Monday, October 20, 2014

LANCE NA LANG PARA POGI 8

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
AKO: "po?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Labis ang pagkagulat na namayani sa dibdib ko. Walang kahit anung ideya ang pumapasok sa utak ko, nablangko ako sa kinatatayuan ko. Di ko namalayan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

YAYA ALICIA: "iho?.. pagpasensyahan mo na at nagmamadali lng talaga silang umalis"

AKO: "ah...ok lng po yun" sabay talikod.

Lumalabas na pinaasa lng ako ni Chris. Yun ang ideyang pumasok sa utak ko ng makalayo na ko sabahay nila. Di muna ako umuwi ng bahay, sa halip ay dumerecho ako sa bahay ante ko.

HInanap ko ang pinsan ko na si Raul para may makausap. Pero wala ito kaya dumerecho ako sa kwarto niya at nahiga doon.

AKO: "Niloko mo ako Chris.." tuluyan na akong naiyak.

Buong araw akong umiyak ng umiyak sa kwarto ni Raul. Natagpuan ako ni raul doon na tulog, ginising niya ako at tinanong kung bakit ako naroroon.

RAUL: "lando? lando?"

AKO: "hmmmmmmmmm?"

RAUL: "ba't dito ka ata naligaw sa kwarto ko?"


AKO: "wala lang.. sabihin mo kay naynay dito muna ako hanggang sa wala na kaming bisita sa bahay" at natulog ulit ako.

Kahit anung pilit sakin ni naynay na umuwi sa bahay ay hindi ak umuwi. Inabot ako ng isang linggo sa bahay ng ante ko. Mejo ok kasi ako dun, walang masyadong alaala ng mga masasakit na nakaraan.

Halos araw araw akong umiiyak sa kwarto at di rin ako kumakain. Lahat ng sama ng loob ko ay inilabas ko sa pamamagitan ng pag iyak hanggang sa wala na akong maiiyak.

"KAKALIMUTAN KO NA SI CHRIS PERO GALIT AKO SA KANYA AT HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD" yan ang mga katagang tinatak ko sa puso ko. Kumpara sa ginawa niya ay maskapata-patawad pa ang ginawa sakin ni Bugoy.

Malaki ang idinulot na pagbabago sa takbo ng buhay ko ang mga pangyayaring iyon. Binuhos ko ang bakasyon ko sa pagtatake ng entrance exams sa iba't ibang schools na pwede kong mapasukan. Lagi akong nakakulong sa bahay pag wala akong scheduled na lakad. Sa madaling salita, empyerno ang naging bakasyon ko. Lahat sa bahay ay alalang alala sa akin, pati ang ate ko bago bumalik ng ibang bansa ay nag-iiiyak muna sa dahil sa pagiging tahimik ko.

Sa lahat ng schools na pinagkuhaan ko ng exam ay napili kong mag-aral sa UBT, bukod sa malayo, alam kong malabong doon din mag-aral si Bugoy.

Sumapit ang unang araw ng pasukan. Sobrang excited ang naynay ko dahil college na ang bunso niya. Umiiyak sa kotse habang inihahatid ako.

NAYNAY: "oh yeah I can't believe it my lovable baby is college now and wearing a beautiful white uniform...huhuhuhu"

AKO: "naynay naman OA na naman, cge po kayo pag di kayo tumigil sa pag iyak babalik ako ng high school"

NAYNAY: "I'm sorry I'm just happy go lucky" sabay punas ng luha

Napabuntunghininga nalang ako sa pag eenglish ni naynay ko.

Pagdating sa school ay derecho ako sa 3rd floor, base kasi sa admission slip ko ay sa room 307 ang unang klase ko. Syempre unang araw ng pasukan kaya sa dulo muna ako naupo at pumwesto.

"Hi! pwede makiupo sa tabi mo?"

AKO: " ah ok lng tol, wala namang nakaupo"

Tiningnan ko ang lalaking ito na tumabi sa akin. Malusog na malusog, parang napabayaan ata sa kusina dahil sa katabaan. Chinito at kung titingnan ay astig na astig. Kung susumahin ay cute ito at gwapo kahit mataba.

