Monday, October 20, 2014

ANG PAGGAHASA KAY NELSON 1

By: Kuya Ponse
Tipikal na sa isang pamilyang Pilipino na maging mapalad kung nakakakain ang buong pamilya ng tatlong beses sa maghapon. Ito ang tanging hangarin lang ng binatang si Nelson sa kanilang mag-iina...

Mga 'Squatters' kung ituturing ang komunidad na kinabibilangan ng pamilya ng binatang si Nelson. Ang kaniyang ina'y dating 'Prostitute' sa Angeles noong panahong kasagsagan ng pamamalagi ng hukbong sandatahan ng America sa nasabing lugar. Nabuntis ang kaniyang ina sa napakumurang edad nito't sa kasawiang palad namay napaaga ang pagbalik ng ama ng binata sa Amerika. Ito ang dahilan kung bakit lumaking walang nakagisnang ama ang binata dahil sinadyang kalimutan talaga sila ng kaniyang Amerikanong amang sundalo.

Ito rin ang dahilan kaya naman nagdesisyon ang ina ng binatang makipagsapalaran sa Maynila't sa kasawiang palad namay nabigo itong maranasan ang kaniyang mga naririnig sa karamihang maginhawa daw ang buhay sa Kamaynilaan.

Nagkaroon ng kinakasama ang ina nitong si Nelson dahil na rin sa labis itong nag-aalala para sa kaniyang panganay na bastardong anak. Inakala ni Sylvia, ang pangalan ng ina ng binata, na makakatulong at makakaginhawa ang kaniyang pakikisama kay Bogart dahil may matatag itong trabaho't marami itong mga magagandang pangakong binitawan sa kaniya noong siya'y nililigawan pa lamang nito. Nagkaroon silang dalawa ng isang anak na babae, ang nakababatang kapatid ni Nelson sa ina na si Patricia.

Hindi makapaniwala si Sylvia nang dumating ang panahong tila bumaligtad ang kanilang sitwasyon ng natanggal sa pabrika ang kinakasama niyang si Bogart. Dito nagsimulang maging lasenggo't sugarol ang kaniyang kinakasama at kinalaunan nga ay sinasaktan na siya nito. Ang pinakamasakit na naranas nitong si Sylvia'y nang sinimulan nang saktan nito ang kanyang panganay na anak na si Nelson sa tuwing malalasing ang kinakasama niya.



Mahirap ang naging desisyon ni Sylvia na lisanin at iwanan itong si Bogart at isama ang kaniyang dalawang anak na sina Nelson at Patricia. Napadpad ang mag-iina sa Payatas at dito na lumaki at nagbinata ang kaniyang panganay na bastardo.

Sa murang edad ng binatang si Nelson ay natutunan na nitong tumayo sa sarili mga paa't tumayong padre de pamilya sa kanyang nanay at bunsong kapatid. Mahal na mahal niya ang mga ito kaya naman pagkatapos maka graduate ang binata sa 'HighSchool' ay agad namang nagdesisyon itong maghanap ng trabaho.

Laking pasasalamat ng binatang si Nelson sa kaniyang nanay Sylvia dahil talagang nagsakripisyo't nagpakahirap ito sa paglalabada upang maitawid lang nitong mag-isa silang magkapatid at makapagtapos siya ng 'HighSchool'. Batid na ni Nelson ang hirap ng kanilang kinakasadlakang buhay sa lungsod. Alam din ng binatang walang magagawa ang pagmumukmok niya't pagtatanong kung bakit ganoong klase ang kanilang pamumuhay. Noong umpisa'y naiingit siya sa mga kaklase niyang mayayaman sa elementarya ngunit ito rin ang nagturo't nagpabatid kay Nelson na kailangan niyang magsumikap at magbanat ng buto para sa kaniyang nanay at bunsong kapatid na babae.

Maraming mga kapitbahay nila ang naaawa sa binatang si Nelson dahil batid nila ang istorya nito't labis nilang kilala ang pagkatao at ugali ng binata. Isang napakabuting anak at kapatid si Nelson sa kaniyang pamilya, lahat ng trabahong pwede niyang mapasuka'y kaniyang pinapakiusapan makatulong lang siya sa kaniyang labanderang nanay at upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid niyang si Patricia.

Maraming nagsasabing mga kapitbahay nila na sayang ang pagiging magandang lalake nitong si Nelson dahil nakuha ng mabait na binata sa kaniyang Amerikanong ama ang pagiging matangkad, meztiso't matipuno ng pangangatawan nito. Ang pagiging masipag at maagang pagbabanat ng buto na sinimulang gawin ni Nelson noong elementarya'y nagbunga ng isang magandang pagkakahubog ng kaniyang katawan. Labis din ang paghanga ng lahat sa mga malinaw at nakakahipnotismong pagkaBughaw ng malalamlam na mga mata ng binata. Ngunit ang pinaka higit sa lahat na hinahangaan sa binata ay tugmang- tugma ang kabutihang loob nito sa kaniyang panlabas na hitsura.

