sa di nagustuhang tono ng kanyang pananalita. Tumihaya ako, inilagay ang isang braso sa ibabaw ng aking ulo. “Bakit? Bawal ba ang magmahal ng ganitong klase? Lahat ba ng taong nagmahal ng ganito ay nasisira ang mga buhay nila?” ang sabi kong halata sa tono na nasaktan.

“Hindi.”

“Yun naman pala eh. Bakit ganyan ka kung makapagtanong?”

“Dahil naniniwala ako na ang lahat ng klaseng pagmamahal ay dapat may focus, may target, may direksyon. Hindi lang basta nagmahal ka ngayon at bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Naniniwala ako sa pagmamahal na hindi lang puso ang umiiral kung hindi, pati na ang isipan... Ganyan ba ang pagmamahal mo?”

“Hindi ko maintindihan.”

“Give yourself sometime away from me...”

“Bakit?”

“Kung mahal mo pa rin ako after a year kahit malayo ka sa akin, jan ko malalaman na ang pagmamahal mo ay di lang umiiral sa puso...”

“Ba’t di mo nalang sagutin ang tanong ko ngayon? Kung mahal mo rin ba ako.”

“Love is patient... love knows no bounds. Love goes to where it’s meant to be.”

“Mahal mo ba ako?” ang pangungulit ko.

“Do you believe in destiny?”

“What’s the relevance?”

Hindi na sya sumagot. At sumiksik sa isip na talagang hindi nya ako mahal at imposibleng mahalin pa. Iniisip ko na naghanap lang sya ng excuse upang lumayo ako, malimutan sya, at hindi na guguluhin o kukulitin pa. Tuluyan nang dumaloy ang luhang kanina lang ay namumuo sa mga mata. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito sa unan, sa papag na hinihigaan.

Hindi na ako kumibo, hindi na kumilos upang hindi mapansin ang paghikbi at hinanakit sa mga sinasabi nya. Pilit kong isiniksik sa isipan na kaya kong labanan ang sakit na nararamdaman, at ang pag-reject nya sa nararamdaman ko. Pilit kong inamo ang sarili na ang lahat ng tagpo namin at mga alala sa kanya ay pawang panaginip at kathang-isip lang.

Tahimik.

Maya-maya, tumagilid sya paharap sa akin. Nagulat na lang ako nung dahan dahan nyang ipinatong ang isang hita nya sa harapan ko at ang isang kamay nya sa dibdib ko. Hindi na ako kumibo. Ini-usog nya ang katawan palapit sa akin, ang bibig ay nakadikit sa tenga ko. Binulungan nya ako, “Carl, I love you. I do... Pero sana naintindihan mo ang sinasabi kong panagarap.”

Niyakap nya ako, mahigpit. Pinunas ng kamay nya ang luha sa pisngi ko. Nghalong saya at pagkalito ang naramdaman sa narinig at sa una nya nang mga nasabi. Akala ko, hindi mo ako mahal. Akala ko – hmmmpp!

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin nung idinampi nya ang mga labi nya sa labi ko. Nagyakapan kami na animo‎’y wala nang bukas pang darating, nag-aalab ang pagnanasa sa isa’t-isa. Sa pagkakataong iyon, batid ko ang nilalaman at isinisigaw ng puso niya. Puno ng pagmamahal at pananabik. Para kaming mga batang puslit, walang mga saplot, walang pakialam sa mundo at uhaw na uhaw. At tuluyan nang nagdikit ang aming mga katawan, ang sabay na pagpintig ng aming mga puso, ang pag-iisa ng aming isip at damdamin. Para kaming lumulutang sa ulap. At nang marating na namin ang ruruk ng kaligayahan, di maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama. Tinamasa namin ang sarap na iyon ng ilang ulit pa, sa buong magdamag...

Nung humupa na ang pag-aalab ng aming mga katawan. Bumulong sya. “Kung talagang para tayo sa isa’t-isa, layuan mo muna ako, isang taon, walang contact. Kung nandito pa ako sa pagbalik mo… maaring para nga tayo sa isa’t-isa. Ngunit kung sa pagbalik mo’y nakahanap na ako ng babaeng pakasalan, sana matanggap mo rin iyon, ang marating ang sariling pangarap. Ngunit kahit pa mangyari iyon, pangakong hindi kita buburahin sa puso ko.

Tahimik.
Nagpatuloy sya. “Ikaw, maipangako mo ba sa akin na babalik ka, at na kung mahanap ko man ang sariling pangarap, matatanggap mo?”

“Oo. Babalik ako, at ano man ang madadatnan ko sa pagbabalik, tatanggapin ko ito ng buong puso….”

“Salamat Carl. Salamat…” sabay dampi ng mga labi nya sa pisngi ko.

Kinabukasan, lumuwas ako patungo sa malaking syudad, sa bahay ng mom. Yun na ang huli naming pagkikita ni Sir James. Batay sa pinagkasunduan, isang taon ko syang layuan. Walang kasing sakit ang mawalay sa taong mahal. Ngunit tiniis ko ang lahat, maipamalas lang kung gaano kalalim ang pag-ibig ko sa kanya.

Anim na buwan ang nakaraan at wala kaming contact sa isa’t-isa, at di ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, except sa sinabi ng secretary ng mom ko na syang nagmo-monitor sa charity project nila ni Sir James. Successful daw ang implementasyon nito at maganda ang feedback ng mga tao. Na-feature din sila sa iba’t ibang news programs at mga magazines maging sa labas ng bansa. At dahil na rin sa success na natamasa, nakahanap sila ng iba pang mga malalaking sponsors at donors na syang dahilan upang mag-expand at mag-open na rin ng formal school.

Anim na buwan pa ang hihintayin at babalikan ko na ulit ang lugar na iyon upang tutuparin ang isang pangako. Hindi ko alam kung ano ang maging mangyari; kung ganun pa rin ba sya, o may iba nang tinitibok ang puso.

Ngunit ang mahalaga, ay maipamalas ko sa kanya na ang pagmamahal ko ay hindi lang sa puso umiiral. Ano man ang madatnan sa pagbalik, tatanggapin ko ito ng buong tapang, ng buong pang-unawa kahit ito’y nangangahulugan ng katuparan ng pangarap nya sa buhay – ang magkaroon ng sariling pamilya, asawa’t mga supling.

Matatanggap ko ang lahat dahil naintindihan ko na ang ibig sabihin ng sinasabi nyang pangarap. At ito na rin ang pinapangarap ko para sa sarili...
(End of Book 1)

Monday, July 9, 2012

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 5


by: Mikejuha
Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang may ibibigay siya sa akin, agad akong tumagilid paharap sa kanya, “Talaga Kuya? A-ano...?” ang excited kong tanong. 

Tumayo siya sa kama at tinumbok ang nakalatag na pantalon sa sahig, pinulot ito at may dinukot sa bulsa. Noong makuha na ang bagay na iyon, itiniklop niya ang kamay sa paghawak nito habang pabalik sa higaan. Umupo siya sa gilid ng kama, iniabot sa akin ang nakatakip pa ring kamay. Noong tiningnan ko ito, inilantad niya sa akin ang laman noon sabay sabing… “Surprise!” 