AKO: "nga pala tol I'm Lando, Lance nalang para pogi..hehe" pagpapakilala ko

LALAKI: "ah hi Lando.. I'm Borgy, bubble nalang para cute..hehe"

AKO: "seryoso?" pagbibiro ko sabay ngiti

BUBBLE: "yup seryoso ako.. bubble kasi tawag sakin ng mommy ko, may problema ba dun tol" sabay ngiti

AKO: "ah wala...wala naman.." pigil ang sariling tumawa

BUBBLE: "alam mo ayaw ko naman talaga mag nursing kaso pinipilit ako ng mommy ko, mapipilitan tuloy akong magdiet, actually nagstart na ko magdiet last month hanggang ngayon continuous padin naman siya" pagkkwento niya

AKO: "ok lng yan.. mapapamahal ka din sa course na to bu..bubble(hehehe). Nga pala tol, pansin ko mga grinocery mo, sana mamayang uwian ka nalang namili para di hassle magdala niyan, tatlong grocery bag pa"

BUBBLE: "ah ok lng.. snack ko to, mejo kunti nga lang kasi nga as I've said. I'm on a diet. Alam mo na, ang demands ng course natin kailangan physically fit kaya kunti lng to, I'm sad nga eh sobrang hirap pag ganito kakunti lng kinakain mo bawat meal" mejo malungkot mukha niya
  
Mejo natatawa naman ako dahil sa nakikita ko, pwede na ang sampung tao sa dala-dala niyang snack.

AKO: "ah ganun ba? ok lng yan. Masasanay ka din na ganyan ka-KUNTI ang kinakain mo" sabay ngiting matatawa.

BUBBLE: "yup, mommy ko nga din, she's on a diet, kasing laki ko din kasi yun, pero ok lng kasi same diet program lng naman sinusunod namin"

AKO: "ah.. san niyo ba nakita ang DIET PROGRAM na yan tol?" pagdidiin ko..hehe

BUBBLE: "gumawa kami ng mommy ko. Ok naman diba? so effective for us you know"

AKO: "effective ba?...wahehehe lalo kang bababoy jan" sa isip ko

BUBBLE: "tol, dikit na tayo ah?.. wala kasi akong kilala sa school na to eh"

AKO: "cge tol.. ako din kasi wala"

Gumaan ang loob ko dahil sa nakakatawang si Borgy or should i say si Bubble.wahehehehe

30 kami sa klaseng iyon. Lahat mukhang mababait naman.

Kinakabahan ako, bawat subject na pinapasukan namin, lahat ng instructor gustong iparamdam na empyerno ang dadanasin namin sa kursong napili naming kunin. Pero hindi ako natinag sa mga pananakot nilang iyon..hehehe

SA CANTEEN....

AKO: "tol wait moko dito ah, bili,lng ako ng food" 

BUBBLE: "ah cge tol.. dito lng ako" sabay ngiti

Pagbalik ko sa tabble namin ni bubble ay halos matawa na naman ako.. daming pagkain at ang drinks niya ay isang 1.5 na litro ng coke na nilagyan lng ng mahabang straw.

Naging mejo normal ang takbo ng unang taon ko sa college kahit paminsan minsan ay naiisip ko pa din ang lungkot na idinulot sa akin ng pang iiwan ng mga taong minsan ay minahal ko ng todo.

Ilang buwan na ang lumipas ay mas lalong naging malapit kami ni Bubble sa isa't isa. As expected, hindi pumayat ang ungas, maintain na maintain ang katawan at walang pagbabago.wahehehe Physically malaki na pinagbago ko.

