Tuesday, July 3, 2012

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 9

GBOI was restless. Kanina pa siya nakatitig sa kisame ng kanyang silid habang nakahiga sa kanyang kama. Pabaling-baling din siya kaliwa't-kanan. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Si Pancho.

Mabuti na lang at kumatok ang kanyang sekretarya sa kanyang opisina upang sana ay may papirmahan. Bahagya pa itong nagtaka na naka-lock ang pinot. Marahil ay kagagawan iyon ni Pancho.

Naguguluhan siya sa mga huling sinabi nito sa kanya. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Was he professing something deep? Inalala niya ang mga sinabi nito. 
"Naniniwala lang ako na kapag gusto mo ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo ito. Sa kaso nating dalawa, alam ko na alam mo na mayroong "tayo". bakit parang hirap kang tanggapin iyon at nilalabanan mo? Hindi ka ba napapagod sa kakaiwas sa akin?" 

Noon lang siya nakarinig ng mga ganoong salita patungkol sa kanya. Ipaglalaban daw siya nito. Ano siya, girl? Umasim ang mukha niya sa naisip. Maganda lang pakinggan pero hindi malapit sa katotohanan. Ano bang malay niya kung sugo pala ito ni Elric? Ngunit walang alam si Elric sa tunay niyang pagkatao.

"Damn." Usal niya sa kawalan.

Tumayo siya at tinungo ang bar counter sa kanyang silid. Doon naka-display ang lahat ng mamahaling alak na binibili niya. Ipinalagay niya iyon doon upang maiwasan niya ang malimit na pagpapang-abot nila ng madrasta at ni Elric.

Kinuha niya ang bote ng brandy at nagsalin sa baso. Dinereto niya ang lagok niyon. Gumuhit ang matapang na alak sa kanyang lalamunan. Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa sa kalamnan. Nagsalin siya ng isa pa at inisang lagok ulit iyon. 

Tumunog ang cellphone niya sa sidetable ng kama niya. Inignora niya iyon at muling nagsalin sa baso. Tumigil ang aparato sa pag-ring. Lalagukin na niya sana ang pangatlong shot na iyon ng muling tumunog ang cellphone niya. 

Nayayamot na nilapitan niya ang cp at tiningnan kung sino ang maaring tumatawag sa kanya. It was an international number. Ipinasya niyang huwag sagutin iyon at patayin ng tuluyan ang aparato.

Parang nang-iinis naman na tumunog ang kanilang landline. Mabalis niya iyong nilapitan at padaskol na sinagot. 

"Who's this?" he asked brusquely.

"Hello to you too." came the familiar voice.

Heto at tumatawag ngayon sa kanya ang kanina lang ay naiisip niya.

"Huwag kang magkamaling ibaba ito Gboi kung ayaw mong sa susunod na tawag ko ay sabihin ko sa makakasagot ang tungkol sa atin."

He sighed in resignation. He decided to indulge the man a little bit.

"What do you want?"

"I just want to hear your voice, that's all."

Kinilig siya pero di siya nagpahalata.

"Well now that you've heard it. Bye!"

Akmang iaalis na niya tainga ang telepono ng muli tong nagsalita.

"Not so fast sweetie. I'm still talking to you."

There was a warning in his voice but he ignored it. Mas nadama niya ng husto ang endearment na ginamit nito sa kanya. Odd. But he like it. Napapangiti na siya.

"You can not scare me Pancho. No one would belive you." nang-aasar na tugon niya.

"I knew you'd say that. Kaya nga naghanda ako eh. What is I tell you na naka-record tayo kanina." sabi nito at may ipinarinig na sa kanya. Gboi turned pale pagkarinig ng mga palitan nila ng salita kanina pati na ang kanilans mga eskandalosong ungol.

"I'd share this to everyone kapag di mo ako kinausap ngayon." banta pa nito sa kanya.

Shocked na shocked siya sa ginawa nito. Ni-record niya ang conversation nila. Malinaw ang usapan at ang palitan nila ng mga impit na ungol.

"Still there, sweet?"

Umahon ang galit sa kanyang dibdib. Kung nasa harap na niya ito malamang ay nasapak na niya ito. Parang nakikinita na niyang ngiting-ngiti ito sa habang hawak ang telepono. Ang talipandas! Nangigigil na nagsalita siya.

"Oh, now your resorting to blackmail!" nag-igtingan ang mga ugat niya sa galit.

"Nope my sweet. Wala namang makaka-alam nito kundi tayo lang eh. Iyan eh kung susunod ka sa gusto kong ipagawa sa iyo." naaaliw na wika nito sa kanya.

Nagpupuyos siyang nagpalakad-lakad sa loob ng silid habang hawak ang cordless nila. Sinasabi na nga ba niya eh. Hindi ito mapagkakatiwalaan. Kapag kumalat ang recorded conversation nila ay tiyak na magagalit ng tuluyan sa kanya ang ama. Mawawalan rin ito ng tiwala sa kanya.

He kept his cool. Bumilang siya ng hanggang sampu. Mararahas din ang kanyang mga paghinga. At may hihingin pa itong kapalit. 

"Are you ready to listen now, my sweet? amused na tanong nito sa kanya. Ang walanghiya. Nag-eenjoy pa sa kaalamang nagagalit na siya. Kailangan niyang mag-isip. Kung hindi ay lalo siyang matatalo sa laro nito.

"Yes." sagot niya sa medyo kalmadong boses.

"Good> I have a proposition to make."

"What is it?"

"Ide-delete ko ang nag-iisang kopya ko ng usapan natin kung sasamahan mo ako for the weekend sa bahay ko sa Batangas."

"Hindi ako pwede sa weekend na ito. Fitting iyon ng damit ni Katrina. Kailangan ko siyang samahan. May petsa na kasi ang kasal nilang dalawa. Tatlong buwan iyon mula ngayon.