At bumulaga sa mga mata ko ang kanyang sorpresa.

“Wahhhhh! Singsing!” sambit ko sabay balikwas at upo sa kama. 

“Thumb ring.” Sabi niya sabay hablot sa kanan kong kamay it isiknikbit sa thumb ko iyon. “Eksaktong-eksakto, tol…” sabi niya noong tuluyang maipasok ito. “Ingatan mo iyan, mahal iyan, hehe.” Pahabol niya.

Halos mapaiyak naman ako sa tuwa. Hindi kasi ako makapaniwala na isang barakong katulad ni kuya Rom ay may soft spot para sa akin. Marahil ay mumurahin lang din ang singsing na iyon ngunit para sa akin, ang pagbibigay niya sa akin niyon ang pinaka-importante. Syempre, alam ko, mahirap lang ang pamilya ni Kuya Rom. Ni sa pag-aaral nga, kung hindi lang siya varsity scholar, hindi na iyan makakatungtong ng college. 

“B-bakit mo ako bingiyan nito?” ang tanong ko sa kanya, kunyari, syempre, pa-demure, hehe. Atsaka, malay ko bigla siyang luluhod at sasabihing “Will you marry me???” Nyahaha! 

“Tinatanong pa ba yan?” sagot naman niyang parang wala lang nangyari. “Pag may nagbigay sa iyo ng isang bagay, huwag nang itanong kung bakit; tanggapin mo na lang.” dugtong pa niya.

“Ganoon!?” sigaw ng isip ko. At syempre, ano pa ba ang pwedeng gawin ng lola ninyo kundi ang yakapin siya at halik-halikan sa pisngi. 

Pero ang pagbigay niya sa akin ng thumb ring na iyon ay lalo pang nagpapatuliro sa aking isip. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. Ano ba talaga kami? Mahal ba niya ako bilang kapatid lang, o bilang kasintahan? Bakit niya ako binigyan ng singsing? Alam niya kayang may naramdaman ako para sa kanya? Kung alam man niya at may naramdaman din siya sa akin, pwede kayang maging kami? At bakit di niya masabi sa akin? Hinintay ba niyang ako ang magsabi sa kanya? Bakit mahal naman daw niya ang girlfriend niya? At bakit kapag nakakakita siya ng magagandang babae ay ipaparinig pa niya sa akin ang kanyang paghanga sa mga ito, kagaya ng “Wow! Sexy!” “Shitttt! Sarap papakin ng legs!”? Normal lang ba itong naramdaman ko para sa kanya?” Iyan ang ilan sa mga katanungang bumabagabag sa aking isipan. Hirap tatalga sister, grabe. 

Ngunit kahit tuliro ang aking isip, matinding tuwa naman ang dulot ng pagbibigay niya ng singsing sa akin. Para bang feeling ko, may halaga talaga ako para sa kanya; na may puwang ako sa puso niya, kahit papaano. Sa minu-minutong nakikita ko ang singsing niya sa aking daliri, tila lalong tumitindi ang naramdaman ko para kay Kuya Rom. Pero, syempre, hindi ko pinapahalata ito. Paano nga, hindi ko naman malaman kung para saan iyong singsing na iyon. At wala namang umaamin sa amin. Alangan naman kung ako ang manligaw sa kanya. Hindi ko pa naranasan ang manligaw, at syempre, lalo na sa lalaki. Parang, “ewwwww!” Di ko ma-imagine ang sarili ko.

Isang araw, naimbitahan ang mama at papa ko sa tagapamahala ng lupain namin sa probinsya sa isang pyesta sa baranggay doon. Araw ng Sabado ang pyesta at nagkataong idiniklara na walang pasok din ang araw na Lunes. Kaya tatlong araw na libre ako. Dahil may ibang appointments ang mga magulang ko, tinanong nila ako kung interesado pa rin akong pumunta kahit wala sila. Pero ini-encourage din nila akong pumunta para din daw mapasyalan ko ang nyugan at palayan namin. At dahil gusto ko rin naman, umuo na ako. At kagaya ng mga ganitong lakad at lalo na driver lang ang kasama, pinakiusapan nila si Kuya Rom na samahan ako. Umuo rin iyong tao. Sobrang excited ako.

Friday pa lang ng hapon, nag-impake na kami. Target kasi namin na makaalis ng mga alas 4 ng hapon. Buong umaga ng sabado kasi ay may liga at may mga palarong basketball at volleyball daw. Dahil may 6 oras din ang biyahe kaya napagdesisyonan naming doon na magpalipas ng gabi sa probinsya upang makasali kami sa kung ano mang liga mayroon kinabukasan.

Kahit sa pag impake, kay Kuya Rom pa rin ako naka-depende. Sama-sama kasi ang mga gamit namin kapag ganyang nag-aout of towm kami. Alam niya kasing may pagka-spoiled ako at walang alam na trabaho o kung may alam man, hindi siya kampanteng magawa ko ito ng mabilis o maigi o magulo ang pagkalagay ko ng mga damit at gamit sa bag. At iyon ang pinakagusto ko sa setup naming; ang siya ang gumagawa ng lahat ng pag-iimpake. Feeling ko, secure na secure ako sa kanya, hindi niya ako pinapabayaan... 

Kaya imagine, sa sarili kong kuwarto, siya ang naghahalungkat sa locker ko at siya ang pumupili ng mga damit kong dapat dalhin, pantalon, at kahit mga briefs. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang role niya sa buhay ko eh. Yayo, all-around na katulong, tatay, nakatatandang kapatid, o… asawa (?). “May tao o kaibigan ba talagang ganyan kabait at ka-concerned? Totoo ba itong nangyari sa akin?” tanong ko sa sarili.

Habang busy na busy siya sa pag-aayos sa lahat ng mga dadalhin namin, nagkandaugaga kung paano pagkasyahin ang bag sa mga gamit namin, nakatunganga naman akong nakaupo lang sa kama, pinagmasdan siyang ang hubad na pang-itaas na katawan ay pinagpapawisan. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong marahil ay napansin niyang malalalim ang tingin kong nakapako sa kanya sa sobrang pagka-mesmerize. Hininto niya ang ginagawa, bigla akong binato ng brief niya sabay sigaw, “Hoy!” 

Sapol ako sa mukha. Dali-dali ko ding hinablot ang isang unan, nilapitan siya at inihambalos ko ito sa mukha niya. Nagbatuhan kami ng mga damit at ang naayos na sanang mga gamit namin ay muli itong nagkalat. Napuno sa ingay ng mga tawanan namin ang kuwarto. 

Noong mapagod, naupo ako sa kama hindi pa rin maawat ang sarili sa katatawa at kakantyaw sa nagkalat uling gamit. “Sige, kulitin mo pa ako at hindi mo matatapos iyang ginagawa mo.” pagbabanta ko.

Bigla naman siyang tumakbo papunta sa kinauupuan ko, tumalon at ibinagsak ang katawan sa kama sa harap ko mismo. Tapos parang naglalarong ipinikit ang mga mata, nagpapa-cute.