INSTRUCTOR: "next month ay gaganapin ang MR AND MISS NURSING, kailangan bawat section ay may kakatawan at napili na namin ang magmumula sa section na ito. Miss Janice at Mr. Lando, wala ng kukuntra. period period sarado kandado nasa diyos ang susi..wahahahaha" parang demonyo lang ang tawa ni sir sabay labas ng room

BUBBLE: "wow tol I'm so proud of you! akala ko nga ako ang magiging contestant eh..hehe"

AKO: "bakit dati pa ba alam mo nang may ganyang contest dito?"

BUBBLE: "yup alam ko, ako kaya nangampanya para sayo sa mga kaklase natin"

AKO: "Huh? ba't wala akong alam?"

BUBBLE: "syempre kung alam mo, papayag kaba?.. adik karin eh, kaya pinatawag kita kay sir sa faculty room kasi nagmeeting kami tungkol sa contest.wahahahaha"

AKO: "Mga walangya, pinagkaisahan niyo ko..huhu"

BUBBLE: "tol, anu pa ba dahilan para matalo ka? kumpara nung unang mga linggo mo dito eh ang laki laki ng pinagbago mo, siguro narin dahil sa impluwensya ko sayo" pagyayabang nito

AKO: "yabang ah.. pogi na talaga ako dati pa..wahehehe"

Nagsimula na din kasi akong mag gym at sinasama ako ni kuya sa mga kakikayan ng mga macho. Dun ko lng nalaman na pwede palang magpa facial ang lalaki at may mga kung anu anu din palang products na pampapogi. Mejo nakasanayan ko ng gamitin ang mga iyon.hehehe dahil sa kuya ko.

Hindi ko muna sinabi kay naynay na kasali ako sa patimpalak na iyon dahil natatakot akong baka kung anu anung ipasuot sa akin. Nakakapangilabot.

Sumunod na araw..........................

Return demonstration namin ng injection kaya pumunta ako sa botika para bumili ng PNSS para sa demonstration. May nakatabi akong bumili sa botika na Condom ang sindya. Syempre bilang wala pang karanasan sa ganung bagay ay na curious ako kaya bumili narin ako ng isa.hehehe

Binabasa ko ang label na iyon ng maramdamang kung parang may nakasunod sa akin. Nang lingunin ko ay naka white uniform na lalaking pamilyar sa akin ang mukha. Lumapit siya sa akin at Animo'y pamilyar din ako sa kanya.

LALAKI: "La..lando?"

AKO: "huh?..(at nagulat ako ng makilala ko ang lalaking ito).. Bu..bugoy?"

Nagulat ako pero pinilit kong maging pormal sa kanya at sa di maipaliwanag na pagkakataon ay parang magaan naman ang loob ko ngayong makita siya.

BUGOY: "yeah ako nga, may binili kasi ako malapit dito, wala kasi dun sa city kung san ako nag-aaral, pauwi na ko ng makita kita halos di na nga kita nakilala eh.. kumusta kana?"

AKO: "parang walang nangyari ah... nakalimutan na ata nito kung panu niya ko sinapak" sa isip ko

BUGOY: "Uy! lando..??!!"

AKO: "ah mabuti naman, "

BUGOY: "sorry ah.. wala na pala kami ni Jessa"

AKO: "ah, ganun ba?.. i'm sorry to hear that"

BUGOY: "ok lng.. sinunod ko lang payo mo nung...alam mo na yun"

AKO: "yeah.. kalimutan mo na yun.. cge una na ko"

BUGOY: "teka.. anu yan?" nagdilim ang mukha niya ng makita ang condom na hawak ko

AKO: "Saan? pagsisinungaling ko"

BUGOY: "ayan oh!! ibigay mo sa akin yan. kanino mo gagamitin yan?!!!!!!!" sabay lapit sakin para agawin ang condom

Mahigpit ang hawak ko sa condom at nilagay ko sa bulsa ko iyon pero pilit na kinukuha ni Bugoy iyon hanggang sa napaupo ako pero inaagaw padin niya iyon. Sa taranta kong mabahiran ang good image ko ay di ako pumayag na maagaw niya ang condom hanngang sa magpagulong gulong kami sa pag-aagawan.