Labis ang pagpapasalamat ng binata sa kanilang kapitbahay na si Lola Trining nang binigyan siya ng puhunan para makapagtinda ng sigarilyo't candy sa lansangan. Pinalad ang matanda nang umuwi ang isa niyang anak galing sa Taiwan at nang abutan siya ng salapi nito'y si Nelson agad ang kaniyang naisip dahil tinutulungan din siyang palagi ng binata sa mga mabibigat na gawain sa bahay. Alam ni Nelson ang kabutihan ng pagtulong sa mga matatanda't mga nanganga-ilangang kapitbahay dahil hindi nito nalilimutang magsimba tuwing Linggo upang makinig ng sermon at maipagpasalamat sa Panginoon ang lahat- lahat kahit gipit at hikahos ang pinansyal nilang katayuang mag-iina. Ang mahalaga lang para sa ulira't mabait na binata'y kapiling niya ang kaniyang mga mahal sa buhay na sina nanay Sylvia't Patricia.

Naging isang pangkaraniwang tanawin na sa lansangan na makita itong si Nelson na patawid-tawid sa kalsada't nakikipagpatintero sa mga tumatakbong sasakyan upang magtinda ng sigarilyo't candy. Hindi rin nakakaligtas ang gwapo't matipunong 'American Half-Breed' sa mga alok para lang makasiping siya kahit isang gabi man lamang. Mapa babae man o lalaki'y matigas na tumatanggi ang binata dahil alam niyang wala pa siya sa wastong gulang at mahigpit na ipinagbabawal ng simbahang Katoliko't mga matatanda ang ganitong klase ng gawain...

Hindi maipaliwanag ni Nelson sa tuwing aksidenteng naiisip niya na sa kaniyang murang edad na disi-siyete anyos ay para bang napagkaitan siya ng tadhanang makaranas ng isang normal na pamumuhay sa tuwing makakasalubong niya sa lansangan ang mga kaklase niya na papasok o di kaya'y pauwi na galing sa kani- kanilang pamantasan...

Ito ang klase ng araw-araw na pamumuhay ng ulira't mabait na Takatak sa lansangan na binatang si Nelson...

Pagkaligo ni Nelson kinamadaliang araw at natapos mag-ayos ay tinungo niya ang nahihimbing na kapatid at inilapat niya ang kaniyang isang makalyong palad sa mga pisngi nito...

"Hindi na masyadong mainit si Patricia" Ani ni Nelson sa nakapikit na ina nito. Alam ni Nelson na kagaya niyang hindi nakatulog ang ina dahil sa labis na pag- aalala't pagbabantay kay Patricia.

"Magtitinda ka pa... Wala kang tulog at baka mapaano ka..."

"Huwag na po kayong mag-alala't kaya ko naman ho..."

"Lumiban ka muna't kahit ngayong lang..."

"Hindi na ho Nay... kayo po ang dapat magpahinga..."

"Sayang naman po ang maraming tao... samantalahin ko't undas ngayon..."

"Sayang ang kikitain... pag medyo madami'y bibilhan ko ng pasalubong po si Tricia..."

"Alis na po ako... nay..."

"Mag-iingat ka Nelson..."

Ito lang ang nasabi ni Sylvia sa anak bago ito lumisan upang magbanat ng buto. Wala nang magagawa pa ang ina kahit nais niyang makasama ang panganay sa araw ring yaon sa kadahilanang kailangan din namang kumita si Nelson upang makatulong lalo na't may sakit ang bunso nila. Tinabihan ni Sylvia ang nahihimbing na si Tricia at niyakap nalang niya ito't tahimik nalang siyang lumuha...

"Patawarin ninyo ang nanay mga anak... pasensya na kayo..."

Magaan ang pakiramdam ng mabait na binatang si Nelson habang naglalakad patungo sa malapit na sementeryong bayan ng Payatas. Labis siyang nag-alala kagabi sa kaniyang bunsong kapatid at pakiwari'y nabunutan siya ng isang napakalaking tinik nang bumaba na ang lagnat nito. Nagpapasalamat din siya't dininig ang kaniyang dasal dahil wala man lamang silang napainom na gamot ni isa kay Tricia.

"PSSSTTT..." Isang malakas na pagsutsot ang pumukaw sa binata na kaagad- agad namang mabilis na tinungo ni Nelson.

Labis na sumaya pang lalo ang damdamin ng binata't tila maganda ang una niyang buena-mano nang makita niyang nasa isang mamahaling Van ang taong tumawag ng kaniyang pansin. Pagkalapit na pagkalapit ni Nelson sa Van ay agad namang bumukas ang pintuan nito't agad siyang hinila ng dalawang pares ng malalakas na mga kamay papasok sa loob. Dahil sa marahas na paghila sa walang kalabang-labang binata'y na bitiwan nito ang kaniyang hawak-hawak na paninda't lumagpak at nagkalat ang mga ito sa semento. Nahubad din sa kaniyang isang paa ang isang luma niyang tsinelas na suot-suot...

Hindi na nakapanlaba't nakapalag pa ang binatang si Nelson nang takpan ng isang mamasa-masang panyo ang kaniyang ilong at bibig. Wala pang ilang saglit ay umikot na ang kanyang mga paningin habang tumatatak sa kaniyang isipan ang larawan ng mga mararahas na humahawak at pumipigil sa kaniya...

Ang matitipuno't barakong larawan ng isang Amerikano't dalawang Negro...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...