“Nagpapansin ka ano?” sambit ko.

“Sobrang pansin na nga eh. Alam ko, naglalaro sa isip mo ang pagpapantasya sa akin…”

“Wahhhh! Kahit talaga kailan epal ka!” sagot ko naman.

“Epal pala ha…” At bigla siyang bumalikwas, piniwersa akong tumihaya at noong nakatihaya na, dinaganan ang katawan ko, ang magkabilang kamay kong nakalatag sa gilid ay inipit din ng mga kamay niya, pati na ang mga paa ko sa mga paa niya.

At… siguro naman ay alam na ng mga malalaswang utak ninyo kung ano ang sunod na nagyari, hehe. (Sarap pa namang i-detalye ang hot scene - hehe)

Ganoon kami kasaya ni Kuya Rom noong paalis pa lang kami. 

Mag-aalas-dyes na ng gabi noong dumating naman kami sa lugar. Malayo-layo pa talaga sa kabihasnan. Kahit na madaanan na kahit papaano ng sasakyan ang kalsada nilang puro bato-bato, malalaki ang mga puno ng kahoy na dinadaanan namin, hindi pa naabot ng signal ng cell phones ang lugar, at tila bago pa lang din itong naabot ng koryente. 

Para kaming mga artista noong dumating. Palibhasa, karamihan ng mga tao doon ay nagtatrabaho sa lupa namin kaya pagdating pa lang namin ay animoy fiesta na. Kahit gabi iyon, marami pa ring mga tao ang sumalubong.

“Magandang pagdating, Sir Jason!” Ang bati kaagad sa amin ni Mang Nardo pagkababa ko pa lang sa Land Cruiser na sinakyan namin.

“Salamat po!” Ang sagot ko naman. “Ipakilala ko pala si Kuya Romwel ko sa inyo! Siya po ang ipinasama sa akin nina Mama at Papa.” Dugtong ko.

Kinamayan ni Kuya Rom si Mang Nardo at pati na rin ang mga kapamilya nila.

“Ah… may kapatid po pala kayo, Sir Jason? Akala ko ba nag-iisa kang anak?” tanong ni Mang Nardo. “Artistahin na artistahin po ang porma niya, katulad din ninyo” dugtong niya.

“Di hamak na mas pogi po ako kesa d’yan, Mang Nardo. Adopted lang po ng mga magulang ko iyan, hehe.” Biro ko sabay tingin kay Kuya Rom na panay lang ang ngiti.

Habang naglalakad na kami patungo sa ancestral house namin na siya ding tinitirhan at inaalagan nina mang Nardo, kinakawayan namin ang mga nakahilirang manggagawa na nag-welcome at naki-usyoso. Noon lang nila kasi nakita ang anak ng may-ari ng lupaing sinasaka nila. At pansin ko kaagaad ang paghanga nila sa akin, ngunit lalo na ng mga kababaihan para kay Kuya Rom. 

Sa napansin ko, ramdam ko naman ang selos na tila gumapang sa aking katauhan. Para bang gusto kong isigaw sa kanilang “Hoy! Para lang sa akin yan!” Ngunit syempre, hindi pwede dahil laking eskandalo ang maaring mangyari… hehe. 

Atsaka, kahit pwede pa kung wala din namang sinabi iyong tao na kami na nga, wala din. Sumingit tuloy sa isip ko na siguro, kung naging babae lang ako at boyfriend ko si Kuya Rom, sobrang proud ako sa sarili na nagkaroon ng boyfriend na mabait, matangkad, guwapo, masipag… lahat ng hinahanap sa isang tao ay nasa kanya na. At ang laman ng isip ko na iyo ay may dalang kirot sa puso ko. Ngunit, wala akong magawa e. Kaya, hayun, tiis na lang...

Noong nasa bahay na kami, diretso kaagad kami sa master’s bedroom habang ang driver naman ay sa isang hiwalay na kwarto. 

“Sir Jason, inilipat namin dito ang isang kama sa kabilang kuwarto para tig-iisang kama kayo.” Ang sabi ni Mang Nardo. “At kung gusto ninyong kumain, ipahanda ko kainan.” Dugtong niya.

“Huwag na po, Mang Nardo. Pagod kami sa biyahe at may baon po kami na siya naming pinapapak habang nagbibiyahe. Magpahinga na lang po muna kami”

“Ah, Sige po, Sir Jason…” At umalis na si Mang Nardo.

Noong kaming dalawa na lang ni Kuya Rom ang natira sa kuwarto, “Ang yaman pala ninyo tol… Hindi ko akalain na isang prinsepe pala ang kinikilala kong bunso-bunsuan. Para tuloy nahiya na akong sumasama-sama pa sa iyo” sambit niya.

Tila nabigla naman ako sa narinig. “Huwag kang ngang ganyan, kuya. Di bagay sa iyo ang magdrama! Kahit ano man ang mangyari, ikaw lang ang nagiisang kuya ko.

“Talaga?” Sagot niya.

“Promise...” sabi ko naman. “Tulog na tayo kuya, pagod na pagod na ako.” Ang paglalambing ko sa kanya.

Pagkatapus kong mag-CR, maglinis ng katawan at magpalit ng damit pambahay, diretso na akong humiga sa malaking kama habang si Kuya Rom naman ay inilipat pa ang mga gamit namin sa cabinet. Iyon ang huli kong natandaan sa gabing iyon. Nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng mga alas dos ng madaling araw at med’yo nagulat ako noong makitang si kuya Rom ay doon na nahiga sa kabilang kama, nakatihaya, naka-boxers lang, at bakat na bakat ang malaking bukol sa kanyang harapan. Syempre, di ko lubos maisip kung bakit sa kabilang kama siya nahiga. Kapag ganoong kami lang dalawa sa iisang kuwarto kasi, hindi pupuweding hindi didikit iyan sa akin, nangungulit, at ililingkis ang mga kamay niya, pati na ang mga hita sa katawan ko, hindi papayag na walang mangyaring karumal-dumal. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na tumabi sa akin, hinayan na lang akong makatulog na mag-isa. Di maiwasang maninibago talaga ako.

Ang ginawa ko ay tinumbok ang kama niya, padabog na ibinagsak ang katawan ko doon, at pagkatapos, idinantay ko ang mga paa sa nakabukol niyang harapan at niyakap siya. Dama ng paa ko ang kumukislot-kislot pa niyang pagkalalaki sa ilalim ng kanyang boxer’s. “Kuya… tabihan mo ako doon...” Ang sambit ko, ang boses ay tila sa isang paslit na nagmamakaawa at naglalambing.

“Ahmmmm!” ang lumabas sa bibig niya, sabay unat. “Doon ka na sa kabila, dito na lang ako.”

“Ha? Bakit?” tanong ko.

“Antok na antok pa akoooo.” Ang malambing niyang sagot.

“Ayoko… gusto ko tabi tayo…” ang pangungulit ko, naglalambing din ang boses.

Tumagilid siya paharap sa akin, ibinuka ang mga mata at yumakap. “O sya, dito na lang tayo. Pagod pa ako, tol… tulog muna tayo ha?” ang sabi niya, sabay kiss sa mukha ko at muling ipinikit ang mga mata.

Iyon lang. At di ko na siya kinulit pa. Yakap-yakap siya, nakatulog na rin ako sa tabi niya. 

Magaalas tres na siguro iyon ng madaling araw noong maalimpungatan kong tila may humahaplos-haplos sa buhok ko. At noong tila may ilang patak ng likido ang bumagsak sa mukha ko, ibinuka ko ang mga mata. At ewan kung namalikmata lang din ako ngunit tila si kuya Rom iyong humahaplos-haplos sa buhok ko habang pinagmasdan ang mukha ko habang natutulog at noong magising ako, biglang ibinagsak naman niya ang ulo sa higaan at nagkunyaring tulog pa.

Tinitigan ko ang mukha niya nang maigi. Sa tingin ko ay himbing na himbing naman ito. Nagtataka man, bumalik na lang uli ako sa pagtulog.

Alas syete noong marinig kong kumatok si Mang Nardo sa kuwarto namin. “Sir Jason, kain na po… handa nap o ang agahan.”

Bumangon ako, at nagtaka na lang anko noong makitang wala na si Kuya Rom sa tabi ko. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto. “Mang Nardo, nakita niyo po ba si Kuya Romwel?” Ang tanong ko kaagad.

“Ah… nandoon sa ilog, maliligo daw siya doon. Hayun, sinamahan ni Julius.” Ang sagot ni Mang Nardo.

Si Julius pala ay ang bunsong anak nina Mang Nardo at asawang si Aling Isabel na ka-edad ko lang. Matagal na naming caretaker sina Mang Nardo at bawat bisita nila sa bahay namin sa lungsod, minsan ay sumasama din si Julius. Kaya kilala ko na siya at kaibigan. Med’yo matangkad din si Julius na may taas na 5’10”, sunog ang balat ngunit may matipuno na pangangatawan gawa ng trabahong bukid. At sa totoo lang, cute din si Julius. Chinito, may dimples, may maganda at mapupuilang mga labi na kapag ngumiti, makikita ang mapuputi at pantay na mga ngipin. Matangos din ang ilong, at maganda at makakapal ang hugis ng mga kilay.

Para naman akong nagtampo ng kaunti sa di maintindihang kung bakit hindi man lang ako inanyayahan ni Kuya Rom. “A… hahabol na rin po ako doon sa ilog” ang sagot ko na lang

“Hindi ka pa ba kakain?” tanong niya.

“Maliligo na rin po muna ako.” Sagot ko uli.

“Kung ganoon, samahan na kita.” Mungkahi ni mang Nardo.

“”Huwag na po… Malapit lang ng naman dito iyon, di ba?” 

“A, d’yan lang deretso sa dulo ng daanang iyan. May 500 metro lang ang layo galing dito” pagturo ni Mang Nardo sa isang daananan. 

“A, sige po.” At dali-dali na akong bumaba at tinungo ang ilogm excited na makapaligo sa preskong tubig nito. Narating ko nga iyon at kaagad kong nakita ang dalawa. Naliligo sila at sa napansin kong kasayahan at paghaharutan nila, napahinto ako bigla. Parang may biglang humarang sa akin at humila na huwag tumuloy. At nanatili nalang akong nakatayo sa di kalayuan habang pinagmasdan sila. Kitang-kita ko ang paghahabulan nila, ang paghahagisan ng tubig, dinig na dinig ang mga sigawan nila at ang lakas ng kanilang tawanan. Pakramdam ko, na-out of place ako. 

Umupo na lang ako sa damuhan habang pinagmasdan sila. Maya-maya, nakita kong umahon na sila sa tubig at habang sabay nilang tinungo ang aplaya, kitang-kita ko naman ang kabuuan ng mga katawan nila. Si Kuya Rom, naka-suot lang ng puting brief habang si Julius ay naka-suot ng maong na short na tila pudpod na sa pagka-luma. Pnagmasdan ko ang napakagandang hubog ng kanilang mga katawan. Paarehong hunk na hunk. Kung tutuusin, halos magkapareho sila ng height, parehong mga matipuno at magaganda ang mga katawan at tindig. “Bagay na bagay sila...” ang naibulong ko sa sarili.

Hindi ko rin lubos maintindihan kung kung bakit ganoon ang takbo ng aking pag-iisip. Nagseselos sa nakita sa kanila. At di ko maiwasang gumapng ang damdaming pagkaawa sa sarili… 

Noong nandoon na sila sa aplaya, naupo naman ang dalawa, nagtatawanan pa rin at naghahaharutan. Tila matagal na silang magkakilala at sobrang close na sa isa’t-isa.

Hindi ko rin natiisa ang nasaksihan at humarurot ako ng takbo pabalik sa bahay, deretso ng kuwarto at nag-iiyak. Mgkahalong selos at pagkahabag sa sarili ang naramdaman. Tila napakabagal ng takbo ng oras habang hinihintay ko si Kuya Rom na bumalik ng kuwarto at magbihis.

Siguro ay may isang oras din iyong paghihintay ko. Maya-maya, narinig ko na lang silang dumating at nagtatawanan pa rin. 

“Kasama niyo ba si Sir Jason?” Tanong ni Mang Nardo sa kanila.

“Hah? Hindi naman siya naming nakita doon, tay?” sagot ni Julius.

“Nagpaalam na pumunta doon ah! At sinundan ko pa nga ng tingin ang pagbaybay niya sa daanan patungogn ilog!” Sagot uli ni Mang Nardo.

Tila nagkagulo na sila noong sabihin ni Kuya Rom na “Tingnan ko po muna sa kuwarto...” 

At noong binuksan ni Kuya Rom ang kwarto ay nagkunwari naman akong natulog, tinakpan ang mukha sa kumot upang hindi mahalatang umiyak ako. “Tol! Nandito ka lang pala! Sabi kasi ni Mang Nardo nagpunta ka daw sa ilog?”

Hindi ako kumibo, nagkunyari pa ring tulog.

Umupo siya sa gilid ng kama. “Tol... kain na tayo”

“Tulog pa ako... Maya na ako kakain. Kayo na lang muna.” Sabi ko, ang kumot ay nakatakip pa rin sa mukha.

“May laro kaming basketball maya-maya lang tol ha... Isama ako ni Julius sa team nila. Kaya mauna na kaming kumain dahil malapit nang magsimula ang palaro.”

Sa narinig ko ay tila sinaksak muli ang nagdurugo ko nang puso. At ang naisagot ko na lang ay, “O s-sige...”

“Manood ka sa laban namin tol ha...?”

“S-sige...”

At narinig ko na lang ang mga yapak niyang palayo. At habang kumakain sila, dinig ko pa rin ang kwentuhan nila, ang kantyawan, ang tawanan.

Noong matapos na silang kumain, bumalik sa kwarto si Kuya Rom. Alam ko, nagbihis siy ng pambasketball at nagsuot ng saapatos. Pagkatapus ay nagtatakbong lumabas, pinabayaan na lang ako sa pagkahiga ko, takip-takip pa rin ang mukha sa kumot. “Nood ka tol ha?” Sambit niya bago isinara ang pinto.