LALAKE: "hey..hey.." sabay binunot ako sa pagkakapulupot kay Bugoy.

HInawakan naman ng isang babae si Bugoy

BABAE: "teka, dito pa kayo nag wrestling.. anung school ba kayo ha?" sabay tingin sa logo ng uniform namin.

Sa kabang masira ang reputation ko ay lumuhod ako dun sa babae at nagmakaawang wag na kaming isumbong, pati si Bugoy ay ganoon din ang ginawa..hehe 

BUGOY: "Parang awa niyo na po. Nagkakatuwaan lang po kami dito, promise.. diba tol?" sabay dilat sa akin.

AKO: "HA?"

BUGOY: "DIBA?!!!!! sabay batok "

AKO: "ah opo.. opo.. nagkakatuwaan lng kami, bestpren ko po yan eh..wahehehe"

Naiinis naman ako dun sa lalaking pamilyar ang mukha dahil kanina pa tawa ng tawa sarap hambalusin.

LALAKI: "teka anu ba mga pangalan niyo"

BUGOY: " Brent po, bugoy nalang" sabay kamot sa ulo.

AKO: "Lando po, Lance nalang para pogi..wahehe"

BABAE: "haay naku ewan sa inyo, tara na nga baby jai, hooy!!! wag na kayo mag aaway ah, papakulong ko kayo" sabay tawa ng malutong

LALAKI: "cge una na kami..wahehe jowa kayo noh?.." sabay tawa ng malakas at tumalikod na SA amin.
  
AKO: "lang hiyang lalaki yun ah?!.. pero parang pamilyar ang mukha nun.. san ko ba nakita yun" nakatingin padin ako sa nakatalikod ng lalaki

BUGOY: "lando.. bakit may ganyan kang dala-dala?" may galit na namutawi sa mukha

AKO: "ah eh..wala, bumili lng ako..tsaka bakit ba?"

BUGOY: "ganyan knba talaga ngayon ha?!!! "

AKO: "anu problema mo dito?!! Hanggang ngayon ba naman ganyan ka pa din sakin?"

BUGOY: "bahala ka nga sa sarili mo, lalo kang bumaba sa paningin ko"

BUBBLE: "Lando!!!!! andito ako!!"

Nilingon ko ang tumatakbong baboy palapit sa amin.

AKO: "Nga pala bugoy, si Bubble kaklase ko"

Halata sa mukha ni Bugoy ang pagkawindang sa pangalan ni BUbble.
AKO: "bubble si Bugoy kapitbahay namin"

BUBBLE: "Bubble pare... nice meeting you"

Bugoy: "same here!"

BUBBLE: "lando bili lng ako water ha?" sabay talikod

BUGOY: "kapitbahay lng talaga huh" sabay bitiw ng mapait na ngiti

AKO: "alam mo bugoy wala na kong pakialam kung mababa ang tingin mo sa akin , kahit pokpok pa ang tingin mo sakin wala akong pakialam. Basta alam ng diyos na wala akong entensyong masama ng binili ko to" sabay binato ko sa kanya ang condom

Dumilim naman ang mukha ni Bugoy.

AKO: "Nursing ka din pala" sabay bitiw ng sarkastikong ngiti

BUGOY: "yun kasi gusto ng.....ng... BOYFRIEND ko"

Aray!! Hindi ko alam pero parang may nagising na emosyon mula sa kaibuturan ng dibdib ko. Pakiramdam na masakit.

Pinagmasdan ko si Bugoy. Napakapogi nadin nito at mas lalong umamo ang mukha. Ito ang lalaking pinapangarap ko sa buhay pero pag aari na ulit ng iba. 

AKO: "alagaan mo siya, wag kung anu anu inaatupag mo, maging masaya kana sana" labag sa loob kung sinabi ang mga katagang iyon dahil masakit para sa akin ang mga binitiwan kung kataga.

BUGOY: "mas masaya sana kung......wala... enjoyin mo nalang mga kababuyan mo" sabay tapon ang condom

Gusto kong umiyak dahil ayaw niya akong paniwalaan pero pinilit kong maging malakas.

AKO: "sabay tayong lumaki kaya siguro naman malalaman mo kung kelan ako hindi nagsasabi ng totoo" pinilit kong wag umiyak

BUBBLE: "Lando tara na sabay na tayo bumalik sa school"

AKO: "cge bugoy ah" sabay talikod

Madilim padin ang mukha ni Bugoy ng iwan namin.

BUBBLE: "pare kaibigan mo yun?..ba't ang lungkot ng mata niya?"

AKO: "bakit mo naman nasabi?"

BUBBLE: "yan ang hidden talent ko pare, akala mo ba di ko alam na may pinagdadaanan ka nung unang beses palang tayo nagkakilala. Ganung ganun din ang mga mata mo. Parehas nung sa kanya.

AKO: "ganun lang talaga mata nun" pero sa loob loob ko ay apektado ako sa sinabing iyon ni bubble.

BUBBLE: "Ok pero sigurado akong malungkot yun"

Simula ng araw na iyon ay di na maalis sa isip ko si Bugoy, Bakit kaya siya malungkot? Di ko na kasi siya masyadong nakikita dahil sa naka dormitory siya at minsan lng umuwi at kadalasan ay di pa kami nagpapang abot ng oras ng bakante. Kahit pa nasa practice ako para sa contest ay di talaga mawaglit sa isip ko si Bugoy.

AKO: "ayoko na siyang isipin, tutal galit padin pala siya sa akin" sa isip ko pero di ko maiwaang mapaluha

Binihus ko muna pansamantala sa practice para sa patimpalak na sasalihan ko ang aking concentration dahil na din nung nalaman ng naynay ko ay puro yun nalang ang bukambibig, napakadaming bawal kainin at baka daw tumaba ako. 

Si Bubble naman ay lagi nasa likod ko at laging nakasupporta sa akin.
  
Dumating na ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Ang gabi ng patimpalak.

TRAINOR: "oh pwesto na kayo at magpplay na ang kanta para sa production number niyo"

Naglagay sila ng malaking kurtina at itataas iyon pagplay ng kantang makapanindig balahibo.hehe

HOST: "Ladies and gentlemen. The candidates for our mr and Miss Nursing in Production number!!!!!!!!!!!!"

Sumunod ang nakakabinging palakpakan at hiyawan ng mga nanonood. At nagplay na ang kanta at unti unting tumaas ang kurtina sa harap namin at palakas ng palakas ang sigawan habang unti unting kaming nakikita ng mga manonood. 

HOST: Miss Nursing candidates!!!!!!!!!!!!!!

Unang naglakad patungo sa gitna ang mga babaeng contestant at may sinayaw na step at puwesto na sa gilid.

HOST: "and our Mr. Nursing candidates!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Mas malakas ang naging sigawan lalo na ang mga kababaihan sa venue. Punong puno ang lugar. Nakangiti ako habang palapit kaming sampung contestant na lalaki sa gitna ng stage at ginawa ang step namin. Nawala na ang kaba ko nung nasa intablado na kami.

Nung turn ko nang magpakilala ay lalong lumakas ang loob ko ng madinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kaklase ko. Kitang kita ko si Bubble na dala dala ang malaki kong litrato at sumisigaw. Si naynay naman ay nasa harap at umiiyak. Si kuya naman ay busy sa pagkuha ng video na ipapadala sa ate ko.

AKO: "Lando James Trinidad, 16, One-A BSN!!!!!!!!" sabay bitiw ng ngiting tinuro sakin ng trainor na inupahan ni naynay.

Effective naman dahil lalong lumakas ang sigawan dahil sa ngiting iyon..hehehe

Sigawan lalo ang mga kklase ko ng makuha ko ang students choice award, best in talent at best in fantasy costume kung saan nakatopless lang ako at may malaking angel's wing at naka pants ng silver at kung anu anung sticker na parang tatto na nilagay sa katawan ko.

Nasama ako sa top 5 ngunit ang partner ko na babae ay hindi. Hanggang sa na isa isa ng pinaalam ang runner ups hanggang sa kung sino ang tatanghaling Mr. and Miss Nursing.

Tinangghal na Miss nuring ang isang 4th year section B. At dalawa nalang kami sa gitna ng lalaking 4th year na din. Punong puno ng tensyon ang lugar at nagkakanchawan na sa pamamagitan ng pagsigaw sa number namin ng kasama ko sa entablado.
  
HOST: "and our Mr. nursing or this year is non other than........... candidate number 7 Lando James Trinidad!!!!!!!!!"

 Sobrang bigla at tuwa ang naramdaman ko ng madinig ko ang pangalan ko. Nakita kong nagtayuan ang mga kaklase ko, pati si naynay ay tumayo. Si kuya naman ay napatalon sa tuwa.wahehehe

Nagkakasiyahan ang lahat nasa entablado kami ng tinanghal na Miss Nursing, Pagtingin ko sa gawing likod ni naynay ay nahagip ng paningin ko si Bugoy na pumapalakpak. pero ganun padin ang itsura ng mga mata niya, labis akong natuwa ng makita siya doon parang nakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman ko tuwing naalala siya.

Pero sandali lng iyon. Nakita kong may lalaking humawak sa kamay niya at inaya na siyang lumabas. Walang mapagsidlang lungkot naman ang nadama ko noon din ng makita ko silang magkahawak kamay pero di ako pwedeng magpakita ng lungkot kaya pinilit kong ngumiti muna pero sa loob loob ko ay umiiyak ang puso ko.

Pagbaba ko ng backstage ay naroon na si Bubble at niyakap niya ako.

Bubble: "pare!!!!!!!!!!!congrats!!!! saya ko!!wooohhhhhh!!!!!".. mahahalikan kita eh"

Wala sa isip kong niyakap siya at umiyak ako ng walang pakundangan. Alam kong nagtataka siya kung bakit pero wala na akong paialam.

Nung gabing iyon ay hindi ako iniwan ni Bubble, sumama siya sa bahay para doon na din magpalipas ng gabi.

SA KWARTO KO HABANG NAKAHIGA KAMI NI BUBBLE....................

BUBBLE: "tol, siya ba dahilan ba't ka umiyak?"

AKO: "anu ibig mong sabihin?"

BUBBLE: "tinitingnan kita sa stage kanina, nakatingin ka sa dako nung kapitbahay mo na nakasalubong natin sa daan dati, una nakatawa ka pero nung may humawak sa kanya na lalaki ay nagbago ang aura mo. Sabi ko naman sayo alam ko panu basahin ang mata mo eh"

AKO: "tol...."

BUBBLE: "pare ok lng naman sa akin kung sabihin mo ang totoo eh. Kung yan ang nararamdaman mo ba't ako magagalit diba? makikitid lng ang mga taong iba ang tingin sa mga lalaking nagkakagusto sa kapwa"

Wala akong nasabi sa malalim na pahayag ni Bubble.

BUBBLE: "alam mo pare, lumaki akong puro lalaki din ang nakapaligid sa akin at ni minsan hindi ako nagkagusto sa kapwa ko lalaki pero alam mo tol, nag-iba iyon few weeks ago"

AKO: "anung ibig mong sabihin tol?"

BUBBLE: "(garalgal ang boses) sa itsura ko ba naman to, magugustuhan ako ng isang tulad mo"

AKO: "TOL?......"

BUBBLE: "wag kang mag-alala, tanggap ko ng di mo ako magagawang magustuhan dahil sa sitwasyon kong to kaya kuntento na kong anjan palagi pag kailangan mo"

AKO: "derechuhin moko tol"

BUBBLE: "mahal kita Lando" natahimik na siya pero nadidinig ko ang mga hikbi niya.

AKO: "bA'T di natin subukan" 

BUBBLE: "tol?".........................................
  
Itutuloy...............................

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...