"You have to know sweetheart that I don't take no for an answer. Besides, hindi ko naaalalang binigyan kita ng choice na tumanggi."

"Fuck you! Don't sweetheart me you son of a..."

"Watch your tongue sweetie. Hindi bagay sa iyo." Pancho's voice is reprimanding.

Bahagya siyang natigilan. 

"So? I'll see you this Friday night. Sa parking lot na tayo magkita ng six PM. Makakabalik naman tayo ng Sunday night. I just want to show you the place. I'm sure you'll like it." kaswal lang na sabi nito na para bang hindi siya nagagalit.

Naalala niyang bigla si Elric. Umahon ang hinala sa utak niya. "I'm sure Elric told you to do this. Magkano ang ibinayad niya sa iyo para gawin ito?" nanggagalit niyang tanong rito.

"Anong kinalaman dito ni Elric? Alam ba niyang bading ka? At bakit niya naman gagawin ito? May alitan ba kayo?" 

Natigilan siya sa sunod-sunod na tanong nito. Bakas sa boses nito na wala itong alam. Mukhang wala talagang alam ito. But then, baka umaarte lamang ito. Kailangan niyang makasiguro.

"I'm not gay. I'm just bisexual." pagtatama niya rito.

"Touché."

Napabuntong-hininga siya. "Siguraduhin mo lang Pancho na buburahin mo iyon kapag sumama ako sa iyo. I could sue you for this." inis na wika niya.

"For what? For having you as my guest sa bahay ko for the weekend? It's not as if I'm kidnapping you. If I remember, I asked you to come with me. Wala ka nga lang choice tumanggi." tudyo nito.

"This isn't an invitation. It's blackmail!" he hissed.

"Still I'm not forcing you. I'm asking you to be my guest sa bahay ko. Yes or Yes nga lang ang sagot." at binuntutan nito iyon ng mahinang tawa.

"Don't you fucking laugh at me!" singhal niya rito sa mahinang boses. Nag-aalala siya na baka may makarinig sa kanya.

"I told you to watch you language Gboi. This is just an invitation. There's no need to be so frustrated. Mag-eenjoy ka naman kasama ako eh." There he is again. Reprimanding him like he was his girlfriend saying bad words.

"So is it a yes or a yes?" nakakalokong tanong pa nito.

"I don't have much of a choice, do I?" sarkastiko niyang balik rito.

"Yes. But at least. Makakasama mo ang isang gwapo at charming na lalaki katulad ko. Not to mention my hot body." Nanunukso naman ito ngayon.

Napa-ismid siya sa sinabi nito pero bahagyang kinilig. Huh?! Di ba galit siya? Bakit siya ngayon kinikilig? Hay!

"Ewan." sagot niya.

"Wrong answer."

"Alam mo naman na wala akong choice diba? Kasi di mo ako bibigyan ng chance na tumanggi. So bakit nagtatanong ka pa? Tanga ka ba?" nagtataray na siya.

Subalit tinawanan lang nito ang pagtatalak niya. 

"Ang taray mo talaga. Halikan kita riyan eh."

"Ewan."

Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Bakit ba siya nagba-blush?

"Naalala mo no?" tudyo nito.

"Ewan." parang tangang sagot niya.

"Ako rin eh." biglang nagiba ang boses nito. 

"I could still feel your lips Gboi. Maniniwala ka bang kapag naaalala ko ay nag-iinit din ako." his voice husky and brusque. "Na tinitigasan din ako." he added.

Biglang parang nanuyo ang lalamunan niya. He felt hot all over. Boses pa lang iyon pero nagawa nitong pag-initin ang pakiramdam niya. He felt his member harden.

"Sisiguraduhin ko sa iyong may kapupuntahan ang nararamdaman nating ito Gboi." he promised huskily.

Naturete na siya ng husto. He's breathing uneven. Naguguluhan na naliliyo ang pakiramdam niya.

"Still there?" pukaw nito sa kanya.

"Y-yes. Just expect me on Friday. And Pancho..." he said hastily.

"Yes?" he replied.

"Keep your part of the bargain please?" he pleaded. 

"Sure. Sweet dreams my sweet." iyon lang at nawala na ito sa linya.

Nahahapong ibinalik niya ang telepono sa cradle nito. Nahihirapan pa rin siya sa paghinga. Para siyang nakipaghabulan pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Pancho. He felt really exhausted. Nabigla rin siya sa natuklasan sa sarili.

He wanted him. Yet he hated his crooked ways. How i that possible? How could he possibly want and hate a person at the same time. He longed for him to be there beside him. Feel the touch of his lips with his. When their tongues are intertwined he seemed to have been lost in space.

Binuksan niya ang CD player niya. Isinalang ang CD ng isang classic artist. Ninamnam niya ang awitin at pinilit na makatulog at nagtagumpay siya...

There's somebody I'm longing to see...

I hope that he'd turn out to be...

Someone to watch over me...


Sa isang bahagi ng mansiyon...

Ibinaba na rin ng nasa extension line ang aparato sa lalagyanan nito. Isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

Hindi na pala niya kailangang mag-isip ng husto at nandyan na ang sagot sa problema niya. Ang alas niya para pabagsakin si Gboi ay inihain ng parang isang masarap na putahe sa harap niya. Salamat sa kagagawan ni Pancho. Akala niya ay tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa.

Tinungo niya ang lagayan ng alak. Nagsalin sa baso at umindak-indak sa gitna ng sala. 

Finally! Victory is now within reach. Natitikman na niay iyon. Sumimsim siya ng alak at muling umindak. Isang mahinang halakhak ang pumuno sa bahaging iyon ng mansiyon.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...