Ngunit hindi na ako nanood. Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpasama ako kay Mang Nardo na ikutin ang mga pananim naming niyog at palayan. At habang nagku-kwento si Mang Nardo at ipinakilala sa akin ang mga tenants namin, halos hindi naman ito pumasok sa utak ko. Ipinamalas ang ngiti sa mga tao ngunit ang nasa loob ay matinding hinanakit.

Alas onse na noong sinabi ko na kay Mang Nardo na bumalik na kami sa bahay. Wala kasi akong ganang mamasyal at ang sabi naman ni Mang Nando na kulang ang isang araw upang maikot namin ang buong lupain ng mga magulang ko. Kaya ang sabi ko na lang sa kanya ay sa susunod na kapag nakabalik uli ako doon.

Noong makarating na kami ng bahay. Wala pa rin sina Julius at Kuya Rom. Kaya nagpaalam na lang akong pumunta ng ilog at doon ay magmumuni-muni.

Habang nag-isang naka-upo sa damuhan sa may dalampasigan paharap sa ilog, di ko naman maiwasang manumbalik sa isip ang eksenang nakita ko sa umagang iyon sa lugar na iyon sa kanila ni Kuya Rom at Julius. 

Pinagmasdan kong maigi ang ilog. Malapad ito na sa tantiya ko ay may 30 o 40 metro ang lapad. Bagamat malakas din ang agos, alam kong malalim ito sa kulay na mistulang berde ang kalaliman sa may gitna at sa tahimik na na pagdaloy ng tubig paibaba... 

Napabuntong-hininga ako. Iniisip na sana, kagaya ng ilog ang isip ko, mapayapa, kalmante, alam nito ang direksyong patutungohan. Di kagaya ko na litong-lito at hindi malaman kung saan patungo ang buhay. At namalayan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Napahikbi ako, napahagulgol. 

Habang hawak-hawak ng isang kamay ko ang singsing na bigay ni Kuya rom sa akin na nakasikbit pa sa aking daliri, pilit na ibinalik sa ko sa isip ang eksena kung saan niya ito ibinigay sa akin. 

Nasa ganoong akong pagmumuni-muni noong maisipan kong hubarin na lang ang singsing at itapon ito sa ilog.

Noong matanggal ko na sa daliri ang singsing, pumwesto ako sa parteng may pampang sa isang gilid ng ilog kung saan ito malapit sa malalim na parte. Inindayog ko na ang kanan kong kamay upang pakawalan ang singsing noong sa likuran ko ay may biglang sumigaw. “Huwaaaggggg!!!”

Si Kuya Romwel, halatang kagagaling pa sa laro, naka pambasketball shorts lang at sando, at nakasapatos pa.

Ngunit nabitiwan na ng kamay ko ang singsing. Pakiwari ko’y naging slow motion ang lahat, ninais ng isip ko na ipahinto ang paglaglag nito sa sa tubig. Ngunit huli na. Agad-agad itong lumubog kasabay ng pagtilamsik ng tubig sa pagtama nito sa ilog. Simbilis naman ng kidlat si Kuya Rom na du-mive sa pampang at tinumbok ang parte kung saan nalaglag ang singsing. 

Nabigla ako sa bilis ng mga pangyayari. Kitang-kita ko sa mukha ni Kuya Rom ang tindi ng pagnanasa nitong ma-retrieve ang singsing. 

Nakailang sisid na si Kuya Rom at ramdam kong hapong-hapo na siya sa kasisisid. Naramdaman ko naman ang gumapang na tindi na pangongonsiyensya sa utak ko. Alam ko, hindi na naglalaro si Kuya Rom. Seryosong-seryoso siya sa paghanap sa singsing. Pakiramdam ko, namumutla na kung mapaano si kuya Rom gawa ng hindi pa rin niya nilubayan ang pagsisid.

Ewan, hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra niyang pinahalagahan ang singsing na iyon na sa tingin ko ay kahit malaki at makinang, ay isang stainless lang naman.

May matinding pagsising namayani sa utak ko at nag-uumapaw ang kagustuhang tulungan na lang sana siya sa pagsisid. Ngunit dahil hindi ako marunong lumangoy, hindi ko rin magawa ito. Gusto kong sumigaw na “Kuya, huwag mo nang hanapin, baka mapaano ka pa!” ngunit hindi ko masabi ito gawa nang alam ko, galit siya sa ginawa ko.

May kalahating oras na siguro ang nakalipas at sumusisid pa rin siya. Maya-maya, hapong-hapo at kibit-balikat siyang bumalik sa parteng may dalampasigan, pansin ko ang sobrang panghihina niya na halos hindi na makaya ang sarili sa paglalakad. At pagkarating na pagkarating kaagad sa parteng buhanginan, ibinagsak bigla ang lupaypay na katawan, habol-habol ang paghinga at nakatihaya, ang mga kamay na latang-latang ay nakalatag sa kanyang gilid.

Tumakbo kaagad ako tungo sa kinaroroonan niya, naupo sa gilid ng nakalatag niyang katawan, hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya. Kitang-kita ko ang pamumutla ng kanyang balat at mga labi, at hirap siya sa paghinga. “OK ka lang kuya?” ang tanong ko, sinisiguro na ok lang siya at hindi nawawalan ng malay.

Hindi siya sumagot. Naghahabol pa rin sa paghinga, dinig na dinig ko ang bawat paglabas at pagpasok ng hangin sa bibig niya.

Noong malamang ok lang siya. “S-sorry kuya…” ang sambit ko, ang boses ay tila sa isang batang nagmamakaawa..

“Bakit mo itinapon ang singsing?” ang tanong niya, habol-habol pa rin ang paghinga.

Maiksi lang ang tanong niya na iyon ngunit bull’s eye itong tumagos sa puso ko. Hindi ako nakasagot kaagad, Nagdadalawang isip kung sasabihin ko bang dahil sa selos kaya nagawa ko iyon. Syempre, wala naman akong karapatang magselos kaya hindi ko puwedeng gawin iyong dahilan.

“Bakit?” tanong niya uli, ang mga mata ay nakatitig sa akin, bakas sa mukha ang matinding galit. 

“E… naiinis ako sa iyo…” ang nahihiyang pag-amin ko.

“At bakit ka naiinis?” tanong niya uli, ang boses ay matigas pa rin.

Sa tanong niya na iyon ay naramdaman kong gusto nang kumawala ang tinimpi na sama ng loob. “Bakit? Di ba dapat ay ako ang sinasamahan mo? Di ba ang sabi ng mga magulang ko sa iyo ay bantayan mo ako, at alalayan mo ako dito? Pero ano ang ginawa mo? Nagbabasketball ka, nag-eenjoy ka habang pinabayaan mo akong mag-isa. Paano kung may nangyari sa akin? Anong sasabihin mo sa mga magulang ko?”

“Ah… oo nga naman pala. Alalay mo ako. Alam ko naman iyon s-e-n-y-o-r-i-t-o e.” pag emphasize niya sa katagang senyorito. “Pero di ba nag-usap at nagkaintindihan tayo na ang pakay natin dito ay maglaro, na mag-enjoy, na i-experience natin ang okasyon, di ba? Di ba?? Di ba nagpaalam din ako sa iyo na maglaro ako ng basketball? Di ba sinabi ko sa iyo na manood ka sa laro namin dahil ayokong hindi kita nakikita habang naglalaro ako? Di ba ang sagot mo mo ay manood ka sa laro? Nasaan ka ba? Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa alalay mo kung saan ka gumagala? Putsa naman o… Iyan ba ang dahilan kaya mo itinapon ang singsing? Ha?! Ano ba ang kinalaman ng singsing sa paglalaro ko?”

Tila pinukpok naman ng bato ang ulo ko sa narinig, hindi magawang sumagot.

“Sabagay… prinsepe ka nga pala dito, senyorito... Lahat ng bagay ay nagagawa mo!” sabay balikwas at walang lingon-lingong nagmamadaling tinumbok ang bahay, bakat sa mukha ang matinding galit.

Sinundan ko siya hanggang sa parehong makarating kami sa bahay. Noong makaakyat na, halos hindi na pinansin si Mang Nardo na nandoon lang sa may sala, nakatingin lang sa amin na parehong nagmamadaling umakyat.

Dumeretso siya sa kwarto. Nagshower, nagsuot ng underwear at pantalon, at walang imik na nahigang nakatihaya sa kama, ang mga mata ay blangkong nakatitig sa kisame, malalim ang iniisip.

Sumampa ako sa kama, umupo sa gilid niya. “Sorry na Kuya, please…” ang pagmamakaawa ko, tinitigan ang mukha niyang seryosong-seryoso. Noon ko lang nakita sa kanya ang sobrang pagka-seryoso.

Hindi siya sumagot agad. Maya-maya, “Iniisip ko kung ipagpatuloy pa natin itong pagiging ‘mag-kuya’ natin at itong pagsasama-sama at pagdidikit ko sa iyo…” Ang mahinang sabi niya. 

Tila may biglang kumalampag sa dibdib ko noong marinig ang sinabi niyang iyon. Pakiwari ko ay may matinding takot na bumalot sa buong katauhan ko. At ang tanong na pumasok sa utak ay kung ganoon ba talaga ka-tindi ang kasalanang nagawa ko dahilan upang sabihin niya na hindi na siya sasama at didikit sa akin?

“Bakit kuya? Sagad ba sa buto mo ang galit sa kasalanang nagawa ko na parusahan mo ako ng ganyan? Hindi mo ba kayang patawarin ang nagawa ko?” ang sumbat ko. “Bakit ka ba nagdesisyon ng ganyan? Hindi mo ba inisip kung masaktan ako?” 

“Masaktan ka? Bakit ako? Naisip mo ba kung masaktan ako?” bulyaw niya.

“Sa pagtapon ko sa singsing na iyon? Sa mumurahing stainless na singsing na iyon?” sigaw ko din.

Pakiramdam ko ay biglang nag-iba ang mukha niya noong marinig ang huli kong nasabi at tila may namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya. Ako man ay napaisip din sa nabitiwan kong salita.

“Mumurahin pala ha…” ang sabi niyang patango-tango, ang boses ay ibinaba, pansin ang pagtitimpi ng matinding galit. “Sabagay, mumurahin nga iyon dahil iyon lang ang nakayanan kong ibigay sa iyo. Ganyan ang tingin mo sa singsing ko. Pero sasabihin ko sa iyo na kahit mumurahin lang ang singsing na iyon, bigay iyon sa akin ng tatay ko bago siya binawian ng buhay. Iyong white gold na singsing na iyon na kaisa-isang ala-ala na natira sa tatay ko para sa akin at itinapon mo lang ito ng basta-basta! Tanginaaaaa!!!” Bulyaw niya. At namalayan ko na lang siyang humagulgol na parang bata.

Para pinutukan ng isang bomba sa di inaasahang marinig at masaksihan kay kuya Rom. Iyon pa ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiyak at humagulgol siya. Hindi ako makapaniwala na sa isang pagkakamali na nagawa ko, ang Kuya Rom na tinitingala kong isang napakatatag na tao, napaka-confident sa sarili, lalaking-lalaki kung kumilos, agresibo, masayahin, palatawa, friendly, at hindi mo makikitang nagmamaktol… sa pagkakataong iyon ay napahagulgol ko sa sobrang sama ng loob at galit. Sobrang gulat ko talaga sa nasaksihan.

Sa narinig kong sinabi niya tungkol sa singsing, tila tinunaw naman ang puso ko sa di maintindihang magkahalong hiya, panghihinayang, pagsisisi, at galit sa sarili. Para akong tinamaan ng isang napakalakas na sampal noong malamang napakahalaga pala ng singsing na iyon sa buhay ni Kuya Rom. Kaya pala halos magpakamatay na lang siya sa pagsisid nito sa ilalim ng ilog. Ang alam ko lang kasi tungkol sa tatay niya ay maliit pa lang siya noong namatay ito. At kapag tinanong ko naman siya tungkol dito, hindi ito nagsasalita gawa ng ayaw daw niyang malungkot dahil sa sobrang na-miss niya ang tatay niya. 

Sobrang hiya ko sa sarili sa nalaman. At namalayan ko na lang na tumulo na rin ang mga luha ko. Sa kabila nang nakita kong tila pagwawalang-bahala niya sa akin, sa akin din pala niya ipinagkatiwala ang isang bagay na napakahalaga sa buhay niya.

“H-hindi ko alam, kuya... sorry na please. Hindi ko talaga alam.” ang pagmamakaawa ko habang isinampa ang katawan sa ibabaw ng katawan niya.

Ngunit bumalikwas siya at naupo sa gilid. Pinahid ang mga luha niya, at pagkatapos ay tinungo ang locker, kumuha ng isang t-shirt at isinuot iyon. “Mauna na akong umuwi sa iyo...” ang maikling tugon niya.

Nataranta naman ako sa narinig na desisyon niya. Nilapitan ko siya. Bagamat alam kong masama pa rin ang loob niya sa akin, niyakap ko siya. Pumasok sa isip ko na kapag nangyaring uuwi nga siya, hindi ko na alam kung iyon na ang huli naming pagsasama o kung ganoon pa rin ang magiging pakikitugno niya sa akin. 

Pinilit kong ikumbinsing magbago ang isip niya, nagbabakasakaling sa pagtagal pa namin doon ay mapapawi ang galit niya sa akin. “Kuya naman... Dito na muna tayo, please.” 

“Gusto ko nang umuwi. Alas dose pa naman ng tanghali kaya makahanap pa ako ng masasakyan sa d’yan sa terminal. Magpasama na lang ako kay Julius.”

