by: DALISAY
CHAPTER 12 (Rendezvous)
Walang ganang nag-inat si Monty ng umagang iyon. Another boring and restless day for him. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa eskwela. Noong araw na sumuko na siya sa pagmamahal kay Orly ay umiiyak siyang umuwi ng bahay. Malas at naroon ang kanyang Mommy kaya tuloy nalaman nito ang kanyang problema na balak sana niyang itago sa mga magulang.
"Pumpkin... Are you awake?" ang tinig ng kanyang ina sa labas kasabay ng mabining katok.
Patamad na tumayo siya. Akmang aalis na siya ng kama ng bumukas iyon at iluwa ang kanyang inang si Jean. Patipid siyang ngumiti dito.
"Good Morning Mom."
Ginulo nito ang buhok niya. "Good Morning pumpkin."
Sumandig siya dibdib nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. "How about we do shopping today?" sabi nito sa kanya.
"Mom? Aren't you going to ask me to go to school instead?" amused niyang tanong.
"I've already talked to your Dean and Professors. Alam nilang may pinagdadaanan ka ngayon. Why, your break-up with Orly is quite a news. May nakaalam mula sa school publication about it at naisama nila sa blind item section. But we have done something about it already." nakangiting sabi nito.
"You did what?" he said vehemently. Bigla siyang napalayo dito.
"Oh some damage control lang pumpkin." his mother only smiled to his sudden outburst.
Nahahapong sumandal siya sa headboard ng kama. Now he's an instant star na naman sa buong SBU. Damn those whoe belong to the publication. Siguradong kapag pumasok siya ay magiging tampulan na naman siya ng usapan.
"Why did you do that Mommy? Hindi naman na po kailangan iyon."
"Pumpkin, I'm a mother. It's my job to protect you at all cost. Don't you ever doubt that." sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.
Napabugha siya ng hangin at eksaheradong nag-rolyo ng mata. "Whatever Mom."
"Tumayo ka na diyan. Your father's waiting for you. Nakahanda na ang breakfast."
"Susunod na ako Mommy."
"Bilisan mo pumpkin. We'll go shopping afterwards."
Nang maiwan siya ay binuksan niya ang stereo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng marinig ang awitin na biglang pumalit sa naunang tugtog.
The first time ever I saw your face
I thought the sun rose in your eyes
And the moon and stars were the gifts you gave
To the dark and the empty skies, my love,
To the dark and the empty skies.
He shivered. Katulad ng sa kanta, he thought that the sun sets and shines in Orly's eyes. And that he was the empty sky slowly being showered by his light.
The first time ever I kissed your mouth
And felt your heart beat close to mine
Like the trembling heart of a captive bird
That was there at my command, my love
That was there at my command.
Their first kiss felt like heaven. He thought he already died and was sent to a blissful eternity. He felt his tears stung his eyes. Ang realization na talagang wala na sila ni Orly ay unti-unti ng pumapasok. Siya ang nagdesisyon nun pero bakit feeling niya hindi siya masaya?
Gaga! Sabi ni Rubi. Ang bahagi ng isip niya na kontra sa pagmamahalan nila ni Orly.
Tama. Gaga siya. For the first time, sumang-ayon siya sa talipandas na isip niya. Tama lang ang ginawa niya kasi mas masasaktan lang siya kung nagpatuloy pa siya sa pakikiharap dito. Ilang araw ng walang charge ang cellphone niya dahil hindi iyon tinantanan ng tawag ni Orly. Maging si Ronnie nakikigulo pa. Kung ang ibang bakla ay matutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang gwapong lalaki ay hindi siya. In fact, he's willing to bargain everything just so he could turn back time.
And the first time ever I lay with you
I felt your heart so close to mine
And I knew our joy would fill the earth
And last till the end of time my love
It would last till the end of time my love
He thought wrong. Walang happy-ending sa kanila ni Orly. Dahil hindi totoo ang sinasabi ng tibok ng puso nito sa kanya. Katulad ng mga sinasabi nito dati. Kaya nga ngayon ay naroroon siya sa estadong iyon.
Pumasok siya ng banyo at dumiretso na ng ligo. Sa daloy ng tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan ay parang tubig din na rumagasa sa ala-ala niya ang narinig na kumprontasyon na noong una ay inakala niya lang na isang panaginip.