Ramdam kong pursigido talaga siyang umalis kaya ang nasabi ko, “O, sige. Kung gusto mo nang umuwi, sabay na tayo. Ipahanda ko na sa driver ang sasakyan natin at magpaalam na rin tayo kina Mang Nardo at Aling Isabel.” Ang pagdesisyon ko rin, nagbakasakaling sa pagsama naming dalawang magbiyahe, maibsan ang sama ng loob niya sa akin.

Nag-isip siya sandali. “Kung ganoon, ikaw na lang ang mauna. Ako na ang magpaiwan. Hayaan mo muna akong mapag-isa...” ang matigas niyang sabi sabay tumbok sa pintuan ng kwarto atsaka lumabas na.

Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko. At naramdaman ko na lang ang malakas na bugso ng sakit dulot ng pagmamatigas niya. Napahagulgol ako at tumalikod, itinago ang tuluyang pagdaloy ng mga luha. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas, nanlalanta at napa-upo na lang sa sahig, isinandal ang likod sa dingding. Tila hindi mauubos ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ko. 

Maya-maya, tumayo ako. Pilit na pinalakas ang kalooban, nilabanan ang matinding sakit na naramdaman sa takot na baka mahalata nina Mang Nardo, Aling Isabel, at Julius na may hindi magandang nangyari sa amin ni Kuya Rom. “Kaya mo iyan, Jason, kaya mo iyan...” ang bulong ko sa sarili.

Tumayo ako, humarap sa salamin at pinahid ang mga luha, pilit na binitiwan ang ngiti sa harap ng salamin, inihanda ang sarili na ano mang sandali ay may kakatok at tatawag na sa pananghalian. 

At maya-maya nga ay may kumatok na. “Kuya Jason! Kain na po tayo!” 

Si Julius. Kahit kasi kasing-edad ko lang si Julius at sinabihan ko na itong huwag mag-Sir sa akin, iginiit daw ng mga magulang niya na Kuya na lang ang itawag, dahil kahit papaano daw, may paggalang pa rin bilang anak ng may ari ng bahay at lupang tinatrabaho nila.

“S-sige, Julius, lalabas na ako” at kunyari ay parang wala lang nangyari sa.

Noong nasa hapag kainan na, nandoon sina Mang Nardo, Aling Isabel, Julius, ang driver, at si Kuya Rom. 

“Bukas na pala ang pyesta at tiyak marami ang dadayo dito Sir Jason dahil marami ang gustong makita kayo at pinaghandaan talaga namin ni Isabel at Julius ang okasyong ito. Sigurado, masayang-masaya ang tagpo bukas. Sa unang pagkakataon at sa wakas, ngayon lang nila kayo makikita.” Wika ni Mang Nardo.

“Ah... e...” sambit ko. Natigilan at hindi alam kung paano simulan ang pagpapaalam na ako’y aalis pagkatapos na pagkatapos kaagad ng pananghalian. 

Tiningnan ko si Kuya Rom. Nakayuko lang at tahimik, bakat pa rin ang hinanakit na kinikimkim sa mukha at iniiwasan ang mga tingin ko.

Nagpatuloy ako. “Alam ninyo po... may nalimutan kasi akong importanteng-importanteng gagawin sa sa bahay at kailangan ko na talagang umuwi. Mahirap po kung hindi ko magawa kaagad iyon.” Ang pag-aalibi ko. “Sobrang lungkot po na hindi ko kayo mapagbigyan ngunit talagang kailangan ko na pong umuwi pagkatapos na pagkatapos nito.” Dugtong ko.

Kitang-kita ko aman ang pagkagulat sa mga mukha nila. “G-ganon ba? Sayang naman.” Dugtong ni Aling Isabel. “Nandito na sana kayo eh... at bukas na ang pyesta.”

“Kaya nga po e. Pero di bale po dahil babalik talaga uli ako dito… Atsaka, sa pyesta, maiwan naman si Kuya Romwel. Magpahatid lang ako sa driver at pagkatapos, susunduin uli siya dito sa Lunes” ang sabi ko.

“Sayang naman Kuya Jason! May disco pa naman sana mamayang gabi. Madaming chicks! Marami ding mga dayo galing sa Maynila at mga mamimyesta galing ibang lugar at bansa.” Dagdag naman ni Julius.

“Sayang nga eh... Pero si Kuya Romwel na lang samahan mo. Adik iyan sa chicks.” Ang pabiro ko namang sabi, kahit na sobrang bigat na ng kalooban ko at tila puputok na ito, lalo na na nakikinita kong magsasama na naman sila, maglalasing, mag-eenjoy o kaya’y makahanap na naman ng babae si Kuya Rom at dahil syempre makakainum, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. Si Kuya Rom pa... sobrang hilig nito.

Tawanan sila ngunit pansin ko ang patagong pang-iismid sa akin ni Kuya Rom.

Dahil sa sobrang bigat na ng naramdaman, di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa harap ng hapag-kainan. Dali-dali akong tumayo at tinungo ang lababo at umubo ng umubo, kunyari nabilaukan. “Uhu! Uhu! Uhu!” At dahil sa pakiramdam ko ay halata ang pamumula ng mga mata ko at nababasa ang mukha gawa ng pagdaloy ng mga luha, naghilamos na rin ako.

“Anong nangyari Sir Jason!” tanong ni Mang Nardo.

“Wala po. Nabilaukan lang ako. Uhu! Uhu!” sabay pahid sa mukha at dumeretso na sa kwarto. Mag-impake na po ako at kailangan ko na pong makauwi talaga, pasensya na po… mauna na ako. Ang sabi ko.

“Tutulungan na kita Kuya!” Ang pagvolunteer naman ni Julius sabay hugas ng mga kamay niya at sumunod na sa akin sa kwarto.

At tinulungan ako ni Julius sa pag-iimpake. Pinagkasya ko sa isang bag ang lahat kong damit at gamit habang ang kay Kuya Romwel naman, sa isang bag. Syempre, naalala ko ang masasayang pag-iimpake namin sa mga gamit din naming iyon bago kami umalis patungo sa lugar na iyon. Iyong harutan namin habang ginagawa niya ang pag-iimpake, ang panggugulo ko sa kanya, ang pinagpapawisan niyang katawan dahil sa halos di matapus-tapos na pag-aayos niya at pangugulo ko. Naramdaman ko na naman na tutulo na ang mga luha ko.

“Ba’t hindi ka nanood sa laro namin kanina, Kuya?” ang inosenteng tanong ni Julius. Bibong tao kasi si Julius. Kahit noong mga maliliit pa lang kami, hindi nahihiya iyang lumapit o magtanong sa akin o kahit pa sa mga magulang ko. Palakaibigan ding tulad ni Kuya Romwel, masayahin, madaldal. Kaya nga siguro madali din silang nagkapanatagan ng loob.

“Nagpasama ako sa itay mo na ikutin ang malalapit na parte ng lupain. Kaya hindi ako nakapanood.” Ang matamlay kong sagot, pansin ang pagkawalang ganang makipag-usap, pilit na pinigilag ang pagpatak ng mga luha ko.

“Alam mo kuya, ang galing-galing palang maglaro ng basketball ni Kuya Romwel no? Grabe andami na nga din niyang mga tagahanga dito eh. May mga babae pang tanong nang tanong sa akin kung sino daw iyon at kaanu-ano ko.”

“Anong sagot mo?” 

“Wala. Sabi ko, kapatid ni Kuya Jason, iyong may-ari ng mga lupain dito?”

“At naniwala naman sila?”

“Oo naman. Hinihingi nga nila ang number ni Kuya Romwel, e. Ayaw ibigay, hehe. Pahiya tuloy sila”

“Ganoon ba?”

“Nagagalit ka raw na maraming babaeng tumatawag o nagti-text sa cp niya...”

Nagulat naman ako sa narinig. “S-sinabi niya iyon?”

“Opo. At kanina noong hindi ka sumipot, tanong ng tanong kung nasaan ka. Nakakawalang gana daw maglaro. Nakasimangot nga e. E, hindi ko naman alam kung nasaan ka.”

Sa mga narinig na sinabi ni Julius. Lalo akong nalungkot at naalala ko ang kabaitan sa akin ni kuya Romwel. Laking panghihinayang ko talaga. Gusto ko mang maglulundag sa saya sa narinig, hindi rin maiwasang sumiksik sa isip ang matinding galit niya sa akin. “Kanina lang iyon. Ngayon, napalitan na ng galit ang paghahanap niya sa akin...” ang bulong kong sagot sa sinabini Julius.

Eksaktong alas tres ng hapon noong lumisan na ang sinasakyan namin patungo sa bayan, ako lang at ang driver habang si Kuya Romwel ay pinanindigan talaga ang magpaiwan. Doon ko na-realize ang matinding galit niya at na hindi pa rin niya ako mapatawad. 

Habang umaarangkada ang sasakyan, naglalaro sa isip ang pagkamangha sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Kung gaano kami ka saya sa pag alis at pagdating namin sa lugar na iyon ay siya namang kabaligtaran sa pagbalik. Nag-iisa na lang ako, mabigat ang kalooban at nagdurugo ang puso habang naiwan si Kuya Romwel na marahil ay mag-eenjoy na kasama si Julius at mga babae, magdidisco, maglalasing... At syempre, galit siya sa akin kaya siguradong magwawala siya. 

“Ah... bakit ko pa ba siya iisipin?” Bulong ko sa sarili. “Buti nga na ganito ang nangyari, habang maaga pa upang mapilitan na akong kitilin itong maling naramdaman para sa kanya.”

Alam ko, na ang problema naman ay nasa akin; dahil nagmahal ako sa isang taong hindi naman pwede. Nakaukit sa isipan na maaaring iyon na ang huli naming pagiging close at huli naming pagsasama. At syempre hindi na ako mag-i-exopect pa na may Kuya Romwel pang bibisita sa bahay, doon matulog, o sosorpresa sa akin sa kwarto ko, ipagluluto ako sa paborito kong pagkain. Ma-miss ko ang mga ipinapagawa niya sa akin, at mga ginagawa niya din sa akin, lalo na ang isang bagay na sa tanang buhay ko, sa kanya ko lang unang naranasan... Ma-miss ko rin ang kakulitan niya, ang pang-aalaska ko sa kanya, ang mumunting away namin, ang mga harutan, ang mga tampuhan na sa bandang huli ay siya rin ang gi-give up at susuyo sa akin... Ansakit-sakit, sobra. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang buhay na wala na siya sa tabi ko o na nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. “Bahala na. Kakayanin ko naman siguro ang lahat” ang pang-aamo ko sa sarili.

Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha. 

Eksaktong alas 9 ng gabi noong makarating ako sa bahay. Wala ang mga magulang ko gawa ng nagpunta daw ang mga ito ng Maynila, may inasikasong mahalagang mga papeles. Dumeretso na ako sa kwarto ko at noong makapasok na, ibinagsak ko na kaagad ang katawan sa higaan, hindi na nagbihis pa, hindi na kumain. Panay pa rin ang pag-iyak ko.

Lumipas ang alas 10, alas onse, alas 12 ng gabi, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ang nasa isip ko ay si Kuya Romwel at ang maaring ginawa nila sa diskohan.

Bumalikwas ako sa kama, pinailawan ang kwarto. Tinungo ko ang refrigerator, kumuha ng beer, binuksan ito atsaka tinungga. Tinumbok ko naman ang music corner ng kwarto ko at naupo sa sofa hawak-hawak pa rin sa kamay ang isang bote ng beer. Pinatugtog ko ang paborito naming kanta ni Kuya Rom -

“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me

There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me

Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on

Baby you need to come home back to me...”

Habang nasa ganoon akong seryosong pakikinig sa bawat kataga ng kanta, nabigla na lang ako at napabalikwas noong may narinig akong isang kalabog sa may bintanang parte ng kwarto ko. “KA-BLAG!”

Inaninag ko ang lugar kung saan nanggaling ang ingay at laking gulat ko noong makitang may taong nakatayo sa harap ng bintana. Hindi ako nakakilos o nakaimik agad, tinitigan lang siya.

“O, wala man lang welcome o kiss d’yan?” sambit niya. 

“K-kuya Rom?”

“Sino pa nga ba? Bakit ka natulala d’yan? Mukha ba akong multo?” biro niya.

At hindi ko na napigilan ang sariling tumakbo patungo sa kinatatayuan niya. Niyakap ko siya. Mahigpit. Nagyakapan kami at isang malutong na halik ang pinakawalan ko sa pisngi niya. “Bakit dito ka sa bintana dumaan?” tanong ko.

“E... kanina pa ako kumakatok sa pintuan, wala namang nagbubukas. Alangan namang doon akomatulog sa labas, di ba?” sagot naman niya.

“Bakit ka sumunod sa akin? Hindi mo na-enjoy ang pyesta, ang disco, ang mga chicks...”

“E... hindi kita matiis eh. Atsaka... hindi ako nag-eenjoy kapag di ka kasama.” Sabay kindat naman at bitiw sa pamatay niyang ngiti. “At, oo nga pala, may ibibigay din ako sa iyo.” Dagdag niya.

“A-ano?” ang pagkabigla ko.

Iniabot niya ang isang kamay, nakatiklop ang mga daliri. At noong itinutok ko ang mga mata ko dito, saka niya itong binuksan sabay sabing, “Surprise!”

Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang laman nito. “Waaahhhhh! Ang singsing! Paano mo nakuha uli iyan!”

“Nakuha ko naman talaga ito kanina e. Di ko lang sinabi sa iyo sa sobrang pagka-inis ko na itinapon mo lang ito sa ilog.” Ang sabi niya. “Isuot mo na nga! Baka magbago pa ang isip ko” utos niya sabay hablot sa kaliwa kong kamay at sukbit nito doon.

Sobrang saya ko sa tagpong iyon. Hindi ko akalain na hindi pa rin pala ako matiis ni Kuya Romwel.

At hayun... hindi man natuloy ang pamimyesta namin, mas masaya naman kaming nag-inuman, nagkantahan, nagsayawan na kaming dalawa lang sa buong magdamag – sarili namin ang mundo, at sarili namin ang isa’t-isa.

(Itutuloy)

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...