Maybe he was lucid dreaming by that time. Epekto siguro ng suntok na sadya namang napakalakas. At ang lahat ng naririnig niya isang totoong kaganapan and somehow his dreams collaborated with reality to probably end his fantasy with Orly. Ang hayop naman na si Orly ay umamin agad.
Sinubukan niya lang kung totoo. Sinunod niya lang ang gut feeling niya. And he's glad that he did. Kahit masakit, dapat niyang tanggapin na naging kasangkapan lang siya para sa isang maling paghihiganti.
Nang makapagbihis ay bumaba siya at sumabay sa mga magulang na kanina pa naghihintay. Masuyo siyang binati ng ama na sa anumang kadahilanan ay mas nagalit pa kaysa sa Mommy niya ng malaman ang nangyari. Binalak pa nitong sugurin si Orly sa bahay. Napigilan lang ito ng ina. Hindi niya maiwasang mangiti sa naalala.
Feeling floor-length naman ang buhok ng bruha! Si Rubi na naman. Ipinilig na lang niya ang ulo para mawala ito.
"Mukhang masaya ang gising ng baby ko?" ang kanyang ama.
"Daddy. Let's just say I woke up at the right side of the bed." pakwela niya.
"I'm glad you're quite okay na baby. Kasi kung hindi pa ay susugurin ko talaga ang bahay ng mga Diamond." nakangiti ito pero ang mata ay nagbabanta ng katotohanan sa sinabi.
Napailing na lang siya. "Dad, I agreed to go shopping with Mommy kaya huwag mo ng ituloy yang plano mo. Beside's he's not so worth it."
"Of course baby. Of course. So where are you planning to go shopping?"
"Anywhere Dad. As long as it can help me to stop thinking too much."
"How about we go to Manila? Matagal na rin tayong di nakakalayo dito sa San Bartolome." anang Mommy niya.
"Good idea sweetie." ang kanyang ama sabay kindat sa ina.
Lihim naman nainggit sa nakita. Naalala niya na naman ang ka-sweetan ni Orly. "Mom, Dad? Stop it please?"
Kaswal namang pumormal ang mga magulang. Naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagkain.
Naglalakad siya sa park ng subdivision nila ng hapong iyon ng biglang may humagip sa kanyang baywang at isakay siya sa motorsiklo. Hindi agad siya makakilos dahil nagalalang baka mahulog siya kahit pa kilala na niya ang dumagit sa kanya.
Huminto naman sila sa isang ssecluded na area ng parke. Saka lang siya maayos na binitiwan nito.
"What's your problem Ronnie?" galit na galit na sabi niya.
"I'm sorry. I just want us to talk."
Napipilan naman siya ng makita ang may pasa nitong mukha. Naninilaw na ang bahaging iyon tanda ng papagaling na. Buti sa kanya ay hindi naging ganoon ang hitsura.
"What happened to your face?"
"I slipped."
"Habit mo na bang magsinungaling?" inis na tanong niya.
"Are you okay? Kamusta na ang pisngi mo?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang aksidenteng nasuntok nito.
Bigla siyang nailang sa ginawa nito. Ang sweetness ni Ronnie ay hindi nagmaliw. Kahit pa noong una, anuman ang gawin niya rito ay hindi ito naging masama sa kanya. Pero kapag naaalala niya na inilihim nito ang katotohanang magpinsan ito at si Orly ay nagagalit siya talaga.
Tinabig niya ang kamay nito at bahagyang na-guilty ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay lokohin na naman siya ng mga nasa paligid niya.
"Don't play sweet with me Ronnie. Anong kailangan mo sa akin?" mataray niyang sabi.
"I know I've already said I love you Monty, pero gusto kong ulitin iyon. I love you at sana, ako na lang ang mahalin mo. Promise I won't make you cry."
Monty was stunned with Ronnie's declaration. Akala niya noong una ay niloloko lang siya nito. Pinaglalaruan. But with those pleading eyes at sa karakas nito, nunca na uulit-ulitin nito ang mga salitang iyon sa kanya kung hindi totoo iyon.
"Mahal na mahal kita Monty. Hindi ko alam kung bakit? I mean, maraming iba diyan. Mas okay kaysa sa'yo. Mas nakahihigit sa'yo. Pero sa'yo lang ako nagkakaganito." desperado na nitong sabi.
"Ha? So anong ibig mong sabihin? Dapat pa akong magpasalamat na nagkagusto ka sa akin? Kung ganon naman pala na marami diyan na mas higit sa akin at mas okay bakit hindi ka sa kanila mangulit? Nang sa ganun din hindi ako nadadamay sa away niyong magpinsan!" humihingal pa siya pagkatapos ng dire-diretso niyang talak.
"That's just the point. Hindi sila ikaw!" sigaw rin nito na ikinatigil niya.
"Don't you get it? Kung sa tingin mo ay pwede kong ibaling sa iba ang pagtingin ko ay bakit ko pahihirapan ang sarili ko sa kakahabol sa'yo. At isa pa. Sorry kung nadamay ka sa galit sa akin ni Orlando. Kasalanan ko lahat ng iyon. Alam niya kasing may gusto ako sa'yo."
Lalo siyang natigilan. Alam ni Orly na may gusto sa kanya si Ronnie kaya nito ginawa iyon? Kaya siya idinamay. Ano ba si Ronnie? Bading rin? Naguguluhan ang bangs niya sa pangyayari.
"A-are you gay?"
"I don't know." sagot nito sa kanya.
"What do you mean you don't know Ronnie?"
"I don't know means I don't know. Maybe I'm gay kasi nagkakagusto ako sa kapwa lalaki kahit pa marami na rin akong nakarelasyon na babae. Some call me bisexual but I'm not really into labels Monty. Ang mahalaga, kung mahal ko, mahal ko. That simple."
Nalulula pa rin siya sa mga natutuklasan. May ganoon pala talaga. Mga AC-DC ang tawag nila ni Jordan doon. Never niyang na-imagine si Ronnie as bisexual kasi napaka-manly nito. Nalilitong tumingin siya dito.
"I don't know what to say Ronnie. The fact still remain that you deceived me. I trusted you like a friend. Even if I didn't know you at all." confused niyang sabi.
"Ang mga taong nagkakaroon ng ugnayan ay nagsisimula sa pagiging estranghero. But since you asked, I'm Ronnie Alfonso, and for starter, I am attracted to you. Can you be mine?" sabay lahad nito ng kamay.
Napamaang na naman siya dito. "Are you for real? Kakabreak ko lang sa pinsan mo!"
"Eh ano naman ngayon? Mas matagal naman na kitang minamahal at totoo kitang mahal Monty. Please say yes!"
"Ewan ko! Nililito mo ako! Tell me this is all just a joke! A big joke!" halos hysterical niyang sabi.
"I wish I was joking too. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ayoko ng nakikiusap Monty pero tinuruan mo ako nun. Hindi mo lang alam. Ang dami mong naituro sa akin ng wala kang kaalam-alam." madamdaming pahayag na naman nito.
"Bakit ba kasi pa ako ang minahal mo?" naloloka na niyang tanong.
Okray ka na teh. Maarte? Si Rubi.
"Shut up!" Hindi niya sinasadyang nasabi.
Nangunot ang noo ni Ronnie pero di nagtanong. "O bakit ka nakatahimik diyan?" puna niya.
"You told me to shut up."
"No, not you."
"Ah okay. I already told you Monty. Hindi ko kailangan ng rason para mahalin ang isang tao."
Naalala niyang iyon ng ang sagot nito sa kanya noon sa floating restaurant. Magsasalita pa sana siya ng biglang may lumabas na lalaki mula sa likuran ng motor. Naka-bike ito. At dahil nakatalikod si Ronnie ay hindi nito napansin agad iyon. May kinuhang kung ano ang lalaki at nalaman niyang camera iyon.
"Oh shit!" anang nabiglang si Ronnie.
"Diyan ka lang Monty. Babalikan kita. Kukunin ko lang iyong camera ng hayup na yun." mabilis nitong sabi saka pinaandar agad ang motor.
"Hey Ronnie wait!" usok at ugong na lang ang naiwan sa kanya.
Nayayamot na nagkamot siya ng ulo at naupo sa isang bench. Mabuti at malilim doon. Napatingala siya at pumikit ng bahagyang masilaw. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang may sumakop sa kanyang labi.
Hindi niya kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino iyon. Kilala na iyon ng puso niya. Kilalang-kilala.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment